Nick's POV Shit Sir ah!ah! ang init. Ah, Dahan dahan lang po. Aah aah. Ang sakit wait Sir. Stop!!! Bigla kong naapakan ang preno ng aking sasakyan dahil sa sigaw ng sekretarya ko. Namimilog ang mata kong napatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala na sinigawan niya ako. Matalim na titig ang binigay ko sa kanya. "Sorry sir napapaso na po kasi ako, yung hawak kong kape natapon sa binti ang init po. Tapos ang bilis niyo pong magpatakbo" pagpapaliwanag nito habang pinupunasan ang basa niyang palda. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang aking katawan, dahil ba sa reaksyon niya kanina na tila umuungol o dahil nakita ko ang maputi niyang legs. "Fix yourself! so careless" pagalit kong sabi sabay labas ng kotse para makahinga. Niluwag ko ang ang aking necktie habang hinihintay ang sekretarya ko na matapos sa pag aayos. Eto yung unang pagkakataon na naapektuhan ako dahil sa secretarya. Hindi ko alam bakit, I hate female secretaries, and I have my reasons. Kaya lalake halos laha
Jessica's POVParang sasabog na ang dibdib ko sa inis. Konti na lang tlga at bubulyawan ko na tong mayabang na lalakeng to. Hindi porket boss kita gaganituhin mo ako. Abah, hindi ikaw ang boss ko. bulong ko sa sarili. Buwisit na lalakeng to. Kung hindi lang ako pinakiusapan ni Sir George, hinding hindi ako papayag na maging temporary secretary mo. Hinga ng malalim Jessica, kaya mo to. Tatlong araw lang at hindi mo na makikita ang pagmumukha ng lalakeng ito. Abah, bakit siya pumayag na maging temporary secretary niya ako kung wala naman pala siyang tiwala sa akin?. Nabriefing na ako sa ugali ng lalakeng ito, pero d ko inaasahan na mas malala pala sa inaasahan ko. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang bumabiyahe. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. "Wake up! Get the bags!" Bigla akong nagising dahil sa malakas na boses na aking narinig at malakas na bagsak ng pinto. "Oh Shit! patay na naman ako sa may mens na lalakeng ito. Yes, mas malala pa yung ugali n
Nick's POV Nakatutok pa rin ako sa laptop nang marinig kong tumunog ang doorbell. Steak, beetroot, horseradish & warm lentil salad with Cabernet Sauvignon wine for Mr. Nicholas Ford, requested by Miss Jessica Laviste. Biglang kumulo ang tiyan ko nung makita ko ang pagkain. Nakalimutan ko palang mag order. Dumiretso akong kumain matapos umalis ang waiter na nagdala ng pag kain. Di ko mapigilang mapangiti, kahit walang preno ang bibig nung temporary secretary ko at may mga palpak, maalalahanin naman pala. Napatapon ang pagkain ko sa bibig nung maalala ko ang itsura ng secretarya ko kanina nung tumama ang kamay niya sa akin. Para itong nakaapak ng sea urchin dahil lumandag. And her sleepwear, loose t-shirts and loose pajama. I must admit, she is beautiful, beyond beautiful and she has a sexy body. wait what? Am I praising her? No,No,No,. those qualities are perfect for a seductress secretaries, hindi dapat ako maging biktima. Never!. Pinilit kong iwaksi sa aking isipan kung an
Jessica's POVKinakabahang sumunod ako sa likod ni Sir Nick. Nakita ako ni Ate Andrea, lagot ako. Akala ko nasa business meeting sa Europe si Ate. Hindi pa naman alam ni dad na nagtatrabaho ako kay George, lalo na para kay Nicholas. Parehas ng line of business ang pamilya namin at kay Nick. Yes, I am not a typical secretary. Anak ako ni Elmer Laviste at Matilda Laviste na may ari ng Laviste Land Inc. Ate ko si Andrea Laviste ang matinik na business woman na dahilan ng pag angat lalo ng Laviste Land Inc.. Hindi nila pinapahawak ang company namin sa akin dahil gusto nila sa paintings and Arts ako magfocus. Para sa kanila mahina at d ako magaling sa negosyo kaya kay Ate Andrea nila pinagkatiwala ito. Ang hindi nila alam, halos isang taon na akong nagtatrabaho kay George. Gusto ko kasi silang sorpresahin at gusto kong patunayan sa kanila na may silbi din ako sa negosyo, at kaya ko rin silang tulungan at maaasahan din nila ako sa pagnenegosyo. Paikot ikot ako sa loob na kwarto ko. D ako m
