Maayos natapos ang kanilang hapunan, pero katahimikan naman ang naghari nang mapunta ang lahat sa sala.Matagal nang hinihintay ni Cerise ang pagdating ng household registration book, pero tila ba nawala ito nang maramdam ang hangin dulot ng hindi kaaya-ayang ekspresyon ng karamihan kaya hindi niya mapigilan magtanong, “May nangyari po ba?”Wala ni isang sumagot sa halip ay nabaling ang tingin lahat kay Papito na nakaupo sa kadalasan nitong upuan at kalmadong nakatingin.Nang mapansing lahat ay nakatingin sa kanya, inangat nito ang tingin at sumagot. “May iba akong pinaggamitan ng registration book, idedeliver ito ng ilang araw. Hindi naman masama kung mahuhuli ng ilaw, diba?”Hindi nakapagsalita si Cerise kaya kinuha ito na pagkakataon ng ina ni Sigmund para magsalita.“Tama. Wala namang masama kung mahuhuli ng ilang araw. Pamilya tayo at hindi naman nagmamadaling maghanap ng iba ang Riri natin diba?”Ani nito habang hawak ang kamay ni Cerise.Awkward namang ngumiti si Cerise pero pi
“Pero si Mamita at Papito, ayaw nilang maghiwalay kayo.” Patuloy nang pag-iyak ni Cerise.“Hawak na ni Cerise ang registration book.” Ani Sigmund na nagsisimula nang mainis.“Ano? Sigurado ka ba?” Tanong ni Vivian at napatingin kay Sigmund, ang mga mata niya’y puno ng pag-asa.“Oo nga.”Habang ang isa naman ay hindi na makapaghintay na maghiwalay sila, ang kasama naman niya’y hindi makapaghintay na ikasal sila. Paano naman siya?Napatingin si Sigmund sa kausap, unti-unting nawawalang sigla ang mata.Matapos niya itong patulugin ay pumunta siya sa clubhouse. Maghapong nag-iinom doon si Winston at Izar, nang makita siya ng mga ito ay pinaalis nila ang mga kasama nilang babae at buong pusong inialay ang atensyon kay Sigmund.Halatang pagod si Sigmund, kaya minabuti nilang hindi ito paglaruan o tanungin. Tiningnan lang nila ito hanggang sa magsalita.“Hawak na ni Cerise ang registration book.” Ani Sigmund na parang kausap lang ang sarili.Napaisip sila bigla sa pinagpustahan nilang dalawa
Natawa si Cerise sa narinig at inilapag ang kanyang kinakain. Seryoso niya itong tinanong. “Alam nating hindi ito tama. Hindi ba pinapahalata ni Ate Vivian na ayaw niya tayong magkasama? O nagmamanhid-manhiran ka lang?”Alam ni Cerise na hindi ganoon kabait si Vivian katulad ng pinapakita nito sa karamihan.Sinagot siya ni Sigmund. “Ang sabi ko, wala siyang kinalaman sa kung anong meron sa ating dalawa.”“Paano ba magiging okay ‘to, ha? Magiging mag-asawa na kayo, baka dalawang araw mula ngayon may bagong asawa ka na tapos ano? May inaasikaso kang dating asawa? Sa tingin mo ba matutuwa siya?”“Puwede ba ‘wag mo siyang banggitin.”Makikita ang pagdidilim ng paningin nito sa pagkakasabi.“Sige! Sabihin na nating ikaw siya, at ako ikaw. Sa tingin mo ba matutuwa kung may inaasikaso akong iban
Hindi mapakali si Cerise nang maramdaman ang mainit na labi ni Sigmund sa kanyang mga labi. Saglit siya nitong tiningnan at hinalikan uli, ngayon ay mas malalim, mas mainit, mas matamis.Halos makawala na sa katawan niya ang kanyang puso sa sobrang bilis ng tibok nito, at pakiramdam niya’y huminto sa pagtakbo ang isip niya.Ang dalawang kamay ni Sigmund ay nasa pisngi ni Cerise habang maigi niyang ninanamnam ang tamis ng labi nito. Maingat ang bawat galaw niya dahil ayaw niyang masaktan ito dahil sa kaagresibohan niya.Akmang itutulak na ni Cerise palayo si Sigmund pero nahawakan nito ang kanyang kamay. Gamit ang isa nitong kamay ay itinaas nito ang dalawang kamay niya at mas nadiin siya sa dingding ng elevator. Halos sakopin na ng bibig nito ang bibig niya.Ramdam ni Cerise ang pagiging agresibo ni Sigmund, pati ang pag-iingat nito na baka mai
