Share

Chapter 1

Author: Shine
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Anong klaseng Unibersidad ba 'yon?!" naiirita kong ani, alauna na ng umaga't hindi pa ako naka-katulog. Iniisip kung nag-eexist ba ang ganoong Unibersidad.

Tsaka...Antiquity?

University of Antiquity...

Unibersidad ng sinaunang panahon?

Tatanungin ko sana si Lolo kung saang lugar iyon, pero biglang nag-walk out ang matanda kanina. Tumawag kasi ang sekretarya niya sa trabaho, may-meeting ata.

Napabuntong hininga na lamang ako't tumungin sa labas ng bintana. Ipinatong ko ang pisngi sa braso kong nakapatong sa bintana, habang tinitignan ang langit.

Walang mga bituwin, kahit ang buwan.

Maulap lang ito. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil kasalanan din ito ng mga kapwa ko tao.

Puro pagsusunog ng plastic, mga binibiling kaniya-kaniyang ginagamit na transportasyon. Kaya ang mga usok ay nag-mistulang parang mga ulap na sa langit, at natabunan ang mga bituwin pati na rin ang  katangi-tanging buwan.

Na-miss ko tuloy ang probinsiya, panigurado'y kahit mga ganitong oras ay makikita ang mga tala sa kalangitan.

Pumunta na nga ako sa kama ko para ihanda ang sarili sa pag-tulog.

Sabog na naman ako bukas, panigurado.

"Goodmorning Agnes," ngiting ani ni Lolo nang madatnan ko ito sa kusina, nag-kakape habang may hawak-hawak na diyaryo.

"Goodmorning too, Lo," ani ko naman at ibinaba ang bag sa upuan, bago siya hinalikan sa pisngi.

Pag-kaupo ko'y nagsalita ulit ito. "By the way, mag-paalam ka na sa mga kaibigan mo, dahil mamayang hapon tayo pupunta sa probinsiya, naroon ang lugar kung saan ang Unibersidad," ngiting ani nito.

Ako naman ay napatunga-nga na lang, hindi maproseso ng makalawang kong utak ang ini-usal niya! 

Ano?!

Mamayang hapon na?!

Tsaka sa probinsiya pala?

"Oh," natatawang ani ni Lolo dahil sa gulat kong mukha. Kaya napatikhim naman ako't kinuha ang isang basong tubig. Tsaka linagok iyon.

"Ang...bilis naman, Lo. Tsaka 'yong mga kailangan ko pa po para makapag-enro-" ang magaling kong Lolo ay pinutol agad ang sasabihin ko.

"No worries, I already pulled some strings," ngising ani nito, kaya napabuntong hininga na lang ako't parang sumasakit ang invisible bangs ko sa super speed ni Lolo na ma-ipasok ako sa antiquity antiquity na Unibersidad na 'yon!

"This is for your own good hija, ang Unibersidad na iyon ay maganda para sa mga kabataang tulad mo. Marami kang matutunan doon, for sure." 

Tumango na lamang ako bilang pagtugon, kahit marami ng katanungan sa aking isipan.

"Huwag niyo na po akong sundin mamayang tanghali Manong," ani ko sa driver ko pagkatapos niya akong ihatid sa gate ng aking pinapasukang paaralan.

"Ma'am? Per-"

"Ako na pong bahala na mag-explain kay Lolo," ngiti kong sabi, napabuntong hininga naman ito tsaka tumango.

"Agnes!" tumingin agad ako sa pinanggalingan ng boses, si Astra, ang kaibigan ko.

Nagpaalam na nga ako kay Manong at sabay na kami na pumasok ni Astra.

"May chika ako!" ani nito kaya natawa na lang ako ng mahina, panigurado, ang boyfriend na naman niya ang i-kwe-kwento nito.

"Wala na kami ni Valdo! Babaero siya!"

Napailing-iling ako sa narinig, "Nasa moderno na tayong mundo Astra, anong ine-expect mo? Na may matitino pang lalaki? Well...meron naman pero bilang na lang sa ngipin," ngiwi kong ani. 

Napabuntong-hininga naman ito, "Sana...'yong gaya na lang dati ano? Kapag manliligaw haharanahin ka, hindi 'yong ngayon! Dinadaan sa text! Nasaan ang pagmamahal doon?" inis na ani nito, na akala mo'y hindi sinagot si Valdo thru text.

"Nasa simcard," natatawa kong sagot. Napairap na lang ito't pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming upuan dahil magsisimula na ang aming first period.

"Goodmorning," istriktong ani ng aming adviser. 

"Goodmorning ma'am," sagot naman naming lahat.

"Send ko na lang sa GC natin 'yong dapat niyong sagutan sa physical science," kaya ang mga kaklase at maging ako naman ay wagas ngumiti dahil hindi magtuturo si ma'am Narag. 

"Iba na talaga kapag may gadgets at social media," iiling-iling na ani ni Astra sa tabi ko.

"Aba, okay naman, ha," tanging irap ang ibinigay niya sa akin.

Ang mga kaklase ko'y nag-cellphone lang, panay ang tiktok at kung ano-ano pa. Malamang, bukas na lang nila gagawin ang sinabi ng aming adviser.

"Tara sa library Nes," ani ng babae, kaya kahit labag sa maganda kong kalooban ay sumama ako. Si Astra kasi iyong tipo na sineseryoso ang pag-aaral. Mahal na mahal din niya ang lumang siglo, pero nakikisabay naman ito sa uso.

"Vanessa, i-search mo nga ang ibig sabihin ng 'exigence'," rinig kong ani ng isang babae, narito na nga kami ni Astra sa loob ng library. Nag-re-research  tungkol sa ibinigay ng aming adviser na mga sasagutan.

