4 Years Later ...
Pababa ngayon ng eroplano si Monique habang nakasunod sa likod nito ang isa pang babae na may hawak hawak sa kaliwang kamay nito ang isang batang lalaki.
"Jew bilisan niyo na ng inaanak ko, masyadong excited itong si Cain, akala mo naman ang tagal niyang hindi tayo nakasama eh nauna lang naman siyang umuwi dito two weeks ago." reklamo ni Monique
"Oo na ito na, if I know namimiss mo lang si Cain." pang aasar nito pabalik
Umirap lang ang dalaga at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi naging madali kay Jewel ang desisyon na umuwi sa Pilipinas, dahil kung hindi lang sa pamimilit ni Cain lalong lalo na ni Calleigh na matalik niyang kaibigan ay hindi ito uuwi.
"Mom are we in the Philippines?" the little boy asked
"Yes baby, you will see you papa ninong and tita ninang already." ngiting sagot ni Jewel sa anak.
Tatlong taong gulang pa lang ang anak niya pero mahahalata mo ng matalino ito, diretso na din ito kung ma
Sa labis na frustration na nararamdaman ng dalagang si Jewel ay umalis muna ito sa kanilang bahay, naisipan niyang magpunta ng bar. Masama ang kanyang loob sa magulang dahil nasa isip niya na hindi siya maintindihan ng mga ito. Bago siya umalis ng kanilang bahay ay tatawagan niya dapat si Calleigh para samahan siya nito ng maalala niyang hindi ito pwedeng magpuyat at mastress dahil buntis pala ito ng dalawang buwan. Ayaw niya rin namang abalahin ang kaibigang si Cain dahil alam niyang kasama ito ni Monique, ayaw niya naman na siraan ang moments ng dalawa. Sobra na ang ginawa sa kanya ni Cain at gusto niya naman itong maging masaya at magfocus sa kung anong meron ang binata ngayon. Nakailang tequila na siyang nainom ngunit parang hindi pa rin siya tinatamaan ng kalasingan. "One glass of tequila again." sabi niya sa bartender, nandito kasi siya nakaupo ngayon sa bar counter Maya maya ay dumating din ang kanyang inorder. Napansin niyang may umupo sa katabi
Pagkarating niya sa kanilang bahay ay mabilis agad siyang bumaba ng taxi. Hanggang ngayon ay inis na inis pa rin siya pag naiisip kung sino ang nakasama niya sa condo na 'yon. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay agad itong dumiretso sa kanyang kwarto para makaligo at makapagbihis pero bago iyon ay dumaan muna siya sa kwarto ng kanyang anak para silipin ito at nakita niyang mahimbing pa itong natutulog. Agad niyang isinara ang pintuan ng kwarto ng anak. Pagkatapos niyang mag ayos ng sarili ay bumaba ito, naabutan niyang kumakain ang kanyang mga magulang kaya agad siyang umupo para saluhan ang mga ito. "Goodnmorning Jewel, nasaan ka kagabi? Bakit hindi ka umuwi?" tanong ng kanyang ina "Goodmorning mom, dad! Kasama ko si Calleigh kagabi nag bonding lang kami, you know matagal ding hindi kami nagkita, hindi ko namalayan ang oras kaya sinabi niyang doon na lang ako magpalipas ng gabi. I'm sorry kung hindi ako agad nakatawag para ipaalam sa inyo." paliwanag
Kanina pa inis na inis si Jewel dahil sa nakikita ng dalawa niyang mata. Parang gusto niya na lang umalis dahil mukhang wala namang balak ang dalawang nasa harapan nito na pag usapan ang tungkol sa catering. "Ahm. Ms. Celine if you mind I need to go now. I have something important to attend to. Let's just set another meeting for the foods and desserts." anas niya. "Bakit kailangan pa mag set sa ibang araw kung pwede naman pag usapan na ngayon. You know Ms. Jewel I'm a business man, busy akong tao so I don't want to waste my time." singit ni Thunder. Halos patayin niya na sa isipan niya ang ex-husband dahil sa sinasabi nito, parang gusto pang palabasin nito na oras niya pa ang nasasayang eh sila itong nagsasayang ng oras. Gusto pa yata ng audience sa paglalandian nila. "Mr. Alcantara if you are a busy person I am too. Hindi lang po kayo ang nakaschedule sa akin for the meeting today, kaya sinasabi kung iset na lang natin sa ibang araw ang meeting na it