“He’s coming.” Saad ng katabi niya. “Gusto mo bang lumayo sa kanya?”Alalang tanong nito. Alam ni Percy kung paano siya itrato ni Sigmund kaya naiintindihan ni Cerise ang ugaling ganito niya.Napalingon si Cerise sa sinabi nito. “Ha? Paano?”Tiningnan siya nito gamit ang kanyang maamong mata. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Cerise, pero tila nailang ito sa ginawa niya.“Let’s date.” Biglang sabi ni Percy. Gulat namang tumingin sa kanya si Cerise. “Gusto kita.”Patuloy ni Percy.Hindi naman nakaisip nang mabuti si Cerise, hindi niya alam ano ang isasagot, at bago pa man gumana uli ang utak niya ay bumukas mula sa labas ang pinto.Biglang pumasok ang malamig na hangin pati ang brasong puwersahan siyang hinila palabas.Dahil sa gaan niya ay sumama lang ang katawan niya sa pagkakahila at nahinto nang tumama na sa matangkad na katawan ng lalaking nasa labas, malamig ang mata at walang bakas ng pagkatuwa sa mga tingin nito.Samantalang si Sigmund naman ay namumuhi sa tingin sa ka
Linagpasan lang ni Sigmund ang kanilang mga manonood, napahinto siya nang mapunta siya sa sala.Gulat ang lahat dahil bago itong awra niya, hinintay nila itong may sabihin pero sa halip ay lumabas lang ito. Sinundan naman ito ng Papito at daddy niya nang hindi nagpapahalata. Ang mommy at Mamita niya naman ay nasa pintuan parin.“Riri.”“Baby Riri.”Halos sabay lang na tawag ng dalawa.Alam ni Cerise kung gaano siya kagusto ng mommy at Mamita ni Sigmund. Gustong-gusto ng dalawa na maging parte siya ng pamilya. Ngunit ngayon, pakiramdam niya ang pagtawag nito sa kanya ay mas lalo lang siyang nanliliit sa sarili dahilan para mapayuko siya. “Sorry po, Mamita, Mom.”“Baliw, bakit ka naman magsosorry? Ano ba sinosorryhan mo? Iyang batang hindi ka pinaphalagahan? Dapat la
“Bakit ka naman matatakot? Hindi naman ako interesado dyan.” Saad nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Kahit man pinahiya siya nito, hindi naman mapakali ang puso niya dahil hinawakan nito ang kamay niya. Hinawakan niya ito nang mahigpit at pilit tinanggal pero dahil sa lakas ni Sigmund ay hindi man lang ito nagalaw.Magagalit na sana siya nang itulak siya nito sa kama. Dahil sa gaan niya ay tumalbog siya nang kaunti. Nahilo siya dahil dito, napaisip tuloy siya ano kayang kasalanan na naman niya dito para pagtripan na naman siya nito?Natulog si Sigmund ng gabing iyon sa kama katabi niya. Tuwing susubukan niyang tumayo at umalis ay hihilahin siya nito pabalik at dadaganan gamit ng mahahaba nitong binti. “Matutulog ka sa kama o matutulog kang nakatali?”Napairap naman si Cerise. Alam niyang wala naman siyang mabuting mapapala kaya mabuti nang matulog nang hindi nakatali.Natulog siyang may mabigat na nakadagan sa kanya. Hindi niya alam kung braso ba ito ni Sigmund o ang mahab
