George POVI am ready to blow, but I know I need to control my temper. Huminga ako nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko.“I will show you your videos and pictures with her. Yun ang sasagot sa iyong mga tanong,” madiin kong sabi, sinisigurado ko na maririnig niya ang bawat salita.Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Pabago-bago ito, isang sandali ay sakit, sa susunod ay takot, tapos biglang walang pakialam. Parang may gulo sa loob niya na pilit niyang pinipigil.“Wala na ‘yong halaga, George. Ang mahalaga sa akin ngayon ay pakasalan si Andrea. Matagal na siyang naghintay para sa akin. Nitong mga nakaraang araw, inalagaan niya ako, pinasensyahan ang mga sumpong ko, at hindi niya ako iniwan,” ani Nick na may ngiti sa labi.“Ha?! ‘Yan lang ba ang dahilan mo, Nick? Dahil lang sa ilang araw na magkasama kayo, gusto mo na siyang pakasalan? Hindi mo ba ako pinaniniwalaan? Ako, ang kaibigan mo?” galit kong tanong.Matalim akong tinitigan ni Nick, para bang sinusu
Scarlett’s POVPag-alis ni George, hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Jessica habang nakahiga sa sofa. Parang balon ang kanyang mata dahil hindi ito nauubusan ng tubig. Nasasaktan ako para sa kanya. Nanggigigil ako kay Andrea ngunit, gusto kong sampalin si Nick, kahit alam kong hindi niya ito sinasadya dahil sa kawalan niya ng alaala.Lumapit ako sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang buhok, sa pamamagitan nun, maipaparamdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa.“Boobae… it breaks my heart to see you like this. Alam kong hindi ko kayang paghilumin ang sugat sa puso mo, pero at least, kaya kong gamutin ang sugat sa tuhod mo. I’ll go get your medicine kit.”Tumayo ako at nagpunta sa cabinet kung saan niya madalas itago ang kanyang medical supplies. Mabilis akong bumalik at walang pag-aalinlangang sinimulang gamutin ang sugat sa kanyang tuhod.“Ouch! Masakit! Huhuhu” nataranta ako dahil sa narinig. “ Sorry Boobae, I’ll be gentle” hinipan ko ang sugat niya para hindi humapdi. Nagulat a
Jessica’s POVLimang araw na ang lumipas simula nang malaman kong ikakasal na sina Ate Andrea at Nick. Tatlong araw akong nagkulong sa loob ng condo, walang ganang lumabas o makihalubilo sa iba. Kung hindi lang ako pinilit ni Scarlett kahapon na pumasok sa trabaho, baka hindi pa rin ako aalis ng bahay.Sa nakalipas na limang araw, walang tigil ang pag-ikot ng isip ko. Hindi ko alam kung paano maghihilom ang sugat sa puso ko. Masakit pa rin, pero pinipilit kong bumangon at maging matatag. Tama si Scarlett, hindi pa kasal sina Nick at Ate Andrea. May pag-asa pa. Maaari ko pang maibalik ang alaala ni Nick. Walang mangyayari sa akin kung patuloy kong ilulunod ang sarili sa panibugho. Kailangan kong ipaglaban si Nick.Naningkit ang aking mga mata. Hindi na ako pwedeng manatiling tahimik at magpapaapi kay Ate Andrea.Mataas ang respeto ko sa kanya bilang nakatatandang kapatid, pero hindi ko matanggap ang ginawa niya sa akin. Kung totoo at tapat ang pagmamahal ni Nick sa kanya, kung naaalala
