Naiinis siya sa sarili. Para siyang teenager. Sobrang attracted siya kay Noah sa hindi maipaliwanag na dahilan. Madami din namang nanligaw sa kanya na mga gwapo din ngunit iba ang karisma nito. He’s more than just a pretty face and a muscular body. He’s smart and authoritative. No one can say no to him. She’s matured now to accept that they were not meant to be together. Hindi na siya obsessed kagaya noon. “Isang sasakyan na lang ang gamitin natin. Ipapakuha ko na lang sa driver bukas ang sasakyan ko.” “Bakit? May problema ba ang kotse mo?” kunot ang noong tanong niya. “Hmmm. Pagod na tayong parehas. Magsalitan tayo sa pagdrive para pwede tayong makatulog habang nasa byahe. Four-five hours ang byahe kung walang trapik.” “Okay.” Pumayag na siya dahil sa totoo lang ay pagod na siya. Inabot niya ang susi ng sasakyan sa binata. Muli siyang napasulyap sa n*******d pang-itaas na magiging driver niya. Magiging maganda ang tanawin. Why not? Pagpasok nila sa loob ng sasakyan ay umulan ng m
Caleb looked desperate. Sa totoo lang ay naawa siya dito bilang kaibigan. Ngunit wala na siyang planong makipagbalikan pa dito. She realized that she can be alone and happy with her son. Ayaw na muna niyang dagdagan ang sakit ng ulo. She’s unlucky in love. Tatangapin na lamang niya ang katotohanang iyon. “Leave her alone,” sabi ni Noah sabay tulak sa dibdib ng lalaki. “You, leave her alone. Huwag mong samantalahin na may problema kami. Para muling mapalapit kay Maddie.” Pinahid ni Noah ang dugo sa bibig mula sa suntok nito. “Nagpaubaya ako ng nagdesisyon kayong magpakasal. Pero anong ginagawa mo? Ang sabi mo alagaan mo ang mag-ina ko?” “Huh! Look who’s talking?! Nakahanap ka na naman ng pagkakataon para bilugin ang ulo ni Maddie. Pera ang habol mo, hindi ba?” “Ikaw anong habol mo sa kanya? At bakit galit ka ibang tao? Hindi ba dapat magalit ka sa sarili mo? Kasalanan mo kung bakit hindi matutuloy ang kasal ninyo.” Pumagitna si Maddie sa dalawang lalaking nagbabalak na namang mags
Dahil sa pangungulit ni Eli ay natulog silang tatlo na magkakasama sa iisang kwarto. Napapagitnaan nila ang anak. “Mommy, daddy, masaya po ako. Sana araw araw tayong tabi matulog.” “Palagi naman tayong tabi matulog ah.” “Mommy, iba po kapag parehas ko kayong kasama. Mas happy po kapag may mommy at daddy po ako.” Niyakap ni Noah ang anak. Abot ang kamay nito sa beywang niya na pasimple niyang tinanggal. Pinanlakihan niya ito ng mata ng masiguradong hindi nakatingin ang anak. Kinuha ni Eli ang kanilang mga kamay at pinaghawak. Wala siyang magawa. Magkakampi ang mag-ama. Nakatulog na si Eli. Bumangon siya upang lumipat sa sofa. Ngunit pinigilan siya ni Noah. “Saan ka pupunta?” bulong nito. “Sa sofa ako matutulog.” “Dito ka na lang. Paano kapag nagising si Eli at hinanap ka?” “Mahimbing matulog ‘yan. Hindi siya nagigising ng alanganing oras.” “Iba ngayon kasi kasama niya tayo. Baka isipin niya magkaaway tayo at magdulot ng emotional stress sa kanya.” “Ang dami mong alam, may na
