Raina
Halos manginig ang buo kong katawan sa takot ko kay Daddy. Isinantabi ko na muna ang katotohanang natuklasan ko na ang fiance pala ng half-sister ko ang lalaking naka-one-night-stand ko. Mas inaalala ko ang galit ni Daddy dahil tiyak na gagawa siya ng hakbang na hindi ko magugustuhan. "Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang narinig ko na sinabi, Rina. Sabihin mong hindi ka buntis!" malakas na sigaw ni Daddy, napaigtad ako dahil sa takot. "I-It's true, Dad. I'm pregnant." Halos hindi lumabas sa bibig ko ang boses ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko at nais lumipad palayo sa harapan ng tatlo. Napapikit ng kanyang mga mata ang ama ko at mahigpit na ikinuyom ang mga kamao. Pagdilat niya ay nakikita ko sa mga mata niya ang malaking pagka-disappointed sa akin. "Sino? Sino ang ama ng batang nasa tiyan mo, Raina?" nagpipigil ng galit na tanong nito sa akin. Kung wala siguro ang presensiya ni Evo Mondragon ay kanina pa niya ako sinaktan. "Isa siyang disgrasyada, Dad. Magiging dalagang-ina siya. Baka tinakbuhan siya ng lalaki g nakabuntis sa kanya kaya hindi niya masabi kung sino at nasaan ang ama ng bata," wika naman ni Rina, for obvious reason, nais nitong gatungan ang galit na nararamdaman ng ama namin sa akin. Tiyak na tuwang-tuwa siya sa nangyaring ito sa akin. "No! Hindi ito maaari! Hindi puwedeng walang ama ang batang nasa tiyan mo, Raina!" galit na sigaw ng ama ko. "Sino ang ama ng batang iyan? Nasaan ang lalaking iyo?!" Halos maglabasan ang mga ugat sa leeg ng Daddy ko sa tindi ng galit na nararamdaman nito. Ganoon siya ka-disappointed sa akin. Umiling na lamang ako habang nangingilid ang luha sa aking mga mata. Hindi ko kayang magsalita dahil tiyak na gagaralgal lamang ang boses ko. Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil ng kanyang galit ang ama ko. Mabilis siyang nakalapit sa akin at binigyan ako ng malakas na sampal. Sobrang lakas at halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasampal sa akin ni Daddy. Tumilapon pa nga ako papunta sa ibabaw ng kama at dumugo ang kaliwang gilid na bahagi ng aking mga labi. Wala ng pakialam ang Dad ko kung may ibang tao man sa paligid basta masaktan lamang niya ako at mailabas ang galit na kanyang nararamdaman. Nilapitan ako ng Dad ko at marahas na hinablot sa braso. Akmang sasampalin niya ulit ako nang isang malakas na kamay ang pumigil sa kanya. "Don't hurt her. Buntis siya at makakasama sa kalagayan niya ang saktan niya," ani Evo na siyang pumigil sa ama ko para huwag akong saktan ulit. "Bakit ka nakikialam, Evo? She deserves the beating. Mataas ang expectation sa kanya ng angkan namin lalo na ni Dad pero ano ang ginawa niya? Nagpabuntis siya at wala pa siyang ama na maiharap sa amin. She's a slut!" mariing wika ni Rina kay Evo. Ngunit nang tapunan ito ng matalim na tingin ng fiance nito ay parang maamong tupa na bigla itong nanahimik. "Huwag kang makialam sa problema naming ito, Evo. Problema ito ng pamilya namin at labas ka na dahil hindi pa naman kayo kasal ni Rina," mariing sawata ng ama ko kay Evo. "Yeah. You're right. Hindi pa kami kasal. At sa tingin ko ay dapat ikansel muna natin ang engagement na ito," sagot ni Evo sa aking ama. "What? No! Hindi puwedeng i-cancel ang engagement natin," mariing tutol ni Rina, tinapunan niya ako ng masamang tingin dahil ako ang sinisisi nito kung bakit nais i-cancel muna ni Wvo ang kanilang engagement party. "That's my final decision," giit ni Evo. Nahalata siguro ng ama namin na final na ang desisyon ni Evo kaya hindi ito nagsalita para tumutol. Naglakad si Evo palabas sa aking silid ngunit hindi pa ito nakakalabas ay biglang huminto at