Isang buwan na ang nakalipas ng mangyari ang lahat. Nalaman din nila Dark ang nangyari at sobra ang pag aalala ni Calli sa kaibigan pero hindi pa siya makakauwi ng mga oras na 'yon dahil kabuwanan niya. Samantalang sina Cain at Monique naman ay pumunta na ng ibang bansa, hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap ng donor pero tiwala silang makakahanap din sila.
Nandito ngayon sina Jewel sa New York kasama ang kanyang mag ama, halos isang linggo na rin silang nandito at sobrang saya ni Jewel dahil sa wakas ay naging maayos na ang relasyon ni Storm sa kanyang ama.
Kasalukuyan silang nasa isang resort dahil may meeting daw dito si Thunder, hindi maintindihan ni Jewel kung bakit kailangan pati sila ay isama ng asawa gayong meeting lang naman 'yon. Sinubukan tanungin ng dalaga ang kanyang anak ngunit hindi din ito sumasagot. Nakakaramdam tuloy siya ng kakaibang kaba. Pasado ala sais na ng gabi kaya nagbihis na si Jewel, simula kaninang umaga ay hindi niya pa nakikita a
Jewel POV Limang buwan ng nakalilipas ng ikinasal ulit ksmi ni Thunder, naging maayos at masaya naman ang pamilya namin, pero hindi pa rin maiiwasan na may mga araw na nagtatampuhan o nag aaway sila, dahil hindi pa rin nawawala ang pagiging seloso at possessive nito. Nandito ako ngayon sa dining table dahil inaayos ko ang hinanda kung pagkain para sa asawa ko bilang peace offering dahil nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan no'ng isang araw. Wala din si Storm dito dahil nasa ibang bansa ito kasama ng mga magulang ni Thunder, samantalang ang mga magulang ko naman ay abala sa kanilang business sa New York. Tiningnan ko ang orasan at mag aalas diyes na ng gabi pero wala pa rin si Thunder na labis kung ikinataka dahil hindi naman ganito ka gabi ito kung umuwi. Umupo muna ako sa sala para do'n na lang maghintay, kinuha ko ang phone at tinawagan ito. "Hello," bati ng nasa kabilang linya. "What time are you going home?" i asked "Baka mamaya
Jewel POV Halos hindi ako makagalaw sa aking nakita, pati ang ingay sa loob ng bar ay biglang nawala. Kitang kita ko ang takot sa mga mata ng aking asawa at ang babae naman ay nakayuko na wari'y nahihiya dahil sa nangyari. Base sa mga bulungan ng ibang mga empleyado ay mukhang baguhan lang ito dahil hindi yata alam na may asawa na ang kanyang kinakalantari. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa nasaksihan. Hindi ko lubos maisip na magagawa pang magtaksil ni Thunder sa akin matapos ng mga pinagdaanan namin. Napangiti na lang ako ng mapait. "Bakit tumahimik kayo bigla? Com'on continue the party. Dumaan lang ako para tingnan kung ayos lang ba ang asawa ko at mukhang maayos naman siya kaya makakatulog na ako ng mahimbing," saad ko at senenyasan ang dj na muling iplay ang music. "Hon, let me explain," saad ni Thunder habang papalapit sa akin pero hindi ko na siya hinintay pa at tumalikod na ako para maglakas palabas. Lakad takbo
