"Ano ba naman 'to!" naiinis kong ani nang hindi umuusad ang pagsuklay ko sa aking buhok!
Kaninang naligo ako sa banyong gawa sa kawayan, ay hindi ko mahagilap ang shampoo! Tanging dalawang timba na hindi pangkaraniwan at may tubig ang naroon, ang tabo pa ay isang bao! May nakita lang akong aloevera't kulay gatas na mga liquid doon. Hindi ko inamoy o ginamit ang mga iyon, dahil malay ko bang baka naka-kamatay na pala ang mga 'yon.O, baka masusunog ang aking mala-papel na kutis!Kaya heto ako't hirap na hirap suklayin ang buhok.
Pagkatapos kong sumabak sa giyera of the hair, ay tinignan ko ang kabuuan ko sa lumang salamin, at napapikit na lang ako ng mariin.
Naka-suot na ako ng baro't saya gaya ng sinabi sa sulat sa tabla. Naiinis pa ako sa kakapalan at kabigatan ng aking bakya, idagdag ko na rin ang pagtali ko ng buhok na parang pang graduation sa grade 6.Para na akong manang!Kinalkal ko pa ang mga paglagyan ng suklay para makahanap man lang ng liptint roon o pulbo, dahil alam kong magiging oily ang aking mukha't putlang putla na ang aking labi.Pero bigo akong makahanap ng mga 'yon.
Nagbuntong hininga na lamang ako.Wala pa rito ang aking mga gamit na dinala ko.Pati ba naman mga damit kong may off shoulder, pag-didiskitahan ni Lolo?!Alam kong kinuha niya iyon, kaya pala ang matanda'y todo sabi na huwag ko ng kunin ang mga iyon.Jusko naman.Lalabas na sana ako nang may nisip pa.
Ang mga gamit!Kaya kinuha ko naman ang bayong, napangiwi pa ako dahil manang na manang na ang aking datingan!Wala bang tote bag dito?!Mabigat ang loob kong inilagay roon ang tabla na ibinigay ng babae sa akin kanina. Kinuha ko't isinuot na rin ang kwintas na may pendant na pulang parang ngipin ng kung anong hayop.Halos mapanganga ako nang maibukas na ang aking pintuang kahoy!Mga makukulay na baklak ang bumungad sa aking mga mata. Naka-hilera ito sa mag-kabilang gilid ko, kung maglalakad ako'y para na akong prinsesa. Dumapo na rin ang preskong hangin sa aking katawan. Iginala ko pa ang aking paningin sa paligid ngunit wala ng mg tao. Tinignan ko muli ang bayong na hawak-hawak ko. Tanging tabla lang ang naroon, e ang sabi sa tabla'y kukuha ako ng tinta galing sa uling, tabla na manipis, at balahibo pa ng manok.Saan naman ako makakuha ng mga ganoong bagay?!Tsaka balahibo ng manok?! May trauma na ako sa inahing manok! Noong last week ba naman ay hinabol ako, feeling aso ang gaga.Naglakad-lakad na lang ako, patungo sa hindi ko mawaring lugar. Maghahanap muna ako ng uling na gagawing tinta. Pero...effective ba iyon na pangsulat? Sana pala dinala ko ang pilot ballpen at papel ko rito.Napangiti ako nang may nakitang usok."May nagluluto," ngiti kong ani. Kaya lumakad muli ako sa medyo gubat na, puro kasi mga puno ang nakikita ko.Pinagpag ko ang aking saya nang katatapos lang makipag-laban sa mga dahon-dahon na kumapit sa akin. Mga feeling glue.
"Eren! May nakuha ka na bang isda?!" napatigil ako sa pag-pagpag sa aking saya nang marinig ang baritonong boses.May tao rito!Iniangat ko ang aking ulo at halos mapa-upo ako nang may nakitang mga lalaki!Puro mga lalaki! Gulat din silang nakatingin sa akin!May puting maluluwag na mga pantalon sila, ngunit walang mga pang-itaaas!Nasaan na ba ako?!Paraiso ba ito ni Adan?!Nasaan ang mga babae?!Ano bang dyanra ng buhay ko?!At mukhang naging fantasy na!Bakit puro lalaki ang mga nakikita ko?!"Ahh..." usal ko, dahil gulat pa rin silang nakatingin sa akin! "H-Hi, po..." awkward kong ani, at itinaas pa ang kamay at winagayway ito ng kaonti, tsaka ngumiti na parang natatae.Napasinghap naman ako nang bigla silang tumalikod ng sabay-sabay!Magsasalita na sana muli ako nang makita ang kabuuan nitong napuntahan ko. May sapa!Kulay berde ang sapa dahil sa mga puno na sumasalamin dito, pero kapag malapitan ito'y napaka-linaw. Nakita ko na rin ang umuusok, parang mga boyscout sila dahil may mga bato roon na ginawa nilang kalan, tsaka nakapatong roon ang isang antik na banga. Nagluluto sila.Nanigas ang sexy body ko nang may narinig na namang malalim na boses, "Binibini, bakit ka narito?"
