She’s trembling. Hindi matanggap ng utak at puso niya na magagawa ni Noah ang pumatay at pag-intresan ang mga negosyong pinaghirapan niya. Ito din ang nasa likod ng pananakot sa kanya. Ginago siya nito at pinagmukhang tanga.“Ano pa ang hinihintay ninyo. Hulihin na ninyo si Noah!” sigaw ni Kaye sa mga pulis.“Ma’am may proseso po tayong dapat sundin. Dadakipin po namin siya sa lalong madaling panahon. Huwag po kayong mag-alala,” anang hepe.Agad na inasikaso ng pulis ang warrant of arrest para hulihin si Noah. Inaalala niya ang mararamdaman ng anak kung sakaling mabalitaan nito ang pagdakip sa daddy nito. Kinausap niya ang mga pulis na sa bahay hulihin si Noah at huwag sa public place.Tulala siya. Madaming sinasabi si Kaye sa pulis ngunit hindi na niya naiintindihan. Tatawagan ba niya si Noah upang makatakas ito at makapaghanda? Hahayaan ba niya itong makulong? Galit at masama ang kanyang loob. Ngunit bakit mas lamang pag-aalala niya para sa lalaking bumalik upang sirain ang kanyang
Isang taon na mula ng mawala ng tuluyan si Noah sa kanyang buhay. She went into depression. But life must go on. Pinilit niyang maging matatag at mabuhay kasama ang anak. Para na lamang siyang robot. Gumagalaw ngunit walang pakiramdam. Manhid na siya at hindi na alam kung paano maging masaya. Napakadami na niyang pinagsisisihan sa buhay niya. She lost people she loved without letting them know how much she loved them. Time will heal her wounds. Sana.Ayaw niyang magpunta sa grand opening ng construction company ng kilalang pinakamayamang negosyante sa bansa ngunit kailangan dahil sa partnership nila dito. Magarbo ang okasyon. Napakaganda ng venue. Nag-uumpisa na ang party. Magpapakita lamang siya at iaabot ang regalo sa may-ari.May nakaagaw ng kanyang atensyon. Pamilyar ang lalaking kausap ni Don Antonio. Kamukhang kamukha ito ng lalaking pinakamamahal niya na isang taon ng patay.Wala sa sarili na naglakad siya palapit dito. Hinawakan niya ang braso ng lalaki. Hindi siya maaaring ma
Pumasok siya sa loob ng opisina ng lalaking kamukha ni Noah upang maglinis ng sahig. Malaki ang loob ng private office ng binata. Last year lang nagsimula ang hotel business ng mga Ruiz at mabilis itong napalago ng may-ari.Unti-unti siyang lumalapit sa lalaki na nakatutok sa laptop.“Noah, ako 'to, si Maddie,” bulong niya. Napapitlag ang lalaki.“Muntik na akong atakehin sa puso. Ano na naman ang ginagawa mo dito? Kapag hindi mo pa ako tinigilan, ipapapulis na kita.”“Makinig ka muna sa akin. Tignan mo ang lalaki sa larawan. Kamukha mo hindi ba?” Kinuha niya ang cellphone at ipinakita ang larawan ni Noah at Eli.“Stalker ka ba? Tumigil ka na.” Ni hindi nito tinignan ang cellphone niya.“Posibleng may amnesia ka kaya hindi mo ako naaalala ng makaligtas ka sa sunog. Ang sabi ng mga pulis ay wala ng natira kahit abo mo. Hindi ko nakita ang bangkay mo.”Wala kahit anong emosyon sa mukha ng binata. Hindi ito naniniwala sa mga sinasabi niya.“Parang awa mo na. Noah, nang nawala ka para na
Kinilala niya ang mga tao sa paligid ni Derrick Ruiz. Maging ang lahat ng activities nito ay inalam niya. She paid a big amount of money sa secretary nito. Aattend ito ng Bachelor’s party ni Lucas na ikakasal sa anak ng isang business tycoon ngayong gabi. Paano siya pupunta?Kailangan niyang makapunta upang makausap si Noah. Mula noon hanggang ngayon, he was her obsession. Ang daming nangyari at nabago ngunit si Noah pa din ang isinisigaw ng kanyang puso. Posible pala ang ganitong klase ng pag-ibig.Napaka-intimate ng party. Puro kaibigang lalaki lamang ni Lucas ang nandoon. Pinalitan niya ang isa sa mga dancer. Marunong naman siyang sumayaw ng ballet noong bata pa siya. Ngunit hindi ng strip dancing. Anong malay niya sa pagsasayaw upang mang-akit ng lalaki. Inaral pa niya ito kagabi. Maganda ang kanyang katawan at tiwala sa sarili ang mga kailangan upang maisagawa niya ang pagsasayaw sa harap ng mga kalalakihan.Nakamaskara naman kaya lakas ang loob na umindayog siya sa saliw ng maha
