Samantha"Sige, pirma ka d'yan. Tapos mag-iwan ka ng ID mo. Makukuha mo 'yon kapag binalik mo na ang librong hiniram mo."Kaagad akong nagpirma at binigay sa kanya ang isang ID ko. Pagkatapos ko magpasalamat sa kanya, dali-dali akong naghanap ng bakanteng mesa. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko para tingnan kung sino ang nagmessage sa akin. Narinig ko kasing tumunog ang message alert tone ko kanina habang kinakausap ko ang school librarian namin. Dali-dali kong binasa ng makita kong si Wayne ang nagmessage sa akin.Hubby: What's your lunch today, baby :)Nakangiting kaagad akong nagreply sa kanya.Ako: Beef Steak with rice and vegetables salad. Ikaw ba? Kumain ka na?Kakasend ko lang ng reply sa kanya ay kaagad din tumunog ang cellphone ko.Ang bilis ah. Hindi ba s'ya busy or sadyang ako lang talaga ang laging laman ng isip n'ya kahit nasa trabaho s'ya?Halos gusto kong kiligin sa aking naisip. Pagkatapos kasi ng nangyari no'ng gabing 'yon, nagiging clingy na s'ya
Malalim akong napabuntong hininga muli at pinaalalahanan ang aking sarili na mas mainam na ako na lang ang umiwas. Tutal alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang masama at mas lalong wala akong inaagaw sa Monique na 'yon.Papasok na ako ng classroom namin ng mapatigil din ako mismo sa hamba ng pintuan ng makita kong halos lahat ng tao doon ay nakatingin sa akin. Nakakunot-noo'ng tiningnan ko din silang lahat.Bakit puro sila... lalaki?Mga nakangisi pa sa akin. Teka... iginala ko ang aking paningin. Hindi ko sila kilala. Umatras pa ako para masiguro kung room ba namin ito at hindi ako nagkamali lang ng pinuntahan pero room talaga namin. Humakbang ako ng kunti papasok. Tiningnan ko ulit sila. Nangunot pa lalo ang aking noo ng mamukhaan ko si Ivan. Siya 'yong lalaking humarang sa amin noon ni Cait habang naglalakad kami palabas ng campus noong first day of school ko dito.Napasinghap pa ako ng malakas ng mapadako ang paningin ko kay Luigi na nakadekwatrong nakaupo sa upuan ko.
WayneVenice Grand Hotel(Flashback)Damn... I can't get her out of my mind.. out of my f*cking system!"Ah... fuck. Wayne, babe... what are you waiting for? Use your shaft not your finger... damn it!"Kaagad akong nahimasmasan ng marining ko ang maarteng boses nito. I smirked. She was so aroused. I tilted my head as I looking at her sexy body while my two finger doing wonders in between her legs. She got big and full mounds that I've been licking and touching for an hour. But damn... Samantha's face, moaned and scent lingered in my head over and over and over again while f*cking this woman. Nabubwesit ako kanina pa dahil hindi s'ya matanggal-tanggal sa utak ko. Hindi ako makapag-perform. Kinailangan ko pang gamitin ang mga daliri ko para hindi ito ma-disappoint sa akin. Baka mamura pa ako ng wala sa oras. Tinawagan ko ito tapos ayaw naman tumayo ng alaga ko.T'ngna.. tinatakbuhan ko si Sam at ibinabaling ko sa ibang babae ang init na nararamdaman ko pero s'ya at s'ya pa rin ang nakik
Galit na galit na binalibag ko ang cellphone ko. Tumalbog pa ito sa carpeted floor ng opisina ko. Inabot ko ang bote ng whiskey at kaagad dinala sa aking mga labi at tinungga na iyon. T'ngna... maisip ko pa lang na may ibang lalaking pumuporma sa kanya lalo't hindi nalalayo sa edad n'ya, halos kainin na ang kamalayan ko sa subrang panibugho. Pakiramdam ko parang pinipiga ang puso ko at unti-unting nadudurog. Parang tinutusok ng malalaking karayom at 'di tinitigilan hanggang sa 'di magkagutay-gutay ng pino.Matapos naming pag-awayan ang Luigi na 'yon, I called Suarez right away. Hindi umabot ng ilang oras ay may balita kaagad akong natanggap mula dito. Halos uminit ang ulo ko sa subrang bilis nito. Meaning tanyag ang lalaking 'yon! Lalo pa akong nagulat ng malaman kong anak 'yon ng isa sa shareholder ng University kung saan nag-aaral si Sam. Kaya malakas ang loob ng gago para pormahan ang asawa ko.Hindi ko namalayan na nakakuyom na ang mga kamao ko sa subrang selos. Napaigtad pa ako ng
