"Ate, I should go. Baka ma late ako. Mom's not here. Bye! Take care later. " Llianne shouted outside my door.
I did not mind to answer her because I can already hear her loud steps on the stairs.
Hinay-hinay akong bumangon at lumapit sa bintanang natatakpan pa ng makapal na kurtina. Unti-unti ko itong hinawi upang maramdaman ang bagong panimula ng buhay. I closed my eyes to feel the warmth from the rays of the sun.
Itinaas ko ang aking kamay at gamit ang aking palad ay tinakpan ko ang nakakasilaw na liwanag at muli kong iminulat ang aking mga mata.
I smiled upon seeing these wonderful things. Sayang nga lang dahil ang taong nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon para masilayan ang mga ito ay wala na sa tabi ko.
Napatingin ako sa asul na langit. Thinking and wondering if he's watching me from there.
"Dad, I miss you" I whispered trying to stop my tears from falling.
"Ma'am, kapag po kakain na kayo ay ipatawag niyo nalang po ako kay Bianca. Magdidilig lang ako ng halaman sa labas. " sigaw ni Nay Anna sa labas.
Matagal na siya nagtatrabaho sa amin at isa siya sa mga saksi sa mga dinanas ko.
"Sige po nay. Maliligo lang po ako. Bababa na rin pagkatapos. Please tell kuya Alex na maaga po akong aalis ngayon kaya e ready nalang po niya ang sasakyan. " pasigaw kong sagot.
"Sige, ma'am"
Nagdesisyon akong umalis na sa harap ng bintana at dumiretso na sa C.R para maligo at makapaghanda na para sa trabaho.
Araw-araw kong ginagawa to pero ang kupad ko pa rin. Ramdam ko ang pagpatak ng tubig na nagmumula sa shower. Imbes na kumilos ay pinili kong pumikit at dinamdam muna ang lamig ng tubig na dumadampi sa aking balat.
I tried to reminisce the past which I have shared with them. I can still remember their faces. It's too vivid and unpredictable. I lost two important people in my life. The first one died and the other one left me.
Sumabay ang aking mga luha sa rumaragasang tubig. Ilang taon na ang lumipas ngunit di ko pa rin siya makalimutan. It's been too long but our memories can't let me escape from missing him.
Sobrang tagal na pero hindi ko pa rin kayang bitawan. Masakit pero hindi ko pa rin kayang makalimutan.
Imbes na magtagal pa ay lumabas na rin ako sa c.r suot ang aking bathrobe. Dumiretso na ko sa walk-in-closet and I decided to a wear a turtleneck, midnight, blue dress just above my knee. Ang sleeves ay hanggang siko na may white ribbon sa dulo. I paired it with my blue bottom, Louis Vuitton heels na regalo pa ni mommy.
Pagkatapos ay nagblower na rin ako ng buhok sa tapat ng vanity mirror at dressing table. Habang nagboblower ay namataan ko ang make-up sets na naka display sa harap ng salamin.
Kapag mga ganitong panahon, hindi ko trip ang maglagay ng make-up, pero para na rin sa trabaho, napagdesisyunan ko'ng maglagay na lang. I put some concealer below my eyes to hide my eyebags. Ngayon ko lang ulit nakita 'yong pagmumukha ko.
"Talagang nasosobrahan na 'ko sa kakaisip sayo. Pumapangit na tuloy ako." I talked to myself.
I sighed heavily as I look to my reflection in the mirror. Napatawa ako sa sarili ko ng mahina. Itinuloy ko nalang ang pagsasagawa ng make-up para maka-alis na. Naglagay na rin ako ng light foundation then light-red lipstick para lang hindi ako magmukhang multo sa sobrang putla. I decided to tie my hair into a ponytail to emphasize the turtleneck dress that I'm wearing.