"Tulad niyan, may libro naman pero ang mulala, gagamit pa rin ng cellphone, nahiya naman itong tinatapakan niyang library, girl?" 

Naiiling-iling na lang ako kay Astra, halos pag-kumpara lagi sa ngayon at noon ang bokabularyo ng babae.

Nakarinig na naman kami ng isang grade 7 na naka-kolerete't nababanas na mukha ang nakita namin, habang nakatingin siya sa cellphone nito, "Ang sabi ko kay mama, pilot ballpen, ang binili ba naman niya ay itong HBW!" 

"Wow, rich kid," naiusal namin ni Astra.

Kaya natawa ako ng mahina.

"Noong unang panahon uling ang ginagamit para makapag-sulat, ngayon may disente ng magagamit sa pagsusulat, ang gusto pa'y brand new?" bulong na naman muli nito sa akin.

"Kapag narinig tayo ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal, palagay ko'y proud na proud siya sa sa iyo," ani ko kay Astra, na irap lang naisagot sa akin.

Napabuntong hininga ako.

Sasabihin ko ba kay Astra?

"Gutom na ako, tara na sa canteen!" tsaka ako nagpahatak na lang sa babae.

"Jusko, nahihilo ako sa mga amoy!" natatawa kong ani matapos kaming sumabak sa pagbili. 

Tinignan ko ang mga kapwa kong estudyante, walang disiplina, ang karamihan ay nagtutulakan pa talaga. Walang pilahan na naganap. 

"Gago,"  usal ni Astra kaya napatingin ako bigla sa kaniya sa hindi inaasahang pagmumura nito.

Nakita niya atang napakunot ang noo ko kaya buntong hininga niyang itinapat sa mukha ko ang kaniyang cellphone.

Valdo: Astraq bumalk ka na saqn bebeq, pleaxeeee,,,, 

Muntik na akong masamid sa kajejehan ng lalaki! 

"Wagas kung makalagay ng comma ha," hagalpak kong tawa, kaya inirapan ako ng gaga.

"Huwag mong sabihin na babalikan mo 'yan?!" inis kong ani sa kaniya nang may tinitipa siyang mensahe.

Irap lang ang itinugon nito, tsaka muling itinutok ang CP niya sa mala-dyosa kong mukha.

Astra: babalikan lang kita kung mabibigyan mo ako ng limang libong tula. Bawat words ay 120K. Ayaw? E, di don't.

Nag-thumbs up ako sa babae matapos mabasa ang message niya kay Valdo.

"Anong akala niya sa sarili niya, gold?" sarkrastikong ani nito kaya natawa ako.

"Nag-mamatured na ang aking Astra." 

"Mga esyudyante ba sila? 'Di ba nila alam ang salitang biodegradble at non-biodegradable?!" ani na naman ng babae nang makita naming naghalo-halo na ang laman ng trash can, sumusuka na rin ito at ang iba ay nagkalat na.

Sa akin ay normal lang naman na iyon, pero ang babae'y ipinaglihi ata talaga noong eighteen forgotten.

"May dala kang payong?" saad niya nang makitang tirik na tirik ang araw.

"Wala, e. Hindi naman kasi folded 'yong nasa bahay, de-pindot! Baka pagtawanan ako!" natatawa kong ani, kaya no choice at ang aming palad na lang ang aming sandata sa init.

Halos matunaw ang balat namin nang lakarin at takbuhin ang daan papunta rito sa aming classroom! Paano ba naman kasi't wala man lang ni-isang puno sa dinaanan namin! Tsaka kakaiba ang init ng araw, sobrang naka-kapaso na.

Tinignan ko ang wallcock at 11:15 na. Nang makapasok sa room ay panay lang ang hawak nila ng cellphone, imbes na mga aklat.

Hiindi naman ako para-aral at wala ring honor, pero parang naka-kadismaya lang na imbes na mag-aral sila'y social media ang inaatupag.

Naks, coming from Agnes, really?

"Wala raw klase!" tumingin naman kami sa class president naming bigla-bigla na lang nag-announce mula sa bunganga niyang mala-speaker.

Kaya sabay na hiyawan ang aking narinig.

Napailing-iling na lang ako dahil doon. Ayaw ko pa sanang umuwi, gusto ko pang makasama si Astra hanggang matapos ang period na 'to. Pero heto't wala namang klase.

"Ayos! Makakapanood ako ng madaming oras mamaya!" masaya namang ani ni Atsra, ngumiti na lang ako ng pilit. At doon nabuo ang desisyon kong huwag na lang sabihin sa kaniya, na bukas ay hindi na ako makakapasok dito dahil nasa isang Unibersidad na ako.

Pero bahagya rin akong na-guilty. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Una na ako, Nes!" 

"Sige, ingat ka..." pilit na ngiti kong ani. Kaya tumakbo na ito, excited talagang manood.

"Teka, Astra!" sigaw ko nang medyo makalayo na ito, tumakbo ako sa kaniya't kinuha ang sulat na ginawa ko kanina ng palihim. 

"Ano naman ito?!" natawawang saad niya't kinuha ang papel.

"Basta! Huwag mo munang babasahin, ha! Kapag nakauwi ka na, sige na! Bye!" sunod-sunod na ani ko't tumakbo palayo sa kaniya.

Narinig ko pa ang pag-tawag nito sa akin. Pero hindi ko na siya liningon.

Pinaalis ko kaagad ang tumulong luha ko sa aking pisngi't naglakad na papunta sa kalye.

