Jewel POV
Nagising ako ng maraming mga boses na narinig, kanina ay naalala kung may itinurok sa akin ang doctor ng nagising ako kaya nakatulog ako ulit. Hindi naman talaga totoong hindi ako nakakaalala sadyang 'yon lang talaga sana ang plano kung gawin kahit ilang mga araw lang dahil ayaw kung makita o makausap si Thunder kaso ayaw ko naman na magsinungaling.
Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isipan ko ang nakita ko no'ng gabing 'yon at sa tuwing nakikita ko siya o kahit marinig lang ang boses niya ay nasasaktan ako. Alam kung hindi niya ginusto ang nangyari pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi isipin.
Idinilat ko na ang aking mga mata dahil mukhang hindi nila napapansin na gising na ako, unang nakapansin sa akin ay si Calli kaya mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Mercyl! Mabuti naman at nagising kana, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo? Naalala mo pa ba ako?" sunod sunod na tanong nito sa akin.
Agad nam
Jewel POVHalos ilang oras din nanatili ang mga kaibigan namin dito sa hospital at sa tagal ng oras na 'yon ay hindi man lang umiimik si Thunder, marahil ay sinisisi niya na naman ang sarili niya dahil sa nangyari sa akin.Mayamaya pa ay nagpaalam na din ang mga ito na aalis na dahil may check up pa si Calliyah samantalang si Cain naman ay susunduin si Monique na pauwi dito dahil galing itong Paris para sa isang event."Paano alis na muna kami Mercyl ha? Magpagaling ka huwag matigas ang ulo." bulalas ni Calliyah at bumaling naman ito kay Thunder. "At ikaw naman umayos ka dahil baka sa susunod ay makakalbo na kita."Natawa naman sina Cain at Dark dahil sa sinabi ni Calli, kahit kailan talaga ang babaeng ito ay hindi maipreno ang kanyang bunganga.Naiwan kaming dalawa sa silid pero hindi pa rin kumikibo si Thunder, wala ang anak namin ngayon dahil nasa ibang bansa ito kasama ang mga lola niya. Hindi ko nga maintindihan ang mga 'yon kung bakit palagi
Thunder POV Isang buwan na ang nakalipas ng mangyari ang aksidente at masaya ako dahil naging maayos naman kami ng asawa ko at hindi na nagkaroon pa ng away sa pagitan namin dahil sa pangyayaring 'yon. Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Jewel kaya alam kung nasa baba na ito, tumayo na ako at bumaba para puntahan ang mag ina ko. Himala at isang buwan na rin naming nakakasama ang anak namin ng hindi hinihiram ng kanyang mga lola at lolo. Nang makababa ako ay dumiretso na ako agad sa dining table at naabutan ko silang dalawa do'n. "Good morning daddy." bati ng anak kung si Storm habang kumakain ng cereal. "Good morning buddy." pabalik na bati ko sa anak ko at ginulo pa ang buhok nito. Lumapit naman ako kay Jewel at hinalikan ito sa pisngi. "Good morning wife." Ngumit naman ito sa akin. "Good morning hubby. Umupo kana at ng makakain na tayo." wika niya naman. Umupo na ako at sabay sabay na kaming kumain ng almusal.
Jhazzy POV Nandito kami ngayon ng anak ko kasama si Thunder, halos tatlong linggo na simula ng nagpakilala ako sa kanya kasama ang anak niya at hindi naman ako nagkamali dahil ginagawa niya naman ang lahat ng sinasabi ko. Alam kung takot siya malaman ng asawa niya ang tungkol sa amin kaya kailangan gawin ko na ang lahat para mapaghiwalay sila. Nagshopping lang kami at binili ang mga gusto ng anak ko, ang swerte din talaga ni Jewel dahil nasa kanya na ang lahat. Well, hindi ko naman kailangan ng pera dahil meron din naman ako no'n ang kailangan ko ay si Thunder. Habang kumakain kami sa isang restaurant ay binasag ko ang katahimikan na namamayani sa amin. "Mabuti naman at tinanggap mo na anak natin." anas ko. "Walang kasalanan ang bata sa kung ano man ang nangyari sa nakaraan but don't expect too much dahil sa bata lang ako may pakialam." madiin na wika nito. "I wonder how your wife will react kapag nalaman niya ang tungkol sa anak mo sa akin."
