Magiging unfair kung pinatawad na niya si Kaye at si Caleb ay hindi. She decided to forgive and hopefully forget. Nagsulat siya ng mahabang liham para kay Caleb. Sinabi niya ang lahat ng kanyang saloobin. Samantalang magdamag silang nag-usap ni Kaye. Bilang kaibigan ay naging napakabuti ng dalawa sa kanya. Pinili niyang magpatawad at maging masaya para sa dalawa. She wished them well. Medyo na-late siya ng pasok. Pagdating sa Villa Natividad ay agad siyang lumapit kay Noah. Magpapaalam siya dito. Kailangan niya ng bakasyon at ng oras para kay Eli. “Boss, hihingi lang po ako ng one week leave. May importanteng bagay lang akong kailangang ayusin.” Ibinaba nito ang mga papel na hawak. “You’re late at ‘yan ang bungad mo? “I’m sorry. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Please grant my leave.” “Unang beses mong humingi ng leave. Ganoon ka ba ka-heartbroken para kailanganin ang bakasyon?” “Ikaw na ang nagsabi, unang beses kaya sana naman ay payagan mo ako.” “Napakahaba ng one week.
Nang makatulog si Eli ay inabutan siya ni Noah ang beer in can. Noong magkasama pa sila ay madalas silang uminom bago magsiping. Pampagana. Mag-uusap at maglalandian bago mauwi sa maalab na pagtatalik.Biglang nabalutan ng excitement ang kanyang katawan. Hudyat ba ito na may magandang mangyayari ngayong gabi? Hindi siya tututol. Matagal na panahon na din naman ng huli silang magtalik.At hind nga siya nagkamali. Ninanakawan na siya ng halik nito. Panay na din ang haplos nito sa kanyang hita. Bago maubos ang isang beer ay bumulong ito. “Tara sa loob ng kotse.”“Ha? Sa tent na lang,” aniya.“Baka magising si Eli, natutulog na sa tent.”“Eh sa sasakyan, baka umuga. May makapansin.”“Hindi ‘yan. Matibay ‘tong Range Rover.”“Sige pero mabilis lang at baka magising si Eli at hanapin tayo.”Nakangiting tumango ang binata. Pumasok sila sa loob ng kotse. Parehas ilang sabik sa sa isa’t isa. Intense ang torrid kissing nila. Nag-espadahan ang kanilang mga dila. Naghubad ng t-shirt ang binata. Na
Life had never been easy for her. But she’s at peace now. Hindi na siya tumakas o lumayo. Wala siyang ginawang masama para magtago sa kahit na sino. She lived a normal life with Eli. Ipinaliwanag niya sa anak ang buong katotohanan. Matalinong bata si Eli, madaling makaunawa. Hindi niya alam ang epekto nito sa paglaki ng bata pero sisiguraduhin niya na mabibigyan niya ng pagmamahal at atensyon ang anak. Tatayo siyang ina at ama para dito. Kung hindi siya magiging sapat at gugustuhin ni Eli na makita si Noah, hindi siya tututol.Inabot ng secretary niya ang ilang folders para sa final interview ng applicants sa Sky-High Hotels. Nasa Indonesia si Caleb para sa opening ng bagong hotel branch nila kaya kahit ipinaubaya na niya ang pamamahala dito ay wala siyang choice kundi palitan muna ito habang wala ng isang linggo.Magagaling ang mga naunang aplikante para sa Marketing Manager position. Mukhang mahihirapan siyang pumili. Tumayo muna siya at uminom ng tubig bago kausapin ang huling apli