I smiled upon seeing myself in front of the mirror. My well defined face is aready visible. Kahit naka tali ang buhok ko, halata parin ang kahabaan nito. It reached my armpit and its soft curls are also visible. I have a brownish hair and brown eyes too. Nadepina pa ito lalo dahil sa mahahaba kong pilik-mata.
Ngayon ko lang ulit na appreciate ang mukha ko. Kung hindi lang dahil sa eyebags ko siguro ay hindi na ako mamomroblema.
Kinuha ko ang paborito kong kate spade, blue shoulder bag. Inilagay ko ang cellphone ko at wallet pagkatapos ay nagsuot ako ng blue-chained na relo. Humarap ulit ako sa salamin to check my whole self.
There, I'm good to go.
Lumabas na ako sa kwarto at bumaba. Kitang-kita ko ang mga katulong na nagtatrabaho sa paligid.
"Good morning, ma'am." bati nila sa akin tuwing nadadaan ako sa harap nila. Ginagantihan ko lang ng ngiti ang bawat isa.
Dumiretso ako sa pinto sa likod papuntang garden para tawagin si Nay Anna. Napangiti ako nang makita ko siyang pasayaw-sayaw pa habang nagdidilig.
"Nay, kakain na po ako." tawag ko sa kaniya, just enough for her to hear me.
"Hala ma'am. Sana pinasabi mo nalang kay Bianca. Nandoon naman siya sa sala ah. Dumiretso ka pa talaga dito." nag-aalalang sabi niya habang papalapit sa kinaroroonan ko. Napatawa na lamang ako sa reaksiyon niya
"Nay naman, ang lapit lang. Hindi naman ako lumpo at marunong ako magsalita no. Pagod na nga po sila e, dadagdagan ko pa?"
Nakita kong sumilay ang ngiti sa mga labi ni Nay Anna. Kumunot tuloy ang noo ko.
"Ikaw talaga ma'am. Ang bait mo pa rin. Ibang-iba ka sa kapatid mong si Llianne"
"Nay, ilang beses ko bang sasabihin na wag ka na mag ma'am sa 'kin?" napairap ako "At tyaka hayaan mo nay, papagalitan ko si Llianne mamaya. Nagiging spoiled na e."
Tumawa na lamang kami ni Nay Anna habang nagkukwentuhan papuntang kusina. Simpleng pang almusal lang ang ipinaluto ko. 'Di naman kasi ako gutom. Bacon and egg lang then fried rice.
"Mabubusog ka na ba nito? Tingnan mo nga, ang payat mo na" sita niya sa akin. Tumawa nalang ako.
"Nako nay, kaya ka di nakapag-asawa eh. Dami niyong alam. Kapag ako tumaba, iiyak kayo. 'Di na ko sexy" pagbibiro ko sa kaniya
"Di naman ako nag-sisi na wala akong asawa ma'am. Masaya pa nga ako. Bonus pa na nakilala ko ang mga magulang mo. Nabigyan ako ng magandang trabaho at mababait na amo." may ngiting sagot ni nay Anna.
"Ano ba nay. Naiiyak ako." pagbibiro ko ulit at sabay kaming tumawa.
"Saan nga po pala si mommy? "
"Ang sabi niya sa akin, gagabihin daw siya. Yung kuya mo kasi tumawag. Baka tungkol sa negosyo niyo sa Iloilo."
Bigla akong natahimik nang marining ko ang lugar na iyon.
"Naku pasensya na ma'am. Nakalimutan ko" natatarantang sabi ni nanay. Nginitian ko nalang siya.
"Nay wala pong problema. Matagal na din naman 'yon. Deretso na po ako sa ospital. Pakisabi kay Llianne pag nakauwi siya, gagabihin ako. Hanggang 10 PM ang shift ko. Huwag niyo na po palabasin 'yon." sabi ko kay nay Anna habang inaayos ko ang mga gamit ko.
