Share

Chapter 28 (Part 2)

Napaangat ako ng tingin matapos kong makita ang kamay na may hawak na panyong nakalahad sa harapan ko.

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis pa sa alas kwatro na kaagad akong nagpunas ng luha sa aking mga mata ng mapagsino ko ang lalaking nakatunghay sa akin.

Talaga naman!

"Anong ginagawa mo dito, Luigi?" galit kong tanong sa kanya sabay iwas ng tingin.

Kasalukuyan akong nakaupo sa lilim ng paborito kong punong kahoy ng Molave na tambayan. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko kanina sa canteen na magbabanyo at dito ako kaagad dumeritso. Gusto kong mapag-isa at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa asawa kong babaero. Sinungaling! Walang kwenta! Paasa!

Ilang araw na ang matulin na lumipas simula ng tumawag ang Maureen na 'yon sa bahay pero ang lintik na lalaking 'yon wala man lang sinabi sa akin. Para kaming hangin sa isa't isa. Hindi nagkikibuan. Makailang ulit ko pa s'yang nahuhuling nakatitig sa akin. Akmang may sasabihin pero kaagad ding tumatalikod. Animo'y may pumipigil sa kanya. Hi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status