Raina Tahimik ang buong paligid habang kumakain kami ng tanghalian sa dinning area. Hindi man nagsasalita si Daddy ay nararamdaman kong mabigat ang loob niya sa akin. Siguro ay dahil mas gusto niyang ang mapangasawa ni Evo si Rina at hindi ako. Mayaman ang pamilya ni Evo kaya kapag si Rina ang pinakasalan nito ay tiyak na magiging buhay-reyna ang huli. At iyon ang gustong mangyari ni Daddy sa kanyang paboritong anak. "May mga kaibigan ka ba na gusto mong imbitahin sa kasal ko, Dad?" basag ko sa katahimikang namamayani sa paligid. "How about you, Mom?" tanong ko rin sa aking stepmom. Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang bigla na lamang malakas na ibinagsak ni Daddy sa ibabaw ng plato ang kutsarang hawak nito. "Gusto mo bang harap-harapan akong insultihin at pagtawanan ng mga kaibigan ko, Raina?" malakas ang boses na tanong sa akin ng ama ko. "Akala mo ba ay magiging okay ang lahat dahil ikaw ang pakakasalan ni Evo Mondragon, Raina? Ipinahiya mo hindi lamang ang sarili mo kundi ma
RainaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Nakita ko sa gilid ng kama nakaupo si Evo samantalang sina Minerva at Rina pati na rin si Daddy ay pare-parehong nakatayo lamang sa paanan ng kama.Bahagya akong napaungol dahil sumakit ang bahagi ng ulo ko na tinamaan ng flower pot na inihampas ni Rina sa ulo ko. Dahil sa ginawa ko ay napatingin sa akin si Evo."You're finally awake, Raina. How are you? May nararamdaman ka bang ibang masakit sa'yo maliban sa ulo mo?" nag-aalala ang boses na tanong sa akin ni Evo. Umiling lamang ako bilang sagot sa mga tanong niya. "Tell me what really happened. Did someone hurt you intentionally?""Sinabi ko na sa'yo na aksidenteng nadulas si Raina habang nagdidilig ng halaman at tumama ang ulo niya sa isa sa mga flower pot," mabilis na sagot ng ama ko kay Evo bago pa man magawa kong maibuka ang bibig ko para magsabi ng totoo. "Ikaw nga ang magsabi sa fiance mo, Raina. Iniisip kasi niya na sinaktan ka namin. Hi
Raina"Mas mapapaaga ang schedule ng kasal natin? Bakit?" hindi ko napigilang tanong kay Evo. Nasa loob kami ngayon ng isang restaurant matapos niya akong suduin sa labas ng pinagtatrabahuhan kong kompanya. Si Pit na lamang ang nag-drive ng kotse pauwi sa bahay dahil ihahatid naman niya ako sa bahay pagkatapos naming mag-dinner."I want to get you out of your house as early as possible. Pit told me how your family treated you these past few days. Living in the same house together with toxic people is not good for you and the baby," paliwanag niya sa akin. Hindi ko akalain na pati pala ang mga ganoon bagay ay inire-report ni Pit sa kanyang boss."Sinabi mo na ba sa mother mo? She doesn't like me. Tiyak na hindi siya papayag na matuloy ang kasal natin.""Don't worry about my mom. Just take care of yourself and prepare for our wedding," sagot sa akin ni Evo pagkatapos ay ioinagpatuloy na ang pagkain. Evo is such a gentleman. Siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko kanina pagka-served n
Raina "Gusto kang makausap ni Madam, Miss Cervantes." Pagkalabas ko sa building ng pinagtatrabahuhan ko ay agad na sinalubong ako ng driver-bodyguard ng ina ni Evo. Ito kasi ang tinutukoy ng lalaki na Madam. Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga at walang imik na sumama sa lalaki papunta sa magarang sasakyan ng ina ni Evo. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay naupo lamang ako at hindi nagsalita. Hinayaan ko na siya ang maunang magsalita at sabihin sa akin kung ano ang sadya niya. "My son informed me that your wedding will happen in just a few days from now," panimula ni Mrs. Mondragon sa kanyang sadya sa akin. Tumango ako sa kanya bilang pag-kumpirma na totoo ang sinabi ni Evo sa kanya. "He wants us to get married as soon as possible kaya na move forward ang date ng kasal namin," kalmadong sagot ko sa kanya. "Hindi ka ba talaga madadala sa pakiusap, Raina? I told you to break up with my son and stay away from him forever. Gusto mo ba akong gumamit ng ibang paraan para sundi