lumingon sa amin. "Don't hurt her. As of now ay hindi pa ako bahagi ng pamilya ninyo kaya wala akong karapatan na makialam but soon, magiging bahagi na ako ng pamilya ninyo and I will make sure it will happen," seryoso ang mukha na sabi ni Evo bago tuluyang lumabas sa aking silid. Agad namang humabol sa fiance nito si Rina. Akala ko ay muli akong sasaktan ni Daddy pagkaalis ni Evo ngunit tinapunan lamang niya ako ng masamang tingin at walang salitang lumabas sa silid ko. Napapikit na lamang ako nang malakas nitong isinarado ang pintuan ng kuwarto ko. Parang apoy na mabilis kumalat ang balita sa mga kamag-anakan ko ang tungkol sa pagbubuntis ko ng walang maipakilalang ama. Lahat sila ay kinutya ako at ininsulto. Ipinakita nila sa akin ang malaking disappointment nila sa nangyari sa akin. Sinira ko raw ang respeto at tiwala nila sa akin. Sa lahat ng mga mapanirang salita na ibinabato sa akin ng mga kamag-anak ko ay walang ginawa ang ama ko para ipagtanggol ako. Ito ay labis na dumurog sa puso ko ngunit pinilit kong magpakatatag para sa baby na nasa tiyan ko. Wala akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga ay ligtas ang baby sa tiyan ko at nakakapasok na ulit ako sa trabaho pagkatapos ng one week na leave ko. Palabas na ako sa pinagtatrabahuhan ko nang makita ko si Evo na nakatayo sa tabi ng kotse ko. Obviously, ako ang hinihintay nito. Wala sana akong balak na pansinin siya dahil nahuhulaan ko na kung ano ang sadya niya sa akin ngunit pinigilan niya ang braso ko para hindi ako makapasok sa kotse ko. "Ano ang kailangan mo sa akin?" Pumiksi ako kaya binitiwan niya ang braso ko. "Ako ba ang ama ng batang nasa tiyan mo?" pranka at walang paligoy-ligoy na tanong niya sa akin. Bigla akong kinabahan at bahagya akong natigilan ngunit hindi ko ipinahalata sa kanya. "Nababaliw ka na ba? At bakit mo naman nasabi na ikaw ang ama ng batang nasa tiyan ko?" kunwari ay inis na sagot ko sa kanya. "Ako ang unang lalaking nakasiping mo at hindi mo maipagkakaila dahil hanggang ngayon ay nasa puting uniform ko pa ang patunay na totoo ang sinasabi ko." Bigla akong pinamulahan ng pisngi sa sinabi nito. Nakaramdam ako ng hiya. Kung kailan matagal ng nangyari iyon ay saka pa lamang ako tinablan ng hiya. "Tama ka. Ikaw nga ang unang lalaking nakasiping ko. But it doesn't mean that you are the last man na nakasiping ko pagkatapos ng gabing iyon." Gusto kong alisin sa isip nito ang ideya na posibleng anak niya ang nasa tiyan ko. Baka kapag nalaman niyang anak nga niya ang nasa tiyan ko ay bigla niyang kuhanin ito at ilayo sa akin pagkatapos kong manganak. "I don't believe you. I think you're not that kind of a woman." Hindi raw ito naniniwala sa sinabi ko ngunit bakit biglang dumilim ang mukha nito nang marinig ang sinabi ko? "It's up to you. Basta ako ay nagsasabi ng totoo. Hindi mo anak ang dinadala kong bata. Period," giit ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at pumasok sa loob. Akmang isasara ko na ang pintuan ngunit pinigilan ng kamay nito ang pintuan para hindi ko ito maisara. "I'm willing to do the DNA test. At kapag napatunayan kong anak ko ang batang nasa tiyan mo ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," mariing banta nito sa akin. Hindi ako nakapagsalita kaya sinamantala nito ang pagkakataon para sabihin sa akin kung ano ang plano nito. "Ngunit kapag inamin mo na anak ko nga iyan ay willing akong pakasalan ka. But of course, hindi kita itatali sa kasal natin. Dahil magiging kasal lang tayo sa papel at sa mga mata ng tao. Pareho tayong makikinabang sa sitwasyon natin. If you're willing, I will explain everything to you." "Are you offering me a marriage of convenience?