Ako ba ang kausap niya?
Pero hindi ito nakatingin sa akin, nakatalikod lang silang lahat!Ano ba ang mga ginagawa nila?!"Tatanongin ko muli, ano ang ginagawa mo rito, alam mo namang mahigpit na ipinagbabawal na makisalamuha sa mga maraming lalaki," usal na naman nito. Bahagya ko pang nakita ang paggalaw ng likuran nito na matipuno.Pero, ano raw?Bawal?Ha!Sinong akala nila na pagbawalan ako?!Si Lolo ba sila?Napa-irap na lang ako't humakbang palapit sa kumausap sa aking lalaki."Hoy," hindi ko alam kung rude bang masasabi iyon, pero ganoon naman talaga ako kapag tinatawag si Astra. Laging may 'Hoy' sa una."B-Binibini! Huwag kayong lalapit!" napatingin naman ako sa isang lalaki na katabi nito.Ano bang trip nila?Talking while backy?Nye, backy.Napairap ako't hinawakan ang matipunong balikat ng isang lalaki, na sana pala'y hindi ko ginawa!Dahil ang mulala! Nagpahulog sa sapa nang hindi ko alam na dahilan!Wala naman akong sakit, ha!"Rouge!" ani ng isa, kinabahan ako dahil hindi ko alam ang nagyayari!"Paki-takpan ang iyong kalahating mukha gamit ang iyong abaka binibini!" ani ng isa kaya dali-dali ko namang kinuha ang abaka sa aking bayong, at nagmamadaling ipinantakip iyon sa kalahati kong mukha.Ano bang nangyayari rito?!Halos sabay-sabay silang napabuntong hininga't tumingin sa akin, kaya sa nakatakip kong bibig ay napalunok ako. Jusko, ang kikisig! Lahat sila'y may itsura na mala-artista!Muli ko na namang ibinaling ang paningin sa lalaki na biglang nagpahulog sa sapa. "Ayos ka lang?" ani ng isa nang makaahon na ang lalaki habang habol habol ang hininga.Jusko...muntik na ba siyang nalunod?Ano ba kasing trip niya na nag-ala diver bigla?"Ahh..." iyon lang ang naisual ko.
Halos mapigtas ang hininga ko nang biglang bumaling ang lalaking 'diver in the sapa' sa akin at tumama ang paningin nito sa akin!Ang ganda ng hubog ng katawan nito, moreno siya. Kung ihahawig ko ang mukha niya'y parang isang actor sa hollywood movie! Iniiwas muli nito ang kaniyang paningin bago nagsalita. "Bakit ka narito binibini..." malalim na boses na anya. Ang mga kasamahan naman niyang pulos mga lakaki na umaabot ata ito sa 60 ay naka-talikod pa rin sila na parang mga tanga. Pero ang wari ko'y nakikinig sila."Ah...kasi," napakagat ako sa pang-ibabang labi dahil kinakabahan ako! Nasaan na ba ako?!"Ano ang iyong nais Binibini?" ani naman ng isa.Nakatakip pa rin ang abaka sa aking kalahating mukha, tanging ang mata ko lang at ang noo ang nakikita."Naghahanap kasi ako ng...uling," nahihiya kong saad.Rinig kong napabuntong hininga ang iba."Wari ko'y...bagong salta ang Binibini..." rinig kong saad ng isa, sa lalaking 'diver in the sapa'. Kaya ang 'diver in the sapa' ay tumingin sa niluluto nila't bumaling muli sa akin, "Kumuha kayo ng saktong uling, at ibigay sa Binibini," baritono nitong saad.Agad namang may kumuha sa uling at inilagay iyon sa isang bao.Napatingin ako't napaatras nang makita ang isang bagong lalaki na palapit sa akin!Anong gagawin nila sa akin?!Momolestyahin ba nila ako?!Dahil sa kaba'y tinanggal ko ang aking abaka't sumigaw ng pag-kalakas-lakas."Help! Mga rapist! help!"
