Jewel POV
Kadarating ko lang sa Baguio mabuti na lang at mabilis ang naging byahe kahit na maga pa ang mga mat ko ay pinilit ko talagang makaalis at makalayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta may mahanap lang ako na pwedeng marentahan dito ay maayos na sa akin.
Gusto ko munang makapag isip sip dahil sa ngayon ay magulo ang isipan ko at gusto ko ng peace of mind. Habang naglalakad lakad ako ay may nakabangga akong babae na may mga dala. "Ay sorry po, hindi ko po kayo napansin." hinging paumanhin ko.
"Ayos lang iha, hindi din kita napansin dahil sa iba ako nakatingin. Mukhang may hinahanap ka iha?" tanong nito sa akin.
Nagkamot naman ako sa ulo ko. "Ah eh, meron nga po, naghahanap kasi ako ng pwedeng marentahan eh." sagot ko naman.
"Bago ka lang ba sa lugar na ito?"
"Opo eh." anas ko.
"Pwede ka sa bahay, mayroon pang bakanteng kwarto do'n pero hindi nga lang kalakihan at kung gusto mo naman ay may hotel sa kabilang barangay." w
Margaux POV Hindi ko naisip na darating ang araw na magkikita muli kami ni ate Jewel, hindi ko akalain na mapupunta siya kung nasaan man ako. Matagal na akong namumuhay kasama si Nanang, no'ng mga panahon na akala ko ay mamatay na ako ay maswerteng nakaligtas ako bago pa sumabog ang kotse. Nawalan ako ng malay kaya hindi ko na alam ang nangyari at ng magising ako ay nasa hospital na ako at do'n ko nakilala si Tatang na siyang nagligtas sa akin, siya ay asawa ni Nanang. Sila ang nandiyan ng mga panahong nagpapagaling pa ako at kinupkop nila ako pero namatay si Tatang dahil sa isang aksidente at naiwan na lang kaming dalawa ni Nanang, malaki ang utang na loob ko sa kanila, kung hindi dahil sa kanila ay baka tuluyan na akong namatay. Nakiinig lang ako sa kwento ni Ate Jewel at ramdam ko ang sakit na dinadamdam niya, alam kung isa ako sa nagpahirap sa kanya noon at masasabi ko na hindi niya deserve ang masaktan ng ganito dahil isa siyang mabait na tao. Ng matapos
Thunder POVNandito ako ngayon sa harap ng mga magulang ni Jewel, after a week na hindi pa din bumabalik ang asawa ko at hindi ko pa rin siya nahahanap ay pinaalam ko na sa kanila. Gusto ko kasi na iwan muna si Storm sa kanila dahil hahanapin ko ni Kewel."Isang linggo na pala na nawawala ang anak ko at ngayon mo lang sinabi?" galit na wika ni Papa, ama ni Jewel."Akala ko kasi Pa na babalik siya pero pinapahanap ko na din siya at ngayon kaya nandito ako para makiusap kung pwede na kayo na muna bahala sa anak namin dahil ako na ang maghahanap sa asawa ko." ani ko."Be sure na maibalik mo ang anak ko Thunder kung hindi ay hindi mo na sila makakasama pa kahit ang anak mo kapag hindi nakita ang anak ko." anas ni Papa.Mabilis naman na hinagod ni Mama ang likod ng kanyang asawa ." Calm down honey, narinig mo naman ang sinabi ni Thunder na hahanpin niya ang anak natin, hindi niya naman hahayaan na magulo na naman ang pamilya niya. Natural lang sa mag as
Margaux POVNandito lang ako nakatayo sa gilid veranda kung nasan nakaupo si ate Jewel, kita ko sa kanyang mukha ang lungkot at pangungulila. Madalas ay ganito lang siya araw araw nakatulala o di kaya ay nasa kwarto lang. Hindi ko makita ang masiyahing babae na kilala ko.Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko kahit ang sabi ko noon ay ayaw kung pangunahan si ate sa magiging desisyon niya, pero sa nakikita ko ay mukhang kailangan niya sa kanyang tabi si Kuya Thunder.Noong isang araw ko pa kinuha ang numero nito sa phone ni Ate Jewel no'ng hiniram ko ito sinabi kung makikitext ako dahil nawalan ako ng load pero ang totoo no'n ay kinuha ko lang talaga ang kanyang number para madali ko siyang makausap. Alam kung magugulat 'yon kapag nalaman niya na buhay pa ako pero hindi 'yon ang mahalaga sa ngayon kung hindi si ate.Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko, tatawagan ko si Kuya Thunder para ipaalam sa kanya kung nasaan si Ate, kailangan na nil
