Humagalpak ng tawa si Georgia. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip ni Armani para sabihin iyon. Nang makita niya na mukhang seryoso si Armani sa sinabi ay agad niyang itinikom ang bibig.
"And why would I marry you? Hindi pa ako nahihibang para magplano ng bagong kasal."
Tumayo si Armani at naglakad papalapit sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ni Georgia at napalunok, biglang kinabahan.
Inilapit ni Armani ang mukha, ilang inches ang kayo sa mukha ni Georgia at ngumiti. "Why not? I'm single, you'll be single."
Napatitig si Georgia sa mukha ni Armani. Ngayon niya lang napagtanto na gwapo pala ito at malakas ang dating. Pwedeng-pwede ito maging modelo at pag-aagawan ng mga naglalakihang luxury brands. Kahit sino rin sigurong babae ang lalapitan nito ay mahuhulog ang loob. Maliban sa kanya, hindi ito ang tipo niya. Gusto niya ay katulad ni Dante na nerd type, matalino.
Itinulak niya ito at umayos ng upon. At ano naman ang iisipin ng mga tao kapag nagpakasal siya matapos ang divorce nila ni Dante? Na malandi siya?
"I don't love you." Sinalubong niya ang mga mata ni Armani. "Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal. Hindi ko kaya magpeke ng vow sa harapan ng simbahan."
Hindi nakapagsalita si Armani. Nakita ni Georgia ang bahagyang pag-iwas ng tingin nito, bago umalis sa harapan niya.
"I'll have something to do. Eat your food and take a rest."
Naiwan siyang nakatulala paglabas ni Armani. What was that? Nasaktan ba ito dahil nireject niya ang alok nito?
Pero bakit naman ito masasaktan. At bakit sa dinami-dami ng babaeng pwedeng alukin ng kasal, bakit naman siya ang inalok nito? He might joking her. Pinagtitripan lang siguro nito siya.
Walang Armani na nagparamdam sa kanya buong maghapon at binabagabag siya nang pag-uusap nilang dalawa. Seryoso ba talaga ito sa kasal?
Bandang alas kwatro ay dumating ang doctor para tingnan ang lagay niya, kasama nito ni Quinn. Medyo maayos na ang lagay niya. Bukas ay pwede na siya maligo.
"Wala bang... girlfriend si Armani?" tanong niya kay Quinn habang inihahanda nito ang gamot niya. "I mean... wala ata akong nakikita na pumupunta rito?"
Natawa naman si Quinn at umiling. "Wala siyang girlfriend. Masyado siyang abala magpatakbo ng negosyo na naiwan sa kanya. Kung magkakaroon naman siya ng girlfriend, parating short time lang, tapos inaayawan na niya. Ewan ko ba, parang hindi ata yan naniniwala sa love. Sana ay huwag naman tumandang binata. Sayang ang lahi."
Gusto pa magtanong ni Georgia kung bakit, pero ayaw naman niyang maging usisera kaya hindi na niya tinanong pa.
"Mukhang close na close kayong dalawa?"
Ngumiti si Quinn. "Mga bata pa lang ay magkasama na kami ni Armani. Secretary ng daddy niya ang daddy ko noon kaya kami lang din parati ang magkalaro. Every boys in school hate him. He's a nonchalant. Nang mamatay ang daddy ko, iniwan niya ako sa daddy ni Armani at sila na ang nagpaaral sa akin."
"Ang mommy niya?"
Nagkibit-balikat si Quinn. "Wala kaming balita. Ang alam ko lang, umalis ang mommy ni Armani noong limang taon siya at hindi na bumalik pa rito. Simula rin noon, ayaw na ni Armani makakarinig ng kahit anong tungkol sa mommy niya. Itinuring na niya ito na isang patay."
**
Sa loob ng tatlong araw na pananatili niya sa puder ni Armani ay inalagaan siya nang mabuti ng mga tauhan nito. At hindi rin siya pwedeng manatili roon nang matagal. May mga bagay at problema siyang dapat ayusin.