"Ayaw ko pa! Umalis kayo sa harapan ko!"Nakita kong napatingin ang lahat sa akin, at napatigil sa paglalakad ang lalaki na magtatangka sana na molestyahin ako!"Ano ang saad ng Binibini?""Hindi ako nakakaintindi ng wikang Ingles.""Marahil ay tinakot mo ang Binibini, Baldo!" "Kay ganda niyang Binibini."Mga narinig ko mula sa kanila!At infairness! Ang pang-huli ang nagustuhan ko!Tumingin ang nag-ngangalang Baldo sa lalaking 'diver in the sapa' na palapit na sa amin!Bawat paggalaw ng lakaki'y napaka-manly, napakagat pa ako sa aking dila nang makita ang abs nito!Mahabagin, pasensiya kung may kahalayan akong iniisip. Medyo Slight lang naman."Ano ang nangyari't biglang sumigaw ang Binibini?" ani nito kay Baldo nang makalapit, napatingala pa ako sa lalaki dahil ang tangkad nito! Gumalaw pa ang adams apple niya nang ito'y magsalita."G-Gusto ko lang naman alukin siya na umupo sa batuhan," turo nito sa batuhan malapit sa sapa at sa pinaglulutohan nila. "Para hintayin ang pinapalamig naming uling, at kami na rin ang mag-di-dikdik. Ang hinuha ko'y gagawin niya itong tinta, tama ba ako Binibini?" ngiting ani ni Baldo, sumulyap pa ito sa akin bago muling tinignan ang lalaking mala-actor sa hollywood movie at 'diver in the sapa'."Itakip mo na muna ang iyong abaka Binibini, para makapag-usap tayo ng maayos," malalim na boses ng 'diver in the sapa' tsaka nag-iwas din ng tingin.Napaayos naman ako ng tayo't maarteng ibinuka ang abaka't itinapat sa aking kalahating mukha.Naala ko na pala ang saad ng aking kaibigan na si Astra noon! Grade 8 kami noon at AP subject noong sinabi niya sa akin na noong unang panahon ay conservative ang mga lalaki. Hindi sila basta-basta nakikpag-titigan at humahawak ng Binibini kapag hindi nila ito kasintahan o malapit na kamag-anak at kaibigan."Oo, gagawin kong tinta sana, para may pansulat gaya ng ballpen.""Ballpen?" ani naman ng isa. Tila'y nagtataka, kaya napakunot ang noo ko.Hindi ba nila alam 'yon"Ballpen...ah! Panulat."Napatango-tango naman ang lalaki, kaya tinignan ko ang mala-actor sa hollywood movie na lalaki, mariin lang itong nakatingin sa akin, bago umusal. "Sundan mo ako, Binbini."Tumango at ngumiti naman ang lalaking isa nang tignan ko ito, kaya sumunod naman ako sa lalaki na patungo na sa mga batuhan ngayon.
Tumikhim muna ito at bumaling sa akin, napaiwas naman ako ng tingin at napakagat sa aking labi't napatili ang kaluluwa ko sa loob-loob."Maupo ka rito't hintayin mo na lang ang iyong uling." Magsasalita pa sana ako nang bigla itong umalis agad."Eren, ako na muna ang mangingisda."Oo nga pala't mangingisda pa ito, dahil nabulabog ko ata sila kanina. Ang ilan naman na lakaki'y pumunta na sa kani-kanilang mga trabaho. May mga nginingitian ako, ang iba'y nagtatawanan at nag-kwekwentuhan habang nangingisda.Ibinaling ko ang aking paningin sa niluluto nila, habang hawak-hawak ko pa rin ang abaka, nangangawit na ako.Jusko.
Napangiti na lang ako sa ganda ng view, ang sapa ay maayos na umaagos ito at kumikislap pa dahil sa sikat ng araw na tumatama.Napaayos ako ng upo nang may biglang lalaki na lumapit at tinignan ang kanilang niluluto, tsaka bumaling ito sa akin. Palangiti ang isang ito, hindi gaya ng isa kanina."Pwedeng magtanong Binibini?" friendly nitong saad.Kaya napatikhim ako't tumango."Bakit ka napadpad rito? Wala ka bang kaibigan na kasama? Bagong dating ka lang ba rito sa Unibersidad?" muntik ko ng ipanguya sa kaniya itong abaka o bakya ko dahil sa dami ng tanong niya.Pero joke lang.
Medyo mabait pa naman ang kaluluwa ko.Mga 99.99 percent."Oo, bago lang ako rito, tsaka wala akong friend rito," napakunot naman ang noo nito sa sinabi ko atang 'friend', "Uh, friend, kaibigan," tuloy ko agad."Tsaka napadpad ako rito dahil..." Kinuha ko pa ang manipis na tabla sa bayong ko't ipinakita iyon sa kaniya. "Dahil naghahanap ako ng uling at iyon nga, may nakita akong usok at sinundan ko ito gaya ng tatlong hari na sinundan ang star, para matungtong si Lord."Napakamot na naman ito sa kaniyang ulo nang hindi na naman ata naintindhhan ang sinabi ko."Basta naligaw ako," iyon na lang ang tangi kong nasabi."Kung gayon ay kakailanganin mo rin ng isa pang manipis na tabla, at isang balahibo ng manok, tama ba?" ngiti nitong ani tsaka tumingin sa aking bayong na wala pang laman. Baka naturn-off sa akin ang lalaki dahil bayong ang dala ko! Kaya nahihiya akong iginilid iyon."Hehe, wala kasing tote bag. sorry," napakunot na naman ang noo niya sa sinabi ko, kaya ako'y nagbuntong hininga, "nevermind," patuloy ko na mas ikinakunot ng noo niya!Sino ba ang teacher nila rito't 'di man lang sila tinuruan ng english language?!