Raina Parang hindi pa rin ako makapaniwala na naglalakad ako ngayon sa aisles at naghihintay sa akin sa harap ng altar ang lalaking kahit sa panaginip ay hindi ko inaakalang pakakasalan ko. Dati kapag nangangarap ako na ikakasal ako ay si Greg ang groom. Minsan man ay hindi ko naisip na iba pala ang magiging groom ko. Mga malalapit na kapamilya at kaibigan ng pamilya ni Evo ang imbitado sa kasal namin. Sa side ko naman ay si Daddy lang ang um-attend. Hindi um-attend si Rina dahil ayaw nitong makita na ikinakasal ako sa lalaking dapat ay siya ang pakakasalan. At siyempre, hindi na rin um-attend si Minerva at sinamahan na lamang ang kanyang anak para damayan ito. Hindi ko maiwasan ang kabahan naglalakad ako palapit sa kinatatayuan ni Evo. Excited ba itong nararamdaman ko? Excited sa panibagong pahina ng buhay ko na haharapin ko sa piling ni Evo. Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay parang may mga kabayong nagkakarera sa loob ng dibdib ko sa bilis ng pintig ng akinh puso. Halos hindi
Raina Masyado akong napuyat kahapon kaya tinanghali ako ng gising kinabukasan. Nag-leave ako sa trabaho ko ng one week kaya hindi ko kailangang pumasok sa opisina. Okay lang kahit na tanghali na ako bumangon sa kama. Ngunit naalimpungatan ako nang makarinig ako ng malakas na pagkatok sa pintuan ng silid ko. Tinatamad na bumangon ako para pagbuksan ang taong kumakatok na para bang nagmamadali itong makapasok sa loob ng silid sa klase ng pagkatok nito. "Mom? Ano po ang ginagawa niyo rito?" Biglang nawala ang antok ko nang pagbukas ko sa pintuan ay aking mother-in-law ang nakita kong nakatayo sa labas. Nakasimangot ito nang makita ko ngunit mas lalong napasimangot nang makita ako na halatadong kakagising pa lang. "Mataas na ang araw pero natutulog ka pa rin. Napakatamad mo naman. Dapat ay pinagsisihan mo ang asawa mo. At bakit magkaiba kayo ng silid na tinutulugan?" Umagang-umaga ay nagbunganga na sa akin ang ina ni Evo. Gusto talaga niyang ipakita sa akin na hindi niya ako gust
Rina Nagkalat sa loob ng silid ko ang mga gamit na pinagtatapon ko. Maging mga basag na bote ng alak ay nakakalat din sa sahig. Hindi ko matanggap na kasal na sina Evon at Raina. Ako dapat ang ikinasal kay Evo at hindi ang babaeng iyon. "Tama na, Rina. Wala na tayong magagawa. Kasal na sina Raina at Evo kaya tanggapin mo na lamang ang katotohanang ito," pakiusap sa akin ni Mom ko. My mom didn't attend Raina and Evo's wedding. Unlike Dad, um-attend pa rin siya kahit na sinabihan ko siya na huwag dumalo. Kailangan daw dumalo ng ama ko dahil hindi bibilhin ni Evo ang lupa na binebenta niya kapag wala siya sa wedding ceremony. Ayaw lang ni Evo na mapahiya si Raina kapag walang family members na dumalo sa kasal nito. Iyon sana ang gusto kong mangyari ngunit hindi nangyari. Gusto kong mapahiya si Raina sa harapan ng mga bisita nila. Gusto kong isipin ng mga bisita na kaya walang um-attend sa kasal ni Raina na family members nito dahil nahihiya sila. Nahihiya sila pagka inagaw lamang
Raina Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Ilang na ilang ako sa mga titig na ibinibigay sa akin ni Mr. Wang. Nasa loob ako ngayon kasama ang ilang mga big boss ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko at ang bago naming kliyente na si Mr. Wang. Mr. Wang is the Project Manager ng bagong tayong building ng kanilang kompanya. Sa lahat ng mga nag-bid para sa project na ito ay ang kompanya namin ang napili nito para mag-design sa loob ng bagong tayong building nila. At sa dinami-rami ng interior designers sa kompanya namin ay ako ang ni-request ni Mr. Wang na humawak sa project. Pabor sana sa akin iyon dahil may bago akong project, ang problema ay si Mr. Wang. He was lusting over me. Hindi ito ang unang beses na pagkikita namin. At unang beses na nagkita kami ay inalok niya ako ng dirty deals. Tutulungan niya ako na makakuha ng project kapalit ng pagsiping ko sa kanya ng isang gabi. Simula noon ay iniwasan ko na siya kapag nakikita ko na present din siya sa even na pinupuntahan
RainaHindi ako mapakali habang naghihintay sa paglabas ng doktor na gumagamot sa stepmom ko. Pinagtulungan ng mga taong nakakita sa pangyayari na maisakay sa kotse ko ang stepmom ko at pagkatapos ay agad na isinugod ko sa pinakamalapit na hospital. Kahit nanginginig ang buong katawan ko habang nagdadrive ako kanina ay pinilit kong makarating sa hospital. Kahit hindi maganda ang pagtrato sa akin ng stepmom ko at may binabalak siyang masama laban sa akin kanina ay hindi ko pa rin ninais na may masamang mangyari sa kanya. Taimtim akong nagdasal na sana ay makaligtas siya. Ngunit hindi dininig ng may Likha ng dasal ko dahil paglabas ng doktor ay malungkot na ibinalita nito na hindi nakaligtas ang stepmom ko. Tumama daw sa matigas na bagay ang ulo ng stepmom ko na nakaapekto sa utak nito. Nadurog din ang puso at atay na nito na siyang tinamaan naman ng kotseng nakabangga sa kanya. Nanlalambot na napaupo ako sa sahig nang malaman ko ang masamang balita. Ano ang sasabihin ko sa Daddy ko
