Share

Chapter 160

Author: Real Silient
last update Last Updated: 2025-03-23 21:21:42

Andrea’s POV

Nasa isang pribadong silid pa ako habang hinihintay ang opisyal na anunsyo ng aming engagement. Hindi ako mapakali. Sa wakas, matutupad na ang matagal ko nang pinapangarap.

"Mom, dumating na ba si Nick? Ilang minuto na lang at magsisimula na ang party," nag-aalalang tanong ko.

"Don’t worry, sweetheart. Kanina ko pa siya nakita. May kausap siyang mga business partners sa labas," sagot ni Mommy.

"Ganoon ba? Bakit hindi man lang niya ako pinuntahan?" may bahagyang tampo sa tono ko.

"Naku, busy lang ang asawa mo. Nagtatrabaho para sa future ninyong dalawa at ng magiging mga anak ninyo. Dapat masanay ka na. Tulad ko, tinanggap ko na pangalawa lang ako sa Daddy mo pagdating sa trabaho," mahabang paliwanag niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang maluwag. "Asawa ko." Ang sarap pakinggan. Kinikilig ako.

Muling tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin. I am satisfied with my makeup and dress. I look innocent, but at the same time, a little wild. Suot ko ang isang mermaid silhouett
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Unstoppable Desire    Chapter 161

    Andrea’s POV Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jessica. Para siyang sirenang umahon mula sa dagat. I hate to admit it, but she looks stunning, breathtakingly beautiful.Halos magkapareho ang aming damit at buhok, ngunit sa kanya ay may bahagyang alon. Mermaid dress din ang suot niya, pero mas mababa ang neckline, labas na labas ang cleavage niya. Hindi ko akalain na magsusuot si Jessica ng ganitong klaseng damit. Backless ito, hanggang beywang, at nakatali sa leeg. Kita ang magandang kurbada ng kanyang katawan. May mahabang slit din ito na lalong nagbigay ng kakaibang aura habang naglalakad siya. Bagsak kasi ang tela nito at kumikinang dahil sa mga tila perlas na nakalagay sa damit. She looks like a hot villain rather than innocent . Para bang nagkapalit kami ng personalidad ngayon.Ngunit nang ngumiti siya, mas lumitaw ang pagiging sophisticated niya. Wala na ang malditang aura niya.Nagngingitngit ako sa nangyayari. Bakit na naman niya inagaw ang spotlight? Akin ang engagement

    Last Updated : 2025-03-24
  • Unstoppable Desire    Chapter 162

    Jessica’s POVPinipilit kong pinapatatag ang aking sarili. Kahit durog na durog ang puso ko habang nakikitang magkadikit sila Ate Andrea at Nick, pinipilit ko pa ring ngumiti.Nagulat ako kanina nang pagdating namin ni Rich, biglang sinabi ni Dad na iaanunsyo rin niya ang engagement namin sa harap ng lahat. Hindi na ako nakatanggi. Habang nagaganap ang programa, halos hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Buti na lang at nagawa ni Rich na pagaanin ang aking pakiramdam. Natawa pa nga ako sa biro niya, hindi ko inaasahan na marunong din pala siyang magpatawa."Jes," tawag niya."Yes?" sagot ko, medyo kinakabahan."Nakikita mo ba ang mga bisita natin ngayon?" tanong niya.Tumango ako nang seryoso."Alam mo bang limampung porsyento ng mga narito ay dumalo lang para makakuha ng bagong kliyente?""At ang tatlumpung porsyento naman ay nandito para ipagyabang ang kanilang mamahaling suot."Napaisip ako. "At ‘yung natitirang dalawampung porsyento?" tanong ko.Ngumisi si Rich. "Sila ‘yung mga

    Last Updated : 2025-03-24
  • Unstoppable Desire    Chapter 163

    Leon’s POV - Wild ColonyTahimik kong pinagmamasdan ang malalaking monitor sa loob ng aking opisina, habang isa-isang lumalabas ang mga mukha ng matataas na miyembro ng Wild Colony sa screen. Hinintay ko munang makumpleto sila bago ako pumasok sa virtual na pagpupulong.Nasa monitoring room ako, kaya kitang-kita ko ang operasyon ng bawat departamento sa Wild Colony. Lahat ay abala sa kani-kanilang gawain, walang sinasayang na sandali. Ngunit biglang naningkit ang aking mga mata nang mapansin kong tila may kaguluhan sa IT Security Operations Center (ISOC). Sa isa sa mga monitor, kita kong nagmamadaling gumagalaw ang mga tauhan doon, halatang may nangyaring hindi inaasahan.Mabilis kong sinenyasan ang aking assistant."Puntahan mo ang security team at alamin kung anong nangyayari," malamig kong utos, nakakunot ang noo. Wala akong hilig sa surpresa, lalo na sa ganitong klase ng sitwasyon.Sinubaybayan ko siya sa CCTV habang pumapasok sa loob ng ISOC. Ilang segundo lang, nagbigay siya ng

