Jessica's POV
Nauna akong pumasok sa hotel room at dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko alam bakit ang init init ng mukha ko. Dahil ba sa pagkapahiya kanina kasi may kasama kame o dahil sa sinabi ni Sir Nick na mas maganda ako. Teka teka, bakit ako apektado sa sinabi niya. Bakit parang masaya ang puso ko dahil doon. " Erase erase Jessica, hnd mo dapat maramdaman yan. Siya ang lalakeng mahal ng kapatid mo. Ang kailangan mong gawin ay iwasan ito". kastigo ko sa sarili. Kita ko kung paano titigan ni Ate Andrea si Sir Nick . Hindi ko inaasahan na ganoon pala ito magmahal. Kahit babaero, handa pa rin niya itong tanggapin. Alam ko nasaktan ito kanina sa ginawa ni Sir Nick, ngunit d ko man lang ito madamayan dahil Takot kasi akong mahuli kame. aah Hindi ko na alam anong gagawin, litong lito na ako. Paano pag nalaman ni Sir Nick na kapatid ko si Ate Andrea, aaah lagot ako. aaah. "Inhale, exhale! 2 days to go and your done. Di mo na makikita si Sir Nick. All you have to do is to do your job perfectly" pagkumbinsi ko sa sarili ko. Matagal bago ako nakatulog kagabi. Kaya kita ang eyebags ko sa ilalim ng mata ko. Tinakpan ko na lang ito ng makeup. Nagulat ako pagbukas ko ng pinto nasa mesa na si Sir Nick at inaayos ang pagkain. " Today is a busy day and we have to hurry. The panel decided that the design should be shown together. Hindi na siya isa isang presentation tulad ng nabanggit . I believe natanggap mo din ang email nila." Guilty, nagmamadali kong binuksan ang email ko. Uu nga at 9am siya magsisimula. Dali dali akong umupo sa mesa at mabilis na kumain. Dapat ako ang naghanda nito. Naghihintay ako na sitahin niya ako dahil sa palpak ko ngaun, pero tahimik lang itong kumakain. Tila ang lalim ng iniisip. D ko mabasa kung ano ang nararamdaman nito ngayon. Di ko na ito kinulit at inubos ko na lang ng mabilis ang aking pagkain. 8:30am pa lang andoon na kame ni Sir Nick sa conference room. May apat na malalaking LCD na nakapaligid sa amin. Halos puno na rin ang mga upuan. Apat na companya ang maglalaban para sa project na ito. Para siyang BGC project na gagawin sa Pampanga. Kanina pa tahimik si Sir Nick. D ko alam kung kinakabahn ba ito o ano man. Nakito kong pumasok na rin si Ate. Ngumiti ito kay Sir Nick. Di ko alam na kasama pala ang Companya namin sa bidding na ito. Akala ko d na nila kayang hawakan ito. Huminga ako ng malalim ng sabihin ng host na ihanda na ang design ng bgc of pampanga. D pa man na present ni Sir Nick and design niya, napahanga ako dito. Bilang, artist kita ko kung gaano kadetalyado ang paggawa nito. Nagbilang ang MC para sabay nila itong iflash sa screen. Nung lumabas ang lahat ng design narinig ko ang paghanga sa mga nandoon at ang pagtataka sa mata nila. Tumingin akonkay Sir Nick at nakita ko ang pagkunot ng noo nito. Tinignan ko isa isa ang design at nagulat ako na ang design ng kompanya namin ay halos parehas ng kay Sir Nick. Tinitignan ko si Sir at kita ko ang galit sa mata nito. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako. Ramdam ko ang galit na umaapoy sa kanya. Unang nagpresent ang Laviste Land Inc kasunod ng dalawa pang kompanya. At napansin ko halos lahat parehas ng sa amin. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. "Please prepare the presentation" utos nito sa akin. Tumayo na ito at confident na nagsimulang ipaliwanag and design niya. Nung akala nilang patapos na ito, nagulat sila sa sorpresa nito. May files itong binuksan sa kanyang laptop na may lock " As you can see, the design that I prepared is like the head of an eagle. This is my 3D nd animated presentation and the future of the city. I didn't include it there on my first presentation because I want you to look beyond what is shown. " pagsisimula nito. Kita ko ang tiwala nito sa kanyang sarili. Habang nagsasalita ito at nagpapaliwanag tila ito kumikinang. Hindi ko alam kung bakit tila lumalakas ang tibok ng aking puso habang pinapanood siya. Para akong nanood ng concert ng paborito kong Artista. Napapatulala ako sa galing niya. Kaya pala walang label ang ibang design niya dahil nakalaan pala ito para sa pagtatanim ng puno, hiking area tulad ng sa korea. Reservoir, rainforest, solar energy,pathway