Thunder POV Kanina pa ako pabalik balik sa labas ng ER, hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang doctor matapos ko itong makausap kanina. Hindi ko na alam ang gagawin ko pakiramdam ko ay nawala bigla ang alak sa katawan ko. Maya maya pa ay dumating sina Dark at Cain na halos tinakasan din yata ng alak sa katawan. "Anong nangyari?" tanong ni Dark habang si Dark ay tinapik naman ang balikat ko. "Hindi ko alam, basta sumakay na lang siya sa kotse kaya sinundan ko siya tapos nakita ko na lang na bumangga siya sa isang truck," paliwanag ko. "Tiwala lang pre, malakas si Jewel hindi niya kayo iiwan ni Storm." pagpapalakas loob ni Dark sa akin. Maya maya pa ay nagbukas ang ER at lumabas dito ang doctor na kausap ko kanina. Sabat kaming tatlo na lumapit dito. "Doc. kamusta na ang asawa ko?" tanong ko. "She is stable for now Mr. Alcantara, hindi pa natin masasabi na maayos na ang lahat dahil hindi pa siya nagigising. Magcoconduct pa
Jewel POVNagising ako ng maraming mga boses na narinig, kanina ay naalala kung may itinurok sa akin ang doctor ng nagising ako kaya nakatulog ako ulit. Hindi naman talaga totoong hindi ako nakakaalala sadyang 'yon lang talaga sana ang plano kung gawin kahit ilang mga araw lang dahil ayaw kung makita o makausap si Thunder kaso ayaw ko naman na magsinungaling.Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isipan ko ang nakita ko no'ng gabing 'yon at sa tuwing nakikita ko siya o kahit marinig lang ang boses niya ay nasasaktan ako. Alam kung hindi niya ginusto ang nangyari pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi isipin.Idinilat ko na ang aking mga mata dahil mukhang hindi nila napapansin na gising na ako, unang nakapansin sa akin ay si Calli kaya mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko."Mercyl! Mabuti naman at nagising kana, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo? Naalala mo pa ba ako?" sunod sunod na tanong nito sa akin.Agad nam
Jewel POVHalos ilang oras din nanatili ang mga kaibigan namin dito sa hospital at sa tagal ng oras na 'yon ay hindi man lang umiimik si Thunder, marahil ay sinisisi niya na naman ang sarili niya dahil sa nangyari sa akin.Mayamaya pa ay nagpaalam na din ang mga ito na aalis na dahil may check up pa si Calliyah samantalang si Cain naman ay susunduin si Monique na pauwi dito dahil galing itong Paris para sa isang event."Paano alis na muna kami Mercyl ha? Magpagaling ka huwag matigas ang ulo." bulalas ni Calliyah at bumaling naman ito kay Thunder. "At ikaw naman umayos ka dahil baka sa susunod ay makakalbo na kita."Natawa naman sina Cain at Dark dahil sa sinabi ni Calli, kahit kailan talaga ang babaeng ito ay hindi maipreno ang kanyang bunganga.Naiwan kaming dalawa sa silid pero hindi pa rin kumikibo si Thunder, wala ang anak namin ngayon dahil nasa ibang bansa ito kasama ang mga lola niya. Hindi ko nga maintindihan ang mga 'yon kung bakit palagi
Thunder POV Isang buwan na ang nakalipas ng mangyari ang aksidente at masaya ako dahil naging maayos naman kami ng asawa ko at hindi na nagkaroon pa ng away sa pagitan namin dahil sa pangyayaring 'yon. Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Jewel kaya alam kung nasa baba na ito, tumayo na ako at bumaba para puntahan ang mag ina ko. Himala at isang buwan na rin naming nakakasama ang anak namin ng hindi hinihiram ng kanyang mga lola at lolo. Nang makababa ako ay dumiretso na ako agad sa dining table at naabutan ko silang dalawa do'n. "Good morning daddy." bati ng anak kung si Storm habang kumakain ng cereal. "Good morning buddy." pabalik na bati ko sa anak ko at ginulo pa ang buhok nito. Lumapit naman ako kay Jewel at hinalikan ito sa pisngi. "Good morning wife." Ngumit naman ito sa akin. "Good morning hubby. Umupo kana at ng makakain na tayo." wika niya naman. Umupo na ako at sabay sabay na kaming kumain ng almusal.