    Last Updated : 2025-03-25
  • Unstoppable Desire    Chapter 164

    Leon’s POV - Wild Colony“Hindi ba dapat magpasalamat ka sa akin, Leopard? Dahil sa ginawa ko kay Nick, natuloy ang engagement niya sa anak mo,” mayabang na sabi ni Hyena, isang miyembro ng organisasyon na nagplano ng pagpatay kay Nicholas Ford.Naningkit ang aking mga mata, dama ang pagtaas ng tensyon sa paligid. “Hyena, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo,” malamig kong tugon. “Pasalamat ka at hindi namatay si Nicholas Ford. Kung hindi, ikaw ang magbabayad ng lahat ng utang ni Leopard. Alam mong sinabi ko na sa inyo, hindi puwedeng mamatay si Nicholas Ford. Trilyon ang halaga ng buhay niya. Kailangan nating makuha muna ang lahat ng kanyang kayamanan bago siya tuluyang mawala.”Napangisi si Hyena, halatang hindi apektado sa babala ko. “Hindi ko naman intensyon na patayin siya, Leon. Nagkataon lang na iniwasan niya ang isang sasakyan kaya siya nahulog sa bangin. Ang gusto ko lang ay takutin siya. Pero hindi mo rin maikakaila na malaki ang benepisyong nagawa ko sa organisasyon. Nawala

    Last Updated : 2025-03-25
  • Unstoppable Desire    Chapter 165

    Andrea’s POVExcited akong naghihintay kay Nick sa airport, hindi mapakali habang panay ang tingin ko sa relo. Gusto ko sanang sumabay sa kanya papunta rito, pero pinauna na niya ako dahil sa isang mahalagang meeting. Hindi ko maiwasang mainis, hindi man lang namin na-enjoy ang engagement night namin. Agad siyang inagaw sa akin ni Daddy at inumaga sila sa pag-uusap tungkol sa negosyo.Mag-iisang linggo na mula nang inanunsyo ang engagement namin, pero halos hindi pa kami nagkakaroon ng oras na magkasama ni Nick. Palagi siyang abala sa opisina, dahilan niya, marami siyang kailangang habulin matapos ang pagkakaospital niya at pagkawala ng ilang alaala.Sinubukan kong bisitahin siya sa opisina, pero palaging punong-puno ang kanyang iskedyul ng mga meeting, at tambak ang mga papeles sa kanyang mesa. Kaya naman hindi ko maitago ang kasiyahan nang sabihin ni Daddy na nag-book siya ng isang private resort para sa amin ni Nick.Ngayon, ilang minuto na lang bago ang boarding, pero wala pa rin

    Last Updated : 2025-03-26
  • Unstoppable Desire    Chapter 166

    Andrea’s POVPagbaba namin ng eroplano, masaya akong umikot-ikot sa mainit at pino-pinong buhangin. I even remove my flats para maramdaman ang lambot ng buhangin sa aking mga paa. Ang sarap nito sa paa.“Wow! Hon, this place is heaven! I love it so much,” sabi ko kay Nick habang iniikot ang aking paningin sa paligid. Ang tanawin ay perpekto, napakaputi ng buhangin, asul na asul ang dagat. Ipinikit ko ang aking mata para amuyin ang maalat na amoy ng dagat. I smiled brightly. Ngunit ang matamis kong ngiti sa labi ay biglang naglaho dahil sa aking pagdilat nakita ko ang taong ayaw na ayaw kong makita sa lugar na ito. Pababa siya ng eroplano habang inaalalay ng kasama niya. “Shit!!” “Be careful, Jess.” “Thank you,” nakangiti niyang sagot sabay hawak sa kamay ni Rich.Napakagat-labi ako sa pagkainis. Jessica is wearing a flowy white halter maxi dress, bagsak ang tela na bumagay sa kanyang hubog. The low neckline enhances the elegant yet relaxed vibe of the dress. Isang bilog na sunglas