Thunder's POV Tatlong araw na ang lumipas ng magkrus muli ang landas namin ng asawa ko. Alam ko sa sarili ko na maging gago ako no'ng mga panahon na magkasama pa kami sa iisang bubong. Sa dalawang taon na lumipas ay walang araw na hindi ko sinisi ang sarili kung bakit tuluyang nawala sa akin si Jewel. Alam kung mali ang nagawa ko ng gabing 'yon, pero masisisi niyo ba ako? Nadala lang ako ng kanyang emosyon dahil sa labis na galit na nararamdaman ko dahil sa nalaman ko no'ng araw na 'yon. Isang linggo bago mangyari ang araw na iyon ay nakapag isip isip na ako na kakausapin ko ang aking asawa at susubukan kung ayusin ang pagsasama namin bilang mag asawa, dahil alam kung hindi naman mahirap itong mahalin. Gumawa pa ako ng isang surpresa para kay Jewel, gusto ko kasing bumawi dito sa mga kasalanang nagawa ko lalo na sa pananakit ko sa kanya. Paalis na sana ako ng aking opisina para sunduin si Jewel ng biglang may natanggap akong tawag na nagmula s
Isang linggo na ang nakalilipas, pero sa bawat araw na 'yon ay palaging nasisira ang araw ni Jewel dahil sa taong ayaw na ayaw niyang makita. Madalas niyang dalawin ang matalik na kaibigan na si Calleigh pero hindi siya makatagal sa bahay nito dahil nando'n din palagi si Thunder na labis niyang ikinaiinis. Hindi niya alam kung nagkakataon lang ba o nananadya talaga ang binata. At kapag naman nagkikita sila para pag usapan ang tungkol sa catering ng kasal nila ay hindi sila matapos tapos dahil walang ginawa ang dalawa kung hindi maglambingan sa harap niya, sa totoo lang gusto niya ng icancel ang pagcacater ng restaurant niya sa kasal ng dalawa pero ayaw niya naman na maging unprofessional na tao dahil makakaapekto ito sa kanyang restaurant. At ngayong araw na ito ay kasama niya ang kanyang mga magulang sa kanilang kompanya, may importante kasi silang pag uusapan. Samantalang ang kanyang anak naman ay kasama ng kanyang nanny sa mall kung saan malapit lang
Nang makaakyat na si Jewel ay dumiretso siya sa silid ng kanyang anak. Umupo siya sa kama nito at kinuha ang isa sa mga unan ni Storm. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong silid, puro mga libro at drawing ang nakikita niya. Maya maya pa ay nahagip ng kanyang mga mata ang isang photo album na nakalapag sa bedside table. Kinuha niya ito at binuksan, agad na tumulo ang kanyang luha ng makita ang laman nito. Puro mga picture niya na may iba't ibang anggulo, may nakasulat sa baba na 'My super hero and the best mom in the world'. May nakita din siyang iilang picture na magkasama o magkatabi silang dalawa, nakangiti ang kanyang anak ngunit siya ay hindi o kaya pilit ang mga ngiti. Kahit na bata pa ang anak niya at proud siya dito. Lumaki ito na matalino at nakakapagsalita na ng maayos, mahilig din itong makipagdebate na kagaya ng kanyang ama. Ngayon niya lang napagtanto ang mga pagkukulang niya, alam niya sa sarili niya na malaki ang pagkukulang niya sa anak, hindi n
Mabilis na nakarating sa kanilang bahay sila Jewel, pagkapasok pa lang nila ay sinalubong na agad ng yakap ng kanyang mga magulang ang anak. Halata sa mga ito ang labis na pag aalala. Habang ang pulis na kasama nila kanina ay umalis na. Pansin ni Jewel ang pagdistansiya ng anak sa kanya, simula no'ng makaalis sila sa condo ni Thunder ay hindi pa siya nito pinapansin, pag tinatanong niya ito o kaya kakausapin ay tanging tango lang ang sinasagot ng bata. Habang pinapakain ng kanyang nanny si Storm ay pumunta muna si Jewel sa kanilang pool area. Umupo siya at nilagay ang paa niya sa pool, ngayon lang siya ulit nakaramdam ng pagod sa hindi niya malaman na dahilan. Muling bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa buhay niya ilang taon ng nakalipas at hindi niya namalayan na nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha. She realized that she has everything, kahit na naging failed man ang marriage life niya ay nandiyan pa rin ang kanyang mga magulang, kaibigan at hi
