Home / All / Unseen Passion / Chapter 4

Share

Chapter 4

Author: Sariyah
last update Last Updated: 2021-04-27 12:51:37

"Anong nangyari sa kaniya? "

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Daddy malapit lang sa akin.

"Hindi ko rin po alam sir, naabutan ko lang po siya sa waiting shed sa labas ng SEU. Hinang-hina at walang malay" 

Sagot ng taong kausap nito. Iminulat ko ang aking mga mata. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Puro puti, nasa ospital ba ako? Ang huling naaalala ko lang ay... 

Wait, tinawag ko ba talaga si Ismael kanina?. What the heck. Napatingin ako sa dalawang taong nag-uusap malapit sa pinto. 

"Salamat sa pagdala sa kaniya at pagtawag sa amin, ijo"

Rinig kong sabi ni papa habang tinatapik ang balikat ni Ismael.

"Dad. " mahinang tawag ko sa kaniya. 

Sabay silang napatingin sa gawi ko. Nagmadali si Daddy na pumunta sa akin. 

"Are you okay Kara? What happened?Hindi ka na naabutan ng sumundo sa 'yo. Buti na lang nakita ka ng kaibigan mo"

Kaibigan? Napatingin ako kay Ismael. He's already near Daddy when he noticed me looking at him. Umasa akong pagtatawanan niya ako dahil naabutan niya ako sa sitwasyong ganoon pero hindi. His face was serious and I can't see any glimpse of happiness.

"Nasobrahan lang ako sa puyat Daddy." 

Napatingin ulit ako sa gawi ni Ismael. Parang hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya ngayon. 

"Ah, thank you Ismael" 

Nahihiya ko'ng pagpapasalamat sa kaniya. 'Di ko alam kung nahihiya ba talaga ako o takot sa ipinapakita niya ngayon. Bakit, kasalanan ko ba kung bakit nasa ospital ako ngayon?

Napaisip ako ng kaunti, oo nga pala kasalanan ko. 

Hindi niya sinagot ang pagpapasalamat ko. Humarap siya kay Daddy. 

"Sir, mauuna na po ako. Baka hinahanap na ako sa amin" 

Seryoso siya habang nagpapaalam kay Daddy. Bakit ang sungit nito? 

"Sige ijo, maraming salamat talaga. May susundo ba sa iyo?" 

Simpleng tango na lamang ang sagot niya at kinuha na niya ang bag niyang nakalagay sa isa sa mga sofa ng hospital room ko. Akala ko ay lalabas na siya agad pero humarap pa siya saakin. 

"Magpahinga ka" 

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang simpleng paalala niya. Siguro kinabahan ako? Ewan. Lumabas na siya ng room at hindi na lumingon pa ulit. Bakit ba paulit-ulit kaming nagkikita? 

The next two days, pumasok agad ako. Okay na naman daw sabi ni Doc. kaya malaya akong pumasok.

"Girl, buti naman nakapasok ka agad."

Bungad sa akin ni Ely pagkapasok ko pa lang ng room namin. 

"Di naman ako nahulog sa bangin, nasobrahan lang sa puyat. Isang araw na pahinga, okay na 'ko" 

Sagot ko sa kanya habang papunta sa upuan ko. Inilabas ko ang libro namin for Physics pati na rin ang mga highlighters ko at ballpen. 

"Kinokonsensya ako dahil iniwan kita Kara, pasensya na" nagsisising turan ni Alise 

"Huwag mo nang alalahanin 'yon Alise. Okay naman ako" pag-aalo ko sa kaniya. 

"By the way, bakit parang ang ikli ng skirt mo ngayon besh, normally mga 1 inch lng above the knee. Ngayon, mga 2 inches na siguro"

Napatingin ako sa skirt ko. Tumayo pa ako para malaman kung totoo ba talaga. Bakit di ko 'to napansin kanina?

'Yong uniform namin, high waist plaid pleated skirt with glen plaid checkered style and a combination of dark blue and white for its color at above the knee ang haba. Yung top naman, simpleng polo top uniform na may dark blue linings sa collar at sa dulo ng sleeves then may logo lang ng SEU sa left side ng polo. 

Naka tuck in lang kaya maganda tingnan. May knee socks na dark blue din at black shoes. Hinila ko na lang pababa dahil nakaka conscious pala. Umupo na ako ulit, baka 'yong skirt ko pa 'to noong grade eleven. Nasuot ko siguro kanina dahil lutang ako. 

