Home / All / Unseen Passion / Chapter 12

Share

Chapter 12

Author: Sariyah
last update Last Updated: 2021-05-29 21:40:08

"Ismael."

Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin. Parang nag po-propose siya sa akin sa harap ng madaming tao. Hindi ako makapaniwala na mararanasan ko ang ganito.

I smiled and hugged him for I don't know how long. The crowd started to cheer again. Naramdaman ko ang pagkabigla ni Ismael sa ginawa ko

"Ka--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya.

"Thank you Ismael, Happy Valentine's Day," bulong ko sa kanya.

After the surprise thingy, naging laman ng balita sa buong campus ang nangyari. Halos hindi ako makalakad ng tuwid dahil kapag napapadaan ako ay napapalingon ang mga nakakakita sa akin.

Hindi naman 'yon tingin na nanghuhusga kundi tingin na kinikilig at naiinggit pero ang awkward lang dahil hindi talaga ako sanay sa ganito.

Well, kilala naman talaga ako ng karamihan dahil miyembro ako ng dance club at madalas akong sumasayaw tuwing may program. I'm also one of the top students. May atensiyon akong natatanggap noon pero mas dumagdag ata ngayon.

Isipin mo nga, si Kristier Arabella nakatanggap ng bonggang surprise galing sa manliligaw. Siguradong gano'n ang laman ng balita. Sa sobrang dami ng nanood sa amin that time, 'di ko man lang namalayan na nandoon din pala sina Llianne at Kuya, nakamasid lang.

Kung hindi pa ako tinukso ni Llianne ay hindi ko malalaman. Kuya didn't say a word. Hindi naman niya sinabing ayaw niya pero hindi rin niya sinabing nagustuhan niya.

Napabuntong hininga ako habang naglalakad papuntang building namin. Hindi ko na magagawang iwasan ang mga estudyanteng nakatingin sa akin, mostly kasi ay nagmula sa Junior High School. Ipinagyabang pa talaga ng magaling na si Llianne na ate niya ako.

Pagkapasok ko pa lang ng room ay sabay-sabay na silang nag 'yieeeee'. Namula ako sa ginawa nila. Saksi at naging parte pa sila ng surprise ni Ismael. Hindi pa ako nakapagtatanong kay Alise kung anong nangyari kaya wala pa akong kaalam-alam.

"Ikaw na bruhilda ka! Halika rito. Ang kapal ng mukha mong maglihim sa amin!"

Sinugod ako ni Jay kaya napatakbo ako ulit sa labas. Pabalik-balik lang naman kami pero 'di niya ako mahabol. Tawa nang tawa ang mga kaklase namin dahil sa nangyayari. Alam kong magiging ganito ang reaksiyon niya kaya nag ready ako ng mga palusot.

"Hep, pagod na ko Jay. Mag e-explain na lang ako," pagsuko ko.

Hinila niya ako papalapit kina Ely at Alise at pinaupo sa gitna ng dalawa. Hotseat ang peg.

"Oh, sino itong Ismael na boylet mo ha?" pagtataray pa niya.

Inirapan ko pa siya dahil sobra pa siya sa kuya ko.

"Kuya ni Andrei," simpleng sagot ko.

Halos lahat ng babae sa room ay napaharap sa banda namin. Oo nga pala, nakalimutan ko'ng famous si Andrei dito.

"Omg, kuya ni Andrei my loves si Ismael?"

Tila naghugis puso ang mga mata ni Justice kaya napailing na lang kaming lahat. 'Yong iba ay kinuha ang kani-kanilang mga cellphone at nagtipa ng kung ano-ano. Malamang ay mang ii-stalk silang lahat.

"Mygosh! Hindi man lang namin alam na may gwapong umaaligid sa'yo. Bonus pa na kapatid niya si Andrei."

Kung kanina ay naiirita siya, ngayon naman ay nagniningning na ang mga mata niya. Umaliwalas pa talaga ang buong mukha niya.

Si Ely naman ay nakangiting nakatingin lang sa akin. Nahalata kong these past few days, 'di na siya masyadong maingay. Kung walang importanteng sasabihin ay hindi rin magsasalita. There's something wrong.

