It's been a year simula ng mabiyayaan ng bagong anak ang mag asawang Thunder at Jewe. Mas lalong naging masaya ang kanilang buhat ay kontento na silang pamilya kasama ang dalawang anak nila.
Tatlong linggo na simula ng makabalik sila sa Pilipinas dahil nagtagal sila sa New York ng halos 11 months dahil gusto ni Thunder na maglaan ng oras sa kanyang pamilya at wala naman naging tutol do'n ang kanyang asawa.
Laking pasasalamat nila dahil sa loob ng isang taon ay walang problema na dumating sa kanila o walang taong sumubok na sumira muli sa kanila, maliban na lang sa paminsan minsan na pagkakaroon nila ng tampuhan o away na normal naman sa isang mag asawa.
At ngayon ay anibersaryo ng kanilang kasal pero hindi nila ito maiicelebrate ngayon dahil bukas pa sila aalis, binigyan kasi sila ng kanilang magulang ng isang regalo para magkaroon sila ng oras sa isa't isa. Gusto nga nilang isama ang kanilang dalawang anak perp pinipigilan naman sila ng mga kaibigan.
Nang matapos na silang kumain ay inayos na ni Thunder ang kanilang mga gamit na dadalhin sa kotse. Hindi naman sila aalis papuntang ibang bansa kung hindi ay dito lang din sa Pilipinas sa isang resort kung saan iniregalo sa kanila ng mga magulang para magkaroon daw naman sila ng oras sa isa't isa. No'ng una ay ayaw pa nila itong tanggapin dahil hindi na naman nila kailangan 'yon dahil ilang beses na din naman silang umaalis na sila lang at minsan naman ay kasama ang kanilang mga anak pero mapilit lang ang mommy ni Jewel kaya sa huli ay pumayag na din sila. "Oh paano ba 'yan iiwan na muna kayo namin at baka pagbalik namin tatlo na kami." pagbibiro ni Thunder na ikinawa nilang lahat. Agad naman siyang hinampas ni Jewel. "Akala mo ang dali lang, ikaw kaya ang manganak para maranasan mo." Nagpaalam na sila sa mga magulang at mga kaibigan nila, ang huli ay sa anak nila. "Be a good boy Storm huwag kang pasaway sa lola at lolo mo okay? Minsan nandito n
Ngayon ang araw ng libing nina Thunder at Jewel, limang araw lang ang ginawang burol dahil ayaw ng patagalin pa ng kanilang mga magulang at naiintidihan naman ng lahat 'yon dahil hindi madali mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung anak mo pa. Wala ng mas sasakit pa sa isang ina at ama na maglilibing ng sariling mga anak. Simula ng mamatay ang mag asawa ay nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanilang panganay na anak na si Storm, madalas na itong tahimik at nakikita na lang nilang umiiyak ito kapag nasa kwarto ng kanyang mga magulang. Sa loob ng limang araw ay hindi umaalis si Storm sa kabaong ng dalawa, palagi siyang nakaupo do'n sa tabi at pinagmamasdan ang kanyang ama at ina na payapa ng natutulog. Alam ng mga kaibigan ng mag asawa na mahihirapan si Storm na tanggapin ang nangyari lalo na't malapit ito sa kanyang mga magulang, hindi tulad ng bunsong kapatid niyang si Kiara na bata pa at hindi pa alam kung ano ang nangyayari. At ngayon ay magkakasama na sila
Flashback . . .Naalala ko pa noong mga unang linggo naming magkasama sa iisang bahay. Habang nakaupo ako sa sofa ay nakita ko siyang pababa ng hagdan at base sa ayos niya ay aalis ito. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa pwesto ko."Wala kang karapatan na tanungin ako kung saan ako pupunta! Wala kang pakialam," sigaw nito sa akin."Nagtanong lang naman ako para malaman ko kung anong oras ka uuwi." nakayukong saad ko.Mabilis naman itong naglakad palapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang panga ko. "Gusto mo talagang malaman kung saan ang punta ko? Maghahanap ng babae na hindi katulad mong desperada!"Ramdam ko ang pagsakit ng panga ko dahil sa diin ng pagkakahawak nito. Inaamin kung nasasaktan ako sa mga sinasabi niya sa akin pero wala akong magawa kung hindi tanggapin ang lahat ng ito dahil mahal ko siya.Maya maya pa ay napasalampak na lang ako sa sofa ng marahas niya akong binitawan at itinulak. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapaiyak dahil sa ginawa ni
