"Ano'ng flavor ang gusto mo?"
Napatingin ako sa flavors ng ice-cream na nasa harapan namin. Ismael is really weird. Ang sabi niya, iuuwi niya ko. Tapos ngayon, nasa ice-cream parlor kami?
"'Yong cookies and cream na lang"
Kukunin ko na sana ang wallet ko para magbayad pero nauna na siyang maglahad ng isang libo. Ano ba 'yan, akala ko magpapalibre na.
"Dapat ako na lang ang pinabayad mo"
Sabi ko sa kaniya nang ibinigay na niya sa akin ang ice-cream.
"May pera ako"
Bakit ang sungit nito ngayon? Kung kailan mabait ako, hindi siya nakikisabay. At tsaka, I know may pera siya. Nag-aaral nga sa private school na sobrang mahal ang tuition tapos walang pera?
"Libre ko na sana para makabawi ako"
Dagdag ko pa. Pero dahil dakilang masungit siya ngayon, hindi niya ako pinansin. Naglakad na siya palabas. Huminto siya sa pinto at pinagbuksan ako. Dali-dali na akong lumabas dahil baka isara niya agad. May hawak pa naman akong ice cream.
Hindi ko alam kung saan pa kami pupunta. Kanina pa kami ikot nang ikot dito sa park na parang highway style pero maraming tanim sa paligid. Hindi siya natural highway na dinadaanan talaga ng sasakyan. Nagmistulang sidewalk ito na pinamamasyalan ng mga tao.
Ilang oras na akong nakasunod lang sa kaniya na parang bodyguard. Ubos na rin ang ice-cream na binili niya kanina. Sumasakit na din yung paa ko dahil malayo-layo na yung nilalakad namin at naka heel shoes ako.
"Ismael, ang sakit na ng paa ko. Tigil muna pwede?"
Napahinto rin siya sa paglalakad at lumapit sa kinaroroonan ko. Hinila niya ako sa malapit na bench at pinaupo.
"Pasensya na. Masakit ba talaga? "
Tanong niya habang nakaupo sa harap ko. Hindi siya tumabi sa 'kin. Hinawakan niya ang paa kong nangangalay at inilagay sa tuhod niya. Tumingin siya sa akin. 'Yong mga mata niyang mapupungay ay nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Ah. Oo. Kanina pa tayo naglalakad e"
Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya dahil baka kapag nangyari 'yon, baka sumabog na ang puso ko kaka-tibok ng sobrang bilis.
"Sorry"
Kahit sa simpleng salita niya lang, nabibigla ako. Bakit ba nakakaramdam ako ng ganito? Crush ko ba? Hindi! Ilang beses pa lang kami nagkita. 'Di ko pa nga siya kilala ng lubusan. Tanging pangalan niyang Ismael lang ang alam ko sa kanya .
"Okay lang. Mas okay na to kesa naman mabingi ako sa ingay doon sa gym"
Tumawa pa talaga ako para naman medyo effective. Pero imbes na masiyahan din sa sinabi ko, sumeryoso pa siya.
"Kung ganyan ka ikli ang suot mo'ng skirt, huwag ka'ng pumunta sa lugar na maraming tao."
"Ah. Eto ba? 'Di ko naman sinasadya. 'Di ko namalayan na maikli pala ang naisuot ko"
Kinakabahan ako habang sumasagot sa kaniya. Sobrang nakaka-conscious.
"Sa susunod, huwag mo na ulitin. Maraming titingin, makakakita at magkakagusto"
Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang huling salita niya. His menacing brown eyes made me uncomfortable.
"Hindi ko na uulitin"
Tila parang bata ako habang tumatango pa sa kaniya. He has powers. Yeah, na hypnotized ako. Kahit ata anong sabihin niya sa oras na 'to, susundin ko.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang ngumiti. Ibinaba na niya ang paa kong nakapatong sa tuhod niya at tumayo na.
Sinundan ko ng tingin ang mukha niya. Inilahad niya ang isang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman iyon ng walang pag-aalinlangan. Na-disappoint pa ako nang binitawan niya ito pagkatayo ko.