Jhazzy POV Nandito kami ngayon ng anak ko kasama si Thunder, halos tatlong linggo na simula ng nagpakilala ako sa kanya kasama ang anak niya at hindi naman ako nagkamali dahil ginagawa niya naman ang lahat ng sinasabi ko. Alam kung takot siya malaman ng asawa niya ang tungkol sa amin kaya kailangan gawin ko na ang lahat para mapaghiwalay sila. Nagshopping lang kami at binili ang mga gusto ng anak ko, ang swerte din talaga ni Jewel dahil nasa kanya na ang lahat. Well, hindi ko naman kailangan ng pera dahil meron din naman ako no'n ang kailangan ko ay si Thunder. Habang kumakain kami sa isang restaurant ay binasag ko ang katahimikan na namamayani sa amin. "Mabuti naman at tinanggap mo na anak natin." anas ko. "Walang kasalanan ang bata sa kung ano man ang nangyari sa nakaraan but don't expect too much dahil sa bata lang ako may pakialam." madiin na wika nito. "I wonder how your wife will react kapag nalaman niya ang tungkol sa anak mo sa akin."
Jewel POV Isang buwan na naman ang lumipas at ang masasabi ko ay naging maayos na ang pagsasama naming mag anak maliban na lang sa asawa ko na madalas malalim ang iniisip at isa pa ay madalas din itong umaalis kahit pa wala siyang pasok sa trabaho. Nahuhuli ko din siya minsan na may kausap sa phone na parang galit o kaya naiinis sa kanyang kausap at kapag tinatanong ko naman siya ay madalas niya lang isagot ay sa trabaho kaya hindi ko na inuulit ulit pa kahit ang totoo ay nagtataka ako. At ngayon ay nasa kwarto kami at tahimik na naman siyang nakaupo lang sa may mini sala namin dito, nilapit ko siya at tinanong. "Are you okay?" Tumingin naman ito sa akin. "Okay lang ako." maiksing sagot niya. "Ilang linggo ko ng napapansin na parang stress ka o may problema, pwede mo naman sabihin sa akin 'yon." ani ko. "Wala 'to hon, masyado lang maraming trabaho sa kompanya kaya ganito." "Saan ka nga pala nagpunta kahapon? Dumaan ako sa opisi
Ngayon ang araw ng libing nina Thunder at Jewel, limang araw lang ang ginawang burol dahil ayaw ng patagalin pa ng kanilang mga magulang at naiintidihan naman ng lahat 'yon dahil hindi madali mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung anak mo pa. Wala ng mas sasakit pa sa isang ina at ama na maglilibing ng sariling mga anak. Simula ng mamatay ang mag asawa ay nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanilang panganay na anak na si Storm, madalas na itong tahimik at nakikita na lang nilang umiiyak ito kapag nasa kwarto ng kanyang mga magulang. Sa loob ng limang araw ay hindi umaalis si Storm sa kabaong ng dalawa, palagi siyang nakaupo do'n sa tabi at pinagmamasdan ang kanyang ama at ina na payapa ng natutulog. Alam ng mga kaibigan ng mag asawa na mahihirapan si Storm na tanggapin ang nangyari lalo na't malapit ito sa kanyang mga magulang, hindi tulad ng bunsong kapatid niyang si Kiara na bata pa at hindi pa alam kung ano ang nangyayari. At ngayon ay magkakasama na sila
Nang matapos na silang kumain ay inayos na ni Thunder ang kanilang mga gamit na dadalhin sa kotse. Hindi naman sila aalis papuntang ibang bansa kung hindi ay dito lang din sa Pilipinas sa isang resort kung saan iniregalo sa kanila ng mga magulang para magkaroon daw naman sila ng oras sa isa't isa. No'ng una ay ayaw pa nila itong tanggapin dahil hindi na naman nila kailangan 'yon dahil ilang beses na din naman silang umaalis na sila lang at minsan naman ay kasama ang kanilang mga anak pero mapilit lang ang mommy ni Jewel kaya sa huli ay pumayag na din sila. "Oh paano ba 'yan iiwan na muna kayo namin at baka pagbalik namin tatlo na kami." pagbibiro ni Thunder na ikinawa nilang lahat. Agad naman siyang hinampas ni Jewel. "Akala mo ang dali lang, ikaw kaya ang manganak para maranasan mo." Nagpaalam na sila sa mga magulang at mga kaibigan nila, ang huli ay sa anak nila. "Be a good boy Storm huwag kang pasaway sa lola at lolo mo okay? Minsan nandito n
It's been a year simula ng mabiyayaan ng bagong anak ang mag asawang Thunder at Jewe. Mas lalong naging masaya ang kanilang buhat ay kontento na silang pamilya kasama ang dalawang anak nila.Tatlong linggo na simula ng makabalik sila sa Pilipinas dahil nagtagal sila sa New York ng halos 11 months dahil gusto ni Thunder na maglaan ng oras sa kanyang pamilya at wala naman naging tutol do'n ang kanyang asawa.Laking pasasalamat nila dahil sa loob ng isang taon ay walang problema na dumating sa kanila o walang taong sumubok na sumira muli sa kanila, maliban na lang sa paminsan minsan na pagkakaroon nila ng tampuhan o away na normal naman sa isang mag asawa.At ngayon ay anibersaryo ng kanilang kasal pero hindi nila ito maiicelebrate ngayon dahil bukas pa sila aalis, binigyan kasi sila ng kanilang magulang ng isang regalo para magkaroon sila ng oras sa isa't isa. Gusto nga nilang isama ang kanilang dalawang anak perp pinipigilan naman sila ng mga kaibigan.