RainaNaisipan kong puntahan sa bahay nito ang biyenan ko. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa sinabi ni Mrs. Mendoza sa kanya kahapon. Ina siya ni Evo kaya ayokong mas lalo siyang mag-isip ng masama sa akin. Pagdating ko sa bahay nito ay isang maid ang nagbukas sa akin ng pintuan."Nasaan si Mommy? Nandito ba?" tanong ko sa maid na nagbukas sa akin ng pintuan."Nasa loob po ng silid niya, Ma'am Raina. May sakit si Ma'am Emilia kaya hindi soya makabangon," sagot sa akin ng maid.Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong dumiretso sa silid ng biyenan ko. Naabutan ko siyang pilit na inaabot ang tubig na nasa ibabaw ng maliit na mesang malapit sa kama. Agad ko siyang tinulungan na maabot ang tubig."Anong ginagawa mo rito sa bahay ko?" malamig ang boses na tanong sa akin ng biyenan ko. May sakit ito kaya mahina lamang at mabagal itong magsalita. Kung wala itong sakit ay natitiyak ko na nabingi na sana ako ng sermon sa kanya at baka ipinagtulakan niya ako palabas ng bahay
Raina"Flowers for the most beautiful lady in the world!" Naudlot ang pagbubukas ko ng pintuan sa aking sasakyan nang biglang may lalaking nagsalita sa gilid ko. Natatakpan ang mukha nito ng isang bouquet ng magagandang bulaklak. Ngunit kahit na hindi ko nakikita ang mukha nito ay alam ko na agad kung sino siya. Walang iba kundi ang ex-boyfriend. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong nangungulit sa akin na bigyan ko ng second chance kahit na alam naman niyang may asawa na ako.Lately ay nagiging stalker ko na si Greg. Tuwing lalabas ako sa pinagtatrabhuhan kong kompanya ay madalas siyang nakaabang sa akin sa labas at may dala na kung ano-anong regalo. Na palagi ko namang tinatanggihan. Ngunit ewan kung bakit tila hindi ito nagsasawa sa kakabuntot sa akin. Parang hindi ito napapagod.Kung noon nito ginawa ng palaging bumuntot sa akin at nagpakita na mahalaga ako sa kanya ay tiyak tuwang-tuwa ako. Ngunit ngayon na wala na akong pagmamahal sa kanya ay inis lamang ang nararamdaman ko s
RainaNaalimpungatan ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa aking pisngi. Agad kong naalala ang huling natatandaan ko na namgyari bago ako nawalan ng malay. Mr. Wang! hiyaw ko sa aking isip. Iniisip kp na siya ang humahaplos sa akin kaya bigla ako nagwala. "Bitiwan mo ako! Walang hiya ka! Monster!"Hinuli ko ang kamay na humahaplos sa mukha ko kanina at mariing kinagat."It's me, Evo. You're safe now, Raina."Napahinto ako sa pagkagat nang marinig ko ang boses ng taong nagsalita na walang iba kundi si Evo. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko si Evo na nakangiwi ang hitsura habang kagat ko pa ang kanyang kamay. Agad kong binitiwan ang kamay niya nang masiguro kong siya nga ang aking nakikita."Anong nangyari? Nasaan ako? Nasaan ang walang hiyang matandang iyon?" sunud-sunod kong tanong kay Evo. Bumangon ako sa kama at naupo pagkatapos ay nagpapanic na sinuri ang katawan ko kung nagtagumpay ba ang matandang iyon sa nais nitong gawin sa akin."Calm down, okay? Wal
EvoMalakas na sinipa ko ang pintuan kung saan naroon si Raina at Mr. Wang. Biglang nagdilim ang paningin ko nang makita kong nakahubad ang pang-itaas na damit ng ni Mr. Wang at inuumpisahan nitong hubaran ng pang-itaas na damit ang walang malay kong asawa na nakahiga sa ibabaw ng kama."You're a shameless beast!!!" galit na sigaw ko. Pagkatapos ay dinaluhong ko si Mr. Wang at pinagsusuntok sa mukha. Sa tindi ng galit na nararamdaman ko sa kanya nang mga sandaling ito ay hindi na ako magtataka kung mapapatay ko siya."Stop it now, Evo! Hindi na gumagalaw si Mr. Wang. Baka mapatay mo pa siya," mariing awat sa akin ni Tom. Ngunit hindi ako tumigil sa pagsuntok at pagsipa sa taong nais lumaspatangan sa asawa ko. Napilitan sina Tom at Pit na pagtulungan akong awatin dahil baka tuluyan kong mapatay si Mr. Wang."Wala nang malay si Mr. Wang, Boss. Dadalhin na namin siya sa presinto para masampahan ng kaso," sabi ni Pit sa akin nang sa wakas ay hinayaan ko sila na ilayo sa akin si Mr. Wang.