Mag-isang kumakain ng breakfast ang ina. Wala siyang planong kausapin ito.“Maddison, salamat at binigyan mo ng pagkakataon si Jace. Magaling ang kapatid mo parang ikaw.”“Una at huling pagkakataon ang ibinigay ko sa kanya. Kapag nagkamali siya o may ginawa siyang anomalya, sa kulungan ang bagsak niya.”“Naiintindihan ko naman na nabigla ka at dumating kaming mag-ina sa buhay mo. Gusto ko lang uli linawin na wala kaming masamang balak sa pagdating namin.”“We’ll see. It’s hard to trust anyone these days. Ipinapaalam ko lang din para alam ninyo na dapat ninyong ingatan ang tiwalang ibinigay ko.”“In business, you have to trust first. Tiwala sa kasosyo mo sa negosyo, sa kliyente, sa empleyado, at higit sa lahat tiwala sa sarili mo. Wala kang choice kundi ang magtiwala. Kahit sa mga kasama mo sa bahay, mula sa security hanggang sa tutor ng anak mo, you trust them. Hindi mo sila kadugo. Bakit mo ipagkakait sa amin na tunay mong pamilya ang tiwala mo?”“Minsan mas mapagkakatiwalaan pa ang
She needed a black coffee to start her day. Dumaan muna sila sa pinakamalapit na coffee shop. Bumaba silang dalawa ni Jace only to be surprised dahil nakita nila ang isa pa daw niyang kapatid sa father side, si Chloe kasama si Justin. Of all men bakit si Justin pa? Hindi niya maiwasang mag-alala para sa babae, kapatid man niyang totoo o hindi.Lumapit si Chloe pagkakita sa kanila at nakipagbeso sa kanya at kay Jace.“Ate Maddie, this is Justin. I know kilala mo siya kasi dati siyang nagtatrabaho sa Natividad Hotel Group.” Tumango siya bilang tugon.“Jace, this is Justin.” Nagkamay ang dalawang lalaki.Dati? Ibig sabihin wala na itong kaugnayan sa kumpanya ni Noah. At mukhang nakakita ito ng bagong kakapitan.“Yeah, I know him too well,” makahulugang sabi niya.“Join us, ate.”“Saglit lang kami at papunta na sa opisina. Morning date?” nakangiti niyang tanong.“Sabay na kaming pupunta sa kumpanya. Magkasama kami sa trabaho.”“Sa kumpanya ninyo? Sa Inter Islands Hotels?” Tinutukoy niya a
“Noah, let’s not talk about us. Sa totoo lang napagod na ako pumasok sa isang relasyon. Gusto ko na lang munang mag-focus sa negosyo at sa anak ko. Dagdag problema lang kayong mga lalaki. Sakit kayo sa ulo.”“Grabe ka naman! Aminin mo, ibang saya naman ang dulot ng pagmamahal. Pero seryoso, nakahanda akong maghintay. Hayaan mo akong alagaan ka at si Eli.”Ang sarap sa tenga ng mga salitang binitawan nito. Sasagot sana siya ngunit may babaeng pumasok sa loob ng opisina.“Surprise!” sabi nito na todo ang ngiti. May dala itong take-out food mula sa kilalang restaurant. At ibang level ang bisita dahil may hawak itong keycard ng private office ni Noah. Keycards were only given to important people. So, importante ang babaeng ito. Uminit ang bumbunan niya. Panay ang bitaw ng mabubulaklak na salita pero eto at may bagong babae na naman.Napatingin siya kay Noah. Paasa talaga ito. Aalagaan daw siya pero eto at may bisita. Mas bata ito sa kanila. Makinis at kayumanggi ang balat nito, malayo sa
Bago sila bumangga sa poste ay inalis ni Noah ang sealtbealt upang iharang ang katawan sa katawan niya. He protected her just as he promised. Malakas ang impact ng pagbangga ng sasakyan. Nawalan ng malay si Noah. Tumama ang ulo nito sa windshield. Nahintakutan siya ng makita niya ang dugong umaagos sa ulo nito. Nakahimlay ito sa kanyang balikat. Hindi niya magalaw at baka lumala ang injury sa katawan nito.“Noah, gumising ka. Huwag mo kaming iiwan ni Eli.” Walang tigil ang luhang pumapatak sa mga mata niya habang naghihintay ng responde. Hindi niya matatanggap kung mawawala si Noah sa mga bisig niya. Dapat ay siya na lang ang nasa kalagayan nito.“I love you. I love you. I love you.” Tanging bulong sa tenga nito ang kaya niyang gawin.“I’m sorry. Nagsisinungaling ako sa’yo. Mahal na mahal pa din kita noon hanggang ngayon. Wala akong ibang minahal kundi ikaw.” Hindi maampat ang luha sa kanyang mga mata. Hinahalikan niya ang noo at pisngi nito. Nasambit na niya ang lahat ng alam niyang
