Halos hindi makagalaw si Jewel sa kanyang kinatatayuan. Naglakad papalapit sa kanya ang binata at mabilis siyang hinawakan nito sa braso. "I told you Jewel, hindi ka makakapagsinungaling sa akin."
"A-ano ba talaga ang gusto mong sabihin Thunder? Huwag mong idadamay ang anak ko." madiin na saad niya at winaksi ang kamay ng binata na nakahawak sa kanya.
Ngumiti naman ito ng kakaiba na animo'y natutuwa sa nangyayari sa pagitan nila. "Tell me Jewel, Am I the father of Storm?"
Tuluyan ng nanghina ang dalaga dahil sa tanong nito.
"Hindi ko alam na magaling pala ako at nakabuo ako kahit isang beses lang nangyari iyon." dagdag pa nito.
Biglang nag init ang kanyang ulo dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Mabilis na dumapo sa mukha ni Thunder ang palad niya.
"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin sa akin ang bagay na 'yan! Ang kung inaakala mong anak mo si Storm pwes nagkakamali ka! Tell me Thunder, what do you want?" matapang na sam
Thunder POV Pagkatapos ng naging usapan namin ni Jewel ay dumiretso na ako sa condo ni Cain, ngunit wala namang tao dito. Alam ko na rin na ang kaibigan ko ang kasama ni Jewel no'ng mga panahong umalis ito sa aking puder. Noong araw na malaman ko lahat sa private investigator ay mabilis na pinuntahan ko agad si Cain no'ng una ay hindi naging maganda ang naging pag uusap namin at nasuntok pa niya ako ng ilang beses, pero kalaunan ay nagkaayos din kami no'ng pinaliwanag ko ang side ko. Isa na lang ang gusto kung mangyari ngayon, 'yon ay ang makasama ang mag ina ko at maging buo kaming pamilya. Sobrang saya ang naramdaman ko no'ng malaman kung may anak kami at nalaman ko rin kay Cain na wala pa itong naging kasintahan na iba o kahit manliligaw man lang dahil masyado itong naging busy sa restaurant niya pero ay mga iilan din na nagtangka. Kaya hindi na ako nagsayang ng oras kinaumagahan ay pumunta agad ako sa bahay nila Jewel para kausapin ito at kumpirmahin ang
Ilang araw na ang lumipas simula no'ng nangyari sa kanilang bahay ni Jewel, mabuti na lamang at hindi na ulit bumalik pa do'n ang binata at tungkol naman kay Storm ay naging maayos na ito kahit papaano at sinusubukan din ni Jewel na kausapin ito tungkol sa kanyang ama. Kasalukuyang nasa mall ngayon si Jewel dahil may binili ito, kagagaling niya lang sa paaralan kung saan papasok ang kanyang anak kagaya ng gusto ng kanyang mga magulang. Habang nag iikot ikot siya sa mall ay may nadaanan siyang isang sweet cafe kaya pumasok siya rito para kumain at mag order na rin ng take out para sa anak. Hindi niya kasama ang anak dahil tulog pa ito noong paalis siya, naiwan ito sa kanyang nanny. Nanag makapag order na siya ay naghanap siya ng bakanteng mauupuan, ilang minuato lang ay agad din namang dumating ang kanyang inorder kasama ang nakabalot na take out, habang kumakain siya ay naaptingin siya sa dalawang babae na kakapasok lang, umorder ang mga ito sa counter. Nang tinitiga
Jewel POV Nang makarating ako sa bahay ay wala akong naririnig na ingay na ipinagtataka ko, bigla din akong nakaramdam ng kakaibang kaba sa di malaman na dahilan kaya dali dali akong pumasok at nadatnan ko ang aming dalawang maid kasama ang nanny ng anak ko na nakagapos. Mabilis ko naman silang kinalagan at tinangal ang tape na nakatakip sa mga bibig ng mga ito. "Anong nangyari dito? Nasaan ang anak ko?" mabilis na tanong ko. "Hindi din namin alam ma'am nagulat na lang kami ng may biglang kumatok at pagbukas ko ay tinutukan ako ng baril kaya wala akong nagawa lima silang mga lalaki. Wala naman silang kinuhang gamit o pera." "Ginapos lang nila kami ma'am, no'ng una ay hinahanap ka nila kaso ang sabi namin wala ka dito, hinalughog pa nila ang bahay para makasiguradong wala ka nga dito." segunda pa ng isang katulong namin. "Si Storm po itanago ko sa cabinet." sabi ng nanny nito Dali daling akong nagtungo sa silid ng anak ko. M
Nang makaalis ang kaibigan na si Cain ay naglakad na ito pabalik sa kwarto ni Thunder, napag isip isip niya na rin na kailangan na nilang mag usap na dalawa at ayusin ang problema nila para sa anak lalo na ngayon na nasa panganib ang buhay niya. Pagpasok niya sa kwarto ay naglakad siya papalapit sa kama, kumunot ang kanyang noo niya ng hindi niya makita si Thunder na ang pagkakatanda niya ay tulog na no'ng lumabas sila ni Cain. Maya maya pa ay nakaramdam niya na may mga bisig na yumakap sa kanya. Hindi siya agad nakagalaw dahil sa gulat. "T-thunder, akala ko tulog kana." aniya "Nandito ka talaga, akala ko nananaginip lang ako." sabi nito habang hindi kumakalas sa pagkakayakap sa kanya. "Tinawagan kasi ako ni Cain kanina, kaya ayon nandito ako ayaw mo daw kasi umuwi." Hinila naman siya agad nito sa kama at pinaupo sa kanyang kandungan, bigla namang namula si Jewel dahil dito. "A-anong ginagawa mo? A-anong gagawin natin dito?" nauutal na