energy and flood control. Nung matapos siyang magpaliwanag. Halos lahat ng andoon ay tumayo at pinalakpakan siya. Kasama na ako doon. Ang galing niya. Tila lumundag ang aking puso ng tumingin ito sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanyan at nagcongratulate. Nawala ang ngiti ko nung makita ko ang talim ng tingin ng ate ko sa akin. Napalunok ako at umiwas ng tingin. Nag anounce na ang MC ng pagkatapos ng presentation. D pa nila sinabi kung sino ang nanalo dahil pag aaralan pa nila ito. Sa ganitong proseso eniemail lang ng result.. Pagkatapos ng lahat ng presentation, Halos lahat ng tao doon dinumug si Sir Nick. Sa reaksyon pa lang ng mga critiques and business owner, kita na kung sinong nanalo. Hindi ko alam, pero ang saya ko para sa kanya. Grabeh napahanga ako sa galing niya. Isa na ako ngayon sa mga tagahanga niya. Alam ko namang magaling siya, kaya lang natakpan kasi yun ng mga bali balita na babaero siya Kaya siguro nahusgahan ko siya noon. Kita ko ang saya sa kanyang mata habang nakikipag usap at nakikipagkamay sa mga taong nandoon. Nagulat ako ng may maramdaman akong may humila sa akin. Dinala niya ako sa isang sulok. " Parang ang saya mo na natalo ang kompanya natin" tila sarcastic na sabi nito. " Ate! hnd naman, tsaka wala pa namang resulta." pagpapaliwag ko. " Actually Im happy for him too, beside we will work together naman in this project kasi makikipagpartner siya sa Laviste Land Inc. kapag implementation na. " tila masayang sabi nito. "Hindi ako sure ate kasi sa pagkakabasa ko sa plan niya, yung CMT Construction ang hahawak sa project" Tila inosenteng sabi ko. Tsaka ko lang narealize nasabi ko na pala ang hindi dapat sabihin. Tinakpan ko ang aking bibig at tila gulat at takot. Patay na naman ako kay Sir Nick. Ewan ko ba kung bakit masyado akong honest sa Ate ko. "What? are you sure? tila gulat na sabi nito. All these years ang CMT ay nakafocus sa design and engineering. Yes they have construction pero small business lang kasi d nila kaya ang ganitong project" pagpapaliwanag nito. " Talaga ate? ganoon ba yun?' palusot kong sabi "Bago ka pa nga sa Industriya, you need to learn more". Sabay tapik nito sa ulo ko sabay alis. Huming ako ng malalim at tumingin kay Sir Nick. Buti na lang di naniwala si Ate kung hnd patay ako. Nakita ko kasi ang future expansion and collaboration ng CMT which includes construction na. And that is a secret project na pinatatrabahuan ni Sir Nick.Gala Night - Corporate Soirée Jessica POV Pagkatapos ng presentation kanina umakyat na sila Nick at Jessica sa Hotel room dahil mamayang gabi may party na magaganap. Ito yung closing event para sa conference na ito. Hnd mapakali si Jessica kasi wala siyang dalang damit para sa party. Hnd naman niya alam na isasama pala siya sa party ni Sir Nick. Kahit anong pili niya sa mga damit na dala, wala talagang babagay na damit para sa nasabing occasion. "Sasabihin ko na lang na masakit ang tiyan ko para d niya ako isasama" bulong nito sa sarili. Nagulat pa ito nang biglang may kumatok sa kanyang kwarto. Dali dali niya itong binuksan. " I asked someone to bring different dresses for you for tonight, you can choose anything that suits you" ani nito. Dali dali lumabas si Jessica at nagulat ito dahil ang daming iba't ibang damit na nandoon. Tulala pa rin ito at nalulula sa dami ng damit na pipiliin kaya nagulat ito nang magsalita ulit si Sir Nick. " This will be the last day that yo
Nick's POV Napansin ko na parang nagkakagulo doon sa may buffet area. At Napansin ko rin na parang kasali si Jessica sa gulo. Naglakad ako papalapit sa kanila. Napantig ang aking tenga nung marinig ko ang pinagsasabi ng isang babae. Galit sana akong lalapit dito ngunit napatigil ako sa paglalakad at napangiti. Hnd na ako kailangan ni Jessica, kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili kaya mas lalo akong napahanga dito. Nakita kong parang modela itong naglakad palabas at nung malapit na siya sa may pinto ay bigla itong naglakad na akala moy may tinatakasang aso. Mas lalo akong napangiti. She is so cute. Bulong ko sa sarili. Susundun ko na sana ito ng may biglng humarang sa aking dinadaanan. " Nick! You look dashing tonight. I wasn't able to congratulate you earlier, It was a Fabulous presentation" mahabang sabi ni Andrea. " Thank you! Please excuse me." nagmamadali kong pagpapaalam. " Nick! iniiwasan mo ba ako?" tila maiiyak na sabi nito sabay hawak sa braso ko. " I know