Inayos ko na rin ang jacket niyang nakatali pa rin sa bewang ko. Kaya ba siya nagalit kanina dahil maikli ang skirt ko? May gusto ba siya sa 'kin? Bakit concern siya?
Natigil ang pantasya ko nang may marinig akong tunog ng cellphone. Hindi akin 'yon dahil iba 'yong ringtone ko kaya napatingin ako sa kaniya. Kinuha niya ang phone sa bulsa niya at mabilis na sinagot ang tawag.
"Oh chytz, tapos na ba ang game? Babalik naman ako diyan"
Rining kong sabi niya habang nakatalikod sa akin. Nabura lahat ng saya at mga akala ko nang ma-realize kong may girlfriend nga pala siya.
"Oo, nasa labas pa ako. May pinuntahan lang, babalik din naman ako diyan."
Napatingin siya sa akin nang sinabi niya 'yon kaya nginitian ko na lang siya kahit hindi ko naman talaga nagugustuhan ang nangyayari.
"Susunduin kita. Paki secure na lang ng bag ko. Sige, bye."
Nakita kong pinatay na niya ang tawag. Tuluyan na siyang humarap sa akin.
"Ah, Kara kailangan kong bumalik sa SEU. Papasakayin na lang kita ng taxi. "
Parang wala na sabi niya sa akin.
"Okay na ako dito. Marunong naman ako umuwi. Salamat sa ice-cream"
Tumalikod na ako sa kaniya dahil nagbabadya na ang mga luha kong lumabas. I don't know why. Maybe because he promised me something.
I hate being neglected, siguro dahil hindi ako sanay. My family will always do things for me. Ngayon ko lang naramdaman na nakakasakit pala ng ego kapag feeling mo, hindi ka importante.
'Di ko na hinintay na makasagot pa siya. Binilisan ko ang lakad ko papunta sa kabilang direksiyon kahit na hindi naman ako sigurado kung tamang daan ba ang tinatahak ko.
Umasa pa akong hahabulin niya ako katulad noong ginawa niya last day. Gusto kong isigaw na hindi ko talaga alam kung paano umuwi dahil 'di ko na nga alam kung saan ako ngayon.
Ang sabi niya ihahatid niya 'ko hindi ba? Kung 'di niya ako pinigilan bumalik sa gym kanina, kasama ko sana ngayon sina Alise.
Edi sana 'di ako nag-expect at na disappoint ngayon.
Malayo na ang nilakad ko. Mas lalo akong nalito dahil 'di ko alam ang daan. Napatingin ako sa papalubog na araw. Shit, gagabihin pa ata ako.
Kahit sobrang layo na ng nilakad ko, napagdesisyunan kong bumalik sa pinanggalingan ko kanina. Bakit kasi dito ako dumiretso kanina?
Pride over safety.
Napabuntong hininga ako habang pabalik. May mga nakasalubong pa akong lasing. Kinabahan ako dahil padilim na ng padilim.
Mas binilisan ko ang paglalakad. Umaasang sana makabalik na ako sa mismong highway. Habang palalim ng palalim ang gabi, narinig ko ang kulog. Mukhang uulan pa.
"Miss, naliligaw ka ba?"
Napatingin ako sa lalaking sumabay sa akin. Halatang nakainom ito dahil pa gewang-gewang na ang lakad niya. 'Di ko sinagot ang lalaki at tumakbo pa ulit dahil baka ano pa ang gawin niya saakin.
Gustong-gusto ko na umiyak dahil natatakot ako. Kung kanina pinigilan ko ang mga luha ko, ngayon hindi ko na kaya. Sobrang kaba na ng nararamdaman ko.
Sumabay sa pagpatak ng ulan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. 'Di ko na nakita ang lalaking kumausap sa akin kanina kaya bumalik na ako sa paglalakad. 'Di pa rin tumitigil ang luha ko kasabay ng ulan'g rumaragasa.
"Kuya, please save me"
Turan ko habang umiiyak. Nakita ko ang bench kanina na inupuan ko noong kasama ko pa si Ismael. 'Di ko na alintana ang malakas na ulan. Umupo ako doon habang patuloy na umiiyak. Nakatingin lang ako sa sapatos kong unti-unti nang napupuno ng tubig ulan.