Nasa dressing room si Cerise at pinag-aaralan ang script niya para sa programa nang may pumasok at ibinulong sa kanya. Agad niyang hinanap ang kanyang cellphone at nakita ang pinakamainit na topic sa social media ngayon.‘Popular now: The road to fame of the daughter of a criminal’At isang larawan niya kanina noong bumaba sa kotse ng isa sa mga ‘manliligaw’ niya.‘Ang anak ng isang kriminal na nagpakamatay dahil sa takot ay hindi lamang nakakapag-aral sa abroad, at bumalik pa ng Pilipinas para maging isang tagapagbalita. Napakawalang-hiya…’Nanginig naman ang pagkatao ni Cerise sa salitang ‘kriminal’ pero dahil siya ito, mukha siyang kalmado. Marahan niyang tiningnan ang taong pumasok. “Puwede bang matanggal ‘yan?”“Hindi ba ‘yan masyadong halata kaysa sa itago ito? Baka sabihin nila guilty ka.” Saad ng staff member na pumasok.Naisip niyang tama nga naman kaya itinabi niya ang cellphone at bumalik sa kanyang ginagawa sabay kibit-balikat. Tama nga naman, bakit niya naman ito papatulan
Bigla siyang hinila ni Sigmund pabalik at sabay silang bumagsak sa kama.Nataranta si Cerise. Napakapit siya sa braso nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, mahina siyang bumulong."Hindi yata tama 'to...""Bukas, may press conference. Sasabihin ko na asawa kita. At hindi ko na itatago."Ibinulong ni Sigmund iyon sa leeg niya—mababa, mariin, at puno ng paninindigan.“Hindi,” madiing sabi ni Cerise sa nanginginig niyang tinig. “Hindi tayo puwedeng magpa-press conference.”Bahagyang napatigil ang mundo. Nadadarang siya sa init ng katawan nito, sa seguridad ng yakap, ngunit nanaig ang katinuan.Dumikit si Sigmund sa leeg niya, at may bulong na dumaan sa balat niya gaya ng usok na may dalang apoy. “Ayoko nang maulit ang nangyari ngayon,” aniya, mariin ang tono.Ayaw na niyang hayaang harapin ni Cerise ang panganib nang mag-isa.Pumasok sa isipan ni Cerise ang nakaraan, ang araw na sinabuyan siya ng pintura sa harap ng media. Iyon ay isang kahihiyan, ngunit maituturing pang mabab
Natigilan si Cerise nang magtagpo ang tingin nila ni Sigmund. Sa isang sulyap pa lang, alam niyang nakita na nito ang mga sugat niya na pilit niyang itinatago. Naunawaan niya rin kung bakit ito bumalik sa pribadong silid para hanapin si Mr. Peterson. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya."Sigmund, tumigil ka na sa pagtitig," mahinang bulong niya.Ngunit hindi siya pinakinggan ni Sigmund. Sa halip, lumapit ito mula sa likuran at bumulong sa kanyang tainga, malamig ang tinig nito."Sino'ng nagbigay ng pahintulot para masaktan ka?"Napatigil si Cerise. Sa dami ng nangyari, halos hindi na siya makakilos. Akala niya, ligtas na siya, pero heto siya, pinapagalitan pa nga. "Saan ka pa nasugatan? Sasabihin mo ba, o gusto mong ako na mismo ang maghubad ng natitira mong damit para malaman ko?"Hindi na siya hinintay nitong sumagot. Parang seryoso nga ito."Ako na ang magsasabi! Ako na!"Taranta siyang napasigaw.Sa wakas, umangat si Sigmund mula sa kanya. Ngunit na
