Share

Chapter 19

Author: NewAuthor
last update Last Updated: 2025-04-12 01:58:21

Raina

Naisipan kong puntahan sa bahay nito ang biyenan ko. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa sinabi ni Mrs. Mendoza sa kanya kahapon. Ina siya ni Evo kaya ayokong mas lalo siyang mag-isip ng masama sa akin.

Pagdating ko sa bahay nito ay isang maid ang nagbukas sa akin ng pintuan.

"Nasaan si Mommy? Nandito ba?" tanong ko sa maid na nagbukas sa akin ng pintuan.

"Nasa loob po ng silid niya, Ma'am Raina. May sakit si Ma'am Emilia kaya hindi soya makabangon," sagot sa akin ng maid.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong dumiretso sa silid ng biyenan ko. Naabutan ko siyang pilit na inaabot ang tubig na nasa ibabaw ng maliit na mesang malapit sa kama. Agad ko siyang tinulungan na maabot ang tubig.

"Anong ginagawa mo rito sa bahay ko?" malamig ang boses na tanong sa akin ng biyenan ko. May sakit ito kaya mahina lamang at mabagal itong magsalita. Kung wala itong sakit ay natitiyak ko na nabingi na sana ako ng sermon sa kanya at baka ipinagtulakan niya ako palabas ng bahay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 20

    RainaHindi ako mapakali habang naghihintay sa paglabas ng doktor na gumagamot sa stepmom ko. Pinagtulungan ng mga taong nakakita sa pangyayari na maisakay sa kotse ko ang stepmom ko at pagkatapos ay agad na isinugod ko sa pinakamalapit na hospital. Kahit nanginginig ang buong katawan ko habang nagdadrive ako kanina ay pinilit kong makarating sa hospital. Kahit hindi maganda ang pagtrato sa akin ng stepmom ko at may binabalak siyang masama laban sa akin kanina ay hindi ko pa rin ninais na may masamang mangyari sa kanya. Taimtim akong nagdasal na sana ay makaligtas siya. Ngunit hindi dininig ng may Likha ng dasal ko dahil paglabas ng doktor ay malungkot na ibinalita nito na hindi nakaligtas ang stepmom ko. Tumama daw sa matigas na bagay ang ulo ng stepmom ko na nakaapekto sa utak nito. Nadurog din ang puso at atay na nito na siyang tinamaan naman ng kotseng nakabangga sa kanya. Nanlalambot na napaupo ako sa sahig nang malaman ko ang masamang balita. Ano ang sasabihin ko sa Daddy ko

    Last Updated : 2025-04-12
  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 1

    RainaWalang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa aking mga mata habang buong panunumbat na nakatingin sa boyfriend ko si Greg na nasa ibabaw ng kama. Tanging kumot lamang ang tumatakip sa kalahati ng hubad nitong katawan kasama ang isang babaeng nakangiti na walang iba kundi ang isa sa mga itinuturing kong malapit na kaibigan."Bakit, Greg? Bakit nagawa mo ito sa akin?" garalgal ang boses na tanong ko sa kanya. Hindi ko matanggap na magagawa niya akong lokohin. Hindi ko matanggap na niloko ako ng dalawang taong malapit sa puso ko. Ang sakit at bigat ng dibdib ko. Sobrang sakit."Huwag mo akong sisihin kung bakit nagawa kong maghanap ng ibang babae, Raina. Lalaki lamang ako. Malakas at may pangangailangan bilang isang lalaki. Hindi mo kayang ibigay ang gusti ko kaya natural na naghanap ako ng babaeng kayang ibigay ang nais ko," sagot ni Greg, walang pagsisisi ang mukha nito sa halip ay paninisi ang nakikita kong nakalarawan sa mukha niya. Sinisisi niya ako kung bakit niya ako nagawang lo

    Last Updated : 2025-04-02
  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 2

    RainaNanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang resulta ng pagsusuri sa akin ng doktor. No! It can't be. Oo nga't hindi ko pinagsisihan na ibinigay ko ang virginity ko sa lalaking iyon isang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi ko inasahan na magbubunga ang isang gabing pagiging wild ko."Congratulations, because you're three weeks pregnant," nakangiting bati sa akin ng doctor. Masaya siya para sa akin ngunit hindi nito alam na labis ang pag-aalalang nararamdaman ko ngayon dahil sa aking natuklasan."Are you sure na hindi po kayo nagkamali ng diagnosed sa akin, Dok?" Kahit na malabong mangyari dahil nagdudumilat sa mga mata ko ang katotohanan ay nagtanong pa rin ako sa doktor."Yes, I am very sure na buntis ka. Wala kang sakit pero buntis ka," nakangiti pa rin na wika ng doktor. Hindi yata nito napansin ang pagkabahala sa aking hitsura.Bumisita ako sa hospital at nagpa-check up dahil lately ay marami akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko. Napapansin ko na nagiging madalas ang

