Pagkarating niya sa kanilang bahay ay mabilis agad siyang bumaba ng taxi. Hanggang ngayon ay inis na inis pa rin siya pag naiisip kung sino ang nakasama niya sa condo na 'yon.
Pagpasok niya sa kanilang bahay ay agad itong dumiretso sa kanyang kwarto para makaligo at makapagbihis pero bago iyon ay dumaan muna siya sa kwarto ng kanyang anak para silipin ito at nakita niyang mahimbing pa itong natutulog. Agad niyang isinara ang pintuan ng kwarto ng anak.
Pagkatapos niyang mag ayos ng sarili ay bumaba ito, naabutan niyang kumakain ang kanyang mga magulang kaya agad siyang umupo para saluhan ang mga ito.
"Goodnmorning Jewel, nasaan ka kagabi? Bakit hindi ka umuwi?" tanong ng kanyang ina
"Goodmorning mom, dad! Kasama ko si Calleigh kagabi nag bonding lang kami, you know matagal ding hindi kami nagkita, hindi ko namalayan ang oras kaya sinabi niyang doon na lang ako magpalipas ng gabi. I'm sorry kung hindi ako agad nakatawag para ipaalam sa inyo." paliwanag
Kanina pa inis na inis si Jewel dahil sa nakikita ng dalawa niyang mata. Parang gusto niya na lang umalis dahil mukhang wala namang balak ang dalawang nasa harapan nito na pag usapan ang tungkol sa catering. "Ahm. Ms. Celine if you mind I need to go now. I have something important to attend to. Let's just set another meeting for the foods and desserts." anas niya. "Bakit kailangan pa mag set sa ibang araw kung pwede naman pag usapan na ngayon. You know Ms. Jewel I'm a business man, busy akong tao so I don't want to waste my time." singit ni Thunder. Halos patayin niya na sa isipan niya ang ex-husband dahil sa sinasabi nito, parang gusto pang palabasin nito na oras niya pa ang nasasayang eh sila itong nagsasayang ng oras. Gusto pa yata ng audience sa paglalandian nila. "Mr. Alcantara if you are a busy person I am too. Hindi lang po kayo ang nakaschedule sa akin for the meeting today, kaya sinasabi kung iset na lang natin sa ibang araw ang meeting na it
Thunder's POV Tatlong araw na ang lumipas ng magkrus muli ang landas namin ng asawa ko. Alam ko sa sarili ko na maging gago ako no'ng mga panahon na magkasama pa kami sa iisang bubong. Sa dalawang taon na lumipas ay walang araw na hindi ko sinisi ang sarili kung bakit tuluyang nawala sa akin si Jewel. Alam kung mali ang nagawa ko ng gabing 'yon, pero masisisi niyo ba ako? Nadala lang ako ng kanyang emosyon dahil sa labis na galit na nararamdaman ko dahil sa nalaman ko no'ng araw na 'yon. Isang linggo bago mangyari ang araw na iyon ay nakapag isip isip na ako na kakausapin ko ang aking asawa at susubukan kung ayusin ang pagsasama namin bilang mag asawa, dahil alam kung hindi naman mahirap itong mahalin. Gumawa pa ako ng isang surpresa para kay Jewel, gusto ko kasing bumawi dito sa mga kasalanang nagawa ko lalo na sa pananakit ko sa kanya. Paalis na sana ako ng aking opisina para sunduin si Jewel ng biglang may natanggap akong tawag na nagmula s
Isang linggo na ang nakalilipas, pero sa bawat araw na 'yon ay palaging nasisira ang araw ni Jewel dahil sa taong ayaw na ayaw niyang makita. Madalas niyang dalawin ang matalik na kaibigan na si Calleigh pero hindi siya makatagal sa bahay nito dahil nando'n din palagi si Thunder na labis niyang ikinaiinis. Hindi niya alam kung nagkakataon lang ba o nananadya talaga ang binata. At kapag naman nagkikita sila para pag usapan ang tungkol sa catering ng kasal nila ay hindi sila matapos tapos dahil walang ginawa ang dalawa kung hindi maglambingan sa harap niya, sa totoo lang gusto niya ng icancel ang pagcacater ng restaurant niya sa kasal ng dalawa pero ayaw niya naman na maging unprofessional na tao dahil makakaapekto ito sa kanyang restaurant. At ngayong araw na ito ay kasama niya ang kanyang mga magulang sa kanilang kompanya, may importante kasi silang pag uusapan. Samantalang ang kanyang anak naman ay kasama ng kanyang nanny sa mall kung saan malapit lang
Nang makaakyat na si Jewel ay dumiretso siya sa silid ng kanyang anak. Umupo siya sa kama nito at kinuha ang isa sa mga unan ni Storm. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong silid, puro mga libro at drawing ang nakikita niya. Maya maya pa ay nahagip ng kanyang mga mata ang isang photo album na nakalapag sa bedside table. Kinuha niya ito at binuksan, agad na tumulo ang kanyang luha ng makita ang laman nito. Puro mga picture niya na may iba't ibang anggulo, may nakasulat sa baba na 'My super hero and the best mom in the world'. May nakita din siyang iilang picture na magkasama o magkatabi silang dalawa, nakangiti ang kanyang anak ngunit siya ay hindi o kaya pilit ang mga ngiti. Kahit na bata pa ang anak niya at proud siya dito. Lumaki ito na matalino at nakakapagsalita na ng maayos, mahilig din itong makipagdebate na kagaya ng kanyang ama. Ngayon niya lang napagtanto ang mga pagkukulang niya, alam niya sa sarili niya na malaki ang pagkukulang niya sa anak, hindi n
