Ilang araw na ang lumipas simula no'ng nangyari sa kanilang bahay ni Jewel, mabuti na lamang at hindi na ulit bumalik pa do'n ang binata at tungkol naman kay Storm ay naging maayos na ito kahit papaano at sinusubukan din ni Jewel na kausapin ito tungkol sa kanyang ama.
Kasalukuyang nasa mall ngayon si Jewel dahil may binili ito, kagagaling niya lang sa paaralan kung saan papasok ang kanyang anak kagaya ng gusto ng kanyang mga magulang. Habang nag iikot ikot siya sa mall ay may nadaanan siyang isang sweet cafe kaya pumasok siya rito para kumain at mag order na rin ng take out para sa anak. Hindi niya kasama ang anak dahil tulog pa ito noong paalis siya, naiwan ito sa kanyang nanny.
Nanag makapag order na siya ay naghanap siya ng bakanteng mauupuan, ilang minuato lang ay agad din namang dumating ang kanyang inorder kasama ang nakabalot na take out, habang kumakain siya ay naaptingin siya sa dalawang babae na kakapasok lang, umorder ang mga ito sa counter. Nang tinitiga
Jewel POV Nang makarating ako sa bahay ay wala akong naririnig na ingay na ipinagtataka ko, bigla din akong nakaramdam ng kakaibang kaba sa di malaman na dahilan kaya dali dali akong pumasok at nadatnan ko ang aming dalawang maid kasama ang nanny ng anak ko na nakagapos. Mabilis ko naman silang kinalagan at tinangal ang tape na nakatakip sa mga bibig ng mga ito. "Anong nangyari dito? Nasaan ang anak ko?" mabilis na tanong ko. "Hindi din namin alam ma'am nagulat na lang kami ng may biglang kumatok at pagbukas ko ay tinutukan ako ng baril kaya wala akong nagawa lima silang mga lalaki. Wala naman silang kinuhang gamit o pera." "Ginapos lang nila kami ma'am, no'ng una ay hinahanap ka nila kaso ang sabi namin wala ka dito, hinalughog pa nila ang bahay para makasiguradong wala ka nga dito." segunda pa ng isang katulong namin. "Si Storm po itanago ko sa cabinet." sabi ng nanny nito Dali daling akong nagtungo sa silid ng anak ko. M
Nang makaalis ang kaibigan na si Cain ay naglakad na ito pabalik sa kwarto ni Thunder, napag isip isip niya na rin na kailangan na nilang mag usap na dalawa at ayusin ang problema nila para sa anak lalo na ngayon na nasa panganib ang buhay niya. Pagpasok niya sa kwarto ay naglakad siya papalapit sa kama, kumunot ang kanyang noo niya ng hindi niya makita si Thunder na ang pagkakatanda niya ay tulog na no'ng lumabas sila ni Cain. Maya maya pa ay nakaramdam niya na may mga bisig na yumakap sa kanya. Hindi siya agad nakagalaw dahil sa gulat. "T-thunder, akala ko tulog kana." aniya "Nandito ka talaga, akala ko nananaginip lang ako." sabi nito habang hindi kumakalas sa pagkakayakap sa kanya. "Tinawagan kasi ako ni Cain kanina, kaya ayon nandito ako ayaw mo daw kasi umuwi." Hinila naman siya agad nito sa kama at pinaupo sa kanyang kandungan, bigla namang namula si Jewel dahil dito. "A-anong ginagawa mo? A-anong gagawin natin dito?" nauutal na
Nakatingin lang si Jewel sa binata habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha nito. Hindi niya lubos maisip na makikita niya ngayon sa harap niya na nahihirapan ang lalaking minahal niya ng sobra. Hinawakan niya ang mukha ni Thunder at pinaharap ito sa kanya. "T-thunder." pagtawag niya rito "I'm sorry Jewel, hindi ko sinasadya ang lahat ng 'yon. Oo galit ako sayo pero hindi ko naisip na gawin sayo ang bagay na 'yon. Sobra akong nagsisi no'ng pag gising ko wala kana sa bahay, hinahanap pa kita pero hindi kita nakita." saad nito "Thunder listen to me, ngayon ay naiintindihan ko na ang side mo. I'm sorry kung hindi muna kita hinintay magpaliwanag at umalis ako agad. At hindi mo ako masisisi do'n, sa lahat ng pinagdaanan ko sa mga kamay mo ay kusa na akong sumuko, siguro kung hindi mo nagawa ang bagay na 'yon sa akin noon ay hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin ako. Alam mo hindi madali sa akin ang nangyari, labis ang trauma na 'yon sa akin. And to be honest wi