"Hayaan mo na. Di naman sobrang ikli"

Suhestiyon ni Ely saakin, kaya hinayaan ko na lang. 

"May practice game daw yung CCAM at SEU ngayon sa gym!" sigaw ni Justice. 

Hinihingal pa talagang pumasok sa room. Nakipag-karera pa siguro. Nasa 4th floor ang klase namin ngayong hapon at baka tinakbo niya ang hagdan kaya ganyan siya. 

"Sa basketball ba Justice?" 

Tanong ni Mary Joy habang kumakain, pero di naman tumataba. Inayos pa talaga niya ang bag niya. Ready na umalis. 

"Oo girl! Wala daw pasok ngayong hapon! Supportive daw dapat tayo sa pambato natin!" sabay tili ni Justice. Grabe ang adik sa basketball.

'Yong mga kaklase ko, umalis na. Pati sina Jay, Ely, at Alise sumunod din. Iniwan na nila ako dahil alam naman nilang wala akong pakealam sa mga ganyan. 

Iniligpit ko na ang mga libro ko at inilagay sa bag. Magpapasundo na lang ako kay Kuya Alex. 

Habang nagliligpit, naabutan ako ni Justice sa room. 

"Pres! Wag kang kj! Lahat ng kaklase natin nandoon na ikaw na lang ang wala! Bawal 'yan."

Sinermonan pa talaga ako? Wala akong alam sa basketball kaya ayoko. Di ako pupunta dun. 

"Uuwi na ko Justice, mag enjoy na lang kayo. " walang gana kong sagot. 

"Hindi pwede Pres, ang aga pa para umuwi hali ka na!"

Hinatak ako ni Justice palabas. Hanggang sa hagdan hindi na niya ako tinantanan. May elevator naman! 

"Justice, ayoko nga." inis kong sabi sa kaniya

Pero hindi pa rin nagpapaawat. 

"Nandoon si Andrei Gomez! 'Yong ka batch natin'g gwapo sa kabilang section lang!"

Lumalabas ang pagka fan girl ng babaeng to. Di ko nga kilala yung Andrei na 'yan!

"Andami ko pang gagawin Justice. Ayoko. Wala akong panahon diyan" 

Pilit kong binabawi ang siko ko'ng hawak-hawak pa rin niya. Kinakaladkad pa rin ako.

"Wag ka puro aral Pres, magsaya ka din. Kahit ngayon lang" 

Napabuntong hininga na lang ako. Ayaw talagang magpaawat. Ang bilis pa niya maglakad. Nang makarating na kami sa ground-floor, mas binilisan pa niya ang takbo. Ang sakit ng paa ko. May heels pa naman ang suot kong sapatos. 

"Justice, wag mo 'kong hatakin. Sasama na ko"

Pagsuko ko sa energetic na babaeng adik sa basketball. Binitawan din naman niya ako at nagpatuloy sa pagtakbo pero every 10 seconds siguro lumilingon siya para siguraduhing sumusunod ako sa kaniya. 

Medyo malayo pa ang gymnasium pero rinig na rinig ko na ang ingay dulot ng sigawan. 

"Pres! Dalian mo, nag-umpisa na" 

Bumalik sa gawi ko si Justice at hinatak ako ulit. Gosh, kaya ko namang maglakad. Pagkapasok pa lang ay parang mabibingi na ako sa sobrang ingay. Napatakip pa ako sa magkabilang tenga ko. Hinatak ako ni Justice sa unahang parte ng mga benches at pinaupo ako dun sa tabi ni Alise at ng iba pa naming mga kaklase. 

"Oh Kara, akala ko ayaw mo sa mga ganito?" 

Malakas na pagkakasabi ni Alise nang nakita ako sa tabi niya. Sobrang ingay! 

"Hinatak ako ni Justice!" 

Sigaw kong sagot sa kaniya para marinig niya. Kumaway na rin ako kina Jay at Ely nang mapalingon sila sa gawi namin. Ang dalawang abnormal nakapwesto pa talaga malapit sa railings kasama nila si Justice na may nakahanda pa'ng banners. 

Akala ko ba practice game lang? 

Nasa left side kami ng gym. Napatingin ako sa mga estudyanteng nasa right side at napagtanto kong taga CCAM pala sila. Sa uniform pa lang na dominant ang puti, halata na. White polo top with black linings sa collar, white knee-length skirt with black linings sa dulo at black heel shoes.

