Jewel POV
Kakarating lang namin sa bahay, tinulungan ko na ang asawa ko na dalhin ang mga pinamili ko para hindi na siya mahirapan pa. Sabay na kaming pumasok sa loob na dalawa. Inilapag ko muna ang mga bags sa sala namin dahil nakaramdam ako ng pagod gawa ng kakaikot kanina sa mall.
Mayamaya pa ay lumapit sa akin ang asawa ko at inilahad ang kanyang kamay na ikinataka ko. "Why?" tanong ko sa kanya at tumayo habang inaabot sa kanya ang kamay ko.
"Basta." yan lang ang sagot niya at saka tinakpan ang mga mata ko.
"Hoy Thunder ano na naman ito?" anas ko at tumawa lang siya.
Inalalayan niya ako na maglakad kung saan na hindi ko alam. "Dahan dahan lang ha." wika niya.
"Kapag ako nadapa malalagot ka talaga sa akin."
"Easy hon, hindi ko naman hahayaan na mangyari 'yon." sagot niya naman.
Hinayaan ko na lang siya sa kung ano man ang plano niya at sinundan ko na lang ang bawat sinasabi niya. Mayamaya pa ay huminto na kami, wala
Jewel POVAng bilis lumipas ng mga araw at ngayon ay sabado na naman, namimiss ko na ang anak ko kahit kasama naman namin siya nitong mga nakaraang araw. Hiniram na naman kasi siya ng kanyang lolo at lola.Nasa tabi ko ngayon ang asawa ko na hanggang ngayon ay tulog pa, marahil ay madami na naman trabaho sa opisina. Pero ayos lang kasi sa susunod na linggo ay magbabakasyon kaming mag anak 'yon kasi ang gusto ni Thunder.Dahan dahan kung tinanggal ang kamay nitong nakayakap sa akin at bumango na, dahil maaga pa naman ay ako na lang ang magluluto ng almusal. Hahayaan ko na lang muna matulog ang asawa ko dahil pagod din ito kaya mas mabuting makapagpahinga muna siya.Naalala ko din pala na kagabi ay tumawag sa akin si Jhazzy at nangangamusta, niyaya ko pa siyang dumalaw dito sa bahay at pupunta 'yon dito mamaya kaya kailangan makapagluto na ako at makapa ayos.Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na, pero pagpasok ko ng kusina ay nagsisimula ng magluto
Jewel POV Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng mas maging close pa kami ni Jhazzy dahilan para madalas din kaming magbangayan ni Thunder, hindi ko maintindihan kung bakit mainit ang dugo niya kay Jhaz gayo'ng mabait naman ito. Katulad na lang kahapon na niyaya ako ni Jhazzy para mag mall at no'ng makauwi ako at nalaman ng asawa ko kung sino ang kasama ko ay nagkasagutan na naman kami, madalas ko din itanong sa kanya kung bakit ayaw niya na maging kaibigan ko 'yon pero ang sinasagot niya lang ay wala siyang tiwala. Minsan ko na din silang nahuli na parang may pinag uusapan o kaya nagtatalo, hindi ko naman malaman kung ano ang dahilan dahil kapag nagtatanong naman ako ay pareho silang iiwas. Minsan iniisip ko na nagiging unreasonable na ang asawa ko pero ayaw ko naman na balewalain ang mga sinasabi at nararamdaman niya. Kaya minsan mas pinipili ko na lang na manahimik para hindi na kami magbangayan. Kasalukuyan akong nasa banyo dahil nag
Jhazzy POVAlam kung nakita ni Jewel ang wallpaper ko, sinadya ko talagang palitan 'yon bago kami nagkita at iniwan sa table namin bago ako nagpaalam na aalis. Hindi naman talaga ako totoong magbabanyo 'yon lang ang sinabi ko para makaalis ako, naghintay pa ako ng ilang minuto bago bumalik sa table namin ng masigurado kung nakita niya na ito.Alam kung magtatanong siya tungkol sa ama ng anak ko at ito na din ang tamang panahon para malaman niya ang totoo, tapos na ang isang buwan na paghihintay ko at ayaw ko ng patagalin pa ito. Sa totoo lang mabait naman si Jewel ang problema lang ay siya ang naging asawa ng lalaking mahal ko kaya kailangan niya mawala sa landas ko.Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan namin na maglakad lakad muna, kanina pa tahimik si Jewel at alam kung nag iisip siya tungkol sa kanyang nakita.Habang nasa bench kami ay tumunog ang phone ko at nakita kung si Thunder ang tumatawag, sumilay ang ngiti sa aking labi, hindi na ako mahih