Kinabukasan ay naunang magising si Thunder at napangiti na lamang siya ng makita ang dalagang katabi na mahimbing ang tulog. Hindi niya lubos maisip na pagkatapos ng ilang taon ay makakasama niya muli ang asawa. Alam niyang naging gago siya at hindi naging maayos ang pagtrato niya rito at lubos niya iyong pinagsisihan. Simula ng maikasal sila ay namuo ang galit niya rito dahil sinisisi niya ito kung bakit natali siya ng maaga at nawala ang pagiging binata nito. Kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na kahit kailan ay hindi niya ito mamahalin at gagawin niya ang lahat para maging miserable ang buhay nito na kasama siya. At nagtagumpay nga siya dahil sa araw araw na ginagawa at pinapakita niya sa dalaga. At noong iniwan siya ng kanyang asawa ay doon niya lang na realized lahat ng mga maling nagawa niya rito, ang akala niya ay hindi siya makakaramdam ng pagmamahal sa dalaga pero sa araw araw na wala ang presensiya nito sa kanilang bahay ay doon niya napagtantong import
Isang buwan na ang nakalilipas simula ng magkausap silang mag asawa, sumama na rin silang mag ina kay Thunder pabalik sa dati nilang bahay noong una ay ayaw ni Storm pero sa katagalan ay napilit din siya ng ina, ito lang kasi ang paraan na naisip ni Jewel para magkalapit ang kanyang mag ama, sa mga unang araw ay hindi nahing madali para kay Thunder ang lahat. Kapag sinusubukan niyang kausapin ang anak ay hindi ito sumasagot sa kanya, kapag naman niyayaya niya itong maglaro ay ayaw nito, kapag ipinagluluto niya ito ay hindi man lang ito pinapansin ng anak. Mahirap at masakit para sa kanya bilang ama pero wala siyang magagawa kung hindi tiisin ang lahat kung ito lang ang paraan para magkaayos sila. Minsan pakiramdam ni Thunder ay mukhang wala ng pag asa na maging maahos sila ng kanyang anak. He feel unwanted and useless pero iniisip niya na hindi siya pwedeng sumuko, hindi niya pwedeng sukuan na lang basta ang pamilyang inaasam niya. Iniisip niya na lang na kulang pa i
Cain POV Kasalukuyang nakaupo ako sa isang restaurant kaharap ang isang babae, nakatanggap ako ng mensahe mula dito na may kailangan akong malaman no'ng una ay hindi ko ito pinapansin dahil wala akong planong bigyan ng panahon 'yon pero ang ipinagtataka ko lang ay kung paano nito nakuha ang phone number ko. Ilang beses itong paulit ulit na nagpadala ng mensahe sa akin at isa ro'n ay nakakuha ng atensyon ko, ang nakalagay sa mensahe ay may alam ito sa nangyari noon sa kaibigan ko na si Jewel kaya hindi ako nagdalawang isip na makipagkita dito. Nandito ako ngayon kaharap ang isang babae, base sa itsura at pananamit nito ay mukhang galing din ito sa mayamang pamilya. "Mabuti naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko," panimula ng babaeng kaharap ko. "Who are you? Anong alam mo?" diretsong tanong ko. Natawa naman ang babae dahil dito. "Nagmamadali ka naman yatang malaman, handa kana bang masaktan sa matutuklasan mo Cain?" "Sino ka ba