"Ely, may problema ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Napalitan ng konting lungkot ang ekspresiyon niya, pero agad din itong bumalik sa maliwanag niyang mukha. Parang ayaw niya pag-usapan kaya pinili niyang magpanggap.

"Oo naman, Kara. Ano ka ba."

Umakto pa siyang masaya talaga. Hindi ko na muna siya pinilit na magshare dahil baka biglang mag breakdown. Kilala ko ang mga kaibigan ko kaya kapag nagiging ganito sila, maghihinala na akong may mali.

Natapos ang klase ng maaga. 3 PM pa lang pero dismissed na kami. Siguro pagod pa sa event kahapon ang ibang teachers kaya mas piniling magpahinga na lang muna dahil siguradong next week, tambak na naman ang dapat nilang gawin at ipasa.

Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko para na rin mauna ako kay Ismael. Itinext ko na lang siya na tapos na ang klase ko ngayong araw kaya 'di na niya ako kailangang sunduin dito sa SEU. 5 PM pa matatapos ang klase niya kaya kaya talagang mauuna na ako. Friday ngayon at sa Monday na ang performance ni Jandrice kaya todo practice na siya. Last practice na niya ngayon at konting arrangement na lang naman ang kailangan.

Excited akong lumabas ng SEU. Papalapit na ako sa waiting shed na palagi naming tinatambayan habang naghihintay ng masasakyan. Namataan ko sina Jay na may kausap na dalawang babae. Akala ko ba nauna na sila? Pati nga si Alise sumabay sa kanila dahil may pupuntahan din daw siya.

Laking gulat ko nang mamataan ko ang tatlo pa naming kaibigan. Sila 'yong kinakausap ni Jay. Hindi ko sila nakilala agad dahil nakatalikod sila sa akin.

"Oh my!" tili ko at mabilis na tumakbo papalapit sa kanila. I hugged them very tight dahil sobrang na-miss ko sila.

"Ackk. Kara, I can't.. Bre.. Breath."

Agad ko silang binitawan at ngumiti. Nakahawak pa si Veronica sa leeg niya na para bang sinakal ko talaga siya. Si Chescha naman ay nakapameywang pa habang nakatingin sa akin at nakahawak sa kanya si Niña. Ilang buwan din kaming 'di nagkita.

"Kara, I miss you!"

Yumakap sa bewang ko si Niña. Sa aming lahat, siya ang pinaka-clingy. Mahilig manghalik sa pisngi at mangyakap. Ngumiti lang ako ginulo ang buhok niya. Bumalik ang tingin ko kay Veronica na nakauniform nga pero hindi naman sa tamang paraan. Naka tuck-in ang polo uniform niya sa palda niya kahit na hindi naman dapat.

May suot pa siyang knee socks kahit wala naman 'yon sa dress code nila. Wala pa ring pinagbago, she's still the same Veronica that I know. Pasaway at basagulera pero pagdating sa amin ay nag-iiba ang ugali. Pareho lang ang personality nila ni Chescha pero 'yong isa, minsan mapagsasabihan pa. Sa kabilang University sila nag-aaral kaya 'di kami masyadong nagkikita. Reyes de Ocampo University (RdOU) is quite far from SEU kaya ganito ako kasaya dahil nagka-time silang pumunta dito.

"Namiss ko kayong lahat," naiiyak kong sabi.

Ngumiti silang lahat at nagyakapan pa ulit kami. Sina Jay naman nakasimangot lang sa gilid kaya hinayaan na lang namin.

Nag decide kami na pumunta sa isang malapit na coffee shop. Halos lahat kami ay mahilig sa kape kaya wala ng angal pa. We talked about some things na 'di na namin napag-usapan ng matagal.

Nalaman na rin nila ang tungkol kay Ismael and ang sabi nila, they will support me as long as I'm happy. Isa 'to sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanila. No matter how protective they are, basta alam nilang sasaya ka, they will support you.