"GO SEU!" 

Sigaw ng mga schoolmates ko. Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa sobrang talon ng mga kaklase ko sa likod. 

"Sorry pres." 

Nag peace sign pa si Mary Joy. Aba, ang babaeng to ngayon ko lang nakitang masaya. Good influence din pala itong si Justice minsan. 

"3 points for SEU" 

Rinig kong sigaw ng scorer. Ewan di, ko alam kung ang tawag sa kanila basta yung nagbibigay ng score. 

"Wah! Andrei my loves!" 

Nangibabaw sa gitna ng crowd ang boses ni Justice. Nag cheer kay Andrei? 'Yon ba ang sinasabi niyang ka-batch namin? 

"Sino si Andrei sa kanila?"

Bulong ko kay Alise. Dahil nakakahiya namang isigaw ko yun. Napatingin si Alise sa akin na parang di makapaniwala. 

"Kara di mo kilala si Andrei? Jusko naman! Team captain 'yan ng SEU's basketball team. President ka pa naman namin. Member ka ng Student Council dapat alam mo 'yong mga dapat suportahan!"

Mahabang litanya ng babae. Tinanong ko lang naman kung saan si Andrei na 'yan. Bakit parang narinig ko na ang pangalang yan? Di ko lang maalala kung kailan at saan. 

"Kita mo 'yong naka varsity uniform ng SEU diba? 'yong number 11! 'yong gwapo! 'Yan si Andrei!"

Napatingin ako sa sinasabi niyang lalaki. Medyo malayo kaya di ko masabi kung gwapo ba talaga o hindi. 

"Labas muna ako, bibili lang ng tubig sa canteen. Inuuhaw ako, ang init. Madaming tao!"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Alise dahil busy pa naman siya kaka-cheer. Dinala ko na lang ang bag ko palabas para kapag tinamad ako bumalik, uuwi na lang ako. 

Napagpasiyahan ko'ng bumili na lang ng dalawang bottled water para kay Alise 'yong isa. Ewan ko bakit ginanahan ako bumalik kahit di naman ako maka relate. 

Palabas na ako ng canteen nang makita ko si Ismael. Bakit siya nandito? Papasok na siya ng canteen. Napatigil pa talaga ako sa paglalakad. Paano ba ako makakabawi sa pagtulong niya sa 'kin noong nakaraan? 

"Ah. Ismael" nahihiya kong bati sa kaniya. 

Napatingin lang siya sa akin na parang wala siyang pakialam. Anong ginawa ko sa kaniya? 

"Oh?" 

Masungit na pag sagot niya saakin. Nainis ako. Aba, 'yong iba diyan nag-uunahan pa para mapansin ko. Tapos siya, simpleng 'oh' ang sagot?. Wala naman akong ginawa sa kaniya ah. 

Pero dahil mabait at may konsensya ako hindi ko na lang pinansin ang pagka kupal niya. 

"Ililibre sana kita. Pagpapasalamat ko sa pagtulong mo sa akin"

Tiningnan niya lang ako ng seryoso. Na-conscious tuloy ako. Bakit ba ganiyan siya makatingin?. 

"Huwag na." walang emosyon niyang sagot at nilagpasan ako. 

Napatingin ako sa likod niyang kay ganda tingnan. Ngayon ko lang nahalatang bagay pala sa kaniya ang uniform na suot niya. Napagtanto ko kung bakit siya nandito. Nakalimutan kong sa CCAM pala siya nag-aaral. 

At dahil makapal ang mukha ko ngayon, hinintay ko pa siyang lumabas. Hindi ako nakontento sa simpleng pagpapasalamat ko noong nakaraang araw kaya kailangan ko talagang bumawi. 

Nakita ko siyang lumabas ng canteen habang may bitbit na dalawang coke in can at dalawang sandwich. 

"Bakit nandito ka pa? "

Kunot noong tanong niya saakin. Nginitian ko pa siya ulit kahit naiinsulto na 'ko. Bakit ko nga ba hinintay 'to? Di pala worth it hintayin. 

"Ililibre nga kita" 

Pamimilit ko pa sa kaniya. Alam ko'ng pangit mamilit ng tao pero di ako papatulugin ng konsensya ko lalo na at nagkita kami ngayon. Sayang ang pagkakataon. 