Pagkakitaan ko kaya sila? Magiging tutor nila ako sa english subject at ang kapalit ay ginto. Malay ko bang nagmimina pala sila dahil lahat sila'y matitipino. Para maging proud naman si Lolo't may sarili na akong maipambili ng mga luho ko."May manok kaming alaga, mayroon din sa inyong mga Binibini. Pero dahil ikaw ang kauna-unahang naligaw ay ikukuha na lang kita ng balahibo ng manok," ngiti nitong saad. Friendly talaga ang lalaki. Parang 'di mamamatay, ha.Kidding.
May narinig kaming napatikhim, kaya sabay kaming napatingala sa lalaking umaagos ang mga tubig sa kaniyang matitipunong dibdib, idagdag na rin ang bagsak nitong buhok dahil kalulusong lang ata nito sa sapa.
May dala-dala itong isda, ang mga isda'y naka-tusok lang sa malaking stick. Kaya napatayo naman ang lakaking kausap ko kanina.
Tinignan pa muli ako ng lalaking mala-actor sa hollywood movie, bago bumaling sa lalaki. "Ikaw na ang magluluto nito," malalim na boses niyang saad.Ang gwapo! Pero parang lagi itong seryoso. Sana pala'y nagdala rin ako ng mga mapapanood, gaya ng tom and jerry. O, 'di kaya'y mga movie ni Mr. Bean, para maambunan ko naman ang lalaki ng ngiti."Ngunit, ikukuhanan ko pa sana nang balahibo ng manok ang Binibini," pakamot-kamot sa batok naman na ani ng isa, tsaka ito tumingin sa akin na ikinahiya ko.
Napatayo naman agad ako habang naka-tago pa rin ang kalahating mukha sa abaka, "Ako na! Ako na lang ang kukuha sa balahibo ng manok!" ani ko dahil nakakahiya na, sila na nga itong gagawa ng tinta ko.Ayaw ko namang sabihin nilang ang tamad-tamad kong babae. Baka maturn-off sila, well...medyo tamad nga ako, medyo slight lang...mga isang araw akong naka-hilata sa kwarto ganoon.Choss.
Napatikhim naman ang lakaki na 'diver in the sapa', "Sasamahan ko na lang siya."Para akong naningas sa sinabi nito habang nakatingin sa aking mata!Natamaan ng sinag ng araw ang mukha nito. Kaya kita ko ang brown nitong mata!Jusko!Balahibo ng manok ang hanap ko, Lord!
Pero ba't niyo ako binibigyan ng crush?!Taka, anong crush?!Pumunta ka rito Agnes para mag-aral, ha! Hindi para lumandi, kerengkeng ka!
Baka pag-balik mo ma sa lungsod ay mawindang si Astra at Lolo dahil bumukol na ang tiyan ko! Ayon nga't lihim kong sinesermonan ang aking mahaderang kaluluwa.Napatango naman ang lalaki, tsaka kinuha ang mga isdang nakatusok na hawak ni 'diver in the sapa'. "Sige."Nang umalis na nga ang lalaki'y naiwan nga kaming dalawa nitong seryoso na Ginoo."Kinse minutos na kang ang natitira mga estudyanye ng Antiquity!" napatingin kami sa nanggalingan ng boses. Medyo malayo ito.May speaker din pala sila, ha. Gaya sa amin."Tara na Binibini," ani ng lalaki at bigla na lang kinuha ang bayong ko, "Sundan mo ako," patuloy niya.
"Woah!" naisual ko na lang, pagkatapos kasi ng ilang minuto na lakaran ay narito kami sa lungga ng mga lakaki! I mean, parang tren din na dormitoryo! Hawig na hawig nito ang dormitoryo ng mga babae.Pero teka, hiwalay ang dormitoryong lalaki at babae?
Tumango-tango naman ako sa napagtanto.Oo nga naman, pati naman sa Maynila ay bawal, magagalit ang land lady.