Jessica’s POVPagkatapos naming bumili ng gown, nagdesisyon kaming pumunta sa salon para sa aking buhok at makeup. Ngumiti si Scarlett habang pinapanood ako, kitang-kita ang kanyang kasabikan.Ang aking mahaba at makapal na buhok ay inayos sa malalambot na alon na may mayamang brown-to-blonde ombre effect. Ito ay eleganteng inayos na may bahagyang taas sa korona at pinalamutian ng isang Magandang floral na aksesorya sa buhok, na nagbibigay ng glamorosong at mala-pangkasal na hitsura.Samantala, ang aking makeup ay sopistikado at maayos na hinulma. Mayroon itong matapang na winged eyeliner na nagpapatingkad sa aking mga mata at mahahabang pilikmata, habang ang eyeshadow ay maingat na pinaghalo. Ang aking mga kilay ay maayos ang hugis at punong-puno. Ang aking mga labi ay pininturahan ng matingkad na pinkish-red na kulay, na lalong nagpapatingkad sa aking elegante at pino na itsura“ Wow! You look like a beautiful mermaid bride. “ kumikislap ang matang sabi ni Scarlett.“I am excited sa
Andrea’s POVNasa isang pribadong silid pa ako habang hinihintay ang opisyal na anunsyo ng aming engagement. Hindi ako mapakali. Sa wakas, matutupad na ang matagal ko nang pinapangarap."Mom, dumating na ba si Nick? Ilang minuto na lang at magsisimula na ang party," nag-aalalang tanong ko."Don’t worry, sweetheart. Kanina ko pa siya nakita. May kausap siyang mga business partners sa labas," sagot ni Mommy."Ganoon ba? Bakit hindi man lang niya ako pinuntahan?" may bahagyang tampo sa tono ko."Naku, busy lang ang asawa mo. Nagtatrabaho para sa future ninyong dalawa at ng magiging mga anak ninyo. Dapat masanay ka na. Tulad ko, tinanggap ko na pangalawa lang ako sa Daddy mo pagdating sa trabaho," mahabang paliwanag niya.Hindi ko mapigilang mapangiti nang maluwag. "Asawa ko." Ang sarap pakinggan. Kinikilig ako.Muling tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin. I am satisfied with my makeup and dress. I look innocent, but at the same time, a little wild. Suot ko ang isang mermaid silhouett
Andrea’s POV Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jessica. Para siyang sirenang umahon mula sa dagat. I hate to admit it, but she looks stunning, breathtakingly beautiful.Halos magkapareho ang aming damit at buhok, ngunit sa kanya ay may bahagyang alon. Mermaid dress din ang suot niya, pero mas mababa ang neckline, labas na labas ang cleavage niya. Hindi ko akalain na magsusuot si Jessica ng ganitong klaseng damit. Backless ito, hanggang beywang, at nakatali sa leeg. Kita ang magandang kurbada ng kanyang katawan. May mahabang slit din ito na lalong nagbigay ng kakaibang aura habang naglalakad siya. Bagsak kasi ang tela nito at kumikinang dahil sa mga tila perlas na nakalagay sa damit. She looks like a hot villain rather than innocent . Para bang nagkapalit kami ng personalidad ngayon.Ngunit nang ngumiti siya, mas lumitaw ang pagiging sophisticated niya. Wala na ang malditang aura niya.Nagngingitngit ako sa nangyayari. Bakit na naman niya inagaw ang spotlight? Akin ang engagement
Jessica’s POVPinipilit kong pinapatatag ang aking sarili. Kahit durog na durog ang puso ko habang nakikitang magkadikit sila Ate Andrea at Nick, pinipilit ko pa ring ngumiti.Nagulat ako kanina nang pagdating namin ni Rich, biglang sinabi ni Dad na iaanunsyo rin niya ang engagement namin sa harap ng lahat. Hindi na ako nakatanggi. Habang nagaganap ang programa, halos hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Buti na lang at nagawa ni Rich na pagaanin ang aking pakiramdam. Natawa pa nga ako sa biro niya, hindi ko inaasahan na marunong din pala siyang magpatawa."Jes," tawag niya."Yes?" sagot ko, medyo kinakabahan."Nakikita mo ba ang mga bisita natin ngayon?" tanong niya.Tumango ako nang seryoso."Alam mo bang limampung porsyento ng mga narito ay dumalo lang para makakuha ng bagong kliyente?""At ang tatlumpung porsyento naman ay nandito para ipagyabang ang kanilang mamahaling suot."Napaisip ako. "At ‘yung natitirang dalawampung porsyento?" tanong ko.Ngumisi si Rich. "Sila ‘yung mga