Siya at si Don Edgardo ay kinausap ng doctor. Ipinaliwanag nito na dahil sa tinamong pinsala sa aksidente ay may ilang alaala na nakalimutan si Noah. Ang masaklap ay ang nakalimutan nito ang mga panahon na mahal siya at si Eli. Nagsisikip ang dibdib niya sa isiping wala itong kahit katiting na amor sa kanya ngayon. Nilinaw naman ng doctor na hindi magtatagal ay babalik sa normal ang lahat. Handa ba siyang muling maranasan ang mga pinagdaanan noon? Oo ang sagot. Muli siyang babalik bilang assistant nito.Habang nagpapagaling ng tuluyan ay work from home silang dalawa.“Black coffee without sugar, please.” Ipinagtimpla at iniabot niya dito ang kape. “Pakisabi kay Justin, magpunta dito. Ipaaayos ko ang annulment natin,” dugtong nito.Napag-usapan nila ni Don Edgardo na hayaan muna si Noah at huwag masyadong bigyan ng stress upang alalahanin ang lahat. Nakaready na din ang mga alibi nila kung sakaling magtanong ito.“He’s in Thailand right now. He sent a message sa phone mo kaso nga noo
Ilang linggo ang lumipas at tuluyan ng gumaling si Noah. Nagkabati na ito at ang ama. Dumalaw din si Justin at nakipag-ayos sa binata. Inamin nito ang lahat ng kasalanan at humingi ng tawad. Ang kanyang mommy naman ay nakarecover na din. Hindi ito kasabwat nila Kaye at Don Arturo. Nakikipagtagpo ito sa kanyang stepfather upang makiusap na tigilan na ang panggugulo. Inatake sa puso si Don Arturo ng mabalitaan ang nangyari kay Kaye. Nagpadala pa din siya ng bulaklak at tulong pinansyal para dito. Inalis niya ang anumang galit sa dibdib para sa kapayapaan ng kanyang isip.Nagbalik na si Noah sa Hotel Natividad Group at at muli itong namamayagpag sa industriya. Patuloy din na nangunguna ang Tech Systems at Sky-High Hotels. Tunay na may katapusan ang anumang pagsubok sa buhay. Basta maging matatag sa bawat problem at walang tinatapakan o sinasaktang ibang tao. Siguradong matatamo ang kapayapaan at kaligayahan.Nagpapahangin siya garden ng beach house nila sa Pangasinan. Nag-staycation sila
Isinugod sa pinakamalapit na ospital si Noah. Malapit sa puso nito ang tama ng baril. Nasa bingit na naman ito ng kamatayan dahil sa kanya. Dinala ito sa operating room. Napasandal siya sa pader. Duguan ang kanyang kamay at damit. Patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Abot-abot ang dasal niya na mailigtas ang lalaking pinakamamahal. Habambuhay niyang sisisihin ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda dito.Hindi niya kaya kung mawawala itong muli. Ilang oras tumagal ang operasyon bago lumabas ang dalawang duktor na nag-aasikaso sa binata.“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Tapos na po ang operasyon ngunit nasa kritikal pa din pong kalagayan ang pasyente. Ililipat na po siya sa ICU.”Kahit paano ay nabawasan ang kanyang pangamba. Dumating si Oliver. Kasama nito ang ama ni Noah na hindi makatingin sa kanya ng deretso.“Maddie, kumusta si Noah?” anang daddy ni Noah. Sumilip ito sa bintanang salamin. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda.“Ililipat na po siya sa ICU.
