"Happy new year!"
Sabay naming sigaw nina Llianne at Kuya. Nasa labas kami ngayon. Kitang-kita ko ang magagandang hulma ng fireworks sa taas. Napangiti ako habang nakatingala.
Sobrang peaceful, sobrang ideal, at sobrang saya.
"Here are my gift, girls" rinig kong sabi ni kuya Kaizer.
Ibinigay niya sa akin ang isang red velvet box at 'yong kay Llianne naman ay isang box na kasing laki niya.
Kitang-kita ko sa mukha ni Llianne ang excitement. Ako naman, binuksan ko na ang box. Nagningning ang mata ko nang makita ko ang laman nun.
"Thank you kuya. You're the best" sabay kuha ko ng silver necklace na may crown pendant. It's beautiful.
"Akin na. Ako ang magsusuot sa 'yo" kinuha ni kuya ang kwintas sa kamay ko at isinuot niya ito saakin. Hinawakan ko ang pendant nito. Ang ganda.
"Kuya!! Thank you for this!" talon nang talon si Llianne habang yakap ang human-sized teddy bear niya. Napatawa na lang kami ni kuya sa pagka-childish niya.
"Always welcome, girls" sabi ni kuya habang yakap niya kaming dalawa.
Yumakap na rin ako sa bewang niya. We're too blessed to have him.
"Kayong tatlo diyan sa labas. Pumasok na kayo, baka matamaan kayo ng mga ligaw na paputok diyan." tawag ni Mommy sa amin.
Hawak kamay kaming tatlo habang pabalik sa loob. Dumiretso na kami sa dinning area para na rin maka-kain.
Nang nakarating ay namataan ko agad si Daddy na naka apron tapos naglalagay ng salad sa bowl. Tumakbo ako at yumakap sa bewang niya.
"Dad, where's my gift?" malambing kong sabi sa kaniya.
Ginulo ni Daddy ang buhok ko. He chuckled and whispered something.
"Later, Kara. I'll give you my gift pagkatapos natin kumain"
Napangiti ako sa binulong niya sakin. Napatikhim si Kuya at Llianne kaya napatawa kaming lahat.
"Favoritism naman Dad. Sana ibigay mo na ngayon ang sasakyang hinihiling ko" natatawang saad ni kuya
"Nako Kaizer wag kang humingi ng ganyan sa Daddy mo, baka ibigay sa iyo bukas. Ayokong nakikita ka na nakikipag rambulan na naman gamit ang sasakyan mo. Sisirain mo lang din naman kaya huwag na" pagsesermon sa kaniya ni mommy.
Last time kasi, yung Mazda RX-7 niya, nasira. Puno ng gasgas dahil ginawa nilang laruan ng mga kaibigan niya. Mga isip bata. Nagkarera ba naman sa gitna ng gubat.
'Di ko alam kung may saltik ba sila sa ulo o talagang baliw lang sila. Sinong matino ang magkakarera sa gitna ng gubat? Wala! Baliw silang lahat e.
"Mom naman, di na mauulit." kuya pouted.
Napatawa na lang si Daddy sa kanila. Nang-iispoil kasi si Daddy. Siya yung tipo na kung ano ang hihilingin mo sa kaniya, ibibigay niya basta lang mapasaya kami, konsintidor kumbaga.
Samantalang si Mommy naman, hindi namimigay 'yan basta hindi importante. Tapos kapag alam niyang wala namang kwenta ang gusto namin, sesermonan kami. Dapat daw 'di kami nagwawaldas ng pera dahil hindi sa lahat ng oras ay may pera kami.
"Hindi mo ako madadala sa pagpapacute mong 'yan Kaizer. Manahimik ka." pambabara sa kaniya ni mommy
Tumawa na lang kaming lahat. Sobrang nakakagaan ng loob dahil kompleto kami. Pinagmasdan ko ang mga magigiliw na mukha nila at napangiti na lang ulit dahil sa saya.
I really hope that this will last. I can't ask for more.
Being with them makes me feel the security and happiness. I can really live my life with contentment. I don't have to wish for more. I have the best family ever.
After the celebration, we played some online games and fell asleep eventually. That night ended happily and peacefully.