"Sabi ko, huwag na" 

Nilagpasan niya ulit ako at naglakad pabalik sa gym. Sinundan ko na lang siya at nagpasyang wag na siya pilitin. Ayaw niya, edi huwag. Consistent akong tao pero kapag ayaw talaga, edi titigil na. 

Nauna siya sa 'kin sa paglalakad kaya naisip kong di niya alam na nakasunod lang ako sa kaniya. Baka isipin pa niyang stalker ako!

Bago pa kami makarating sa gym, tumigil siya at napalingon sa banda ko. Nagulat ako kaya napahinto ako ng wala sa oras. 

"Bakit ka pa nakasunod?"

Nakakunot noo niyang tanong sa akin. Aba, anong problema ng lalaking to. 

"Babalik ako sa gym. Ibibigay ko ang tubig ni Alise"

Pagrarason ko pa sabay pakita ng isang bottled water. Tama naman babalik ako para kay Alise. Di ko naman siya pipilitin kaya bakit siya naiistress jan? 

"Huwag ka nang pumasok sa gym ako na ang magbibigay sa kaibigan mo" 

Seryoso pa talaga siya habang sinasabi niya 'yan. Kanina pa to ah. Nang-iinis ba 'to? Inirapan ko siya at magpapatuloy na sana ako sa pagpasok nang hawakan niya ang braso ko. 

Napatingin ako sa kaniya nang nakakunot ang noo. 

"Ano ba'ng problema mo? Di na kita pipiliting magpalibre saakin. I know how to obey people especially those who said NO." 

Emphasized pa talaga ang NO para maramdaman niyang pinatatamaan ko siya. Ang arte, kaninang gusto ko siya ilibre, halos di ako pansinin tapos ngayong di ko na siya ginugulo, pinagbawalan pa akong pumasok sa gym. Sa kanya ba 'to?

Bago pa ako makahirit ulit, may namataan akong babae na tumatakbo papalapit sa amin. Maputi, matangos ang ilong, black beautiful eyes, curly black hair, impressive body curves at matanggad. Magkasingtangkad siguro kami. Bagay sa kanya ang uniform na suot niya. Ano 'to model? 

"Hey, Mael bakit ang tagal mo? Nagugutom na ako" 

Sabi niya at inilingkis ang kamay niya sa braso ni Ismael. Wow, kaya ba sobrang sungit niya sa akin dahil kasama niya ang girlfriend niya? 

"Chytzy, ba't ka sumumod dito? 'Di ba sabi ko wag ka'ng umalis doon?"

Pagsesermon pa ng boyfriend niya. Napairap na lang ako. 

Sa harap ko pa naglandian. 

"Ang tagal mo eh. Sino siya?"

Nandidiring tanong niya kay Ismael habang nakatingin sa akin. What the hell? Nandiri pa talaga siya sa akin? 

Ganda ka te? 

"She's Kara, kaibigan ko"

Plain na sagot ng walang hiya niyang boylet. Tapos kaibigan? Kailan pa? 'Di ko nga alam buong pangalan mo boy. 

"Alis na ko guys!" 

Plastic kong sabi sa kanila. Bagay sila, meant to be gilitan sa leeg. 

"I told you Kara, hindi ka papasok diyan." 

Pahabol pa ni Ismael. Hinabol niya ako at kinuha ang bottled water na para kay Alise. Nakasunod lang sa kanya ang girlfriend niya. Napahinto na lang ako. Bago ko pa maagaw ang bottle sa kaniya, inilayo na niya ito. 

"Hintayin mo 'ko dito." 

Seryosong saad niya bago niya hinila 'yong Chytzy na girlfriend niya papasok sa gym. 

Napairap ako bakit ko siya hihintayin? Hindi nga siya worth it diba? Umirap pa talaga ako dahil sa inis. 

Paano niya maibibigay ang tubig kay Alise? Hindi naman niya kilala 'yon. 

Bago pa 'ko tumalikod paalis, namataan ko siyang palabas na ulit at may dalang jacket. 

Anong trip nito? Mabilis niya akong nilapitan at ibinigay sa akin ang jacket na dala. 

"Itali mo sa bewang mo."

Seryosong sabi niya. Kumunot lalo ang noo ko. What the hell is wrong with him? Bakit niya ipapatali ang jacket na 'to sa bewang ko?