Nanatiling nakaupo si Cain sa loob ng kanyang sasakyan, nandito siya ngayon sa labas ng building kung saan nakatira ang kanyang kasintahan. Nanatili pa siya ng ilang segundo bago tuluyang lumabas at pumasok sa building. Habang nakasakay siya sa elevator ay hindi pa rin mawala ang galit niya, akala niya hindi siya malalaramdam ng ganito sa kasintahan pero ngayon hindi niya na alam. Pagkabukas ng elevator ay dali dali siyang naglakad hanggang sa makaabot siya sa pintuan ng unit ng dalagang si Monique, kumatok siya ng tatlong beses bago ito nagbukas. "Hi babe," nakangiting bungad sa kanya ng dalaga at akmang hahalikan siya nito ng umiwas siya at dumiretsong pumasok sa loob. Labis ang pagtataka ng dalaga sa inasta ng kanyang kasintahan, pero hindi niya na lang ito pinahalata at sinara na lang ang pinto bago sumunod dito. Nakita niyang nakatayo lang ito habang hinihilot ang sentido. "Are you okay? What do you want to eat babe?" pagtatanong nito, ng
Mabilis na umalis sa kanyang unit ang dalagang si Monique dahil pupuntahan niya si Margaux, hindi niya lubos maisip na matapos ang lahat lahat ng ginawa niya para dito pati ang pagtulong niya ay magagawa siya nitong traydurin. Mabilis siyang sumakay ng kanyang kotse at nagmaneho papunta sa bahay ng kapatid ng dating kasintahan, hindi niya matanggap na sinira ni Margaux sila ni Cain, galit ang tanging nararamdaman niya ngayon sa dalaga. Pagkalipas ng halos 30 minutes ay narating niya ang bahay ng kaibigan, mabilis siyang bumaba at dumirero ng pasok sa loob. Naabutan niya si Margaux na prenteng nakaupo sa kanilang veranda habang may hawak hawak itong alak. Naglakad siya papalapit dito. "How dare you Marga," bulalas niya sa harap nito. "Hey Monique, you are here. W-wait, Ano bang sinasabi mo?" pagkukunware nito. Mabilis na dumapo ang kanyang kamay sa pisngi ng dalaga dahil sa sobrang galit. " Huwag kana magkunware pa! Alam ko na ang ginawa mo, al
Ngayon ang araw ng libing nina Thunder at Jewel, limang araw lang ang ginawang burol dahil ayaw ng patagalin pa ng kanilang mga magulang at naiintidihan naman ng lahat 'yon dahil hindi madali mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung anak mo pa. Wala ng mas sasakit pa sa isang ina at ama na maglilibing ng sariling mga anak. Simula ng mamatay ang mag asawa ay nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanilang panganay na anak na si Storm, madalas na itong tahimik at nakikita na lang nilang umiiyak ito kapag nasa kwarto ng kanyang mga magulang. Sa loob ng limang araw ay hindi umaalis si Storm sa kabaong ng dalawa, palagi siyang nakaupo do'n sa tabi at pinagmamasdan ang kanyang ama at ina na payapa ng natutulog. Alam ng mga kaibigan ng mag asawa na mahihirapan si Storm na tanggapin ang nangyari lalo na't malapit ito sa kanyang mga magulang, hindi tulad ng bunsong kapatid niyang si Kiara na bata pa at hindi pa alam kung ano ang nangyayari. At ngayon ay magkakasama na sila
Nang matapos na silang kumain ay inayos na ni Thunder ang kanilang mga gamit na dadalhin sa kotse. Hindi naman sila aalis papuntang ibang bansa kung hindi ay dito lang din sa Pilipinas sa isang resort kung saan iniregalo sa kanila ng mga magulang para magkaroon daw naman sila ng oras sa isa't isa. No'ng una ay ayaw pa nila itong tanggapin dahil hindi na naman nila kailangan 'yon dahil ilang beses na din naman silang umaalis na sila lang at minsan naman ay kasama ang kanilang mga anak pero mapilit lang ang mommy ni Jewel kaya sa huli ay pumayag na din sila. "Oh paano ba 'yan iiwan na muna kayo namin at baka pagbalik namin tatlo na kami." pagbibiro ni Thunder na ikinawa nilang lahat. Agad naman siyang hinampas ni Jewel. "Akala mo ang dali lang, ikaw kaya ang manganak para maranasan mo." Nagpaalam na sila sa mga magulang at mga kaibigan nila, ang huli ay sa anak nila. "Be a good boy Storm huwag kang pasaway sa lola at lolo mo okay? Minsan nandito n