"Hija!" napangiti ako ng malapad nang marinig ang boses na iyon, si Lolo. Natawa na lang ako ng bahagya dahil pareho pa pala kaming hindi alam ang pangalan ng isat'-isa.

Naglakad ako papunta sa bench, nakangiti itong naka-upo roon.

Nagpapahinga.

"Isa nga pong taho riyan, Lo," ngiti kong saad.

Ngumiti naman ito pabalik at tumakal ng taho, nang maibigay na niya ito sa akin, kukunin ko na rin sana ang pera ko, pero nagsalita ito. "Huwag na hija, libre na iyan."

Hindi na ako nag-pabebe, kaya ibinulsa ko na ang 15 pesos, para maibili ng bubble gum mamaya.

Umupo ako sa tabi niya, habang humihigop ng taho. "Lo, ano pa lang pangalan niyo?" natatawa kong ani.

Natawa rin ito ng mahina. Base sa mukha at katawan ni Lolo'y mala-campus crush ito noong kabataan niya. May mukha kasi itong pang-artista, at naka-tindig pa rin ang magandang hubog ng katawan nito, kahit matanda na.

"Primo, hija."

"Ikaw hija?" tuloy niya habang nakangiti. Nakakahawa ang ngiti nito, kaya sinuklian ko naman ito.

"Agnes Lo, Agnes Francisco."

Napakunot ang noo ko nang may mapagtanto, "Tanong ko lang Lo, may pamilya po kayo?" at hindi ko na nga napigilan ang pagiging 'Marites mood' ko.

Tipid naman itong ngumiti, "Meron hija, may mag-ina ako," magsasalita na sana ulit ako, ngunit inunahan na ako ng matanda, "Pero...wala na sila..." 

Gusto kong pag-sasapakin ang mukha ko kung bakit ko pa kasi tinanong ang bagay na iyon, 'yon tuloy at naging malungkot ang masiyahing magtataho na si Mang Primo.

"Sorry po..."

Gusto ko pang mag-ungkat sana at pag-kwentuhin siya, pero alam ko namang pribado iyon.

"Hindi ka na sana nag-impake, hija. May gamit ka na roon sa dormitoryo," ani ni Lolo. Narito kami ngayon sa mansiyon, hindi na rin ako nakapag-paalam kay Lolo Primo nang biglang lumitaw na naman kasi bigla ang daig pang kabute na si Manong Gustavo. Kaya ayon at tanging ngiti lang ang naibigay ko sa matanda.

"Po? May dormitoryo po roon Lolo? So, hindi po ako uuwi?" sabay-sabay na tanong ko. Ang tinutukoy kong uuwian kada weekends sana, ay sa bahay namin sa probinsiya. Malapit lang daw naman ang Unibersidad doon. Nagtataka nga ako dahil kapag nag-babakasyon kami roon ay hindi ko naman nakikita iyon.

"Oo, hija. Hindi mo na kailangan ang mga 'yan."

"Pero, Lo..." buntong hiningang ani ko. Narito kaya ang mga damit kong off-shoulder, at mga iba pa. Ayaw ko namang mag-bestida sa probinsiya 'no!

"Sige na, kunin mo na lang lahat iyan," naiintindihan namang sagot ng matanda kaya napangiti ako. 

8 PM na nang makasakay kami sa bangka patungo sa isang baryo, ang aming probinsiya.

Sa kalagitnaan ng aming biyahe'y naka-tulala na lang ako. Hindi na ako nag-abalang nagtanong-tanong kay Lolo kung anong magiging benepisyo sa akin ng sinasabi niyang Unibersidad. Ang sabi naman nito'y 'Maganda roon'. Kaya nagtiwala na lang ako kay Lolo.

Naisip ko na naman si Astra, panigurado, nabasa na niya ang liham ko, si Lolo Primo naman ay baka bukas, madidismaya ito kapag hindi niya ako nakita na dadaan sa kalye.

Kidding, masiyado naman akong ambisyosa.

"Narito na tayo, hija!" daig pa ni Lolo ang naka-take ng enervon sa ka-energyhan sa katawan nang sabihin niya 'yon. 

Tumama nga ang preskong hangin sa aking balat, kaya ang ginawa ko'y lumanghap at damhin ang sariwang hangin.

Namiss ko ito...

May mga tauhan si Lolo na nag-dala sa mga bagahe ko kaya hindi na kami nahirapan. Panigurado'y babayaran na lang niya mamaya ang mga ito.

"Lo, hindi po ba tayo di-deretso sa bahay?" takang tanong ko dahil sumakay kami sa isang jeep na kami lang ang laman. 

"Bukas ka na magsisimula hija, kaya doon ka na lang sa dormitoryo tutuloy, mas marami ka pang pahinga. Kung pupunta tayo sa bahay ay dalawang oras pa ang aabutin para makatulog ka sa iyong kama," kaya nakuha ko naman agad ang paliwanag nito.

Sinilip ko na lang ang bintana ng jeep kung nasaan na ba kami, pero hindi ako pamilyar sa daang nakita.

Ibinaling ko ang paningin kay Lolo, para sana magtanong kung nasaang baryo na kami, pero naka-pikit na ito na nakaupo. Natutulog na ata.

Hindi ko na lang siya inistorbo't ibinaling muli ang paningin sa labas.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko na talaga alam ang dinaraanan namin, mabato na rito kaya ramdam kong umaalog-alog kami rito sa loob. Ang tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw, para makita ang daan. 

"Ba't magubat?" bulong ko sa sarili dahil napakarami ng puno sa paligid.