Jessica's POV5 days laterNasa Painting room ako sa aming mansion. Hindi ako pinalabas ng bahay ni daddy dahil nalaman nito ang aking ginawa. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Pagdating ko kasi ng condo galing business conference nakatanggap ako ng tawag galing kay Daddy at pinauwi ako sa bahay nung araw na iyon. Naalala ko pa ang galit ni daddy nung araw na iyon.Pagdating ko ng bahay kinakabahan na ako. Inaasahan ko na may alam na sila sa ginawa ko. Pagpasok ko ng bahay nakasalubong ko si manang Lita. "Goodevening Manang, Asan po si daddy?" " Goodevening po senyorita, nasa dining area po sila senyorita" sagot nito. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa dining area. Kita ko na tahimik silang kumakain sa mahabang kahoy na mesa. May iba't ibang pagkaing nakahain at may mga serbidorang nakatayo na naghihintay lang ng utos nila. Tila may tensyon sa paligid. Ilang buwan na din mula nang makita ko si Daddy and mommy kaya masaya ako na makita silang muli. " Goodevening
Jessica's POV "Manang umuwi na po ba si Daddy? " tanong ko sa isa sa kasambahay namin na nagdala ng meryenda para sa akin. "Wala pa po senyorita" sagot nito. Tumango na lang ako at itinuloy ang pagpipintura. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ayaw nila akong tumulong sa pagnenegosyo. Sinuway ko ang gusto nila na ihasa pa ang aking pagpipintura at nag aral ako ng business. Hindi man sa pagmamayabang pero alam ko na magaling na ako sa pagpipintura,Maraming tao na ang humahnga sa aking mga paintings at gusto akong makilala. Ngunit pinili kong maging sicreto. Ewan ko ba, hnd pa ako hnda na ipakilala ang aking sarili sa mundo. Kaya siguro ako ganito kasi lumaki din ako na laging nasa kwarto at hnd pinapalabas nila mommy at daddy tuwing may occasion. Konti lng ang nakakaalam na may isa pang Anak sila Daddy. Tinatanong ko sila noon, ang rason nila ay dahil ayaw nilang mapahamak ako dahil ang mundo raw ng pagnenegosyo ay delikado. Naiiintindihan ko naman, dahil nga muntik na rin
Nick's POV "Sir, nasend na po sa email niyo ang cctv na nirequest niyo. Yung sa hotel po sa pampanga" Nasa opisina ako ngayon at may pinapapirma sa akin si Dominic ang aking assistant/secretary. Bumalik na siya sa trabaho. "Thank you Dominic" sabay balik ko sa kanya ng mga documento. For the past few days naging busy ako sa trabaho. Paminsan minsan naaalala ko si Jessica ngunit may mas importanteng bagay ang kailangan kong asekasuhin. Binuksan ko ang email ko at isa isang pinanood ang mga video na kuha sa hotel nung conference. Napatigil ako sa ising video kung saan kita n may hawak na flaskdrive si Jessica. Inulit ko ito ng ilang beses. Kitang kita sa video na parang hnd mapakali si Jessica. Kumunot ang noo ko, sa isang video din kita na dinala niya ito sa..... sa kwarto ni Andrea? Biglang bumilis ang tibok ng akibg puso. "Am I right with Jessica? Is she a spy?" bulong ko sa sarili. Ilang ulit kong pinag aralan ang mga video at isa lang ang sagot sa tanong ko. Ma
Jessica's POV Pagdating ko sa Office masaya akong dumiretso sa opisina ni George. " George! I miss you, I am so happy to see you" masaya kong bati sabay yakap dito. " Oww? kaya iiwan mo na ako? pagkatapos kitang turuan iiwan mo lang ako basta basta, ginamit mo lang ako. " may pa dramang biro nito sa akin. Lumaki lalo ang ngiti ko sa labi. "Alam mo na? masaya kong tanong. "Siempre! ako boss mo eh., Tumawag ang ate mo sa akin at sinabing ilipat ka sa kanila. Abah, akala niya ganoon lang kadali na magtanggal ng magaling na empleyado. " ani nito." Ayiee..."" tukso ko."Salamat George ha kasi nagpagamit ka sa akin. " sabay kindat ko dito. Natawa na lang ito pagkatapos seryosong tumingin sa akin. " I am so happy kasi sa wakas nakita rin ng daddy mo ang effort mo. Alam ko kung gaano mo kagusto na patunayan ang sarili mo sa kanya. Just give your best, I know that your Dad will be proud of you" ani nito."I hope so..., at maraming salamat kasi lagi kang anjan para supportahan ako.
