SamanthaNaglalakad ako papunta sa sakayan pauwi sa Unit ni Wayne ng makarinig akong malakas na sigaw ng babae.Galing akong Book Store. Bumili ako ng mga gagamitin ko sa gagawing kong portfolio. Dapat kanina pa ako nakauwi kaso ang bwesit na si Luigi inabangan na naman ako. Nahirapan ako makatakas sa kanya dahil wala sina Cait. Nanood ng basketball practice ng dyowa nila. Hindi ako sumama dahil akala ko nandun si Luigi, 'yon pala sumalisi ang luko.Nagtaka pa ako bakit hindi nagpractice at ginugulo ako. Sinagot pa ako na expert s'ya do'n kaya hindi n'ya na kailangan pa mag practice. Diba... akalain mo 'yon? Napakayabang! Tuloy ginabi na ako ng uwi.Habang tumatagal lalong lumalakas ang takot na takot na sigaw ng boses ng babaeng naririnig ko."No.. para n'yo ng awa! Sainyo na 'tong pera ko, wag n'yo lang akong sasaktan! Tulong..!" sigaw no'ng babae."Tulong.. tulong.." Malakas na tawanan ng lalaki ang narinig ko habang maarteng ginagaya pa ang pagsigaw no'ng babae. "T'ngna... naka jac
"Teka... saan ka ba umuuwi at ihahatid na lang kita.""Sa Mckenley Tower." sagot ko sa kanya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata n'ya ng sabihin ko ang pangalan ng Tower na 'yon. Siguro nagtataka s'ya ba't doon ako nakatira e mukha akong mahirap. Well my husband lived there. Napangiti ako sa aking naisip.Ilang minuto ang lumipas ng huminto s'ya sa harap ng Tower. Natanawan ko pa si Kuya guard na nakangiting nakatingin sa akin."Dito ka pala nakatira." nagtataka pa rin na ani n'ya sa akin."O-Oo." alanganing ngiti ko sa kanya."Sige. Thank you for saving my life again.""Wala nga 'yon. Salamat sa paghatid at dito sa binili mong gamot at sa pagpapagamot na rin sa akin.""Naku, maliit na bagay. Kulang pa nga yan e. Bawi na lang ako next time sayo. Alam ko naman na kung saan ka nakatira, baka makita kita ulit, pwede mo naman siguro ako paunlakan sa paanyaya ko?""Sure. No problem. Ingat ka sa pagmamaneho." paalam ko sa kanya at kaagad ko ng tinalikuran.Malalaking hakbang na nagtungo na a
Samantha"Ano, hindi ka pa rin papasok?" sabay-sabay pang tanong sa akin ng mga kaibigan ko.Kasalukuyan akong gumagawa ng portfolio sa sala ng mag video call si Cait. Ilang araw na nila akong ginugulo through text messages and calls pero hinahayaan ko na lang sila.Matapos kong ikwento ang nangyari sa akin no'ng gabing 'yon ay hindi na nila ako tinantanan pa. Lalo't kinabukasan hindi ako pumasok hanggang ngayon. Katakot-takot na sermon at paliwanangan ang ginawa ko sa walang humpay na sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko sa akin. Nasa canteen sila ngayon. Lunch break kaya may oras mambulabog na naman ang mga ito sa akin. Nakakatawa pa ang mga itsura. Nagkumpulan at pilit pinagkakasya ang mga mukha nila sa screen ng cellphone. Nasa gitna si Cait. Magkabilaang gilid n'ya naman si Sheeva at Criezel, nakatagilid na ang mga mukha. Si Rose at Bea naman nasa ibabaw ng ulo nila nakasilip. Pilit binababa ang ulo ni Cait para makita silang dalawa sa screen. Tuloy halos masubsob na sa mesa