Kinabukasan ay nagpost ng pictures nila si Ivan at naka-tag siya. She accepted it. Madaming likes and comments. As usual may mga Marites sigurong nag-share sa group chat ng company nila na hindi siya included. Balak na nga niyang i-hack ng GC at tanggalin sa kumpanya ang mga tsismosa. Pero naisip niya na baka maubos ang empleyado niya kapag ginawa niya iyon.Nasa sasakyan na siya at ihahatid si Eli nang bigla itong nagtanong. “Mommy, sino po ito?”Alam na niyang nakita nito ang post na naka-tag siya. Hindi niya naitago dito ang post.“Kaibigan lang ni mommy ang lalaking ‘yan.”Sinilip niya sa mirror ang anak na nasa likuran ng sasakyan. Hindi ito kumibo.“Ayaw mo ba na nakikipagkaibigan si mommy mo sa iba?”“Mommy, kung saan ka po masaya, happy na din po ako.” Alam niyang hindi totoo ang sinabi nito dahil nakatingin ito sa labas ng bintata ng sasakyan at kita niya ang lungkot sa mga mata ng anak. Hindi pa ito handa kung sakaling magkakaroon siya ng bagong relasyon. Anyway, masaya nama
Bumaba si Kaye sa kanyang kwarto kaya nakakita siya ng pagkakataong kausapin ito. Hindi naman niya ito sisitahin. Kukumustahin at papaalalahanan lang.“Kaye, kumusta? Sa isang bahay at kumpanya tayo parehas, ang dalang nating magkita.”Ngumiti ito sa kanya. “Oo nga. Busy sa work.”“Kumusta na kayo ni Caleb?”“Okay naman kami. Magkaibigan na higit sa magkaibigan. Hindi ko na din alam kung ano ang estado ng relasyon namin.”“Aba, tanungin mo siya. Mahirap ang one-sided love. Alam na alam ko ‘yan.”“Tama ka dapat ko na nga siyang kausapin. Mahirap umasa at maghintay sa wala. One of these days ay kailangan naming mag-usap ng puso sa puso.”“Kaye, you are a wonderful person. You deserve to be loved. Huwag mong kakalimutan ‘yan.”Muling sumilay ang ngiti sa maamong mukha ng kaibigan.“Isa pa nga pala. Tatapatin na kita, may nakakita sa inyo ni Caleb na may ginagawa sa storage room. Huwag na sanang maulit.”Pinamulahan ng mukha ang kaibigan. Napayuko ito ng ulo. “I’m sorry. Si Caleb kasi mak
Inalis niya ang isipin na magagawa ni Noah ang ganoong klase ng krimen. Nasa sasakyan na sila ay patuloy pa din si Kaye sa pagsasalita. Gusto sana niyang awatin ito dahil kasama nila sa sasakyan si Ivan. Hindi ito pamilyar sa buhay nila. Baka matakot ito.“Maddie, kung ako sa’yo papaimbestigahan ko si Noah. Kilala mo ang lalaking ‘iyon. Mula noong una puro sama ng loob ang ibinibigay sa’yo. Noong nabubuhay pa si Caleb ay nag-aalala kami sa ginawa mong pagtanggap sa kanya sa Sky-High Hotels.”“Sana naman ay mali ang hinala mo. Kilala ko si Noah. Hindi niya magagawang pumatay.”“Nagbabago ang tao. Look at his situation. Desperado siya na makabawi sa buhay na nawala sa kanya. Desperate people will do anything to get what they want. Walang kaaway si Caleb. Siya lang ang may motibo.”May punto si Kaye. Walang magandang gawin kundi ang hintayin ang imbestigasyon.“Magbabayad ang kung sino man ang may sala sa pagkamatay ni Caleb. Titiyakin ko ‘yan,” aniya.She felt miserable. Madami siyang g
Sumakit ang ulo niya ng matapos ang meeting. Ang lahat ay sinisisi si Caleb. Paano pa niya matatanong ang taong punanaw na. At bilang respeto dito ay hindi na niya magawang magalit. She asked some people to resign, ang mga co-signatories ni Caleb sa mga illegal transactions.Naramdaman niya ang kamay ni Noah na minamasahe ang kanyang sentido. Hinayaan na lamang niya ito. Hindi niya alam kung paano makakarecover ang Sky-High Hotels. Ang daming problema na itinago ni Caleb sa kanya.Ipinagtimpla siya ng black coffee ng binata at may puto leche flan din. Mukhang nagpapalakas ito sa kanya.“Kumain ka muna, pampabawas ng stress.” Sinubuan siya nito ng puto na kinagat naman niya.“Do you think, may pag-asa pa na makabangon ang kumpanya?”“Oo, akong bahala. Pagtulungan natin. Walang impossible sa teamwork natin.”Dumating ang mga pulis kasama si Kaye.“Mr. Noah Natividad, iniimbitahan po namin kayo sa presinto. May ilang katanungan lamang kami.”“Teka, at bakit ako sasama sa inyo? Wala akong
