"Happy Birthday, Sam." narining kong bati sa akin ni Luigi.Nakakunot-noo pa rin na kaagad akong napatingala sa kanya. Hindi ko inaasahan ang kanyang sumunod na ginawa. Kaagad nanlaki ang aking mga mata ng gawaran n'ya ako ng mabilis na halik malapit sa gilid ng mga labi ko at malalaking hakbang na naglakad palabas ng Restaurant. He... kissed me! Naitulos ako sa aking kinatatayuan habang nasundan na lamang s'ya ng tingin. Bigla akong kinilabutan sa ginawa n'ya.Damn... Bakit n'ya ginawa 'yon?Malakas na tikhim ni Cait ang nagpabalik sa aking huwisyo. Nagtatanong na mga mata ang sumalubong sa akin."So, birthday girl, care to tell us kung anong ibig sabihin ng aming nakita?" nakapamaywang pang tanong sa akin ni Cait.I rolled my eyes. "Magkano ang ginastos n'yo sa paandar n'yong 'to?" iginala ko ang aking paningin muli sa loob. "Tapos nag-rent pa talaga kayo...""Sus.. umiiwas." umiiling na putol n'ya sa akin. Napangiti ako. "Hindi kami ang gumastos, si Kuya. Tsaka matagal na namin 'ton
THIRD POVCAITLIN"P-Pangit ba ako? K-Kapalit-palit ba ako? Sabihin n'yo sa akin!" umiiyak na tanong sa amin ni Sam.Kanina pa s'ya umiiyak. Simula ng matikman n'ya 'yong alak hindi na namin mapigilan pa s'yang huminto. Kapag hindi na binibigyan ni Rose, nagagalit na at s'ya na ang kusang pumupunta ng counter.Isa ding mga pasaway ang mga kaibigan ko. Halo-halo ng inumin ang pinainom, tuloy bangag na itong isa at kung ano-ano ng sinasabi. Nababaliw na ata. Umiiyak habang tumatawa.Hindi ko akalain na ganun kalalim at kalaki ng problema n'ya. Wala naman kasing kinukwento sa amin. Kung hindi ko pa kinulit ng kinulit si Kuya hindi ko malalaman ang totoo. Inakala namin dahil sa pambubully sa kanya ni Monique at iba pang mga estudyante. Hindi pala. Mas malala!Hindi rin namin inaasahan na may asawa na s'ya. Ang sinabi lang n'ya sa amin dati tumakas s'ya sa arranged marriage n'ya sa probinsya kaya napadpad s'ya dito sa Manila.Halos madurog ang puso ko ng e-kwento n'yang pumasok s'yang waitr
Antok, pagod, sakit ng ulo at subrang hilo ang nararamdaman ko habang nasa kasagsagan kami ng byahe pauwi ng Taguig sakay ng kotse ni Sheeva. Si Cait ang driver namin katabi si Sheeva sa unahan. Kami namang apat sa likod. Kapwa mga tulog na ang mga katabi ko. Sinandal ko ang aking ulo sa upuan habang nakapikit ang aking mga mata. Kanina pa ako nag-iisip kung anong nangyari. Ang natatandaan ko lang humingi pa akong isang Margarita. Hindi ko alam kung nakarami ba akong nainom or ano at ganito ang nararamdaman ko. Ang bigat ng ulo ko. Para pa akong nasusuka.Maya-maya huminto ang sasakyan. Kaagad akong napadilat."Sh*t... ang sakit talaga." d***g ko habang sapo ang ulo ko."Okey ka lang ba Sam?""Kaya mo ba? Hatid ka namin sa Unit n'yo."Sabay pang tanong sa akin nina Cait and Sheeva habang nag-aalalang nakatitig sa akin."'Wag na. Kaya ko na. Ingat kayo sa pag-uwi ah. Salamat ulit sa...""Naku, basta ikaw. Kanina ka pa kakapasalamat. Nakakaumay na oy." sabi ni Cait.I chuckled. "Basta s
