"Hi.." isang nakangiting Lovely ang bumungad kay Danica ng umagang iyon. Tumayo ito mula sa sofa, "pinatuloy na ako ng katulong kasi kilala naman nila ko." "Ah.. wala si Jethro dito eh," alanganin ang ngiting ibinigay ni Danica sa babae. Hindi niya inaasahan na magtutungo ito doon ngayong umaga. "Hindi naman siya ang kailangan ko eh," hindi pa rin nawawala ang ngiti nito habang papalapit siya. Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Hindi si Jethro ang kailangan? eh sino? Mukhang napansin ni Lovely ang kanyang iniisip, itinaas nito ang dalang prutas, "ikaw ang sadya ko. Mukhang hindi kasi naging okay yung una nating pagtatagpo. Baka mamis interpret mo pa.." "Ah.. iyon ba?" ngumiti na rin siya at sinabihan ito, "sige maupo ka." inabot niya ang prutas ng basket na inialay nito, "salamat." "Alam mo kasi, ako lang ang babae sa aming magkakaibigan, siyempre hindi ko masyadong napag tuunan ng pansin na darating nga pala ang araw na magkakaroon na ng kanya kanyang pamilya ang mga kaibig
"Natutulog na pala sila.." nakangiting sabi ni Jethro, habang tinitingnan ang mga bata na nakahiga sa kuna. "Sir, kukunin niyo po ba ang bata?" anong ng isang yaya sa kanya. "Hindi na, pakibantayan niyo na lang maigi ang mga bata. Patutulugin ko muna ang nanay nila.." kinindatan niya si Danica na agad na namula sa biro niyang iyon. "Naku, ikaw talaga.. ano ka ba naman, nakakahiya," bulong niya sa lalaki, habang napasulyap sa mga katulong na kinikilig sa paglalambing ni Jethro. "Bakit?" hinawakan nito ang baywang niya, "may mga anak na tayo, kaya dapat mas lalo tayong magmahalan." Lalo siyang namula sa ginagawa ng lalaki, lalo na ng bulungan siya nito, "palalakihin lang natin sila ng konti, para maging flower girl at ring bearer sa ating kasal." Nanlaki ang mga mata ni Danica.. Di yata't.. di yata ay nagpapahiwatig ng kasal ang lalaki sa kanya. "Pa-papakasalan mo ko?" nabanggit na nito iyon sa kanya, kaso, simula noong manganak siya, hindi na ulit ito nagbanggit ng tungkol doon.
Dala dala ni Lovely ang lutong pagkain. Inilagay niya iyon sa kotse. Sumakay naman siya upang magdrive, at gaya ng kanyang plano, kailangan niyang makalapit kay Danica ng hindi nahahalata na may plano siya.Pakanta kanta pa siya habang nagmamaneho.Subalit pagdating niya doon, nagulat siya sa bungan sa kanya ng guard."Mam, wala po sina sir. Isinama po niya ang mag iina niya na mag out of town ngayon.""Out of town?" hindi makapaniwalang tanong niya. Paanong aalis ang mga ito ng hindi man lang niya nalalaman?Agad niyang tinawagan si Vinz at Santi upang alamin kung nag out of town nga sina Jerhro."Oo, nagpaalam siya samin kagabi, bakit?" tanong ni Santi na nakaupo sa kanyang clinic at naghihintay ng pasyente."Ha? bakit hindi ko ,an lang alam?" hindi makapaniwala si Lovely na basta na lang umalis sin Jethro na hindi man lang siya kinokontak."Kailangan ba?" hindi makapaniwala si Santi sa narinig, "Lovely, akala ko ba, hahayaan mo ng mamuhay ng maayos sina Danica, bakit ngayon. para k