Andrea's POV "Yes, were you able to get it? I need that copy tomorrow. I want it to be clear and concise as usual. Please finish it ASAP" binaba ko na ang telepono ko. Napismid ako sabay inom ng wine. "One down and you are mine " Ang saya ko ngayon. Pero napalitan ito ng inis ng maalala ko ang aking kapatid. I can't help but felt jealous. Ang lapit lapit lang niya kay Nick. I am willing to be his secretary mapalapit lang ako sa kanya. I have been with other guy, trying to move on from him, pero bumabalik pa rin ako kay Nick. Iba ang halik niya. Iba pa rin ang hawak at haplos niya. Hinahanap hanap ko ito sa ibang lalake pero wala. Tanging si Nick lang ang nagparamdam sa akin non. " Oh, Nick I miss you, Babalik ka rin sa akin Nick". I swear.Umakyat ako para kumain. Papasok na ako ng restaurant ng makita kong seryosong nag uusap si Nick at Jessica habang kumakain. They don't look like they are dating pero tila nagpupuyos ang puso ko sa galit at selos. I faked a smile bago lumapit sa
Jessica's POVNauna akong pumasok sa hotel room at dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko alam bakit ang init init ng mukha ko. Dahil ba sa pagkapahiya kanina kasi may kasama kame o dahil sa sinabi ni Sir Nick na mas maganda ako. Teka teka, bakit ako apektado sa sinabi niya. Bakit parang masaya ang puso ko dahil doon. " Erase erase Jessica, hnd mo dapat maramdaman yan. Siya ang lalakeng mahal ng kapatid mo. Ang kailangan mong gawin ay iwasan ito". kastigo ko sa sarili. Kita ko kung paano titigan ni Ate Andrea si Sir Nick . Hindi ko inaasahan na ganoon pala ito magmahal. Kahit babaero, handa pa rin niya itong tanggapin. Alam ko nasaktan ito kanina sa ginawa ni Sir Nick, ngunit d ko man lang ito madamayan dahil Takot kasi akong mahuli kame.aah Hindi ko na alam anong gagawin, litong lito na ako. Paano pag nalaman ni Sir Nick na kapatid ko si Ate Andrea, aaah lagot ako. aaah. "Inhale, exhale! 2 days to go and your done. Di mo na makikita si Sir Nick. All you have to do is to do your job pe
Gala Night - Corporate Soirée Jessica POV Pagkatapos ng presentation kanina umakyat na sila Nick at Jessica sa Hotel room dahil mamayang gabi may party na magaganap. Ito yung closing event para sa conference na ito. Hnd mapakali si Jessica kasi wala siyang dalang damit para sa party. Hnd naman niya alam na isasama pala siya sa party ni Sir Nick. Kahit anong pili niya sa mga damit na dala, wala talagang babagay na damit para sa nasabing occasion. "Sasabihin ko na lang na masakit ang tiyan ko para d niya ako isasama" bulong nito sa sarili. Nagulat pa ito nang biglang may kumatok sa kanyang kwarto. Dali dali niya itong binuksan. " I asked someone to bring different dresses for you for tonight, you can choose anything that suits you" ani nito. Dali dali lumabas si Jessica at nagulat ito dahil ang daming iba't ibang damit na nandoon. Tulala pa rin ito at nalulula sa dami ng damit na pipiliin kaya nagulat ito nang magsalita ulit si Sir Nick. " This will be the last day that yo
Nick's POV Napansin ko na parang nagkakagulo doon sa may buffet area. At Napansin ko rin na parang kasali si Jessica sa gulo. Naglakad ako papalapit sa kanila. Napantig ang aking tenga nung marinig ko ang pinagsasabi ng isang babae. Galit sana akong lalapit dito ngunit napatigil ako sa paglalakad at napangiti. Hnd na ako kailangan ni Jessica, kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili kaya mas lalo akong napahanga dito. Nakita kong parang modela itong naglakad palabas at nung malapit na siya sa may pinto ay bigla itong naglakad na akala moy may tinatakasang aso. Mas lalo akong napangiti. She is so cute. Bulong ko sa sarili. Susundun ko na sana ito ng may biglng humarang sa aking dinadaanan. " Nick! You look dashing tonight. I wasn't able to congratulate you earlier, It was a Fabulous presentation" mahabang sabi ni Andrea. " Thank you! Please excuse me." nagmamadali kong pagpapaalam. " Nick! iniiwasan mo ba ako?" tila maiiyak na sabi nito sabay hawak sa braso ko. " I know
Jessica’s POV Ilang minuto akong natulala sa sinabi ng matanda. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay narinig ko ang tunog ng kampana mula sa simbahan. Paglingon ko, wala na sila. Hindi ko man lang narinig na nagpaalam sila. Para bang isa lang silang guniguni, para mag-iwan ng mensaheng kailangang marinig ng puso ko.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng simbahan, luhaang humihikbi. Doon ko isinuko ang lahat sa Diyos. Sa harap ng altar, tahimik akong nanalangin habang unti-unting inaamin sa sarili na kailangan ko nang kalimutan si Nick. Kailangan kong tanggapin na asawa na siya ng kapatid ko. Masakit, ubod ng sakit, pero alam kong makakaya ko.Nang gabing ‘yon, nangako ako sa Diyos. Nangako akong uunahin ko na ang sarili ko. Na mamahalin ko ang sarili ko, at hindi ko na hihintayin o hihingin pa ang pagmamahal ng mga taong ayaw naman talaga sa akin.“You will be my maid of honor, Jes, sa church wedding namin,” narinig ko ang