    Last Updated : 2025-04-02
  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 3

    RainaHalos manginig ang buo kong katawan sa takot ko kay Daddy. Isinantabi ko na muna ang katotohanang natuklasan ko na ang fiance pala ng half-sister ko ang lalaking naka-one-night-stand ko. Mas inaalala ko ang galit ni Daddy dahil tiyak na gagawa siya ng hakbang na hindi ko magugustuhan."Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang narinig ko na sinabi, Rina. Sabihin mong hindi ka buntis!" malakas na sigaw ni Daddy, napaigtad ako dahil sa takot. "I-It's true, Dad. I'm pregnant." Halos hindi lumabas sa bibig ko ang boses ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko at nais lumipad palayo sa harapan ng tatlo.Napapikit ng kanyang mga mata ang ama ko at mahigpit na ikinuyom ang mga kamao. Pagdilat niya ay nakikita ko sa mga mata niya ang malaking pagka-disappointed sa akin."Sino? Sino ang ama ng batang nasa tiyan mo, Raina?" nagpipigil ng galit na tanong nito sa akin. Kung wala siguro ang presensiya ni Evo Mondragon ay kanina pa niya

    Last Updated : 2025-04-02
  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 4

    RainaHindi lang sina Daddy, Mommy, at Rian ang na-shock sa sinabi ni Evo kundi pati ako. Hindi ko inaasahan na aaminin nito sa harapan ng tatlo ang tungkol sa sekreto namin. Nang sabihin ko sa kanya kanina na pag-iisipan ko ang sinabi niya ay parang inamin ko na tama ang hinala niya na siya ang ama ng anak ko. Bigla kasi akong natakot sa posible niyang gawin kapag natuklasan niyang totoo ang iniisip niya habang ako ay todo tanggi naman. Natakot ako sa banta niya. Bilyonaryo ang pamilya niya at marami silang koneksiyon kaya ano ang magiging laban ko sa kanya sakaling tangkain niyang ilayo sa akin ang anak ko matapos kong magsilang?"Are you crazy, Evo? Bakit mo naman aakuin ang batang nasa tiyan ni Raina gayong hindi naman talaga ikaw ang ama? At sa tingin mo ba ay papayag ako na akuin mo ang anak niya? No way?" mariing tutol ni Rina. Kung kanina ay natutuwa ang hitsura nito sa binabalak gawin ng ama namin sa baby ko ngayon naman ay madilim ang mukha nito at halatado ang malaking dis

    Last Updated : 2025-04-02
  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 5

    RainaNapatitig ako sa mukha ni Evo na sobrang seryoso at pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa pulang kahita na inilabas nito mula sa bulsa ng suot nitong coat. It's a white gold wedding ring. A heart-shape ring with an amethyst stone in the middle which is my birthstone. Napakaganda at halatadong napakamahal ng ring. Ngunit ang tanong. Nakahanda ba akong pumasok sa isang marriage of convenience for the sake of my baby's safety? Paano kung pagkatapos kong manganak ay i-divorce ako ni Evo at ilayo sa akin ang anak ko kagaya ng kinatatakutan kong mangyari?Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim. Wala akong choice kundi ang tanggapin ang marriage proposal ni Evo kahit na ito ay isang marriage for convenience lamang. Kailangan ko siya para mailigtas ang buhay ng anak ko. Anuman ang totoong dahilan niya kung bakit mas pinili niyang i-cancel ang engagement nila ni Rina at alukin ako ng kasal ay tanging siya lamang ang nakakaalam. Pero sana ay ang dahilan niya ay para mailigt

    Last Updated : 2025-04-02
  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 6

