FLASHBACK“Anong nag-bo-bother sa yo especially about sa engagement?” tanong sa akin ni Theo kaya napaisip ako.Iisa lang naman ang ayaw ko kaya tutol at mahirap para sa aking tanggapin ang arrange marriage. Iyon ay kung may kalaayan pa ba akong matatamo lalo kapag nakatali na ako sa lalaki. “The freedom T, I still want to do a lot of things but I feel like hindi mangyayari lahat ng nais ko kapag nagpakasal agad ako,” wika ko kay Theo. Nakakaintindi namang tumango si Theo sa akin kaya napangiti ako sa kaniya.“I understand your concern Celeste, because I felt the same when Dad mention it,” saad ng lalaki kaya gulat na gulat akong tumingin sa gawi nito.“Totoo ba?” gulat na tanong ko sa lalaki.“Bakit? Akala mo ba ganun na kita kagusto Ms. Serrano,” pabirong saad nito kaya namula ang pisngi ko.“T-that’s not what I mean T,” saad ko sa lalaki pero tinawanan lang ako nito at marahang ginulo ang buhok ko.“But I do admit, I was smitten the first time I met you Celeste,” pag-amin ng lalaki
“Congrats everyone, one more semester and we are graduates na,” saad ni Nat habang maluha-luha pa ito.Kaya natawa kami nina Hope, Debbie at Seb, saksi kaming lahat sa hirap ng bawat isa. Alam kong lahat kami may kanya-kanyang laban at problema habang nagpapatuloy sa pag-aaral. Subalit lahat man iyon ay hindi alam ng bawat isa, pero sa simpleng presensya at bonding namin ay naiibsan non ang bawat sakit at pighating nararanasan namin.“Ang drama naman Nat, mag-celebrate nalang tayo. KKB ha,” saad ni Seb at sabay headlock kay Nat kaya hinampas ng aking bestfriend ang braso nito habang nag-da-dramang nasasakal.“Papatayin mo ba ako Sebastian?” dramang saad ni NatNagkukuyari pa itong nagpupunas ng luha na akala mo ay aping-api ni Seb kaya napailing-iling nalang ako. At inaya na sina Hope at Debbie para pumunta sa kakainan na napag-usapan namin.“Wait for me guys,” narinig kong sigaw ni Nat na busy pa rin makipag-away kay Sebastian. Mga aso’t pusa talaga hindi magkasundo char.“Paunahan Na
“Guys this is Theodore Cade Alejandro,” pagpapakilala ko sa mga babae na tila nahipnotismo rin sa kagwapuhan ng lalaki kaya pinitik ko ang daliri ko sa harapan nila kaya napatayo ito ng maayos.“Hi pogi,” saad ni Hope kaya natawa ako.“Hindi mo pa ba ito sinasagot? Or ayaw mo sa kaniya? Ang pogi na niyan ha, pag ayaw mo akin nalang Amy,” pabirong saad ni Hope kaya sinamaan ko lamang ito ng tingin kaya nag-peace sign siya.“Theo, this is Debbie, Hope and Seb,” pagpapakilala ko sa mga kaibigan ko na kinamayan naman ni Theo.“This is Nat, which is kilala mo na,” natatawang saad ko kay Theo at natawa rin ito ng kumaway ng kaunti si Nat.“Let’s go?” tanong ko sa mga kaibigan ko at tumango lang ang mga ito kaya pumunta na kami sa reserved table namin.“Happy Semestral Break babe,” saad ni Theo sa akin Kaya nakangiti akong lumingon sa lalaki at hinawakan nito ang kamay ko habang papunta kami sa aming lamesa. Narinig ko pa ang tili ni Nat ng makita ang kamay naming magkasugpong kaya sinamaan