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Yes," walang gatol na sagot naman niya sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ako muling nagsalita. "Let me think about it." Sa pagkakataong ito ay hinayaan na ni Evo na maisara ko ang pintuan para makaalis na ako at makalayo sa kanya. Pagdating ko sa bahay ay nagtaka ako nang makita ko sa sala sina Daddy, Mommy, at Rina na may kasamang dalawang babaeng parang mga doktor. I think they are waiting for me. "It's good that you're already here, Raina," kausap sa akin ni Daddy bago binalingan ang dalawang babae para kausapin. "We can start now." "Anong ibig sabihin nito, Daddy?" Bigla akong kinabahan nang hawakan ako ng dalawang babae at walang babala na tinurukan ako ng injection sa kaliwang braaso. Ilang segundo lamang ay nakaramdam ako ng panghihina. "Anong gagawin nila sa akin, Daddy?" Parang nahuhulaan ko na kung ano ang gagawin sa akin ng dalawang babaeng mukhang doktor ngunit ayokong tanggapin iyon. Hindi ko akalain na makakayang gawin ito sa akin ng sarili kong ama. "We will get rid of that baby in your stomach, Raina. Ayokong magkaroon ng apo na walang kinikilalang ama," mariin ang boses na wika ni Daddy. "At sino naman ang nagsabi na totoong walang ama ang batang dinadala ni Raina?" Tinig mula sa bumukas na pintuan. Tulad ng isang night in shining armor, pumasok si Evo para pigilan ang balak gawin ng Dad ko sa baby ko. "Hinahanap niyo ang ama ng batang nasa tiyan ni Raina, 'di ba? Nandito na siya sa harapan ninyo. Dahil ako lang naman ang ama ng batang nais ninyong patayin!"RainaHindi lang sina Daddy, Mommy, at Rian ang na-shock sa sinabi ni Evo kundi pati ako. Hindi ko inaasahan na aaminin nito sa harapan ng tatlo ang tungkol sa sekreto namin. Nang sabihin ko sa kanya kanina na pag-iisipan ko ang sinabi niya ay parang inamin ko na tama ang hinala niya na siya ang ama ng anak ko. Bigla kasi akong natakot sa posible niyang gawin kapag natuklasan niyang totoo ang iniisip niya habang ako ay todo tanggi naman. Natakot ako sa banta niya. Bilyonaryo ang pamilya niya at marami silang koneksiyon kaya ano ang magiging laban ko sa kanya sakaling tangkain niyang ilayo sa akin ang anak ko matapos kong magsilang?"Are you crazy, Evo? Bakit mo naman aakuin ang batang nasa tiyan ni Raina gayong hindi naman talaga ikaw ang ama? At sa tingin mo ba ay papayag ako na akuin mo ang anak niya? No way?" mariing tutol ni Rina. Kung kanina ay natutuwa ang hitsura nito sa binabalak gawin ng ama namin sa baby ko ngayon naman ay madilim ang mukha nito at halatado ang malaking dis
RainaNapatitig ako sa mukha ni Evo na sobrang seryoso at pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa pulang kahita na inilabas nito mula sa bulsa ng suot nitong coat. It's a white gold wedding ring. A heart-shape ring with an amethyst stone in the middle which is my birthstone. Napakaganda at halatadong napakamahal ng ring. Ngunit ang tanong. Nakahanda ba akong pumasok sa isang marriage of convenience for the sake of my baby's safety? Paano kung pagkatapos kong manganak ay i-divorce ako ni Evo at ilayo sa akin ang anak ko kagaya ng kinatatakutan kong mangyari?Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim. Wala akong choice kundi ang tanggapin ang marriage proposal ni Evo kahit na ito ay isang marriage for convenience lamang. Kailangan ko siya para mailigtas ang buhay ng anak ko. Anuman ang totoong dahilan niya kung bakit mas pinili niyang i-cancel ang engagement nila ni Rina at alukin ako ng kasal ay tanging siya lamang ang nakakaalam. Pero sana ay ang dahilan niya ay para mailigt
