Mabilis ang mga hakbang na ginawa ni Monique, labis ang sakit na nararamdaman niya dahil sa ginawa sa kanya ng binata. Bumalik siya sa counter at umorder ng maiinom, wala siyang ibang gusto ngayong kung hindi ay magpakalasing. Akmang iinumin niya na ang kanyang inorder ng may biglang umagaw dito.
"Ano ba! Umorder ka ng sa'yo." sigaw niya at akmang aagawin ang baso.
"Go home now Monique, it's too late," madiin na wika ni Cain
"Leave me alone, I can go home."
"Huwag matigas ang ulo, umuwi kana." sabi nito at mabilis na hinila ang dalaga palabas ng bar.
"Bitawan mo nga ako!"
"Umuwi kana, don't make any scene here."
"Ako pa ngayon? Umalis na nga ako diba, ikaw tong lumapit pa sa akin!"
"At ano sa tingin mo ang ginawa mo? Hindi ba 'yon pag eeskandalo?" inis na sigaw ng binata.
Tumawa naman ng pagak ang dalaga. "So it's my fault. Gusto mong hayaan ko lang kung ao ang sasabihin sakin ng babaeng 'yon gano'n ba?"
Masayang kumakain habang nag uusap silang mag anak habang si Storm naman ay patuloy sa paglalaro sa kanilang harden. Habang patuloy sila sa pagkwekwentuhan ng makarinig sila ng impit na sigaw na nagmula sa labas. Agad silang naalarma kaya sabay sabay silang napatayo, mabilis na tumakbo si Thunder sa labas dahil sa kaba ng marinig ang sigaw ng anak. Ngunit ng makalabas silang lahat ay biglang may nagpaputok ng baril kaya lahat sila ay nagtago para hindi matamaan, nakita nilang isinakay ng mga taong nakamaskara ang anak nila sa isang van. Wala silang magawa dahil hindi sila makalabas kung nasaan sila dahil may mga na baril ang may hawak sa anak nila. Nagsimula ng umiyak si Jewel at balak pa sanang habulin ang van kung nasaan ang anak ng pigilan ito ni Thunder dahil baka may mangyaring masama dito. Ang akala nila ay maayos na ang lahat. Akala nila masaya at kompleto na. Pero bakit ganito na naman ang nangyari? Bakit ang anak
Kevin POV "Are you sure Miss na dito talaga dinala no'g sinasabi mong babae ang pamangken ko?" tanong ni Kevin "I'm sure of it." sagot naman ng dalaga "I hope that this is true, we trust you this time kahit na may ginawa kang mali sa pinsan ko." "Let her Kev, kaibigan niya si Margaux kaya siguradong alam niya kung nasaan 'yon. After all plano naman nilang lahat ng 'to," pagsingit ni Cain Masakit man para sa dalaga pero ipinagsawalang bahala niya na lang ito. Alam niya sa sarili niyang gusto niyang tumulong kanila Jewel para sa anak din nito. "We need to prepare, pupuntahan na natin ang lugar na sinabi ni Monique paea mailigtas na si Storm," sabi ng isa sa leader ng mga pulis. "Let's go," sabat naman ni Kevin Mabilis na tumayo ang mga kalalakihan para mag asikaso sa pag alis nila. Hindi na sila nagsayang pa ng oras at sabay sabay na lumabas. "Hon, huwag kana sumama. Kami ng bahala sa anak natin," pagpigil n
Matapos ang gabing 'yon ay dinala si Magaux sa hospital para ipagamot ang kanyang sugat, masaya naman sina Thunder dahil sa wakas ay nabawi nila ang kanilang anak pero nakaranas ito ng trauma kaya kailangan nila itong dalhin sa isang psychiarist para mapatingnan at naging maayos ang kanilang anak. Alam nilang hindi madali sa anak nila ang nangyari ng gabing 'yon. Kasalukuyang nasa bahay ng mga Dawson ang mga magulang nina Daven at Margaux, labis ang paghingi nila ng tawad dahilsa ginawa ng kanilang anak. Nang marinig nila ang balita ay agad silang kumuha ng flight para makauwi agad rito. "Mare pasensiya na talaga kayo sa ginawa ng anak namin, hindi namin alam na aabot siya sa ganito," anas ng ina ni Marga "Okay na 'yon mare ang importante ay walang nasaktan," "Kamusta na po pala si Marga? Nasaan na siya?" hindi mapigilan ni Jewel ang hindi magtanong, kahit na nakagawa ito ng masama sa kanila ay hindi maipagkakailang mahalaga pa rin ang dalaga sa kanya
Dumating ang araw na pinakahihintay ng magkakaibigan, aalis sila at pupunta sa isang resort sa Batangas para makapagrelax, gusto sana ng mag asawa na dalhin ang kanilang anak pero hindi naman pumayag ang mga magulang nila dahil sila na muna ang mag aalaga dito dahil na miss nila ang bata, wala naman silang nagawa na dalawa. Ginamit nila ang sasakyan ni Cain para isahang kotse na lang ang gamitin nila dahil malaki naman ito kaya kasya silang anim dito at pati ang kanilang mga gamit. Plano nilang magstay doon ng tatlong araw para naman maging sulit ang kanilang bakasyon, gusto pa sana nilang gawin itong isang linggo ngunit mag mga pasok ang kalalakihan sa opisina. "Nique diyan kana lang sa tabi ni Cain, tutal siya naman ang magmamaneho eh," wika ni Jewel Noong una ay nag aalangan ang dalaga dahil baka mas lalo lang magalit si Cain sa kanya pero wala din siyang nagawa ng mauna ng sumakay ang apat. " Ano pa ang hinihintay mo diyan? Kung ayaw mong sumama much bett