Mabilis na nakarating sa kanilang bahay sila Jewel, pagkapasok pa lang nila ay sinalubong na agad ng yakap ng kanyang mga magulang ang anak. Halata sa mga ito ang labis na pag aalala. Habang ang pulis na kasama nila kanina ay umalis na. Pansin ni Jewel ang pagdistansiya ng anak sa kanya, simula no'ng makaalis sila sa condo ni Thunder ay hindi pa siya nito pinapansin, pag tinatanong niya ito o kaya kakausapin ay tanging tango lang ang sinasagot ng bata. Habang pinapakain ng kanyang nanny si Storm ay pumunta muna si Jewel sa kanilang pool area. Umupo siya at nilagay ang paa niya sa pool, ngayon lang siya ulit nakaramdam ng pagod sa hindi niya malaman na dahilan. Muling bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa buhay niya ilang taon ng nakalipas at hindi niya namalayan na nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha. She realized that she has everything, kahit na naging failed man ang marriage life niya ay nandiyan pa rin ang kanyang mga magulang, kaibigan at hi
Kinabukasan ay abala si Thunder sa pagpirma ng mga papeles sa kompanya ng biglang pumasok ang kanyang sekretarya. "Sir Mr. Davis is already here." aniya nito "Let him in, thank you." sagot nito habang nakatingin pa rin sa papeles. Maya maya pa ay pumasok ang isang lalaki. "Goodmorning Sir," bati nito at saka umupo sa upuan na nasa harap niya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kilala mo naman diba ang asawa ko?" tanong nito. "Yes Sir, what about her? Did you already found her?" sagot ng kausap. Agad naman binaba ni Thunder ang papeles na kanyang hawak. "Yes, she's back again with a child. Gusto kung imbestigahan mo kung ano ang nangyari kay Jewel no'ng mga panahong wala siya rito sa Pilipinas, kung sino ang nakasama niya at kung sino ang ama ng anak niya." "Don't worry about it Sir, bukas na bukas ay ipapadala ko sayo lahat ng impormasyon na hinihingi mo." mabilis na sagot nito. Napangiti naman ang binata dahil dito. "Thank y
Halos hindi makagalaw si Jewel sa kanyang kinatatayuan. Naglakad papalapit sa kanya ang binata at mabilis siyang hinawakan nito sa braso. "I told you Jewel, hindi ka makakapagsinungaling sa akin." "A-ano ba talaga ang gusto mong sabihin Thunder? Huwag mong idadamay ang anak ko." madiin na saad niya at winaksi ang kamay ng binata na nakahawak sa kanya. Ngumiti naman ito ng kakaiba na animo'y natutuwa sa nangyayari sa pagitan nila. "Tell me Jewel, Am I the father of Storm?" Tuluyan ng nanghina ang dalaga dahil sa tanong nito. "Hindi ko alam na magaling pala ako at nakabuo ako kahit isang beses lang nangyari iyon." dagdag pa nito. Biglang nag init ang kanyang ulo dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Mabilis na dumapo sa mukha ni Thunder ang palad niya. "Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin sa akin ang bagay na 'yan! Ang kung inaakala mong anak mo si Storm pwes nagkakamali ka! Tell me Thunder, what do you want?" matapang na sam
Thunder POV Pagkatapos ng naging usapan namin ni Jewel ay dumiretso na ako sa condo ni Cain, ngunit wala namang tao dito. Alam ko na rin na ang kaibigan ko ang kasama ni Jewel no'ng mga panahong umalis ito sa aking puder. Noong araw na malaman ko lahat sa private investigator ay mabilis na pinuntahan ko agad si Cain no'ng una ay hindi naging maganda ang naging pag uusap namin at nasuntok pa niya ako ng ilang beses, pero kalaunan ay nagkaayos din kami no'ng pinaliwanag ko ang side ko. Isa na lang ang gusto kung mangyari ngayon, 'yon ay ang makasama ang mag ina ko at maging buo kaming pamilya. Sobrang saya ang naramdaman ko no'ng malaman kung may anak kami at nalaman ko rin kay Cain na wala pa itong naging kasintahan na iba o kahit manliligaw man lang dahil masyado itong naging busy sa restaurant niya pero ay mga iilan din na nagtangka. Kaya hindi na ako nagsayang ng oras kinaumagahan ay pumunta agad ako sa bahay nila Jewel para kausapin ito at kumpirmahin ang