RinaPasilip-silip ako sa malaking bahay ng ina ni Evo. Alam kong mga ganitong oras ay lumalabas na siya at nagtutungo sa park na malapit sa bahay nila para mag-jogging. Sinadya ko talagang gumising ng maaga para maabutan ko ang paglabas niya sa gate ng bahay nila. Mabuti na lang malapit lamang sa bahay namin ang bahay ng ina ni Evo kaya agad akong nakarating sa tapat ng bahay ng ina nito.Hindi ako papayag na matuloy ang kasal ni Evo at ng walang hiya kong stepsister. Akin lamang si Evo. Akin lamang ang kayamanan na tatamasahin ni Raina kapag siya ang nagpakasal kay Evo.Isang beses ko pa lamg nakita at nakausap ang ina ni Evo ngunit napansin ko na agad na masyado siyang strict pagdating sa dignity ng babaeng mapapangasawa ng anak niya. Mabait din naman ito ngunit ang gusto nitong mapangasawa ng kanyang anak ay iyong babaeng maipagmamalaki nito sa harap ng maraming tao. Nang ipinakilala nga ako ni Evo sa kanya bilang fiancee ay masyadong ingat na ingat na huwag makagawa ng anumang b
Raina"Good bye, Ma'am Raina," nakangiting paalam sa akin ng guard sa pinagtatrabahuhan kong kompanya nang dumaan ako sa tapat niya. "Bye," nakangiting sagot ko naman sa kanya. Araw-araw ay hindi nagsasawang bumati sa akin ang mabait na guard na laging nakangiti sa akin kapag pumapasok ako at lumalabas sa building.Naglalakad na ako papunta sa parking lot nang biglang may babaeng tumawag sa pangalan ko. Huminto ako at lumingon sa babaeng nagsalita."Are you, Miss Raina Cervantes?" tanong nito sa akin. Seryoso ang mukha nito at mukhang istrikto. Glamorosa ang hitsura nito kaya mahuhulaan ng kahit na sino na mayaman ito. "Yes, I am. What can I do for you?" magalang kung sagot sa kanya. Ano kaya ang kailangan niya sa akin?"I am Evo's mother. Gusto kitang makausap ng personal kaya kita pinuntahan. Follow me." Tinalikuran niya ako at naglakad papunta sa itim na limousine na nakaparada malapit sa kotse ko.Napansin ko na may pagka-demanding ang ina ni Evo. Well, ikaw ba naman ang maging
Raina Tahimik ang buong paligid habang kumakain kami ng tanghalian sa dinning area. Hindi man nagsasalita si Daddy ay nararamdaman kong mabigat ang loob niya sa akin. Siguro ay dahil mas gusto niyang ang mapangasawa ni Evo si Rina at hindi ako. Mayaman ang pamilya ni Evo kaya kapag si Rina ang pinakasalan nito ay tiyak na magiging buhay-reyna ang huli. At iyon ang gustong mangyari ni Daddy sa kanyang paboritong anak. "May mga kaibigan ka ba na gusto mong imbitahin sa kasal ko, Dad?" basag ko sa katahimikang namamayani sa paligid. "How about you, Mom?" tanong ko rin sa aking stepmom. Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang bigla na lamang malakas na ibinagsak ni Daddy sa ibabaw ng plato ang kutsarang hawak nito. "Gusto mo bang harap-harapan akong insultihin at pagtawanan ng mga kaibigan ko, Raina?" malakas ang boses na tanong sa akin ng ama ko. "Akala mo ba ay magiging okay ang lahat dahil ikaw ang pakakasalan ni Evo Mondragon, Raina? Ipinahiya mo hindi lamang ang sarili mo kundi ma
RainaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Nakita ko sa gilid ng kama nakaupo si Evo samantalang sina Minerva at Rina pati na rin si Daddy ay pare-parehong nakatayo lamang sa paanan ng kama.Bahagya akong napaungol dahil sumakit ang bahagi ng ulo ko na tinamaan ng flower pot na inihampas ni Rina sa ulo ko. Dahil sa ginawa ko ay napatingin sa akin si Evo."You're finally awake, Raina. How are you? May nararamdaman ka bang ibang masakit sa'yo maliban sa ulo mo?" nag-aalala ang boses na tanong sa akin ni Evo. Umiling lamang ako bilang sagot sa mga tanong niya. "Tell me what really happened. Did someone hurt you intentionally?""Sinabi ko na sa'yo na aksidenteng nadulas si Raina habang nagdidilig ng halaman at tumama ang ulo niya sa isa sa mga flower pot," mabilis na sagot ng ama ko kay Evo bago pa man magawa kong maibuka ang bibig ko para magsabi ng totoo. "Ikaw nga ang magsabi sa fiance mo, Raina. Iniisip kasi niya na sinaktan ka namin. Hi