Kinaumagahan ay tanghali na nagising si Jewel dahil hindi kaggad ito nakatulog ng bumalik siya sa kanyang kwarto matapos nitong puntahan asawa sa silid nito. Mabilis itong lumabas ng kwarto para tingnan ang asawa kung naroon paba ito o umalis na naman. Napadaan siya sa kwarto nito nang nakarinig ako ng kakaibang ingay na nagmula roon. Naglakad pa ito papalapit sa pintuan para tingnan kung ano ang nangyayari. "T-thunder! Ahh Ahh, Fuck baby, Yeah that's it! Fuck me harder. Oh shit.." boses ng isang babae "Ahh fuck shit! Harder please baby, Ugh! Faster faster.. Oh oh.. Ahh.. I'm cu-cumming." "Oohh scream my name bitch! Let's cum together." Napasinghap ito sa mga ungol na narinig niya, para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. Habang nakatayo sa harap ng pinutan ng kwarto ng asawa niyang nagpapakasarap kasama ang ibang babae. Parang pinupunit pira-piraso ang
Nandito ngayon si Thunder sa opisina niya na pag mamay ari ng pamilya nila, simula ng maikasal sila ni Jewel ay siya na ang pinahawak ng daddy niya. Nakakaramdam na ito ng pagkairita dahil wala naman siyang maisip gawin dahil natapos na ang board meeting nila at napirmahan niya na rin ang mga papeles na binigay ng sekretarya niya. Nasa isip ng binata na maaga pa para mag bar at uminom pero kung sa pambabae naman ay pwede na rin ng ganitong oras. Mas madali kasing makahanap ng babae kung kailan niya lang gugustuhin, babaeng pwedeng pagsawaan ang katawan at pagkatapos ay pwede ng iwan agad. Ang bibilis kasi nitong bumigay pag lalaki na ang kaharap, konting bola mo lang sa kanila ay bubuka na agad, minsan sila pa ang nauunang magbigay motibo. Pero mas gugustuhin pa ng binata na mambabae o mag bar ngayon kesa ang umuwi sa bahay nila lalo na kung ganito kaaga, masisira lang ang araw niya pag makikita nito a
Namamaga ang mga mata ng dalaga ng makarating siya sa Light bar at dahil hindi pa naman masyadong gabi ay iilan pa lang ang mga tao na nando'n. Umupo siya sa bar counter at nag order agad ng alak. Gusto niyang mabawasan o makalimutan kahit pansamantala lang ang nasaksihan niya ngayong araw, ngunit kahit anong pilit niyang iwaksi ito sa isipan niya hindi niya magawa. Sobrang sakit! 'Yon ang nananalaytay sa buong pagkatao niya ngayon. Ang makita ang asawa mo na may kasamang iba ay masakit na pero mas doble ang sakit pag nakita mo ng harap harapan ang asawa mong nakikipagtalik sa ibang babae. Oo nga at sanay na ang dalaga na halos araw araw ay may kinikita ang asawa niya na babae pero ni minsan hindi niya pa nasaksihan ang ganito simula ng maikasal sila isang taon na ang nakakalipas. Ano ba kasing pwede kung gawin para mawala ang sakit? Hindi ko siya kayang iwan dahil mahal ko siya. Kahit pa sabihin ng iba na napakamartyr
Nagising ang dalaga sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Bumangon siya habang kinukusot-kusot ang mga mata, ramdam niya ang pananakit ng kanyang buong katawan at ang pamamaga ng kanyang pisngi. Nagmadali siyang bumangon para tingnan kung gising na ang kanyang asawa, pero ilang beses niya itong kinatok ngunit walang sumasagot kaya dahan-dahan niyang pinihit ang pinto. Sumalubong sa kanya ang pabangong gamit ng asawa na naiwan sa loob ng kwarto. Pumasok siya para makasiguradong wala ang asawa nito. Ang nakita niya lang ay ang mga nakakalat na bote ng alak at ang magulo nitong kama. Agad namang nilinis ng dalaga ang mga nakakalat sa sahig nito at pagkatapos ay sinunod na ayusin ang gulo gulong kama. Pinalitan niya ang mga unan ng punda pati ang bed sheet at kumot. Nang natapos na siya ay lumabas na ito at bumaba para magluto ng almusal. Abala siya sa paghihiwa ng mga sangkap ng lulutuin niyang afritada ng biglang tumunog ang kanyang telepono.
Calleigh POV Mabilis na pumasok sa starbucks si Jewel dahil excited siyang makitang muli ang kanyang kaibigan. At ng makita niya ito ay agad agad siyang lumapit at niyakap ito ng mahigpit. "Hindi naman halatang sobra mo akong namiss." saad ko. "Ang tagal mo kayang nasa ibang bansa. Psh!" sabi niya sabay irap sa akin Hindi ako umimik sa kanyang sinabi kaya nagtaka siya. "Oh bakit natahimik ka yata?" tanong nito sa akin. Ngunit matamang tinitingnan ko lang siya habang sinusuri ng mabuti. Hinawakan ko pa ang kanyang mukha. Agad niya naman tinanggal ang kamay ko. "Hoy napapano kaba, ha? Epekto ba 'yan ng mahabang byahe?" pagbibiro nito Ngunit nanatiling seryoso lang akong nakatingin sa kanya. "Are you sure na okay ka lang Jewel? Look at you now, ibang iba kana." "What do you mean iba?" tanong niya "Tingnan mo ang sarili mo sa salamin para maintindihan mo ang ibig kung sabihin. Seriously? What are you doing to yourself? Hind