    RinaPasilip-silip ako sa malaking bahay ng ina ni Evo. Alam kong mga ganitong oras ay lumalabas na siya at nagtutungo sa park na malapit sa bahay nila para mag-jogging. Sinadya ko talagang gumising ng maaga para maabutan ko ang paglabas niya sa gate ng bahay nila. Mabuti na lang malapit lamang sa bahay namin ang bahay ng ina ni Evo kaya agad akong nakarating sa tapat ng bahay ng ina nito.Hindi ako papayag na matuloy ang kasal ni Evo at ng walang hiya kong stepsister. Akin lamang si Evo. Akin lamang ang kayamanan na tatamasahin ni Raina kapag siya ang nagpakasal kay Evo.Isang beses ko pa lamg nakita at nakausap ang ina ni Evo ngunit napansin ko na agad na masyado siyang strict pagdating sa dignity ng babaeng mapapangasawa ng anak niya. Mabait din naman ito ngunit ang gusto nitong mapangasawa ng kanyang anak ay iyong babaeng maipagmamalaki nito sa harap ng maraming tao. Nang ipinakilala nga ako ni Evo sa kanya bilang fiancee ay masyadong ingat na ingat na huwag makagawa ng anumang b

    Last Updated : 2025-04-02
  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 7

    Raina"Good bye, Ma'am Raina," nakangiting paalam sa akin ng guard sa pinagtatrabahuhan kong kompanya nang dumaan ako sa tapat niya. "Bye," nakangiting sagot ko naman sa kanya. Araw-araw ay hindi nagsasawang bumati sa akin ang mabait na guard na laging nakangiti sa akin kapag pumapasok ako at lumalabas sa building.Naglalakad na ako papunta sa parking lot nang biglang may babaeng tumawag sa pangalan ko. Huminto ako at lumingon sa babaeng nagsalita."Are you, Miss Raina Cervantes?" tanong nito sa akin. Seryoso ang mukha nito at mukhang istrikto. Glamorosa ang hitsura nito kaya mahuhulaan ng kahit na sino na mayaman ito. "Yes, I am. What can I do for you?" magalang kung sagot sa kanya. Ano kaya ang kailangan niya sa akin?"I am Evo's mother. Gusto kitang makausap ng personal kaya kita pinuntahan. Follow me." Tinalikuran niya ako at naglakad papunta sa itim na limousine na nakaparada malapit sa kotse ko.Napansin ko na may pagka-demanding ang ina ni Evo. Well, ikaw ba naman ang maging

    Last Updated : 2025-04-02

Latest chapter

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 20

    RainaHindi ako mapakali habang naghihintay sa paglabas ng doktor na gumagamot sa stepmom ko. Pinagtulungan ng mga taong nakakita sa pangyayari na maisakay sa kotse ko ang stepmom ko at pagkatapos ay agad na isinugod ko sa pinakamalapit na hospital. Kahit nanginginig ang buong katawan ko habang nagdadrive ako kanina ay pinilit kong makarating sa hospital. Kahit hindi maganda ang pagtrato sa akin ng stepmom ko at may binabalak siyang masama laban sa akin kanina ay hindi ko pa rin ninais na may masamang mangyari sa kanya. Taimtim akong nagdasal na sana ay makaligtas siya. Ngunit hindi dininig ng may Likha ng dasal ko dahil paglabas ng doktor ay malungkot na ibinalita nito na hindi nakaligtas ang stepmom ko. Tumama daw sa matigas na bagay ang ulo ng stepmom ko na nakaapekto sa utak nito. Nadurog din ang puso at atay na nito na siyang tinamaan naman ng kotseng nakabangga sa kanya. Nanlalambot na napaupo ako sa sahig nang malaman ko ang masamang balita. Ano ang sasabihin ko sa Daddy ko

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 19

    RainaNaisipan kong puntahan sa bahay nito ang biyenan ko. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa sinabi ni Mrs. Mendoza sa kanya kahapon. Ina siya ni Evo kaya ayokong mas lalo siyang mag-isip ng masama sa akin. Pagdating ko sa bahay nito ay isang maid ang nagbukas sa akin ng pintuan."Nasaan si Mommy? Nandito ba?" tanong ko sa maid na nagbukas sa akin ng pintuan."Nasa loob po ng silid niya, Ma'am Raina. May sakit si Ma'am Emilia kaya hindi soya makabangon," sagot sa akin ng maid.Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong dumiretso sa silid ng biyenan ko. Naabutan ko siyang pilit na inaabot ang tubig na nasa ibabaw ng maliit na mesang malapit sa kama. Agad ko siyang tinulungan na maabot ang tubig."Anong ginagawa mo rito sa bahay ko?" malamig ang boses na tanong sa akin ng biyenan ko. May sakit ito kaya mahina lamang at mabagal itong magsalita. Kung wala itong sakit ay natitiyak ko na nabingi na sana ako ng sermon sa kanya at baka ipinagtulakan niya ako palabas ng bahay

