Share

Under The Sheets
Under The Sheets
Author: Ced Emil

Chapter 1

Author: Ced Emil
last update Huling Na-update: 2025-02-03 11:39:38

Sa sikat na unibersidad nag-aaral si Lexie at nagpa-part time job sa Sweet JJ's cafe. Sa tuwing wala siyang klase ay nandito lang siya at kung minsan ay nasa library. Sa dalawang lugar lang naman siya naglalagi at wala siyang ibang mapuntahan. Isa pa ay mas prefer niya ang mapag-isa kung sakaling wala siyang ginagawa.

Katulad ngayong araw ay nandito na naman siya para magtrabaho at abala sa pag-prepare ng order ng mga customers na estyudante rin ng Cheng University. Nakayuko siya sa harap ng glass cabinet kung saan nakalagay ang mga cakes nang marinig niya ang isang boses. Bahagya siyang nag-angat ng ulo at sinulyapan ang bagong dating.

"Good morning, tita, kahit nadadagdagan na ang edad mo ay mukha ka pa ring bata," nakangiting bigkas ni Nigel na hindi pa rin siya napansin na nasa tabi ng amo niyang si Olivia, ang may-ari ng Sweet JJ's cafe.

Tumawa si ma'am Olivia at napailing. "Ikaw talagang bata ka. Ang tamis ‘yang dila mo, ilang babae na ba ang nabiktima at napaikot ng matamis mong salita na yan? Akala mo'y hindi ko alam ang mga pinanggagagawa mo?"

Malawak na ngumiti ang binata at sumagot, "Wala pa po tita," blatant na pagsisinungaling nito. "Tita, ‘yung chocolate cake nga po tapos tubig," kapagkuwan ay order ng binata.

"Lexie, kunin mo nga ang order niya," tawag nito sa kanya at agad siyang tumayo para lumapit kay Olivia.

Tumaas ang sulok ng bibig ni Nigel nang makita niyang lumapit ang isang dalaga sa counter. Bago siguro itong staff ni Tita Olivia kase ngayon lang niya ito nakita. This woman is exceptionally gorgeous. Nakatali ang buhok nito in a messy bun, walang kolorete ang mukha pati ang labi ngunit natural na natural pa rin ang ganda nito. Her neck is long and very beautiful, nang tumalikod ito para kumuha ng cake ay nakita niya ng buo ang katawan nito, every curvature of hers is well proportioned. A goddess of all the goddesses.

Tumikhim si Nigel at pilyong tinignan si Olivia na nakamasid sa kanya. "Tita, pakilala mo naman ako."

Umarko ang kilay ni Olivia bago tinignan si Lexie patay malisyang nilalagay sa tray ang order ng binata. Umakto siyang hindi narinig ang pasaring nito. Napataas lang ang sulok ng kanyang labi nang marinig ang naging sagot ng kanyang boss.

"Sa mga kalokohan mo ay sigurado ako na kilala ka ni Lexie."

"Thanks tita" ngumiti si Nigel nang sabihin ni Olivia ang pangalan ng dalaga kahit hindi pormal na pinakilala sila sa isa't isa. "Hello, Lexie!" bati niya sa dalaga.

Gumanti ng ngiti si Lexi at nilapag sa counter ang tray. "Hello, Sir."

"Nigel, hintayin mo roon sa mesa mo ang order mo," naiiling na turan ni Olivia para itaboy siya.

Ngumiti ang binata at kumindat kay Lexie. "Nah! It's okay tita. Ayaw ko na mapagod siya. Isa pa ay lalaki dapat ang magseserbisyo sa babae," makahulugang sabi ni Nigel kaya umarko ang kilay ni Lexie. "May favor lang ako na sana ay pagbigyan mo, Tita. Payagan mo sana siyang samahan niya akong mag-agahan.”

Pinanlakihan siya ng mata ni Olivia. "Loko kang bata ka talaga. Hindi ko alam kung anong gagawin sa'yo ng iyong ama kapag binanggit ko ang kalokohan mo.”

Tumawa lang si Nigel at kinuha ang order niya bago pumunta sa isang mesa. Sumubo siya ng cake habang nakatingin sa labas at pinapanood ang mga estyudante na busy sa paglalakad o kaya nagbibiruan.

Matagal nang tumatakbo ang cafe na ‘to, nag-aaral pa lang ang magulang nila ay umaandar na itong cafe. Hanggang ngayon na matanda na silang anak nila ay maganda pa rin ang sweet JJ's cafe. Hindi ito ang madalas na tambayan nilang magbabarkada at minsan lang kung dumaan sila dito. Kung pumupunta kase sila ay wala silang makikitang pwede nilang biktimahin.