"Lo, dito po ba talaga ang daan?" tanong ko nang makitang hindi na naka-pikit ito, tumingin naman niya sa labas ng jeep. Tsaka muling bumaling sa akin.

"Oo hija, huwag kang mag-alala," ngiting ani nito, kaya nag-aalinlangan man ay, tumango ako.

Napakamot ako sa aking tainga't kinusot ang mata nang parang may gumigising sa akin.

Umupo nga ako ng naka-pikit pa rin, tsaka nag-inat. Napa-daing pa ako bigla dahil ang sakit ng aking likuran! Sign of aging na ba 'to? O, kaartehan ko lang sa buhay.

"Magandang umaga binibini," masayang aning tinig na nadinig ko, kaya iminulat ko naman ang aking mata.

"Jusko!" gulat kong saad nang may isang babaeng nakatayo sa harapan ko na mala-Maria Clara!

Mga nasa 30+ na ata ang gulang nito, habang ngingiting-ngiti sa akin!

"S-Sino ka?! Lolo!" pag-wawala ko kaagad!

Napakunot ang noo ko't tumingin sa paligid ng aking kwarto, teka...hindi ito ang kwarto ko!

Gawa sa kawayan ito, ang bubong nito ay mga nipa! Kinapa ko ang kama, at kaya pala sumakit ang aking likuran, gawa ito sa kawayan!

Walang foam!

Nawiwindanag akong timingin muli sa babae na naka-baro't saya!

Nasa shooting ba kami?!

Pinagkakitaan na ba ako ni Lolo? Dahil alam niyang magaling akong umarte kapag may ipinapagawa siya sa akin, at ang lagi kong sinasabi ay masakit ang ngipin ko!

"Nasaan ako?!

Bakit ganito ang suot ng babae?!

Jusko! Nanaginip lang ba ako?!

Nakita ko ang unan, at kinuha iyon agad. "Binibini!" gulantang ng babae nang ihampas ko iyon sa aking sarili! 

Hinampas ko ang aking sarili! 

Masakit! Piste!

Hindi ito panaginip!

"Tumahan kayo, Binibini," ani ng babe sa kalmang boses, habang ako'y habaol-habol pa ang hiningang tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Naka-barot't saya ito, ang buhok, parang aattend ng graduation. At ang kaniyang sandalyas ay bakya! Pilit kong inisip ang nangyari kagabi kung bakit ako napunta rito! Rinig kong bumuntong hininga ang babae, kaya napatingin ako sa kanya, "Wari ko ay nagugululuhan ka," ngiting saad nito.

"Nasaan ako? T-Tsaka...nasaan si Lolo?!" hindi pa rin ako mapakali, at inilibot muli ang paningin sa kwarto.

"Huminahon ka, nakatulog ka kagabi sa inyong paglalakbay ng 'yong nunong lalaki, kaya hindi mo nasilayan ang Unibersidad dito. Ngunit ang saad ng iyong nunong lalaki, pupunta raw ulit siya sa lungsod, may aasikasuhin doon. Tsaka Pinapasabi niya'y lagi ka raw mag-iingat," mahabang lintaya nito!

Ano?!

Mangiyak-iyak akong umiling-iling, hindi makapaniwala, "Kailan daw po siya ulit dadalaw? Tsaka...kailan ako makakauwi?" takang tanong ko, habang may namumuong luha sa aking mata.

Hindi ko alam, pero iba ang kutob ko sa Unibersidad na ito!

Bakit ako dinala ni Lolo rito?

Sa halip na sagutin niya ako'y, ibinaba niya lang ang kanina niya pa hawak-hawak na tray, gawa ito sa kahoy at may mga pagkaing pang-agahan doon.

"Kumain muna kayo Binibini, mamayang alas siyete'y magsisimula na ang inyong klase," magsasalita pa sana ako nang may bigla siyang inilahad sa akin na manipis na tabla. Tsaka ito walang paalam na lumabas.

Iginala ko muna ang pangin dito sa loob, at dumungaw sa bintana. Halos mailuwal ko ang aking mata sa magandang nakita!

Paraiso ba 'to?!

Pulos kulay berde na patag ang aking nakikita, mga carabao grass. Mga nag-lalakihang puno na naka-palibot, na parang ginawa ito na gate! Isiningkit ko ang mata nang may natanaw sa medyo malayo na lugar na isang Unibersidad! 5th floor ito! Ang kulay nito'y puti lang at beige.

Iginala ko rin ang paningin sa left at right side.

"Bakit ang habang dormitoryo?! Teka...dormitoryo ba ito?!" nagugulantang kong saad nang makita ang parang tren sa haba na mga bahay-bahay, ganito rito sa kinaroroonan ko.

Gawa sa kahoy na kawayan ang lahat, napaka-presko rin ng ihip ng hangin dahil sa mga puno sa paligid, sa silong ng mga puno'y  may mga ginawang bench na gawa rin sa kahoy ng kawayan, para ata pag-pahingaan o pagtambayan. 

Kapansin-pansin din ang mga bulaklak dito sa mga harapan ng bintana namin, marami ito na talaga nga namang naka-kaakit sa paningin.

Nagulantang naman ako nang may biglang narinig, "Magandang umaga! Lahat ng estudyante, maghanda na't tatlumpung minuto na lang, magsisimula na ang inyong klase!" galing ito sa malaking speaker na naka-sabit sa malaking puno na nakaharap rito sa aming dormitoryo.

"Susein! Bilisan mo! Ubos na ang aking tinta't kailang pa nating dumurog ng uling!" rinig ko sa katabi ko lang na kwarto.

Tinta?

Dumurog ng uling?

Nawiwindang naman ako sa narinig!