Masayang nag uusap sina Danica at Jethro. Nagkukwentuhan sila habang pinapanood ang mga bata na nilalaro ng mga yaya."Gagawin natin ito ng madalas," nakangiting sabi ni Jethro habang hinahalik halikan ang kamay ni Danica, "dapat, magkaroon tayo ng madaming moment na magkasama.""Salamat," nakangiting tugon ni Danica sa kanya, "alam kong marami kang ginagawa, ngunit ang laanan kami ng oras gaya nito, talagang naaappreciate ko."Masaya ang kanilang kwentuhan, ng biglang tumunog ang cellphone ni Jethro. Ayaw niya iyong sagutin, dahil numero iyon ni Lovely.Nangunot naman ang noo ni Danica ng mapansin ang ginawa ni jethro, "bakit ayaw mong sagutin?""Kukulitin lang ako niyan kung nasaan ako,baka sumunod pa siya," tanggi niya.Subalit sa ikalimang tawag, hindi na nakatiis si Danica, "baka mahalaga yan, sagutin mo na. Kanina pa yan.."Sa huli, sinunod niya ang sinabi ng babae. Patamad niyang sinagot ang tawag, "Hello, bakit?" ngunit ibang boses ang naroroon."Hello po.. si Mr. Jethro po ba
Hindi niya akalaing ganoon kalalim mag isip si Vinz tungkol kay Danica. Para bang mas kilala pa nito ang babae, kesa kilala niya ang ina ng kanyang mga anak.HIndi ba siya observant? hindi ba niya napapansin iyon? o masyado lang siyang naniniwala sa kung ano ang ipinapakita nito sa kanya..?"Alam kong naguguluhan ka lang, dahil sa pangyayari noon, pero pare naman.. hindi mo naman kasalanan iyon, nagkataon lang na nabiktima siya dahil umaasa siyang pupuntahan mo siya.Mabuting tao si Danica, at alam mo naman na may nararamdaman sayo si Lovely. Mahihirapan ka kapag umasa si Lovely na may chance pa siya sayo.." hindi niya masabi sa kaibigan na inamin sa kanila ni Lovely na umaasa pa talaga ito sa lalaki."Hindi naman siguro, mabait lang si Lovely, malambing.. kaya.. hindi niya sisirain ang aking pamilya," patuloy pa ring ipinagtatanggol ni Jethro ang kaibigan kay Vinz. Alam niyang concern lang din naman si Vinz sa kanya, subalit paano ba niya kalilimutan ang lahat?Ang multong humahabol
Naiwan niya ang kanyang phone sa kotse, kaya hindi na siya nakapagmessage sa babae sa labis na pagkataranta."Pasensiya ka na, naiwan ko sa kotse ang phone ko, sandali lang at kukunin ko," lumabas siya ng mabilis, at pagkakuha sa phone, bumungad sa kanya ang mga miskols na 32, at dosenang mensahe..Galing lahat iyon kay Danica. Nakaramdam siya ng guilt ng makita iyon.Nanlulumo siyang bumalik sa loob, at wala na sa sala ang babae. Narinig na lang niya na may nagluluto sa kusina, at naaamoy niya ang mabangong aroma ng pagkain.Nagtungo siya roon upang makita kung ano ang ginagawa nito. Nag iinit ito ng mga pagkain sa mesa? bakit madami?"Ang dami mo naman atang niluto," napansin niya ang dala niyang bulaklak sa gitna ng mesa, nasa vase na iyon.Napalingon si Danica sa kanya. Nakangiti ito, ngunit malungkot ang mga mata. Lalo siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na panlulumo para dito. Nakokonsensiya pa rin siya."Maupo ka na para makakain na tayo," hinahalo nito ang pagkain na nakas
Agad na pumuwesto si Jethro sa pagitan ng kanyang mga hita, at nag umpisang ikiskis ang mahabang armas sa kanyang hiwa. Bigla nitong ipinasok iyon sa madulas na butas.."Uuuughh.. uughh.." ungol ni Jethro habang naglalabas masok sa mamasa masang lawa ng kaligayahan."Uuuuhmmm... uuuhmmm, aaah.. harder.." ang tinig na iyon ni Danica ay napakalamyos at sobrang sarap sa pandinig. Lalo siyang nagpursigi na umulos ng mabilis..Napatili ang babae sa nangyayaring paglagari niya sa makipot na yungib na iyon."Gusto mo? ha?" habang patuloy niyang nilalamutak ang suso nito na parang minamasang siopao."Gusto ko.. aaah.." napataas ang binti ni Danica na bahagyang pinigilan ni Jethro, dahil sa panginginig noon. Halos buong katawan ng babae ay nanginginig na parang kinukombolsiyon.Binuhat ni Jethro si Danica patungo sa carpet.. humiga siya doon, at pinaupo ang babae sa kanyang ibabaw.. "galingan mo ang pag giling, dear.." pinisil niya ang baba ng babae, "para makarami..""Pilyo ka," namumula si