Leon’s POV - Wild ColonyTahimik kong pinagmamasdan ang malalaking monitor sa loob ng aking opisina, habang isa-isang lumalabas ang mga mukha ng matataas na miyembro ng Wild Colony sa screen. Hinintay ko munang makumpleto sila bago ako pumasok sa virtual na pagpupulong.Nasa monitoring room ako, kaya kitang-kita ko ang operasyon ng bawat departamento sa Wild Colony. Lahat ay abala sa kani-kanilang gawain, walang sinasayang na sandali. Ngunit biglang naningkit ang aking mga mata nang mapansin kong tila may kaguluhan sa IT Security Operations Center (ISOC). Sa isa sa mga monitor, kita kong nagmamadaling gumagalaw ang mga tauhan doon, halatang may nangyaring hindi inaasahan.Mabilis kong sinenyasan ang aking assistant."Puntahan mo ang security team at alamin kung anong nangyayari," malamig kong utos, nakakunot ang noo. Wala akong hilig sa surpresa, lalo na sa ganitong klase ng sitwasyon.Sinubaybayan ko siya sa CCTV habang pumapasok sa loob ng ISOC. Ilang segundo lang, nagbigay siya ng
Jessica’s POV Ilang minuto akong natulala sa sinabi ng matanda. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay narinig ko ang tunog ng kampana mula sa simbahan. Paglingon ko, wala na sila. Hindi ko man lang narinig na nagpaalam sila. Para bang isa lang silang guniguni, para mag-iwan ng mensaheng kailangang marinig ng puso ko.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng simbahan, luhaang humihikbi. Doon ko isinuko ang lahat sa Diyos. Sa harap ng altar, tahimik akong nanalangin habang unti-unting inaamin sa sarili na kailangan ko nang kalimutan si Nick. Kailangan kong tanggapin na asawa na siya ng kapatid ko. Masakit, ubod ng sakit, pero alam kong makakaya ko.Nang gabing ‘yon, nangako ako sa Diyos. Nangako akong uunahin ko na ang sarili ko. Na mamahalin ko ang sarili ko, at hindi ko na hihintayin o hihingin pa ang pagmamahal ng mga taong ayaw naman talaga sa akin.“You will be my maid of honor, Jes, sa church wedding namin,” narinig ko ang
Jessica’s POVIt has been five days mula nung naglunch kami nina Nick at Ate Andrea. Sa mansion na ako nakatira ngayon, dahil pumayag na si Daddy na mag-resign ako. Nandito rin kasi ang malaki kong studio. Pero sooner or later, I’ll need to move into a bigger condo kung gusto ko talagang mag-focus sa pagpipinta.Pababa ako ngayon ng hagdan. Late na ako nagising dahil abala ako kagabi sa pagpipinta. It’s almost lunchtime.Nagulat ako nang makita ko si Nick at Ate Andrea na nakaupo sa mesa kasama si Mommy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Nick, pero pinili kong huwag itong pansinin. Masayang nagkukuwentuhan sila. Nakaramdam ako ng inggit, pero pilit ko itong nilunok. Ayokong ipakita kahit kanino ang totoo kong nararamdaman.“Good morning,” bati ko, pilit na may ngiti sa labi.Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy bago siya nagsalita. “Sa ngayon, dito muna titira sila Andrea at Nick sa mansion. Babalik ka ba sa condo mo mamaya?”“Hindi po. Dito muna ako m