Tinignan ko mula sa bintana kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakita ko nga ang parang nagmamadaling babae na naka-suot na ng baro't saya.

"Oo! Ito na! pupunta pa ako sa sapa para manghuli ng isdang pang-agahan!" muli na naman akong nawindang sa narinig!

May sapa rito?

Tsaka may isda pala ang sapa?!

Ngayon ko lang nalaman, ha.

Nakita ko na rin ang iba pang mga babae na nagmamadaling tumungo sa tintignan kong Unibersidad, may dala-dalang bayong at naka-suot ng baro't saya. Idadag na rin ang mga abaka na naglalakihan para ipantakip lng sa kalahating mukha.

Anong klaseng Unibersidad ba ito?!

Naiinis akong umupo muli sa kama't kinuha ng marahas ang manipis na tabla. 

"University of Antiquity..." basa ko sa sulat kamay at ang gimamit na tinta ay uling.

Napatayo ako't pumunta ulit sa bintana para pagkumparahin ang nakita ko kaninang Unibersidad at ang naka-ukit na nasa likuran ng manipis na tabla. "Woah..." naiusal ko na lang nang makumpirmang iyon nga ang papasukan ko. Muli kong itinuon ang aking atensyon sa tabla.

Maligayang pagdating sa Unibersidad!

Seksyon: Pula

Kailangang isuot: Baro't saya, bakya at ang kwintas na nasa iyong aparador. 

Mga dadalhin: Uling na gagawing tinta, balahibo ng manok, at kulay puting manipis na tabla. (Lumabas ka't maghanap) huwag mong kakalimutang kunin ang iyong abaka, itapat mo ito sa iyong labi kapag may naka-salamuha kang mga Ginoo na hindi mo pa kilala.

Kailangang gawin: kapag nakikipag-usap ka sa lalaki, 'Ginoo' ang iyong sasabihin. Kung sa babae, 'Binibini'. 

Purong tagalog dapat ang lenggwahe.

Iyon lang at nagagalak kaming napili mo ang aming Unibersidad!

Sana ay maging masaya ang pagtuklas mo ng misteryo!

Kumunot ang noo ko nang mabasa ang huling sulat.

Anong misteryo? 

Akala ko ba mag-aaral?

"Weird..."

Related chapters

  • University of Antiquity   Chapter 2

    "Ano ba naman 'to!" naiinis kong ani nang hindi umuusad ang pagsuklay ko sa aking buhok!Kaninang naligo ako sa banyong gawa sa kawayan, ay hindi ko mahagilap ang shampoo! Tanging dalawang timba na hindi pangkaraniwan at may tubig ang naroon, ang tabo pa ay isang bao! May nakita lang akong aloevera't kulay gatas na mga liquid doon. Hindi ko inamoy o ginamit ang mga iyon, dahil malay ko bang baka naka-kamatay na pala ang mga 'yon.O, baka masusunog ang aking mala-papel na kutis!Kaya heto ako't hirap na hirap suklayin ang buhok.Pagkatapos kong sumabak sa giyera of the hair, ay tinignan ko ang kabuuan ko sa lumang salamin, at napapikit na lang ako ng mariin.Naka-suot na ako ng baro't saya gaya ng sinabi sa sulat sa tabla. Naiinis pa ako sa kakapa

  • University of Antiquity   Chapter 3

    "Rouge! Bilisan mo!" sigaw ni Eren, nasa harap kami ngayon ng pintuan ni Rouge, naka-upo sa parihabang upuhang kahoy na parang balkonahe. Ewan ko ba, basta may upuan. 'Di ko sure. "Sorry talaga ha..." mahina kong sambit kay Eren nang mapatingin ito sa akin. Kumunot naman agad ang noo nito, nagtataka ang itsura, "Sorry?" Buntong hininga lang ang naisagot ko sa lalaki nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. "I mean..." napakagat agad ako sa aking pang-ibabang labi nang mapagtantong nag-ingles na naman ako, "Pasensiya na," tuloy ko rito. Magtatanong pa sana ang lalaki dahil sa nabanggit kong 'I mean', pero sabay na kaming napatingin ni Eren kay Rouge na nakabibis na, at parang posteng nakatayo sa harap ko. Napalunok ako nang biglang dumapo ang paningin nito sa akin! Medyo hapit sa kaniyang maskuladong d****b ang suot nitong polong kulay puti, bumagay rin sa kaniya ang pantalon niyang

  • University of Antiquity   Chapter 4

    Susein POV "Malayo pa ba tayo?!" sigaw ng babae sa aming likuran. Ang ate niyo'y kanina pa natatapilok sa putikan rito sa palayan. "Tss, anak mayaman," ngisi kong saad nang makita kong inalalayan siya muli ni Rouge para tumayo. "Malapit na binibini, kaonting tiis na lang," usal naman ng Eren ko. Ilang buwan na rin kami ni Vina noong inilagay kami ng aming magulang sa Unibersidad na ito. Gaya ng babae na baguhan, ganoon din kami noon. Palampa lampa sa lahat ng lumang gawain at mga bagay-bagay. Na-culture shock pa yata ang kippy namin ni Vina noong tumapak na kami rito. Hanggang sa nakasanayan na rin namin. Ang totoo'y enjoy na enjoy naman kami sa bagong buhay namin rito, lalo na nang maging kaklase ko itong Eren ko. "Namo, ngingiti-ngiti mo riyan? Pinagpapantasyahan mo ba 'yang Eren na iyan?" sinamaan ko agad ng tingin si Vina. Panira ng moment! "Palibhasa'y may jowa