Naglalaro sila ni Eli sa kwarto nito. Tinawag siya ng kasambahay. May bisita daw. Dumating na siguro si Ivan. Pagbaba niya ay natanaw niya si Noah na kausap ang mommy niya. At ano ang sadya nito.“Hello, Maddie.”“Oh, bakit ka nandito? May problema ba?” Kasunod pala niya ang anak at tumakbo palapit sa ama.“Yehey! Dito ka po ba matutulog daddy? Bati na po kayo?”Kinarga ni Noah ang anak. Bakit parang naiiyak siya sa tagpong iyon? Bakas sa mukha ng mga ito ang kaligayahan na hindi nabibili ng salapi. That moment was priceless. And it her choice if she wanted to see it every day.“Dumaan lang ako saglit, Eli. Para kumustahin ka at ang mommy mo.”“Okay naman po kami. Daddy, dito ka na lang tumira, please.” Pinupog ng halik ni Noah ang anak. Napahagikgik ang bata.Wala pang ilang minuto ay natanaw niya si Ivan, nagsabi ito na dadalaw sa kanya. Ilang beses na niya itong tinatanggihan kaya nahiya na siya at pumayag ng makipagkita ngayon.“Magandang gabi po,” magalang na bati ni Ivan. May da
Ilang linggo ang lumipas at tuluyan ng gumaling si Noah. Nagkabati na ito at ang ama. Dumalaw din si Justin at nakipag-ayos sa binata. Inamin nito ang lahat ng kasalanan at humingi ng tawad. Ang kanyang mommy naman ay nakarecover na din. Hindi ito kasabwat nila Kaye at Don Arturo. Nakikipagtagpo ito sa kanyang stepfather upang makiusap na tigilan na ang panggugulo. Inatake sa puso si Don Arturo ng mabalitaan ang nangyari kay Kaye. Nagpadala pa din siya ng bulaklak at tulong pinansyal para dito. Inalis niya ang anumang galit sa dibdib para sa kapayapaan ng kanyang isip.Nagbalik na si Noah sa Hotel Natividad Group at at muli itong namamayagpag sa industriya. Patuloy din na nangunguna ang Tech Systems at Sky-High Hotels. Tunay na may katapusan ang anumang pagsubok sa buhay. Basta maging matatag sa bawat problem at walang tinatapakan o sinasaktang ibang tao. Siguradong matatamo ang kapayapaan at kaligayahan.Nagpapahangin siya garden ng beach house nila sa Pangasinan. Nag-staycation sila
Isinugod sa pinakamalapit na ospital si Noah. Malapit sa puso nito ang tama ng baril. Nasa bingit na naman ito ng kamatayan dahil sa kanya. Dinala ito sa operating room. Napasandal siya sa pader. Duguan ang kanyang kamay at damit. Patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Abot-abot ang dasal niya na mailigtas ang lalaking pinakamamahal. Habambuhay niyang sisisihin ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda dito.Hindi niya kaya kung mawawala itong muli. Ilang oras tumagal ang operasyon bago lumabas ang dalawang duktor na nag-aasikaso sa binata.“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Tapos na po ang operasyon ngunit nasa kritikal pa din pong kalagayan ang pasyente. Ililipat na po siya sa ICU.”Kahit paano ay nabawasan ang kanyang pangamba. Dumating si Oliver. Kasama nito ang ama ni Noah na hindi makatingin sa kanya ng deretso.“Maddie, kumusta si Noah?” anang daddy ni Noah. Sumilip ito sa bintanang salamin. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda.“Ililipat na po siya sa ICU.