Kinalimutan ko nalang muna ang pagbanggit niya sa lugar na gusto-gusto ko'ng kalimutan. Sa office ko nalang sa ospital ako mag totoothbrush, may C.R din naman dun. Napatingin ako sa relo na suot ko. Sobrang late ko na pala.
"Sige ma'am. Tatawagin ko lang si Alex sa kabila." she said before rushing towards the backdoor.
After a few more minutes, Kuya Alex arrived together with our car.
Sumakay na agad ako sa sasakyan at sinabihan si Kuya Alex na bilisan.
I was definitely nervous even though I do not know why. This is the first time that I feel so uncomfortable. I can clearly feel that something might happen.
Pagkarating ko sa tapat ng ospital na pinagtatrabahuan ko ay lumabas agad ako. Sa aming tatlo, I'm the only one who decided to study in this field. Isa akong Radiologic Technologist ngayon.
Ewan ko ba, I just find this profession very close to my heart and maybe dahil na rin sa kaniya.
Lahat ng juniors ko na nadadaanan ay yumuyuko sa akin. Dumiretso ako sa elevator at hindi na muna sila pinansin.
No one dared to go inside with me. 'Di ko naman sila pinapagalitan. 'Di lang talaga ako namamansin kapag nandito ako.
Na trauma na ko sa pagiging mabait ko dahil lahat ng pangako ay pinanghahawakan ko at pinaniniwalaan.
Katulad ng pangako niya na hindi niya 'ko iiwan.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking dalang shoulder bag at nagtipa ng mensahe kay Alise. I'm pretty sure that she's also late.
Nakayuko ako nang bumukas ang elavator sa tamang floor kung saan ang office ko. I was busy with my phone when I got out. My gaze was still on my phone when someone suddenly bumped me. I lost my balance but he suddenly pulled my waist.
The impact was so hard to the point that I literally lost my balance Parang nabalian ako. Inis kong hinarap ang taong bumunggo at humila saakin. Grabe, pwede namang hawakan niya ako sa maingat na paraan para hindi ako mabalian.
I was about to yell and curse him but when I saw his face, a sudden spin of my past towards this present I have now came raging. When I met his menacing eyes, the only thing that I can say is his name.
"Ismael" I whispered after seeing him.
I don't know if I should be happy or cry out of pain and longing. It's been 9 long years since we saw each other.
Before I could say anything, I noticed the logo of this hospital just above the right portion of his white coat. When did he started working here? I thought he's in Iloilo?
"Kilala mo pala ako?. Excuse me miss. I'm sorry, I have a lot of patients inside." he coldly said before letting me go.
Dahil na rin sa kawalan ng lakas, natumba ako ng tuluyan. Seeing him like this makes our memories appear once again.
Those eyes, where I can't see familiarity anymore. That voice, which served to be a great melody for me in the past.The one that I can't forget the most. Some simple things that made my heart fluttered before and,--maybe 'till now.
Ilang taon na ang lumipas ngunit sobrang linaw pa rin ng mga pangyayari. Buong akala ko, makakalimutan ko siya agad but it's too hard. Especially that he's been my strength for how many years.
He's been my prince, my comfort, my home and the only person who constantly explained the meaning of love just by his existence.