Lumabas siya ng kwarto at hinanap si Armani. Hating gabi na, siguro ay nakauwi na rin ito galing sa trabaho.
Napansin niya ang isang kwarto na malapit sa hagdan. Bahagya iyong nakabukas kaya sumilip siya sa loob. She realized na kwarto iyon ni Armani dahil naroon ang suit nito.
"Armani?" tawag niya at tuluyan nang pumasok sa loob. "Armani, can we talk?"
Walang Armani na sumagot. She went to check the toilet pero wala rin don. Lalabas na sana siya nang mahagip ng mata niya ang mga larawan sa table malapit sa bintana. Dinampot niya ang mga larawan at napaawang ang bibig sa nakita.
"V-Vernice..." Picture iyon ni Vernice sa kasal nila ni Dante. But the thing is, kahalikan nito si Dante.
Nanginginig niyang kinuha ang isa pang larawan. Picture naman iyon ni Vernice sa Maldives, nakahiga ito sa dibdib ni Dante.
Natatandaan ni Georgia ang suot ni Dante sa picture. Ito ang honeymoon nila sa Maldives. At naroon din si Vernice nang hindi niya alam.
Ang akala niya ay ubos na ang mga luha niya pero hindi pa pala. All this time naroon si Vernice sa buhay nilang dalawa ni Dante. Una palang ay niloloko na siya ng dalawa.
"How could you do this to me?"
Tumakbo siya palabas ng kwarto ni Armani at hinanap ito sa buong kabahayan. She'll take his offer.
"You only have two days left, Armani! Nag-iisip ka ba?! Kung hindi ka magpapakasal sa lalong madaling panahon ay tuluyan nang mawawala sayo ang kompanya ng daddy mo at ang lahat ng meron ka!"
Narinig niya ang boses ni Quinn mula sa kusina kaya tumungo siya roon. Naabutan niya itong seryoso na nag-uusap kasama si Armani.
"I'm also trying, Quinn. Will you stop shouting at me na parang isang bata!"
Unti-unting huminto sa pag-iyak si Georgia at pinakinggan ang pag-uusap ng dalawa habang nakatago sa malaking vase. Armani needs to get married first bago nito makuha ang lahat ng mga iniwan ng daddy nito bago ang 30th birthday nito. At dalawang araw na lang bago ang birthday ni Armani.
"I'll scan the file na ipinadala ni Tirso bukas. Siguro naman may makukuha na tayo roon na papayag sa kondisyon mo. And please, huwag ka masyado maging pihikan. Wala na tayong oras."
Lumabas si Georgia sa pinatataguan niya. Sabay siyang nilingon nina Quinn at Armani.
"What's your condition?" tanong niya. "Tell me."
"Georgia..." Nilapitan siya ni Quinn at inalalayan. "Bakit lumabas ka na sa kwarto mo? Ayos ka na ba?"
Hinawakan niya ang kamay ni Quinn. Desperada siya ngayon makaganti sa asawa niya at sa best friend niya. "What's his condition bago magpakasal? Kailangan ko ba pag-aralan ang business? Gusto niya ba ng asawa na magaling magluto?"
"I thought you don't want to marry me?" maangas na usul ni Armani at nagsalin ng whiskey sa baso. "Change of heart?"
Inilapag niya ang picture nina Vernice at Dante sa lamesa. Hinabol iyon ng tingin ni Armani at hindi man lang nagreact na pumasok siya sa kwarto nito.
"Let's get married," malamig niyang sabi. "I will marry you, and you'll destroy them for me."