Kaya tumawag na rin si Sebastian ng waiter upang makapagbayad at makauwi dahil may mga lakad din ang iba kasama ang family nila.”Sir, paid na po kayo, kanina pa po,” saad ng waiter kaya nagkatinginan kaming lahat.”Sure po ba?” tanong ni Nat kaya tumango ang waiter.”But, hindi pa kami nakakapagbayad,” wika ni Debbie.”Pwede po bang pa-double check?” nakangiti kong saad sa waiter dahil wala pa namang nagbabayad sa aming lahat.”No need,” biglang saad ni Theo ng dumating ito sa table galing sa restroom.”It’s my treat everyone, congrats,” nakangiting saad ni Theo habang nakangiti sa akin.Nagpasalamat din naman ang mga kaibigan ko habang paalis kami ng Vikings. This man talaga, kahit isang beses ay hindi pa ako pinagbayad basta kasama siya.”Thanks bro, you’re the best,” saad ni Seb at kumindat pa sa akin kaya pinanlakihan ko ito ng mata.”Thank you sa libre Cade, sa susunod ulit char,” saad ni Nat kaya napasapo ako sa noo ko. ”Alright, anytime basta kasama si Celeste,” natatawang sa
Ngayon ay isa sa mga araw na pinakahihintay ko. Nag-usap kami ni Theo na magkikita kami sa condo niya kaya pagkatapos ng ginagawa namin dito sa school ay didiretso na ako doon. Habang si Theo naman ay busy rin sa kaniyang business, but he moved his schedule ahead of time para sa date namin ngayon.“Totoo ba Amy?” tili na saad ni Nat dito sa coffee shop malapit sa school habang hinihintay namin ang ibang kasama.“Oo nga,” saad ko kay Nat at napalingon sa paligid dahil sa ingay ni Nat.“Oh my god, finally. Matagal na ding nanliligaw si Cade sa ‘yo,” arteng saad ni Nat kaya inirapan ko lang ito at hinawi ang buhok papunta sa kaniya.“Ang haba ng buhok mo no?” tanong ni Nat Hinawakan ng babae ang buhok ko at biglang hinila kaya tatayo na sana ako ng pigilan ako nito.“Chill Amy, sasagutin mo pa si Theo diba?” saad ni Nat na nagpatigil sa aking sabunutan ang babaeng kaharap ko.Binitawan din ng aking bestfriend ang buhok ko ng pataas, nakita kong may napapatingin na sa amin kaya sinamaan
“Ay may date pala,” tumatawang wika ni Hope at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.”Stop it,” tawang wika ko habang pinipigilan ang kamay ni Hope sa kakakiliti sa akin.”Alam niyo bang balak na ni Amy na sagut-” aniya ng madaldal kong bestfriend mabuti nalang ay napandilatan ko siya ng mata kaya napigilan niya ang bibig niyang magsalita.”Ha? Ano yun Nat?” takang tanong nina Hope at Debbie pero inilingan ko lang si Nat.Kaya nauutal man ay nakikita kong nag-iisip ito ng ipapalusot pero dahil sa tagal ni Nat makaisip ay si Seb na ang nagligtas dito.”Tara na guys, may pupuntahan din pala ako,” wika ni Seb at hinila na si Nat para mauna ng umalis ng coffee shop.”Ang hirap kausap ni Nathalie,” natatawang saad ni Debbie at napailing-iling na lang kay Nat.”Eversince naman,” wika ni Hope habang naglalakad na rin kasunod nina Seb at Nat.Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ulit tinanong ng mmga kaibigan ko si Nat lalo na ng magkakalapit kami habang hinihintay ang sasakyan ni Seb.”Ikaw na
Habang inaayos ang mga pagkain na binili ko ay nagbalak rin akong magluto ng carbonara. So nag-prepare na ako ng pasta at nagluto ng sauce, nilagyan ko pa ng madaming baked bacon para mas masarap.”Theo, are you going home na?” excited na tanong ko kay Theo ng sagutin nito ang tawag ko.”Patapos na ako sa ginagawa ko babe, can you wait a little more?” malambing na saad ng lalaki. ”Sir, may pinapabigay pong papeles ang marketing at finance for approval daw po,” saad ng sekretarya niya ata sa kabilang linya. Mukhang busy nga ang lalaki kaya kahit medyo naiinip na ako rito sa condo niya ay inintindi ko ito. Iinitin ko na lang din mamaya yung mga foods kapag dumating si Theo dahil malamig na for sure yung iba.”Let me know kapag pauwi kana T, I bought some foods sa drive thru e,” saad ko kay Theo sa kabilang linya.”Okay babe, please eat kapag hungry kana,” malambing pa ring saad ng lalaki kaya napangiti ako.Binaba ko na rin ang tawag para mas mabilis na makauwi ang lalaki. Nag-ikot na