"Happy new year!"Sabay naming sigaw nina Llianne at Kuya. Nasa labas kami ngayon. Kitang-kita ko ang magagandang hulma ng fireworks sa taas. Napangiti ako habang nakatingala.Sobrang peaceful, sobrang ideal, at sobrang saya."Here are my gift, girls" rinig kong sabi ni kuya Kaizer.Ibinigay niya sa akin ang isang red velvet box at 'yong kay Llianne naman ay isang box na kasing laki niya.Kitang-kita ko sa mukha ni Llianne ang excitement. Ako naman, binuksan ko na ang box. Nagningning ang mata ko nang makita ko ang laman nun."Thank you kuya. You're the best" sabay kuha ko ng silver necklace na may crown pendant. It's beautiful."Akin na. Ako ang magsusuot sa 'yo" kinuha ni kuya ang kwintas sa kamay ko at isinuot niya ito saakin. Hinawakan ko ang pendant nito. Ang ganda."Kuya!! Thank you for this!" talon nang talon si Llianne habang yakap
"Annoying!" I hissed after I finally got home.Inihagis ko ang bag ko pagkapasok ko pa lang sa kwarto. Hindi ko na alam kung saan nag landing.Hindi mabura ang pagka-inis ko sa antipatikong lalaking 'yon. Nakaka stress siya. Lahat ata ng dugo ko umakyat sa ulo ko. Buti na lang buhay pa ko.Imbes na makauwi ako after lunch, naabutan pa ako ng 2 PM bwisit siya.Mang-aagaw!Padabog akong umupo sa harap ng vanity mirror. Lalong nadagdagan ang inis ko nang makita ko ang pagmumukha ko'ng hindi na maipinta."Akala ko ba inayos to ni Ely kanina?" sabay ayos ko ulit sa buhok ko.Bakit ba nagmumukhang noodles 'to? Tama siguro si Llianne, mukha akong tanga. At dahil wala ako sa mood, hinayaan ko na lang ang walang kwenta kong buhok at nahiga na sa kama.Nagmumuni-muni na ako at nagpapakalma nang may marinig akong tunog. Naalala ko ang cellphone ko.
"Sheneth, akala ko ba mag ta-transfer ka na sa school namin nina kuya?"Tanong ko sa pinsan namin na nag-aaral ngayon sa CCAM habang tinutulungan ko siya mag-ayos ng mga gamit sa kwarto niya.Saturday ngayon kaya nandito kami. Wala sina Mom at Dad, may business meeting sa Singapore kaya napag-isipan naming tumambay dito. Nasa kabilang subdivision lang naman."Hindi na siguro ate. Lilipat ka rin naman sa amin, next school year." sagot niya habang nag a-arrange ng mga libro niya sa study table."Sabagay, huwag ka na lang lumipat. Para di ako ma OP next school year." dagdag ko pa kaya napatawa na lang siya.Tinulungan ko na siya para mapadali na ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit ang gulo ng kwarto niya kanina pagkarating namin.Pagkatapos namin ligpitin ang mga naka-kalat, nagpaalam na akong lalabas muna dahil trip ko magpahangin.Medyo napalayo na ako nang may nadaanan akong bahay. Kap
"Anong nangyari sa kaniya? "Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Daddy malapit lang sa akin."Hindi ko rin po alam sir, naabutan ko lang po siya sa waiting shed sa labas ng SEU. Hinang-hina at walang malay"Sagot ng taong kausap nito. Iminulat ko ang aking mga mata. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Puro puti, nasa ospital ba ako? Ang huling naaalala ko lang ay...Wait, tinawag ko ba talaga si Ismael kanina?. What the heck. Napatingin ako sa dalawang taong nag-uusap malapit sa pinto."Salamat sa pagdala sa kaniya at pagtawag sa amin, ijo"Rinig kong sabi ni papa habang tinatapik ang balikat ni Ismael."Dad. " mahinang tawag ko sa kaniya.Sabay silang napatingin sa gawi ko. Nagmadali si Daddy na pumunta sa akin."Are you okay Kara? What happened?Hindi ka na naabutan ng sumundo sa 'yo. Buti na lang nakita ka ng kaibigan mo"Kaibigan? Napatingin ako kay Ismael. He's already near Da
"Ano'ng flavor ang gusto mo?"Napatingin ako sa flavors ng ice-cream na nasa harapan namin. Ismael is really weird. Ang sabi niya, iuuwi niya ko. Tapos ngayon, nasa ice-cream parlor kami?"'Yong cookies and cream na lang"Kukunin ko na sana ang wallet ko para magbayad pero nauna na siyang maglahad ng isang libo. Ano ba 'yan, akala ko magpapalibre na."Dapat ako na lang ang pinabayad mo"Sabi ko sa kaniya nang ibinigay na niya sa akin ang ice-cream."May pera ako"Bakit ang sungit nito ngayon? Kung kailan mabait ako, hindi siya nakikisabay. At tsaka, I know may pera siya. Nag-aaral nga sa private school na sobrang mahal ang tuition tapos walang pera?"Libre ko na sana para makabawi ako"Dagdag ko pa. Pero dahil dakilang masungit siya ngayon, hindi niya ako pinansin. Naglakad na siya palabas. Huminto siya sa pinto at pinagbuksan ako.