SamanthaHaist... nakakahiya! Bakit ko ginawa 'yon? Kung ano-ano pang mga pinagsasabi ko sa kanya. Hindi talaga ako nag-iisip. Bwesit talaga... Kasalanan 'to lahat ng alak!Kasalukuyan akong nasa balcony. Nakasalampak ng upo sa sahig paharap sa sun lounger chair. Nagrereview para sa exam namin pero ang utak ko hindi makapag-concentrate kakaisip sa nangyari kagabi.Nagsuka ng nagsuka lang naman ako ng walang humpay sa harapan n'ya. At ang masaklap sa lapag pa! Napakabalahura ko talaga! Nakakahiya, s'ya pa ang naglinis. Tapos 'yong mga sinabi ko pa sa kanya...Haist..!Kaagad kong nasapo ng dalawa kong kamay ang ulo ko.Ano ba kasi ang pumasok sa utak ko at walang preno akong nagdadadaldal ng kung ano-ano sa kanya?Ganun ba talaga, kapag nakainom lumalakas ang loob? Pakiramdam ko kasi hindi ako ang nagsisisigaw at nagsususuntok sa kanya kagabi."Babe, masakit pa rin ba ang ulo mo?" narinig kong nag-aalalang tanong sa akin ni Wayne mula sa aking lik
Nagpalipat-lipat ang mata ko sa isang tangkay na pulang rosas na inaabot n'ya at sa mukha nito. Napakunot-noo pa ako ng hindi ko makilala ang kanyang mukha. Hindi naman ito 'yong mga kagrupo ni Luigi na nagbibigay dati sa akin ng bulaklak.Kaagad nitong hinawakan ang kamay ko at nilagay doon ang pulang rosas sabay alis.Natitigilan na nasundan ko na lamang ng tingin ang papalayong lalaki.Teka... kanino na naman ba 'to galing?Nagtatakang pinagpatuloy ko ang paglalakad papasok ng Campus ng tatlong babae naman ang humarang sa akin at nakangiting inaabot ang tatlong tangkay ng pulang rosas."Pinapabigay lang po sayo Ms. Samantha." sabay-sabay nilang sabi sa akin at kaagad akong tinalikuran matapos ko itong abutin.Matagal kong tinitigan ang mga bulaklak na nasa kamay ko. Nagtataka ako kung sino na naman bang lalaki ang nagpapabigay nito sa akin.Malalim akong napabuntong-hininga at nagkibit balikat na lang.Pagdating ko sa kanto, lumiko ako. Kaagad
Samantha"Bakit hindi mo pinagtanggol ang sarili mo sa mga bully na 'yon Sam?" tanong sa aking ni Stacey.Kasalukuyan kaming kumakain sa isang American Restaurant. Hinayaan ko s'yang mag-order ng pagkain namin ng makita ko ang presyo. Hindi ako familiar sa mga pangalan ng pagkain na in-order n'ya. Sizzling Gambas lang ang natandaan ko sa mga sinabi n'ya.Nakakapagtaka lang, kasi ang payat at sexy n'ya pero ang lakas kumain.Sabagay 'yong mga kaibigan ko nga rin masisiba pero ang papayat at sexy. Hindi ko alam kung saan pinaglalagay ng mga 'yon ang kinakain. Napangiti ako sa aking naisip. Ganun lang siguro kapag mabilis ang metabolism."Ayokong madungisan ang pangalan ko ng dahil lang sa walang kwenta nilang pambu-bully sa akin lalo't Educ. ang course ko." sagot ko sa kanya.She smiled. "You know what, I like you. Bihira ako makatagpong taong kagaya mo. I mean.. 'yong kaya mo naman ipagtanggol ang sarili mo pero hinahayaan mong saktan ka. Kung iba-iba 'yo
Simula ng magsipagsulputan ang mga babae n'ya pakiramdam ko lumakas pa lalo ang instinct ko or sadyang na-paranoid lang ako sa mga nalaman ko kaya lahat na lang binibigyan ko ng maling kahulugan. Sinasaktan ko lalo ang sarili ko sa mga mali kong akala. Nate-temp. akong pakinggan ang gusto n'yang sabihin sa akin pero na tuwing sumasagi sa utak ko ang mga babae n'ya nanghihina ako, naduduwag ako, kaya todo ako iwas. Kung ano-ano ng palusot ang mga ginagawa ko para 'wag lang s'yang makapagsalita. Umaarangkada kaagad ang bibig ko para hindi s'ya makapag-explain. Nagagalit s'ya sa akin na para bang gusto n'ya akong itali para pakinggang ko ang mga sasabihin n'ya pero sinasarado ko kaagad ang mga tainga ko. Ayaw kong makinig at mas lalong ayaw ko pang umalis sa tabi n'ya.Takot na takot ako na halos ikabaliw ko maisip ko pa lang na mapupunta s'ya sa iba. Na iba ang pipiliin n'ya at hindi ako. Pero sa tuwing inaangkin n'ya ako na parang sabik na sabik at kay tagal naming hindi nag