Nang mauubos niya ang kinakaing cake at mainom ang tubig ay pumunta siya sa counter para magbayad.

"Libre ko na yan sa'yo ngayon, hijo," nakangiting saad ni Olivia.

Napakamot siya sa batok. "’Pag nalaman ni mama—"

"I won't tell her, don't worry,” pandidismis nito sa kanya.

"Thank you tita, pasok na po ako," paalam niya at nginitian uli ang dalaga bago sumisipol na umalis.

Sinundan ng tingin ni Lexie si Nigel na lumabas ng cafe. Napailing siya nang makita na kinindatan nito ang babaeng nakasalubong nito. Popular sa University ang binata sa mga kalokohan nito. Her friend Janine told her that his circle of friend are all sl*gs and b*stards. Para silang nagpapaligsahan sa paramihan ng babaeng kinakama nila. Kilala ito dahil sa pagiging mapaglaro nito sa mga babae. Para itong nagpapalit ng damit kung magpalit ng flings nito. Halos lahat na yata ng babaeng nagpapakita ng interest dito ay pinapatulan niya maliban na lamang kung hindi attracted ang isang babae rito. At kung bored naman sila ng dalawa niyang kaibigan ay babae ang inaatupag nila at ginagawa nila itong past time.

Ayon din sa mga naririnig niya, kung break nila ay hihila lang sila ng babaeng willing na magserbisyo sa pangangailangan nila. Simula high school ay magkaibigan na sila at pareho ang likaw ng kanilang bituka kaya magkasangga sila sa lahat. Hindi naman daw nila kasalanan kung ganito sila dahil hindi sila ang humahabol sa mga babae kundi ang mga babae ang lumilingkis na parang linta sa kanila. They chase him like he's a demigod and willing to spread their legs for him. Who is he to refuse them? He can taste them with no hindrance.

Ngunit may limitasyon pa rin daw naman ang paglalaro ni Nigel pero feeling niya ay walang limitasyon para kay Nigel. Dahil lahat ng naririnig niyang balita tungkol dito ay puro negativong bagay tungkol sa kalokohan nito.

Minsan ay binito siya ni Janine kung attracted din siya sa lalaki pero malamig pa sa yelong sinupalpal niya ito. Hindi siya hibang para mabilang sa mga babaeng nahuhulog sa charm ng lalaki. Sa unang nakita niya ang binata sa library ay napatitig lang siya rito. His skin is white and smooth, he have straight and pointed nose, thin pinkish lips. May kakapalan din ang kilay nito with a light brown eyes. Minsan din niya itong nakita sa soccer field na naka half nude, she saw his graceful muscles and a solid six pack abs and a sexy V-line and unparalleled beautiful waistline. His beauty is very suffocating. She never saw a man so dazzling and hot like him.

At sa tuwing nasa soccer field ito ay hindi na nakakagulat na puno ng mga babaeng nagpapantasya rito ang nasabing lugar. Minsan lang siyang napadaan doon kaya nakita niya.

Magkaganun pa man, hindi niya magawang maakit sa binata. And especially, alam niyang inferior siya sa mga babaeng naging flings nito. Isa pa ay hindi siya talaga pumapasok sa isang seryosong relasyon. Mas prefer niya ang non-commitment relationship, sa paraan na ‘yun ay may tsansang hindi siya masasaktan. Ayaw niyang matulad sa ina na nagmahal ng wagas tapos sa huli ay iiwan din. Hindi niya nakilala ang kanyang ama at hindi niya alam kung ano ang itsura nito. Wala siyang planong makilala ito dahil isusumbat niya lang ang lahat dito.

Dahil para sa kanya ay irresponsible at tarant*do ang kanyang ama. A j*rk through and through.

Isa ito sa dahilan kung bakit natatakot siyang magmahal ng walang kasiguraduhan. She doesn't like to suffer more grievance when it comes to love. Hindi pa niya nasubukan ang ma-broken hearted kaya ‘pag ngumangawa ang kaibigan niya ay wala siyang ideya kung paano ito i-ko-comfort. Ignorante siya kung paano gawin yan. Minsan, embis na i-comfort niya ang kaibigan ay nagagawa pa niyang sisihin ito sa katangahan at kahibangan nito sa pag-ibig. Binansagang tuloy siya ng kaibigan na manhid. Pero deadma lang siya kahit na tawagin siya ng kung anu-ano ang kaibigan. Basta ang alam niya ay safe ang puso niya.

Secretarya ang kanyang ina sa malaking kompanya, tamang-tama at kasya sa lahat ng pangangailangan nila ang sahod nito. Bumili pa ang ina niya ng isang di kalakihang bungalow na bahay noong nasa elementary pa siya at doon sila nakatira ngayon. Silang dalawa lamang dahil hindi na muling nag-asawa pa ang kanyang ina.