Days flew so fast and I did not even noticed that Christmas break is already over. I just woke up one day with my sister's loud voice.
"Nay Anna! Nakita niyo po ba 'yong sapatos ko? " I heard Llianne shouted.
Talaga namang ang ingay ng batang 'to. May pasok na ulit kami kaya napapraning na naman. Grade 7 ba talaga 'to o grade 1?.
Hindi ko na siya pinansin. I'm currently a grade 12 student and our brother is in 3rd year, taking up BSBA-BM.
Inayos ko ang buhok kong mahaba. Inipitan ko lang ito pero di ako nagsuklay. Nakakatamad.
Naglagay ako ng pulbo at liptint. Inayos ulit nalukot na uniform at hinablot ang bag kong nasa kama at lumabas na.
Naabutan ko si kuya na nag-aalmusal sa kusina pero 'di na 'ko umupo sa harap niya.
Dumiretso ako ref at kumuha ng bottled water. Lalabas na sana ako pero sinermonan niya na naman ako.
"Kara, napapadalas na 'yang hindi mo pagkain ng almusal ah. Umupo ka dito. Walang aalis na 'di kumakain"
Di ko alam kung may sayad ba talaga 'to. Ang sweet kasi minsan, tapos kapag tinotopak, magiging ganito.
"Kuya, ayokong ma late. Baka mag suprise quiz na naman si Ma'am sa physics hindi ako makaabot" pagdadahilan ko kahit na wala naman talaga.
Gusto ko lang makalusot. Wala akong gana kumain.
"Wag mo akong utuin Kristier Arabella. Kakabukas pa lang ulit ng klase. Walang mangyayaring ganiyan. Kaya umupo ka na dito bago pa kita kaladkarin diyan" supladong turan niya.
Napanguso na lang ako. He's really good when it comes to this.
Nagpapadyak akong naglakad at umupo sa harap niya. Kumuha na rin ako ng konting kanin at ulam.
Habang nakasimangot na ngumunguya, napatingin ako sa hagdan. Nakita ko si Llianne na hinay-hinay sa pagbaba para siguro makatakas. She also told me to be quiet while showing me her gestures.
Napatingin ako kay kuya, nasa pagkain lang ang atensiyon nito. Napangisi ako.
"Kuya, si Llianne pababa na" pagsusumbong ko kay kuya.
I almost laugh when I saw Llianne's crumpled face. I can literally say that she's annoyed.
"Dumiretso ka rito Llianne. Mag almusal ka. Sabay tayong aalis." saad ni kuya at tumayo na.
"Bakit mo 'ko inilaglag?" sabi ni Llianne sa akin sabay irap.
Aba 'tong batang 'to hindi na natakot sa akin.
"Damay-damay tayo bebe. Ganiyan kita ka mahal" pang-iinis ko pa.
"Walang kwentang ate" she said.
I chuckled and fished my breakfast. Llianne was actually grumpy hanggang sa makarating na sa sasakyan. She's not even talking to me. Oh, the little princess is upset.
"Oh, bakit hindi ma drawing 'yang mukha mo?" tanong ko sa kaniya.
"Wag mo 'kong kausapin ate. Baka gawin kong noodles yang buhok mo na hindi naka-kita ng suklay."
I rolled my eyes and pinch her cheeks. Nakapag ayos lang, ganiyan na makaasta.
"Ang ingay niyo. Walang kwenta naman ang pinag-uusapan niyo. Tumahimik kayo." sabi ni Kuya.
Napairap kami ni Llianne ng sabay. Hindi na kami nagsalita ulit. Mahirap na baka magising ang tigre. Masama siguro ang gising. Hindi siya sweet ngayon eh.
Nang makarating na sa school, bumaba na agad ako at kinuha ang phone ko sa bag. Nag-online na agad. Inuna kong buksan ang messenger
Ely Clyish: mga bruha. Nasaan na kayo? Kanina pa ako dito sa harap ng Engineering building.
Napairap na lang ulit ako. Anong ginagawa ng babaeng 'to sa Engineering building?
Jay beautiful: girl, papunta na ako diyan. Nakita mo na ba si bebe Jade ko?
Isa pa tong baklang 'to ba't ang landi? 'yong baliw na tropa pa talaga ni Kuya ang nagustuhan.