Pero may mga hangal pa rin na mag-jojowa at nakikisalo sa iisang kwarto. Hayaan na nga.Inggit lang ata 'to. "Sundan mo ako," ayon na naman ang lalaki at puro ganoon ang sinasabi niya.Baka isang iglap na lang, sa langit na pala kami tutungo, ha.Charot."Woah, woah woah!" ani ko't napa-palakpak na parang bata, dahil nang tumawid kami sa isang tulay na hindi naman masiyadong malayo, ay napadpad kami sa mga alagang mga hayop. May baka, kambing, pato, kalabaw at mga manok. May mga kabayo rin dito at iba pa!Paraiso ata ito!Ganitong-ganito kasi ang napapanood ko sa mga anime or cartoons movie, e. Ang fresh lang tignan. Anyway, probinsiya naman ito. Kaya ganito kaganda. Sa lungsod naman, maganda rin doon, pero ewan ko na lang sa mga usok na nag-kalat at mga krimeng 24/7 nagaganap."Diyan ka na lang Binibini, ako na ang kukuha," muli na naman nitong saad. Kaya tango na lamang ang aking na-isagot.Napapangiti na lang ako dahil sa kung paano niya kinuha ang isang lalaking manok, kumuha siya ng makakain nito at inilagay sa palad niya, kaya lumapit nga roon sa manok.Gusto ko rin sanang i-try, pero huwag na. Baka mabighani ang manok sa alindog ko't baka ma-tinola ko pa siya.Nang nahawakan na niya ito, hinimas himas niya ang balahibo nito, "Tong, hindi ito masakit, kukuha lang ako ng isang balahibo mo para sa Binibini," rinig kong ani nito at tumingin sa banda ko, kaya ganoon na lang ang pag-iinit ng aking pisngi! Para na ring tanga ang puso ko na parang kabayo na nag-kakarera sa pagtibok nito!Bakit ang corny ko ngayon?!Nakita ko pa siyang ngumiti ng tipid sa akin!Ngumiti na siya!Kahit hindi labas sa ngipin ay okay na, atleast ngumiti ang Ginoong seryoso.Napahawak na lang ako sa aking dibdib, "Jusko, huwag naman sana akong atakihin at mukhang walang Doctor dito!" mariing bulong ko sa sarili.Doctor kwak-kwak lang ata ang narito. O, 'di kaya'y mga babaylan na mga pinaniniwalaan ng mga matatanda."Pasensiyana..." ani nito nang biglang parang nagsermon ang manok na lalaki dahil nakuha na ng lalaki ang isang balahibo niya. Masakit iyon panigurado, o baka humaharot lang ang manok sa lalaki? Baka naging bakla na rin ito, ha. Ikaw ba naman kasing titigan ng mala-actor sa hollwood movie kung 'di ka mawindang. At gusto mo na lang bigla mag-pakasal.Napaayos ako ng tayo at tumikhim nang palapit na sa akin ang lalaking 'diver in the sapa' ata mala-actor sa hollywood movie. Ano ba kasing pangalan nito?! Ni wala man lang jersey kung nasaan ang apelyido niya. Itinatak na lang sana nila ang pangalan nila sa likuran nilang maganda ang hubog.Inilahad nito ang isang balahibong manok sa akin, bago nagsalita. "Ito," napatingin siya sa hawak-hawak kong bayong, "Wala ka pang tablang manipis..." mahinang patuloy niya."Rouge! Bilisan niyo ng kumilos! Mauna na kami!" rinig naming dalawa kaya napatingin naman kami sa isang lalaki. nakita ko rin ang mga naraming lalaki na nakapagbhis na, suot-suot nila ang mga kulay puti na long-sleeve polo na tinuck-in nila sa kanilang kulay itim na pantalong maluwag. Ang sapatos naman nila'y mga kulay brown na parang pinaglumaan. Pero napakalinis nilang tignan, idagdag na rin ang mga kaniya-kaniya nilang sumbrero na kulay tsokolate.Tumango naman itong 'Rouge' pala ang pangalan, "Sisikapin naming makarating sa Uniberdidad ng tamang oras," malalim na boses nito.Tango na lang ang naging tugon ng karamihan, nang tignan nila ako'y napangiti sila't sabay-sabay na tinanggal ang sumbrero at itinapat sa dibdib!Anong ginagawa nila?!Para naman akong namatay na sa ginagawa nila.Kaya lumitaw naman sa aking isipan agad si Astra, nang maalala ang sinabi niya noong grade nine kami, "Ang mga kalalakihan noong unang panahon ay napaka-ginooo, kapag nakita ka nila'y itatapat nila ang sumbrero nila sa kanilang dibdib bilang pagbati, hindi gaya ngayon na pakindat-kindat lang sa gililid-gilid."Napatango-taango na lang ang kaluluwa ko sa loob-loob, bago tumingin muli sa mga kalalakihang paalis na, bitbit ang isang tabla at balahibo ng manok na nasa isang maliit na kawayan na pinaglagyanan nila.Nang tignan ko si Rouge ay nahuli kong nakatingin ito sa leftside, kaya mas lalong nadepina ang manly nitong panga. Bumuntong hininga siya't biglang tumingin sa akin kaya nahuli niya ako! Jusko. Ito na ata ang sinasabi nilang 'huli, pero 'di kulong'.Pero, siya, sige. Kahit ikulon niya ako sa mga bisig niya, why not naman ano?Siguradong mapapamura ang aking Lolo kapag nabasa niya ang aking mga naiisip na ka-harutan ngayon!"Maiwan muna kita rito kung gusto mo, Bininini. At ako'y gagawa lang ng iyong manipis na tabla."Nang marinig ko 'yon ay tinignan ko naman itong pag-iiwanan niya sa akin. Umiling na ako agad, malay ko bang bigla na lang magwala ang mga hayop rito't matadyakan pa ng kabayo ang mukha ko!"Sasama ako!"Biglang napabukas pa ng kaonti ang labi nito, hindi ata inaasahan ang bigla kong pagtaas ng boses.Tumango lang ito, at nauna na naman, kaya heto ako't basang basa sa ul-- este sumunod na parang tuta. "Maupo ka muna riyan, Binibini," malalim na boses niya, at itunuro ang parang bench na gawa sa kahoy na kawayan. Tanging tango kang ang naibigay ko.Narito na kami sa likuran ng isang dormitoryo, bakuran ata niya ito, dahil nakita kong pumasok siya sa isang dormitoryo kanina. Tinignan ko ang paligid at may mga tanim ritong iba't-ibang gulay at prutas. Ang harapan ng dormitoryo niya kanina gaya ng iba rito ay may mga bulaklak din, gaya rin pala sa amin!