"1, 2, 3, ikot, 5, 6, 7, ikot... Marie! Bilisan mo'ng gumalaw hindi ka masalo ng partner mo!"Nasa auditorium uli kaming lahat ngayon at nagpapractice. 1 week na lang ang natitira before ang event at presentation.'Di na kami nakapag practice noong nakaraang linggo."Jay,okay na ang turns niyo.Hawakan mo na lang ng mabuti si Mary Joy. Ikaw naman Justice hindi ba sabi ko huwag kang mahiya sumayaw?Minsan lang 'to."Ilang ulit pa kaming nag execute ng sayaw bago namin mapagpasyahang umuwi na."Mauuna na kami girl, kailangan ko na ng beauty rest," sabi sa akin ni Ely habang hinihila si Jay.Sa sobrang pagod siguro ay hindi na nagsalita ang bakla. Kumaway na lang. Kumaway na rin ako pabalik habang papalabas na sila."Alise, hintayin mo 'ko ha.Sabay na tayo'ng magpalit."Kinuha ko ang bag ko sa gilid at sumabay na kay Alise papuntang
"Ate, paturo ako ng sayaw."Nagulat ako nang marinig ko si Llianne sa likod ko. Nakatambay kami ngayon nina Jay dito sa canteen."Para saan? At bakit ka nandito? Magkaiba ang canteen ng SHS sa JHS ah."Medyo ma layo-layo kasi ang building nila kaya may sarili silang canteen."Ate, ayoko bumagsak sa P.E. Sabi ni ma'am may individual dance presentation daw sa Friday. Wednesday na ngayon! Ate help me," naiiyak na turan ni Llianne"Pwede namang sa bahay niyo yan pag-usapan. Pumunta ka pa talaga dito sa kabilang building ah," natatawang sabi ni Alise.Napatawa na rin sina Ely at Jay."By the way, Ate Alise, sabi nga pala ni kuya replyan mo na daw siya," seryosong sabi ni Llianne.Muntik ng maibuga ni Alise ang kalamansi juice na kakainom niya lang. Napatingin kaming lahat sa kanya.Well, alam kong ibinigay ko na kay kuya ang number niya noong nakaraan pero 'di niya talaga nireplyan?