Napaangat ako ng tingin matapos kong makita ang kamay na may hawak na panyong nakalahad sa harapan ko. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis pa sa alas kwatro na kaagad akong nagpunas ng luha sa aking mga mata ng mapagsino ko ang lalaking nakatunghay sa akin.Talaga naman!"Anong ginagawa mo dito, Luigi?" galit kong tanong sa kanya sabay iwas ng tingin.Kasalukuyan akong nakaupo sa lilim ng paborito kong punong kahoy ng Molave na tambayan. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko kanina sa canteen na magbabanyo at dito ako kaagad dumeritso. Gusto kong mapag-isa at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa asawa kong babaero. Sinungaling! Walang kwenta! Paasa!Ilang araw na ang matulin na lumipas simula ng tumawag ang Maureen na 'yon sa bahay pero ang lintik na lalaking 'yon wala man lang sinabi sa akin. Para kaming hangin sa isa't isa. Hindi nagkikibuan. Makailang ulit ko pa s'yang nahuhuling nakatitig sa akin. Akmang may sasabihin pero kaagad ding tumatalikod. Animo'y may pumipigil sa kanya. Hi
WayneLangong-lango na ako sa alak ng may basta na lang humablot ng bote sa kamay ko habang tinutungga ko ito.Anak ng...Kaagad uminit ang ulo ko. Nakapikit na ang aking mga mata't bahagya pang nakabukas ang aking mga labi. Kaagad kong nilingon ang intruder. Napangisi ako matapos kong makita ang dalawang madilim na mukha ni Dad.What a surprise visit...Matagal ko s'yang tinitigan. Bakit... dalawa sila? Kaagad akong napahilamos sa aking mukha. Pero talagang dalawa sila.Damn... kailan pa si Dad nagkaroon ng kakambal?"Ano bang nangyayari sayo John Wayne at nagkakaganyan ka ha?! Nagpapakamatay ka na ba?!" nangangalaiting sigaw sa akin ni Dad.Nagpapakamatay?I smirked. Kung pwede lang sanang magpakamay ginawa ko na. But... no. Hindi pa ito ang tamang oras. Marami pa akong dapat itama at baguhin sa buhay ko. Ang mga kasalanan ko noon na unti-unti akong sinisingil ngayon. Sa subrang dami hindi ako makahinga. Tinubuan ako kaagad ng takot. Naduwag ako. Ang dating matapang, palaban, competi
Hindi ko inaasahan na bigla na lang tatawag si Maureen sa bahay at ang masaklap si Sam pa ang nakasagot. Nagtaka pa ako kung pa'no nalaman ng babaeng 'yon ang numero ng telepono ko. Matagal na kaming walang ugnayan at hindi na nagkikita pa simula ng palayasin ko s'ya sa opisina ko bago dumating ang kaibigan kong si Miguel galing States. Simula ng ikasal kami ni Sam nagpalit ako kaagad ng bagong sim card at passcode ng unit ko.Kinabahan ako at kaagad tinubuan ng takot. Ngunit ng makita kong parang wala lang sa kanya hindi ko mapigilan malungkot na isipin na hindi man lang siya nagselos sa mga naging babae ko. Hindi man lang n'ya ako kinompronta or magtanong man lang tungkol doon. Tapos ako itong si tanga hinayaan ko na lang din. Pinabayaan ko at hindi ko man lang magawang magpaliwanag. Natatakot ako. Takot na takot na sumbatan n'ya ako sa mga pambibitang ko sa kanya pero ako pala itong maraming lihim na tinatago.Iwan ko ba. Pagdating sa kanya nabobobo ako. Nawawalan akong utak. Palpa
SamanthaHay buhay...Malalim akong napabuntong-hininga.Araw ng sabado and another long boring day for me. As usual, wala na naman s'ya. Hindi ko alam kung saang lupalop na naman pumunta.Halos hindi na kaming dalawa nagkikitaan sa loob ng Unit n'ya sa ilang linggong nakalipas na mga araw. Hindi rin nagpaparamdam sa akin. Kahit tadtarin ko ng text messages at tawag. Wala pa rin! Nabubwesit lang lalo ako sa kanya. Kaso ang lintik kong puso hindi pa rin tumitigil at hinahanap-hanap pa rin s'ya.Si Kuya Damian na personal driver n'ya ang naghahatid sundo sa akin sa eskwelahan. Though hindi s'ya nakakalimot lutuan ako ng pagkain bago siya umalis ng bahay, still, nakakabwesit siya.Hanggang kailan ba ako magtitiis? Hanggang kailan magiging ganito ang takbo ng buhay ko? Kaya ko pa ba?Argh...!Kaagad kong binato ang notebook ko. Hindi ako makapag concentrate magreview sa nalalapit naming exam kakaisip sa kanya. Bwesit talaga! Akala ko madali lang. Ang hirap pala pagsabayin ang pag-aaral tap