    Last Updated : 2025-03-26
  • Unstoppable Desire    Chapter 167

    Jessica’s POVNauna kame ni Rich na kumain sa Patio. Sa totoo lang biglaan ang pagsabi ni Dad na may hinanda siyang bakasyon para sa amin at kila Ate Andrea. Kaya konti lang ang panahong hinanda ko para sa bakasyon na ito. Ayoko pa sanang sumama dahil naalala ko ang nangyari sa amin ni Nick nung engagement party ngunit, alam ko, hindi ako pwedeng basta basta sumuko. Habang kumakain kame ni Rich, nakita ko na paparating na sila Ate Andrea at Nick. Malaki ang ngiti ni Ate habang nakaangkla sa braso ni Nick. Sumasakit ang mata ko sa nakikita kaya pinilit kong ilayo ang mata ko sa kanila. Pilit kong ikinukubli ang aking nararamdaman, ngunit hindi ko mapigilan ang hapding bumabalot sa puso ko. Hindi ko nais na mapansin ako ni Nick, hindi ko gustong makita niya ang sakit sa aking mga mata. Kaya umiwas ako ng tingin sa kanila at ngumiti kay Rich ng pagka-tamis tamis. Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Nick noong engagement party. Ngunit, lumamlam ang mata ko habang nakatingin kay Ric

    Last Updated : 2025-03-27
  • Unstoppable Desire    chapter 168

    Jessica’s POVSa mga nakalipas na araw, isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho, pilit na inilalayo ang isip ko kay Nick. Buti na lang at nandiyan si Rich. Sa bawat pagkakataong kailangan ko ng sandalan, hindi siya nagdalawang-isip na alalayan ako. Mabuti rin na may collaboration kami sa trabaho, kaya madalas kaming magkasama. Sa presensiya niya, kahit papaano, gumagaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay lalo kaming naging malapit sa isa't isa.Bagama’t bigo ang puso ko, naging matagumpay naman ang ilang business deals na tinrabaho ko. Unti-unting gumaganda ang stock at imahe ng kompanya. Marami akong na-close na deals, kaya pinayagan ako ni Daddy na magbakasyon.Natauhan ako mula sa aking pag-iisip nang biglang hawakan ni Rich ang mukha ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat.“May dumi ka sa mukha,” sabi niya bago kumuha ng tissue at pinunasan ito. Aabutin ko pa sana ang tissue mula sa kamay niya, pero hinayaan ko na lang nang mapansin kong nakatitig sa amin sina Ate Andrea at Nick.“Salama

    Last Updated : 2025-03-27

Latest chapter

  • Unstoppable Desire    Chapter 195

    Jessica’s POV Ilang minuto akong natulala sa sinabi ng matanda. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay narinig ko ang tunog ng kampana mula sa simbahan. Paglingon ko, wala na sila. Hindi ko man lang narinig na nagpaalam sila. Para bang isa lang silang guniguni, para mag-iwan ng mensaheng kailangang marinig ng puso ko.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng simbahan, luhaang humihikbi. Doon ko isinuko ang lahat sa Diyos. Sa harap ng altar, tahimik akong nanalangin habang unti-unting inaamin sa sarili na kailangan ko nang kalimutan si Nick. Kailangan kong tanggapin na asawa na siya ng kapatid ko. Masakit, ubod ng sakit, pero alam kong makakaya ko.Nang gabing ‘yon, nangako ako sa Diyos. Nangako akong uunahin ko na ang sarili ko. Na mamahalin ko ang sarili ko, at hindi ko na hihintayin o hihingin pa ang pagmamahal ng mga taong ayaw naman talaga sa akin.“You will be my maid of honor, Jes, sa church wedding namin,” narinig ko ang

  • Unstoppable Desire    Chapter 194

    Jessica’s POVIt has been five days mula nung naglunch kami nina Nick at Ate Andrea. Sa mansion na ako nakatira ngayon, dahil pumayag na si Daddy na mag-resign ako. Nandito rin kasi ang malaki kong studio. Pero sooner or later, I’ll need to move into a bigger condo kung gusto ko talagang mag-focus sa pagpipinta.Pababa ako ngayon ng hagdan. Late na ako nagising dahil abala ako kagabi sa pagpipinta. It’s almost lunchtime.Nagulat ako nang makita ko si Nick at Ate Andrea na nakaupo sa mesa kasama si Mommy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Nick, pero pinili kong huwag itong pansinin. Masayang nagkukuwentuhan sila. Nakaramdam ako ng inggit, pero pilit ko itong nilunok. Ayokong ipakita kahit kanino ang totoo kong nararamdaman.“Good morning,” bati ko, pilit na may ngiti sa labi.Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy bago siya nagsalita. “Sa ngayon, dito muna titira sila Andrea at Nick sa mansion. Babalik ka ba sa condo mo mamaya?”“Hindi po. Dito muna ako m