"Kuya! Pahatid naman sa CCAM."Napalingon sina kuya at Llianne sa akin. Kakapasok ko pa lang sa sasakyan. Galing pa ako sa Auditorium. Nag-polish pa ako ng sayaw namin.Ngayon mag-uumpisa ang practice ng pamangkin ni ma'am. 'Di ko tinanggap ang offer nila na may free transportation kaya magpapahatid ako ngayon."Bakit? Anong gagawin mo sa CCAM?" nagdududang tanong ni kuya"Akala ko mag ce-celebrate tayo ngayon ate? Naka 98 pa naman ako sa presentation," nakangusong tanong ni Llianne sa akinOo nga pala. Kanina ang presentation nila kaya mag cecelebrate talaga sana kami ngayon. Ang problema, nakalimutan ko'ng ngayon pala ako mag-uumpisa sa pagturo sa pamangkin ni ma'am."Kuya, may tuturuan ako do'n. At Llianne, babawi si ate sa susunod okay? Nakalimutan ko kasi na ngayon na mag-uumpisa."'Di na ako pinansin ni Llianne. Nagtampo na siguro. Si kuya naman, sinabi
I've been into a lot of struggles just to be with her. Everytime I see her, my heart will beat faster. Hindi ko inakalang darating ang araw na mamahalin ko siya ng lubusan.It all started that day."Pre, susunduin mo na naman ang kapatid mo sa SEU?" I heard Alden's voice from behind.I was busy aiming for the target board when he came. Nasa practice room ako ngayon ng archery. I focused again on the board until I hit the center spot."Sana all, sharpshooter." I heard him again."Susunduin ko, malamang," sagot ko sa kanya habang inaayos ang bow at arrow."Ang tanda na ni Andrei, sinusundo pa." He hissed and crossed his arms.I raised a brow and let him rant. Sanay na ako sa kanya. Kapag nagkaroon ka ba naman ng kaibigan na baliw, magtataka ka pa?Sabay kaming lumabas ng CCAM. Naghiwalay lang kami ng landas nang nasa parking lot na. Nagpaala
"Saan mo gustong pumunta ngayong umaga?"I sat beside him. He's currently watching some cartoons. Mas nauna siyang nagising sa akin kaya nauna din siyang bumaba. Kinusot ko ang mata ko, halatang inaantok pa."Let's visit my friends, please," I asked him with my puppy eyes.Ginulo niya ang buhok ko at tumawa ng mahina. I pouted and crossed my arms trying to act like I'm mad."Kung saan mo gusto," he said softly.I excitedly went back to my room, nagmamadaling mag-ayos. I badly missed my friends. I'll surprise them this time.After a quick shower, I blow dried my hair and wore a white, pintuck mini dress paired with my black Roadster heeled boots. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. Naglagay lang ako ng clip sa left side, just to pin my baby hairs.When I went downstairs, I saw Ismael comfortably sitting on the sofa, still watching another cartoon
" Sunbae, nasa labas po si Dr. Santiago."I urgently faced Erika when she said those words. She smiled awkwardly at me when she noticed that I was totally shocked. After we talked last time, we never had the chance to talk again. I rarely saw him these days. I don't know if he's just avoiding me or he's really busy.Despite of the awkwardness, I chose to go out and face him. I sighed heavily when I saw him leaning on the wall, just behind the door of the laboratory. His hands were on the pockets of his white coat, slightly bowing his head."Eikel," I called him.He swiftly moved and looked at me with his tired eyes. He faked a smile and came closer."Can we talk?" he suddenly asked.I seriously don't have enough reasons to turn down his request so I nodded and followed him.After a few minutes, I found myself sitting in front of him. We're on a café
"Nagbibiro ka ba?"I asked Ismael after he said those words about marrying me. I can't deny that my heart pounded after he said those words. I'm open enough to understand marriage pero di ko inisip na sasabihin niya nga."I'm not. I'm always serious when it comes to you, Kara. I want to marry you," he seriously said."Baka naman naiinggit ka lang sa kapatid mo." I mocked him.He smirked and leaned closer. Parang balewala ata ang lamesang humaharang sa pagitan namin."Why would I?I have the best girl in the world. In short, I have you," he said and chuckled.My face heated upon hearing that. Gosh, I'm not a teenager anymore but his words can really bring butterflies to my stomach. Umiwas ako ng tingin sa kanya kaya mas lalo kong narinig ang mahihina niyang tawa. Bumalik na din siya sa pwesto niya kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain ko."Kumain ka na. Bak
"Pose ka rin dito, Kara!"Nasa dalampasigan kami at trip ni Alise mag pictorial kaya nakisabay na rin kami ni Taine. Ilang beses na niya akong pinipilit mag-pose ng kung ano-ano. Some tourist were actually looking and that made me felt awkward.We're wearing a two piece. Napilitan akong hubarin ang ipinatong ko dito kanina dahil sa kakulitan ni Alise. I was about to walk away when she pulled me."I don't want this, Alise. Marami na ang nakatingin," I awkwardly told her."Natural! Maganda tayo at sexy!" she said and rolled her eyes.Sa huli, wala rin akong nagawa dahil mapilit siya. Si Taine nga ay ginawa niya pang model. Nakikisakay naman ang isa kaya natutuwa si Alise. Kahit kailan talaga, pahamak siya.I was already enjoying while watching them when someone sat beside me. It was a couple of seconds when I realized that it was Ismael. He looked so grumpy and pissed off.