Binuhusan siya ng isang basong tubig sa mukha ni Emaline!“Ayun, nagising ka din! Are you shocked?”“Emaline, wala akong kasalanan sa’yo! Sa inyong magpinsan!”“Malaking kasalanan na isinilang kang may gitnong kutsara sa bibig sa mga inggiterang kagaya namin!” Humalakhak ito.“Nasaan si Kaye? Nasaan ang anak ko? Huwag ninyong idamay ang walang muwang na bata sa kawalanghiyaan ninyo.”“Busy ang pinsan ko kaya pinababantayan ka sa akin.”“Pakawalan mo ako dito, Emaline. Ituro mo kung nasaan ang anak ko. Ibibigay ko ang anumang gusto mo.”“Hay, masakit na hindi ako natutunang mahalin ni Derrick dahil sa’yo! Kundi pa ako sinabihan ni Kaye ay hindi ko malalaman ang panggamit niya sa akin para makapaghiganti sa pinsan ko. Pinaikot niya ako. Well, oras na ng paniningil.”“Wala akong ginawang masama sa’yo.”“Nakalimutan mo na ba na pinaikot mo din ako sa palad mo at kunwaring nakipagkaibigan sa akin?”“Hindi ko sinasadya.”“Ay ganoon? Hindi ko din sinasadya na kidnapin ka ngayon!”“Nasaan si
“Maddie, wala akong ibang babaeng mahal kundi ikaw. Noon at ngayon. Ikaw ang nag-iisang laman ng puso ko.”Napatitig siya sa binata. Hindi siya makapaniwala sa nadinig. Gustong magdiwang ng kanyang puso ngunit hindi na siya basta maniniwala dito.“Look, hindi mo kailangang magsinungaling dahil lang may nangyari sa atin.” Pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang naganap kagabi.“Hindi ako nagsisinungaling. Mahal kita Maddie.” Lumapit ang binata sa kanya. Itinaas nito ang kanyang mukha.“Kung mahal mo ako, bakit ka lumayo at nagpanggap na ibang tao? Dumating pa sa punto na nagpakasal ka. I just don’t get it. Kung mahal mo ako. Sana bumalik ka agad sa amin ni Eli.”“Dahil kilala ko ang taong nasa likod ng lahat ng kawalanghiyaan sa kumpanya mo.”“Nahuli na si Don Arturo. Mabubulok na siya sa bilangguan.”“Maddie, may anak si Don Arturo na siyang mastermind ng lahat.”Kumunot ang kanyang noo. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng binata. Para sa kanya ay tapos ang ang kaguluhan.“M
Si Don Arturo Santiago ang mastermind ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay at kumpanya niya! Pinatikim niya ito ng mag-asawang sampal. Sagad hanggang buto ang kasamaan ng matanda. Hindi niya ito mapapatawad. Agad siyang tumawag ng pulis. Nakaposas ito ng dalahin sa presinto. Biglang nawalang parang bula si Noah.Nakulong na ang matanda dati ngunit dahil wala daw sapat na edibensya ay ilang taon lang ito nanatili sa bilangguan. Sisiguraduhin niya ngayon na mabubulok sa kulungan ang kanyang stepfather. Walang kapatawaran ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kanyang kumpanya at pamilya.Nagbigay siya ng pahayag sa presinto. Nakakulong na si Don Arturo. Mangangalap pa ang mga pulis ng matibay na ebidensya laban sa patong patong na kasong kinakaharap nito.Bumalik siya sa ospital upang bantayan ang ina. Naging mas malala ang lagay nito at nagkaroon daw ng mild stroke sabi ng duktor. Hindi ito makapagsalita at hindi maigalaw ang ibabang bahagi ng katawan.Labis ang kanyang pagod. Wala
Sa pagkataranta ay tinawagan niya si Derrick na nasaksak si Oliver. Huli na bago niya maisip na hindi niya ito dapat tinawagan. Agad naman itong nagpunta sa ospital. Nagkagulatan sila. Parehas silang hindi kumibo ng magtagpo. Alam na nila na alam na ng isa’t isa ang pagtatago ng lihim na identity ni Noah. Ngunit hindi siya nagtanong. Sapat na sa kanya na buhay ito.Mabuti na lamang at hindi masama ang tama ni Oliver. Kung may nangyaring masama dito ay sisisihin na naman niya ang sarili. May umagaw daw ng report na hawak nito. Makakahingi naman sila uli ng kopya kung hindi pa natutunton ng suspect ang asset ni Oliver.“Uuwi na ako. Ikaw na muna ang bahala kay Oliver. Sagot ko lahat ng gastos niya o kung anuman ang kailangan,” sabi niya kay Noah.Tumayo si Noah. “Mag-usap tayo.”“Wala tayong dapat pag-usapan. Pinili mong ilihim na buhay ka pa. Natitiyak kong may matindi kang dahilan para gawin ang bagay na ‘yan. Hindi mo kailangang magpaliwanag.” Tila may bara ang kanyang lalamunan.Mas
