Ngayon ay isa sa mga araw na pinakahihintay ko. Nag-usap kami ni Theo na magkikita kami sa condo niya kaya pagkatapos ng ginagawa namin dito sa school ay didiretso na ako doon. Habang si Theo naman ay busy rin sa kaniyang business, but he moved his schedule ahead of time para sa date namin ngayon.“Totoo ba Amy?” tili na saad ni Nat dito sa coffee shop malapit sa school habang hinihintay namin ang ibang kasama.“Oo nga,” saad ko kay Nat at napalingon sa paligid dahil sa ingay ni Nat.“Oh my god, finally. Matagal na ding nanliligaw si Cade sa ‘yo,” arteng saad ni Nat kaya inirapan ko lang ito at hinawi ang buhok papunta sa kaniya.“Ang haba ng buhok mo no?” tanong ni Nat Hinawakan ng babae ang buhok ko at biglang hinila kaya tatayo na sana ako ng pigilan ako nito.“Chill Amy, sasagutin mo pa si Theo diba?” saad ni Nat na nagpatigil sa aking sabunutan ang babaeng kaharap ko.Binitawan din ng aking bestfriend ang buhok ko ng pataas, nakita kong may napapatingin na sa amin kaya sinamaan
“Ay may date pala,” tumatawang wika ni Hope at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.”Stop it,” tawang wika ko habang pinipigilan ang kamay ni Hope sa kakakiliti sa akin.”Alam niyo bang balak na ni Amy na sagut-” aniya ng madaldal kong bestfriend mabuti nalang ay napandilatan ko siya ng mata kaya napigilan niya ang bibig niyang magsalita.”Ha? Ano yun Nat?” takang tanong nina Hope at Debbie pero inilingan ko lang si Nat.Kaya nauutal man ay nakikita kong nag-iisip ito ng ipapalusot pero dahil sa tagal ni Nat makaisip ay si Seb na ang nagligtas dito.”Tara na guys, may pupuntahan din pala ako,” wika ni Seb at hinila na si Nat para mauna ng umalis ng coffee shop.”Ang hirap kausap ni Nathalie,” natatawang saad ni Debbie at napailing-iling na lang kay Nat.”Eversince naman,” wika ni Hope habang naglalakad na rin kasunod nina Seb at Nat.Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ulit tinanong ng mmga kaibigan ko si Nat lalo na ng magkakalapit kami habang hinihintay ang sasakyan ni Seb.”Ikaw na
Habang inaayos ang mga pagkain na binili ko ay nagbalak rin akong magluto ng carbonara. So nag-prepare na ako ng pasta at nagluto ng sauce, nilagyan ko pa ng madaming baked bacon para mas masarap.”Theo, are you going home na?” excited na tanong ko kay Theo ng sagutin nito ang tawag ko.”Patapos na ako sa ginagawa ko babe, can you wait a little more?” malambing na saad ng lalaki. ”Sir, may pinapabigay pong papeles ang marketing at finance for approval daw po,” saad ng sekretarya niya ata sa kabilang linya. Mukhang busy nga ang lalaki kaya kahit medyo naiinip na ako rito sa condo niya ay inintindi ko ito. Iinitin ko na lang din mamaya yung mga foods kapag dumating si Theo dahil malamig na for sure yung iba.”Let me know kapag pauwi kana T, I bought some foods sa drive thru e,” saad ko kay Theo sa kabilang linya.”Okay babe, please eat kapag hungry kana,” malambing pa ring saad ng lalaki kaya napangiti ako.Binaba ko na rin ang tawag para mas mabilis na makauwi ang lalaki. Nag-ikot na
Nang makitang gising si Theo ay kinakabahan ako na baka narinig nito ang sinabi ko patungkol sa soon to be boyfriend.”You fell asleep kaya hindi na kita ginising T,” saad ko kay Theo at umayos ng tayo habang ang lalaki naman ay humihikab pa sa aking harapan.”I take a nap, ang sarap ng unan kaya ng unan ko,” wika ng lalaki at mahinang tumawa.”Ginawa mo pang unan ang balikat ko,” inis inisan na saad ko sa lalaki habang tumatawa rin.Pero sa loob-loob ko ay ninenerbiyos na ako sa kinatatayuan ko dahil baka narinig nga nito ang binulong ko.”Uhm, did you hear something ba while napping?” kabadong tanong ko kay Theo pero napakunot lang ang noo nito.”May nangyari ba habang umiidlip ako? Naramdaman ko lang yung kamay mo sa noo ko babe,” nakangusong saad nito na siyang kinalaki ng ngiti ko.”Hah? Wala naman Theo,” wika ko nalang sa lalaki.”Initin ko lang yung foods natin T I’m hungry na rin,” palusot na saad ko kay Theo at kumaripas na ng lakad papunta sa kusina.Napahawak pa ako sa dibd