It's been a year simula ng mabiyayaan ng bagong anak ang mag asawang Thunder at Jewe. Mas lalong naging masaya ang kanilang buhat ay kontento na silang pamilya kasama ang dalawang anak nila.Tatlong linggo na simula ng makabalik sila sa Pilipinas dahil nagtagal sila sa New York ng halos 11 months dahil gusto ni Thunder na maglaan ng oras sa kanyang pamilya at wala naman naging tutol do'n ang kanyang asawa.Laking pasasalamat nila dahil sa loob ng isang taon ay walang problema na dumating sa kanila o walang taong sumubok na sumira muli sa kanila, maliban na lang sa paminsan minsan na pagkakaroon nila ng tampuhan o away na normal naman sa isang mag asawa.At ngayon ay anibersaryo ng kanilang kasal pero hindi nila ito maiicelebrate ngayon dahil bukas pa sila aalis, binigyan kasi sila ng kanilang magulang ng isang regalo para magkaroon sila ng oras sa isa't isa. Gusto nga nilang isama ang kanilang dalawang anak perp pinipigilan naman sila ng mga kaibigan.
Dumating na ang araw ng kabuwanan ni Jewel kaya mas lalong tumutok dito si Thunder, halo halo ang nararamdaman niya ngayong dahil lalabas na ang anak niya sa mga araw ba ito kaya halos lahat ay excited. Nasa sofa si Thunder ngayon sa kakabasa ng mga dokumento sa ipinasa sa kanya ng sekretarya nito. Hindi na kasi siya pumapasok sa opisina dahil sa kanyang asawa.Habang nagbabasa siya ay nakarinig siya ng malakas na sigaw na galing sa kanilang kwarto kaya mabilis siyang tumayo at tinungo ang ito dahil nando'n ang kanyang asawa.Pagpasok niya sa kwarto ay hindi niya ito makita kaya dumiretso siya sa banyo at nakitang niyang namimilipit ito sa sakit. "Whta happen hon?" tanong niya."M-manganganak na yata ako!" naiiyak na sadd nito,"What? As in now?" pagtatanong pa ni Thunder."Tangina mo talaga kahit kailan! Manganganak na nga ako kaya dalhin mo na ako sa hospital you idiot!" sigaw ni Jewel dito.Do'n lang yata natauhan si Thunder at mabilis na
Thunder POV Nagtagal pa kami ng halos isang linggo sa Baguio at katulad ng sinabi sa akin ng asawa ko ay gusto niyang si Marga naman ang tulungan ngayon kaya ang ginawa namin nakaraang araw ay ipinapunta din namin dito ang kanyang mga magulang. Hindi makapaniwala ang mga ito na muli nilang masisilayan ang kanilang anak na akala nila ay patay na. Napag usapan din nila na babalik na si Marga kasama sila at humingi din siya ng pabor na isama si Nanang sa kanila dahil wala na daw itong pamilya at hindi naman nagdalawang isip ang mga ito na sumang ayon dahil malaki ang utang na loob nila kay Nanang sa pagkupkop sa kanilang anak. At kung tatanungin niyo kung ano na ang nangyari sa amin ni Jewel ay masasabi kung maayos na kami ulit kahit na madalas siyang nagsusunget o mainit ang ulo at naiintindihan ko naman 'yon dahil buntis siya. At ngayon ay nakaayos na ang gamit niya dahil ito na ang araw na uuwi na kami sa bahay namin. Inilagay ko na sa kotse ang mga g