Gusto ko mang magtagal ay 'di ko magawa. Napatingin ako sa wristwatch ko at halos mapamura ako nang makitang 5PM na. 'Di ko man lang namalayan ang oras. Mabilis akong nagpaalam sa kanila dahil kailangan ko ng pumunta sa CCAM. Habang mabilis na naglalakad pabalik sa pwedeng mapagbantayan ng sasakyan ay kinuha ko ang phone ko sa bag.

Nakita kong may ilang mensahe na si Ismael kaya mabilis ko iyong binuksan.

Ismael Karl: akala ko ba kanina pa tapos na ang klase mo? Bakit wala ka pa dito? Ang sabi mo pupunta ka na kaya 'di kita sinundo

Ismael Karl: Kara.

Ismael Karl: Nag-aalala na ko. Nasaan ka?

Halos ilang minuto lang ang agwat ng bawat chat niya. His last chat was 3 minutes ago. Baka ano na naman ang gawin ng lalaking 'to. Praning pa naman minsan.

Me: I'm sorry, napatagal ang pag-uusap namin ng mga kaibigan ko. Papunta na rin ako.

Wala pang isang minuto ay tumunog na ang phone ko, hudyat na nagreply na siya. Binuksan ko agad iyon.

Ismael Karl: I'll wait for you sa gate. Ingat ka :)

Halos 'di mapakali ang puso ko nang makita ang huling mensahe niya. What's with the smiley?

Mabilis akong bumaba sa taxi pagkarating sa CCAM. Nakita ko agad si Ismael na nakasandal gate banda. Shit, bakit ang gwapo ng manliligaw ko? Napatingin siya sa gawi ko kaya kumaway ako. Napatayo naman siya ng tuwid at nginitian ako.

Sabay kaming naglakad papuntang auditorium at nag-usap lang ng kung ano-ano.

"Saan mo balak mag college? " tanong niya.

"Dito," diretsong sagot ko

Nagulat pa siya nang marinig ang sagot ko.

"Di ko naisip 'to ah?" pahabol na tanong niya.

"Gusto kong kumuha ng RadTech kaya dito ako mag-aaral."

Sa aming lahat, ako lang ang may interes sa ganitong field. 'Yong kuya ko, into business and Llianne, is planning to take Legal Management. It's for our business. Dalawa silang may interes doon. Hindi naman kami pinipilit ni Daddy kung ano ang dapat naming kunin. Kung ano daw ang gusto namin, 'yon ang sundin. After all, kuya will follow their lead.

"Hindi ko akalaing pati sa future work, pwede tayong magkasama," he said and chuckled.

"Ano nga pala ang kinukuha mo ngayon?" takang tanong ko.

Sa tagal naming magkakilala, ngayon ko lang naisipan itanong.

"BS in Psychology for now. Gusto kong maging Psychiatrist someday," ngiting sagot niya sa akin.

I can see admiration in his eyes. Para bang noon pa lang, gusto na talaga niya ang course na to. Matalino naman siya kaya alam kong 'di siya mahihirapan dito. Napangiti na lang ako dahil iba talaga kapag may plano na sa buhay and Ismael is one those people. Sobrang swerte ng mga taong mahalaga sa kanya.

Nakarating na kami sa auditorium at naabutan namin si Jandrice na nagpapractice ng mga itinuro ko sa kanya. Napangiti ako dahil magaling talaga siya.

Lumingon siya sa banda namin nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Tumakbo siya papalapit sa amin at niyakap niya kami pareho.

Napalapit na ko sa batang to dahil sobrang sweet niya. Niyakap ko naman siya pabalik habang si Ismael ay ginulo ang buhok niya.

"Kuya naman eh! Mahilig ka manggulo ng buhok," nakasimangot na sabi ni Jandrice sa kanya.

Tumawa na lang kami pareho ni Ismael dahil sa inakto ni Jandrice. Nag-umpisa na rin kaming mag practice ulit. Inayos ko na lang ang ibang part ma medyo magulo. 'Di na rin kami nagtagal dahil memorize na niya lahat. This is the thing na nagustuhan ko sa pagsayaw ni Jandrice, madali siyang nakakasabay kaya 'di siya mahirap turuan.