Patuloy siyang nakikinig mula sa wiretapping device.“Bakit hindi mo na lang balikan ang girlfriend mo? Or humanap ng bagong makakarelasyon,” boses ni Derrick. Alam nito na lesbian si Emaline.“Ikaw ang gusto ko. Subukan natin. Baka magwork kapag naging tayo.”“Susundin natin ang kasulatan. Magkaibigan lang tayo at magkasama tayo dahil sa benepisyong hatid ng kasal natin. May mahal akong iba at walang makakapagpabago ng damdamin ko. Maliwanag ba?”“Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba! Tandaan mo ‘yan! Walang maghihiwalay next year! Ipapapatay ko ang babae mo!” hiyaw nito.Wala na siyang nadinig na pag-uusap. Malamang ay pumasok na sila Derrick at Emaline sa loob ng bahay. Nakahiga na siya sa kanyang kama ngunit hindi siya dalawin ng antok. Iniisip niya ang bagong karibal sa puso ni Noah. Malungkot siya sa natuklasan ngunit ang importante na lamang ay buhay ang binata. At kung anuman ang dahilan nito kaya nagpalit ng identity ay ayaw na niyang alamin. Posible na gusto nitong lumayo s
Kumurap siya ng ilang beses. Si Derrick nga talaga ang lalaking kausap ni Oliver. Kung magkaibigan sina Oliver at Derrick. Ibig sabihin ay naaalala ni Derrick kung sino siya. Pinigil niya ang sariling kumprontahin ang dalawang lalaki. May dahilan kung bakit inilihim ni Noah ang kanyang pagkakakilanlan. Na kanyang aalamin. Gustong sumama ng kanyang loob sa ginawa nito ngunit mas lamang ang kaligayahan na buhay ito. Pero bakit kailangan nitong magpakasal kay Emaline? Umatras siya at natumba ang isang paso sa gilid. Napapikit siya ng lumabas si Oliver.“Ms. Maddie. Ano po ang maipaglilingkod ko sa’yo?” Binuksan nito ang gate. Wala na si Noah. Nakapagtago na ito.“Busy ka ba? Hindi na ako nakatawag. May gusto sana akong paimbestigahan.”Pinupo siya nito sa sala. “Kumain na po ba kayo? Tinapay? Juice?”“I’m good. Thanks.” Pinigil niya ang sariling magtanong kung bakit nagsinungaling ito sa kanya tungkol kay Noah. Pinagmukha siyang tanga ngunit nauunawaan niya.“Gusto ko sanang paimbestigah
“Ms. Emaline, bakit kami mag-uusap tungkol sa sex? May asawa si Mr. Ruiz at ikaw ‘yon. At ako naman ay may boyfriend na malapit na ding magpakasal.”“I’m sorry, Ms. Maddison. Nagkamali ako ng dinig. Sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko ay nagiging paranoid na ako.”“No worries. Normal sa ating mga babae ang magselos.” Ngumiti siya sa babaeng kaharap kahit pa gusto na niyang hilahin ang buhok nito. Sumakay na siya sa kanyang kotse.“Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” Nasa loob na ng sasakyan sina Noah at Emaline.“Ikaw ang dapat kong tanungin, mukhang tama ang hinala ko na type mo si Ms. Maddison.”“Emaline, stop that nonsense. I’m interested with the business she’s offering. Alam mo kung gaano ka-importante ang koneksyon sa negosyo natin kaya ako makikipagpartner sa kanya.”“Siguraduhin mo lang Derrick. Akin ka.”“Wala sa kasunduan natin ang ganyang usapan. Parehas nating alam na naggagamitan lamang tayo.”“Sabi ko naman sa’yo, gusto kita! Gustuhin mo din ako!”“Tatapatin na kita. Ma