Pagkatapos namin mag-lunch na may madaming landian ay naghuhugas na ako ng pinggan. Napapakanta pa ako habang nagsasabon ng pinagkainan namin ng bigla kong naramdaman ang kamay ng aking boyfriend sa bewang ko.“I told you, I can do the dishes babe,” nakangusong saad ng lalaki “Kaunti lang naman to T- este babe,” saad ko sa lalaki at itinuloy na ang paghuhugas ng aming pinagkainan.“Sipag naman kase babe,” wika ni Theo sabay pulupot ng kamay sa aking bewang at marahang ipinatong ang baba sa aking balikat.“Ang kulit naman Theo,” natatawang wika ko sa lalaki pero hindi naman ito nakinig at inamoy-amoy pa ang leeg ko. Kaya naman napapahagikhik na ako habang naghuhugas ng pinggan.“Look at the sky T,” sabi ko kay Theo sabay turo sa mga bituin sa langit.Nandito kami ngayon sa rooftop ng condo building ni Theo habang tinitignan ang mga bituin. Sa unang pagkikita namin ni Theo sa aming bahay ay naalala ko na naging komportable ako sa kaniya dahil mahilig din ito sa mga stars.“I can draw y
”Theo, go na, pumasok kana,” inis na saad ko sa lalaki dahil kanina pa ito nakahalukipkip sa lamesa habang nakanguso.”Gusto ko nalang mag-work dito sa condo,” saad ni Theo at sinadya pang lungkutan ang boses na tila nagpapaawa.”My gosh babe, stop it. Ilang araw ka ng nakatambay dito sa condo. Wala ka bang trabaho ha,” wika ko sa lalaki at nakapamewang ng humarap sa kaniya.”I am the boss babe, pwedeng pwede ko ngang gawin yun dito sa condo. At para mas marami akong time makasama ka,” ngumiti pa ng malapad ang lalaki matapos sabihin iyon.Kung hindi ko lang narinig na kailangan na ni Theo na pumasok ay baka lumambot na ako dito at pumayag na sa nais nito. Ngunit napansin kong tila seryoso ang lalaki kanina kaya pinipilit ko itong pumasok. At mas matutukan ang problema sa kanilang kompanya.”How about dalhan kita ng lunch?” tanong ko sa lalaki at nag-tinkle pa ang mata ko.”Really!?” gulat na wika ng lalaki at napaayos ng upo.”Oo nga, so papasok kana babe,” masayang tanong ko kay The
”U-uhm this will be the last time I am going to be late maam,” saad ko sa ginang pero mataray lang itong tumingin sa akin at pinapila ako kasama ng mga kapwa ko intern. ”Because may bagong dumating, I am going to introduce myself again, especially to you miss Serrano,” wika ng ginang kaya napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan.”I am Crisanta Farinas, the Marketing Manager of the Company,” pagpapakilala ng ginang pero wala man lang itong kangiti-ngiti sa mukha. Ang sungit niya. ”Today, hahatiin lang namin kayo and ang gagawin niyo lang ngayon ay mag-observe for the mean time,” wika ng ginang kaya napatango-tango kami.Bigla na lamang habang nagsasalita ang manager ay nagtilian ang mga babaeng employee. Kaya kahit nagtataka ay nakisilip na rin kaming mga bagong intern.”Anong meron?””Parang kinikiliti si ate girl malapit sa pintuan.” ”Para kamong inasinan sa sobrang galaw.””Shhhhh.”Dahil sa ingay ay wala ng nakikinig sa manager, pero ako ay naka-focus sa kaniya dahil baka mama
Nang makita kong naglalakad na paalis si Theo ay hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko namang tawagin siya rito at maraming empleyado niya ang makakarinig.“Hoy bakla, ba’t nanginginig yang kamay mo?” wika ni Max kaya napatingin din ako sa kamay ko. Nanginging nga ito kaya ikinalma ko ang sarili ko.“Huh? Wala to Max,” saad ko nalang sa bagong kaibigan kaya kahit nagtataka ito ay tumango na lamang sa akin at nagpatuloy sa pagkain.“Max, pupunta lang akong CR ha,” pagpapaalam ko kay Max at tumayo na sa aking upuan para sundan ang boyfriend ko.Itinext ko ito na mali ang kaniyang iniisip pero ang isinagot lamang nito sa akin ay ‘follow me’. Kaya nagmamadali na rin akong sundan ito dahil paglingon ko sa hallway ay wala ito. Aakyat na sana ako gamit ang elevator pero biglang may humila sa akin papunta sa fire exit.“Argh, bitawan mo nga ako,” sigaw ko sa humila sa akin pero tinakpan lang nito ang bibig ko at hinarap ako sa kanya.“Shhh, someone might hear us,” wika ng boyfriend ko habang na