"Ngayon ko lang naisip na magkaka girlfriend ako ng matalino na, dancer pa," natatawang bulong ni Ismael habang nakatingin lang sa akin pero rinig ko pa rin.

"Ang confident mo naman. Baka 'di mga kita sagutin," nakangising parinig ko sa kanya.

Nagbago ang ekspresyon niya na parang kinabahan. Napatawa tuloy ako.

Tinapos ko na ang practice ni Jandrice. Okay na rin naman ang lahat kaya sinabihan ko siyang magpahinga na. Sinundo siya ni Andrei dahil wala pala si tita ngayon.

Ngumiti lang si Andrei sa amin bago sila magpaalam. Hindi kami masyadong nag-uusap pero kapag nagkakasalubong kami sa campus ay ngumingiti naman siya.

Tanging ilaw na lang ng mga lights sa bawat puno ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Naglalakad na kami palabas ni Ismael nang naramdaman kong tumigil siya sa harap ng isang building malapit lang sa audi.

Hinila niya ko bigla papunta roon. Nagtaka ako dahil gabi na pero may kung ano pa siyang nalalaman.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang hila-hila pa rin niya ako.

"Basta," sagot naman niya.

Sumunod na lang rin ako sa kanya dahil tulad ng sabi ko noon, whenever I'm with him, sa palagay ko, I'm always safe.

Nakarating kami sa mismong rooftop ng building. Napa wow ako sa nakita ko. Nilibot ko ang tingin sa ilalim at ang ganda tingnan ng mga puno na napapalibutan ng iba't-ibang ilaw.

"Sa taas ka naman tumingin," nakangiting sabi ni Ismael.

Tumingin ako sa taas tulad ng sabi niya. I can see numerous stars. Sobrang ganda. Nakangiti ako habang nakatingin lang sa langit. Ngayon lang ulit ako nakakita ng ganoon ka daming bituin. Parang pinagplanuhan talaga na dapat ngayong gabi ay madaming lilitaw.

"Ang ganda," wala sa sariling sabi ko habang nakatingala pa rin.

"Oo nga, ang ganda."

Napalingon ako sa kanya matapos niyang sabihin iyon. Nagulat ako nang maabutan ko siyang nakatitig lamang sa akin. Nakangiti lang siya sa akin. 'Yong mga mata niya ay parang nagsasalita na sobrang saya niya ngayon.

Bumilis muli ang tibok ng puso ko at na realize ang isang bagay na 'di ko na maiiwasan.

Hulog na.

Hulog na hulog na ko kay Ismael.

Related chapters

  • Unseen Passion   Chapter 13

    "Sigurado ka bang 'di ka papasok sa last class?"Nagliligpit ako ng nga gamit ko nang marinig ko si Alise. Tumango lang ako sa kanya dahil may excuse letter naman ako galing kay ma'am Gardose. Sabay kaming pupunta sa CCAM para maabutan ang presentation ni Jandrice."First time na aabsent ka ah. May quiz bukas ha. Wag mong kalimutan," dagdag niya pa."Alise, dapat nandoon ako para mapanood ko ang performance ni Jandrice. At tsaka wala rin namang gagawin sa next class. Pina-excuse na rin ako ni ma'am Gardose. 'Di ko makakalimutan ang quiz bukas. Don't worry."Nang natapos kong ligpitin ang gamit ko, nagpaalam na ako sa kanya. Absent si Ely at Jay ngayon kaya si Alise ang kasama ko buong araw. 'Di ko alam kung bakit wala ang dalawa.Kumaway si ma'am Gardose nang makita niya ako papalabas ng gate. Sasabay ako sa kanya para 'di na raw ako gumastos. Ngumiti ako at binilisan ang lakad ko papunta sa kanya."Blooming tayo ngay