Dahil nga hindi ko tinanggap ang jacket, siya na mismo ang lumapit saakin. Itinali niya ang sleeves ng jacket sa bewang ko at dahil malaki ang jacket, nalampasan nito ang skirt ko. 

"Kanina ko pa nakikita 'yang skirt mo. Huwag ka nang pumasok ulit. Iuuwi na kita" 

Related chapters

  • Unseen Passion   Chapter 5

    "Ano'ng flavor ang gusto mo?"Napatingin ako sa flavors ng ice-cream na nasa harapan namin. Ismael is really weird. Ang sabi niya, iuuwi niya ko. Tapos ngayon, nasa ice-cream parlor kami?"'Yong cookies and cream na lang"Kukunin ko na sana ang wallet ko para magbayad pero nauna na siyang maglahad ng isang libo. Ano ba 'yan, akala ko magpapalibre na."Dapat ako na lang ang pinabayad mo"Sabi ko sa kaniya nang ibinigay na niya sa akin ang ice-cream."May pera ako"Bakit ang sungit nito ngayon? Kung kailan mabait ako, hindi siya nakikisabay. At tsaka, I know may pera siya. Nag-aaral nga sa private school na sobrang mahal ang tuition tapos walang pera?"Libre ko na sana para makabawi ako"Dagdag ko pa. Pero dahil dakilang masungit siya ngayon, hindi niya ako pinansin. Naglakad na siya palabas. Huminto siya sa pinto at pinagbuksan ako.

    Last Updated : 2021-04-28
  • Unseen Passion   Chapter 6

    "1, 2, 3, ikot, 5, 6, 7, ikot... Marie! Bilisan mo'ng gumalaw hindi ka masalo ng partner mo!"Nasa auditorium uli kaming lahat ngayon at nagpapractice. 1 week na lang ang natitira before ang event at presentation.'Di na kami nakapag practice noong nakaraang linggo."Jay,okay na ang turns niyo.Hawakan mo na lang ng mabuti si Mary Joy. Ikaw naman Justice hindi ba sabi ko huwag kang mahiya sumayaw?Minsan lang 'to."Ilang ulit pa kaming nag execute ng sayaw bago namin mapagpasyahang umuwi na."Mauuna na kami girl, kailangan ko na ng beauty rest," sabi sa akin ni Ely habang hinihila si Jay.Sa sobrang pagod siguro ay hindi na nagsalita ang bakla. Kumaway na lang. Kumaway na rin ako pabalik habang papalabas na sila."Alise, hintayin mo 'ko ha.Sabay na tayo'ng magpalit."Kinuha ko ang bag ko sa gilid at sumabay na kay Alise papuntang

    Last Updated : 2021-05-24
  • Unseen Passion   Chapter 7

    "Ate, paturo ako ng sayaw."Nagulat ako nang marinig ko si Llianne sa likod ko. Nakatambay kami ngayon nina Jay dito sa canteen."Para saan? At bakit ka nandito? Magkaiba ang canteen ng SHS sa JHS ah."Medyo ma layo-layo kasi ang building nila kaya may sarili silang canteen."Ate, ayoko bumagsak sa P.E. Sabi ni ma'am may individual dance presentation daw sa Friday. Wednesday na ngayon! Ate help me," naiiyak na turan ni Llianne"Pwede namang sa bahay niyo yan pag-usapan. Pumunta ka pa talaga dito sa kabilang building ah," natatawang sabi ni Alise.Napatawa na rin sina Ely at Jay."By the way, Ate Alise, sabi nga pala ni kuya replyan mo na daw siya," seryosong sabi ni Llianne.Muntik ng maibuga ni Alise ang kalamansi juice na kakainom niya lang. Napatingin kaming lahat sa kanya.Well, alam kong ibinigay ko na kay kuya ang number niya noong nakaraan pero 'di niya talaga nireplyan?