Nag-part time lang siya dito sa cafe dahil gusto niya ng extra allowance para ‘pag isinasama siya sa gimmick ng kaibigan niyang si Janine o kaklase niya ay hindi na siya humihingi sa mama niya. Nahihiya siya sa kaibigan na palaging ito nanlilibre sa kanya.

Bumalik sa kasalukuyan ang utak niya nang may pumasok na costumer. Kinalimutan muna niya ang bagay na tumatakbo sa utak niya at hinarap ang trabaho niya. Mamayang eleven pa naman ang klase niya kaya inabala muna niya ang sarili sa pagtanggap ng order ng mga customers ng cafe. Sinipa na niya sa likod ng kanyang utak ang kung ano mang gumagabagab sa kanya at baka masira pa ang araw niya.

Makalipas ang isang oras ay nag-out na siya at nag-break muna bago pumasok ng University. Nasa may gate pa lamang siya ay sinalubong siya ng haggard na haggard na kaibigan niyang si Janine. Namumugto ang mata nito. Humalukipkip siya sa harap nito dahil nahulaan na niya kung ano na naman ang problema nito.

"Huwag kang iiyak sa harapan ko dahil titirisin talaga kita sa mata,” pagbabanta niya dahilan para malukot ang mukha nito. Umurong pa ang nagbabantang luha sa mata nito. ‘“Ano na naman ba ang problema mo ngayon?” impatient na angil niya.

Lihim na ngumawa si Janine dahil sa kalamigan ng kaibigan pero nakalabing sumagot siya, “nakita ko na naman sila, Lexie! Nagse-s*x sila sa restroom ng mga babae!”

Agarang pinunasan ni Janine ang luha nang naningkit ang mata ng kaibigan.

"Sino ba iyang istupidong boyfriend mo na iyan at pinatulan ang hangal na katulad mo?" walang prenong angil niya.

Kinagat nito ang labi at napipilitang umamin. "A-Actually, crush ko lang siya—”

Muntik na niyang masabunutan ang kaibigan nang marinig ang sinabi nito. "Baliw ka ba?” banas na asik niya.

"Kapag ikaw talaga ang na-brokenhearted sa susunod hindi kita aaluin at pagtatawanan pa kita!" nakangusong bigkas nito.

"At kapag nangyari ‘yan ay maglalaklak ako ng alak at iiyak ako ng isang timbang luha. Ililibre pa kita ng isang case na beer at uubusin nating dalawa," sarkastikong wika niya.

"I really believe that you have a rotten heart!" lukot ang ilong na saad nito.

Tumaas lang ang kilay niya at nagkibit balikat. "Tara na, magsisimula na ang klase natin." Pareho silang kumukuha ng korsong tourism at pareho din ang lahat ng schedule nilang magkaibigan.

Hinila na niya ang hem ng blouse nito at hindi pinansin ang pagsimangot nito.

Hindi pa pinapanganak ang lalaking makakapag-paiyak sa kanya.

Kaugnay na kabanata

  • Under The Sheets   Chapter 2

    Kalalabas lang ni Nigel sa isang cubicle at inaayos ang sinturon niya nang bumukas ang pinto ng restroom at pumasok si Lexie. Sakto naman na lumabas din ang babaeng kalampungan niya na inaayos din ang palda. Hindi man lang nag-react si Lexie at sinulyapan ang babae na humarap sa salamin na pagkatapos ayusin ang sarili ay taas noong lumabas pa ng restroom. Hindi talaga maintindihan kung bakit may mga babaeng hindi pinapahalagahan ang kanilang imahe at dignidad.Dumeretso siya sa may sink at hinugasan ang kamay niya. Inignora niya ang binata at hindi man lang ito sinulyapan.Sumandal si Nigel sa hamba ng cubicle at nginitian si Lexie. "Ah! We met again," bati niya at kumaway pa sa dalaga nang bahagyang nilinga niya ito. He even gave her a lopsided grin that almost made her knees weak. "Wala ka bang planong lumabas?" lihim siyang napalunok bago balewalang tinanong ang lalaki. Pinunasan niya ang kamay at humarap sa binata.Ngumiti lang si Nigel at naglakad palapit sa sink at naghugas ng

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • Under The Sheets   Chapter 3