SamanthaNaglalakad ako papunta sa sakayan pauwi sa Unit ni Wayne ng makarinig akong malakas na sigaw ng babae.Galing akong Book Store. Bumili ako ng mga gagamitin ko sa gagawing kong portfolio. Dapat kanina pa ako nakauwi kaso ang bwesit na si Luigi inabangan na naman ako. Nahirapan ako makatakas sa kanya dahil wala sina Cait. Nanood ng basketball practice ng dyowa nila. Hindi ako sumama dahil akala ko nandun si Luigi, 'yon pala sumalisi ang luko.Nagtaka pa ako bakit hindi nagpractice at ginugulo ako. Sinagot pa ako na expert s'ya do'n kaya hindi n'ya na kailangan pa mag practice. Diba... akalain mo 'yon? Napakayabang! Tuloy ginabi na ako ng uwi.Habang tumatagal lalong lumalakas ang takot na takot na sigaw ng boses ng babaeng naririnig ko."No.. para n'yo ng awa! Sainyo na 'tong pera ko, wag n'yo lang akong sasaktan! Tulong..!" sigaw no'ng babae."Tulong.. tulong.." Malakas na tawanan ng lalaki ang narinig ko habang maarteng ginagaya pa ang pagsigaw no'ng babae. "T'ngna... naka jac
"Teka... saan ka ba umuuwi at ihahatid na lang kita.""Sa Mckenley Tower." sagot ko sa kanya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata n'ya ng sabihin ko ang pangalan ng Tower na 'yon. Siguro nagtataka s'ya ba't doon ako nakatira e mukha akong mahirap. Well my husband lived there. Napangiti ako sa aking naisip.Ilang minuto ang lumipas ng huminto s'ya sa harap ng Tower. Natanawan ko pa si Kuya guard na nakangiting nakatingin sa akin."Dito ka pala nakatira." nagtataka pa rin na ani n'ya sa akin."O-Oo." alanganing ngiti ko sa kanya."Sige. Thank you for saving my life again.""Wala nga 'yon. Salamat sa paghatid at dito sa binili mong gamot at sa pagpapagamot na rin sa akin.""Naku, maliit na bagay. Kulang pa nga yan e. Bawi na lang ako next time sayo. Alam ko naman na kung saan ka nakatira, baka makita kita ulit, pwede mo naman siguro ako paunlakan sa paanyaya ko?""Sure. No problem. Ingat ka sa pagmamaneho." paalam ko sa kanya at kaagad ko ng tinalikuran.Malalaking hakbang na nagtungo na a
Samantha"Ano, hindi ka pa rin papasok?" sabay-sabay pang tanong sa akin ng mga kaibigan ko.Kasalukuyan akong gumagawa ng portfolio sa sala ng mag video call si Cait. Ilang araw na nila akong ginugulo through text messages and calls pero hinahayaan ko na lang sila.Matapos kong ikwento ang nangyari sa akin no'ng gabing 'yon ay hindi na nila ako tinantanan pa. Lalo't kinabukasan hindi ako pumasok hanggang ngayon. Katakot-takot na sermon at paliwanangan ang ginawa ko sa walang humpay na sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko sa akin. Nasa canteen sila ngayon. Lunch break kaya may oras mambulabog na naman ang mga ito sa akin. Nakakatawa pa ang mga itsura. Nagkumpulan at pilit pinagkakasya ang mga mukha nila sa screen ng cellphone. Nasa gitna si Cait. Magkabilaang gilid n'ya naman si Sheeva at Criezel, nakatagilid na ang mga mukha. Si Rose at Bea naman nasa ibabaw ng ulo nila nakasilip. Pilit binababa ang ulo ni Cait para makita silang dalawa sa screen. Tuloy halos masubsob na sa mesa
Napaangat ako ng tingin matapos kong makita ang kamay na may hawak na panyong nakalahad sa harapan ko. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis pa sa alas kwatro na kaagad akong nagpunas ng luha sa aking mga mata ng mapagsino ko ang lalaking nakatunghay sa akin.Talaga naman!"Anong ginagawa mo dito, Luigi?" galit kong tanong sa kanya sabay iwas ng tingin.Kasalukuyan akong nakaupo sa lilim ng paborito kong punong kahoy ng Molave na tambayan. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko kanina sa canteen na magbabanyo at dito ako kaagad dumeritso. Gusto kong mapag-isa at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa asawa kong babaero. Sinungaling! Walang kwenta! Paasa!Ilang araw na ang matulin na lumipas simula ng tumawag ang Maureen na 'yon sa bahay pero ang lintik na lalaking 'yon wala man lang sinabi sa akin. Para kaming hangin sa isa't isa. Hindi nagkikibuan. Makailang ulit ko pa s'yang nahuhuling nakatitig sa akin. Akmang may sasabihin pero kaagad ding tumatalikod. Animo'y may pumipigil sa kanya. Hi