  • University of Antiquity   Chapter 5

    Susein POV "Agnes? Naririnig mo ba ako?" usal ko sa lata na naka-sentro sa aking bunganga. "Tigil mo na nga 'yan. Hindi ba ipinaaral sa iyo ni Ma'am Susan sa 'yo noong elementary ka? Na kapag hindi straight line ang sinulid, ay hindi ito makaka-abot sa kabila," ngumiwi naman ako sa panenermon ni madam Vina inggrata! Nagbuntong hininga na lang ako at ibinaba ang lata tsaka sumalampak sa higaan namin. Pagkatapos kasi ng parusa namin kanina ay agad na kaming pina-uwi. Nagulat nga ang Ale do'n dahil humihinga kaming lumitaw sa harapan niya. Huh, anong akala niya. "Ang boring! Tara na, huwag ka namang KJ Vina, minsan lang ito, oh!" pang-aaya ko sa kaniya ulit para kami ay tumakas. Gabi na kasi at pinapatulog na kaming lahat ng mga namamahala rito sa mga ganitong oras. 6 PM pa lang yata. Kung sa Maynila ay baka 6 AM pa lang ako matutulog, at sa ganitong mga oras ay panay indak ako sa bar. "Tumigil ka, mapapahama

  • University of Antiquity   Chapter 6

    Susein POV "Agnes! Bilisan mo!" sigaw ko sa harapan ng kwarto ng neneng. Nakabihis pang-binibini na kami nitong si Vina, ngunit ang isang babae ay natutulog pa yata! "Sino ba kasi iyan?! Lo, naman?!" Putakte! Nagkatinginan nga kami nitong kasama ko sa narinig mula sa babae na kagigising yata. Sus maryosep! Late na naman kami! At pinagkamalan pa kaming lolo niya! Pambihira. Nang bumukas nga ang pinto ay tumambad ang neneng na kaygulo ang buhok. "Bruhang iyan, late na tayo," iiling-iling na saad ni Vina tsaka kinuha na lang ang yosi sa ginawang bulsa niya sa saya. Imagine-nin niyo iyon, naka-pambihis dalagang pilipina ang babae at may naka-salampak na yosi sa bunganga nito. Hinablot ko na agad ang yosi niya, kaya tinaasan na agad nito ako ng isang kilay, "Ibulsa mo nga muna, kung may makakita baka pagtatagain nila ito," saad ko at inilahad ang yosi s

  • University of Antiquity   Chapter 7

    Susein POV "Gising na sila Rouge," iyon agad ang narinig ko nang magising ang aking diwa. Napahawak agad ako sa sentido nang dumaan ang kaonting kirot doon. "T-Tubig..." usal ko nang unti-unti ko ng iminulat ang mata. "Pakihintay Binibini," usal ni Eren na aking unang nakita. Kumunot ang noo ko nang namataan ang ibang kwartong aking kinaroroonan. "S***a, nasaan ako?" baling ko kay Rouge. Hindi agad ako nito liningon dahil kita ko siyang inaasikaso rin si Agnes. "Ay, wow. May special treatment," tumingin ito sa akin nang iusal ko iyon kaya ako ay napangisi agad. "Si Vina, Ginoo?" Pfft. Piste. Muntik na akong mabilaukan dahil sa inusal ko sa 'Ginoo'! Petchi. Hindi ko bagay! "Oh, congrats. Graduate na kayo," hayon at biglang lumitaw ang gaga. Naka-ngisi na ito habang nakapamulsang nakasandal sa dingding! "Halika, halika," pekeng ngiti ko rito. "Halika at masabunuta

  • University of Antiquity   Chapter 8

    "Bakit ba kasi lagi kang hindi nag-iingat, Binibini?" napalunok ako nang mahimigan ang parang nanenermon niyang boses.Ang talampakan ko ay hawak-hawak ng lalaki, habang tinatapalan ang isa kong daliri sa paa na dumudugo.Sa totoo lang ay mahapdi ang pagkakatapal niya nang dinikdik na dahon ng malunggay, sa daliri kong natuklap na yata ang kuko.Jusko!Ayaw ko lang dumaing dahil baka mas lalo akong pagalitan nitong feeling Ama ko!Bumuntong hininga ito't muling ipinako ang seryoso niyang mukha sa akin, kaya agad naman akong napa-iwas at muntik na rin yatang tumagaktak ang pawis sa aking kili-kili!"Tapos na, Binibini" rinig kong kaniyang usal tsaka ito tumayo, ngunit ang seste! Ramdam ko pa rin ang tingin nito sa akin!Kinakabahan man ay tumingin ako sa kaniyang direksiyon bago umusal, "S-Salamat..." kinurot ko ang aking palad dahil sa timbre ng aking boses na pabebe!Nautal pa nga!"Walang anuman

  • University of Antiquity   Chapter 9

    Agnes POV Tinaasan ako ng kilay ni Susein nang makitang iba ang aking lakad, "Ano namang ka-emehen 'yan?" ani nito habang naglalakad kami papuntang Unibersidad. Ngayon lang yata kami hindi late. Hinintay nila ako kanina sa aking silid kaya kami na nga ay nagakakasamang papunta sa skwelahan. "N-Nabitawan ko kasi 'yong bato kanina sa paa ko..." Umikot ang mata nito, "Tanga, tanga!" sinamaan ko ng tingin ang babae, kukutusan ko pa sana ito ngunit natatawa na itong tumakbo. Jusko na iyan, binibini na binibining tignan ngunit ang lalaki ng mga hakbang kung tumakbo! "Eren, bebe!" "Piste," naiusal na lang ni Vina nang bigla ba namang isigaw iyon ni Susein kila Eren habang kumakaway! Ayon at pinagtitinginan kami tuloy ng mga ibang estudyante rito. "Hi!" masiglang bati ni Susein nang sa wakas ay nasa harapan na kami ng dalawang lalaki. Nginitian ko pabalik si Rouge nang ngumiti ito sa akin na

