Life had never been easy for her. But she’s at peace now. Hindi na siya tumakas o lumayo. Wala siyang ginawang masama para magtago sa kahit na sino. She lived a normal life with Eli. Ipinaliwanag niya sa anak ang buong katotohanan. Matalinong bata si Eli, madaling makaunawa. Hindi niya alam ang epekto nito sa paglaki ng bata pero sisiguraduhin niya na mabibigyan niya ng pagmamahal at atensyon ang anak. Tatayo siyang ina at ama para dito. Kung hindi siya magiging sapat at gugustuhin ni Eli na makita si Noah, hindi siya tututol.Inabot ng secretary niya ang ilang folders para sa final interview ng applicants sa Sky-High Hotels. Nasa Indonesia si Caleb para sa opening ng bagong hotel branch nila kaya kahit ipinaubaya na niya ang pamamahala dito ay wala siyang choice kundi palitan muna ito habang wala ng isang linggo.Magagaling ang mga naunang aplikante para sa Marketing Manager position. Mukhang mahihirapan siyang pumili. Tumayo muna siya at uminom ng tubig bago kausapin ang huling apli
Kinabukasan ay nagpost ng pictures nila si Ivan at naka-tag siya. She accepted it. Madaming likes and comments. As usual may mga Marites sigurong nag-share sa group chat ng company nila na hindi siya included. Balak na nga niyang i-hack ng GC at tanggalin sa kumpanya ang mga tsismosa. Pero naisip niya na baka maubos ang empleyado niya kapag ginawa niya iyon.Nasa sasakyan na siya at ihahatid si Eli nang bigla itong nagtanong. “Mommy, sino po ito?”Alam na niyang nakita nito ang post na naka-tag siya. Hindi niya naitago dito ang post.“Kaibigan lang ni mommy ang lalaking ‘yan.”Sinilip niya sa mirror ang anak na nasa likuran ng sasakyan. Hindi ito kumibo.“Ayaw mo ba na nakikipagkaibigan si mommy mo sa iba?”“Mommy, kung saan ka po masaya, happy na din po ako.” Alam niyang hindi totoo ang sinabi nito dahil nakatingin ito sa labas ng bintata ng sasakyan at kita niya ang lungkot sa mga mata ng anak. Hindi pa ito handa kung sakaling magkakaroon siya ng bagong relasyon. Anyway, masaya nama
Bumaba si Kaye sa kanyang kwarto kaya nakakita siya ng pagkakataong kausapin ito. Hindi naman niya ito sisitahin. Kukumustahin at papaalalahanan lang.“Kaye, kumusta? Sa isang bahay at kumpanya tayo parehas, ang dalang nating magkita.”Ngumiti ito sa kanya. “Oo nga. Busy sa work.”“Kumusta na kayo ni Caleb?”“Okay naman kami. Magkaibigan na higit sa magkaibigan. Hindi ko na din alam kung ano ang estado ng relasyon namin.”“Aba, tanungin mo siya. Mahirap ang one-sided love. Alam na alam ko ‘yan.”“Tama ka dapat ko na nga siyang kausapin. Mahirap umasa at maghintay sa wala. One of these days ay kailangan naming mag-usap ng puso sa puso.”“Kaye, you are a wonderful person. You deserve to be loved. Huwag mong kakalimutan ‘yan.”Muling sumilay ang ngiti sa maamong mukha ng kaibigan.“Isa pa nga pala. Tatapatin na kita, may nakakita sa inyo ni Caleb na may ginagawa sa storage room. Huwag na sanang maulit.”Pinamulahan ng mukha ang kaibigan. Napayuko ito ng ulo. “I’m sorry. Si Caleb kasi mak
Inalis niya ang isipin na magagawa ni Noah ang ganoong klase ng krimen. Nasa sasakyan na sila ay patuloy pa din si Kaye sa pagsasalita. Gusto sana niyang awatin ito dahil kasama nila sa sasakyan si Ivan. Hindi ito pamilyar sa buhay nila. Baka matakot ito.“Maddie, kung ako sa’yo papaimbestigahan ko si Noah. Kilala mo ang lalaking ‘iyon. Mula noong una puro sama ng loob ang ibinibigay sa’yo. Noong nabubuhay pa si Caleb ay nag-aalala kami sa ginawa mong pagtanggap sa kanya sa Sky-High Hotels.”“Sana naman ay mali ang hinala mo. Kilala ko si Noah. Hindi niya magagawang pumatay.”“Nagbabago ang tao. Look at his situation. Desperado siya na makabawi sa buhay na nawala sa kanya. Desperate people will do anything to get what they want. Walang kaaway si Caleb. Siya lang ang may motibo.”May punto si Kaye. Walang magandang gawin kundi ang hintayin ang imbestigasyon.“Magbabayad ang kung sino man ang may sala sa pagkamatay ni Caleb. Titiyakin ko ‘yan,” aniya.She felt miserable. Madami siyang g