Samantha"Aww... aray ko..." daing ko ng maramdaman ko ang hapdi at kirot ng gitnang parte ng katawan ko.Subra-subra ang sakit na para bang kay lalim ng sugat. Dahan-dahan akong umusod paatras sa ulunan ko para sumandig sa headboard habang napapangiwi sa hapdi. Nanginginig pa ang mga braso ko. Dahan-dahan kong pinagdikit ang mga binti kong nanghihina.Subrang sakit ng buong katawan ko at pagkababae ko. Pati mga hita ko parang hindi ko maigalaw. Pinupulikat. Para akong binugbog na iwan. Nanlalata ako.Bwesit na lalaking 'yon 'di ako tinigilan. Nag-marathon ba naman kagabi. Nasisilip ko na ang sinag ng araw mula sa siwang ng blackout curtain sa loob ng kwarto namin saka huminto sa pag-angkin sa akin at hinayaan akong makatulog. Animo'y walang kapaguran at hindi nagsasawa. Habang tumatagal lalong tumitindi ang uri ng pag-angkin n'ya sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung anong klase. Basta iba-iba at lalong nakakahalina, nakakaadik, nakakawala ng katinuan.Kahit
Nginitian ko s'ya saka hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. "Mas okey na din ata na ganun ang nangyari sa atin. Sa totoo lang kasi nawalan na akong tiwala sayo noon. Lagi akong takot na baka magising na lang ako isang araw wala ka na sa tabi ko, naagaw ka na ng iba."He sighed. "Malabong mangyari 'yang iniisip mo. Dibale ng mamatay ako kaysa mabuhay pa ng wala ka naman sa piling ko."I chuckled. "Asus, bumanat ka na naman." sabi ko saka bumangon. "Balik na tayo sa labas?"He nodded then we went out the room.Marami ang kumausap at bumati sa amin.Nakilala ko din si Jelyn at asawa nitong si William pati ang cute-cute na babaeng anak nila na kaedaran ni Gwen na natutulog na sa braso nito.Habang kausap ko sila hindi ko maiwasan makosensya sa ginawa kong panghuhusga kay Wayne. Ngayon ko lang narealized na masyadong makitid, marumi at advance pala ang utak ko noon, puro negative ang laman. Hinayaan kong kainin ako ng mga nagyari sa buha
SamanthaNataranta ako ng humakbang palapit si Wayne. Kaagad ko s'yang pinigilan, hinila sa kanyang braso."No Wayne please. Huwag kayong gumawa ng gulo dito ni Luigi." madiin kong pigil sa kanya saka nilingon si Luigi.Pero sa nakikita kong itsura at titigan nilang dalawa hindi ko kakayanin. Parang manok na magsasalpukan ang dalawa. Ang tangkad at laking tao pa nila. Baka ma-sandwich lang ako nito sa gitna pag nagpang-abot itong dalawa. Nakakahiya sa mga bisita at mga magulang namin kung magkagulo sila.Nalintikan naaaa!Nagpalinga-linga ako, naghanap ng maaaring tumulong sa akin. Then I saw James. Nakatanaw sila ng asawa n'ya sa amin. Sinenyasan ko s'yang lumapit. Kaagad naman n'ya nakuha ang ibig kong sabihin. Nagtinginan sila ni Rash saka malalaking hakbang na lumapit sa amin.Kaagad inakbayan ni James ang kaibigan n'ya pero nagprotesta si Wayne. Hinatak ko s'ya sa kanyang damit.Tinitigan n'ya ako saka muling binalingan si Luigi. "Don't you dare