Bumalik ang kaba ko nang may marinig akong yapak. Nanginginig ako kaya hindi ko magawang mapatingin sa papalapit. Namataan ko ang pares ng itim na sapatos sa harap noong akin.
Hindi ko na maramdaman ang ulan kaya napatingala ako.
Nakita ko si Ismael na nakatayo sa harap ko habang pinapayungan ako.
"Ang sabi mo, marunong kang umuwi"
"1, 2, 3, ikot, 5, 6, 7, ikot... Marie! Bilisan mo'ng gumalaw hindi ka masalo ng partner mo!"Nasa auditorium uli kaming lahat ngayon at nagpapractice. 1 week na lang ang natitira before ang event at presentation.'Di na kami nakapag practice noong nakaraang linggo."Jay,okay na ang turns niyo.Hawakan mo na lang ng mabuti si Mary Joy. Ikaw naman Justice hindi ba sabi ko huwag kang mahiya sumayaw?Minsan lang 'to."Ilang ulit pa kaming nag execute ng sayaw bago namin mapagpasyahang umuwi na."Mauuna na kami girl, kailangan ko na ng beauty rest," sabi sa akin ni Ely habang hinihila si Jay.Sa sobrang pagod siguro ay hindi na nagsalita ang bakla. Kumaway na lang. Kumaway na rin ako pabalik habang papalabas na sila."Alise, hintayin mo 'ko ha.Sabay na tayo'ng magpalit."Kinuha ko ang bag ko sa gilid at sumabay na kay Alise papuntang
"Ate, paturo ako ng sayaw."Nagulat ako nang marinig ko si Llianne sa likod ko. Nakatambay kami ngayon nina Jay dito sa canteen."Para saan? At bakit ka nandito? Magkaiba ang canteen ng SHS sa JHS ah."Medyo ma layo-layo kasi ang building nila kaya may sarili silang canteen."Ate, ayoko bumagsak sa P.E. Sabi ni ma'am may individual dance presentation daw sa Friday. Wednesday na ngayon! Ate help me," naiiyak na turan ni Llianne"Pwede namang sa bahay niyo yan pag-usapan. Pumunta ka pa talaga dito sa kabilang building ah," natatawang sabi ni Alise.Napatawa na rin sina Ely at Jay."By the way, Ate Alise, sabi nga pala ni kuya replyan mo na daw siya," seryosong sabi ni Llianne.Muntik ng maibuga ni Alise ang kalamansi juice na kakainom niya lang. Napatingin kaming lahat sa kanya.Well, alam kong ibinigay ko na kay kuya ang number niya noong nakaraan pero 'di niya talaga nireplyan?
"Kuya! Pahatid naman sa CCAM."Napalingon sina kuya at Llianne sa akin. Kakapasok ko pa lang sa sasakyan. Galing pa ako sa Auditorium. Nag-polish pa ako ng sayaw namin.Ngayon mag-uumpisa ang practice ng pamangkin ni ma'am. 'Di ko tinanggap ang offer nila na may free transportation kaya magpapahatid ako ngayon."Bakit? Anong gagawin mo sa CCAM?" nagdududang tanong ni kuya"Akala ko mag ce-celebrate tayo ngayon ate? Naka 98 pa naman ako sa presentation," nakangusong tanong ni Llianne sa akinOo nga pala. Kanina ang presentation nila kaya mag cecelebrate talaga sana kami ngayon. Ang problema, nakalimutan ko'ng ngayon pala ako mag-uumpisa sa pagturo sa pamangkin ni ma'am."Kuya, may tuturuan ako do'n. At Llianne, babawi si ate sa susunod okay? Nakalimutan ko kasi na ngayon na mag-uumpisa."'Di na ako pinansin ni Llianne. Nagtampo na siguro. Si kuya naman, sinabi
"Kailan ka pa natutong sumuway sa mga paalala namin ha Kristier Arabella?"Nakayuko lang ako habang sinisermonan ni mommy. 'Di na nakahintay si mommy sa loob ng bahay. Pagkalabas ko pa lang ng sasakyan, ito na ang bungad niya. Gusto ko'ng umiyak. Kahit kailan ay hindi ako napagalitan ng ganito.I can see Llianne standing beside daddy looking sorry for me. Daddy was very serious but he's not as vocal as mommy."Mommy, sorry 'di ko po namalayan ang oras."Nakayuko pa rin ako habang sinasabi 'yon. Pinipigilan ko ang luha kong lumabas dahil mas lalong magagalit si mommy kapag umarte akong kawawa kahit na ako ang may kasalanan."Mommy tama na po. 'Di pa 'to nakakapag-hapunan. 'Di naman niya sinasadya," pagtatanggol sa akin ni kuyaThat's the cue, my tears started to fall down. I'm not used to this. This is the first time. My mom will always praise me for being the best.