Dark POVNapadaan ako sa starbucks dahil bumili muna ako ng kape, pupunta kasi ako ngayon sa opisina ni Thunder dahil may pag uusapan kami at nabanggit niya sa akin na baka bukas ay malaman niya na ang totoo.Pagkakuha ko ng order ko ay agad akong lumabas at sumakay sa kotse ko, pero bago pa ako makaalis ay nakita ko si Jewel na pasakay ng isang taxi at kasunod nito ay si Jhazzy na nakangiti, hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko ngayon.Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Thunder pero hindi nito sinasagot kaya inistart ko na lang ang kotse ko at nagdrive papunta sa kanyang kompanya. At dahil hindi naman kalayuan ito sa lugar kung nasaan ako ay mabilis akong nakarating. Nagpark lang ako at dumiretso na sa pagpasok.Hindi na ako nag abala pang magtanong sa kanyang sekretarya at dumiretso na ako sa opisina ng kaibigan ko, pagpasok ko ay nakita ko siyang seryosong nakatingin sa kanyang laptop at mukhang hindi napansin ang pagpasok ko."Ang busy
Thunder POVNasa gano'ng pwesto kami ni Dark ng lumapit sa amin ang isa sa mga katulong namin. "Sir may naghahanap po sa inyo." magalang na turan niya.Agad naman ako napalingon sa taong nasa likuran niya at nakita ko ang private investigator na inutusan ko na alamin lahat ng tungkol kay Jhazzy."Good afternoon Sir, ilang beses ako tumawg sa inyo pero hindi kayo sumasagot kaya nagpunta ako sa opisina mo pero ang sabi ng sekretarya niyo ay umuwi na kayo. Kaya dito na lang ako nagpunta.""May balita na ba sa pinapagawa ko sayo?" tanong ko ng makaupo na kami.Iniabot niya naman sa akin ang envelop. "Nandiyan po ang tungkol kay Jhazzy Villegas at kasama na din ang DNA result Sir."Mabilis ko naman kinuha ito at binuksan, ng mabasa ko ang nakalagay dito ay nagsimula ng manginig ang mga kamay ko sa labis na galit. Mapapatay ko talaga ang babaeng 'yon!"This is bullshit! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, sinungaling talaga ang babaeng 'yon!"
Jewel POVKadarating ko lang sa Baguio mabuti na lang at mabilis ang naging byahe kahit na maga pa ang mga mat ko ay pinilit ko talagang makaalis at makalayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta may mahanap lang ako na pwedeng marentahan dito ay maayos na sa akin.Gusto ko munang makapag isip sip dahil sa ngayon ay magulo ang isipan ko at gusto ko ng peace of mind. Habang naglalakad lakad ako ay may nakabangga akong babae na may mga dala. "Ay sorry po, hindi ko po kayo napansin." hinging paumanhin ko."Ayos lang iha, hindi din kita napansin dahil sa iba ako nakatingin. Mukhang may hinahanap ka iha?" tanong nito sa akin.Nagkamot naman ako sa ulo ko. "Ah eh, meron nga po, naghahanap kasi ako ng pwedeng marentahan eh." sagot ko naman."Bago ka lang ba sa lugar na ito?""Opo eh." anas ko."Pwede ka sa bahay, mayroon pang bakanteng kwarto do'n pero hindi nga lang kalakihan at kung gusto mo naman ay may hotel sa kabilang barangay." w
Margaux POV Hindi ko naisip na darating ang araw na magkikita muli kami ni ate Jewel, hindi ko akalain na mapupunta siya kung nasaan man ako. Matagal na akong namumuhay kasama si Nanang, no'ng mga panahon na akala ko ay mamatay na ako ay maswerteng nakaligtas ako bago pa sumabog ang kotse. Nawalan ako ng malay kaya hindi ko na alam ang nangyari at ng magising ako ay nasa hospital na ako at do'n ko nakilala si Tatang na siyang nagligtas sa akin, siya ay asawa ni Nanang. Sila ang nandiyan ng mga panahong nagpapagaling pa ako at kinupkop nila ako pero namatay si Tatang dahil sa isang aksidente at naiwan na lang kaming dalawa ni Nanang, malaki ang utang na loob ko sa kanila, kung hindi dahil sa kanila ay baka tuluyan na akong namatay. Nakiinig lang ako sa kwento ni Ate Jewel at ramdam ko ang sakit na dinadamdam niya, alam kung isa ako sa nagpahirap sa kanya noon at masasabi ko na hindi niya deserve ang masaktan ng ganito dahil isa siyang mabait na tao. Ng matapos
Thunder POVNandito ako ngayon sa harap ng mga magulang ni Jewel, after a week na hindi pa din bumabalik ang asawa ko at hindi ko pa rin siya nahahanap ay pinaalam ko na sa kanila. Gusto ko kasi na iwan muna si Storm sa kanila dahil hahanapin ko ni Kewel."Isang linggo na pala na nawawala ang anak ko at ngayon mo lang sinabi?" galit na wika ni Papa, ama ni Jewel."Akala ko kasi Pa na babalik siya pero pinapahanap ko na din siya at ngayon kaya nandito ako para makiusap kung pwede na kayo na muna bahala sa anak namin dahil ako na ang maghahanap sa asawa ko." ani ko."Be sure na maibalik mo ang anak ko Thunder kung hindi ay hindi mo na sila makakasama pa kahit ang anak mo kapag hindi nakita ang anak ko." anas ni Papa.Mabilis naman na hinagod ni Mama ang likod ng kanyang asawa ." Calm down honey, narinig mo naman ang sinabi ni Thunder na hahanpin niya ang anak natin, hindi niya naman hahayaan na magulo na naman ang pamilya niya. Natural lang sa mag as