Kumakatok sa pinto ng kwarto niya si Kaye. Kahapon pa siya hindi lumalabas. Marahang pinihit nito ang doorknob.“Maddie, kailangan ng pirma mo sa mga mga papeles. Pasensya ka na, alam kong wala ka sa mood makipag-usap sa kahit na sino. Kailangan lang talaga ang mga ito.”Tinatamad siyang bumangon. “No, it’s alright. Pumasok na ba sa school si Eli?”“Oo naihatid na ni Yaya Mina. Pakibasa at pakipirmahan mo pagkatapos. Are you alright?”Hindi siya kumibo. Hinawi niya ang kurtina sa bintana. Inabot ang mga papeles kay Kaye pagkatapos pumirma.“Oh sige paalis na ako.Kapag kailangan mo ng kausap. Andito lang ako.”“Salamat. Don’t worry. I’m okay.” Lumabas na ang kaibigan.Muli siyang humiga. Kinuha niya ang cellphone. May 25 missed calls at 18 messages sa messenger niya galing kay Caleb. Hindi niya pinansin ang mga ito. Nag-scroll siya sa kanyang fb account. Nakikita niya ang mga friends niya. Some were having a vacation abroad, others were having another baby, and some were getting marrie
Naiinis siya sa sarili. Para siyang teenager. Sobrang attracted siya kay Noah sa hindi maipaliwanag na dahilan. Madami din namang nanligaw sa kanya na mga gwapo din ngunit iba ang karisma nito. He’s more than just a pretty face and a muscular body. He’s smart and authoritative. No one can say no to him. She’s matured now to accept that they were not meant to be together. Hindi na siya obsessed kagaya noon. “Isang sasakyan na lang ang gamitin natin. Ipapakuha ko na lang sa driver bukas ang sasakyan ko.” “Bakit? May problema ba ang kotse mo?” kunot ang noong tanong niya. “Hmmm. Pagod na tayong parehas. Magsalitan tayo sa pagdrive para pwede tayong makatulog habang nasa byahe. Four-five hours ang byahe kung walang trapik.” “Okay.” Pumayag na siya dahil sa totoo lang ay pagod na siya. Inabot niya ang susi ng sasakyan sa binata. Muli siyang napasulyap sa n*******d pang-itaas na magiging driver niya. Magiging maganda ang tanawin. Why not? Pagpasok nila sa loob ng sasakyan ay umulan ng m
Caleb looked desperate. Sa totoo lang ay naawa siya dito bilang kaibigan. Ngunit wala na siyang planong makipagbalikan pa dito. She realized that she can be alone and happy with her son. Ayaw na muna niyang dagdagan ang sakit ng ulo. She’s unlucky in love. Tatangapin na lamang niya ang katotohanang iyon. “Leave her alone,” sabi ni Noah sabay tulak sa dibdib ng lalaki. “You, leave her alone. Huwag mong samantalahin na may problema kami. Para muling mapalapit kay Maddie.” Pinahid ni Noah ang dugo sa bibig mula sa suntok nito. “Nagpaubaya ako ng nagdesisyon kayong magpakasal. Pero anong ginagawa mo? Ang sabi mo alagaan mo ang mag-ina ko?” “Huh! Look who’s talking?! Nakahanap ka na naman ng pagkakataon para bilugin ang ulo ni Maddie. Pera ang habol mo, hindi ba?” “Ikaw anong habol mo sa kanya? At bakit galit ka ibang tao? Hindi ba dapat magalit ka sa sarili mo? Kasalanan mo kung bakit hindi matutuloy ang kasal ninyo.” Pumagitna si Maddie sa dalawang lalaking nagbabalak na namang mags
Dahil sa pangungulit ni Eli ay natulog silang tatlo na magkakasama sa iisang kwarto. Napapagitnaan nila ang anak. “Mommy, daddy, masaya po ako. Sana araw araw tayong tabi matulog.” “Palagi naman tayong tabi matulog ah.” “Mommy, iba po kapag parehas ko kayong kasama. Mas happy po kapag may mommy at daddy po ako.” Niyakap ni Noah ang anak. Abot ang kamay nito sa beywang niya na pasimple niyang tinanggal. Pinanlakihan niya ito ng mata ng masiguradong hindi nakatingin ang anak. Kinuha ni Eli ang kanilang mga kamay at pinaghawak. Wala siyang magawa. Magkakampi ang mag-ama. Nakatulog na si Eli. Bumangon siya upang lumipat sa sofa. Ngunit pinigilan siya ni Noah. “Saan ka pupunta?” bulong nito. “Sa sofa ako matutulog.” “Dito ka na lang. Paano kapag nagising si Eli at hinanap ka?” “Mahimbing matulog ‘yan. Hindi siya nagigising ng alanganing oras.” “Iba ngayon kasi kasama niya tayo. Baka isipin niya magkaaway tayo at magdulot ng emotional stress sa kanya.” “Ang dami mong alam, may na