Me: mga ugok. Papasok na ko. Hintayin niyo ko diyan.
Matapos kong magreply ay itinago ko na ulit ang phone ko. Mabilis akong naglakad papuntang engineering building.
Kapag nakita ako dito ni kuya malapit sa building na 'to, lagot ako. Sobrang O.A pa naman niya. Parang lahat ng lalaki jojowain ko.
Nang malapit na 'ko, namataan ko na ang baklang si Jay. Napakunot ang noo ko dahil hindi siya naka uniform.
Aba! Parang may-ari lang ng school ah. Walang manners na bakla, buti nakapasok 'to. Ginayuma siguro ang guard.
"Hoy! Bat kayo nandito?. Deretso na tayo sa SHS building. "
Bulyaw ko sa dalawang hindi manlang ako pinansin. Aba! Sa iba pa nakatingin ang dalawa. Ang sarap nilang itali sa isang puno.
Napaghalataan ko ang suot ng bakla. Naka Martin Rose white shirt, black Armani jeans with gucci belt at white nike shoes. What the! Ano to show off?
Pinitik ko ang tenga ng dalawa. Mga bad influence talaga. Ako lang siguro ang matino sa amin.
"Ouch naman" reklamo ni jay
"Aray! " sabi ni Ely
"Punta na tayo sa building natin. Baka pagalitan tayo dito." sabi ko sa kanila
"Chill girl. Aalis na tayo. Hindi ko manlang nakita si bebe Jade ko" reklamo pa ulit ng bakla
"Ako tatahimik na. Baka makarating kay Clyde ang pinanggagawa ko dito. Pagalitan pa ako" kunyaring natatakot na arte ni Ely.
Napatawa na lang ako. Si Clyde ang boyfriend niya na nag-aaral sa kabilang University. 2 years na sila. Sana all, strong.
Naglakad kami habang nagtatawanan papuntang building namin. Nang paakyat na kmi sa 3rd floor kung saan ang first class namin, nahalata ko'ng kulang kami.
"Nasaan nga pala si Alise?" tanong ko sa kanila.
Kanina pa pala wala 'yon. Hindi man lang nag message sa amin.
"Ewan ko sa kaniya besh. Sabi niya dadaan pa daw sa hospital kanina. Natagalan siguro." sagot ni Jay sa akin.
Anong ginagawa ng babaeng 'yon doon?
"Bakit? May sakit ba? " tanong ko ulit.
Napatawa ang dalawa.
"Ang O.A mo te. Magpapacheck-up daw. Natakot magka hypothermia. Nasobrahan ng lamig sa Australia noong bakasyon" tawa ng tawa si Ely.
At dahil dakilang mabait na kaibigan ako, nag-online ako ulit para sana e-chat si Alise pero bago pa ako makapag search ng pangalan niya, nag appear na ang chat ni kuya.
Kaizer Sandoval: Itatapon ko na talaga 'yang cellphone mo Kara. Oras ng klase pero online ka?. Itago mo 'yan kung ayaw mo na ako mismo ang magtago.
Napanganga na lang ako sa chat niya. Aba! Ba't high blood 'to? At dahil masunurin ako, nag offline na 'ko. Di na ako nag reply baka mawalan ako ng cellphone ng wala sa oras.
Dumiretso na 'ko sa upuan ko. Wala akong magawa. Wala pa naman si Ma'am. Ang O.A ni kuya. Siya nga online din eh!
Nakita ko 'yong dalawang kaibigan ko sa harap nakaupo. Ang babait ata? Ba't nagkukumpulan sila sa harap?
Di ako chismosa, medyo lang.
Nakisali na rin ako. Gusto kong malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga 'to.
"Kapag ako nagka-score katulad ni Kara, kukuha na ako ng scholarship . Kainis, sana all matalino" rinig kong sabi ng isa kong kaklase. Mukhang si Justice 'yon.
"Justice nga ang pangalan ko, wala namang hustisya score ko dito. 85? Anong nangyari sa chem?" pagrereklamo pa niya.
Aba naman, 85 out of 100 nagreklamo pa siya. Napatawa na lang ako. Na realize ko na result pala ng exam last year 'yong pinagkakaguluhan nila.