Binuhusan siya ng isang basong tubig sa mukha ni Emaline!“Ayun, nagising ka din! Are you shocked?”“Emaline, wala akong kasalanan sa’yo! Sa inyong magpinsan!”“Malaking kasalanan na isinilang kang may gitnong kutsara sa bibig sa mga inggiterang kagaya namin!” Humalakhak ito.“Nasaan si Kaye? Nasaan ang anak ko? Huwag ninyong idamay ang walang muwang na bata sa kawalanghiyaan ninyo.”“Busy ang pinsan ko kaya pinababantayan ka sa akin.”“Pakawalan mo ako dito, Emaline. Ituro mo kung nasaan ang anak ko. Ibibigay ko ang anumang gusto mo.”“Hay, masakit na hindi ako natutunang mahalin ni Derrick dahil sa’yo! Kundi pa ako sinabihan ni Kaye ay hindi ko malalaman ang panggamit niya sa akin para makapaghiganti sa pinsan ko. Pinaikot niya ako. Well, oras na ng paniningil.”“Wala akong ginawang masama sa’yo.”“Nakalimutan mo na ba na pinaikot mo din ako sa palad mo at kunwaring nakipagkaibigan sa akin?”“Hindi ko sinasadya.”“Ay ganoon? Hindi ko din sinasadya na kidnapin ka ngayon!”“Nasaan si
“Maddie, wala akong ibang babaeng mahal kundi ikaw. Noon at ngayon. Ikaw ang nag-iisang laman ng puso ko.”Napatitig siya sa binata. Hindi siya makapaniwala sa nadinig. Gustong magdiwang ng kanyang puso ngunit hindi na siya basta maniniwala dito.“Look, hindi mo kailangang magsinungaling dahil lang may nangyari sa atin.” Pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang naganap kagabi.“Hindi ako nagsisinungaling. Mahal kita Maddie.” Lumapit ang binata sa kanya. Itinaas nito ang kanyang mukha.“Kung mahal mo ako, bakit ka lumayo at nagpanggap na ibang tao? Dumating pa sa punto na nagpakasal ka. I just don’t get it. Kung mahal mo ako. Sana bumalik ka agad sa amin ni Eli.”“Dahil kilala ko ang taong nasa likod ng lahat ng kawalanghiyaan sa kumpanya mo.”“Nahuli na si Don Arturo. Mabubulok na siya sa bilangguan.”“Maddie, may anak si Don Arturo na siyang mastermind ng lahat.”Kumunot ang kanyang noo. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng binata. Para sa kanya ay tapos ang ang kaguluhan.“M
Si Don Arturo Santiago ang mastermind ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay at kumpanya niya! Pinatikim niya ito ng mag-asawang sampal. Sagad hanggang buto ang kasamaan ng matanda. Hindi niya ito mapapatawad. Agad siyang tumawag ng pulis. Nakaposas ito ng dalahin sa presinto. Biglang nawalang parang bula si Noah.Nakulong na ang matanda dati ngunit dahil wala daw sapat na edibensya ay ilang taon lang ito nanatili sa bilangguan. Sisiguraduhin niya ngayon na mabubulok sa kulungan ang kanyang stepfather. Walang kapatawaran ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kanyang kumpanya at pamilya.Nagbigay siya ng pahayag sa presinto. Nakakulong na si Don Arturo. Mangangalap pa ang mga pulis ng matibay na ebidensya laban sa patong patong na kasong kinakaharap nito.Bumalik siya sa ospital upang bantayan ang ina. Naging mas malala ang lagay nito at nagkaroon daw ng mild stroke sabi ng duktor. Hindi ito makapagsalita at hindi maigalaw ang ibabang bahagi ng katawan.Labis ang kanyang pagod. Wala
Sa pagkataranta ay tinawagan niya si Derrick na nasaksak si Oliver. Huli na bago niya maisip na hindi niya ito dapat tinawagan. Agad naman itong nagpunta sa ospital. Nagkagulatan sila. Parehas silang hindi kumibo ng magtagpo. Alam na nila na alam na ng isa’t isa ang pagtatago ng lihim na identity ni Noah. Ngunit hindi siya nagtanong. Sapat na sa kanya na buhay ito.Mabuti na lamang at hindi masama ang tama ni Oliver. Kung may nangyaring masama dito ay sisisihin na naman niya ang sarili. May umagaw daw ng report na hawak nito. Makakahingi naman sila uli ng kopya kung hindi pa natutunton ng suspect ang asset ni Oliver.“Uuwi na ako. Ikaw na muna ang bahala kay Oliver. Sagot ko lahat ng gastos niya o kung anuman ang kailangan,” sabi niya kay Noah.Tumayo si Noah. “Mag-usap tayo.”“Wala tayong dapat pag-usapan. Pinili mong ilihim na buhay ka pa. Natitiyak kong may matindi kang dahilan para gawin ang bagay na ‘yan. Hindi mo kailangang magpaliwanag.” Tila may bara ang kanyang lalamunan.Mas