Kinabukasan ay abala si Thunder sa pagpirma ng mga papeles sa kompanya ng biglang pumasok ang kanyang sekretarya. "Sir Mr. Davis is already here." aniya nito "Let him in, thank you." sagot nito habang nakatingin pa rin sa papeles. Maya maya pa ay pumasok ang isang lalaki. "Goodmorning Sir," bati nito at saka umupo sa upuan na nasa harap niya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kilala mo naman diba ang asawa ko?" tanong nito. "Yes Sir, what about her? Did you already found her?" sagot ng kausap. Agad naman binaba ni Thunder ang papeles na kanyang hawak. "Yes, she's back again with a child. Gusto kung imbestigahan mo kung ano ang nangyari kay Jewel no'ng mga panahong wala siya rito sa Pilipinas, kung sino ang nakasama niya at kung sino ang ama ng anak niya." "Don't worry about it Sir, bukas na bukas ay ipapadala ko sayo lahat ng impormasyon na hinihingi mo." mabilis na sagot nito. Napangiti naman ang binata dahil dito. "Thank y
Ngayon ang araw ng libing nina Thunder at Jewel, limang araw lang ang ginawang burol dahil ayaw ng patagalin pa ng kanilang mga magulang at naiintidihan naman ng lahat 'yon dahil hindi madali mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung anak mo pa. Wala ng mas sasakit pa sa isang ina at ama na maglilibing ng sariling mga anak. Simula ng mamatay ang mag asawa ay nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanilang panganay na anak na si Storm, madalas na itong tahimik at nakikita na lang nilang umiiyak ito kapag nasa kwarto ng kanyang mga magulang. Sa loob ng limang araw ay hindi umaalis si Storm sa kabaong ng dalawa, palagi siyang nakaupo do'n sa tabi at pinagmamasdan ang kanyang ama at ina na payapa ng natutulog. Alam ng mga kaibigan ng mag asawa na mahihirapan si Storm na tanggapin ang nangyari lalo na't malapit ito sa kanyang mga magulang, hindi tulad ng bunsong kapatid niyang si Kiara na bata pa at hindi pa alam kung ano ang nangyayari. At ngayon ay magkakasama na sila
Nang matapos na silang kumain ay inayos na ni Thunder ang kanilang mga gamit na dadalhin sa kotse. Hindi naman sila aalis papuntang ibang bansa kung hindi ay dito lang din sa Pilipinas sa isang resort kung saan iniregalo sa kanila ng mga magulang para magkaroon daw naman sila ng oras sa isa't isa. No'ng una ay ayaw pa nila itong tanggapin dahil hindi na naman nila kailangan 'yon dahil ilang beses na din naman silang umaalis na sila lang at minsan naman ay kasama ang kanilang mga anak pero mapilit lang ang mommy ni Jewel kaya sa huli ay pumayag na din sila. "Oh paano ba 'yan iiwan na muna kayo namin at baka pagbalik namin tatlo na kami." pagbibiro ni Thunder na ikinawa nilang lahat. Agad naman siyang hinampas ni Jewel. "Akala mo ang dali lang, ikaw kaya ang manganak para maranasan mo." Nagpaalam na sila sa mga magulang at mga kaibigan nila, ang huli ay sa anak nila. "Be a good boy Storm huwag kang pasaway sa lola at lolo mo okay? Minsan nandito n
It's been a year simula ng mabiyayaan ng bagong anak ang mag asawang Thunder at Jewe. Mas lalong naging masaya ang kanilang buhat ay kontento na silang pamilya kasama ang dalawang anak nila.Tatlong linggo na simula ng makabalik sila sa Pilipinas dahil nagtagal sila sa New York ng halos 11 months dahil gusto ni Thunder na maglaan ng oras sa kanyang pamilya at wala naman naging tutol do'n ang kanyang asawa.Laking pasasalamat nila dahil sa loob ng isang taon ay walang problema na dumating sa kanila o walang taong sumubok na sumira muli sa kanila, maliban na lang sa paminsan minsan na pagkakaroon nila ng tampuhan o away na normal naman sa isang mag asawa.At ngayon ay anibersaryo ng kanilang kasal pero hindi nila ito maiicelebrate ngayon dahil bukas pa sila aalis, binigyan kasi sila ng kanilang magulang ng isang regalo para magkaroon sila ng oras sa isa't isa. Gusto nga nilang isama ang kanilang dalawang anak perp pinipigilan naman sila ng mga kaibigan.