Tumayo ako't sumilip sa ginawang bakod na kawayan, at nasilip ko nga ang isang dormitoryo na katabi nito, ganitong-ganito rin.
Muki akong napa-upo sa old bench at tinignan siya, habang siya'y busy na busy sa pagtataga ng tabla, para mapanipis ito. Kahoy ata ng melina ang tabala, dahil kulay puti ito. Napatango-tango na lang ako dahil sakto ang uling rito para mapagsulatan.
Sino naman kaya ang naka-isip nitong tema ng Unibersidad at gusto kong palakpakan."Rouge?" napatigil ang lalaki sa pagpapanipis sa aking tabla at sabay kaming napatingin sa nagsalita, mula sa harap ng dormitoryo niya."Pasok," malalim na ani ni Rouge pogi.Kaya nakita nga namin ang lalaki kanina na kausap ko lang sa sapa.Iyong friendly na lalaking tanong ng tanong.Napangiti Ito nang makita ako, kaya tumango naman ako bilang pagtugon. Alangan namang ngi-ngiti ako nang naka-takip ang aking abaka?"Ito na ang iyong tinta Binibini," tsaka niya ibigay sa akin ang uling na ginawa nilang tinta na nakalagay na sa isang boteng maliit.Gusto ko pa sanang amuyin ang loob ng bote, dahil parang may inilagay pa sila roon. "Salamat..." ani ko, namamangha pa rin, dahil parang tinta na tinta ang itsura ng ginawa nila. "Walang ano man Binibini," ngiting ani nito, bahagya pang sumingkit. At tumingin na kay Rouge."Rouge, huli na tayo sa klase," mahinang ani ng lalaki.
Bumuntong hininga naman si 'diver in tha sapa', "Alam ko, Eren."Alam nga naman niya, e di siya na ang smart.So, Eren din pala ang pangalan ng isang lalaki. Bagay niya ang pangalan niya, pang-makulit."Pasensiyana..." ani ko dahil kasalanan ko naman.Ngumiti naman si Eren sa akin, "Ayos lang Binibini."We? 'Di nga? Parang plastic, e. Choss.Pero may itinuloy ito na ikinawindang ko ng kaonti, "Ngunit...mapaparusahan tayo mamaya dahil tayo'y huli na sa klase."Ano na naman bang parusa iyon?! Bakit may mga parusa-parusang nagaganap itong Unibersidad na ito?!
"Rouge! Bilisan mo!" sigaw ni Eren, nasa harap kami ngayon ng pintuan ni Rouge, naka-upo sa parihabang upuhang kahoy na parang balkonahe. Ewan ko ba, basta may upuan. 'Di ko sure. "Sorry talaga ha..." mahina kong sambit kay Eren nang mapatingin ito sa akin. Kumunot naman agad ang noo nito, nagtataka ang itsura, "Sorry?" Buntong hininga lang ang naisagot ko sa lalaki nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. "I mean..." napakagat agad ako sa aking pang-ibabang labi nang mapagtantong nag-ingles na naman ako, "Pasensiya na," tuloy ko rito. Magtatanong pa sana ang lalaki dahil sa nabanggit kong 'I mean', pero sabay na kaming napatingin ni Eren kay Rouge na nakabibis na, at parang posteng nakatayo sa harap ko. Napalunok ako nang biglang dumapo ang paningin nito sa akin! Medyo hapit sa kaniyang maskuladong d****b ang suot nitong polong kulay puti, bumagay rin sa kaniya ang pantalon niyang
Susein POV "Malayo pa ba tayo?!" sigaw ng babae sa aming likuran. Ang ate niyo'y kanina pa natatapilok sa putikan rito sa palayan. "Tss, anak mayaman," ngisi kong saad nang makita kong inalalayan siya muli ni Rouge para tumayo. "Malapit na binibini, kaonting tiis na lang," usal naman ng Eren ko. Ilang buwan na rin kami ni Vina noong inilagay kami ng aming magulang sa Unibersidad na ito. Gaya ng babae na baguhan, ganoon din kami noon. Palampa lampa sa lahat ng lumang gawain at mga bagay-bagay. Na-culture shock pa yata ang kippy namin ni Vina noong tumapak na kami rito. Hanggang sa nakasanayan na rin namin. Ang totoo'y enjoy na enjoy naman kami sa bagong buhay namin rito, lalo na nang maging kaklase ko itong Eren ko. "Namo, ngingiti-ngiti mo riyan? Pinagpapantasyahan mo ba 'yang Eren na iyan?" sinamaan ko agad ng tingin si Vina. Panira ng moment! "Palibhasa'y may jowa