Margaux POVNandito na kami ngayon ni Kuya Thunder sa labas ng gate, kinakabahan ako na baka magalit sa akin si Ate Jewel pero wala na din naman akong magagawa dahil nandito na kami ngayon. Sana lang ay hindi makasama sa kanila ang pakikialam ko.Nauna muna akong pumasok at naiwan muna si Kuya sa labas para hintayin ang hudyat ko. Nakita kung nakaupo sa sala silang dalawa ni Nanang."Oh Marga nandito kana pala. Akala ko mamaya ka pa uuwi." anas ni Nanang."Hindi naman Nang, may pinuntahan lang ako ang totoo niyan ay may kasama po ako ngayon." wika ko naman."Sino? Boyfriend mo ba? Ikaw ha." pang aaasar naman sa akin ni Ate Jewel, kung alam mo lang na asawa mo ang nandiyan."Aba'y nasaan? Bakit hindi mo pinapasok?" saad ni Nanang."Oo nga po eh, wait at tatawagin ko siya." nahihiyang turan ko at naglakad pabalik sa labas.Nakita ko naman si Kuya Thunder na tahimik lang habang hinihintay ako."Kuya pasok na tayo." pag aya
Jewel POVMabilis akong pumasok sa kwarto matapos kung talikuran si Thunder, ang totoo niyan ang nabigla talaga siya dito sa bahay. Hindi ako galit sa ginawa ni Marga alam kung iniisip niya lang ako dahil madalas niya akong nakikitang umiiyak.Hindi ko lang alam kung paano matatagalan ang pakikipag usap sa asawa ko dahil hanggang ngayon ay nandito pa din ang sakit. Oo alam kung may punto siya dahil hindi ko muna siya tinanong pero hindi naman niya ako masisisi dahil kung siya din ang nasa lugar ko ay baka ito din ang gagawin niya.Namimiss ko na ang anak ko pero hindi naman ako pwedeng humarap sa kanya ng ganito ang sitwasyon namin ng daddy niya. At ayaw ko na pati siya ay maapektuhan. Habang nakaupo ako sa kama ko ay nakarinig ako ng katok at pumasok si Nanang."Iha pwede ba tayong mag usap?" tanong niya sa akin.Tumango naman ako bilang tugon at umayos ng upo."Alam ko na asawa mo ang nandito kanina at umalis na siya. Hindi sa nakiki
Thunder POVRamdam ko ang hinanakit nga asawa ko sa bawat salitang binibitawan niya, pero mas okay na 'yon para mailabas niya lahat ng saloobin niya sa akin. Masaya ako na sa wakas ay pumayag na siyang makapag usap kami sana lang ay pagkatapos nito ay maging maayos na kami ng tuluyan."Oh bakit natahimik ka? Iniinis mo ako!" wika niya at sabay na inirapan ako.Hindi ko talaga maintindihan itong asawa ko ngayon pabago bago ng ugali. Hindi ko nakikita sa kanya ang dating Jewel at nakikita ko ngayon ay isang matapang at palaban na babae."Wala naman na kasi akong sasabihi, napaliwanag ko na ang lahat sa'yo.""Oh bakit parang kasalanan ko pa ngayon?"Napailing na lang ako, kailangan ko ng mahabang pasensiya."Oh anong nangyari pagkatapos? Nasaan na ang babae mo?" dagdag niya pa.Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong babae ang pinagsasabi mo? Kung meron man akong baabe ay ikaw lang 'yon! At kung tinatanong mo si Jhazzy ay hi
Thunder POV Nagtagal pa kami ng halos isang linggo sa Baguio at katulad ng sinabi sa akin ng asawa ko ay gusto niyang si Marga naman ang tulungan ngayon kaya ang ginawa namin nakaraang araw ay ipinapunta din namin dito ang kanyang mga magulang. Hindi makapaniwala ang mga ito na muli nilang masisilayan ang kanilang anak na akala nila ay patay na. Napag usapan din nila na babalik na si Marga kasama sila at humingi din siya ng pabor na isama si Nanang sa kanila dahil wala na daw itong pamilya at hindi naman nagdalawang isip ang mga ito na sumang ayon dahil malaki ang utang na loob nila kay Nanang sa pagkupkop sa kanilang anak. At kung tatanungin niyo kung ano na ang nangyari sa amin ni Jewel ay masasabi kung maayos na kami ulit kahit na madalas siyang nagsusunget o mainit ang ulo at naiintindihan ko naman 'yon dahil buntis siya. At ngayon ay nakaayos na ang gamit niya dahil ito na ang araw na uuwi na kami sa bahay namin. Inilagay ko na sa kotse ang mga g
Dumating na ang araw ng kabuwanan ni Jewel kaya mas lalong tumutok dito si Thunder, halo halo ang nararamdaman niya ngayong dahil lalabas na ang anak niya sa mga araw ba ito kaya halos lahat ay excited. Nasa sofa si Thunder ngayon sa kakabasa ng mga dokumento sa ipinasa sa kanya ng sekretarya nito. Hindi na kasi siya pumapasok sa opisina dahil sa kanyang asawa.Habang nagbabasa siya ay nakarinig siya ng malakas na sigaw na galing sa kanilang kwarto kaya mabilis siyang tumayo at tinungo ang ito dahil nando'n ang kanyang asawa.Pagpasok niya sa kwarto ay hindi niya ito makita kaya dumiretso siya sa banyo at nakitang niyang namimilipit ito sa sakit. "Whta happen hon?" tanong niya."M-manganganak na yata ako!" naiiyak na sadd nito,"What? As in now?" pagtatanong pa ni Thunder."Tangina mo talaga kahit kailan! Manganganak na nga ako kaya dalhin mo na ako sa hospital you idiot!" sigaw ni Jewel dito.Do'n lang yata natauhan si Thunder at mabilis na