Nakatingin lang si Jewel sa binata habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha nito. Hindi niya lubos maisip na makikita niya ngayon sa harap niya na nahihirapan ang lalaking minahal niya ng sobra. Hinawakan niya ang mukha ni Thunder at pinaharap ito sa kanya. "T-thunder." pagtawag niya rito "I'm sorry Jewel, hindi ko sinasadya ang lahat ng 'yon. Oo galit ako sayo pero hindi ko naisip na gawin sayo ang bagay na 'yon. Sobra akong nagsisi no'ng pag gising ko wala kana sa bahay, hinahanap pa kita pero hindi kita nakita." saad nito "Thunder listen to me, ngayon ay naiintindihan ko na ang side mo. I'm sorry kung hindi muna kita hinintay magpaliwanag at umalis ako agad. At hindi mo ako masisisi do'n, sa lahat ng pinagdaanan ko sa mga kamay mo ay kusa na akong sumuko, siguro kung hindi mo nagawa ang bagay na 'yon sa akin noon ay hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin ako. Alam mo hindi madali sa akin ang nangyari, labis ang trauma na 'yon sa akin. And to be honest wi
Kinabukasan ay naunang magising si Thunder at napangiti na lamang siya ng makita ang dalagang katabi na mahimbing ang tulog. Hindi niya lubos maisip na pagkatapos ng ilang taon ay makakasama niya muli ang asawa. Alam niyang naging gago siya at hindi naging maayos ang pagtrato niya rito at lubos niya iyong pinagsisihan. Simula ng maikasal sila ay namuo ang galit niya rito dahil sinisisi niya ito kung bakit natali siya ng maaga at nawala ang pagiging binata nito. Kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na kahit kailan ay hindi niya ito mamahalin at gagawin niya ang lahat para maging miserable ang buhay nito na kasama siya. At nagtagumpay nga siya dahil sa araw araw na ginagawa at pinapakita niya sa dalaga. At noong iniwan siya ng kanyang asawa ay doon niya lang na realized lahat ng mga maling nagawa niya rito, ang akala niya ay hindi siya makakaramdam ng pagmamahal sa dalaga pero sa araw araw na wala ang presensiya nito sa kanilang bahay ay doon niya napagtantong import
Isang buwan na ang nakalilipas simula ng magkausap silang mag asawa, sumama na rin silang mag ina kay Thunder pabalik sa dati nilang bahay noong una ay ayaw ni Storm pero sa katagalan ay napilit din siya ng ina, ito lang kasi ang paraan na naisip ni Jewel para magkalapit ang kanyang mag ama, sa mga unang araw ay hindi nahing madali para kay Thunder ang lahat. Kapag sinusubukan niyang kausapin ang anak ay hindi ito sumasagot sa kanya, kapag naman niyayaya niya itong maglaro ay ayaw nito, kapag ipinagluluto niya ito ay hindi man lang ito pinapansin ng anak. Mahirap at masakit para sa kanya bilang ama pero wala siyang magagawa kung hindi tiisin ang lahat kung ito lang ang paraan para magkaayos sila. Minsan pakiramdam ni Thunder ay mukhang wala ng pag asa na maging maahos sila ng kanyang anak. He feel unwanted and useless pero iniisip niya na hindi siya pwedeng sumuko, hindi niya pwedeng sukuan na lang basta ang pamilyang inaasam niya. Iniisip niya na lang na kulang pa i
Cain POV Kasalukuyang nakaupo ako sa isang restaurant kaharap ang isang babae, nakatanggap ako ng mensahe mula dito na may kailangan akong malaman no'ng una ay hindi ko ito pinapansin dahil wala akong planong bigyan ng panahon 'yon pero ang ipinagtataka ko lang ay kung paano nito nakuha ang phone number ko. Ilang beses itong paulit ulit na nagpadala ng mensahe sa akin at isa ro'n ay nakakuha ng atensyon ko, ang nakalagay sa mensahe ay may alam ito sa nangyari noon sa kaibigan ko na si Jewel kaya hindi ako nagdalawang isip na makipagkita dito. Nandito ako ngayon kaharap ang isang babae, base sa itsura at pananamit nito ay mukhang galing din ito sa mayamang pamilya. "Mabuti naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko," panimula ng babaeng kaharap ko. "Who are you? Anong alam mo?" diretsong tanong ko. Natawa naman ang babae dahil dito. "Nagmamadali ka naman yatang malaman, handa kana bang masaktan sa matutuklasan mo Cain?" "Sino ka ba