Scarlett’s POVMuntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko dahil sa sinabi ni Mommy.“I just want to remind you, Scarlett, hindi pa kami sigurado sa boyfriend mo. I know he is a hardworking man, but…”Hindi niya tinapos ang sasabihin niya, sinadya niya. Huminga ako nang malalim habang iniaabot sa kanya ang basong may tubig.“Mom! Di ba napag-usapan na natin ’to? You promised me na hindi kayo makikialam sa lalaking pipiliin ko. I told you to trust me,” matigas kong sagot.“I trust you, but I don’t trust any guy who wants to pursue you,” mabilis at buo ang sagot niya.“Ayokong gamitin ka lang nila sa ambisyon nila,” dagdag pa niya, ngayon ay mas malakas na ang boses niya. “Mga lalaking galing sa hirap ay gagawa at gagawa ng paraan para umangat sa buhay. They will only use you for their benefit. Just like Geo,.. napaka-opportunista!”May kirot sa dibdib ko habang naririnig ko ’yon, diretsong sinabi ni Mommy, may galit, may hinanakit.“Mom, iba si George. Hindi siya tulad ni Geo,” halos
Scarlett’s POVHindi ako mapakali habang nasa condo. Kanina ko pa tinatawagan si George ngunit hindi ito sumasagot. Sabi niya sa akin bibili lang siya ng ice cream pero mag-iisang oras na ngunit wala pa rin ito. “ Nasaan na ba ang lalakeng iyon” naiinis kong sabi. I called Jessica pero hindi rin ito sumasagot. Alam ko nasa mansion siya ngayon dahil ngayon darating sila Andrea at Nick, they will have a lunch sa bahay. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit sinabi niya na kaya niya nang harapin sila Nick at Andrea. Nagulat ako kay Jessica dahil isang araw bigla na lang itong naging ok. Pagkatapos ng ilang araw na iyak ng iyak nagulat na lang ako na bigla itong nagbihis at pumasok sa opisina. ~~~ flashback~~~“Where are you going Jes?” Nagtataka kong tanong nung nagising ako isang araw at napansin ko na maayos na nakabihis si Jessica. “ Work. magreresign na ako” seryosong sabi nito. Napaupo ako sa kama. Tama ba ang aking narinig? “Ha? Ano ulit 'yon?” tanong ko na may pagkiling ng ulo
George’s POV“What are you talking about, Nick? Paano mo naging kapatid si Jessica?” gulong-gulo kong tanong.Parang umikot ang mundo ko sa katotohanang ibinahagi ni Nick. Ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganoon, lumuluha.Oo, lumuluha si Nick. At hindi lang basta luha, luha ng galit, sakit, at pagkawasak. Ramdam na ramdam ko iyon.“You heard me right. Anak si Jessica ni Daddy at ni Elena,” mariin niyang sambit, halos hindi makapagsalita sa bigat ng damdamin.“Hahaha, what a cruel world!” sabay tawa niya na parang isang baliw na sumuko na sa lahat.“Kaya pala kamukha niya si Elena. Kaya pala parang pamilyar ang kanyang mata, dahil kay Daddy pala niya nakuha 'yon. Haha! Imagine, George… I fell in love with my sister!” pahiyaw na sambit niya, puno ng sakit at pagkasuklam sa sarili.“Sabihin mo sa akin, George… paano ko aaminin kay Jessica ang katotohanan? Kung ako nga, wasak na wasak na, paano pa kaya siya? Ayokong maramdaman niya ang ganitong sakit, ang pighati, ang galit. Hindi ko
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~Halos araw-araw, si Andrea ang kasa-kasama ko sa ospital. Inaalagaan niya ako. Pinipilit kong magpanggap na ayos lang ako. Na masaya ako. Pero sa totoo lang, may mga araw na hindi ko talaga kayang tiisin ang presensya niya. Masyado siyang maingay, masyadong masigla… parang wala siyang pakialam sa bigat ng mundo ko.At sa mga sandaling ‘yon, nakikita ko… ilang ulit ko nakikitang sumisilip si Jessica. Minsan malayo lang. Minsan palihim. Nasasaktan ako.Pero palagi kong pinipiling hindi siya pansinin. Nagpapanggap akong hindi ko siya nakikita. Kahit na ang totoo, bawat sulyap niya ay parang punyal na dumudurog sa puso ko.Sa bawat pagtulo ng kanyang luha… sa bawat paglapit niya sa akin… parang patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko.Alam ko, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.Kailangan ko siyang itulak palayo. Kailangan niyang magalit sa akin.At sa lahat ng posibleng paraan, tanging pagpapakasal kay Andrea ang naiisip k