    Last Updated : 2021-05-24
  • Unseen Passion   Chapter 8

    "Kuya! Pahatid naman sa CCAM."Napalingon sina kuya at Llianne sa akin. Kakapasok ko pa lang sa sasakyan. Galing pa ako sa Auditorium. Nag-polish pa ako ng sayaw namin.Ngayon mag-uumpisa ang practice ng pamangkin ni ma'am. 'Di ko tinanggap ang offer nila na may free transportation kaya magpapahatid ako ngayon."Bakit? Anong gagawin mo sa CCAM?" nagdududang tanong ni kuya"Akala ko mag ce-celebrate tayo ngayon ate? Naka 98 pa naman ako sa presentation," nakangusong tanong ni Llianne sa akinOo nga pala. Kanina ang presentation nila kaya mag cecelebrate talaga sana kami ngayon. Ang problema, nakalimutan ko'ng ngayon pala ako mag-uumpisa sa pagturo sa pamangkin ni ma'am."Kuya, may tuturuan ako do'n. At Llianne, babawi si ate sa susunod okay? Nakalimutan ko kasi na ngayon na mag-uumpisa."'Di na ako pinansin ni Llianne. Nagtampo na siguro. Si kuya naman, sinabi

    Last Updated : 2021-05-25
  • Unseen Passion   Chapter 9

    "Kailan ka pa natutong sumuway sa mga paalala namin ha Kristier Arabella?"Nakayuko lang ako habang sinisermonan ni mommy. 'Di na nakahintay si mommy sa loob ng bahay. Pagkalabas ko pa lang ng sasakyan, ito na ang bungad niya. Gusto ko'ng umiyak. Kahit kailan ay hindi ako napagalitan ng ganito.I can see Llianne standing beside daddy looking sorry for me. Daddy was very serious but he's not as vocal as mommy."Mommy, sorry 'di ko po namalayan ang oras."Nakayuko pa rin ako habang sinasabi 'yon. Pinipigilan ko ang luha kong lumabas dahil mas lalong magagalit si mommy kapag umarte akong kawawa kahit na ako ang may kasalanan."Mommy tama na po. 'Di pa 'to nakakapag-hapunan. 'Di naman niya sinasadya," pagtatanggol sa akin ni kuyaThat's the cue, my tears started to fall down. I'm not used to this. This is the first time. My mom will always praise me for being the best.

    Last Updated : 2021-05-26
  • Unseen Passion   Chapter 10

    "Hoy, bakit ang tahimik mo?"Kumaway-kaway pa si Alise nang maramdaman niyang wala ako sa sarili."Paki-play ng music then practice na tayo ulit," lutang kong sagot.'Di na rin naman nagreklamo si Alise at sinunod na ang utos ko.Hanggang ngayon ay 'di matanggap ng utak ko ang mga narinig ko kay Ismael noong nakaraan. After that day, 'di na ulit kami nagkita. As if naman, gusto ko siyang makita.Naguguluhan ako sa kaniya. Baka nag-away lang sila ni Chytzy that time kaya wala siyang mapagtripan.Nagchachat lang siya sakin every morning just to greet and remind me not to skip my meals. Gano'n din sa gabi, mag go-goodnight lang siya, then wala na. 'Di ako nagrereply sa mga chat niya. Hanggang seen lang.Natatakot kasi ako na baka iba ang maisagot ko. Nagiging bobo pa naman ako kapag siya ang kausap ko.Todo practice na kami dahil malapit na ang presentation. Every a

    Last Updated : 2021-05-27
  • Unseen Passion   Chapter 11

    "Alise! Ang costume saan niyo nilagay?"It's February 13 already. Inaayos na namin ang mga gagamitin namin bukas. Tulad ng sabi ko sa kanila,'di na kami nag practice this week. Tanging preparations na lang para nasa kondisyon ang mga katawan namin. I let my classmates enjoy para naman di kami puro stress.Kasalukuyan kaming nag-aarange ng mga props namin for tomorrow. Hindi ko mahanap ang mga costume kaya tinanong ko si Alise."Nasa kabilang box, Kara," sagot ni Alise sa akin habang na ce-cellphone.Muntik ko ng itapon sa kanya ang hawak kong paper bag na may lamang make-up sets. 'Di man lang niya ako tinulungan dito.Nagpapakahirap ako ditong mag-arrange tapos siya naka-cellphone lang. Pangiti-ngiti pa siya habang nakatingin dito.Dahil na cu-curious ako kung anong ginagawa niya,nagdesisyon akong silipin iyon. Dumaan ako sa kaliwang parte ng room na may mini board f