Hindi na 'ko nakisali dahil baka madagdagan ang pag-iingay nila. Mamaya ko na lang titingnan 'yong scores ko. Bumalik na lang ako sa desk ko at natulog.
I did not even realized that I slept for a long time. I woke up because of Jay's voice and realized that I was asleep for the whole damn period.
"Girl. Lunch na. " ramdam kong pag- gising saakin ni Jay.
Humikab pa 'ko. Kulang pa siguro ang tulog ko.
"Walang teacher? Hindi tayo nakalipat ng room ah. Lunch na pala." sagot ko pa habang pilit kong inaayos ang buhok ko.
Kung magulo ang buhok ko kanina, mas magulo pa ngayon.
"Bruha ka na. Hindi mo ba kilala 'yong suklay?. Halika dito. " suway ni Ely sa akin
Sinuklay niya ang buhok ko pero reklamo pa rin siya ng reklamo.
"Ano ba yan. Bibilhan na kita ng brush. Ang tanda mo na pero hindi ka marunong magsuklay o kahit mag ayos man lang. " reklamo niya ulit
Di ko na pinansin. Daming alam nito eh.
Pagkatapos namin mag lunch, nagdesisyon akong umuwi na lang. Wala naman sigurong teacher kaya mas mabuti ng magpahinga na lang ako sa bahay. Nakakatamad pumasok ngayon.
Nagpaalam na ako sa dalawa at dumiretso na sa labas. Buti na lang walang angal ang guard ngayon.
Nagbantay ako ng taxi dahil nakakatakot mag jeep kapag walang kasama. Bawal ko namang tawagan ang driver namin dahil baka malaman na naman ni kuya na hindi ako pumasok.
Ilang minuto na 'ko naghihintay sa waiting shed dito sa labas ng SEU pero wala pa ring dumadaang taxi na walang pasahero. Naiinis ako kaya umupo muna ako. Sana pala pumasok na lang ako. Mas nakakabadtrip maghintay ng taxi.
Ilang minuto pa habang nilalaro ko ang paa ko ay nahagip ng mata ko ang panlalaking sapatos malapit lang rin sa kinalalagyan ng akin. Napatingala ako sa mataas na lalaki.
Nakatalikod siya sa akin kaya di ko ma describe ang itsura niya. Sa sobrang pagtingala ko, di ko namalayan na nagalaw ko pala ulit ang paa ko at naapakan ko siya.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Inalis ko kaagad. Di ko naman sinasadya pero nadumihan ang sapatos niya.
Napatingin siya sakin na nakakunot ang noo.
He has fiery brown eyes, long eyelashes. Well arranged brown hair, pointed nose, fair skin. He's tall but still reachable.
The confidence set on his shoulders seems to be unbreakable. He has this aura and appeal that could melt every girls heart.
He looked at me with his head held high. His neck muscles were tensed like he's about to explode but still managed to suppress the anger.
Bakit bigla akong kinabahan sa kaniya?.
Ngayon ko lang nahalata na naka uniform pala siya. Tinignan ko ang logo ng school, CCAM(Central Colleges of Advance Medicine)?Medyo malayo bakit siya nakarating dito sa SEU (South End University), may pasok ah?
Nawala ang mga tanong sa utak ko nang makita kong dumilim na ang aura niya. Hala galit ba dahil naapakan ko?
I stood up awkwardly and gave him the most prettiest smile I've ever had.
Walang hiya, hanggang tenga niya lang ako. Akala ko pa naman, reachable.
"Pasensya na. Di ko sinasadya" paghihingi ko ng paumanhin sa kaniya
Tiningnan niya lang ako at di ako pinansin. What? Ang suplado naman nito. Ako na nga 'tong nagpapakabait eh.
Ilang minuto pa ang dumaan. Nakaramdam na ako ng init. Ginawa ko pang pamaypay ang mga palad ko.
Sa sobrang reklamo ko siguro ay nadinig na rin sa wakas ang hiling ko na sana, may dumaang taxi para makauwi na 'ko.
Dali-dali akong pumara para mapahinto na ang taxi. Excited pa 'ko dahil sa wakas, makakauwi na 'ko.