    Last Updated : 2021-05-30
  • Unseen Passion   Chapter 14

    "Ate, sasama ka ba sa amin ni kuya sa mall?"Rinig kong sigaw ni Llianne sa labas ng kwarto ko. Kakagising ko lang kaya malamang hindi ako makakasama. Napasarap na naman ang tulog ko dahil weekend."Kakagising ko lang. Di na ko sasama, ingat kayo!" sigaw ko pabalik sa kanya.Ilang araw na ang lumipas magmula nang sagutin ko si Ismael. Noong Tuesday hindi talaga ako nagpakita sa kanya. Kaso pumunta ba naman sa bahay? Buti na lang wala pa sina kuya at Daddy that time. Si Llianne lang na walang ginawa kundi tuksuhin ako. Kaya no'ng Wednesday hanggang kahapon, nagpakita na ako sa kanya. Baka mamaya iba ang maabutan niya dito sa bahay. Di pa ako ready na magpakilala ng boyfriend kina daddy.Ganito pala sa feeling na may boyfriend, kinakabahan! Tapos parang araw-araw kailangan ko mag-ayos. Nakakaloka. Ngayon nga lang siguro ako natutong magsuklay.Bumangon na ko at dumiretso sa C.R para maligo. Wala

    Last Updated : 2021-06-01
  • Unseen Passion   Chapter 15

    "Hoy, Kara malapit na birthday mo. Magpapa-party ba ulit sina tita?"Napalingon ako kay Alise dahil nakalimutan ko ngang malapit na ang birthday ko. Nabalot na ata ni Ismael ang utak ko. Nandito kami sa NBS at naghahanap ng kung anong libro. Bored ako at pagod. Sa buong week na may pasok, andaming ini-comply. Ang hirap kapag graduating. Di pa nga natatapos ang isang gawain, may idadagdag na naman.This weekend, wala si Ismael. Sinamahan niya ang Daddy niya sa Palawan para sa isang business gathering daw. Wala tuloy kaming date."Oo nga pala, ewan ko sa kanila."Naglibot na lang ulit ako at tumingin ng kung ano-anong libro. Wala naman akong nagugustuhan. Si Alise naman nakasunod lang sa akin. May napili na siya kaya pasunod-sunod na lang."Sana meron," dagdag pa niya."Gusto mo lang makasama 'yong kuya ko."Agad siyang namula kaya napahalakhak ako. Marupok ka bes.

    Last Updated : 2021-06-01
  • Unseen Passion   Chapter 16

    "Happppyyyyy Graduation beshies!"Sumigaw-sigaw pa si Jay habang tumatalon. Time flies so fast. Parang kahapon lang, mga neneng at totoy pa lang kami. Tapos ngayon road to college na."Dali, picture na tayo."Pumwesto na kaming magkakaibigan at si kuya ang photographer. Muntik na akong humagalpak sa tawa dahil nanginig pa talaga siya. Ano, nahihiya siya kay Alise?"Kayong dalawa mag-usap nga kayo!"Tinulak ko si Alise papunta kay kuya matapos niya kaming makunan ng picture. Mga torpe! Sarap pag-untugin.Lumapit sina Daddy sa amin at mabilis akong yumakap sa kanila."Ate, akalain mo magkacollege ka na pero bruha ka pa rin. Di ko alam bakit pumatol si Kuya Ismael sayo."Muntik ko nang sipain si Llianne dahil sa sinabi niya. Kapal ng mukha. Napatawa na lang sina Mommy sa gilid. Di ko nga inexpect na nauna na palang magpakilala si Ismael sa kanila. Kaya pala may pa 4 AM surprise pa silang nalalaman

    Last Updated : 2021-06-01
  • Unseen Passion   Chapter 17

    "Babe, 'yong mid ano ba!"Stress na stress ako kay Ismael habang naglalaro kami ng ML. Tumanda sa mundo na hindi namulat sa paglalaro nito. Muntik ko na ngang itapon ang cellphone ko sa kanya dahil dinadaanan lang niya ang mga kalaban."Hindi nga ako marunong!"Inis na sabi niya sa akin. Napilitan lang naman kasi siyang mag install kanina dahil bored na ko. Hindi naman siya makaangal dahil nga gusto ko. Kaso parang walang kwenta din. Nagkakalat lang siya."Tangna! Babe, tinawag akong bobo!"Napatawa ko sa reaksiyon niya. Siguro naiinis na 'yong mga kasama namin. Kami yung nakikipagbakbakan pero siya naglilibot lang."Alis ka na lang sa laro. Walang kwenta kasi 'yong ginagawa mo," natatawa kong sabi.Nawala ang inis ko dahil siguradong badtrip siya ngayon. Nasabihan ba naman ng bobo. Umalis na nga siya sa laro. Focus pa rin ako sa pag atake. Naramdaman kong tumayo si Ismael at umalis sa tabi ko.