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 18

    Raina"Flowers for the most beautiful lady in the world!" Naudlot ang pagbubukas ko ng pintuan sa aking sasakyan nang biglang may lalaking nagsalita sa gilid ko. Natatakpan ang mukha nito ng isang bouquet ng magagandang bulaklak. Ngunit kahit na hindi ko nakikita ang mukha nito ay alam ko na agad kung sino siya. Walang iba kundi ang ex-boyfriend. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong nangungulit sa akin na bigyan ko ng second chance kahit na alam naman niyang may asawa na ako.Lately ay nagiging stalker ko na si Greg. Tuwing lalabas ako sa pinagtatrabhuhan kong kompanya ay madalas siyang nakaabang sa akin sa labas at may dala na kung ano-anong regalo. Na palagi ko namang tinatanggihan. Ngunit ewan kung bakit tila hindi ito nagsasawa sa kakabuntot sa akin. Parang hindi ito napapagod.Kung noon nito ginawa ng palaging bumuntot sa akin at nagpakita na mahalaga ako sa kanya ay tiyak tuwang-tuwa ako. Ngunit ngayon na wala na akong pagmamahal sa kanya ay inis lamang ang nararamdaman ko s

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 17

    RainaNaalimpungatan ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa aking pisngi. Agad kong naalala ang huling natatandaan ko na namgyari bago ako nawalan ng malay. Mr. Wang! hiyaw ko sa aking isip. Iniisip kp na siya ang humahaplos sa akin kaya bigla ako nagwala. "Bitiwan mo ako! Walang hiya ka! Monster!"Hinuli ko ang kamay na humahaplos sa mukha ko kanina at mariing kinagat."It's me, Evo. You're safe now, Raina."Napahinto ako sa pagkagat nang marinig ko ang boses ng taong nagsalita na walang iba kundi si Evo. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko si Evo na nakangiwi ang hitsura habang kagat ko pa ang kanyang kamay. Agad kong binitiwan ang kamay niya nang masiguro kong siya nga ang aking nakikita."Anong nangyari? Nasaan ako? Nasaan ang walang hiyang matandang iyon?" sunud-sunod kong tanong kay Evo. Bumangon ako sa kama at naupo pagkatapos ay nagpapanic na sinuri ang katawan ko kung nagtagumpay ba ang matandang iyon sa nais nitong gawin sa akin."Calm down, okay? Wal

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 16

    EvoMalakas na sinipa ko ang pintuan kung saan naroon si Raina at Mr. Wang. Biglang nagdilim ang paningin ko nang makita kong nakahubad ang pang-itaas na damit ng ni Mr. Wang at inuumpisahan nitong hubaran ng pang-itaas na damit ang walang malay kong asawa na nakahiga sa ibabaw ng kama."You're a shameless beast!!!" galit na sigaw ko. Pagkatapos ay dinaluhong ko si Mr. Wang at pinagsusuntok sa mukha. Sa tindi ng galit na nararamdaman ko sa kanya nang mga sandaling ito ay hindi na ako magtataka kung mapapatay ko siya."Stop it now, Evo! Hindi na gumagalaw si Mr. Wang. Baka mapatay mo pa siya," mariing awat sa akin ni Tom. Ngunit hindi ako tumigil sa pagsuntok at pagsipa sa taong nais lumaspatangan sa asawa ko. Napilitan sina Tom at Pit na pagtulungan akong awatin dahil baka tuluyan kong mapatay si Mr. Wang."Wala nang malay si Mr. Wang, Boss. Dadalhin na namin siya sa presinto para masampahan ng kaso," sabi ni Pit sa akin nang sa wakas ay hinayaan ko sila na ilayo sa akin si Mr. Wang.