"Nasa'n na ang maleta mo?"Parang tanga ako habang wala sa sariling naglalakad papalapit kina Alise at Taine. They looked at me with confusion. Tinanong agad ako ni Alise nang nasa harapan na nila ako."Kay Ismael," I said.They both laughed and giggled. Eikel turned his gaze to our spot. Maybe he's wondering why did Alise and Taine laugh out of the blue. I sighed heavily and tried to forget about what happened in the bus."Come back na ba?" nakangising tanong ulit ni Alise."Hoy! 'Yong kuya ko pa!" mabilis na sagot ni Taine.Parang kanina lang halos ipagtulakan niya rin ako kay Ismael tapos ngayon, ipapaalala na naman niya sa akin na nandiyan pa ang kuya niya. I was about to say something nang dumating si Ismael habang bitbit ang maleta ko. Nakasunod na rin si Alden sa kanya na nakatingin sa akin ng nakakaloko."Maleta mo," Ismael said and gave me my lugg
"Sasama ka ba sa outing?"Alise asked me while I'm busy sorting the results of the five CT scans I performed two hours ago. The director asked all of us to have an outing this coming friday. Three days din 'yon kaya nag-aalinlangan ako.We're too busy actually but he assured us that the second team including the second shifters will be left here. Kumbaga, mauuna kami sa outing this weekend and pagkatapos namin, sila naman. Salitan lang."Ewan." I shrugged and continued my work."Ano ba naman 'yan! Dapat sasama ka! Bawal kang maiwan." She rolled her eyes and left."Nagtanong ka pa kung ikaw din naman ang masusunod," I whispered to myself.
"Bakit tulala ka,sunbae?"I unconsciously looked at Erika who's now confused with my sudden change of attitude. I'm still thinking about what happened the other day with Ismael. Hindi ko yata ma absorb lahat."Wala, nabigay mo na ba kay Dr. Gonzaludo ang result ng X-ray ni Mrs. Lusioni?" pag-iiba ko ng usapan."Yes,sunbae." She smiled.Buong araw yata akong tulala at wala sa sarili. No'ng mag lunch ay di rin ako sumabay kina Alise. Parang tanga ako habang wala sa sariling kumikilos. Buti na lang at nandito si Erika."Hey, are you okay?" Eikel asked when he noticed that I'm silent the whole time.Nasa office kami ngayon. It's 8 PM and wala masyadong nagpapa-scan kaya nagpahinga na muna ako. Erika will call me if anyone will come."Yes, sorry." I smiled at him and apologized."Okay lang. Pahinga ka na," sabay tu
"Okay ka na ba?"I made a face and looked at my brother who's still looking worried. It's been a week since the accident. Nakawala daw ang baliw na 'yon sa ward nina Ismael. Maybe it's not a good thing na iisang floor lang kaming lahat.The director was very worried because his niece got attacked and one of his employees got hurt that's why he decided to move the Psychiatry Department to the 5th floor. They will occupy the whole floor para wala wala ng manyari na ganito sa susunod.After Ismael's last visit, di na rin siya nagpakita. I sighed heavily when I remembered him. Eikel never said a word so I guess he's trying to weigh things first."Magpapahinga naman ako sa bahay, kuya," I finally said and stand up.Medyo okay na rin ang sugat ko kaso di pa ako nakakagalaw ng maayos. Nasa business meeting din si mommy sa Iloilo kaya si kuya ang nagsundo sa akin. Llianne was also busy with her st