  • Unstoppable Desire    Chapter 193

    Scarlett’s POVMuntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko dahil sa sinabi ni Mommy.“I just want to remind you, Scarlett, hindi pa kami sigurado sa boyfriend mo. I know he is a hardworking man, but…”Hindi niya tinapos ang sasabihin niya, sinadya niya. Huminga ako nang malalim habang iniaabot sa kanya ang basong may tubig.“Mom! Di ba napag-usapan na natin ’to? You promised me na hindi kayo makikialam sa lalaking pipiliin ko. I told you to trust me,” matigas kong sagot.“I trust you, but I don’t trust any guy who wants to pursue you,” mabilis at buo ang sagot niya.“Ayokong gamitin ka lang nila sa ambisyon nila,” dagdag pa niya, ngayon ay mas malakas na ang boses niya. “Mga lalaking galing sa hirap ay gagawa at gagawa ng paraan para umangat sa buhay. They will only use you for their benefit. Just like Geo,.. napaka-opportunista!”May kirot sa dibdib ko habang naririnig ko ’yon, diretsong sinabi ni Mommy, may galit, may hinanakit.“Mom, iba si George. Hindi siya tulad ni Geo,” halos

  • Unstoppable Desire    Chapter 192

    Scarlett’s POVHindi ako mapakali habang nasa condo. Kanina ko pa tinatawagan si George ngunit hindi ito sumasagot. Sabi niya sa akin bibili lang siya ng ice cream pero mag-iisang oras na ngunit wala pa rin ito. “ Nasaan na ba ang lalakeng iyon” naiinis kong sabi. I called Jessica pero hindi rin ito sumasagot. Alam ko nasa mansion siya ngayon dahil ngayon darating sila Andrea at Nick, they will have a lunch sa bahay. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit sinabi niya na kaya niya nang harapin sila Nick at Andrea. Nagulat ako kay Jessica dahil isang araw bigla na lang itong naging ok. Pagkatapos ng ilang araw na iyak ng iyak nagulat na lang ako na bigla itong nagbihis at pumasok sa opisina. ~~~ flashback~~~“Where are you going Jes?” Nagtataka kong tanong nung nagising ako isang araw at napansin ko na maayos na nakabihis si Jessica. “ Work. magreresign na ako” seryosong sabi nito. Napaupo ako sa kama. Tama ba ang aking narinig? “Ha? Ano ulit 'yon?” tanong ko na may pagkiling ng ulo

  • Unstoppable Desire    Chapter 191

    George’s POV“What are you talking about, Nick? Paano mo naging kapatid si Jessica?” gulong-gulo kong tanong.Parang umikot ang mundo ko sa katotohanang ibinahagi ni Nick. Ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganoon, lumuluha.Oo, lumuluha si Nick. At hindi lang basta luha, luha ng galit, sakit, at pagkawasak. Ramdam na ramdam ko iyon.“You heard me right. Anak si Jessica ni Daddy at ni Elena,” mariin niyang sambit, halos hindi makapagsalita sa bigat ng damdamin.“Hahaha, what a cruel world!” sabay tawa niya na parang isang baliw na sumuko na sa lahat.“Kaya pala kamukha niya si Elena. Kaya pala parang pamilyar ang kanyang mata, dahil kay Daddy pala niya nakuha 'yon. Haha! Imagine, George… I fell in love with my sister!” pahiyaw na sambit niya, puno ng sakit at pagkasuklam sa sarili.“Sabihin mo sa akin, George… paano ko aaminin kay Jessica ang katotohanan? Kung ako nga, wasak na wasak na, paano pa kaya siya? Ayokong maramdaman niya ang ganitong sakit, ang pighati, ang galit. Hindi ko