Jessica’s POVIt has been five days mula nung naglunch kami nina Nick at Ate Andrea. Sa mansion na ako nakatira ngayon, dahil pumayag na si Daddy na mag-resign ako. Nandito rin kasi ang malaki kong studio. Pero sooner or later, I’ll need to move into a bigger condo kung gusto ko talagang mag-focus sa pagpipinta.Pababa ako ngayon ng hagdan. Late na ako nagising dahil abala ako kagabi sa pagpipinta. It’s almost lunchtime.Nagulat ako nang makita ko si Nick at Ate Andrea na nakaupo sa mesa kasama si Mommy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Nick, pero pinili kong huwag itong pansinin. Masayang nagkukuwentuhan sila. Nakaramdam ako ng inggit, pero pilit ko itong nilunok. Ayokong ipakita kahit kanino ang totoo kong nararamdaman.“Good morning,” bati ko, pilit na may ngiti sa labi.Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy bago siya nagsalita. “Sa ngayon, dito muna titira sila Andrea at Nick sa mansion. Babalik ka ba sa condo mo mamaya?”“Hindi po. Dito muna ako m
Scarlett’s POVMuntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko dahil sa sinabi ni Mommy.“I just want to remind you, Scarlett, hindi pa kami sigurado sa boyfriend mo. I know he is a hardworking man, but…”Hindi niya tinapos ang sasabihin niya, sinadya niya. Huminga ako nang malalim habang iniaabot sa kanya ang basong may tubig.“Mom! Di ba napag-usapan na natin ’to? You promised me na hindi kayo makikialam sa lalaking pipiliin ko. I told you to trust me,” matigas kong sagot.“I trust you, but I don’t trust any guy who wants to pursue you,” mabilis at buo ang sagot niya.“Ayokong gamitin ka lang nila sa ambisyon nila,” dagdag pa niya, ngayon ay mas malakas na ang boses niya. “Mga lalaking galing sa hirap ay gagawa at gagawa ng paraan para umangat sa buhay. They will only use you for their benefit. Just like Geo,.. napaka-opportunista!”May kirot sa dibdib ko habang naririnig ko ’yon, diretsong sinabi ni Mommy, may galit, may hinanakit.“Mom, iba si George. Hindi siya tulad ni Geo,” halos
Scarlett’s POVHindi ako mapakali habang nasa condo. Kanina ko pa tinatawagan si George ngunit hindi ito sumasagot. Sabi niya sa akin bibili lang siya ng ice cream pero mag-iisang oras na ngunit wala pa rin ito. “ Nasaan na ba ang lalakeng iyon” naiinis kong sabi. I called Jessica pero hindi rin ito sumasagot. Alam ko nasa mansion siya ngayon dahil ngayon darating sila Andrea at Nick, they will have a lunch sa bahay. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit sinabi niya na kaya niya nang harapin sila Nick at Andrea. Nagulat ako kay Jessica dahil isang araw bigla na lang itong naging ok. Pagkatapos ng ilang araw na iyak ng iyak nagulat na lang ako na bigla itong nagbihis at pumasok sa opisina. ~~~ flashback~~~“Where are you going Jes?” Nagtataka kong tanong nung nagising ako isang araw at napansin ko na maayos na nakabihis si Jessica. “ Work. magreresign na ako” seryosong sabi nito. Napaupo ako sa kama. Tama ba ang aking narinig? “Ha? Ano ulit 'yon?” tanong ko na may pagkiling ng ulo
George’s POV“What are you talking about, Nick? Paano mo naging kapatid si Jessica?” gulong-gulo kong tanong.Parang umikot ang mundo ko sa katotohanang ibinahagi ni Nick. Ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganoon, lumuluha.Oo, lumuluha si Nick. At hindi lang basta luha, luha ng galit, sakit, at pagkawasak. Ramdam na ramdam ko iyon.“You heard me right. Anak si Jessica ni Daddy at ni Elena,” mariin niyang sambit, halos hindi makapagsalita sa bigat ng damdamin.“Hahaha, what a cruel world!” sabay tawa niya na parang isang baliw na sumuko na sa lahat.“Kaya pala kamukha niya si Elena. Kaya pala parang pamilyar ang kanyang mata, dahil kay Daddy pala niya nakuha 'yon. Haha! Imagine, George… I fell in love with my sister!” pahiyaw na sambit niya, puno ng sakit at pagkasuklam sa sarili.“Sabihin mo sa akin, George… paano ko aaminin kay Jessica ang katotohanan? Kung ako nga, wasak na wasak na, paano pa kaya siya? Ayokong maramdaman niya ang ganitong sakit, ang pighati, ang galit. Hindi ko