Raina"Mas mapapaaga ang schedule ng kasal natin? Bakit?" hindi ko napigilang tanong kay Evo. Nasa loob kami ngayon ng isang restaurant matapos niya akong suduin sa labas ng pinagtatrabahuhan kong kompanya. Si Pit na lamang ang nag-drive ng kotse pauwi sa bahay dahil ihahatid naman niya ako sa bahay pagkatapos naming mag-dinner."I want to get you out of your house as early as possible. Pit told me how your family treated you these past few days. Living in the same house together with toxic people is not good for you and the baby," paliwanag niya sa akin. Hindi ko akalain na pati pala ang mga ganoon bagay ay inire-report ni Pit sa kanyang boss."Sinabi mo na ba sa mother mo? She doesn't like me. Tiyak na hindi siya papayag na matuloy ang kasal natin.""Don't worry about my mom. Just take care of yourself and prepare for our wedding," sagot sa akin ni Evo pagkatapos ay ioinagpatuloy na ang pagkain. Evo is such a gentleman. Siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko kanina pagka-served n
Raina "Gusto kang makausap ni Madam, Miss Cervantes." Pagkalabas ko sa building ng pinagtatrabahuhan ko ay agad na sinalubong ako ng driver-bodyguard ng ina ni Evo. Ito kasi ang tinutukoy ng lalaki na Madam. Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga at walang imik na sumama sa lalaki papunta sa magarang sasakyan ng ina ni Evo. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay naupo lamang ako at hindi nagsalita. Hinayaan ko na siya ang maunang magsalita at sabihin sa akin kung ano ang sadya niya. "My son informed me that your wedding will happen in just a few days from now," panimula ni Mrs. Mondragon sa kanyang sadya sa akin. Tumango ako sa kanya bilang pag-kumpirma na totoo ang sinabi ni Evo sa kanya. "He wants us to get married as soon as possible kaya na move forward ang date ng kasal namin," kalmadong sagot ko sa kanya. "Hindi ka ba talaga madadala sa pakiusap, Raina? I told you to break up with my son and stay away from him forever. Gusto mo ba akong gumamit ng ibang paraan para sundi
RainaHindi ako mapakali habang naghihintay sa paglabas ng doktor na gumagamot sa stepmom ko. Pinagtulungan ng mga taong nakakita sa pangyayari na maisakay sa kotse ko ang stepmom ko at pagkatapos ay agad na isinugod ko sa pinakamalapit na hospital. Kahit nanginginig ang buong katawan ko habang nagdadrive ako kanina ay pinilit kong makarating sa hospital. Kahit hindi maganda ang pagtrato sa akin ng stepmom ko at may binabalak siyang masama laban sa akin kanina ay hindi ko pa rin ninais na may masamang mangyari sa kanya. Taimtim akong nagdasal na sana ay makaligtas siya. Ngunit hindi dininig ng may Likha ng dasal ko dahil paglabas ng doktor ay malungkot na ibinalita nito na hindi nakaligtas ang stepmom ko. Tumama daw sa matigas na bagay ang ulo ng stepmom ko na nakaapekto sa utak nito. Nadurog din ang puso at atay na nito na siyang tinamaan naman ng kotseng nakabangga sa kanya. Nanlalambot na napaupo ako sa sahig nang malaman ko ang masamang balita. Ano ang sasabihin ko sa Daddy ko