Binalewala ni Cerise ang kirot na gumagapang sa kanyang tagiliran. Ang tunay na takot ay dumapo sa kanyang sikmura nang mapansing naka-lock ang pinto, inilock ito ni Mr. Peterson.Tahimik ang tunog ng mga sapatos ni Mr. Prescott habang papalapit siya, mabagal, puno ng intensyon. Hinawakan nito ang basang manggas ng kanyang damit.Napaatras si Cerise nang di sinasadya. Napadikit ang kanyang kamay sa nabasag na salamin. Napasinghap siya at mabilis na inangat ito. Dugo ang dumaloy sa kanyang palad."Akala mo ba'y kaya kitang pagbigyan katulad ng ama mong inutil?" mariing bulong ni Mr. Prescott habang sinunggaban siya sa kwelyo at pilit siyang itinatayo. "Kung hindi dahil sa natitirang pakialam ng pamilya Beauch sa'yo, matagal ka nang wala. Hindi kita gagawing prinsesa tulad ng ginawa ko kay Vivian."Napilitan si Cerise na titigan ang kanyang mukha. Wala nang pagkukunwari. Sa isang simpleng pagkakatapon ng alak, lumabas ang tunay na anyo ng halimaw.Dapat sana’y masaya siya na nabunyag an
“Ako?”“Hm-hm.” mabilis na pagtango ni Spencer, pilit na ngumiti kahit hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti. “Kumain na tayo.”Dahan-dahan nilang tinapos ang hapunan. Pagkatapos, isinama ni Cerise si Spencer sa ilang kilalang lugar sa lungsod, ipinakita ang kultura at tradisyon ng Pearl Pavilion. Nang matapos ang paglilibot, tinawag niya ang taxi para ihatid siya pabalik sa hotel.Ginagampanan lang niya ang papel ng mabuting host. ’Yun ang iniisip niya.Pero hindi inaasahan ang sumunod.Pagkababa ni Spencer mula sa taxi, nakaharap na siya agad sa isang pamilyar na tanawin nang bigla ay may isang katahimikan nang makaramdam ng isang malakas na presensya.Si Sigmund.Nakatayo siya sa unahan ng isang grupo, malamig ang tingin na ibinabato nito kay Spencer. Mula roon, lumipat ang tingin niya sa likuran, sa taxi kung saan nakaupo pa rin si Cerise.“Manong, paandarin niyo na po,” utos ni Cerise sa drayber, kahit nanginginig ang kanyang mga daliri.Umalis agad ang taxi, iniwan si Spen
“Sig?” Halos pabulong na lumabas ang pangalan niya sa labi ni Cerise nang sinagot niya ang tawag, malamig ito at matalim.“Kailangan ba ng babae ko ang pamilya Prescott? She already has me.” Hindi na siya naghintay ng sagot ng kabilang linya at kaagad na pinatay ang tawag.Nakanguyom ang panga ni Sigmund habang nakatitig sa screen, ang pangalang Vince Prescott ay malinaw pa rin sa display. Subukan niya lang magpantasya kay Cerise at buhay niya ang kukunin ko.Galit ang unti-unting bumalot sa kanya. Tiningnan niya ang numero, malamig ang tingin, at walang pag-aalinlangang binlock ito. “—Cerise.” Naglakad palabas si Cerise mula sa silid at nakita siyang nakatayo sa may kusina, hawak ang kanyang cellphone. “May tumawag ba sa’kin?” tanong niya. “Wala,” matalim ang sagot ni Sigmund. Hindi pa rin nawala ang galit sa kanyang mga mata. “Ah, ganon ba...” Tumango lang si Cerise, pero may kutob siyang may tinatago ito. Kung wala ngang tumawag, bakit parang may balak siyang patayin? Gal
“Ano bang gusto mong pag-usapan?” tanong nito, mata’y puno ng sakit. “Yung divorce? Na willing ka pang magsampa ng kaso? Gusto mo bang malaman ng buong mundo na kasal tayo?”“Hindi ko kayo kakasuhan. Pumayag ka na maghiwalay tayo, at wala nang ibang makakaalam,” sagot ni Cerise. “Kahit kailan, walang makakaalam na naging mag-asawa tayo. Puwede ba ‘yon?”Tumawa si Sigmund nang mapait. Pagkatapos ay muling kinagat nito ang kanyang balat.Walang makakaalam?“Hindi ba pwedeng kapalit ng tiwala mo ang lahat ng yaman ko? Ang buong buhay ko?”Isa lang namang bagay ang hinihiling niya.Pero huli na.Hindi na siya kayang pagkatiwalaan ni Cerise.Tumahimik siya. Hindi na nagsalita.Bumagsak si Sigmund sa kanyang leeg, bulong nang bulong ng hindi niya naman marinig.Matagal silang walang imik.Hanggang sa halos makatulog na si Cerise ay muling nagsalita si Sigmund.“Gutom ka pa ba?"Napadilat siya sa marahang boses nito..“May dala akong sopas.”Tumayo ito, nagbihis, at lumabas.Napaupo si Ceri