    Last Updated : 2021-05-28
  • Unseen Passion   Chapter 12

    "Ismael."Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin. Parang nag po-propose siya sa akin sa harap ng madaming tao. Hindi ako makapaniwala na mararanasan ko ang ganito.I smiled and hugged him for I don't know how long. The crowd started to cheer again. Naramdaman ko ang pagkabigla ni Ismael sa ginawa ko"Ka--"Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya."Thank you Ismael, Happy Valentine's Day," bulong ko sa kanya.After the surprise thingy, naging laman ng balita sa buong campus ang nangyari. Halos hindi ako makalakad ng tuwid dahil kapag napapadaan ako ay napapalingon ang mga nakakakita sa akin.Hindi naman 'yon tingin na nanghuhusga kundi tingin na kinikilig at naiinggit pero ang awkward lang dahil hindi talaga ako sanay sa ganito.Well, kilala naman talaga ako ng karamihan dahil miyembro ako ng

    Last Updated : 2021-05-29

Latest chapter

  • Unseen Passion   Epilogue

    I've been into a lot of struggles just to be with her. Everytime I see her, my heart will beat faster. Hindi ko inakalang darating ang araw na mamahalin ko siya ng lubusan.It all started that day."Pre, susunduin mo na naman ang kapatid mo sa SEU?" I heard Alden's voice from behind.I was busy aiming for the target board when he came. Nasa practice room ako ngayon ng archery. I focused again on the board until I hit the center spot."Sana all, sharpshooter." I heard him again."Susunduin ko, malamang," sagot ko sa kanya habang inaayos ang bow at arrow."Ang tanda na ni Andrei, sinusundo pa." He hissed and crossed his arms.I raised a brow and let him rant. Sanay na ako sa kanya. Kapag nagkaroon ka ba naman ng kaibigan na baliw, magtataka ka pa?Sabay kaming lumabas ng CCAM. Naghiwalay lang kami ng landas nang nasa parking lot na. Nagpaala

  • Unseen Passion   Chapter 40

    "Saan mo gustong pumunta ngayong umaga?"I sat beside him. He's currently watching some cartoons. Mas nauna siyang nagising sa akin kaya nauna din siyang bumaba. Kinusot ko ang mata ko, halatang inaantok pa."Let's visit my friends, please," I asked him with my puppy eyes.Ginulo niya ang buhok ko at tumawa ng mahina. I pouted and crossed my arms trying to act like I'm mad."Kung saan mo gusto," he said softly.I excitedly went back to my room, nagmamadaling mag-ayos. I badly missed my friends. I'll surprise them this time.After a quick shower, I blow dried my hair and wore a white, pintuck mini dress paired with my black Roadster heeled boots. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. Naglagay lang ako ng clip sa left side, just to pin my baby hairs.When I went downstairs, I saw Ismael comfortably sitting on the sofa, still watching another cartoon

  • Unseen Passion   Chapter 39

    " Sunbae, nasa labas po si Dr. Santiago."I urgently faced Erika when she said those words. She smiled awkwardly at me when she noticed that I was totally shocked. After we talked last time, we never had the chance to talk again. I rarely saw him these days. I don't know if he's just avoiding me or he's really busy.Despite of the awkwardness, I chose to go out and face him. I sighed heavily when I saw him leaning on the wall, just behind the door of the laboratory. His hands were on the pockets of his white coat, slightly bowing his head."Eikel," I called him.He swiftly moved and looked at me with his tired eyes. He faked a smile and came closer."Can we talk?" he suddenly asked.I seriously don't have enough reasons to turn down his request so I nodded and followed him.After a few minutes, I found myself sitting in front of him. We're on a café

  • Unseen Passion   Chapter 38

    "Nagbibiro ka ba?"I asked Ismael after he said those words about marrying me. I can't deny that my heart pounded after he said those words. I'm open enough to understand marriage pero di ko inisip na sasabihin niya nga."I'm not. I'm always serious when it comes to you, Kara. I want to marry you," he seriously said."Baka naman naiinggit ka lang sa kapatid mo." I mocked him.He smirked and leaned closer. Parang balewala ata ang lamesang humaharang sa pagitan namin."Why would I?I have the best girl in the world. In short, I have you," he said and chuckled.My face heated upon hearing that. Gosh, I'm not a teenager anymore but his words can really bring butterflies to my stomach. Umiwas ako ng tingin sa kanya kaya mas lalo kong narinig ang mahihina niyang tawa. Bumalik na din siya sa pwesto niya kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain ko."Kumain ka na. Bak