RainaNaisipan kong puntahan sa bahay nito ang biyenan ko. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa sinabi ni Mrs. Mendoza sa kanya kahapon. Ina siya ni Evo kaya ayokong mas lalo siyang mag-isip ng masama sa akin. Pagdating ko sa bahay nito ay isang maid ang nagbukas sa akin ng pintuan."Nasaan si Mommy? Nandito ba?" tanong ko sa maid na nagbukas sa akin ng pintuan."Nasa loob po ng silid niya, Ma'am Raina. May sakit si Ma'am Emilia kaya hindi soya makabangon," sagot sa akin ng maid.Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong dumiretso sa silid ng biyenan ko. Naabutan ko siyang pilit na inaabot ang tubig na nasa ibabaw ng maliit na mesang malapit sa kama. Agad ko siyang tinulungan na maabot ang tubig."Anong ginagawa mo rito sa bahay ko?" malamig ang boses na tanong sa akin ng biyenan ko. May sakit ito kaya mahina lamang at mabagal itong magsalita. Kung wala itong sakit ay natitiyak ko na nabingi na sana ako ng sermon sa kanya at baka ipinagtulakan niya ako palabas ng bahay
Raina"Flowers for the most beautiful lady in the world!" Naudlot ang pagbubukas ko ng pintuan sa aking sasakyan nang biglang may lalaking nagsalita sa gilid ko. Natatakpan ang mukha nito ng isang bouquet ng magagandang bulaklak. Ngunit kahit na hindi ko nakikita ang mukha nito ay alam ko na agad kung sino siya. Walang iba kundi ang ex-boyfriend. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong nangungulit sa akin na bigyan ko ng second chance kahit na alam naman niyang may asawa na ako.Lately ay nagiging stalker ko na si Greg. Tuwing lalabas ako sa pinagtatrabhuhan kong kompanya ay madalas siyang nakaabang sa akin sa labas at may dala na kung ano-anong regalo. Na palagi ko namang tinatanggihan. Ngunit ewan kung bakit tila hindi ito nagsasawa sa kakabuntot sa akin. Parang hindi ito napapagod.Kung noon nito ginawa ng palaging bumuntot sa akin at nagpakita na mahalaga ako sa kanya ay tiyak tuwang-tuwa ako. Ngunit ngayon na wala na akong pagmamahal sa kanya ay inis lamang ang nararamdaman ko s
RainaNaalimpungatan ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa aking pisngi. Agad kong naalala ang huling natatandaan ko na namgyari bago ako nawalan ng malay. Mr. Wang! hiyaw ko sa aking isip. Iniisip kp na siya ang humahaplos sa akin kaya bigla ako nagwala. "Bitiwan mo ako! Walang hiya ka! Monster!"Hinuli ko ang kamay na humahaplos sa mukha ko kanina at mariing kinagat."It's me, Evo. You're safe now, Raina."Napahinto ako sa pagkagat nang marinig ko ang boses ng taong nagsalita na walang iba kundi si Evo. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko si Evo na nakangiwi ang hitsura habang kagat ko pa ang kanyang kamay. Agad kong binitiwan ang kamay niya nang masiguro kong siya nga ang aking nakikita."Anong nangyari? Nasaan ako? Nasaan ang walang hiyang matandang iyon?" sunud-sunod kong tanong kay Evo. Bumangon ako sa kama at naupo pagkatapos ay nagpapanic na sinuri ang katawan ko kung nagtagumpay ba ang matandang iyon sa nais nitong gawin sa akin."Calm down, okay? Wal
EvoMalakas na sinipa ko ang pintuan kung saan naroon si Raina at Mr. Wang. Biglang nagdilim ang paningin ko nang makita kong nakahubad ang pang-itaas na damit ng ni Mr. Wang at inuumpisahan nitong hubaran ng pang-itaas na damit ang walang malay kong asawa na nakahiga sa ibabaw ng kama."You're a shameless beast!!!" galit na sigaw ko. Pagkatapos ay dinaluhong ko si Mr. Wang at pinagsusuntok sa mukha. Sa tindi ng galit na nararamdaman ko sa kanya nang mga sandaling ito ay hindi na ako magtataka kung mapapatay ko siya."Stop it now, Evo! Hindi na gumagalaw si Mr. Wang. Baka mapatay mo pa siya," mariing awat sa akin ni Tom. Ngunit hindi ako tumigil sa pagsuntok at pagsipa sa taong nais lumaspatangan sa asawa ko. Napilitan sina Tom at Pit na pagtulungan akong awatin dahil baka tuluyan kong mapatay si Mr. Wang."Wala nang malay si Mr. Wang, Boss. Dadalhin na namin siya sa presinto para masampahan ng kaso," sabi ni Pit sa akin nang sa wakas ay hinayaan ko sila na ilayo sa akin si Mr. Wang.