Dumating na ang araw ng kabuwanan ni Jewel kaya mas lalong tumutok dito si Thunder, halo halo ang nararamdaman niya ngayong dahil lalabas na ang anak niya sa mga araw ba ito kaya halos lahat ay excited. Nasa sofa si Thunder ngayon sa kakabasa ng mga dokumento sa ipinasa sa kanya ng sekretarya nito. Hindi na kasi siya pumapasok sa opisina dahil sa kanyang asawa.Habang nagbabasa siya ay nakarinig siya ng malakas na sigaw na galing sa kanilang kwarto kaya mabilis siyang tumayo at tinungo ang ito dahil nando'n ang kanyang asawa.Pagpasok niya sa kwarto ay hindi niya ito makita kaya dumiretso siya sa banyo at nakitang niyang namimilipit ito sa sakit. "Whta happen hon?" tanong niya."M-manganganak na yata ako!" naiiyak na sadd nito,"What? As in now?" pagtatanong pa ni Thunder."Tangina mo talaga kahit kailan! Manganganak na nga ako kaya dalhin mo na ako sa hospital you idiot!" sigaw ni Jewel dito.Do'n lang yata natauhan si Thunder at mabilis na
Thunder POV Nagtagal pa kami ng halos isang linggo sa Baguio at katulad ng sinabi sa akin ng asawa ko ay gusto niyang si Marga naman ang tulungan ngayon kaya ang ginawa namin nakaraang araw ay ipinapunta din namin dito ang kanyang mga magulang. Hindi makapaniwala ang mga ito na muli nilang masisilayan ang kanilang anak na akala nila ay patay na. Napag usapan din nila na babalik na si Marga kasama sila at humingi din siya ng pabor na isama si Nanang sa kanila dahil wala na daw itong pamilya at hindi naman nagdalawang isip ang mga ito na sumang ayon dahil malaki ang utang na loob nila kay Nanang sa pagkupkop sa kanilang anak. At kung tatanungin niyo kung ano na ang nangyari sa amin ni Jewel ay masasabi kung maayos na kami ulit kahit na madalas siyang nagsusunget o mainit ang ulo at naiintindihan ko naman 'yon dahil buntis siya. At ngayon ay nakaayos na ang gamit niya dahil ito na ang araw na uuwi na kami sa bahay namin. Inilagay ko na sa kotse ang mga g
Thunder POVRamdam ko ang hinanakit nga asawa ko sa bawat salitang binibitawan niya, pero mas okay na 'yon para mailabas niya lahat ng saloobin niya sa akin. Masaya ako na sa wakas ay pumayag na siyang makapag usap kami sana lang ay pagkatapos nito ay maging maayos na kami ng tuluyan."Oh bakit natahimik ka? Iniinis mo ako!" wika niya at sabay na inirapan ako.Hindi ko talaga maintindihan itong asawa ko ngayon pabago bago ng ugali. Hindi ko nakikita sa kanya ang dating Jewel at nakikita ko ngayon ay isang matapang at palaban na babae."Wala naman na kasi akong sasabihi, napaliwanag ko na ang lahat sa'yo.""Oh bakit parang kasalanan ko pa ngayon?"Napailing na lang ako, kailangan ko ng mahabang pasensiya."Oh anong nangyari pagkatapos? Nasaan na ang babae mo?" dagdag niya pa.Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong babae ang pinagsasabi mo? Kung meron man akong baabe ay ikaw lang 'yon! At kung tinatanong mo si Jhazzy ay hi
