Tanghali na ng magising si Jewel, pagmulat ng kanyang mata ay bumungad sa kanya ang asawa na nakaupo sa gilid ng upuan. Agad naman siyang bumangon, "Anong oras na? Kanina ka pa ba gising?" tanong nito
"Magtatanghalian na, hindi na kita ginising kanina kasi alam kung puyat ka. Maligo kana para makababa na tayo at kanina pa sila naghihintay."
"Hindi ka nag breakfast?" tanong ulit nito
"Bumaba na ako kanina, hinahanap ka nga ni Calli ang sabi ko tulog kapa."
Tumango naman si Jewel at tumayo na para makapag ayos. "I'll take a quick shower hon." saad nito
"Take your time hon, huwag mo lang tagalan at anong oras na hindi kapa nakakakain."
Halos 30 minutes din ang ginugol ni Jewel bago siya makapag ayos. Paglabas niya sa banyo ay nadatnan niya ang kanyang asawa na nakahiga sa kama. Agad niya itong nilapitan, "Hon I'm done," aniya
Bumalikwas naman ang binata at ngumiti sa kanya. "Let's go." at tumayo na ito.
Nang makarating sil
Mabilis na nilisan ng dalagang si Margaux ang rehabilition, mabuti na lang at isinuot niya ang damit ng nurse kaya hindi siya nahirapan na makalabas ng lugar. Agad siyang pumara ng taxi at sumakay ng walang pag aalinlangan. Hindi siya dumiretso sa bahay nila dahil alam niyang nando'n pa ang kanyang mga magulang kaya mas pinili niya na lang na mag check in sa isang hotel. Nang makapasok siya sa kanyang suite ay agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi, nasa isip niya na maitutuloy niya na ang kanyang plano. Hinding hindi siya papayag na maging masaya ang nga taong naging dahilan kung bakit siya miserable hanggang ngayon. 'Magpakasaya lang kayo ngayon, dahil 'yan na ang huling beses na magkakasama kayo'- aniya sa kanyang isip. Sa kabilang banda naman ay nag aayos na ang magkakaibigan dahil napagpasyahan nilang magdinner ng 6pm para makapunta sila kaagad sa bagong bukas na bar, gusto nilang masulit ang huling gabi nila dito sa resort. Saktong 6p
Monique POV Nandito ako ngayon sa labas kasama si Zach, nakilala ko siya noon sa isang fashion show at nagulat ako ng makita ko siya dito dahil ang pagkakaalam ko ay nasa ibang bansa ito. Habang masaya kaming nag uusap ay nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan, hindi ako nakagalaw agad dahil na rin siguro sa kalasingan. Napabitaw na lang ako sa kanya ng mapansin ko na parang may mga matang nakatingin sa amin, kaya mabilis ko siya naitulak at nakita ko si Cain na nakatingin sa amin. "C-cain, that's not what you think,' nauutal na wika ko habang iniwan si Zach at naglakad papalapit sa kanya "Why explaining yourself? You know I don't care," madiin na wika niya "C-cain," sambit ko sa pangalan niya "Next time bago ka lumandi huwag mong kalimutan na may kasama ka at matuto kang magsabi para hindi kana isipin pa kung saan ka man magpunta, kung hindi lang dahil kay Jewel ay hindi ako mag aaksaya ng oras na hanapin ka kung saan tapos nakikip
Sa kabilang dako naman ay nakahiga ang mag asawa, nakasandal ang ulo ni Jewel sa balikat ni Thunder. Ilang oras na ang nakalilipas ng makauwi silagaling bar kasabay sila ni Dark, sinadya talaga ng dalaga na sabihan si Cain na hintayin si Monique at isabay sa pag uwi para magkausap ang dalawa. "Sana maging okay na sina Cain," biglang saad nito "If they love each other magkakaayos sila hon." "Sana nga hon, I want Cain to be happy and to have someone na magmamahal sa kanya at mamahalin niya. Sa dami ng nagawa niya para sa akin sana maging masaya na din siya ng tuluyan," aniya "Alam mo naman si Cain matigas talaga 'yon pag nagsinungaling ka. He has a trust issues kaya hindi din natin siya masisis, pero darating din ang araw na magiging okay din 'yon. Kung si Dark nga na babaero nagtino kay Calli si Cain pa kaya na mas matino naman kumpara kay D." Agad naman na inangat ng dalaga ang kanyang ulo. "Kung makapagsabi kang babaero si Dark eh isa ka rin