Nakangiti kong hinablot ang bag ko ngunit nabura lahat ng excitement ko nang may naunang sumakay sa taxi na pinaghirapan kong hintayin.
Ang lalaking naapakan ko kanina ang dali-daling sumakay.
Inis na inis ako dahil sa ginawa niya. Aba! Ang bastos nito.
Ako ang nagpakahirap!
Mas nadagdagan ang inis ko nang bago niya isara ang pinto ay ngumisi pa siya sakin.
Walang modo!
"Annoying!" I hissed after I finally got home.Inihagis ko ang bag ko pagkapasok ko pa lang sa kwarto. Hindi ko na alam kung saan nag landing.Hindi mabura ang pagka-inis ko sa antipatikong lalaking 'yon. Nakaka stress siya. Lahat ata ng dugo ko umakyat sa ulo ko. Buti na lang buhay pa ko.Imbes na makauwi ako after lunch, naabutan pa ako ng 2 PM bwisit siya.Mang-aagaw!Padabog akong umupo sa harap ng vanity mirror. Lalong nadagdagan ang inis ko nang makita ko ang pagmumukha ko'ng hindi na maipinta."Akala ko ba inayos to ni Ely kanina?" sabay ayos ko ulit sa buhok ko.Bakit ba nagmumukhang noodles 'to? Tama siguro si Llianne, mukha akong tanga. At dahil wala ako sa mood, hinayaan ko na lang ang walang kwenta kong buhok at nahiga na sa kama.Nagmumuni-muni na ako at nagpapakalma nang may marinig akong tunog. Naalala ko ang cellphone ko.
"Sheneth, akala ko ba mag ta-transfer ka na sa school namin nina kuya?"Tanong ko sa pinsan namin na nag-aaral ngayon sa CCAM habang tinutulungan ko siya mag-ayos ng mga gamit sa kwarto niya.Saturday ngayon kaya nandito kami. Wala sina Mom at Dad, may business meeting sa Singapore kaya napag-isipan naming tumambay dito. Nasa kabilang subdivision lang naman."Hindi na siguro ate. Lilipat ka rin naman sa amin, next school year." sagot niya habang nag a-arrange ng mga libro niya sa study table."Sabagay, huwag ka na lang lumipat. Para di ako ma OP next school year." dagdag ko pa kaya napatawa na lang siya.Tinulungan ko na siya para mapadali na ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit ang gulo ng kwarto niya kanina pagkarating namin.Pagkatapos namin ligpitin ang mga naka-kalat, nagpaalam na akong lalabas muna dahil trip ko magpahangin.Medyo napalayo na ako nang may nadaanan akong bahay. Kap
"Anong nangyari sa kaniya? "Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Daddy malapit lang sa akin."Hindi ko rin po alam sir, naabutan ko lang po siya sa waiting shed sa labas ng SEU. Hinang-hina at walang malay"Sagot ng taong kausap nito. Iminulat ko ang aking mga mata. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Puro puti, nasa ospital ba ako? Ang huling naaalala ko lang ay...Wait, tinawag ko ba talaga si Ismael kanina?. What the heck. Napatingin ako sa dalawang taong nag-uusap malapit sa pinto."Salamat sa pagdala sa kaniya at pagtawag sa amin, ijo"Rinig kong sabi ni papa habang tinatapik ang balikat ni Ismael."Dad. " mahinang tawag ko sa kaniya.Sabay silang napatingin sa gawi ko. Nagmadali si Daddy na pumunta sa akin."Are you okay Kara? What happened?Hindi ka na naabutan ng sumundo sa 'yo. Buti na lang nakita ka ng kaibigan mo"Kaibigan? Napatingin ako kay Ismael. He's already near Da
"Ano'ng flavor ang gusto mo?"Napatingin ako sa flavors ng ice-cream na nasa harapan namin. Ismael is really weird. Ang sabi niya, iuuwi niya ko. Tapos ngayon, nasa ice-cream parlor kami?"'Yong cookies and cream na lang"Kukunin ko na sana ang wallet ko para magbayad pero nauna na siyang maglahad ng isang libo. Ano ba 'yan, akala ko magpapalibre na."Dapat ako na lang ang pinabayad mo"Sabi ko sa kaniya nang ibinigay na niya sa akin ang ice-cream."May pera ako"Bakit ang sungit nito ngayon? Kung kailan mabait ako, hindi siya nakikisabay. At tsaka, I know may pera siya. Nag-aaral nga sa private school na sobrang mahal ang tuition tapos walang pera?"Libre ko na sana para makabawi ako"Dagdag ko pa. Pero dahil dakilang masungit siya ngayon, hindi niya ako pinansin. Naglakad na siya palabas. Huminto siya sa pinto at pinagbuksan ako.