"Hoy, bakit ang tahimik mo?"Kumaway-kaway pa si Alise nang maramdaman niyang wala ako sa sarili."Paki-play ng music then practice na tayo ulit," lutang kong sagot.'Di na rin naman nagreklamo si Alise at sinunod na ang utos ko.Hanggang ngayon ay 'di matanggap ng utak ko ang mga narinig ko kay Ismael noong nakaraan. After that day, 'di na ulit kami nagkita. As if naman, gusto ko siyang makita.Naguguluhan ako sa kaniya. Baka nag-away lang sila ni Chytzy that time kaya wala siyang mapagtripan.Nagchachat lang siya sakin every morning just to greet and remind me not to skip my meals. Gano'n din sa gabi, mag go-goodnight lang siya, then wala na. 'Di ako nagrereply sa mga chat niya. Hanggang seen lang.Natatakot kasi ako na baka iba ang maisagot ko. Nagiging bobo pa naman ako kapag siya ang kausap ko.Todo practice na kami dahil malapit na ang presentation. Every a
"Alise! Ang costume saan niyo nilagay?"It's February 13 already. Inaayos na namin ang mga gagamitin namin bukas. Tulad ng sabi ko sa kanila,'di na kami nag practice this week. Tanging preparations na lang para nasa kondisyon ang mga katawan namin. I let my classmates enjoy para naman di kami puro stress.Kasalukuyan kaming nag-aarange ng mga props namin for tomorrow. Hindi ko mahanap ang mga costume kaya tinanong ko si Alise."Nasa kabilang box, Kara," sagot ni Alise sa akin habang na ce-cellphone.Muntik ko ng itapon sa kanya ang hawak kong paper bag na may lamang make-up sets. 'Di man lang niya ako tinulungan dito.Nagpapakahirap ako ditong mag-arrange tapos siya naka-cellphone lang. Pangiti-ngiti pa siya habang nakatingin dito.Dahil na cu-curious ako kung anong ginagawa niya,nagdesisyon akong silipin iyon. Dumaan ako sa kaliwang parte ng room na may mini board f
"Ismael."Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin. Parang nag po-propose siya sa akin sa harap ng madaming tao. Hindi ako makapaniwala na mararanasan ko ang ganito.I smiled and hugged him for I don't know how long. The crowd started to cheer again. Naramdaman ko ang pagkabigla ni Ismael sa ginawa ko"Ka--"Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya."Thank you Ismael, Happy Valentine's Day," bulong ko sa kanya.After the surprise thingy, naging laman ng balita sa buong campus ang nangyari. Halos hindi ako makalakad ng tuwid dahil kapag napapadaan ako ay napapalingon ang mga nakakakita sa akin.Hindi naman 'yon tingin na nanghuhusga kundi tingin na kinikilig at naiinggit pero ang awkward lang dahil hindi talaga ako sanay sa ganito.Well, kilala naman talaga ako ng karamihan dahil miyembro ako ng
"Sigurado ka bang 'di ka papasok sa last class?"Nagliligpit ako ng nga gamit ko nang marinig ko si Alise. Tumango lang ako sa kanya dahil may excuse letter naman ako galing kay ma'am Gardose. Sabay kaming pupunta sa CCAM para maabutan ang presentation ni Jandrice."First time na aabsent ka ah. May quiz bukas ha. Wag mong kalimutan," dagdag niya pa."Alise, dapat nandoon ako para mapanood ko ang performance ni Jandrice. At tsaka wala rin namang gagawin sa next class. Pina-excuse na rin ako ni ma'am Gardose. 'Di ko makakalimutan ang quiz bukas. Don't worry."Nang natapos kong ligpitin ang gamit ko, nagpaalam na ako sa kanya. Absent si Ely at Jay ngayon kaya si Alise ang kasama ko buong araw. 'Di ko alam kung bakit wala ang dalawa.Kumaway si ma'am Gardose nang makita niya ako papalabas ng gate. Sasabay ako sa kanya para 'di na raw ako gumastos. Ngumiti ako at binilisan ang lakad ko papunta sa kanya."Blooming tayo ngay