Susein POV "Agnes? Naririnig mo ba ako?" usal ko sa lata na naka-sentro sa aking bunganga. "Tigil mo na nga 'yan. Hindi ba ipinaaral sa iyo ni Ma'am Susan sa 'yo noong elementary ka? Na kapag hindi straight line ang sinulid, ay hindi ito makaka-abot sa kabila," ngumiwi naman ako sa panenermon ni madam Vina inggrata! Nagbuntong hininga na lang ako at ibinaba ang lata tsaka sumalampak sa higaan namin. Pagkatapos kasi ng parusa namin kanina ay agad na kaming pina-uwi. Nagulat nga ang Ale do'n dahil humihinga kaming lumitaw sa harapan niya. Huh, anong akala niya. "Ang boring! Tara na, huwag ka namang KJ Vina, minsan lang ito, oh!" pang-aaya ko sa kaniya ulit para kami ay tumakas. Gabi na kasi at pinapatulog na kaming lahat ng mga namamahala rito sa mga ganitong oras. 6 PM pa lang yata. Kung sa Maynila ay baka 6 AM pa lang ako matutulog, at sa ganitong mga oras ay panay indak ako sa bar. "Tumigil ka, mapapahama
Susein POV "Agnes! Bilisan mo!" sigaw ko sa harapan ng kwarto ng neneng. Nakabihis pang-binibini na kami nitong si Vina, ngunit ang isang babae ay natutulog pa yata! "Sino ba kasi iyan?! Lo, naman?!" Putakte! Nagkatinginan nga kami nitong kasama ko sa narinig mula sa babae na kagigising yata. Sus maryosep! Late na naman kami! At pinagkamalan pa kaming lolo niya! Pambihira. Nang bumukas nga ang pinto ay tumambad ang neneng na kaygulo ang buhok. "Bruhang iyan, late na tayo," iiling-iling na saad ni Vina tsaka kinuha na lang ang yosi sa ginawang bulsa niya sa saya. Imagine-nin niyo iyon, naka-pambihis dalagang pilipina ang babae at may naka-salampak na yosi sa bunganga nito. Hinablot ko na agad ang yosi niya, kaya tinaasan na agad nito ako ng isang kilay, "Ibulsa mo nga muna, kung may makakita baka pagtatagain nila ito," saad ko at inilahad ang yosi s
Susein POV "Gising na sila Rouge," iyon agad ang narinig ko nang magising ang aking diwa. Napahawak agad ako sa sentido nang dumaan ang kaonting kirot doon. "T-Tubig..." usal ko nang unti-unti ko ng iminulat ang mata. "Pakihintay Binibini," usal ni Eren na aking unang nakita. Kumunot ang noo ko nang namataan ang ibang kwartong aking kinaroroonan. "S***a, nasaan ako?" baling ko kay Rouge. Hindi agad ako nito liningon dahil kita ko siyang inaasikaso rin si Agnes. "Ay, wow. May special treatment," tumingin ito sa akin nang iusal ko iyon kaya ako ay napangisi agad. "Si Vina, Ginoo?" Pfft. Piste. Muntik na akong mabilaukan dahil sa inusal ko sa 'Ginoo'! Petchi. Hindi ko bagay! "Oh, congrats. Graduate na kayo," hayon at biglang lumitaw ang gaga. Naka-ngisi na ito habang nakapamulsang nakasandal sa dingding! "Halika, halika," pekeng ngiti ko rito. "Halika at masabunuta
"Bakit ba kasi lagi kang hindi nag-iingat, Binibini?" napalunok ako nang mahimigan ang parang nanenermon niyang boses.Ang talampakan ko ay hawak-hawak ng lalaki, habang tinatapalan ang isa kong daliri sa paa na dumudugo.Sa totoo lang ay mahapdi ang pagkakatapal niya nang dinikdik na dahon ng malunggay, sa daliri kong natuklap na yata ang kuko.Jusko!Ayaw ko lang dumaing dahil baka mas lalo akong pagalitan nitong feeling Ama ko!Bumuntong hininga ito't muling ipinako ang seryoso niyang mukha sa akin, kaya agad naman akong napa-iwas at muntik na rin yatang tumagaktak ang pawis sa aking kili-kili!"Tapos na, Binibini" rinig kong kaniyang usal tsaka ito tumayo, ngunit ang seste! Ramdam ko pa rin ang tingin nito sa akin!Kinakabahan man ay tumingin ako sa kaniyang direksiyon bago umusal, "S-Salamat..." kinurot ko ang aking palad dahil sa timbre ng aking boses na pabebe!Nautal pa nga!"Walang anuman