Patuloy siyang nakikinig mula sa wiretapping device.“Bakit hindi mo na lang balikan ang girlfriend mo? Or humanap ng bagong makakarelasyon,” boses ni Derrick. Alam nito na lesbian si Emaline.“Ikaw ang gusto ko. Subukan natin. Baka magwork kapag naging tayo.”“Susundin natin ang kasulatan. Magkaibigan lang tayo at magkasama tayo dahil sa benepisyong hatid ng kasal natin. May mahal akong iba at walang makakapagpabago ng damdamin ko. Maliwanag ba?”“Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba! Tandaan mo ‘yan! Walang maghihiwalay next year! Ipapapatay ko ang babae mo!” hiyaw nito.Wala na siyang nadinig na pag-uusap. Malamang ay pumasok na sila Derrick at Emaline sa loob ng bahay. Nakahiga na siya sa kanyang kama ngunit hindi siya dalawin ng antok. Iniisip niya ang bagong karibal sa puso ni Noah. Malungkot siya sa natuklasan ngunit ang importante na lamang ay buhay ang binata. At kung anuman ang dahilan nito kaya nagpalit ng identity ay ayaw na niyang alamin. Posible na gusto nitong lumayo s
Kumurap siya ng ilang beses. Si Derrick nga talaga ang lalaking kausap ni Oliver. Kung magkaibigan sina Oliver at Derrick. Ibig sabihin ay naaalala ni Derrick kung sino siya. Pinigil niya ang sariling kumprontahin ang dalawang lalaki. May dahilan kung bakit inilihim ni Noah ang kanyang pagkakakilanlan. Na kanyang aalamin. Gustong sumama ng kanyang loob sa ginawa nito ngunit mas lamang ang kaligayahan na buhay ito. Pero bakit kailangan nitong magpakasal kay Emaline? Umatras siya at natumba ang isang paso sa gilid. Napapikit siya ng lumabas si Oliver.“Ms. Maddie. Ano po ang maipaglilingkod ko sa’yo?” Binuksan nito ang gate. Wala na si Noah. Nakapagtago na ito.“Busy ka ba? Hindi na ako nakatawag. May gusto sana akong paimbestigahan.”Pinupo siya nito sa sala. “Kumain na po ba kayo? Tinapay? Juice?”“I’m good. Thanks.” Pinigil niya ang sariling magtanong kung bakit nagsinungaling ito sa kanya tungkol kay Noah. Pinagmukha siyang tanga ngunit nauunawaan niya.“Gusto ko sanang paimbestigah
“Ms. Emaline, bakit kami mag-uusap tungkol sa sex? May asawa si Mr. Ruiz at ikaw ‘yon. At ako naman ay may boyfriend na malapit na ding magpakasal.”“I’m sorry, Ms. Maddison. Nagkamali ako ng dinig. Sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko ay nagiging paranoid na ako.”“No worries. Normal sa ating mga babae ang magselos.” Ngumiti siya sa babaeng kaharap kahit pa gusto na niyang hilahin ang buhok nito. Sumakay na siya sa kanyang kotse.“Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” Nasa loob na ng sasakyan sina Noah at Emaline.“Ikaw ang dapat kong tanungin, mukhang tama ang hinala ko na type mo si Ms. Maddison.”“Emaline, stop that nonsense. I’m interested with the business she’s offering. Alam mo kung gaano ka-importante ang koneksyon sa negosyo natin kaya ako makikipagpartner sa kanya.”“Siguraduhin mo lang Derrick. Akin ka.”“Wala sa kasunduan natin ang ganyang usapan. Parehas nating alam na naggagamitan lamang tayo.”“Sabi ko naman sa’yo, gusto kita! Gustuhin mo din ako!”“Tatapatin na kita. Ma