I've been into a lot of struggles just to be with her. Everytime I see her, my heart will beat faster. Hindi ko inakalang darating ang araw na mamahalin ko siya ng lubusan.It all started that day."Pre, susunduin mo na naman ang kapatid mo sa SEU?" I heard Alden's voice from behind.I was busy aiming for the target board when he came. Nasa practice room ako ngayon ng archery. I focused again on the board until I hit the center spot."Sana all, sharpshooter." I heard him again."Susunduin ko, malamang," sagot ko sa kanya habang inaayos ang bow at arrow."Ang tanda na ni Andrei, sinusundo pa." He hissed and crossed his arms.I raised a brow and let him rant. Sanay na ako sa kanya. Kapag nagkaroon ka ba naman ng kaibigan na baliw, magtataka ka pa?Sabay kaming lumabas ng CCAM. Naghiwalay lang kami ng landas nang nasa parking lot na. Nagpaala
"Saan mo gustong pumunta ngayong umaga?"I sat beside him. He's currently watching some cartoons. Mas nauna siyang nagising sa akin kaya nauna din siyang bumaba. Kinusot ko ang mata ko, halatang inaantok pa."Let's visit my friends, please," I asked him with my puppy eyes.Ginulo niya ang buhok ko at tumawa ng mahina. I pouted and crossed my arms trying to act like I'm mad."Kung saan mo gusto," he said softly.I excitedly went back to my room, nagmamadaling mag-ayos. I badly missed my friends. I'll surprise them this time.After a quick shower, I blow dried my hair and wore a white, pintuck mini dress paired with my black Roadster heeled boots. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. Naglagay lang ako ng clip sa left side, just to pin my baby hairs.When I went downstairs, I saw Ismael comfortably sitting on the sofa, still watching another cartoon
" Sunbae, nasa labas po si Dr. Santiago."I urgently faced Erika when she said those words. She smiled awkwardly at me when she noticed that I was totally shocked. After we talked last time, we never had the chance to talk again. I rarely saw him these days. I don't know if he's just avoiding me or he's really busy.Despite of the awkwardness, I chose to go out and face him. I sighed heavily when I saw him leaning on the wall, just behind the door of the laboratory. His hands were on the pockets of his white coat, slightly bowing his head."Eikel," I called him.He swiftly moved and looked at me with his tired eyes. He faked a smile and came closer."Can we talk?" he suddenly asked.I seriously don't have enough reasons to turn down his request so I nodded and followed him.After a few minutes, I found myself sitting in front of him. We're on a café
"Nagbibiro ka ba?"I asked Ismael after he said those words about marrying me. I can't deny that my heart pounded after he said those words. I'm open enough to understand marriage pero di ko inisip na sasabihin niya nga."I'm not. I'm always serious when it comes to you, Kara. I want to marry you," he seriously said."Baka naman naiinggit ka lang sa kapatid mo." I mocked him.He smirked and leaned closer. Parang balewala ata ang lamesang humaharang sa pagitan namin."Why would I?I have the best girl in the world. In short, I have you," he said and chuckled.My face heated upon hearing that. Gosh, I'm not a teenager anymore but his words can really bring butterflies to my stomach. Umiwas ako ng tingin sa kanya kaya mas lalo kong narinig ang mahihina niyang tawa. Bumalik na din siya sa pwesto niya kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain ko."Kumain ka na. Bak
"Pose ka rin dito, Kara!"Nasa dalampasigan kami at trip ni Alise mag pictorial kaya nakisabay na rin kami ni Taine. Ilang beses na niya akong pinipilit mag-pose ng kung ano-ano. Some tourist were actually looking and that made me felt awkward.We're wearing a two piece. Napilitan akong hubarin ang ipinatong ko dito kanina dahil sa kakulitan ni Alise. I was about to walk away when she pulled me."I don't want this, Alise. Marami na ang nakatingin," I awkwardly told her."Natural! Maganda tayo at sexy!" she said and rolled her eyes.Sa huli, wala rin akong nagawa dahil mapilit siya. Si Taine nga ay ginawa niya pang model. Nakikisakay naman ang isa kaya natutuwa si Alise. Kahit kailan talaga, pahamak siya.I was already enjoying while watching them when someone sat beside me. It was a couple of seconds when I realized that it was Ismael. He looked so grumpy and pissed off.