Nang makitang gising si Theo ay kinakabahan ako na baka narinig nito ang sinabi ko patungkol sa soon to be boyfriend.”You fell asleep kaya hindi na kita ginising T,” saad ko kay Theo at umayos ng tayo habang ang lalaki naman ay humihikab pa sa aking harapan.”I take a nap, ang sarap ng unan kaya ng unan ko,” wika ng lalaki at mahinang tumawa.”Ginawa mo pang unan ang balikat ko,” inis inisan na saad ko sa lalaki habang tumatawa rin.Pero sa loob-loob ko ay ninenerbiyos na ako sa kinatatayuan ko dahil baka narinig nga nito ang binulong ko.”Uhm, did you hear something ba while napping?” kabadong tanong ko kay Theo pero napakunot lang ang noo nito.”May nangyari ba habang umiidlip ako? Naramdaman ko lang yung kamay mo sa noo ko babe,” nakangusong saad nito na siyang kinalaki ng ngiti ko.”Hah? Wala naman Theo,” wika ko nalang sa lalaki.”Initin ko lang yung foods natin T I’m hungry na rin,” palusot na saad ko kay Theo at kumaripas na ng lakad papunta sa kusina.Napahawak pa ako sa dibd
CELESTE AMETHYST SERRANO POVNgayon ang unang araw ng trabaho ko sa Resort de Salvadore’ kahit kinakabahan ay kailangan kong magmukhang hindi nenenerbiyos. Gamit ko ngayon ang sasakyan na binigay ni Nat sa ‘kin noong nakaraang linggo, siya pa mismo ang nag-deliver ng sasakyan kaya andami na naman naming napagkwentuhan. “Wahhh, I miss you so much Amy,” malakas na sigaw ni Nat ng bumaba ito ng kotse at mabilis na tumakbo papunta sa pwesto ko. “I miss you to Natty, napagod ka ba sa byahe? May pagkaing hinanda si Mom para sa ‘yo,” sambit ko sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay nina Tita. “Alam mo ba si Sebastian? Sobrang busy na sa pagiging inhinyero niya hindi na halos makausap ang kumag nakakainis.” “Nagbabagong buhay na pala ang isang yun, wala sa mukha ang pagiging seryoso but I am glad that all of you are striving now,” proud na wika ko sa aking kaibigan habang kumakain ito. “I am proud of you also Amy, we are. You are striving and fighting really hard in life an
THEODORE CADE ALEJANDRO POV“Tigilin niyo na ang paggawa ng mga desisyon na kaya ko naman Dad. Hayaan niyo akong pumili ng babaeng nais kong makasama habang buhay,” sinubukan kong huminahon ngunit inuubos talaga niya ang pasensya ko. “Mabubuhay ba kayo ng pagmamahal Cade?! Hindi, kaya ayaw man o sa gusto mo ay magpapakasal ka,” matigas na wika niya kaya napasabunot na lang ako sa buhok ko. Tatawag at kakausapin lang talaga niya ako para maging problema sa buhay ko. Una ay sa mga eskwelahan na nais kung pasukan. Pangalawa ay sa course na gusto kong kunin sa kolehiyo. Ngayon naman ay maging sa gusto kong pakasalan. Hindi ko na alam kung paano ko ipapaintindi sa kanya na isa lang ang gusto kong pakasalan.“Alam niyo kung sino ang gusto kong pakasalan Dad. Nag-iisang Serrano lang. At tinraydor niyo pa kaya alam kong mas lalo akong kakamuhian nun,” matigas ko ring saad kay Dad. “Tinraydor? Negosyo ang pinag-uusapan dito Cade. Hindi ko na kasalanang walang nagtitiwala sa kanila,” walang