Agnes POV Tinaasan ako ng kilay ni Susein nang makitang iba ang aking lakad, "Ano namang ka-emehen 'yan?" ani nito habang naglalakad kami papuntang Unibersidad. Ngayon lang yata kami hindi late. Hinintay nila ako kanina sa aking silid kaya kami na nga ay nagakakasamang papunta sa skwelahan. "N-Nabitawan ko kasi 'yong bato kanina sa paa ko..." Umikot ang mata nito, "Tanga, tanga!" sinamaan ko ng tingin ang babae, kukutusan ko pa sana ito ngunit natatawa na itong tumakbo. Jusko na iyan, binibini na binibining tignan ngunit ang lalaki ng mga hakbang kung tumakbo! "Eren, bebe!" "Piste," naiusal na lang ni Vina nang bigla ba namang isigaw iyon ni Susein kila Eren habang kumakaway! Ayon at pinagtitinginan kami tuloy ng mga ibang estudyante rito. "Hi!" masiglang bati ni Susein nang sa wakas ay nasa harapan na kami ng dalawang lalaki. Nginitian ko pabalik si Rouge nang ngumiti ito sa akin na
"Agnes! Narito na kami!" nakakarinding sigaw ni Susein sa labas!Jusko! Ang babaeng iyon!Pakamot-kamot nga ako sa aking leeg habang humihikab na pinagbuksan sila.Ang aga-aga nila lagi!"Mmn?" namumungay na matang saad ko sa dalawang babae na naka-bihis na, "Sabado ngayon, a?" nagtatakang tuloy ko dahilan para mapataas ang kilay ni Susein."At ano nga uli ang sabi ni profesora Sonya?" sarkrastikong aniya, kaya parang naging bombilya naman nang ilang segundo ang aking ulo.Jusko, practice pala namin ngayon!Mga ilang buwan pa naman naman iyon bago itanghal, ngunit mas-maigi na raw na simulan na namin para maging perfect ang kalalabasan.Hindi yata nainform si prof. Sonya na nobody's perfext. Lol.Tsaka ang sapa na pag-pa-practice-san ay sa Unibersidad na raw gagawin. Dahil baka raw may mangyaring hindi maganda kapag doon kami sa gilid ng sapa, may care naman pala sa amin ang professor. naming iyon."Si
12Lunes ng umaga ay tila sandamakmak ang aking mga katanungan sa isip, kaya habang kami ay kumakain ng mireyenda at nakatanaw sa buong lugar mula sa aming kintatayuan rito sa 4th floor ay nagsalita na ako, "Bakit may patayan na nagaganap noon rito sa Unibersidad? At bakit tayo ang magreresolba ng krimen?" tanging tanong ko sa dakawang babae at dalawang lalaki na payapang kumakain ng panghimagas. Kaya tumingin naman sila sa akin sa biglaang balandra kong tanong.Tumikhim si Eren, "Gusto mo bang maupo o ganito na lang Binibini? Dahil mahabang paliwanaganito," ngising sagot ng lalaki.Linunok ko muna ang kinakaing prutas bago nagsalita, "Okay lang kahit dito na."Tumango naman si Eren at tinignan si Rouge, ganoon din ang dalawa kaya napatikhim ang lalaki. Hudyat na siya na nga ang magpapaliwanag ng lahat."Ang krimeng ating iniimbestigahan ay nangyari na noon pa," panimula nang lalaki at tumitig ito sa akin, "May mga mag-kakaibigang
"Ang mga ipinapasok lang rito sa Unibersidad ay ang mga suwail, at ang mga kabataang sakit sa ulo," saad ni Susein habang nakatingin sa malayong lugar nang aming dormitoryo. Nasa 4th floor kasi kami, kaya mula rito ay kitang-kita namin ang view nitong buong lugar."Ha?" tumingin ako sa gawi nila ni Vina, "Ang alam ko'y hindi naman ako suwail na apo, ha?" kunot noong sagot ko.Tumaas lang ang sulok ng labi nito, "'Di mo sure? E, bakit ka narito ngayon?"Iyon nga ang ipinagtataka ko, bakit ako nilagay ni lolo rito, e hindi naman ako ganoon."Ang alam ko'y gusto niya lang maranasan ko ang mga makalumang bagay noon, kaya linagay niya ako rito?" hindi ko nga sure na sagot bago nagkibit-balikat."Rebeldeng mga anak kami sa Maynila no'n Agnes, kung nagtataka ka pa rin kung bakit kami narito," rinig kong usal ni Vina, na nakatingin din sa malayo. Habang nakasalampak ang yosi sa bunganga nito. Tinignan niya muli ako at nagbuntong hininga, "Bukod pa kasi sa