Mabilis na lumabas si Jewel sa sasakyan at tuloy tuloy na umakyat papunta sa kanilang kwarto. Pagpasok niya ay mabilis niyang kinuha ang kanyang maleta kasunod ang kanyang mga damit.
Maya maya pa ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at alam niya kung sino 'yon.
"What are you doing?" biglang tanong nito
"Nakikita mo naman ang ginagawa ako diba? Kinukuha ko ang mga gamit ko."
"Hindi ka aalis Jewel!" seryosong turan nito at ibinalibag ang maleta ko.
"Sa tingin mo sa nakita ko kanina papayag pa akong manatili dito?"
Mabilis na hinawakan ni Thunder ang dalawang balikat ng asawa. "Let me explain. Huwag kang mag conclude agad."
"Nakita ko na ang dapat kung makita. Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo. I thought you've already change pero hindi pa din pala. Akala ko totoong bumabawi kana, pero akala ko lang pala 'yon."
"Makinig ka kasi sa akin! Bakit ba ayaw mong pakinggan ang sasabihin ko, hindi porket nakita mo
Monique POV Nagmamadali akong magdrive ngayon papunta sa bahay nina Jewel iba kasi ang kutob ko ngayon dahil nalaman kung nakatakas si Marga sa rehab kaya alam kung si Jewel ang una niyang pupuntahan. Tinawagan ko na rin ang kanyang mga magulang para ipaalam ang nangyari. Kailangan kung maabutan si Marga bago pa mahuli ang lahat at isa pa iniisip ko kung nasaan si Cain dahil dumaan ako kanina sa kanyang opisina pero wala pa siya roon kaya mas lalo akong kinabahan. Flashback... Nang makarating ako sa opisina ni Cain ay dumiretso ako sa kanyang sekretarya, gusto ko kasi siyang makausap at ipaalam na nakatakas si Marga, hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko. "Excuse me, nandiyan ba si Cain?" nakangiting tanong ko "Ay ma'am Monique kayo po pala, wala dito si Sir hindi pa siya pumapasok pero tumawag siya kanina at sinabing baka malate siya ng pasok may idadaan lang daw siya sa bahay nila Sir Thunder." "Ah gano'n ba sige salamat
Halos aligaga si Cain dahil ilang beses niya ng tinatawagan ang kaibigan perohindi pa rin ito sumasagot at isa pa ay kinakabahan na siya kaya mas pinili niya na lang sundan kung saan nagpunta si Monique. Nang makasakay siya sa kanyng kotse ay saktong nag ring ang kanyang telepono at nakita niyang na si Thunder ang tumatawag. Mabilis niya itong sinagot. "Why? Nagdadrive kasi ako." "Kanina pa kita tinatawagan! Nasa panganib ang buhay ng asawa mo!" aniya "W-what? Anong nangyari? Nasaan ka? Nasaan ang asawa ko?" "Nandito pa ako sa bahay niyo umuwi kana dito ngayon din!" natatarantang anas niya "Pabalik na ako, hintayin mo ako diyan at tawagan mo na din si Kevin." Thunder POV Halos hindi ko na inaalintana ang nadadaanan ko ang importante ngayon ay makarating ako bahay para malaman kung ano ang nangyari, binalot ng kaba ang buong sistema ko ng sabihin ni Cain na nasa panganib ang asawa ko. Ang pagkakatanda ko ay halos isang oras pa l
Ilang minuto na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ang dalawang dalaga at wala silang ka alam alam sa nangyari kay Monique. "Halikana Marga, kailangan na natin makalabas dito bago pa tuluyang mahulog ang sasakyan sa bangin." anas ni Jewel Umiling lang ang dalaga. "I can't ate," Marga answered. "W-what do you mean? Kailangan nating makaalis dito." pamimilit niya "Mauna kanang lumabas, susunod ako." "No, hindi kita iiwan dito sabay tayong lalabas sa kotse." pamimilit ni Jewel "Masasayang lang ang oras kapag pinilit mo pang hintayin ako ate. Kailangan ka pa ng pamilya mo lalo na ni Kuya Thunder at Storm." Tiningnan ni Jewel ang kalagayan ng dalaga at halos manlumo siya sa nakita, kaya pala kanina niya pa napapansin na hindi masyadong gumagalaw si Marga ay dahil naipit ang paa nito. "Marg," tawag niya sa dalaga "I-im s-sorry ate for what I have done to you and for ruining your family, ala
Nasa labas ng emergency room ang binatang si Cain, kanina pa siya pabalik balik ng lakad simula ng makarating sila dito at naipasok ang dalagang si Monique sa loon. Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman sa mga oras na ito. Nang makita niya ang dalaga na naliligo sa kanyang sariling dugo ay labis ang kaba at takot ang namutawi sa kanyang buong sistema. Maya maya pa ay napaupo na lang ito at mahinang nagdarasal na sana maging maayos at ligtas ang dalaga. Alam niyang sobra niya itong nasaktan pero kahit na gano'n ay mahal niya pa rin ito kahit na palagi niya itong pinagtutulakan palayo. Sa lahat ng mga masasakit na sinabi niya rito ay nagawa pa rin siya nitong iligtas. Nasa gano'ng kalagayan siya ng dumating si Thunder. "How is she?" tanong nito at umupo sa tabi niya. "Hindi ko pa alam, hanggang ngayon ay nasa loob pa rin siya at hindi pa lumalabas ang doctor." sagot nito. "Si Jewel nasaan? Kamusta siya?" dagdag nito "Nacheck up na siya at na