    Pinagmamasdan ni Lexie ang patak ng ulan na animo binibilang ito. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakalma ng ulan ang utak niya. Simula bata pa lamang siya ay gustong-gusto niya ang ulan. Palagi siyang naglalaro sa ulan kahit pa ilang beses siyang pinagalitan ng kanyang ina ay hindi niya ito pinapakinggan. Pakiramdam kase niya ay niyayakap siya nito at inaalo siya sa lahat ng sakit ng loob niya sa lahat ng pambu-bully ng mga kaklase niya noon sa pagiging wala niyang ama.Hanggang sa tumuntong siya sa high school ay hindi pa rin nawala ‘yun. May mga iba pa rin siyang kaklase na ‘pag nakatingin sa kanya ay halata na pinagtatawanan siya. Tanging ang kaibigan niyang si Janine lamang ang lumapit sa kanya na hindi siya hinuhusgahan. Hindi niya ito nakitaan ng ka-plastikan sa kanya. At kahit sinusungitan niya ito ay tatawa lang at yayakapin siya. O kung hindi naman ay mapapanguso lang at magtatampo na agad ding nawawala at muli ay magrereklamo kapag bored na naman ito.Bumuntong hininga siy

    Huling Na-update : 2025-02-03

Pinakabagong kabanata

  • Under The Sheets   Chapter 3

    Pinagmamasdan ni Lexie ang patak ng ulan na animo binibilang ito. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakalma ng ulan ang utak niya. Simula bata pa lamang siya ay gustong-gusto niya ang ulan. Palagi siyang naglalaro sa ulan kahit pa ilang beses siyang pinagalitan ng kanyang ina ay hindi niya ito pinapakinggan. Pakiramdam kase niya ay niyayakap siya nito at inaalo siya sa lahat ng sakit ng loob niya sa lahat ng pambu-bully ng mga kaklase niya noon sa pagiging wala niyang ama.Hanggang sa tumuntong siya sa high school ay hindi pa rin nawala ‘yun. May mga iba pa rin siyang kaklase na ‘pag nakatingin sa kanya ay halata na pinagtatawanan siya. Tanging ang kaibigan niyang si Janine lamang ang lumapit sa kanya na hindi siya hinuhusgahan. Hindi niya ito nakitaan ng ka-plastikan sa kanya. At kahit sinusungitan niya ito ay tatawa lang at yayakapin siya. O kung hindi naman ay mapapanguso lang at magtatampo na agad ding nawawala at muli ay magrereklamo kapag bored na naman ito.Bumuntong hininga siy

  • Under The Sheets   Chapter 2

    Kalalabas lang ni Nigel sa isang cubicle at inaayos ang sinturon niya nang bumukas ang pinto ng restroom at pumasok si Lexie. Sakto naman na lumabas din ang babaeng kalampungan niya na inaayos din ang palda. Hindi man lang nag-react si Lexie at sinulyapan ang babae na humarap sa salamin na pagkatapos ayusin ang sarili ay taas noong lumabas pa ng restroom. Hindi talaga maintindihan kung bakit may mga babaeng hindi pinapahalagahan ang kanilang imahe at dignidad.Dumeretso siya sa may sink at hinugasan ang kamay niya. Inignora niya ang binata at hindi man lang ito sinulyapan.Sumandal si Nigel sa hamba ng cubicle at nginitian si Lexie. "Ah! We met again," bati niya at kumaway pa sa dalaga nang bahagyang nilinga niya ito. He even gave her a lopsided grin that almost made her knees weak. "Wala ka bang planong lumabas?" lihim siyang napalunok bago balewalang tinanong ang lalaki. Pinunasan niya ang kamay at humarap sa binata.Ngumiti lang si Nigel at naglakad palapit sa sink at naghugas ng

  • Under The Sheets   Chapter 1

    Sa sikat na unibersidad nag-aaral si Lexie at nagpa-part time job sa Sweet JJ's cafe. Sa tuwing wala siyang klase ay nandito lang siya at kung minsan ay nasa library. Sa dalawang lugar lang naman siya naglalagi at wala siyang ibang mapuntahan. Isa pa ay mas prefer niya ang mapag-isa kung sakaling wala siyang ginagawa.Katulad ngayong araw ay nandito na naman siya para magtrabaho at abala sa pag-prepare ng order ng mga customers na estyudante rin ng Cheng University. Nakayuko siya sa harap ng glass cabinet kung saan nakalagay ang mga cakes nang marinig niya ang isang boses. Bahagya siyang nag-angat ng ulo at sinulyapan ang bagong dating."Good morning, tita, kahit nadadagdagan na ang edad mo ay mukha ka pa ring bata," nakangiting bigkas ni Nigel na hindi pa rin siya napansin na nasa tabi ng amo niyang si Olivia, ang may-ari ng Sweet JJ's cafe.Tumawa si ma'am Olivia at napailing. "Ikaw talagang bata ka. Ang tamis ‘yang dila mo, ilang babae na ba ang nabiktima at napaikot ng matamis mon

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status