Latest chapter

  • University of Antiquity   Chapter 12

    12Lunes ng umaga ay tila sandamakmak ang aking mga katanungan sa isip, kaya habang kami ay kumakain ng mireyenda at nakatanaw sa buong lugar mula sa aming kintatayuan rito sa 4th floor ay nagsalita na ako, "Bakit may patayan na nagaganap noon rito sa Unibersidad? At bakit tayo ang magreresolba ng krimen?" tanging tanong ko sa dakawang babae at dalawang lalaki na payapang kumakain ng panghimagas. Kaya tumingin naman sila sa akin sa biglaang balandra kong tanong.Tumikhim si Eren, "Gusto mo bang maupo o ganito na lang Binibini? Dahil mahabang paliwanaganito," ngising sagot ng lalaki.Linunok ko muna ang kinakaing prutas bago nagsalita, "Okay lang kahit dito na."Tumango naman si Eren at tinignan si Rouge, ganoon din ang dalawa kaya napatikhim ang lalaki. Hudyat na siya na nga ang magpapaliwanag ng lahat."Ang krimeng ating iniimbestigahan ay nangyari na noon pa," panimula nang lalaki at tumitig ito sa akin, "May mga mag-kakaibigang

  • University of Antiquity   Chapter 11

    "Ang mga ipinapasok lang rito sa Unibersidad ay ang mga suwail, at ang mga kabataang sakit sa ulo," saad ni Susein habang nakatingin sa malayong lugar nang aming dormitoryo. Nasa 4th floor kasi kami, kaya mula rito ay kitang-kita namin ang view nitong buong lugar."Ha?" tumingin ako sa gawi nila ni Vina, "Ang alam ko'y hindi naman ako suwail na apo, ha?" kunot noong sagot ko.Tumaas lang ang sulok ng labi nito, "'Di mo sure? E, bakit ka narito ngayon?"Iyon nga ang ipinagtataka ko, bakit ako nilagay ni lolo rito, e hindi naman ako ganoon."Ang alam ko'y gusto niya lang maranasan ko ang mga makalumang bagay noon, kaya linagay niya ako rito?" hindi ko nga sure na sagot bago nagkibit-balikat."Rebeldeng mga anak kami sa Maynila no'n Agnes, kung nagtataka ka pa rin kung bakit kami narito," rinig kong usal ni Vina, na nakatingin din sa malayo. Habang nakasalampak ang yosi sa bunganga nito. Tinignan niya muli ako at nagbuntong hininga, "Bukod pa kasi sa

  • University of Antiquity   Chapter 10

    "Agnes! Narito na kami!" nakakarinding sigaw ni Susein sa labas!Jusko! Ang babaeng iyon!Pakamot-kamot nga ako sa aking leeg habang humihikab na pinagbuksan sila.Ang aga-aga nila lagi!"Mmn?" namumungay na matang saad ko sa dalawang babae na naka-bihis na, "Sabado ngayon, a?" nagtatakang tuloy ko dahilan para mapataas ang kilay ni Susein."At ano nga uli ang sabi ni profesora Sonya?" sarkrastikong aniya, kaya parang naging bombilya naman nang ilang segundo ang aking ulo.Jusko, practice pala namin ngayon!Mga ilang buwan pa naman naman iyon bago itanghal, ngunit mas-maigi na raw na simulan na namin para maging perfect ang kalalabasan.Hindi yata nainform si prof. Sonya na nobody's perfext. Lol.Tsaka ang sapa na pag-pa-practice-san ay sa Unibersidad na raw gagawin. Dahil baka raw may mangyaring hindi maganda kapag doon kami sa gilid ng sapa, may care naman pala sa amin ang professor. naming iyon."Si

  • University of Antiquity   Chapter 9

    Agnes POV Tinaasan ako ng kilay ni Susein nang makitang iba ang aking lakad, "Ano namang ka-emehen 'yan?" ani nito habang naglalakad kami papuntang Unibersidad. Ngayon lang yata kami hindi late. Hinintay nila ako kanina sa aking silid kaya kami na nga ay nagakakasamang papunta sa skwelahan. "N-Nabitawan ko kasi 'yong bato kanina sa paa ko..." Umikot ang mata nito, "Tanga, tanga!" sinamaan ko ng tingin ang babae, kukutusan ko pa sana ito ngunit natatawa na itong tumakbo. Jusko na iyan, binibini na binibining tignan ngunit ang lalaki ng mga hakbang kung tumakbo! "Eren, bebe!" "Piste," naiusal na lang ni Vina nang bigla ba namang isigaw iyon ni Susein kila Eren habang kumakaway! Ayon at pinagtitinginan kami tuloy ng mga ibang estudyante rito. "Hi!" masiglang bati ni Susein nang sa wakas ay nasa harapan na kami ng dalawang lalaki. Nginitian ko pabalik si Rouge nang ngumiti ito sa akin na