"1, 2, 3, ikot, 5, 6, 7, ikot... Marie! Bilisan mo'ng gumalaw hindi ka masalo ng partner mo!"Nasa auditorium uli kaming lahat ngayon at nagpapractice. 1 week na lang ang natitira before ang event at presentation.'Di na kami nakapag practice noong nakaraang linggo."Jay,okay na ang turns niyo.Hawakan mo na lang ng mabuti si Mary Joy. Ikaw naman Justice hindi ba sabi ko huwag kang mahiya sumayaw?Minsan lang 'to."Ilang ulit pa kaming nag execute ng sayaw bago namin mapagpasyahang umuwi na."Mauuna na kami girl, kailangan ko na ng beauty rest," sabi sa akin ni Ely habang hinihila si Jay.Sa sobrang pagod siguro ay hindi na nagsalita ang bakla. Kumaway na lang. Kumaway na rin ako pabalik habang papalabas na sila."Alise, hintayin mo 'ko ha.Sabay na tayo'ng magpalit."Kinuha ko ang bag ko sa gilid at sumabay na kay Alise papuntang
"Ate, paturo ako ng sayaw."Nagulat ako nang marinig ko si Llianne sa likod ko. Nakatambay kami ngayon nina Jay dito sa canteen."Para saan? At bakit ka nandito? Magkaiba ang canteen ng SHS sa JHS ah."Medyo ma layo-layo kasi ang building nila kaya may sarili silang canteen."Ate, ayoko bumagsak sa P.E. Sabi ni ma'am may individual dance presentation daw sa Friday. Wednesday na ngayon! Ate help me," naiiyak na turan ni Llianne"Pwede namang sa bahay niyo yan pag-usapan. Pumunta ka pa talaga dito sa kabilang building ah," natatawang sabi ni Alise.Napatawa na rin sina Ely at Jay."By the way, Ate Alise, sabi nga pala ni kuya replyan mo na daw siya," seryosong sabi ni Llianne.Muntik ng maibuga ni Alise ang kalamansi juice na kakainom niya lang. Napatingin kaming lahat sa kanya.Well, alam kong ibinigay ko na kay kuya ang number niya noong nakaraan pero 'di niya talaga nireplyan?
"Kuya! Pahatid naman sa CCAM."Napalingon sina kuya at Llianne sa akin. Kakapasok ko pa lang sa sasakyan. Galing pa ako sa Auditorium. Nag-polish pa ako ng sayaw namin.Ngayon mag-uumpisa ang practice ng pamangkin ni ma'am. 'Di ko tinanggap ang offer nila na may free transportation kaya magpapahatid ako ngayon."Bakit? Anong gagawin mo sa CCAM?" nagdududang tanong ni kuya"Akala ko mag ce-celebrate tayo ngayon ate? Naka 98 pa naman ako sa presentation," nakangusong tanong ni Llianne sa akinOo nga pala. Kanina ang presentation nila kaya mag cecelebrate talaga sana kami ngayon. Ang problema, nakalimutan ko'ng ngayon pala ako mag-uumpisa sa pagturo sa pamangkin ni ma'am."Kuya, may tuturuan ako do'n. At Llianne, babawi si ate sa susunod okay? Nakalimutan ko kasi na ngayon na mag-uumpisa."'Di na ako pinansin ni Llianne. Nagtampo na siguro. Si kuya naman, sinabi
"Kailan ka pa natutong sumuway sa mga paalala namin ha Kristier Arabella?"Nakayuko lang ako habang sinisermonan ni mommy. 'Di na nakahintay si mommy sa loob ng bahay. Pagkalabas ko pa lang ng sasakyan, ito na ang bungad niya. Gusto ko'ng umiyak. Kahit kailan ay hindi ako napagalitan ng ganito.I can see Llianne standing beside daddy looking sorry for me. Daddy was very serious but he's not as vocal as mommy."Mommy, sorry 'di ko po namalayan ang oras."Nakayuko pa rin ako habang sinasabi 'yon. Pinipigilan ko ang luha kong lumabas dahil mas lalong magagalit si mommy kapag umarte akong kawawa kahit na ako ang may kasalanan."Mommy tama na po. 'Di pa 'to nakakapag-hapunan. 'Di naman niya sinasadya," pagtatanggol sa akin ni kuyaThat's the cue, my tears started to fall down. I'm not used to this. This is the first time. My mom will always praise me for being the best.