  • Unseen Passion   Chapter 37

    "Pose ka rin dito, Kara!"Nasa dalampasigan kami at trip ni Alise mag pictorial kaya nakisabay na rin kami ni Taine. Ilang beses na niya akong pinipilit mag-pose ng kung ano-ano. Some tourist were actually looking and that made me felt awkward.We're wearing a two piece. Napilitan akong hubarin ang ipinatong ko dito kanina dahil sa kakulitan ni Alise. I was about to walk away when she pulled me."I don't want this, Alise. Marami na ang nakatingin," I awkwardly told her."Natural! Maganda tayo at sexy!" she said and rolled her eyes.Sa huli, wala rin akong nagawa dahil mapilit siya. Si Taine nga ay ginawa niya pang model. Nakikisakay naman ang isa kaya natutuwa si Alise. Kahit kailan talaga, pahamak siya.I was already enjoying while watching them when someone sat beside me. It was a couple of seconds when I realized that it was Ismael. He looked so grumpy and pissed off.

  • Unseen Passion   Chapter 36

    "Nasa'n na ang maleta mo?"Parang tanga ako habang wala sa sariling naglalakad papalapit kina Alise at Taine. They looked at me with confusion. Tinanong agad ako ni Alise nang nasa harapan na nila ako."Kay Ismael," I said.They both laughed and giggled. Eikel turned his gaze to our spot. Maybe he's wondering why did Alise and Taine laugh out of the blue. I sighed heavily and tried to forget about what happened in the bus."Come back na ba?" nakangising tanong ulit ni Alise."Hoy! 'Yong kuya ko pa!" mabilis na sagot ni Taine.Parang kanina lang halos ipagtulakan niya rin ako kay Ismael tapos ngayon, ipapaalala na naman niya sa akin na nandiyan pa ang kuya niya. I was about to say something nang dumating si Ismael habang bitbit ang maleta ko. Nakasunod na rin si Alden sa kanya na nakatingin sa akin ng nakakaloko."Maleta mo," Ismael said and gave me my lugg

  • Unseen Passion   Chapter 35

    "Sasama ka ba sa outing?"Alise asked me while I'm busy sorting the results of the five CT scans I performed two hours ago. The director asked all of us to have an outing this coming friday. Three days din 'yon kaya nag-aalinlangan ako.We're too busy actually but he assured us that the second team including the second shifters will be left here. Kumbaga, mauuna kami sa outing this weekend and pagkatapos namin, sila naman. Salitan lang."Ewan." I shrugged and continued my work."Ano ba naman 'yan! Dapat sasama ka! Bawal kang maiwan." She rolled her eyes and left."Nagtanong ka pa kung ikaw din naman ang masusunod," I whispered to myself.

  • Unseen Passion   Chapter 34

    "Bakit tulala ka,sunbae?"I unconsciously looked at Erika who's now confused with my sudden change of attitude. I'm still thinking about what happened the other day with Ismael. Hindi ko yata ma absorb lahat."Wala, nabigay mo na ba kay Dr. Gonzaludo ang result ng X-ray ni Mrs. Lusioni?" pag-iiba ko ng usapan."Yes,sunbae." She smiled.Buong araw yata akong tulala at wala sa sarili. No'ng mag lunch ay di rin ako sumabay kina Alise. Parang tanga ako habang wala sa sariling kumikilos. Buti na lang at nandito si Erika."Hey, are you okay?" Eikel asked when he noticed that I'm silent the whole time.Nasa office kami ngayon. It's 8 PM and wala masyadong nagpapa-scan kaya nagpahinga na muna ako. Erika will call me if anyone will come."Yes, sorry." I smiled at him and apologized."Okay lang. Pahinga ka na," sabay tu

  • Unseen Passion   Chapter 33

    "Okay ka na ba?"I made a face and looked at my brother who's still looking worried. It's been a week since the accident. Nakawala daw ang baliw na 'yon sa ward nina Ismael. Maybe it's not a good thing na iisang floor lang kaming lahat.The director was very worried because his niece got attacked and one of his employees got hurt that's why he decided to move the Psychiatry Department to the 5th floor. They will occupy the whole floor para wala wala ng manyari na ganito sa susunod.After Ismael's last visit, di na rin siya nagpakita. I sighed heavily when I remembered him. Eikel never said a word so I guess he's trying to weigh things first."Magpapahinga naman ako sa bahay, kuya," I finally said and stand up.Medyo okay na rin ang sugat ko kaso di pa ako nakakagalaw ng maayos. Nasa business meeting din si mommy sa Iloilo kaya si kuya ang nagsundo sa akin. Llianne was also busy with her st

DMCA.com Protection Status