Nagpupuyos sa inis ang aking dibdib habang naglalakad ako papunta sa unahan.Walanghiya s'ya. Halos mamatay ako sa takot ng pagkakadukot sa akin kanina tapos may kinalaman pala ang bwesit na lalaking 'yon dito. Magpinsan nga sila ni Miguel, parehong siraulo. Humanda s'ya sa akin mamaya...Ngunit habang palapit ako ng palapit sa unahan at nakikita ang masasaya at nakangiting mukha ng mga tao, ng mga mahal ko sa buhay, unti-unting napapalitan ng 'di matatawaran na saya, tuwa at galak ang aking puso.'Yong tipong puro negative ang laman ng isip mo, puno ng inis, galit, takot ang puso mo dahil sa disaster na nangyari sa akin simula noong alas dos ng madaling araw na dinukot ako hanggang kanina. Tapos sa isang iglap biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ganito ang ending.Diba.. akalain mo yon? Nakaisip sila ng ganito! Napaka taba ng utak! Sino ba ang nagplano ng lahat ng ito at bibigyan ko ng subrang higpit na yakap sa leeg hanggang sa mamatay s'ya, tanda ng pasasalam
SamanthaNagtatawanan kaming magkakaibigan ng biglang bumukas ang pinto, pumasok si Miguel. Kaagad akong napatigil sa pagtawa at natutok sa kanya ang aking nanlalaking mga mata."Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong ko kaagad sa kanya.Nginisian n'ya ako saka tiningnan ang mga kaibigan ko."Ah, Sam, labas muna kami ha, baka hinahanap na kami ng mga tsikiting namin." sabi ni Cait na ikinakunot lalo ng aking noo.Sabay-sabay pa silang nagtungo papunta sa pinto."May mga anak na rin kayo?" excited na bulalas ko.Nakangiting nilingon nila ako saka tumango."Meron, nasa labas, makikita mo mamaya." nakangiting sabi ni Sheeva sabay talikod.Lalo akong nagtaka ng makita kong halos magkumahog pa sila sa pagmamadaling lumabas ng kwarto. Sinusulyapan si Miguel na animoy hari na nakatayo sa harapan ko't makahulugan naman silang tinitingnan. Na para bang nag-uusap-usap sila sa pamamagitan ng mga mata. Hindi ko maintindihan, ang weird pero sa na
Hinayaan ko lang s'yang yakapin ako habang pinoproseso ng aking naguguluhang utak ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may malaking mali talaga e. Kanina bigla na lang sumulpot si Calderon sa bahay pagkatapos kong makausap si James. Tapos ngayon...Kanino s'ya anak? Bakit Daddy ang tawag n'ya sa akin? Kailan ba ako nagkaanak? Bakit hindi ko ata alam? Pero bakit kamukha ko s'ya?!Arrgh ang gulo..!"Baby..." tawag ko sa kanya.Kaagad naman s'yang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka nakangiti akong tiningnan.I smiled back at her. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?""Dahil ikaw po ang Daddy ko." sagot n'ya kaagad sa akin.Biglang pumitlag ang aking puso sa sinabi n'ya. Habang tinititigan ko ang ngiti n'ya si Sam ang pumapasok sa aking utak. Hindi ko ma-explain pero parang iba ang hatak sa akin ng batang itong nasa harapan ko."Sino nangsabi sayong ako ang D-Daddy mo?""Si Lola tsaka si Tito Miguel po. Kamukha mo 'y
WayneYesterday was the best ever advanced gift for our sixth years wedding anniversary..!At last I found her. She's with me now!Sa apat na taon na nakalipas ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing. Ang sarap sa pakiramdam. Sa subrang sarap parang ayaw ko ng magising. Nakangiting nag-inat ako ng aking mga kamay sabay kapa sa aking katabi. Unti-unting napalis ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa napakunot noo ako ng wala akong mahawakan na katawan ng tao. Kaagad akong napadilat at napabalikwas ng bangon ng hindi ko makita si Sam sa tabi ko."Sam?" tawag ko sa kanya pero wala akong marinig na ano mang ingay maliban sa ugong na nagmumula sa aircon sa loob ng kwarto.Saan ba pumunta 'yon? Ang aga-aga bumabangon kaagad...Himutok ko pa sa aking sarili saka lumabas ng kwarto."Sam?" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala pa ring sumasagot.Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita ni isang tao. Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding. Na
Hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko. Nagtaas baba pa ang aking mga dibdib sa biglang tensyon na naramdaman ko habang nakatitig sa mukha n'yang may pilyong mga ngising walang kurap-kurap na nakatitig din sa akin. Para na akong malalagutan ng hininga.Bumaling ako sa aking kaliwa para sana tumakbo ngunit malakas akong napatili sa gulat ng malalaking hakbang s'yang mabilis na nakalapit sa akin sabay tukod ng dalawang malaking braso n'ya sa aking gilid. Halos pangapusan ako lalo ng hininga sa ginawa n'ya.Hindi ko na alam kung saan na ba ako natatakot. Ang makita n'ya ba ang anak ko, ang abutan kami ng mga tao dito sa bahay or ang gagawin n'ya sa akin? Sa uri ng ngisi at titig n'ya pakiramdam ko gusto n'ya akong kainin na buo. Hindi ko alam kung bakit n'ya 'to ginagawa sa akin at mas lalong hindi ko alam kung pa'no n'ya ako natunton dito.Bakit nandito s'ya?"Did I heard you right? You called my Mom, Mama." amused
SamanthaDamn... what the hell he's doing here?!Ano 'to joke? Pinagtataguan ko s'ya, tinatakasan ko tapos ngayon nandito s'ya sa aking harapan?!Ang lupet magbiro ng tadhana grabe... Wala ng lulupit sa lahat ng malupit!Pagkatapos sabihin ni Ruth kanina na nasa likuran namin si Wayne mabilis pa sa alas kuwatrong kumaripas kaagad ako ng takbo palayo sa kanila. Dumeritso ako ng CR at nagkulong doon. Kahit nagsimula na ang graduation ceremony hindi ako lumabas. Pinagkakatok ako doon ng mga kaibigan ko pero hindi nila ako napilit lumabas. Nagdahilan na lang akong biglang sumama ang tiyan ko.Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili doon. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Wayne na nagsasalita na sa mic. Lumabas ako saka sumilip sa Stadium. Lalo akong kinabahan ng makita kong umiikot ang kanyang paningin na para bang may hinahanap s'ya na tao. Ayaw kong mag-assume pero subrang kaba ang bigla na lang bumundol sa aking dibdib.Pagkatapos ng graduation cer
WaynePagkatapos kong kumain bumalik ako sa kuwarto para sana umidlip ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nanatili akong nakadilat at nakatitig sa kisame habang iniisip pa rin si Sam. Hindi na s'ya matanggal pa sa aking utak.Pero kailan nga ba s'ya nawaglit sa aking utak? Parang s'ya na lang ang bukod tanging laman at tumatakbo sa loob nito e. Walang kapaguran sa pagtakbo.Paulit-ulit pang nagre-replay sa aking harapan ang tagpong nakita ko kahapon. Although kinakain ng subrang selos at panibugho ang buong kamalayan ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong makaramdam ng saya, ng pag-asa.Nandito s'ya sa San Andres. Kung kinakailangan halughugin ko ang buong bayan para lang mahanap s'ya, gagawin ko.Babawiin ko s'ya sa lalaking 'yon!Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakahiga sa kama habang parang tangang kinakausap ng sarili ng tumunog ang alarm tone na nilagay ko sa phone ko.Kaagad akong bumangon at nagbihis saka lumabas ng kwarto