  • University of Antiquity   Chapter 8

    "Bakit ba kasi lagi kang hindi nag-iingat, Binibini?" napalunok ako nang mahimigan ang parang nanenermon niyang boses.Ang talampakan ko ay hawak-hawak ng lalaki, habang tinatapalan ang isa kong daliri sa paa na dumudugo.Sa totoo lang ay mahapdi ang pagkakatapal niya nang dinikdik na dahon ng malunggay, sa daliri kong natuklap na yata ang kuko.Jusko!Ayaw ko lang dumaing dahil baka mas lalo akong pagalitan nitong feeling Ama ko!Bumuntong hininga ito't muling ipinako ang seryoso niyang mukha sa akin, kaya agad naman akong napa-iwas at muntik na rin yatang tumagaktak ang pawis sa aking kili-kili!"Tapos na, Binibini" rinig kong kaniyang usal tsaka ito tumayo, ngunit ang seste! Ramdam ko pa rin ang tingin nito sa akin!Kinakabahan man ay tumingin ako sa kaniyang direksiyon bago umusal, "S-Salamat..." kinurot ko ang aking palad dahil sa timbre ng aking boses na pabebe!Nautal pa nga!"Walang anuman

  • University of Antiquity   Chapter 7

    Susein POV "Gising na sila Rouge," iyon agad ang narinig ko nang magising ang aking diwa. Napahawak agad ako sa sentido nang dumaan ang kaonting kirot doon. "T-Tubig..." usal ko nang unti-unti ko ng iminulat ang mata. "Pakihintay Binibini," usal ni Eren na aking unang nakita. Kumunot ang noo ko nang namataan ang ibang kwartong aking kinaroroonan. "S***a, nasaan ako?" baling ko kay Rouge. Hindi agad ako nito liningon dahil kita ko siyang inaasikaso rin si Agnes. "Ay, wow. May special treatment," tumingin ito sa akin nang iusal ko iyon kaya ako ay napangisi agad. "Si Vina, Ginoo?" Pfft. Piste. Muntik na akong mabilaukan dahil sa inusal ko sa 'Ginoo'! Petchi. Hindi ko bagay! "Oh, congrats. Graduate na kayo," hayon at biglang lumitaw ang gaga. Naka-ngisi na ito habang nakapamulsang nakasandal sa dingding! "Halika, halika," pekeng ngiti ko rito. "Halika at masabunuta

  • University of Antiquity   Chapter 6

    Susein POV "Agnes! Bilisan mo!" sigaw ko sa harapan ng kwarto ng neneng. Nakabihis pang-binibini na kami nitong si Vina, ngunit ang isang babae ay natutulog pa yata! "Sino ba kasi iyan?! Lo, naman?!" Putakte! Nagkatinginan nga kami nitong kasama ko sa narinig mula sa babae na kagigising yata. Sus maryosep! Late na naman kami! At pinagkamalan pa kaming lolo niya! Pambihira. Nang bumukas nga ang pinto ay tumambad ang neneng na kaygulo ang buhok. "Bruhang iyan, late na tayo," iiling-iling na saad ni Vina tsaka kinuha na lang ang yosi sa ginawang bulsa niya sa saya. Imagine-nin niyo iyon, naka-pambihis dalagang pilipina ang babae at may naka-salampak na yosi sa bunganga nito. Hinablot ko na agad ang yosi niya, kaya tinaasan na agad nito ako ng isang kilay, "Ibulsa mo nga muna, kung may makakita baka pagtatagain nila ito," saad ko at inilahad ang yosi s

  • University of Antiquity   Chapter 5

    Susein POV "Agnes? Naririnig mo ba ako?" usal ko sa lata na naka-sentro sa aking bunganga. "Tigil mo na nga 'yan. Hindi ba ipinaaral sa iyo ni Ma'am Susan sa 'yo noong elementary ka? Na kapag hindi straight line ang sinulid, ay hindi ito makaka-abot sa kabila," ngumiwi naman ako sa panenermon ni madam Vina inggrata! Nagbuntong hininga na lang ako at ibinaba ang lata tsaka sumalampak sa higaan namin. Pagkatapos kasi ng parusa namin kanina ay agad na kaming pina-uwi. Nagulat nga ang Ale do'n dahil humihinga kaming lumitaw sa harapan niya. Huh, anong akala niya. "Ang boring! Tara na, huwag ka namang KJ Vina, minsan lang ito, oh!" pang-aaya ko sa kaniya ulit para kami ay tumakas. Gabi na kasi at pinapatulog na kaming lahat ng mga namamahala rito sa mga ganitong oras. 6 PM pa lang yata. Kung sa Maynila ay baka 6 AM pa lang ako matutulog, at sa ganitong mga oras ay panay indak ako sa bar. "Tumigil ka, mapapahama

  • University of Antiquity   Chapter 4

    Susein POV "Malayo pa ba tayo?!" sigaw ng babae sa aming likuran. Ang ate niyo'y kanina pa natatapilok sa putikan rito sa palayan. "Tss, anak mayaman," ngisi kong saad nang makita kong inalalayan siya muli ni Rouge para tumayo. "Malapit na binibini, kaonting tiis na lang," usal naman ng Eren ko. Ilang buwan na rin kami ni Vina noong inilagay kami ng aming magulang sa Unibersidad na ito. Gaya ng babae na baguhan, ganoon din kami noon. Palampa lampa sa lahat ng lumang gawain at mga bagay-bagay. Na-culture shock pa yata ang kippy namin ni Vina noong tumapak na kami rito. Hanggang sa nakasanayan na rin namin. Ang totoo'y enjoy na enjoy naman kami sa bagong buhay namin rito, lalo na nang maging kaklase ko itong Eren ko. "Namo, ngingiti-ngiti mo riyan? Pinagpapantasyahan mo ba 'yang Eren na iyan?" sinamaan ko agad ng tingin si Vina. Panira ng moment! "Palibhasa'y may jowa

DMCA.com Protection Status