I've been into a lot of struggles just to be with her. Everytime I see her, my heart will beat faster. Hindi ko inakalang darating ang araw na mamahalin ko siya ng lubusan.It all started that day."Pre, susunduin mo na naman ang kapatid mo sa SEU?" I heard Alden's voice from behind.I was busy aiming for the target board when he came. Nasa practice room ako ngayon ng archery. I focused again on the board until I hit the center spot."Sana all, sharpshooter." I heard him again."Susunduin ko, malamang," sagot ko sa kanya habang inaayos ang bow at arrow."Ang tanda na ni Andrei, sinusundo pa." He hissed and crossed his arms.I raised a brow and let him rant. Sanay na ako sa kanya. Kapag nagkaroon ka ba naman ng kaibigan na baliw, magtataka ka pa?Sabay kaming lumabas ng CCAM. Naghiwalay lang kami ng landas nang nasa parking lot na. Nagpaala
"Saan mo gustong pumunta ngayong umaga?"I sat beside him. He's currently watching some cartoons. Mas nauna siyang nagising sa akin kaya nauna din siyang bumaba. Kinusot ko ang mata ko, halatang inaantok pa."Let's visit my friends, please," I asked him with my puppy eyes.Ginulo niya ang buhok ko at tumawa ng mahina. I pouted and crossed my arms trying to act like I'm mad."Kung saan mo gusto," he said softly.I excitedly went back to my room, nagmamadaling mag-ayos. I badly missed my friends. I'll surprise them this time.After a quick shower, I blow dried my hair and wore a white, pintuck mini dress paired with my black Roadster heeled boots. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. Naglagay lang ako ng clip sa left side, just to pin my baby hairs.When I went downstairs, I saw Ismael comfortably sitting on the sofa, still watching another cartoon
" Sunbae, nasa labas po si Dr. Santiago."I urgently faced Erika when she said those words. She smiled awkwardly at me when she noticed that I was totally shocked. After we talked last time, we never had the chance to talk again. I rarely saw him these days. I don't know if he's just avoiding me or he's really busy.Despite of the awkwardness, I chose to go out and face him. I sighed heavily when I saw him leaning on the wall, just behind the door of the laboratory. His hands were on the pockets of his white coat, slightly bowing his head."Eikel," I called him.He swiftly moved and looked at me with his tired eyes. He faked a smile and came closer."Can we talk?" he suddenly asked.I seriously don't have enough reasons to turn down his request so I nodded and followed him.After a few minutes, I found myself sitting in front of him. We're on a café
"Nagbibiro ka ba?"I asked Ismael after he said those words about marrying me. I can't deny that my heart pounded after he said those words. I'm open enough to understand marriage pero di ko inisip na sasabihin niya nga."I'm not. I'm always serious when it comes to you, Kara. I want to marry you," he seriously said."Baka naman naiinggit ka lang sa kapatid mo." I mocked him.He smirked and leaned closer. Parang balewala ata ang lamesang humaharang sa pagitan namin."Why would I?I have the best girl in the world. In short, I have you," he said and chuckled.My face heated upon hearing that. Gosh, I'm not a teenager anymore but his words can really bring butterflies to my stomach. Umiwas ako ng tingin sa kanya kaya mas lalo kong narinig ang mahihina niyang tawa. Bumalik na din siya sa pwesto niya kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain ko."Kumain ka na. Bak
"Pose ka rin dito, Kara!"Nasa dalampasigan kami at trip ni Alise mag pictorial kaya nakisabay na rin kami ni Taine. Ilang beses na niya akong pinipilit mag-pose ng kung ano-ano. Some tourist were actually looking and that made me felt awkward.We're wearing a two piece. Napilitan akong hubarin ang ipinatong ko dito kanina dahil sa kakulitan ni Alise. I was about to walk away when she pulled me."I don't want this, Alise. Marami na ang nakatingin," I awkwardly told her."Natural! Maganda tayo at sexy!" she said and rolled her eyes.Sa huli, wala rin akong nagawa dahil mapilit siya. Si Taine nga ay ginawa niya pang model. Nakikisakay naman ang isa kaya natutuwa si Alise. Kahit kailan talaga, pahamak siya.I was already enjoying while watching them when someone sat beside me. It was a couple of seconds when I realized that it was Ismael. He looked so grumpy and pissed off.