Pasado alas dose na, ng dumating siya sa ospital. Nakahiga si Lovely sa kama noong pumasok siya, at nagliwanag ang mga mata nito pagkakita sa kanya."Jeth.. dumating ka.." mahinang sabi nito."Oh.. ang bilis mo naman makarating.. " bati sa kanya ni Vinz."Oo nga eh, kumusta na siya?" tanong ni Jethro kay Vinz."Ayan, sabi ni doc, after 1 week daw, makakalabas na siya.." sagot ng kaibigan niya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" naupo siya sa kama, katabi ni Lovely, "okay ka na ba?""Okay lang ako, salamat.." maluha luhang sagot nito sa kanya, "akala ko, hindi mo ako maaalalang puntahan..""Maaari ko ba namang gawin sa iyo yun? ang mahalaga, andito na ako, at okay ka na," nakangiti si Jethro habang hinahawakan ang buhok ni Lovely."Please, wag mo akong iiwan.." pakiusap ng babae sa kanya. Nalulungkot ang mukha nito at halatang may nararamdamang sakit."Oo, andito lang ako.. magpahinga ka na.." malumanay niyang sabi dito.Nag umpisa ng matulog ulit ang babae, habang siya naman ay nakahawak
"Danica! Danica!" sumisigaw sa sala si Jethro habang hinahanap sa lahat ng sulok ng bahay ang babae.Nagmamadali siyang umakyat ng kwarto, marami pa ring gamit na naroroon. Pati mga trolley bags at gamit ng mga bata ay nananatili pa rin doon. Nakahinga siya ng maluwag, na hindi naman pala siya iniwan nito, baka nagpapahinga lang ito.Naupo siya sa kama at naghintay. Umahon ang inis niya kay Lovely, ang babaeng tusong iyon, napakawalanghiya!Itinuring niyang kaibigan, subalit tinarantado lang siya. Galit na galit siya, at pinagsasampal niya ito, bago siya umalis ng tahanan nito. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman.Subalit ngayon, na nalaman niyang hindi naman pala umalis ang kanyang mag iina, nakahinga siya ng maluwag.Nahiga siya sa kama at naghintay.. hanggang makatulog na siya.Naalimpungatan siya sa ingay na nagmumula sa ibaba. Akala niya, ang mag iina niya iyon, kaya nagmamadali siyang nagtungo sa salas upang salubungin ang kanilang pagdating. Subalit nadismaya siya ng makita
Bumalik sa kanyang ulirat si Danica, matapos kuhanan ng larawan ang taksil na lalaking ito at ang kaibigan nitong ahas. Alam niya na nagtutulug tulugan lang si Lovely, kaya nagpunta siya sa kusina, ayaw niyang gawin kung ano yung unang pumasok sa isipan niya. Ayaw niyang makulong. Kumuha siya ng tubig sa ref, saka binuhusan ang dalawa na nakahiga sa lapag. "Oh my God!" nagmamadaling bumangon si Lovely. "Oh, buti naman at bumangon ka na.. para naman malaman mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon," inihagis niya ang pitsel na tumalbog pa patungo sa ulo ni Jethro. "Ano na?" ungol ng lalaki na tila hindi pa nagigising, "bakit basa?" unti unti itong nagmulat ng mga mata. Ang una niyang nakita, ay ang mukha ni Danica na nakayuko sa kanya. Ngumiti siya at pilit inaabot ang kamay ng babae sa kanyang harapan. Nakakunot ang noo nito na parang galit, kaya nagtanong siya, "honey, mukhang galit ka.. bakit? halika nga dito," hahawakan niya sana ito ng hilahin nito ang kamay palayo. Dahil sa t