“Calamba! Huling destinasyon na po ito, miss pasensya na pero hanggang dito na lang ang jeep ko,” sambit ng driver. “Pasensya na po, ingat po kayo,” sabi ko naman sa driver at mabilis na bumaba ng jeep. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa jeep dahil sa labis na pagod. Mabuti na lang ay Calamba ang huling destinasyon kaya kung sakaling hindi ay lumampas na ako. “Nakauwi na po ako,” masayang bulalas ko pagbukas ng pinto pero suumalubong sa akin ang mangiyak ngiyak kong ina. At katabi nito ay ang may pasa at duguang mukha ng aking ama. “A-anak,”naluluhang tawag sa akin ni Mom kaya mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya. “A-ano pong n-angyari dito? Bakit po dumudugo ang labi ni Dad?” nagtatakang wika ko sa kanila ngunit napailing na lamang ang aking Tito at Tita. “Y-yung pinagkakautangan ng Dad mo natunton tayo anak, nang walang maibigay ang ama mo ay iyan ang ginawa nila,” nahimigan ko ang galit sa boses ng aking ina. Kahit ako ay magagalit sa mga taong nakaka
“Ano ba ‘yan miss? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo,” inis na saad ng babaeng nabangga ko sa kakamadali. “S-sorry po… pasensya na po talaga,” kinakabahang wika ko sa babaeng nabangga ko pero hinawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kanya. “May humahabol ba sa ‘yo? Bakit parang gulat na gulat ka? Walang mananakit sa ‘yo sa lugar na ‘to,” pagpapakalma sa ‘kin ng babaeng nabangga ko. “A-ah, wala po… pasensya na po ulit pero kailangan ko na pong umalis,” paalam ko sa babae at nagmadali ng umalis sa Resort de Salvadore’.“Fily! How are you? Pinapahirapan ka ba ng pinsan ko?” narinig kong sambit ni Matthew sa babaeng nabangga ko. Mabuti na lang talaga at nagmadali akong umalis duon kung hindi ay baka maabutan at makita ako ni Matthew. Sobrang loyal pa naman ng lalaking iyon kayy Theo. Habang naglalakad papunta sa sakayan ay tumawag si Nathalie sa akin kaya naghahanda ko na itong sigawan ng mauna na itong magpaliwanag sa’kin.“Hep, hep… sorry na Amy, ngayon ko lang din nalama
“A-anong sinabi mo Hon? A-ang mga A-alejandro? B-but they were nice hindi ba? T-tama ba ang narinig ko? Alejandro?” naguguluhang tanong ni Mom kay Dad. “A-akala ko mapagkakatiwalaan din sila ngunit nagkakamali pala ako, sila ang nasa likod kung bakit tuluyang nawala ang mga investors, maging ang patuloy na paninira sa mga produkto natin,” nanghihinang wika ni Dad at narinig ko pa sa loob ng kwarto ang pagkalansing ng baso hudyat na umiinom na naman si Dad.Napatingin ako sa aking kamay ng may tumulong luha mula sa aking mata. Akala ko masakit na yung pag-iwan ko kay Theo, at marinig sa mismong bibig ng lalaking mahal ko na awa lang ang lahat. Ngunit mas masakit palang malaman na pamilya nila ang may kagagawan kung bakit nawala sa amin ang kumpanya. “Y-you will never be like you Dad and Grandfather who are ruthless and cold hearted,” bulong ko sa aking tiyan habang hinihimas ito. Palalakihin ko ang batang ito na puno ng pagmamahal at may malasakit sa kapwa. Hinding hindi nito maiisip
“Y-you were the one who pushed that arrange marriage Dad. I was against that pero para sa kapangyarihan kaya mong ipamigay ang nag-iisa mong anak,” masakit na sambit ko kay Dad kaya napatayo na ito sa kanyang kinauupuan. Mabilis itong lumapit sa akin at itinayo ako habang mahigpit ang pagkakahawak sa magkabila kong braso. Kahit anong pagmamakaawa ko ay tila walang naririnig ang aking ama. “That was for your future. So you won’t have to worry about your damn future kid. Connection. Connection ang magpapalawak ng pangalan mo, without Alejandro’s that time no one is high enough for you,” wika ni Dad kaya natawa na lang ako sa sinabi nito. Kahit nanghihina ay pinilit kong ipunin ang aking lakas upang makawala sa hawak ng aking ama. “Connection? You think I can’t do that Dad? You really think so lowly of me huh. All this time I was proving myself worthy but it doesn’t make sense to you at all. O-only Theo made me feel that,” masakit na saad ko sa aking ama. “I guess that child is from t