Itinaas nila ni Oliver ang kamay. Nilapitan sila ni Derrick. Huminto ito sa tapat niya. Nakamaskara pa nga pala siya. Inalis nito ang takip sa kanyang mukha.“Talagang ayaw mo akong tigilan ah. Ngayon, alam ko na ang plano mo. Nakikikipaglapit ka sa mga mayayamang lalaki at pagkatapos ay kikidnapin mo para kumita ng pera. Gusto mong i-salvage ko kayo ng kasama mo?”“Derrick, huminahon ka. Hindi kailangan ng dahas. Hindi mo naiintindihan. Itong kasama ko si Oliver, kaibigan mo siya.”Tumango si Oliver. “Magbestfriend tayo, Noah. Hindi mo ba ako nakikilala?”“Ilang beses ko bang kailangang sabihin na hindi ako si Noah. Napakakulit mong babae ka.” Hawak nito ang kanyang leeg.“Kamukha mo siya. Pati ang amoy ninyo magkatulad. Ang iyong halik. Lahat! Ikaw si Noah. Baka nagka-amnesia ka kaya wala kang maalala,” aniya.“Kapag hindi ka pa tumigil, ipapapulis kita, kayong dalawa. Huling paglapit mo na sa akin.” Dinuro siya ng lalaki.Napilitan siyang tumango. Gagawin niya ang lahat upang maala
“Tiyak na maiinggit ka lalo dahil napakagawapo ng asawa ko.” Nakakapit si Emaline sa braso ng lalaki. Proud na proud ito.“Derrick Ruiz?” ulit ni Kaye. Nanlalaki ang mata nito at napatingin sa kinaroroonan ni Maddie. Tinalikuran nito ang pinsan.Napansin ni Maddie na halos tumakbo ang kaibigan palapit sa kanya. “Nakikita mo ba ‘yung lalaking nakatayo malapit sa chocolate fountain? ‘Yung matangkad na naka-blue polo shirt.”Alam niyang si Derrick ang tinutukoy nito ngunit patay malisya siya. Tsaka na niya ipagsasabi sa iba kapag natiyak niyang si Noah nga ito. “Sino? Ang daming nakatayong lalaki doon. Kilala ko ba ang lalaking sinasabi mo?”“Kahawig siya ni Noah. Kamukha talaga maliban sa buhok at peklat sa kilay. Asawa daw siya ng pinsan ko na nakatira dati sa probinsya.”“Oh, may asawa na pala. Kung wala sana, pwede kong ipalit kay Noah,” biro niya.Muli niyang sinuyod ang umpok ng tao sa itinuturo ni Kaye ngunit wala na doon si Derrick.“Pinsan? Sinong pinsan? Anong pangalan?”“Emali
Hindi niya inaasahan ang bisita sa opisina kinabukasan na si Edgardo Natividad, ang daddy ni Noah na umagaw ng kumpanya dito. Napag-alaman niya na nalulong na ito sa sugal at madaming tinatakasang utang.Pormal ang kanyang anyo. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya at kay Noah. Hindi siya makapaniwalang may ama na magagawang saktan ang sariling anak kapalit ng pera.“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Patay na ang anak ko mahigit isang taon na at magsisi man ako sa ginawa ko ay huli na ang lahat. Ibebenta ko ang Natividad Hotel Group at ikaw ang una kong naisip na alukin.”“Palugi na ang negosyo ninyo mula ng hinawakan ninyo. I guess wala talagang nagtatagumpay kapag sa masama galing. Totoo ang karma para sa masasamang tao.”“Hindi ako nagpunta dito para sa pangaral mo. At hindi ako tinatablan ng mga sinasabi mo. Pera ang kailangan ko ngayon. Ikaw ang inalok kong una para sa alaala ng yumaong anak ko. Kung ayaw mo naman ay iaalok
“Derrick? Anong ginagawa mo dito?” Hinila niya ang binata palayo sa kinaroroonan ng anak. Nagkubli sila sa mayabong na puno ng mangga. Baka maguluhan ang bata kapag nakita ito tapos ay hindi naman pala ito ang kanyang ama.“Sinusundan kita dahil gusto kong malaman ang pakay mo sa paglapit sa akin.”“Umalis ka na at baka makita ka pa ng anak ko.” Itinulak niya ito. Kinabig siya ng binata at hinalikan sa labi. Mariin at puno ng pananabik. Napakapit siya sa batok nito. Gusto pa niya ngunit binitawan na siya nito at humakbang palayo.Hawak pa din niya ang labi at hindi makapaniwala sa ginawa ng binata.Tinawag na niya si Eli. Nagpabili ito ng meryenda para sa mga batang nakilala sa palaruan. Dumating sila sa mansion. Nagpunta na si Eli sa study room para sa tutorial nito. Nakaabang ang kanyang ina. Mukhang may kailangan na naman ito.“Maddie, please free your time tonight. May ipapakilala ako sa’yo. Gwapo at matalino. Galing sa respetadong pamilya.Ngumiti lamang siya. “Please lang po. Ay