Jewel POV Isang buwan na naman ang lumipas at ang masasabi ko ay naging maayos na ang pagsasama naming mag anak maliban na lang sa asawa ko na madalas malalim ang iniisip at isa pa ay madalas din itong umaalis kahit pa wala siyang pasok sa trabaho. Nahuhuli ko din siya minsan na may kausap sa phone na parang galit o kaya naiinis sa kanyang kausap at kapag tinatanong ko naman siya ay madalas niya lang isagot ay sa trabaho kaya hindi ko na inuulit ulit pa kahit ang totoo ay nagtataka ako. At ngayon ay nasa kwarto kami at tahimik na naman siyang nakaupo lang sa may mini sala namin dito, nilapit ko siya at tinanong. "Are you okay?" Tumingin naman ito sa akin. "Okay lang ako." maiksing sagot niya. "Ilang linggo ko ng napapansin na parang stress ka o may problema, pwede mo naman sabihin sa akin 'yon." ani ko. "Wala 'to hon, masyado lang maraming trabaho sa kompanya kaya ganito." "Saan ka nga pala nagpunta kahapon? Dumaan ako sa opisi
Thunder POV Kasalukuyan na akong nasa opisina, pinirmahan ko lang ang mga naiwan kahapon para matapos na at makauwi na ako ng maaga. Gusto kung bumawi sa asawa ko dahil hindi ko na siya nabibigyan ng oras nitong mga nakaraang linggo. Sa totoo lang gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo pero sa tuwing kasama ko na siya ay naduduwag ako lalo na no'ng sinagot niya ang tanong ko kagabi mas lalo akong nahirapan na sabihin sa kanya. Ayaw kung mawala ng tuluyan ang mag ina ko at masira ang pamilya ko. Nakausap ko na din ang binayaran ko para alamin ang tungko kay Jhazzy at sa anak niya pero sa sunod na linggo pa daw niya makakalap ng buo ang lahat ng impormasyon na kailangan ko, kating kati na akong malaman ang totoo dahil hanggang hindi 'yon lumalabas ay hindi matatahimik ang buhay ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng magbukas ang pinto at pumasok si Dark, masasabi ko na ang laki na din ng pinagbago ng kaibigan ko na ito. Hindi na kami katulad ng
Jewel POVPumunta muna ako ng mall para mag grocery, mabuti na lang at may kasama akong driver kaya hindi ako nahirapan sa mga pinamili ko ng maisakay niya 'yon sa kotse ay pinauna ko na siyang umuwi, pagkatapos ay nag ikot ikot na muna ako at dahil tanghali na ay naghanap na lang muna ako ng pwedeng pagkainan medyo nagututom na din kasi ako.Pinii kung kumain na lang sa seafood restaurant, hindi ko din alam basta ito ang gusto ng panlasa ko. Naghanap na ako ng bakanteng table at saka may lumapit sa akin na waiter at kinuha ang order ko. Habang naghihintay ako ay kinuha ko muna ang phone ko para tingnan kung may text ang asawa ko.Mayamaya pa ay may lumapit sa akin na babae. "Hi, may kasama ka ba?" tanong nito sa akin.Umiling naman ako. "Mag isa lang naman ako." sagot ko sa kanya."Pwede bang makishare ng table? Wala na kasing bakante eh."Ngumiti naman ako. "Sure, walang problema." sagot ko naman at saka umupo na siya.Kagaya ng nan
Thunder POV Kanina ko pa tinatawagan si Jhazzy pero ang tagal sagutin, nakakainis na talaga ang babaeng 'yon. Mabuti na lang at kasama ko ngayon si Dark dahil hinatid niya lang naman si Calli at bumalik na din siya sa kanyang opisina kaya nakiusap ako sa kanya na ihatid muna pauwi ang dalawa dahil susunduin ko pa ang asawa ko. Mayamaya pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang babaeng kanina ko pa hinihintay. "Bakit ang tagal mo? Alam mong may pupuntahan pa ako." anas ko sa kanya. "May binili lang ako at nagkita kami ng kaibigan ko, nahihiya naman akong iwan siya aga." paliwanag niya. "Aaalis na ako, okay na naman siya sabi ng doctor at kumain na din siya. Pwede na kayong makauwi kapa nagising siya. Si Dark na ang maghahatid sa inyo." kako at tumayo na. "No need na, may dala naman akong kotse kaya hindi na kailangan na ihatid pa ako ng kaibigan mo." "It's up to you. Aalis na ako dahil naghihintay pa ang asawa ko. Let's go bro." pag
Jewel POV Kakarating lang namin sa bahay, tinulungan ko na ang asawa ko na dalhin ang mga pinamili ko para hindi na siya mahirapan pa. Sabay na kaming pumasok sa loob na dalawa. Inilapag ko muna ang mga bags sa sala namin dahil nakaramdam ako ng pagod gawa ng kakaikot kanina sa mall. Mayamaya pa ay lumapit sa akin ang asawa ko at inilahad ang kanyang kamay na ikinataka ko. "Why?" tanong ko sa kanya at tumayo habang inaabot sa kanya ang kamay ko. "Basta." yan lang ang sagot niya at saka tinakpan ang mga mata ko. "Hoy Thunder ano na naman ito?" anas ko at tumawa lang siya. Inalalayan niya ako na maglakad kung saan na hindi ko alam. "Dahan dahan lang ha." wika niya. "Kapag ako nadapa malalagot ka talaga sa akin." "Easy hon, hindi ko naman hahayaan na mangyari 'yon." sagot niya naman. Hinayaan ko na lang siya sa kung ano man ang plano niya at sinundan ko na lang ang bawat sinasabi niya. Mayamaya pa ay huminto na kami, wala