Sumakit ang ulo niya ng matapos ang meeting. Ang lahat ay sinisisi si Caleb. Paano pa niya matatanong ang taong punanaw na. At bilang respeto dito ay hindi na niya magawang magalit. She asked some people to resign, ang mga co-signatories ni Caleb sa mga illegal transactions.Naramdaman niya ang kamay ni Noah na minamasahe ang kanyang sentido. Hinayaan na lamang niya ito. Hindi niya alam kung paano makakarecover ang Sky-High Hotels. Ang daming problema na itinago ni Caleb sa kanya.Ipinagtimpla siya ng black coffee ng binata at may puto leche flan din. Mukhang nagpapalakas ito sa kanya.“Kumain ka muna, pampabawas ng stress.” Sinubuan siya nito ng puto na kinagat naman niya.“Do you think, may pag-asa pa na makabangon ang kumpanya?”“Oo, akong bahala. Pagtulungan natin. Walang impossible sa teamwork natin.”Dumating ang mga pulis kasama si Kaye.“Mr. Noah Natividad, iniimbitahan po namin kayo sa presinto. May ilang katanungan lamang kami.”“Teka, at bakit ako sasama sa inyo? Wala akong
Naglalaro sila ni Eli sa kwarto nito. Tinawag siya ng kasambahay. May bisita daw. Dumating na siguro si Ivan. Pagbaba niya ay natanaw niya si Noah na kausap ang mommy niya. At ano ang sadya nito.“Hello, Maddie.”“Oh, bakit ka nandito? May problema ba?” Kasunod pala niya ang anak at tumakbo palapit sa ama.“Yehey! Dito ka po ba matutulog daddy? Bati na po kayo?”Kinarga ni Noah ang anak. Bakit parang naiiyak siya sa tagpong iyon? Bakas sa mukha ng mga ito ang kaligayahan na hindi nabibili ng salapi. That moment was priceless. And it her choice if she wanted to see it every day.“Dumaan lang ako saglit, Eli. Para kumustahin ka at ang mommy mo.”“Okay naman po kami. Daddy, dito ka na lang tumira, please.” Pinupog ng halik ni Noah ang anak. Napahagikgik ang bata.Wala pang ilang minuto ay natanaw niya si Ivan, nagsabi ito na dadalaw sa kanya. Ilang beses na niya itong tinatanggihan kaya nahiya na siya at pumayag ng makipagkita ngayon.“Magandang gabi po,” magalang na bati ni Ivan. May da
She’s trembling. Hindi matanggap ng utak at puso niya na magagawa ni Noah ang pumatay at pag-intresan ang mga negosyong pinaghirapan niya. Ito din ang nasa likod ng pananakot sa kanya. Ginago siya nito at pinagmukhang tanga.“Ano pa ang hinihintay ninyo. Hulihin na ninyo si Noah!” sigaw ni Kaye sa mga pulis.“Ma’am may proseso po tayong dapat sundin. Dadakipin po namin siya sa lalong madaling panahon. Huwag po kayong mag-alala,” anang hepe.Agad na inasikaso ng pulis ang warrant of arrest para hulihin si Noah. Inaalala niya ang mararamdaman ng anak kung sakaling mabalitaan nito ang pagdakip sa daddy nito. Kinausap niya ang mga pulis na sa bahay hulihin si Noah at huwag sa public place.Tulala siya. Madaming sinasabi si Kaye sa pulis ngunit hindi na niya naiintindihan. Tatawagan ba niya si Noah upang makatakas ito at makapaghanda? Hahayaan ba niya itong makulong? Galit at masama ang kanyang loob. Ngunit bakit mas lamang pag-aalala niya para sa lalaking bumalik upang sirain ang kanyang
Isang taon na mula ng mawala ng tuluyan si Noah sa kanyang buhay. She went into depression. But life must go on. Pinilit niyang maging matatag at mabuhay kasama ang anak. Para na lamang siyang robot. Gumagalaw ngunit walang pakiramdam. Manhid na siya at hindi na alam kung paano maging masaya. Napakadami na niyang pinagsisisihan sa buhay niya. She lost people she loved without letting them know how much she loved them. Time will heal her wounds. Sana.Ayaw niyang magpunta sa grand opening ng construction company ng kilalang pinakamayamang negosyante sa bansa ngunit kailangan dahil sa partnership nila dito. Magarbo ang okasyon. Napakaganda ng venue. Nag-uumpisa na ang party. Magpapakita lamang siya at iaabot ang regalo sa may-ari.May nakaagaw ng kanyang atensyon. Pamilyar ang lalaking kausap ni Don Antonio. Kamukhang kamukha ito ng lalaking pinakamamahal niya na isang taon ng patay.Wala sa sarili na naglakad siya palapit dito. Hinawakan niya ang braso ng lalaki. Hindi siya maaaring ma