    Last Updated : 2021-06-01
  • Unseen Passion   Chapter 18

    "Bakit ganyan ang itsura mo,may nangyari ba?"Bungad na tanong sa akin ni Llianne. Siguradong magang-maga ang mga mata ko ngayon. Hanggang pauwi ay iyak ako ng iyak. Naabutan pa ako ng ulan sa labas kaya basang-basa pa ako."Wala," mahinang sagot ko.Dumiretso na ako paakyat sa hagdan. Ang mga kasambahay na nakakasalubong ko ay nagtataka sa itsura ko pero wala din naman silang sinabi.Humiga na agad ako sa kama pagkapasok ko ng kwarto kahit na alam kong basa pa ako. Di maalis sa utak ko ang mga nangyari ngayong araw.Parang di katanggap-tanggap.Sa sobrang pagod ay di ko na namalayang nakatulog ako. Nagising na lamang ako nang makaramdam ako ng lamig. Kinapa ko ang damit ko at na realize na basa pa rin ako.Nanghihina akong pumunta sa walk in closet at nagbihis ng pantulog. Di ko alam kung bakit sobrang lamig ngayon. Hininaan ko na ang aircon pero gano'n pa rin.Basa pa ang kama ko dulot na rin

    Last Updated : 2021-06-01
  • Unseen Passion   Chapter 19

    "Ate kunan mo ako ng picture dali!"Mabilis na ibinigay ni Llianne ang cellphone niya sa akin at nag pose sa harap ko habang nakaupo. Nasa Flock kami ngayon, isang cafe' dito sa Soho. Kakarating lang namin pero agad akong hinila ni Llianne papunta dito.Kinuhanan ko na rin siya ng picture. Ilang pose pa ang ginawa niya bago nagsawa. Hindi naman ako nagsising sumama sa kanya dito kahit ramdam ko pa rin ang pagod. Si kuya nagpaiwan pa sa Westminster. 'Yong mismong city ng Soho. Area lang naman kasi 'to ng Westminster.Trip daw ni kuya maglibot muna doon kaya hinayaan na rin nina mommy. Ilang minuto lang din naman ang travel papunta doon galing dito.Naglibot pa kami ni Llianne. Kung ano-ano ang mga pinanggagawa niya. Hinayaan ko na lang. Nag-eenjoy eh. Nakailang picture na rin kami. Siguradong baha na naman ang instagram nito.The streets were crowded. The view around Soho can make me feel t

    Last Updated : 2021-06-02
  • Unseen Passion   Chapter 20

    "Come here."Napalingon ako kay Ismael nang marinig ko ang boses niya sa likod ko. Nasa Westminster kami ngayon. Nakipagkita kami dito kay kuya kanina pero sina Mommy ay naiwan pa rin sa Soho.Lumapit ako sa kanya. Pinatalikod niya ako and he hugged me from behind."I'm happy. So damn happy," marahang bulong niya sa akin.I smiled and hold his both hands encircled around my waist. I still can't believe that he came all the way here just to settle things between us."Me too Ismael. I love you."He stiffened after hearing that. It's my first time saying those words. I'm not really that vocal and he knew that, but maybe this time, I just want to tell him what I really feel."I love you more," he whispered.Nasa parliament square kami ngayon. We took a lot of pictures and enjoyed the view. Ni hindi ko inisip na Ismael will be here with me while explor