May isang luhang umalpas sa mga mata ko ang kaagad kong pinalis at pinagkakalas ang kanyang braso. Ngunit hinigpitan n'ya pa lalo ang pagyakap sa akin. Ayaw n'ya akong pakawalan.Hindi ako tumigil. "W-Wayne hindi na ako makahinga." mahinang sabi ko sa kanya. Naramdaman kong dahan-dahan lumuwag ang mga brasong nakapulupot sa akin. Kaagad akong lumayo sa kanya at nakangiting hinarap s'ya."Kararating mo lang ba? Kumain ka na?" tanong ko sa kanya habang panay iwas sa mapanuring mga mata n'yang nakatitig sa akin. "Wait lang at maghahain...""Sam..." tawag n'ya sa akin sabay abot sa kamay ko at hinatak ako palapit sa kanya.Hindi ako makaalpas sa mahigpit n'yang hawak sa kamay ko. Kaagad n'yang hinawakan ang baba ko saka itinaas paharap sa kanya para magtama ang paningin namin. Umiwas ako pero binaling n'ya muli ang mukha ko.I smiled at him.He heaved out a deep sighs. "Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong n'ya sa akin.Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa kanyang mga matang nakatunghay
Nginitian ko s'ya saka hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. "Mas okey na din ata na ganun ang nangyari sa atin. Sa totoo lang kasi nawalan na akong tiwala sayo noon. Lagi akong takot na baka magising na lang ako isang araw wala ka na sa tabi ko, naagaw ka na ng iba."He sighed. "Malabong mangyari 'yang iniisip mo. Dibale ng mamatay ako kaysa mabuhay pa ng wala ka naman sa piling ko."I chuckled. "Asus, bumanat ka na naman." sabi ko saka bumangon. "Balik na tayo sa labas?"He nodded then we went out the room.Marami ang kumausap at bumati sa amin.Nakilala ko din si Jelyn at asawa nitong si William pati ang cute-cute na babaeng anak nila na kaedaran ni Gwen na natutulog na sa braso nito.Habang kausap ko sila hindi ko maiwasan makosensya sa ginawa kong panghuhusga kay Wayne. Ngayon ko lang narealized na masyadong makitid, marumi at advance pala ang utak ko noon, puro negative ang laman. Hinayaan kong kainin ako ng mga nagyari sa buha
SamanthaNataranta ako ng humakbang palapit si Wayne. Kaagad ko s'yang pinigilan, hinila sa kanyang braso."No Wayne please. Huwag kayong gumawa ng gulo dito ni Luigi." madiin kong pigil sa kanya saka nilingon si Luigi.Pero sa nakikita kong itsura at titigan nilang dalawa hindi ko kakayanin. Parang manok na magsasalpukan ang dalawa. Ang tangkad at laking tao pa nila. Baka ma-sandwich lang ako nito sa gitna pag nagpang-abot itong dalawa. Nakakahiya sa mga bisita at mga magulang namin kung magkagulo sila.Nalintikan naaaa!Nagpalinga-linga ako, naghanap ng maaaring tumulong sa akin. Then I saw James. Nakatanaw sila ng asawa n'ya sa amin. Sinenyasan ko s'yang lumapit. Kaagad naman n'ya nakuha ang ibig kong sabihin. Nagtinginan sila ni Rash saka malalaking hakbang na lumapit sa amin.Kaagad inakbayan ni James ang kaibigan n'ya pero nagprotesta si Wayne. Hinatak ko s'ya sa kanyang damit.Tinitigan n'ya ako saka muling binalingan si Luigi. "Don't you dare