Dumating na ang araw ng kabuwanan ni Jewel kaya mas lalong tumutok dito si Thunder, halo halo ang nararamdaman niya ngayong dahil lalabas na ang anak niya sa mga araw ba ito kaya halos lahat ay excited. Nasa sofa si Thunder ngayon sa kakabasa ng mga dokumento sa ipinasa sa kanya ng sekretarya nito. Hindi na kasi siya pumapasok sa opisina dahil sa kanyang asawa.Habang nagbabasa siya ay nakarinig siya ng malakas na sigaw na galing sa kanilang kwarto kaya mabilis siyang tumayo at tinungo ang ito dahil nando'n ang kanyang asawa.Pagpasok niya sa kwarto ay hindi niya ito makita kaya dumiretso siya sa banyo at nakitang niyang namimilipit ito sa sakit. "Whta happen hon?" tanong niya."M-manganganak na yata ako!" naiiyak na sadd nito,"What? As in now?" pagtatanong pa ni Thunder."Tangina mo talaga kahit kailan! Manganganak na nga ako kaya dalhin mo na ako sa hospital you idiot!" sigaw ni Jewel dito.Do'n lang yata natauhan si Thunder at mabilis na
Thunder POV Nagtagal pa kami ng halos isang linggo sa Baguio at katulad ng sinabi sa akin ng asawa ko ay gusto niyang si Marga naman ang tulungan ngayon kaya ang ginawa namin nakaraang araw ay ipinapunta din namin dito ang kanyang mga magulang. Hindi makapaniwala ang mga ito na muli nilang masisilayan ang kanilang anak na akala nila ay patay na. Napag usapan din nila na babalik na si Marga kasama sila at humingi din siya ng pabor na isama si Nanang sa kanila dahil wala na daw itong pamilya at hindi naman nagdalawang isip ang mga ito na sumang ayon dahil malaki ang utang na loob nila kay Nanang sa pagkupkop sa kanilang anak. At kung tatanungin niyo kung ano na ang nangyari sa amin ni Jewel ay masasabi kung maayos na kami ulit kahit na madalas siyang nagsusunget o mainit ang ulo at naiintindihan ko naman 'yon dahil buntis siya. At ngayon ay nakaayos na ang gamit niya dahil ito na ang araw na uuwi na kami sa bahay namin. Inilagay ko na sa kotse ang mga g
Thunder POVRamdam ko ang hinanakit nga asawa ko sa bawat salitang binibitawan niya, pero mas okay na 'yon para mailabas niya lahat ng saloobin niya sa akin. Masaya ako na sa wakas ay pumayag na siyang makapag usap kami sana lang ay pagkatapos nito ay maging maayos na kami ng tuluyan."Oh bakit natahimik ka? Iniinis mo ako!" wika niya at sabay na inirapan ako.Hindi ko talaga maintindihan itong asawa ko ngayon pabago bago ng ugali. Hindi ko nakikita sa kanya ang dating Jewel at nakikita ko ngayon ay isang matapang at palaban na babae."Wala naman na kasi akong sasabihi, napaliwanag ko na ang lahat sa'yo.""Oh bakit parang kasalanan ko pa ngayon?"Napailing na lang ako, kailangan ko ng mahabang pasensiya."Oh anong nangyari pagkatapos? Nasaan na ang babae mo?" dagdag niya pa.Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong babae ang pinagsasabi mo? Kung meron man akong baabe ay ikaw lang 'yon! At kung tinatanong mo si Jhazzy ay hi