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~“Nick… Nick huwag mo kong iwan… Please… huhuhu… Please, Nick…”" Love, gising ka na.." Mga boses ni Jessica ang tanging naririnig ko sa gitna ng dilim. Walang katapusang kadiliman. Pilit kong tinutunton ang pinanggagalingan ng kanyang tinig pero parang lalong lumalayo.Lakad lang ako ng lakad.Hindi ako titigil. Kailangan ko siyang mahanap. Jessica… umiiyak siya. Nasasaktan. Natatakot. Kailangan niya ako.“Love, where are you? Are you okay? Love…”Mga alingawngaw na lang ang naririnig ko. Wala akong ibang makita kundi dilim… hanggang sa bigla na lang may liwanag. Isang matinding bugso ng pag-asa ang bumalot sa akin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa liwanag.Pagdilat ko ng aking mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Napapikit ako. Ilang ulit. Masakit. Masakit ang ulo ko… ang buong katawan ko.Paglingon ko, nakita ko si Jessica. Masaya ako nung makita siya.“Love! Gising ka na! Wait, I will call the nurse!”Kita ko ang ning
Nick’s POV ~~ Flashback bago ang Aksidente ~~Pinipilit kong tapusin ang lahat ng trabaho sa opisina. Kailangan kong umuwi ng maaga. May inihanda akong espesyal para kay Jessica. Biglang tumunog ang cellphone ko. “Yes, hello?” “Good afternoon Mr. Ford, everything is set now, according to your instruction. I also sent a video to your email. Kindly check it if there are things you want to change or remove.” “OK, thank you! I’ll check it now. I will call you back.”Tumawag ang decorator na inupahan ko para sa isa na namang proposal ko kay Jessica. Excited kong binuksan ang email ko. Napangiti ako habang pinapanood ang video. Perfect ang setup. Gusto ko sana ito sa ibang lugar, pero mas pinili ko sa condo, mas private, walang istorbo.Alam kong mainit-init pa ang engagement nila ni Rich, pero wala akong pakialam. Ayokong may makakita sa amin at masira pa si Jessica sa publico. Magtitiis lang muna ako. Lalo akong napangiti nang makita ko ang malaking portrait niya, nakangiti siya, mas
Nick’s POVAndrea decided to stay sa mansion nila, may kailangan daw siyang gawin. Ako naman, umuwi mag-isa sa condo to check on something. Bukas pa kami lilipat sa mansion.Paglabas ko ng elevator, tumambad sa akin si George. Galing siya sa unit ni Scarlett. Nagmamadali siyang lumabas pero nang makita niya ako, bigla siyang bumilis maglakad, at sa isang iglap, isang malakas na suntok ang pinakawalan niya.Tumilapon ako. Ramdam ko agad ang sakit, ang bigat ng galit niya."I don’t know if you remember," mariing sabi niya habang ang apoy sa mga mata niya ay parang sasabog, "pero sinabi ko na sa’yo, hindi ko hahayaan na saktan mo si Jessica. Kulang pa ‘yan, Nick!"Hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa condo, nananahimik. Habang binubuksan ko ang pinto, napansin kong may dugo na pala ang ilong ko. Pero wala akong pakialam. Deserve ko ‘to.Pagpasok ko pa lang, sumunod si George at itinulak ako papasok.Kung normal lang ‘to, baka bumawi na ako. Pero hindi ngayon. Hindi ko kayang sabayan s