Raina Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Ilang na ilang ako sa mga titig na ibinibigay sa akin ni Mr. Wang. Nasa loob ako ngayon kasama ang ilang mga big boss ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko at ang bago naming kliyente na si Mr. Wang. Mr. Wang is the Project Manager ng bagong tayong building ng kanilang kompanya. Sa lahat ng mga nag-bid para sa project na ito ay ang kompanya namin ang napili nito para mag-design sa loob ng bagong tayong building nila. At sa dinami-rami ng interior designers sa kompanya namin ay ako ang ni-request ni Mr. Wang na humawak sa project. Pabor sana sa akin iyon dahil may bago akong project, ang problema ay si Mr. Wang. He was lusting over me. Hindi ito ang unang beses na pagkikita namin. At unang beses na nagkita kami ay inalok niya ako ng dirty deals. Tutulungan niya ako na makakuha ng project kapalit ng pagsiping ko sa kanya ng isang gabi. Simula noon ay iniwasan ko na siya kapag nakikita ko na present din siya sa even na pinupuntahan
Rina Nagkalat sa loob ng silid ko ang mga gamit na pinagtatapon ko. Maging mga basag na bote ng alak ay nakakalat din sa sahig. Hindi ko matanggap na kasal na sina Evon at Raina. Ako dapat ang ikinasal kay Evo at hindi ang babaeng iyon. "Tama na, Rina. Wala na tayong magagawa. Kasal na sina Raina at Evo kaya tanggapin mo na lamang ang katotohanang ito," pakiusap sa akin ni Mom ko. My mom didn't attend Raina and Evo's wedding. Unlike Dad, um-attend pa rin siya kahit na sinabihan ko siya na huwag dumalo. Kailangan daw dumalo ng ama ko dahil hindi bibilhin ni Evo ang lupa na binebenta niya kapag wala siya sa wedding ceremony. Ayaw lang ni Evo na mapahiya si Raina kapag walang family members na dumalo sa kasal nito. Iyon sana ang gusto kong mangyari ngunit hindi nangyari. Gusto kong mapahiya si Raina sa harapan ng mga bisita nila. Gusto kong isipin ng mga bisita na kaya walang um-attend sa kasal ni Raina na family members nito dahil nahihiya sila. Nahihiya sila pagka inagaw lamang
Raina Masyado akong napuyat kahapon kaya tinanghali ako ng gising kinabukasan. Nag-leave ako sa trabaho ko ng one week kaya hindi ko kailangang pumasok sa opisina. Okay lang kahit na tanghali na ako bumangon sa kama. Ngunit naalimpungatan ako nang makarinig ako ng malakas na pagkatok sa pintuan ng silid ko. Tinatamad na bumangon ako para pagbuksan ang taong kumakatok na para bang nagmamadali itong makapasok sa loob ng silid sa klase ng pagkatok nito. "Mom? Ano po ang ginagawa niyo rito?" Biglang nawala ang antok ko nang pagbukas ko sa pintuan ay aking mother-in-law ang nakita kong nakatayo sa labas. Nakasimangot ito nang makita ko ngunit mas lalong napasimangot nang makita ako na halatadong kakagising pa lang. "Mataas na ang araw pero natutulog ka pa rin. Napakatamad mo naman. Dapat ay pinagsisihan mo ang asawa mo. At bakit magkaiba kayo ng silid na tinutulugan?" Umagang-umaga ay nagbunganga na sa akin ang ina ni Evo. Gusto talaga niyang ipakita sa akin na hindi niya ako gust
Raina Parang hindi pa rin ako makapaniwala na naglalakad ako ngayon sa aisles at naghihintay sa akin sa harap ng altar ang lalaking kahit sa panaginip ay hindi ko inaakalang pakakasalan ko. Dati kapag nangangarap ako na ikakasal ako ay si Greg ang groom. Minsan man ay hindi ko naisip na iba pala ang magiging groom ko. Mga malalapit na kapamilya at kaibigan ng pamilya ni Evo ang imbitado sa kasal namin. Sa side ko naman ay si Daddy lang ang um-attend. Hindi um-attend si Rina dahil ayaw nitong makita na ikinakasal ako sa lalaking dapat ay siya ang pakakasalan. At siyempre, hindi na rin um-attend si Minerva at sinamahan na lamang ang kanyang anak para damayan ito. Hindi ko maiwasan ang kabahan naglalakad ako palapit sa kinatatayuan ni Evo. Excited ba itong nararamdaman ko? Excited sa panibagong pahina ng buhay ko na haharapin ko sa piling ni Evo. Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay parang may mga kabayong nagkakarera sa loob ng dibdib ko sa bilis ng pintig ng akinh puso. Halos hindi