"Seriously, what are you wearing?"Napanguso si Georgia. Halos mag-iisang oras na siya kapapalit ng damit, pero hanggang ngayon ay wala pa rin nagugustuhan si Armani sa mga isinuot niya."Ano namang mali dito? Maganda naman, kulay violet pa," hindi niya napigilan na hindi mapairap."You can't face your husband and his mistress wearing a grandmother's outfit."Gusto niyang hampasin ang bibig nito. Walang preno.Wala nang nagawa pa si Georgia kundi ang bumalik sa fitting room para muling sumubok ng panibagong dress. Hindi naman importante sa kanya kung ano ang damit. Simple lang ang mga sinusuot niya at wala naman reklamo si Dante. Isa iyon sa kaibahan nila ni Vernice. Her best friend—ex best friend loves to wear sexy clothes. Siguro ay ang mga tipo nga ni Vernice ang gusto ni Dante at hindi ang gaya niya.Napatingin siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Hindi siya katulad ng mga nakikita niyang asawa ng business man.Nagbuntong-hininga siya at dinampot ang kulay pula na fitting dr
Parang pinupukpon ang ulo ni Georgia sa sobrang sakit. Hinawakan niya ito at napangiwi nang maramdaman na mainit ang noo niya. Nilalagnat siya. Siguro ay dala rin sa pagod buong maghapon para asikasuhin ang pangalawang anniversary nila ni Dante.Bumangon siya mula sa kama at mabilis na tiningnan ang relong pambisig. 30 minutes na lang at uuwi na si Dante. Tiyak na masusurpresa ito sa mga inihanda niya.Matapos niya maligo ay isuot niya ang damit na regalo sa kanya ng asawa niya noong nakaraang birthday niya. Bumaba na rin siya para tumungo sa garden at hintayin ang pagdating ni Dante."Ma'am, siguro po ba kayo walang ibang bisita na darating?" kumakamot sa ulo na tanong ng isang kasambahay. "Napakaraming pagkain na nakahanda. Kung sa probinsya namin ito ginawa, naku isang barangay na ang makakakain!""Tayo-tayo lang," natatawang sagot niya. Wala naman kasi siyang pamilya na pwede imbitahin dahil nasa ibang bansa ang halos lahat ng kaibigan ni Dante at ang iba ay nasa business trip.Ul
Ganon na lang ba kadali para kay Dante itapon ang lahat ng mga pinagsamahan nila? At ganon na lang ba kadesperada si Vernice na malagpasan siya para pumatol ito sa asawa niya?Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng mga luha niya. Wala siyang suot na na tsinelas o sapatos man lang. Ibinato niya ang suot niyang heels kay Dante, pagkatapos ay tumakbo palayo. Hindi niya kailangan ng pera o kahit anong material na bagay."Miss, are you alright?" Napatingin siya sa humintong sasakyan. Nakasilip doon ang isang ginang at nakatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "Saan ka ba papunta? Ihahatid na kita.""I'm fine," walang gana niyang sagot at nagpatuloy sa paglalakad. Nawala sa isip niya na nilalagnat nga pala siya, ngayon lang niya lang ulit naramdaman ang pagkahilo at sakit ng ulo. Pero hindi mapapantayan non ang sakit na nararamdaman niya ngayon."I'll take care of you. Mamahalin kita, papasiyahin, at hindi paiiyakin. Bubuo tayo nang masayang pamilya..."Mapait siyang napangiti nang maalala

Humagalpak ng tawa si Georgia. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip ni Armani para sabihin iyon. Nang makita niya na mukhang seryoso si Armani sa sinabi ay agad niyang itinikom ang bibig."And why would I marry you? Hindi pa ako nahihibang para magplano ng bagong kasal."Tumayo si Armani at naglakad papalapit sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ni Georgia at napalunok, biglang kinabahan.Inilapit ni Armani ang mukha, ilang inches ang kayo sa mukha ni Georgia at ngumiti. "Why not? I'm single, you'll be single."Napatitig si Georgia sa mukha ni Armani. Ngayon niya lang napagtanto na gwapo pala ito at malakas ang dating. Pwedeng-pwede ito maging modelo at pag-aagawan ng mga naglalakihang luxury brands. Kahit sino rin sigurong babae ang lalapitan nito ay mahuhulog ang loob. Maliban sa kanya, hindi ito ang tipo niya. Gusto niya ay katulad ni Dante na nerd type, matalino.Itinulak niya ito at umayos ng upon. At ano naman ang iisipin ng mga tao kapag nagpakasal siya matapos ang divo