Jewel POVMabilis akong pumasok sa kwarto matapos kung talikuran si Thunder, ang totoo niyan ang nabigla talaga siya dito sa bahay. Hindi ako galit sa ginawa ni Marga alam kung iniisip niya lang ako dahil madalas niya akong nakikitang umiiyak.Hindi ko lang alam kung paano matatagalan ang pakikipag usap sa asawa ko dahil hanggang ngayon ay nandito pa din ang sakit. Oo alam kung may punto siya dahil hindi ko muna siya tinanong pero hindi naman niya ako masisisi dahil kung siya din ang nasa lugar ko ay baka ito din ang gagawin niya.Namimiss ko na ang anak ko pero hindi naman ako pwedeng humarap sa kanya ng ganito ang sitwasyon namin ng daddy niya. At ayaw ko na pati siya ay maapektuhan. Habang nakaupo ako sa kama ko ay nakarinig ako ng katok at pumasok si Nanang."Iha pwede ba tayong mag usap?" tanong niya sa akin.Tumango naman ako bilang tugon at umayos ng upo."Alam ko na asawa mo ang nandito kanina at umalis na siya. Hindi sa nakiki
Margaux POVNandito na kami ngayon ni Kuya Thunder sa labas ng gate, kinakabahan ako na baka magalit sa akin si Ate Jewel pero wala na din naman akong magagawa dahil nandito na kami ngayon. Sana lang ay hindi makasama sa kanila ang pakikialam ko.Nauna muna akong pumasok at naiwan muna si Kuya sa labas para hintayin ang hudyat ko. Nakita kung nakaupo sa sala silang dalawa ni Nanang."Oh Marga nandito kana pala. Akala ko mamaya ka pa uuwi." anas ni Nanang."Hindi naman Nang, may pinuntahan lang ako ang totoo niyan ay may kasama po ako ngayon." wika ko naman."Sino? Boyfriend mo ba? Ikaw ha." pang aaasar naman sa akin ni Ate Jewel, kung alam mo lang na asawa mo ang nandiyan."Aba'y nasaan? Bakit hindi mo pinapasok?" saad ni Nanang."Oo nga po eh, wait at tatawagin ko siya." nahihiyang turan ko at naglakad pabalik sa labas.Nakita ko naman si Kuya Thunder na tahimik lang habang hinihintay ako."Kuya pasok na tayo." pag aya
Margaux POVNandito lang ako nakatayo sa gilid veranda kung nasan nakaupo si ate Jewel, kita ko sa kanyang mukha ang lungkot at pangungulila. Madalas ay ganito lang siya araw araw nakatulala o di kaya ay nasa kwarto lang. Hindi ko makita ang masiyahing babae na kilala ko.Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko kahit ang sabi ko noon ay ayaw kung pangunahan si ate sa magiging desisyon niya, pero sa nakikita ko ay mukhang kailangan niya sa kanyang tabi si Kuya Thunder.Noong isang araw ko pa kinuha ang numero nito sa phone ni Ate Jewel no'ng hiniram ko ito sinabi kung makikitext ako dahil nawalan ako ng load pero ang totoo no'n ay kinuha ko lang talaga ang kanyang number para madali ko siyang makausap. Alam kung magugulat 'yon kapag nalaman niya na buhay pa ako pero hindi 'yon ang mahalaga sa ngayon kung hindi si ate.Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko, tatawagan ko si Kuya Thunder para ipaalam sa kanya kung nasaan si Ate, kailangan na nil