    Last Updated : 2021-06-03

Latest chapter

  • Unseen Passion   Epilogue

    I've been into a lot of struggles just to be with her. Everytime I see her, my heart will beat faster. Hindi ko inakalang darating ang araw na mamahalin ko siya ng lubusan.It all started that day."Pre, susunduin mo na naman ang kapatid mo sa SEU?" I heard Alden's voice from behind.I was busy aiming for the target board when he came. Nasa practice room ako ngayon ng archery. I focused again on the board until I hit the center spot."Sana all, sharpshooter." I heard him again."Susunduin ko, malamang," sagot ko sa kanya habang inaayos ang bow at arrow."Ang tanda na ni Andrei, sinusundo pa." He hissed and crossed his arms.I raised a brow and let him rant. Sanay na ako sa kanya. Kapag nagkaroon ka ba naman ng kaibigan na baliw, magtataka ka pa?Sabay kaming lumabas ng CCAM. Naghiwalay lang kami ng landas nang nasa parking lot na. Nagpaala

  • Unseen Passion   Chapter 40

    "Saan mo gustong pumunta ngayong umaga?"I sat beside him. He's currently watching some cartoons. Mas nauna siyang nagising sa akin kaya nauna din siyang bumaba. Kinusot ko ang mata ko, halatang inaantok pa."Let's visit my friends, please," I asked him with my puppy eyes.Ginulo niya ang buhok ko at tumawa ng mahina. I pouted and crossed my arms trying to act like I'm mad."Kung saan mo gusto," he said softly.I excitedly went back to my room, nagmamadaling mag-ayos. I badly missed my friends. I'll surprise them this time.After a quick shower, I blow dried my hair and wore a white, pintuck mini dress paired with my black Roadster heeled boots. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. Naglagay lang ako ng clip sa left side, just to pin my baby hairs.When I went downstairs, I saw Ismael comfortably sitting on the sofa, still watching another cartoon

  • Unseen Passion   Chapter 39

    " Sunbae, nasa labas po si Dr. Santiago."I urgently faced Erika when she said those words. She smiled awkwardly at me when she noticed that I was totally shocked. After we talked last time, we never had the chance to talk again. I rarely saw him these days. I don't know if he's just avoiding me or he's really busy.Despite of the awkwardness, I chose to go out and face him. I sighed heavily when I saw him leaning on the wall, just behind the door of the laboratory. His hands were on the pockets of his white coat, slightly bowing his head."Eikel," I called him.He swiftly moved and looked at me with his tired eyes. He faked a smile and came closer."Can we talk?" he suddenly asked.I seriously don't have enough reasons to turn down his request so I nodded and followed him.After a few minutes, I found myself sitting in front of him. We're on a café

  • Unseen Passion   Chapter 38

    "Nagbibiro ka ba?"I asked Ismael after he said those words about marrying me. I can't deny that my heart pounded after he said those words. I'm open enough to understand marriage pero di ko inisip na sasabihin niya nga."I'm not. I'm always serious when it comes to you, Kara. I want to marry you," he seriously said."Baka naman naiinggit ka lang sa kapatid mo." I mocked him.He smirked and leaned closer. Parang balewala ata ang lamesang humaharang sa pagitan namin."Why would I?I have the best girl in the world. In short, I have you," he said and chuckled.My face heated upon hearing that. Gosh, I'm not a teenager anymore but his words can really bring butterflies to my stomach. Umiwas ako ng tingin sa kanya kaya mas lalo kong narinig ang mahihina niyang tawa. Bumalik na din siya sa pwesto niya kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain ko."Kumain ka na. Bak

  • Unseen Passion   Chapter 37

    "Pose ka rin dito, Kara!"Nasa dalampasigan kami at trip ni Alise mag pictorial kaya nakisabay na rin kami ni Taine. Ilang beses na niya akong pinipilit mag-pose ng kung ano-ano. Some tourist were actually looking and that made me felt awkward.We're wearing a two piece. Napilitan akong hubarin ang ipinatong ko dito kanina dahil sa kakulitan ni Alise. I was about to walk away when she pulled me."I don't want this, Alise. Marami na ang nakatingin," I awkwardly told her."Natural! Maganda tayo at sexy!" she said and rolled her eyes.Sa huli, wala rin akong nagawa dahil mapilit siya. Si Taine nga ay ginawa niya pang model. Nakikisakay naman ang isa kaya natutuwa si Alise. Kahit kailan talaga, pahamak siya.I was already enjoying while watching them when someone sat beside me. It was a couple of seconds when I realized that it was Ismael. He looked so grumpy and pissed off.