Nagpupuyos sa inis ang aking dibdib habang naglalakad ako papunta sa unahan.Walanghiya s'ya. Halos mamatay ako sa takot ng pagkakadukot sa akin kanina tapos may kinalaman pala ang bwesit na lalaking 'yon dito. Magpinsan nga sila ni Miguel, parehong siraulo. Humanda s'ya sa akin mamaya...Ngunit habang palapit ako ng palapit sa unahan at nakikita ang masasaya at nakangiting mukha ng mga tao, ng mga mahal ko sa buhay, unti-unting napapalitan ng 'di matatawaran na saya, tuwa at galak ang aking puso.'Yong tipong puro negative ang laman ng isip mo, puno ng inis, galit, takot ang puso mo dahil sa disaster na nangyari sa akin simula noong alas dos ng madaling araw na dinukot ako hanggang kanina. Tapos sa isang iglap biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ganito ang ending.Diba.. akalain mo yon? Nakaisip sila ng ganito! Napaka taba ng utak! Sino ba ang nagplano ng lahat ng ito at bibigyan ko ng subrang higpit na yakap sa leeg hanggang sa mamatay s'ya, tanda ng pasasalam
SamanthaNagtatawanan kaming magkakaibigan ng biglang bumukas ang pinto, pumasok si Miguel. Kaagad akong napatigil sa pagtawa at natutok sa kanya ang aking nanlalaking mga mata."Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong ko kaagad sa kanya.Nginisian n'ya ako saka tiningnan ang mga kaibigan ko."Ah, Sam, labas muna kami ha, baka hinahanap na kami ng mga tsikiting namin." sabi ni Cait na ikinakunot lalo ng aking noo.Sabay-sabay pa silang nagtungo papunta sa pinto."May mga anak na rin kayo?" excited na bulalas ko.Nakangiting nilingon nila ako saka tumango."Meron, nasa labas, makikita mo mamaya." nakangiting sabi ni Sheeva sabay talikod.Lalo akong nagtaka ng makita kong halos magkumahog pa sila sa pagmamadaling lumabas ng kwarto. Sinusulyapan si Miguel na animoy hari na nakatayo sa harapan ko't makahulugan naman silang tinitingnan. Na para bang nag-uusap-usap sila sa pamamagitan ng mga mata. Hindi ko maintindihan, ang weird pero sa na
Hinayaan ko lang s'yang yakapin ako habang pinoproseso ng aking naguguluhang utak ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may malaking mali talaga e. Kanina bigla na lang sumulpot si Calderon sa bahay pagkatapos kong makausap si James. Tapos ngayon...Kanino s'ya anak? Bakit Daddy ang tawag n'ya sa akin? Kailan ba ako nagkaanak? Bakit hindi ko ata alam? Pero bakit kamukha ko s'ya?!Arrgh ang gulo..!"Baby..." tawag ko sa kanya.Kaagad naman s'yang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka nakangiti akong tiningnan.I smiled back at her. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?""Dahil ikaw po ang Daddy ko." sagot n'ya kaagad sa akin.Biglang pumitlag ang aking puso sa sinabi n'ya. Habang tinititigan ko ang ngiti n'ya si Sam ang pumapasok sa aking utak. Hindi ko ma-explain pero parang iba ang hatak sa akin ng batang itong nasa harapan ko."Sino nangsabi sayong ako ang D-Daddy mo?""Si Lola tsaka si Tito Miguel po. Kamukha mo 'y
WayneYesterday was the best ever advanced gift for our sixth years wedding anniversary..!At last I found her. She's with me now!Sa apat na taon na nakalipas ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing. Ang sarap sa pakiramdam. Sa subrang sarap parang ayaw ko ng magising. Nakangiting nag-inat ako ng aking mga kamay sabay kapa sa aking katabi. Unti-unting napalis ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa napakunot noo ako ng wala akong mahawakan na katawan ng tao. Kaagad akong napadilat at napabalikwas ng bangon ng hindi ko makita si Sam sa tabi ko."Sam?" tawag ko sa kanya pero wala akong marinig na ano mang ingay maliban sa ugong na nagmumula sa aircon sa loob ng kwarto.Saan ba pumunta 'yon? Ang aga-aga bumabangon kaagad...Himutok ko pa sa aking sarili saka lumabas ng kwarto."Sam?" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala pa ring sumasagot.Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita ni isang tao. Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding. Na
Hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko. Nagtaas baba pa ang aking mga dibdib sa biglang tensyon na naramdaman ko habang nakatitig sa mukha n'yang may pilyong mga ngising walang kurap-kurap na nakatitig din sa akin. Para na akong malalagutan ng hininga.Bumaling ako sa aking kaliwa para sana tumakbo ngunit malakas akong napatili sa gulat ng malalaking hakbang s'yang mabilis na nakalapit sa akin sabay tukod ng dalawang malaking braso n'ya sa aking gilid. Halos pangapusan ako lalo ng hininga sa ginawa n'ya.Hindi ko na alam kung saan na ba ako natatakot. Ang makita n'ya ba ang anak ko, ang abutan kami ng mga tao dito sa bahay or ang gagawin n'ya sa akin? Sa uri ng ngisi at titig n'ya pakiramdam ko gusto n'ya akong kainin na buo. Hindi ko alam kung bakit n'ya 'to ginagawa sa akin at mas lalong hindi ko alam kung pa'no n'ya ako natunton dito.Bakit nandito s'ya?"Did I heard you right? You called my Mom, Mama." amused
SamanthaDamn... what the hell he's doing here?!Ano 'to joke? Pinagtataguan ko s'ya, tinatakasan ko tapos ngayon nandito s'ya sa aking harapan?!Ang lupet magbiro ng tadhana grabe... Wala ng lulupit sa lahat ng malupit!Pagkatapos sabihin ni Ruth kanina na nasa likuran namin si Wayne mabilis pa sa alas kuwatrong kumaripas kaagad ako ng takbo palayo sa kanila. Dumeritso ako ng CR at nagkulong doon. Kahit nagsimula na ang graduation ceremony hindi ako lumabas. Pinagkakatok ako doon ng mga kaibigan ko pero hindi nila ako napilit lumabas. Nagdahilan na lang akong biglang sumama ang tiyan ko.Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili doon. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Wayne na nagsasalita na sa mic. Lumabas ako saka sumilip sa Stadium. Lalo akong kinabahan ng makita kong umiikot ang kanyang paningin na para bang may hinahanap s'ya na tao. Ayaw kong mag-assume pero subrang kaba ang bigla na lang bumundol sa aking dibdib.Pagkatapos ng graduation cer
WaynePagkatapos kong kumain bumalik ako sa kuwarto para sana umidlip ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nanatili akong nakadilat at nakatitig sa kisame habang iniisip pa rin si Sam. Hindi na s'ya matanggal pa sa aking utak.Pero kailan nga ba s'ya nawaglit sa aking utak? Parang s'ya na lang ang bukod tanging laman at tumatakbo sa loob nito e. Walang kapaguran sa pagtakbo.Paulit-ulit pang nagre-replay sa aking harapan ang tagpong nakita ko kahapon. Although kinakain ng subrang selos at panibugho ang buong kamalayan ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong makaramdam ng saya, ng pag-asa.Nandito s'ya sa San Andres. Kung kinakailangan halughugin ko ang buong bayan para lang mahanap s'ya, gagawin ko.Babawiin ko s'ya sa lalaking 'yon!Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakahiga sa kama habang parang tangang kinakausap ng sarili ng tumunog ang alarm tone na nilagay ko sa phone ko.Kaagad akong bumangon at nagbihis saka lumabas ng kwarto