Jessica's POV Hindi ako mapakali habang hinihintay ang sasakyan ni Sir Nicholas. Ewan ko ba kung bakit pumayag ako na sumama sa kanila. Andito ako sa may lobby sa may opisina ni George. May kailangan kasi itong pirmahan kaya dito siya nagpasundo. Umakyat muna siya habang ako ay naghihintay dito.Nag offer na rin si Sir Nicholas na isang kotse na lang ang gamitin namin. May tinitignan ako sa phone ko nang biglang may nagsalita sa harap ko. " Are these all your stuff? "Tumingala ako at nakita ko si Sir Nicholas na nasa harap ko. Matagal bago ako nakapagsalita. Bakit ngayon ko lang napagtanto na iba pala talaga ang charisma ni Sir Nicholas. Kahit simple lang ang kanyang pananamit iba pa rin ang dating. His wearing a white tee with pants. His also wearing shades na sobrang bagay sa kanya. Para siyang modelo na nakatunghay sa akin. Kung di pa ako tatayo sasakit na ang aking leeg dahil sa sobrang tangkad nito. 6 foot ata ang height nito. eh ako 5'3 lang. Pinilit kong itago ang aking
Nick's POV Sinadya ko talagang ipara ang sasakyan sa Seven Eleven kasi nabanggit ni George na d pa nagbebreakfast si Jessica. Nakalimutan niya ito dahil siguro sa kulitan nila ni Sophia. I don't understand what I am feeling right now. I am happy and somewhat sad. Whirlwind feelings. When I saw her earlier sitting on the couch busy with her phone, I can't help but admire her simple yet stunning beauty. She was wearing a long sleeve Tee, with cargo pants and sneakers. Her long hair was tight up in a ponytail. Ang ganda niya. Habang lumalapit ako sa kanya, kita ko ang ibang mga kalalakihan na tumitingin sa kanya. Indeed, she is a headturner. Nung bigla akong nagsalita, kita ko yung gulat sa mata niya. Kanina ko lang din napansin na ang haba pala ng kanyang pilikmata at ang ganda ng mata niya habang nakatunghay sa akin. Napahinto ako sandali. I felt a butterflies in my stomach, but I stop it right away. Binalewala ko ito. Ang pagtibok ng puso ay sagabal lang sa aking mga plano
Andrea's POVNagkasabay kame na pumasok ni Jessica sa Opisina. Kita ko na matamlay si Jessica at tila tuliro habang naglalakad papasok sa elevator. Ni hindi niya ako napansin. I smirk in triumph. I know, I have successfully caused a conflict in their relationship. I am just starting. Hindi ako papayag na magkabalikan pa silang muli. Kilala ko si Jessica at kilala ko si Nick kaya, kaya ko silang paglaruan sa palad ko. I smiled secretly. Parang ang bigat ng paa ni Jessica ngayon. She left the elevator without looking up. She just keeps on looking down. When I arrived in my office, I happily greeted all the employees there. Nakita kong nagkatinginan sila. haha, hindi sila sanay na makita akong masaya at nasa good mood. Pagkapasok ko sa opisina, I called my Secretary. Pumasok ito agad . " Kindly set a meeting with Nicholas Ford of CMT construction. " sabi ko. " Ok po Miss Laviste" aalis na sana ito pero may naiisip akong magandang plano. " Wait! sabihin mo if pwede, dito kame sa k
Dominic's POVNagbibiruan pa kame ng isang secretary sa may pantry nang makita naming madilim ang mukhang pumasok si Sir opisina. Natataranta kameng tumayo sa upuaan at Dali dali namin siyang sinalubong. " Good morning Sir!!" nakangiti naming bati " Call the marketing team and designers, we have an emergency meeting!!!" May diin nitong sabiKinabahan ako sa Aura at boses ni Sir Nick. It's been so long na ganito ang kanyang pakikitungo. Nagkatinginan kame ng isang secretary na katabi ko. Nagtataka ito at nagtatanong sa akin gamit ang mata. Tinaas ko ang aking balikat bilang tugon sa kanyang tanong.Sumunod ako sa likod ni Sir Nick nung pumasok ito sa kanyang private office. " Sir, wala pa pong alas otso kaya wala pa po ang iba" sabi ko dito. Dire-diretso itong umupo at tinignan isa isa ang mga papeles na nilagay ko sa kanyang mesa. " Siya nga po pala, nakapag set na po ako ng appointment kay Sir Carlos San Fernando. Available raw po siya bukas ng gabi" Tumingin ito sa akin ng m