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~Halos araw-araw, si Andrea ang kasa-kasama ko sa ospital. Inaalagaan niya ako. Pinipilit kong magpanggap na ayos lang ako. Na masaya ako. Pero sa totoo lang, may mga araw na hindi ko talaga kayang tiisin ang presensya niya. Masyado siyang maingay, masyadong masigla… parang wala siyang pakialam sa bigat ng mundo ko.At sa mga sandaling ‘yon, nakikita ko… ilang ulit ko nakikitang sumisilip si Jessica. Minsan malayo lang. Minsan palihim. Nasasaktan ako.Pero palagi kong pinipiling hindi siya pansinin. Nagpapanggap akong hindi ko siya nakikita. Kahit na ang totoo, bawat sulyap niya ay parang punyal na dumudurog sa puso ko.Sa bawat pagtulo ng kanyang luha… sa bawat paglapit niya sa akin… parang patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko.Alam ko, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.Kailangan ko siyang itulak palayo. Kailangan niyang magalit sa akin.At sa lahat ng posibleng paraan, tanging pagpapakasal kay Andrea ang naiisip k
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~“Nick… Nick huwag mo kong iwan… Please… huhuhu… Please, Nick…”" Love, gising ka na.." Mga boses ni Jessica ang tanging naririnig ko sa gitna ng dilim. Walang katapusang kadiliman. Pilit kong tinutunton ang pinanggagalingan ng kanyang tinig pero parang lalong lumalayo.Lakad lang ako ng lakad.Hindi ako titigil. Kailangan ko siyang mahanap. Jessica… umiiyak siya. Nasasaktan. Natatakot. Kailangan niya ako.“Love, where are you? Are you okay? Love…”Mga alingawngaw na lang ang naririnig ko. Wala akong ibang makita kundi dilim… hanggang sa bigla na lang may liwanag. Isang matinding bugso ng pag-asa ang bumalot sa akin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa liwanag.Pagdilat ko ng aking mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Napapikit ako. Ilang ulit. Masakit. Masakit ang ulo ko… ang buong katawan ko.Paglingon ko, nakita ko si Jessica. Masaya ako nung makita siya.“Love! Gising ka na! Wait, I will call the nurse!”Kita ko ang ning
Nick’s POV ~~ Flashback bago ang Aksidente ~~Pinipilit kong tapusin ang lahat ng trabaho sa opisina. Kailangan kong umuwi ng maaga. May inihanda akong espesyal para kay Jessica. Biglang tumunog ang cellphone ko. “Yes, hello?” “Good afternoon Mr. Ford, everything is set now, according to your instruction. I also sent a video to your email. Kindly check it if there are things you want to change or remove.” “OK, thank you! I’ll check it now. I will call you back.”Tumawag ang decorator na inupahan ko para sa isa na namang proposal ko kay Jessica. Excited kong binuksan ang email ko. Napangiti ako habang pinapanood ang video. Perfect ang setup. Gusto ko sana ito sa ibang lugar, pero mas pinili ko sa condo, mas private, walang istorbo.Alam kong mainit-init pa ang engagement nila ni Rich, pero wala akong pakialam. Ayokong may makakita sa amin at masira pa si Jessica sa publico. Magtitiis lang muna ako. Lalo akong napangiti nang makita ko ang malaking portrait niya, nakangiti siya, mas
Nick’s POVAndrea decided to stay sa mansion nila, may kailangan daw siyang gawin. Ako naman, umuwi mag-isa sa condo to check on something. Bukas pa kami lilipat sa mansion.Paglabas ko ng elevator, tumambad sa akin si George. Galing siya sa unit ni Scarlett. Nagmamadali siyang lumabas pero nang makita niya ako, bigla siyang bumilis maglakad, at sa isang iglap, isang malakas na suntok ang pinakawalan niya.Tumilapon ako. Ramdam ko agad ang sakit, ang bigat ng galit niya."I don’t know if you remember," mariing sabi niya habang ang apoy sa mga mata niya ay parang sasabog, "pero sinabi ko na sa’yo, hindi ko hahayaan na saktan mo si Jessica. Kulang pa ‘yan, Nick!"Hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa condo, nananahimik. Habang binubuksan ko ang pinto, napansin kong may dugo na pala ang ilong ko. Pero wala akong pakialam. Deserve ko ‘to.Pagpasok ko pa lang, sumunod si George at itinulak ako papasok.Kung normal lang ‘to, baka bumawi na ako. Pero hindi ngayon. Hindi ko kayang sabayan s