Thunder POVRamdam ko ang hinanakit nga asawa ko sa bawat salitang binibitawan niya, pero mas okay na 'yon para mailabas niya lahat ng saloobin niya sa akin. Masaya ako na sa wakas ay pumayag na siyang makapag usap kami sana lang ay pagkatapos nito ay maging maayos na kami ng tuluyan."Oh bakit natahimik ka? Iniinis mo ako!" wika niya at sabay na inirapan ako.Hindi ko talaga maintindihan itong asawa ko ngayon pabago bago ng ugali. Hindi ko nakikita sa kanya ang dating Jewel at nakikita ko ngayon ay isang matapang at palaban na babae."Wala naman na kasi akong sasabihi, napaliwanag ko na ang lahat sa'yo.""Oh bakit parang kasalanan ko pa ngayon?"Napailing na lang ako, kailangan ko ng mahabang pasensiya."Oh anong nangyari pagkatapos? Nasaan na ang babae mo?" dagdag niya pa.Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong babae ang pinagsasabi mo? Kung meron man akong baabe ay ikaw lang 'yon! At kung tinatanong mo si Jhazzy ay hi
Jewel POVMabilis akong pumasok sa kwarto matapos kung talikuran si Thunder, ang totoo niyan ang nabigla talaga siya dito sa bahay. Hindi ako galit sa ginawa ni Marga alam kung iniisip niya lang ako dahil madalas niya akong nakikitang umiiyak.Hindi ko lang alam kung paano matatagalan ang pakikipag usap sa asawa ko dahil hanggang ngayon ay nandito pa din ang sakit. Oo alam kung may punto siya dahil hindi ko muna siya tinanong pero hindi naman niya ako masisisi dahil kung siya din ang nasa lugar ko ay baka ito din ang gagawin niya.Namimiss ko na ang anak ko pero hindi naman ako pwedeng humarap sa kanya ng ganito ang sitwasyon namin ng daddy niya. At ayaw ko na pati siya ay maapektuhan. Habang nakaupo ako sa kama ko ay nakarinig ako ng katok at pumasok si Nanang."Iha pwede ba tayong mag usap?" tanong niya sa akin.Tumango naman ako bilang tugon at umayos ng upo."Alam ko na asawa mo ang nandito kanina at umalis na siya. Hindi sa nakiki
Margaux POVNandito na kami ngayon ni Kuya Thunder sa labas ng gate, kinakabahan ako na baka magalit sa akin si Ate Jewel pero wala na din naman akong magagawa dahil nandito na kami ngayon. Sana lang ay hindi makasama sa kanila ang pakikialam ko.Nauna muna akong pumasok at naiwan muna si Kuya sa labas para hintayin ang hudyat ko. Nakita kung nakaupo sa sala silang dalawa ni Nanang."Oh Marga nandito kana pala. Akala ko mamaya ka pa uuwi." anas ni Nanang."Hindi naman Nang, may pinuntahan lang ako ang totoo niyan ay may kasama po ako ngayon." wika ko naman."Sino? Boyfriend mo ba? Ikaw ha." pang aaasar naman sa akin ni Ate Jewel, kung alam mo lang na asawa mo ang nandiyan."Aba'y nasaan? Bakit hindi mo pinapasok?" saad ni Nanang."Oo nga po eh, wait at tatawagin ko siya." nahihiyang turan ko at naglakad pabalik sa labas.Nakita ko naman si Kuya Thunder na tahimik lang habang hinihintay ako."Kuya pasok na tayo." pag aya
Margaux POVNandito lang ako nakatayo sa gilid veranda kung nasan nakaupo si ate Jewel, kita ko sa kanyang mukha ang lungkot at pangungulila. Madalas ay ganito lang siya araw araw nakatulala o di kaya ay nasa kwarto lang. Hindi ko makita ang masiyahing babae na kilala ko.Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko kahit ang sabi ko noon ay ayaw kung pangunahan si ate sa magiging desisyon niya, pero sa nakikita ko ay mukhang kailangan niya sa kanyang tabi si Kuya Thunder.Noong isang araw ko pa kinuha ang numero nito sa phone ni Ate Jewel no'ng hiniram ko ito sinabi kung makikitext ako dahil nawalan ako ng load pero ang totoo no'n ay kinuha ko lang talaga ang kanyang number para madali ko siyang makausap. Alam kung magugulat 'yon kapag nalaman niya na buhay pa ako pero hindi 'yon ang mahalaga sa ngayon kung hindi si ate.Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko, tatawagan ko si Kuya Thunder para ipaalam sa kanya kung nasaan si Ate, kailangan na nil