Jessica's POV Mabigat ang paang lumabas ako sa Condo ni Nick. Hindi tumitigil ang pagtulo ng aking luha. Hindi ko inaasahan na ganoon kalalim ang magiging galit ni Nick. Paglabas ko ng condo umikot ako para tignan ang kanyang pinto. Hindi ko magawang lumakad papunta sa Condo ni Scarlett. Di ako nakauwi kagabi dahil ayaw ni Dad. Umaga na raw ako uuwi. Masyado akong naging busy sa pag aasikaso kay Rich. Pinipilit kasi ni Dad na asikasuhin ko si Rich habang naglalaro sila ng chess ng daddy nito. Kaya inikot ko siya sa bahay. Yung ibang mga paintings ko kasi nakadisplay sa bahay. Proud ko itong pinakita kay Rich. I love how Rich understands painting. Malawak ang kaalaman niya sa arts. We are in the middle of a happy conversation when Ate Andrea arrived.Nakita kong pumasok si Ate na lasing kagabi, pasuray suray itong pumasok. Tutulungan ko sana siya but she gave me a shu! sign reminding me not to mind her. Hinatid na lang namin siya ng tingin ni Rich. Nung tumingin ako sa labas ng bahay
Nicholas POV ~~~~ Flashback 16 years ago~~~~Tumalikod ako nung sinabi ni Dad na Mahal niya si Elena, kahit nung buhay pa ang Mommy ko. I covered myself with a blanket at hindi na siya pinansin. I felt so betrayed. Nasasaktan ako para kay mommy. Ni hindi ko magawang kwestyunin si Dad. " Mag-usap tayo bukas Nick, kapag hindi ka na lasing. May importante din akong sasabihin sayo. Magpahinga ka na muna ngayon. " Hindi ko na siya sinagot kaya iniwan na niya ako. He tapped me, before going out. Pagkatapos ng gabing iyon, hindi na kame nakapag-usap ni Dad. Nagbook ako ulit ng ticket pabalik ng abroad. Wala si Dad nung umalis ako dahil nagkaemergency sa kompanya. Simula nung gabing iyon, nagbago ang pakikitungo ko kay Dad. Lumayo ang loob ko sa kanya. I concetrated on studying and did other extra curricular activities. Pinilit kong ilayo ang utak ko sa Pilipinas. At pinilit kong maging masaya.Eventually, Elena and Dad got married. Dad sent me an invitation, ngunit, hindi ako dumalo. I m
Nicholas POV ~~~~ Flashback 16 years ago~~~~~Pagkatapos ilibing ni Mommy bumalik ako sa abroad. Nawalan ako ng oras na imbestigahan pa ang tungkol sa narinig ko. Tuloy pa rin ang buhay sa kabila ng trahedya sa pamilya namin. From being a happy go lucky guy, mas naging seryoso ako sa buhay. Nasa second year college na ako sa architecture when I decided to go back to the philippines para mag bakasyon. I miss dad. I wanna spend time with him. I'm excited to see him so I wanted to give him a surprise visit sa office. Masaya akong umakyat sa opisina niya. Ang mga taong matagal na sa kompanya ay kilala ako kaya pinapasok lang nila ako. Pagpasok ko sa opisina ni dad, nasalubong ko ang kanyang assistant. I did a quiet sign to him, kasi nga gusto kong I surprise si Dad, however, when I opened the door, ako ang nasorpresa. I was surprised to see Dad kissing a woman. The woman was on his office table. They were kissing passionately. Biglang tinulak ni Dad ang babae nung napansin ako sa pin