"Nasa'n na ang maleta mo?"Parang tanga ako habang wala sa sariling naglalakad papalapit kina Alise at Taine. They looked at me with confusion. Tinanong agad ako ni Alise nang nasa harapan na nila ako."Kay Ismael," I said.They both laughed and giggled. Eikel turned his gaze to our spot. Maybe he's wondering why did Alise and Taine laugh out of the blue. I sighed heavily and tried to forget about what happened in the bus."Come back na ba?" nakangising tanong ulit ni Alise."Hoy! 'Yong kuya ko pa!" mabilis na sagot ni Taine.Parang kanina lang halos ipagtulakan niya rin ako kay Ismael tapos ngayon, ipapaalala na naman niya sa akin na nandiyan pa ang kuya niya. I was about to say something nang dumating si Ismael habang bitbit ang maleta ko. Nakasunod na rin si Alden sa kanya na nakatingin sa akin ng nakakaloko."Maleta mo," Ismael said and gave me my lugg
"Sasama ka ba sa outing?"Alise asked me while I'm busy sorting the results of the five CT scans I performed two hours ago. The director asked all of us to have an outing this coming friday. Three days din 'yon kaya nag-aalinlangan ako.We're too busy actually but he assured us that the second team including the second shifters will be left here. Kumbaga, mauuna kami sa outing this weekend and pagkatapos namin, sila naman. Salitan lang."Ewan." I shrugged and continued my work."Ano ba naman 'yan! Dapat sasama ka! Bawal kang maiwan." She rolled her eyes and left."Nagtanong ka pa kung ikaw din naman ang masusunod," I whispered to myself.
"Bakit tulala ka,sunbae?"I unconsciously looked at Erika who's now confused with my sudden change of attitude. I'm still thinking about what happened the other day with Ismael. Hindi ko yata ma absorb lahat."Wala, nabigay mo na ba kay Dr. Gonzaludo ang result ng X-ray ni Mrs. Lusioni?" pag-iiba ko ng usapan."Yes,sunbae." She smiled.Buong araw yata akong tulala at wala sa sarili. No'ng mag lunch ay di rin ako sumabay kina Alise. Parang tanga ako habang wala sa sariling kumikilos. Buti na lang at nandito si Erika."Hey, are you okay?" Eikel asked when he noticed that I'm silent the whole time.Nasa office kami ngayon. It's 8 PM and wala masyadong nagpapa-scan kaya nagpahinga na muna ako. Erika will call me if anyone will come."Yes, sorry." I smiled at him and apologized."Okay lang. Pahinga ka na," sabay tu
"Okay ka na ba?"I made a face and looked at my brother who's still looking worried. It's been a week since the accident. Nakawala daw ang baliw na 'yon sa ward nina Ismael. Maybe it's not a good thing na iisang floor lang kaming lahat.The director was very worried because his niece got attacked and one of his employees got hurt that's why he decided to move the Psychiatry Department to the 5th floor. They will occupy the whole floor para wala wala ng manyari na ganito sa susunod.After Ismael's last visit, di na rin siya nagpakita. I sighed heavily when I remembered him. Eikel never said a word so I guess he's trying to weigh things first."Magpapahinga naman ako sa bahay, kuya," I finally said and stand up.Medyo okay na rin ang sugat ko kaso di pa ako nakakagalaw ng maayos. Nasa business meeting din si mommy sa Iloilo kaya si kuya ang nagsundo sa akin. Llianne was also busy with her st