Nandito na sila ngayong magkakaibigan malapit sa tabing dagat, ang mga lalaki ay nagdala ng mga alak samantalang silang mga babae naman ay juice lang. Nakaupo sila paikot habang nasa gitna naman ay may apoy. "Guys maglaro tayo ng spin the bottle para masaya," biglang bulalas ni Calli Sumang ayon naman silang lahat dito at nagsimula ng maglaro. Naunang nag spin si Calli dahil siya naman ang nagpasimuno nito, laro lang sila ng laro at puro tawanan ang kinalabasan nito. Si Monique ay nakikisabay na lang din sa mga nangyayari kahit kanina niya pa gustong umalis sa lugar na 'yon. Nasasaktan siya sa tuwing mapapadapo ang kanyang mga mata kay Cain at nakikitang masaya itong nakikipag usap kay Sophia, minsan pa ay nahahagip ng mata nito ang pagiging sweet nila sa isa't isa, pero ayaw niya naman na masira ang bonding moments nila kaya tinitiis niya na lang. Maya maya pa ay natapat kay Cain ang bote. "Sa wakas tumapat na din sayo." sambit ni Dark "Ako m
Mabilis na sinundan ng dalagang si Jewel si Monique ng umalis ito, alam niyang labis itong nasaktan sa mga binitawan na salita ng kaibigan, babae siya kaya alam niya ang pakiramdam pero naniniwala siyang mahal pa rin ito ni Cain. Nang marating niya ang kwarto ng dalaga ay mabilis siyang kumatok. "Nique papasok ako ha," agad niyang pinihit ang pinto at nakita niyang nakatalukbong ito ng kumot pero mahahalata mong umiiyak ito sa pamamagitan ng pag galaw ng mga balikat nito. Umupo siya sa gilid ng kama nito. "Hindi na kita tatanungin if you are okay kasi alam kung hindi naman, I want also to apologized dahil kung hindi kita pinilit na sumama ay hindi sana kayo nagkasagutan ni Cain," hinging paumanhin ni Jewel Umupo naman ito at humarap sa kanya. "It's not your fault Jew, ginusto ko din naman ang sumama ayaw ko naman tanggihan 'yong pag aaya niyo ng dahil lang hindi kami okay ni Cain," ngumiti siya ng pilit "Huwag mo na lang isipin ang sinabi ni Cain, ala
Tanghali na ng magising si Jewel, pagmulat ng kanyang mata ay bumungad sa kanya ang asawa na nakaupo sa gilid ng upuan. Agad naman siyang bumangon, "Anong oras na? Kanina ka pa ba gising?" tanong nito "Magtatanghalian na, hindi na kita ginising kanina kasi alam kung puyat ka. Maligo kana para makababa na tayo at kanina pa sila naghihintay." "Hindi ka nag breakfast?" tanong ulit nito "Bumaba na ako kanina, hinahanap ka nga ni Calli ang sabi ko tulog kapa." Tumango naman si Jewel at tumayo na para makapag ayos. "I'll take a quick shower hon." saad nito "Take your time hon, huwag mo lang tagalan at anong oras na hindi kapa nakakakain." Halos 30 minutes din ang ginugol ni Jewel bago siya makapag ayos. Paglabas niya sa banyo ay nadatnan niya ang kanyang asawa na nakahiga sa kama. Agad niya itong nilapitan, "Hon I'm done," aniya Bumalikwas naman ang binata at ngumiti sa kanya. "Let's go." at tumayo na ito. Nang makarating sil
Mabilis na nilisan ng dalagang si Margaux ang rehabilition, mabuti na lang at isinuot niya ang damit ng nurse kaya hindi siya nahirapan na makalabas ng lugar. Agad siyang pumara ng taxi at sumakay ng walang pag aalinlangan. Hindi siya dumiretso sa bahay nila dahil alam niyang nando'n pa ang kanyang mga magulang kaya mas pinili niya na lang na mag check in sa isang hotel. Nang makapasok siya sa kanyang suite ay agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi, nasa isip niya na maitutuloy niya na ang kanyang plano. Hinding hindi siya papayag na maging masaya ang nga taong naging dahilan kung bakit siya miserable hanggang ngayon. 'Magpakasaya lang kayo ngayon, dahil 'yan na ang huling beses na magkakasama kayo'- aniya sa kanyang isip. Sa kabilang banda naman ay nag aayos na ang magkakaibigan dahil napagpasyahan nilang magdinner ng 6pm para makapunta sila kaagad sa bagong bukas na bar, gusto nilang masulit ang huling gabi nila dito sa resort. Saktong 6p