Nicholas POV "Ano yun Jes?? Hindi mahalaga????!!" mataas na boses na tanong ko kay Jessica. "Ganun lang ba kaliit ang halaga ko sayo Jes?, kaya sa tingin mo!, hindi mahalaga na malaman ko ang lahat!? Sa tingin mo ba, maliit na bagay lang ang pagsisinungaling mo sa akin, ang panloloko mo sa akin??" Sinabunutan ko ang aking buhok para pigilan ang galit na gustong kumawala sa harap ni Jessica. " I'm... I'm so... sorry Nick!!!" naiiyak na sabi ni Jessica. " Alam ko... alam ko na mali ako, dapat inamin ko sayo agad, I'm sorry, dapat sa akin mo narinig lahat at hindi kay Ate Andrea" umiiyak na sabi nito. Ayoko siyang makitang umiiyak. Dahil ang totoo.. nasasaktan ako... kahit galit na galit ako sa kanya, gusto ko pa rin siyang yakapin. Itong pusong to, labis ang pagmamahal sa kanya. Pero hindi ko hahayaan na paiikutin niya ako sa kanyang palad dahil sa pagmamahal ko sa kanya. " Leave...." mahina kong sabi. " Nick, please, magpapaliwanag ako.. " pagsusumamo ni Jessica. " J
Nicholas POVPagkahatid ko kay Andrea, dumiretso ako sa Bar. Alam ko wala pa sa condo si Jessica kasi andoon pa siya sa mansion nila Andrea. I ordered liquor and drank it immediately. Ang bigat ng aking pakiramdam ngayon. Hindi ko matanggap na hindi ko nakuha ang project. I can't explain what I am feeling right now, regret, disappointment, anger?? Jealousy? Umorder pa ako at uminom muli. Nakita kong may tumabing babae sa akin at pasimple niyang ibinaba ang strap ng kanyang damit. I smirk. Kung siguro noon ito, pinatulan ko na ang babaeng ito. Maganda siya at mukhang game. I decided to call Jessica. " The subscriber cannot be reached please try again later" "Shit!!" ibinagsak ko ang cellphone sa aking mesa. I kept on drinking. I tried to call George pero wala rin. "Bakit ka pa maghahanap ng wala, kung meron naman sa tabi mo" sabi ng babae. I just look at her then continue to drink my liquor. " Nanloko ba? nanlalake? o ikaw ang nagloko?" malanding tanong nito. Kung lalake sig
Jessica's POVI wake up early to cook breakfast for Nick. Malalman na ang result ng bidding. I wanted to make him feel na ano man ang decision andito ako sa tabi niya. Plano ko na ring sminanin sa kanya mamaya ang tungkol sa aking pamilya. " Hi Love, goodmorning" . Lumabas si Nick na nakabihis na at handa nang pumasok. Magbreakfat ka muna. " Humm, smells good" hindi ka sana nagabala pa. baka malate ka sa trabaho. Niyakap niya ako at hinalikan.Tinulak ko siya at pinuwesto para kumain. "Dalian mo na baka malate ka pa" umupo na rin ako sa harapan niya para kumain. " Siya nga pala Love, may importante akong sasabihin sayo mamaya" Tumigil ito sa pagkain at tinitigan ako. "Sana Love, you will let me finish first before reacting" nag aalalang sabi ko. Tumango ito at ngumiti. " Of course! Love" napangiti ako sa sinabi niya.Pagkatapos naming magbreakfast nauna na si Nick pumasok ng opisina. Binilisan ko na rin ang pag-aayos para di malate sa opisina. When I arrive sa office, tina
Nicholas POVNandito ako ngayon sa opisina at may pinipirmahang papales. I'm in a hurry kasi kailangan kong pumunta sa isang meeting for the result of the bidding. After I signed all the papers tumayo na ako at binigay lahat iyon kay Dominic. I fixed myself before going down and ready to go. Habang nasa biyahe kame papunta sa meeting, there was a small traffic Jam. Suddenly I saw someone familiar eating in a restaurant. Napakunot ang noo ko. I saw Jessica and Rich eating. And I can see that they are having a good time. They are both laughing. Nagtiimbaga ako. Umiwas ako ng tignin at tumawag sa kanya. Ilang ring lang, sinagot naman ito ni Jessica. " Hello Love,! " " Asan ka? " diretso ko tanong. " Ah, Im having a meeting with a client! ikaw? " sabi nito. I look at them and saw that Rich is looking at here attentively. " Sinong Client??" tanong ko. " Hello, hello.. hello love" tila nawala ng signal sa kanyang lugar. I decided to turned off the phone and look straight. Ayoko