Jewel POVMabilis akong pumasok sa kwarto matapos kung talikuran si Thunder, ang totoo niyan ang nabigla talaga siya dito sa bahay. Hindi ako galit sa ginawa ni Marga alam kung iniisip niya lang ako dahil madalas niya akong nakikitang umiiyak.Hindi ko lang alam kung paano matatagalan ang pakikipag usap sa asawa ko dahil hanggang ngayon ay nandito pa din ang sakit. Oo alam kung may punto siya dahil hindi ko muna siya tinanong pero hindi naman niya ako masisisi dahil kung siya din ang nasa lugar ko ay baka ito din ang gagawin niya.Namimiss ko na ang anak ko pero hindi naman ako pwedeng humarap sa kanya ng ganito ang sitwasyon namin ng daddy niya. At ayaw ko na pati siya ay maapektuhan. Habang nakaupo ako sa kama ko ay nakarinig ako ng katok at pumasok si Nanang."Iha pwede ba tayong mag usap?" tanong niya sa akin.Tumango naman ako bilang tugon at umayos ng upo."Alam ko na asawa mo ang nandito kanina at umalis na siya. Hindi sa nakiki
Margaux POVNandito na kami ngayon ni Kuya Thunder sa labas ng gate, kinakabahan ako na baka magalit sa akin si Ate Jewel pero wala na din naman akong magagawa dahil nandito na kami ngayon. Sana lang ay hindi makasama sa kanila ang pakikialam ko.Nauna muna akong pumasok at naiwan muna si Kuya sa labas para hintayin ang hudyat ko. Nakita kung nakaupo sa sala silang dalawa ni Nanang."Oh Marga nandito kana pala. Akala ko mamaya ka pa uuwi." anas ni Nanang."Hindi naman Nang, may pinuntahan lang ako ang totoo niyan ay may kasama po ako ngayon." wika ko naman."Sino? Boyfriend mo ba? Ikaw ha." pang aaasar naman sa akin ni Ate Jewel, kung alam mo lang na asawa mo ang nandiyan."Aba'y nasaan? Bakit hindi mo pinapasok?" saad ni Nanang."Oo nga po eh, wait at tatawagin ko siya." nahihiyang turan ko at naglakad pabalik sa labas.Nakita ko naman si Kuya Thunder na tahimik lang habang hinihintay ako."Kuya pasok na tayo." pag aya
Margaux POVNandito lang ako nakatayo sa gilid veranda kung nasan nakaupo si ate Jewel, kita ko sa kanyang mukha ang lungkot at pangungulila. Madalas ay ganito lang siya araw araw nakatulala o di kaya ay nasa kwarto lang. Hindi ko makita ang masiyahing babae na kilala ko.Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko kahit ang sabi ko noon ay ayaw kung pangunahan si ate sa magiging desisyon niya, pero sa nakikita ko ay mukhang kailangan niya sa kanyang tabi si Kuya Thunder.Noong isang araw ko pa kinuha ang numero nito sa phone ni Ate Jewel no'ng hiniram ko ito sinabi kung makikitext ako dahil nawalan ako ng load pero ang totoo no'n ay kinuha ko lang talaga ang kanyang number para madali ko siyang makausap. Alam kung magugulat 'yon kapag nalaman niya na buhay pa ako pero hindi 'yon ang mahalaga sa ngayon kung hindi si ate.Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko, tatawagan ko si Kuya Thunder para ipaalam sa kanya kung nasaan si Ate, kailangan na nil