Nais pang bigyan ng huling pagkakataon ni Danica si Jethro kaya naghintay siya ng mga isang oras pa. Umaasa siyang babalik ito agad at hihingi ng tawad sa kanya.Minsan talaga, naguguluhan ang mga lalaki kaya hindi napipigilan ang sarili. Alam niyang hindi ito gagawa ng pagkakamali.Pupuntahan sana niya ang kanilang mga anak, ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang picture message yun mula kay Lovely. Nag iisip siya kung bubuksan niya iyon. Dahil kung ano man yun, marahil, ito ay isang bagay lamang: Makakasira iyon ng kanilang pagsasama ni Jethro!Subalit dala na rin ng alalahanin, mas pinili niya na buksan iyon at ng makita kung ano ang nilalaman sa loob.Natutop niya ang kanyang bibig. Hindi siya nagkamali, si Lovely iyon, suot ang polo ni Jethro habang nakahiga sa carpet sa sala na parang kakatapos lang gumawa ng kababalaghan!Nag init bigla ang kanyang ulo. Ang mga bata, ay iniwan muna niya. Bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa labas. Tinawagan niya ang isang driver, at si
"Akala ko ba, may sakit ka?" tanong ni Jethro kay Lovely na may gigil.Nadatnan niya itong naghahanda ng dinner with candle light. Maganda ang bihis nito na tila ba tuluyan ng nakarecover sa aksidente.Ang pagkakangiti nito sa kanya ay larawan ng isang babaeng hindi nabigo sa pag ibig. Ang magandang katawan nito ay talagang makakaakit sa mga lalaking makakakita dito, subalit hindi sa kanya. Isa lang ang babaeng para sa kanya."Nais ko sanang magpasalamat sayo sa pagtulong mo sa akin. Magpapaalam na san ako, dahil nais kong mabuhay ng masaya. Ayoko ng ipagsiksikan ang aking sarili sa iyo." sagot ng babae sa kanya.Ang malungkot na tinig na iyon ay tumagos sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng awa dito, subalit sa huli, tama lang naman ang maging desisyon nito, ngunit hindi na siya magtatagal sana. Sasabihan sana niya ito na ayaw na niya itong tulungan dahil nagagalit na si Danica, pero dahil naunahan siya ng pagpapaalam nito, pagbibigyan niya ito sa huling pagkakataon."Aalis ka na?" tan
Subalit ang pangakong iyon ay hindi kayang tuparin ng pang matagalan.."Bakit ba hindi mo matanggihan si Lovely kapag tinatawag ka niya?" napuno na si Danica sa lalaki. Kung hindi ito sumisipot sa usapan nila, lagi naman itong late. At nagkakataon na tuwing may lakad sila, saka naman ang babaeng iyon umaarte."Kakaalis lang ng mama niya. Hindi niya pa kayang kumilos ng maayos," hinihilot ni Jethro ang kanyang noo, "alam mo naman kung bakit, hindi ba?"Naikwento na ni Jethro sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Lovely ilang taon na ang nakakaraan, at inako nito ang kasalanan. Naaawa siya sa babae, noong una. Subalit nitong nakaraan, tila ba naiirita na siya."So.. ano na naman ang ibig mong sabihin?" nagtaas na siya ng boses. Kasalukuyan silang nag aasikaso ng kanilang kasal ng mga panahong ito."Kailangan ko lang siyang puntahan at alamin ang kanyang kalagayan. Alam mo namang sa akin na lang siya umaasa.." paliwanag ni Jethro na tuloy pa rin sa pagbibihis."Makinig ka nga sakin Jethro
Agad tumulo ang luha ni Jethro..Sobrang sakit ng kanyang puso, hindi niya akalaing dito na agad magtatapos ang lahat sa kanila ni Danica.Kung naging mabuti lang sana siya..Kung hindi niya lang sana ito sinaktan ng husto..Isa siyang walang kwentang lalaki!"Ka-kailan pa?" malungkot niyang tanong."Kahapon lang.. nung maadmit ka rin.." nakatingin sa kanya si Vinz."Bakit??" humawak siya sa kanyang mukha. hindi niya matanggap ang nangyari. Pakiramdam niya, mawawala na rin siya."Bakit ka ba umiiyak?" nakakunot ang noo ni Vinz habang nagtataka sa iniaarte niya."Paanong hindi ako malulungkot? wala na si Danica, inulila niya ang aming mga anak. Hindi pa kami kasal, biyudo na agad ako, tapos tatanungin mo ako kung bakit ako umiiyak?" garaldal ang kanyang tinig na may halong inis. Parang tanga magtanong ang kanyang kaibigan."Ano bang sinasabi mo?" ikaw itong parang tanga! wala na siya dito kahapon pa, nadischarge na siya, ano ka ba?" inis na sabi ni Vinz, "kakapanood mo ng K- drama yan,
Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap. Ang gaan ng kanyang ulo at ang kanyang katawan ay hindi niya maramdaman. Masyadong malala ang sakit niya, kaya halos namayat na siya sa loob lamang ng apat na araw.Anghuling tanda niya ay ang oagpapasa ng video kay Vinz, at iyonnna ang huli. Bigla siyang nilagnat kinagabihan.Dahil wala si Vinz sa Pilipinas, ang mga kaibigan niyang malapit ang kinontak niya na agad naman siyang dinaluhan,Wala na siyang matandaan sa nangyari, at nagising na lang siya sa ospital. Mahina talaga ang kanyang katawan, at pakiramdam ni Danica ay nauupos na siyang kandila.Ang araw na ito, may isang tao na humahaplos at humahalik sa kanyang noo. Kaya pinilit niyang ibukas ang kanyang mga mata.Si Jethro!Napangiti siya ng mapait.. "anong ginagawa mo dito?" humal ang kanyang pananalita. Mahina iyon pero halata ang lamig."Gising ka na.." hinaplos nito ang kanyang buhok, "kumusta ka na?""Lumayas ka!" mahina ang sabi niyang iyon, "layas...""Narito ako, para alag
Bagsak ang mukha ni Jethro, habang papasok ng kanilang bahay. Nahihiya siya.Hindi niya akalaing maiisipan ni Lovely ang ganoong kalokohan, at ang sinisi pa niya ay si Danica. Wala siyang kwentang lalaki!Mas pinaniwalaan pa niya ang ibang babae, kesa sa ina ng kanyang mga anak.Nung ayain siya ni Vinz sa restaurant, doon nito ipinapanood sa kanya, ang video na nairecord ni Danica nung nagtatalo sila ni Lovely. At ang masama pa, pati pagpapaalis niya sa babae, ay kuhang kuha sa video.Hindi niya pinaniwalaan si Danica, bagkus, ipinagtabuyan pa niya ito, napakasama niya. Nakalimutan pa niya ang kaarawan nito noong nakaraan. Wala na talaga siyang mukhang maihaharap dito.Pagpasok niya ng bahay, naroroon sina Siren ,Vohn at Ian. Masaya nilang nilalaro ang mga bata.Nagulat ang mga ito, matapos siyang makita."Sir.." bati nila, saka sabay sabay na tumayo."Kanina pa kayo?" nakangiti niyang tanong sa mga ito."Ah.. apat na araw na kaming dito umuuwi, sir.." sagot ni Siren sa kanya. Kumun
"Mo--mommy.. ya-yaya? a-ano pong ginagawa niyo dito?" ang mga mata ni Lovely ay may pagkagulat at pagkalungkot. Paano nakarating ang mommy niya dito gayong wala naman itong alam sa nangyari? Npatingin siya kay Vinz na nakasimangot sa tabi. Malamang, sinundo nito ang mommy niya."Anak.. bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na naaksidente ka? kahit ang yaya mo na kasama mo, hindi din alam. Kung hindi pa ako kinontak ni Vinz, hindi ko pa malalaman," mababakas sa tono ng kanyang ina ang lungkot. "Sana anak, nagsabi ka, para kami na ang nag alaga sayo."Mommy.. okay lang po ako.. inaalagaan ako ni.. ni Jeth," ang ngiting ipinakita ni Lovely ay isang ngiting aso, na parang na trap siya sa sarili niyang mantika, saka matalim na tiningnan si Vinz."Pero anak.. may asawa na si Jeth at mga anak. Nakakaawa naman sa pamilya niya, hindi ba? saka babae ka pa rin, dapat, kaming mga pamilya mo, ang mag aalaga sayo.." sagot ng kanyang ina, "Buti na lang, at nasabi sa amin ni Vinz ang lahat.""Oo ng