  • Unstoppable Desire    Chapter 190

    Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~Halos araw-araw, si Andrea ang kasa-kasama ko sa ospital. Inaalagaan niya ako. Pinipilit kong magpanggap na ayos lang ako. Na masaya ako. Pero sa totoo lang, may mga araw na hindi ko talaga kayang tiisin ang presensya niya. Masyado siyang maingay, masyadong masigla… parang wala siyang pakialam sa bigat ng mundo ko.At sa mga sandaling ‘yon, nakikita ko… ilang ulit ko nakikitang sumisilip si Jessica. Minsan malayo lang. Minsan palihim. Nasasaktan ako.Pero palagi kong pinipiling hindi siya pansinin. Nagpapanggap akong hindi ko siya nakikita. Kahit na ang totoo, bawat sulyap niya ay parang punyal na dumudurog sa puso ko.Sa bawat pagtulo ng kanyang luha… sa bawat paglapit niya sa akin… parang patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko.Alam ko, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.Kailangan ko siyang itulak palayo. Kailangan niyang magalit sa akin.At sa lahat ng posibleng paraan, tanging pagpapakasal kay Andrea ang naiisip k

  • Unstoppable Desire    Chapter 189

    Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~“Nick… Nick huwag mo kong iwan… Please… huhuhu… Please, Nick…”" Love, gising ka na.." Mga boses ni Jessica ang tanging naririnig ko sa gitna ng dilim. Walang katapusang kadiliman. Pilit kong tinutunton ang pinanggagalingan ng kanyang tinig pero parang lalong lumalayo.Lakad lang ako ng lakad.Hindi ako titigil. Kailangan ko siyang mahanap. Jessica… umiiyak siya. Nasasaktan. Natatakot. Kailangan niya ako.“Love, where are you? Are you okay? Love…”Mga alingawngaw na lang ang naririnig ko. Wala akong ibang makita kundi dilim… hanggang sa bigla na lang may liwanag. Isang matinding bugso ng pag-asa ang bumalot sa akin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa liwanag.Pagdilat ko ng aking mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Napapikit ako. Ilang ulit. Masakit. Masakit ang ulo ko… ang buong katawan ko.Paglingon ko, nakita ko si Jessica. Masaya ako nung makita siya.“Love! Gising ka na! Wait, I will call the nurse!”Kita ko ang ning

  • Unstoppable Desire    Chapter 188

    Nick’s POV ~~ Flashback bago ang Aksidente ~~Pinipilit kong tapusin ang lahat ng trabaho sa opisina. Kailangan kong umuwi ng maaga. May inihanda akong espesyal para kay Jessica. Biglang tumunog ang cellphone ko. “Yes, hello?” “Good afternoon Mr. Ford, everything is set now, according to your instruction. I also sent a video to your email. Kindly check it if there are things you want to change or remove.” “OK, thank you! I’ll check it now. I will call you back.”Tumawag ang decorator na inupahan ko para sa isa na namang proposal ko kay Jessica. Excited kong binuksan ang email ko. Napangiti ako habang pinapanood ang video. Perfect ang setup. Gusto ko sana ito sa ibang lugar, pero mas pinili ko sa condo, mas private, walang istorbo.Alam kong mainit-init pa ang engagement nila ni Rich, pero wala akong pakialam. Ayokong may makakita sa amin at masira pa si Jessica sa publico. Magtitiis lang muna ako. Lalo akong napangiti nang makita ko ang malaking portrait niya, nakangiti siya, mas

  • Unstoppable Desire    Chapter 187

    Nick’s POVAndrea decided to stay sa mansion nila, may kailangan daw siyang gawin. Ako naman, umuwi mag-isa sa condo to check on something. Bukas pa kami lilipat sa mansion.Paglabas ko ng elevator, tumambad sa akin si George. Galing siya sa unit ni Scarlett. Nagmamadali siyang lumabas pero nang makita niya ako, bigla siyang bumilis maglakad, at sa isang iglap, isang malakas na suntok ang pinakawalan niya.Tumilapon ako. Ramdam ko agad ang sakit, ang bigat ng galit niya."I don’t know if you remember," mariing sabi niya habang ang apoy sa mga mata niya ay parang sasabog, "pero sinabi ko na sa’yo, hindi ko hahayaan na saktan mo si Jessica. Kulang pa ‘yan, Nick!"Hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa condo, nananahimik. Habang binubuksan ko ang pinto, napansin kong may dugo na pala ang ilong ko. Pero wala akong pakialam. Deserve ko ‘to.Pagpasok ko pa lang, sumunod si George at itinulak ako papasok.Kung normal lang ‘to, baka bumawi na ako. Pero hindi ngayon. Hindi ko kayang sabayan s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status