“SINONG BUNTIS?!” galit na wika ni Dad. At mabilis itong pumasok sa silid na aking kinauupuan. Dahil sa matinding gulat ay nakatulala lamang ako sa aking amang galit na galit na nakatingin sa akin. “Sinong buntis Celeste? Ikaw ba?” sigaw na tanong ni Dad at hinawakan ang aking braso upang tumayo. Kahit nanghihina ay wala akong magawa kundi tumayo dahil sa nararamdamang sakit sapagkat mahigpit ang hawak ng aking ama sa aking braso. “Dad, masakit po please,” nagmamakaawa kong sabi kay Dad pero tinignan lang ako ng nanlilisik nitong mga mata. “Ikaw ang buntis? Sinong ama? Iyong Alejandro ba Celeste?” sunod sunod na tanong ni Dad sa akin at tuluyan na itong napasabunot sa kanyang buhok. “I-i can explain po Dad please,” umiiyak kong wika sa aking ama pero tinalikuran lang ako nito. “Bumaba ka Celeste Amethyst,” may pagbabantang sambit ng aking ama bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Dahlia. Tuluyan na rin akong napaupo sa sahig ng kwarto ni Dahlia dahil sa labis na panghihina. Simula
Habang sinusulyapan ang kapaligiran, mahahalatang ibang iba ito sa Manila. May nakikita pa akong mga kapunuan dito habang sa Manila ay kakaunti lang. Dito sigurado akong magsisimula talaga kami sa baba, tanging tiyahin ko lang naman ang kakilala namin dito. “Celestine, kamusta na kayo? “ wika ng aking tiyahin ng makababa kami sa tricycle na sinasakyan. Tinulungan pa kami ni Tita na magbaba ng mga gamit namin kaya nagpasalamat ako sa kanya. “Ayos lang ate, pasensya na ha, ikaw na lang talaga ang naiisip kong puntahan,” nahihiyang sambit ng aking ina habang yakap yakap ang kanyang kapatid. Nakita ko namang tumango si Dad sa tiyahin tsaka tiyuhin ko. Mabuti na lang ay mabait ang kapatid ni Mom kaya may matitirhan kami kahit pansamantala lang hanggang sa makakuha ako ng bahay na pwede naming lipatan. Kaya kailangan ko na ring magtrabaho upang may maibigay naman kami kina tita kahit papaano. “Ano ka ba Celestine, tayo tayo na nga lang ang magkakadugo hindi pa ba tayo magtutulungan?” na
“What are you trying to say again anak?” tanong ni Mom sa akin kaya napabalikwas ako sa aking iniisip. “W-wala Mom, nakalimutan ko din po,” kunyari’y natatawang saad ko pero kabado na ako sa para sa aking sarili at sa munting buhay na nasa aking sinapupunan. I am so so scared what will Dad do if ever he knew I am carrying Theo’s child. Kaya siguro hindi ko masabi sabi kahit kay Mom dahil baka malaman ng aking ama. “Mom, hindi pa ba tayo aalis? Nasaan ba ang bus na sasakyan natin?” pagtatanong ko sa aking ina sapagkat medyo matagal na rin kaming nakatayo at naghihintay rito. “Y-your Dad is still talking to someone, let’s wait for him okay?” saad naman ni Mom kaya napabuntong hininga ako. Kapag lalong tumatagal ang pananatili namin ay hindi ko maiwasang alalahanin si Theo na iniwan ko sa kanyang condo. Sa bawat minutong lumilipas ay mas nananaig ang kagustuhan kong manatili na lamang sa tabi ni Theo. Kahit puro galit pa ang matanggap ko sa lalaki ay ayos lang basta nakikita at naka