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 15

    Raina Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Ilang na ilang ako sa mga titig na ibinibigay sa akin ni Mr. Wang. Nasa loob ako ngayon kasama ang ilang mga big boss ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko at ang bago naming kliyente na si Mr. Wang. Mr. Wang is the Project Manager ng bagong tayong building ng kanilang kompanya. Sa lahat ng mga nag-bid para sa project na ito ay ang kompanya namin ang napili nito para mag-design sa loob ng bagong tayong building nila. At sa dinami-rami ng interior designers sa kompanya namin ay ako ang ni-request ni Mr. Wang na humawak sa project. Pabor sana sa akin iyon dahil may bago akong project, ang problema ay si Mr. Wang. He was lusting over me. Hindi ito ang unang beses na pagkikita namin. At unang beses na nagkita kami ay inalok niya ako ng dirty deals. Tutulungan niya ako na makakuha ng project kapalit ng pagsiping ko sa kanya ng isang gabi. Simula noon ay iniwasan ko na siya kapag nakikita ko na present din siya sa even na pinupuntahan

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 14

    Rina Nagkalat sa loob ng silid ko ang mga gamit na pinagtatapon ko. Maging mga basag na bote ng alak ay nakakalat din sa sahig. Hindi ko matanggap na kasal na sina Evon at Raina. Ako dapat ang ikinasal kay Evo at hindi ang babaeng iyon. "Tama na, Rina. Wala na tayong magagawa. Kasal na sina Raina at Evo kaya tanggapin mo na lamang ang katotohanang ito," pakiusap sa akin ni Mom ko. My mom didn't attend Raina and Evo's wedding. Unlike Dad, um-attend pa rin siya kahit na sinabihan ko siya na huwag dumalo. Kailangan daw dumalo ng ama ko dahil hindi bibilhin ni Evo ang lupa na binebenta niya kapag wala siya sa wedding ceremony. Ayaw lang ni Evo na mapahiya si Raina kapag walang family members na dumalo sa kasal nito. Iyon sana ang gusto kong mangyari ngunit hindi nangyari. Gusto kong mapahiya si Raina sa harapan ng mga bisita nila. Gusto kong isipin ng mga bisita na kaya walang um-attend sa kasal ni Raina na family members nito dahil nahihiya sila. Nahihiya sila pagka inagaw lamang

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 13

    Raina Masyado akong napuyat kahapon kaya tinanghali ako ng gising kinabukasan. Nag-leave ako sa trabaho ko ng one week kaya hindi ko kailangang pumasok sa opisina. Okay lang kahit na tanghali na ako bumangon sa kama. Ngunit naalimpungatan ako nang makarinig ako ng malakas na pagkatok sa pintuan ng silid ko. Tinatamad na bumangon ako para pagbuksan ang taong kumakatok na para bang nagmamadali itong makapasok sa loob ng silid sa klase ng pagkatok nito. "Mom? Ano po ang ginagawa niyo rito?" Biglang nawala ang antok ko nang pagbukas ko sa pintuan ay aking mother-in-law ang nakita kong nakatayo sa labas. Nakasimangot ito nang makita ko ngunit mas lalong napasimangot nang makita ako na halatadong kakagising pa lang. "Mataas na ang araw pero natutulog ka pa rin. Napakatamad mo naman. Dapat ay pinagsisihan mo ang asawa mo. At bakit magkaiba kayo ng silid na tinutulugan?" Umagang-umaga ay nagbunganga na sa akin ang ina ni Evo. Gusto talaga niyang ipakita sa akin na hindi niya ako gust

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 12

    Raina Parang hindi pa rin ako makapaniwala na naglalakad ako ngayon sa aisles at naghihintay sa akin sa harap ng altar ang lalaking kahit sa panaginip ay hindi ko inaakalang pakakasalan ko. Dati kapag nangangarap ako na ikakasal ako ay si Greg ang groom. Minsan man ay hindi ko naisip na iba pala ang magiging groom ko. Mga malalapit na kapamilya at kaibigan ng pamilya ni Evo ang imbitado sa kasal namin. Sa side ko naman ay si Daddy lang ang um-attend. Hindi um-attend si Rina dahil ayaw nitong makita na ikinakasal ako sa lalaking dapat ay siya ang pakakasalan. At siyempre, hindi na rin um-attend si Minerva at sinamahan na lamang ang kanyang anak para damayan ito. Hindi ko maiwasan ang kabahan naglalakad ako palapit sa kinatatayuan ni Evo. Excited ba itong nararamdaman ko? Excited sa panibagong pahina ng buhay ko na haharapin ko sa piling ni Evo. Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay parang may mga kabayong nagkakarera sa loob ng dibdib ko sa bilis ng pintig ng akinh puso. Halos hindi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status