"Nasa'n na ang maleta mo?"Parang tanga ako habang wala sa sariling naglalakad papalapit kina Alise at Taine. They looked at me with confusion. Tinanong agad ako ni Alise nang nasa harapan na nila ako."Kay Ismael," I said.They both laughed and giggled. Eikel turned his gaze to our spot. Maybe he's wondering why did Alise and Taine laugh out of the blue. I sighed heavily and tried to forget about what happened in the bus."Come back na ba?" nakangising tanong ulit ni Alise."Hoy! 'Yong kuya ko pa!" mabilis na sagot ni Taine.Parang kanina lang halos ipagtulakan niya rin ako kay Ismael tapos ngayon, ipapaalala na naman niya sa akin na nandiyan pa ang kuya niya. I was about to say something nang dumating si Ismael habang bitbit ang maleta ko. Nakasunod na rin si Alden sa kanya na nakatingin sa akin ng nakakaloko."Maleta mo," Ismael said and gave me my lugg
"Sasama ka ba sa outing?"Alise asked me while I'm busy sorting the results of the five CT scans I performed two hours ago. The director asked all of us to have an outing this coming friday. Three days din 'yon kaya nag-aalinlangan ako.We're too busy actually but he assured us that the second team including the second shifters will be left here. Kumbaga, mauuna kami sa outing this weekend and pagkatapos namin, sila naman. Salitan lang."Ewan." I shrugged and continued my work."Ano ba naman 'yan! Dapat sasama ka! Bawal kang maiwan." She rolled her eyes and left."Nagtanong ka pa kung ikaw din naman ang masusunod," I whispered to myself.
"Bakit tulala ka,sunbae?"I unconsciously looked at Erika who's now confused with my sudden change of attitude. I'm still thinking about what happened the other day with Ismael. Hindi ko yata ma absorb lahat."Wala, nabigay mo na ba kay Dr. Gonzaludo ang result ng X-ray ni Mrs. Lusioni?" pag-iiba ko ng usapan."Yes,sunbae." She smiled.Buong araw yata akong tulala at wala sa sarili. No'ng mag lunch ay di rin ako sumabay kina Alise. Parang tanga ako habang wala sa sariling kumikilos. Buti na lang at nandito si Erika."Hey, are you okay?" Eikel asked when he noticed that I'm silent the whole time.Nasa office kami ngayon. It's 8 PM and wala masyadong nagpapa-scan kaya nagpahinga na muna ako. Erika will call me if anyone will come."Yes, sorry." I smiled at him and apologized."Okay lang. Pahinga ka na," sabay tu
"Okay ka na ba?"I made a face and looked at my brother who's still looking worried. It's been a week since the accident. Nakawala daw ang baliw na 'yon sa ward nina Ismael. Maybe it's not a good thing na iisang floor lang kaming lahat.The director was very worried because his niece got attacked and one of his employees got hurt that's why he decided to move the Psychiatry Department to the 5th floor. They will occupy the whole floor para wala wala ng manyari na ganito sa susunod.After Ismael's last visit, di na rin siya nagpakita. I sighed heavily when I remembered him. Eikel never said a word so I guess he's trying to weigh things first."Magpapahinga naman ako sa bahay, kuya," I finally said and stand up.Medyo okay na rin ang sugat ko kaso di pa ako nakakagalaw ng maayos. Nasa business meeting din si mommy sa Iloilo kaya si kuya ang nagsundo sa akin. Llianne was also busy with her st