Mag-isang kumakain ng breakfast ang ina. Wala siyang planong kausapin ito.“Maddison, salamat at binigyan mo ng pagkakataon si Jace. Magaling ang kapatid mo parang ikaw.”“Una at huling pagkakataon ang ibinigay ko sa kanya. Kapag nagkamali siya o may ginawa siyang anomalya, sa kulungan ang bagsak niya.”“Naiintindihan ko naman na nabigla ka at dumating kaming mag-ina sa buhay mo. Gusto ko lang uli linawin na wala kaming masamang balak sa pagdating namin.”“We’ll see. It’s hard to trust anyone these days. Ipinapaalam ko lang din para alam ninyo na dapat ninyong ingatan ang tiwalang ibinigay ko.”“In business, you have to trust first. Tiwala sa kasosyo mo sa negosyo, sa kliyente, sa empleyado, at higit sa lahat tiwala sa sarili mo. Wala kang choice kundi ang magtiwala. Kahit sa mga kasama mo sa bahay, mula sa security hanggang sa tutor ng anak mo, you trust them. Hindi mo sila kadugo. Bakit mo ipagkakait sa amin na tunay mong pamilya ang tiwala mo?”“Minsan mas mapagkakatiwalaan pa ang
She needed a black coffee to start her day. Dumaan muna sila sa pinakamalapit na coffee shop. Bumaba silang dalawa ni Jace only to be surprised dahil nakita nila ang isa pa daw niyang kapatid sa father side, si Chloe kasama si Justin. Of all men bakit si Justin pa? Hindi niya maiwasang mag-alala para sa babae, kapatid man niyang totoo o hindi.Lumapit si Chloe pagkakita sa kanila at nakipagbeso sa kanya at kay Jace.“Ate Maddie, this is Justin. I know kilala mo siya kasi dati siyang nagtatrabaho sa Natividad Hotel Group.” Tumango siya bilang tugon.“Jace, this is Justin.” Nagkamay ang dalawang lalaki.Dati? Ibig sabihin wala na itong kaugnayan sa kumpanya ni Noah. At mukhang nakakita ito ng bagong kakapitan.“Yeah, I know him too well,” makahulugang sabi niya.“Join us, ate.”“Saglit lang kami at papunta na sa opisina. Morning date?” nakangiti niyang tanong.“Sabay na kaming pupunta sa kumpanya. Magkasama kami sa trabaho.”“Sa kumpanya ninyo? Sa Inter Islands Hotels?” Tinutukoy niya a
“Noah, let’s not talk about us. Sa totoo lang napagod na ako pumasok sa isang relasyon. Gusto ko na lang munang mag-focus sa negosyo at sa anak ko. Dagdag problema lang kayong mga lalaki. Sakit kayo sa ulo.”“Grabe ka naman! Aminin mo, ibang saya naman ang dulot ng pagmamahal. Pero seryoso, nakahanda akong maghintay. Hayaan mo akong alagaan ka at si Eli.”Ang sarap sa tenga ng mga salitang binitawan nito. Sasagot sana siya ngunit may babaeng pumasok sa loob ng opisina.“Surprise!” sabi nito na todo ang ngiti. May dala itong take-out food mula sa kilalang restaurant. At ibang level ang bisita dahil may hawak itong keycard ng private office ni Noah. Keycards were only given to important people. So, importante ang babaeng ito. Uminit ang bumbunan niya. Panay ang bitaw ng mabubulaklak na salita pero eto at may bagong babae na naman.Napatingin siya kay Noah. Paasa talaga ito. Aalagaan daw siya pero eto at may bisita. Mas bata ito sa kanila. Makinis at kayumanggi ang balat nito, malayo sa
Bago sila bumangga sa poste ay inalis ni Noah ang sealtbealt upang iharang ang katawan sa katawan niya. He protected her just as he promised. Malakas ang impact ng pagbangga ng sasakyan. Nawalan ng malay si Noah. Tumama ang ulo nito sa windshield. Nahintakutan siya ng makita niya ang dugong umaagos sa ulo nito. Nakahimlay ito sa kanyang balikat. Hindi niya magalaw at baka lumala ang injury sa katawan nito.“Noah, gumising ka. Huwag mo kaming iiwan ni Eli.” Walang tigil ang luhang pumapatak sa mga mata niya habang naghihintay ng responde. Hindi niya matatanggap kung mawawala si Noah sa mga bisig niya. Dapat ay siya na lang ang nasa kalagayan nito.“I love you. I love you. I love you.” Tanging bulong sa tenga nito ang kaya niyang gawin.“I’m sorry. Nagsisinungaling ako sa’yo. Mahal na mahal pa din kita noon hanggang ngayon. Wala akong ibang minahal kundi ikaw.” Hindi maampat ang luha sa kanyang mga mata. Hinahalikan niya ang noo at pisngi nito. Nasambit na niya ang lahat ng alam niyang