Namuo ang katahimikan sa loob ng silid matapos lumabas ang Thunder, iyak ng iyak si Jewel kaya hinahagod ni Thunder ang kanyang likod habang si Cain naman at tahimik lang na nakaupo sa gilid ng kama ni Monique na halatang hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng doctor. Maya maya pa ay kita nila ang paggising ng dalaga. Kaya mabilis na hiwakan ni Cain ang mga kamay nito. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Nagugutom kaba? Anong gusto mong kainin?" tanong nito pero hindi sumasagot ang dalaga. Monique POV Nagising ako na wala akong makitang iba kung hindi puro dilim, ilang beses ko din tinatanong ang mga kasama ko sa kwarto kung bakit wala akong makita ay wala din akong nakuhang sagot. Tinawag nila ang doctor at naraamdaman ko na lang na may itinurok ito sa akin at bigla akong nakaramdam ng antok. Doon pa lang ay napagtanto ko ng may iba. At ngayon nagising ako at alam kung nandito pa rin sila sa kwarto ko. Ilang beses akong tinatanong ni Ca
Isang buwan na ang nakalipas ng mangyari ang lahat. Nalaman din nila Dark ang nangyari at sobra ang pag aalala ni Calli sa kaibigan pero hindi pa siya makakauwi ng mga oras na 'yon dahil kabuwanan niya. Samantalang sina Cain at Monique naman ay pumunta na ng ibang bansa, hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap ng donor pero tiwala silang makakahanap din sila. Nandito ngayon sina Jewel sa New York kasama ang kanyang mag ama, halos isang linggo na rin silang nandito at sobrang saya ni Jewel dahil sa wakas ay naging maayos na ang relasyon ni Storm sa kanyang ama. Kasalukuyan silang nasa isang resort dahil may meeting daw dito si Thunder, hindi maintindihan ni Jewel kung bakit kailangan pati sila ay isama ng asawa gayong meeting lang naman 'yon. Sinubukan tanungin ng dalaga ang kanyang anak ngunit hindi din ito sumasagot. Nakakaramdam tuloy siya ng kakaibang kaba. Pasado ala sais na ng gabi kaya nagbihis na si Jewel, simula kaninang umaga ay hindi niya pa nakikita a
Jewel POV Limang buwan ng nakalilipas ng ikinasal ulit ksmi ni Thunder, naging maayos at masaya naman ang pamilya namin, pero hindi pa rin maiiwasan na may mga araw na nagtatampuhan o nag aaway sila, dahil hindi pa rin nawawala ang pagiging seloso at possessive nito. Nandito ako ngayon sa dining table dahil inaayos ko ang hinanda kung pagkain para sa asawa ko bilang peace offering dahil nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan no'ng isang araw. Wala din si Storm dito dahil nasa ibang bansa ito kasama ng mga magulang ni Thunder, samantalang ang mga magulang ko naman ay abala sa kanilang business sa New York. Tiningnan ko ang orasan at mag aalas diyes na ng gabi pero wala pa rin si Thunder na labis kung ikinataka dahil hindi naman ganito ka gabi ito kung umuwi. Umupo muna ako sa sala para do'n na lang maghintay, kinuha ko ang phone at tinawagan ito. "Hello," bati ng nasa kabilang linya. "What time are you going home?" i asked "Baka mamaya
Jewel POV Halos hindi ako makagalaw sa aking nakita, pati ang ingay sa loob ng bar ay biglang nawala. Kitang kita ko ang takot sa mga mata ng aking asawa at ang babae naman ay nakayuko na wari'y nahihiya dahil sa nangyari. Base sa mga bulungan ng ibang mga empleyado ay mukhang baguhan lang ito dahil hindi yata alam na may asawa na ang kanyang kinakalantari. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa nasaksihan. Hindi ko lubos maisip na magagawa pang magtaksil ni Thunder sa akin matapos ng mga pinagdaanan namin. Napangiti na lang ako ng mapait. "Bakit tumahimik kayo bigla? Com'on continue the party. Dumaan lang ako para tingnan kung ayos lang ba ang asawa ko at mukhang maayos naman siya kaya makakatulog na ako ng mahimbing," saad ko at senenyasan ang dj na muling iplay ang music. "Hon, let me explain," saad ni Thunder habang papalapit sa akin pero hindi ko na siya hinintay pa at tumalikod na ako para maglakas palabas. Lakad takbo