  • Unseen Passion   Chapter 36

    "Nasa'n na ang maleta mo?"Parang tanga ako habang wala sa sariling naglalakad papalapit kina Alise at Taine. They looked at me with confusion. Tinanong agad ako ni Alise nang nasa harapan na nila ako."Kay Ismael," I said.They both laughed and giggled. Eikel turned his gaze to our spot. Maybe he's wondering why did Alise and Taine laugh out of the blue. I sighed heavily and tried to forget about what happened in the bus."Come back na ba?" nakangising tanong ulit ni Alise."Hoy! 'Yong kuya ko pa!" mabilis na sagot ni Taine.Parang kanina lang halos ipagtulakan niya rin ako kay Ismael tapos ngayon, ipapaalala na naman niya sa akin na nandiyan pa ang kuya niya. I was about to say something nang dumating si Ismael habang bitbit ang maleta ko. Nakasunod na rin si Alden sa kanya na nakatingin sa akin ng nakakaloko."Maleta mo," Ismael said and gave me my lugg

  • Unseen Passion   Chapter 35

    "Sasama ka ba sa outing?"Alise asked me while I'm busy sorting the results of the five CT scans I performed two hours ago. The director asked all of us to have an outing this coming friday. Three days din 'yon kaya nag-aalinlangan ako.We're too busy actually but he assured us that the second team including the second shifters will be left here. Kumbaga, mauuna kami sa outing this weekend and pagkatapos namin, sila naman. Salitan lang."Ewan." I shrugged and continued my work."Ano ba naman 'yan! Dapat sasama ka! Bawal kang maiwan." She rolled her eyes and left."Nagtanong ka pa kung ikaw din naman ang masusunod," I whispered to myself.

  • Unseen Passion   Chapter 34

    "Bakit tulala ka,sunbae?"I unconsciously looked at Erika who's now confused with my sudden change of attitude. I'm still thinking about what happened the other day with Ismael. Hindi ko yata ma absorb lahat."Wala, nabigay mo na ba kay Dr. Gonzaludo ang result ng X-ray ni Mrs. Lusioni?" pag-iiba ko ng usapan."Yes,sunbae." She smiled.Buong araw yata akong tulala at wala sa sarili. No'ng mag lunch ay di rin ako sumabay kina Alise. Parang tanga ako habang wala sa sariling kumikilos. Buti na lang at nandito si Erika."Hey, are you okay?" Eikel asked when he noticed that I'm silent the whole time.Nasa office kami ngayon. It's 8 PM and wala masyadong nagpapa-scan kaya nagpahinga na muna ako. Erika will call me if anyone will come."Yes, sorry." I smiled at him and apologized."Okay lang. Pahinga ka na," sabay tu

  • Unseen Passion   Chapter 33

    "Okay ka na ba?"I made a face and looked at my brother who's still looking worried. It's been a week since the accident. Nakawala daw ang baliw na 'yon sa ward nina Ismael. Maybe it's not a good thing na iisang floor lang kaming lahat.The director was very worried because his niece got attacked and one of his employees got hurt that's why he decided to move the Psychiatry Department to the 5th floor. They will occupy the whole floor para wala wala ng manyari na ganito sa susunod.After Ismael's last visit, di na rin siya nagpakita. I sighed heavily when I remembered him. Eikel never said a word so I guess he's trying to weigh things first."Magpapahinga naman ako sa bahay, kuya," I finally said and stand up.Medyo okay na rin ang sugat ko kaso di pa ako nakakagalaw ng maayos. Nasa business meeting din si mommy sa Iloilo kaya si kuya ang nagsundo sa akin. Llianne was also busy with her st

DMCA.com Protection Status