Dalawang araw na ang nakalilipas ng makauwi sila galing sa kanilang bakasyon, pero hindi pa rin sila nagkakaayos na mag asswa. Ilang beses tinangka ni Jewel na kausapin si Thunder ngunit hindi siya nito pinapansin. Madalas na din itong gabi kung umuwi dahil sa dami ng ginagawa nito sa opisina at kapag nasa bahay naman nila ay parang hangin lang siya sa binata, pasalamat na lang si Jewel dahil wala dito si Storm hanggang ngayon dahil isinama ng kanilang mga magulang sa bakasyon para na rin makalimutan ang nangyari sa bata. Kagaya ngayon ay nakaupo lang ang dalaga habang hilot hilot ang kanya sentido, hindi niya na alam ang gagawin kung papaano kausapin ang asawa dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit naging gano'n ito sa kanya. Habang nag iisip siya ay biglang sumagi sa isip niya ang nangyari bago sila umalis sa resort. Flashback..... Nagising si Jewel na wala sa tabi niya ang kanyang asawa, hindi niya alam kun
Maagang nagising si Thunder dahil may mga kailangan pa siyang ayusin sa opisina, maayos ang takbo ng kompanya kaya sinisigurado niya na walang magiging problema ito. Matagal ng nag merge ang Alcantara-Dawson simula pa lang ng maikasal sila ni Jewel kaya ayaw niyang madumihan ang pangalan ng dalawang pamilya. Bago siya tuluyang umalis ng kanilang bahay ay dumaan muna siya sa kwarto ng kanilang anak, nakita niyang mahimbing pa na natutulog ang kanyang asawa, umupo siya sa gilid ng kama at maingat na hinawakan ang mukha nito, plano niyang kausapin ito mamaya pagkauwi niya para magkaayos na sila. Nagtagal pa siya ng ilang minuto habang nakatitig lang sa dalaga at maya maya ay hinalikan ito sa noo at tumayo na para umalis. Ilang minuto ang lumipas ng umalis si Thunder ay ang pag gising din ni Jewel, ilang beses pa siyang tumingin tingin sa paligid ng kwarto bago niya napagtanto na wala hindi pala siya nakabalik sa kanilang kwartong mag asawa, napabuntong hininga na lang s
Cain POV Mag aalas diyes na ng gabi at nandito pa rin kami sa bar ni Thunder, pinag usapan lang naman namin ang mga nangyari sa buhay naming magkakibigan. Maya maya pa ay tumayo na ako. "Hindi kapa ba uuwi? May meeting pa ako bukas kaya mauuna na ako sayo," kako. "Mauna kana, uuwi din ako maya maya." "Sigurado ka? Kaya mo bang umuwi mag isa? Lasing kana eh sa dami ng ininom mo," nag aalalang tanong ko dito. "Yeah, I can manage." Wala naman akong magawa dahil alam ko naman na kahit magpumilit pa ako ay wala din akong magagawa. Kaya umalis na ako dahil kahit gustuhin ko man na manatili ay hindi pwede, may meeting ako kinabukasan. Nang makasakay na ako sa kotse ay naisipan kung tawagan si Jewel, ilang ring lang ay sinagot din naman nito. "Bakit ka napatawag Cain?" boses sa kabilang linya "Kasi nagbar kami ng asawa mo, eh nauna na akong umuwi. Sunduin mo na lang siya dito kasi lasing na." Saglit lang ang naging pag
Mabilis na lumabas si Jewel sa sasakyan at tuloy tuloy na umakyat papunta sa kanilang kwarto. Pagpasok niya ay mabilis niyang kinuha ang kanyang maleta kasunod ang kanyang mga damit. Maya maya pa ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at alam niya kung sino 'yon. "What are you doing?" biglang tanong nito "Nakikita mo naman ang ginagawa ako diba? Kinukuha ko ang mga gamit ko." "Hindi ka aalis Jewel!" seryosong turan nito at ibinalibag ang maleta ko. "Sa tingin mo sa nakita ko kanina papayag pa akong manatili dito?" Mabilis na hinawakan ni Thunder ang dalawang balikat ng asawa. "Let me explain. Huwag kang mag conclude agad." "Nakita ko na ang dapat kung makita. Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo. I thought you've already change pero hindi pa din pala. Akala ko totoong bumabawi kana, pero akala ko lang pala 'yon." "Makinig ka kasi sa akin! Bakit ba ayaw mong pakinggan ang sasabihin ko, hindi porket nakita mo
Monique POV Nagmamadali akong magdrive ngayon papunta sa bahay nina Jewel iba kasi ang kutob ko ngayon dahil nalaman kung nakatakas si Marga sa rehab kaya alam kung si Jewel ang una niyang pupuntahan. Tinawagan ko na rin ang kanyang mga magulang para ipaalam ang nangyari. Kailangan kung maabutan si Marga bago pa mahuli ang lahat at isa pa iniisip ko kung nasaan si Cain dahil dumaan ako kanina sa kanyang opisina pero wala pa siya roon kaya mas lalo akong kinabahan. Flashback... Nang makarating ako sa opisina ni Cain ay dumiretso ako sa kanyang sekretarya, gusto ko kasi siyang makausap at ipaalam na nakatakas si Marga, hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko. "Excuse me, nandiyan ba si Cain?" nakangiting tanong ko "Ay ma'am Monique kayo po pala, wala dito si Sir hindi pa siya pumapasok pero tumawag siya kanina at sinabing baka malate siya ng pasok may idadaan lang daw siya sa bahay nila Sir Thunder." "Ah gano'n ba sige salamat