Bago pa man siya matapos magsalita, yumuko na si Sigmund at kinagat ang kanyang baba nang malakas. Dahan-dahan itong gumapang paitaas hanggang sa dumapo ang kanyang mga labi sa mga labi ni Cerise.Napasinghap si Cerise at awtomatikong umatras. Nagtangkang tumakas ang hininga niya habang ang pag-aalinlangan ay tumagal nang matagal, hanggang sa nalasahan niya ang dugo mula sa sariling labi. Unti-unting dumilat ang kanyang mahigpit na nakapikit na mga mata, at tuluyang nanlambot ang katawan.Kinagat siyang muli nito ngayon, sa kanyang labi.At saka nito sinipsip, tila isang nauuhaw na hayop.Masakit.Malalim.Sobrang sakit.Ang kamay niyang nakakulong sa itaas ng kanyang ulo ay walang malay na nangiwi, at napakapit sa hangin.Masakit.Mula sa kanyang mga labi hanggang sa kanyang puso.Nang maramdaman ni Sigmund na hindi na siya tumututol, unti-unti nitong binagalan ang kanyang galaw. Ang mga halik niya ay naging banayad, halos may pag-galang, habang dahan-dahan nitong sinisipsip ang dugo
Matagal pinag-isipan ni Kara ang lahat. Pero sa huli, alam niyang hindi na pwede kung ano man ang meron sina Cerise.Pagkatapos ng hapunan, habang umiinom ng gamot si Cerise, tahimik siyang umupo sa tabi nito. May seryosong ekspresyon sa mukha niya, at ilang segundo pa bago siya nagsalita.“Kung ganon... Kailangan ba natin si Dad para tulungan kang idemanda siya? Itutuloy na natin ang divorce?”Hindi man lang nagdalawang-isip si Cerise.“Oo.”Napakurap si Kara, medyo nabigla sa gaan ng tono nito. “Grabe, puwede naman yatang hindi na umabot sa ganito? Mag-usap kaya muna kayo."Hindi sumagot si Cerise. Bagkus, isang mapait na ngiti lang ang gumuhit sa labi niya.-Umuulan na naman pagdating ng gabi. Banayad ang lagaslas ng ulan sa bintana, habang ang liwanag lang ng ilaw sa restaurant ang naglalaban sa dilim. Nasa isang sulok si Cerise, nakabalot sa kumot, nakatitig sa thermometer sa mesa.39 degrees.Napabuntong-hininga siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto. Narinig niya ang tunog ng bi
Lalong bumilis ang agos ng mga luha ni Cerise habang unti-unting bumabagsak sa kanyang pisngi, mainit at mabigat, humahalo sa init na kumakalat sa kanyang katawan.How can I not worry about you after all?Magkasama silang lumaki. Magkalaro sa likod ng bahay nila, nagtatago sa dilim habang nagbubulungan ng mga sikreto. Minahal niya ito ng buong puso sa loob ng napakaraming taon. Ang ganoong klaseng pagmamahal, hindi iyon basta nawawala.Dahan-dahang yumuko si Sigmund, hinalikan siya, banayad, alanganin, puno ng mga salitang hindi masambit. Sandali siyang nanatili roon bago bumitaw at inalalayan siya nitong umupo. Hawak niya ang mukha ni Cerise gamit ang dalawang kamay, hinahaplos ang mga luha sa pisngi nito. Pagkatapos ay inilapit ang kanyang noo, mariing ipinatong sa noo ni Cerise, sabay kunot-noo.“May lagnat ka ba?”Hindi nakasagot si Cerise. Para siyang lumulutang, ang utak niya ay parang nasa ulap, mabigat ang kanyang katawan, parang binabalot ng usok.Mainit ang lahat. Ang balat