Pinagmamasdan ni Lexie ang patak ng ulan na animo binibilang ito. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakalma ng ulan ang utak niya. Simula bata pa lamang siya ay gustong-gusto niya ang ulan. Palagi siyang naglalaro sa ulan kahit pa ilang beses siyang pinagalitan ng kanyang ina ay hindi niya ito pinapakinggan. Pakiramdam kase niya ay niyayakap siya nito at inaalo siya sa lahat ng sakit ng loob niya sa lahat ng pambu-bully ng mga kaklase niya noon sa pagiging wala niyang ama.
Hanggang sa tumuntong siya sa high school ay hindi pa rin nawala ‘yun. May mga iba pa rin siyang kaklase na ‘pag nakatingin sa kanya ay halata na pinagtatawanan siya. Tanging ang kaibigan niyang si Janine lamang ang lumapit sa kanya na hindi siya hinuhusgahan. Hindi niya ito nakitaan ng ka-plastikan sa kanya. At kahit sinusungitan niya ito ay tatawa lang at yayakapin siya. O kung hindi naman ay mapapanguso lang at magtatampo na agad ding nawawala at muli ay magrereklamo kapag bored na naman ito. Bumuntong hininga siya. Ang ulan ang naging kanlungan niya simula noon. Tinuring niyang ito ang naging totoong kaibigan niya maliban kay Janine. Sa ulan siya nagsasabi ng lahat ng sama ng loob niya. Kahit hindi siya sinasagot ay pinapakinggan pa rin siya. Hindi man siya binibigyan ng advice ay parang kinokonsola naman siya nito. At least ay naririnig niya ang ingay ng pagpatak ng ulan tanda na parang nakikinig ito sa mga hinaing niya. Kahit close na close sila ng kanyang ina ay hindi pa rin niya magawang sabihin dito ang lahat ng nangyayari sa kanya. Hindi niya kayang sabihin dito na pati ito ay pinagtatawanan dahil sa pagiging single parent nito. Proud at malaki ang respeto niya sa ina kaya ayaw na ayaw niya ang pinagsasalitaan nila ito ng masama. Wala silang alam sa mga pinagdaanan nito bilang single mother para lang mabigyan siya ng magandang buhay at makapag-aral sa pribado at prestigious university katulad ng Cheng University. Marami na itong paghihirap na pinagdaanan kaya hindi niya magawang sabihin dito lahat ng hinaing niya. Ayaw niya na mabigyan pa ito problema. Hangga't kaya niyang solusyonan ang sariling problema ay hindi siya magrereklamo rito. Napakislot siya nang makarinig ng tikhim, mabilis na nilinga niya ang pinanggalingan ng ingay. Napakurap siya at tinignan lang niya si Nigel na nakangiti sa kanya. Pilyo ang nakaukit na ngiti sa labi nito habang nakamasid sa kanya. Pakiramdam niya ay kanina pa ito nakatingin sa kanya. Umupo si Nigel sa tabi niya at tumingin sa ulan bago sa kanya. "May interesanteng bagay ka bang nakikita sa ulan at hindi mo man lang napansin ang paglapit ko?" "Wala naman." Hindi maiwasan ni Lexie ang mamangha dahil kinakausap siya ng binata kahit ‘di siya nagpapakita ng interest dito. Balita kasi niya na hindi nito bibigyan ng atensyon ang isang babae kung hindi attracted ang huli rito. "Oh!" Naging matiim ang tingin nito sa kanya kaya lihim siyang napalunok. Lalo nang kitang-kita niya ang paggalaw ng adams apple nito. "Are you hitting on me?" Prangkang tanong ni Lexie pagkatapos na kalmahin ang nagkakagulong bituka niya. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit kinakausap siya nito. Popular ang lalaki dahil sa pagiging playboy nito kaya hindi niya maiwasang tanungin ito ng ganun. Balita niya na oras na nilapitan at kinausap siya'y gusto siya nitong ikama. "Hitting on you? You're straightforward, huh!" gulat pero natawang wika nito. Umarko ang kilay niya. Hindi na siya nagulat sa reaksyon nito dahil sa tuwing prangka niyang kakausapin ang gustong manligaw sa kanya ay nagugulat din sila. "Nakaukit na kase sa mukha mo." "Bakit, gusto mo bang maging fling ko? Mind you, I only do it once," birong-totoong wika nito. Kumindat pa ito at nag-sign ng one gamit ang hintuturo nito. Matiim na tinignan niya ito. He's really gorgeous. Naiintindihan na niya kung bakit ang daming nahuhulog sa charm nito. Dahil kahit ngiti lang nito ay maaakit ka talaga. Agarang tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. "Not possible! Ayaw kong kuyugin ako ng mga babae mo. Mahal ko pa ang buhay ko." He chuckled. “Hindi nila gagawin iyan dahil aware sila sa rules ko.” "Douch*bag!" She stated na mukhang magiging permanenteng sinasabi niya sa lalaki. "Hindi ko itatanggi yan," proud na saad ni Nigel at ngumisi. Mahina siyang tumawa. "That's so you, Mister Herrera!" "So? Uuwi ka na ba?" Nigel diverted the topic. Nagbawi na rin siya ng tingin na pinagpasalamat ni Lexie dahil kanina pa siya naaasiwa sa malalim na tingin nito. "Hatid kita kung gusto mo—" alok ni Nigel. Sa totoo lang, pilit pa rin niyang inaala kung ano ang pangalan nito. At ayaw niyang mahalata nito na nakalimutan niya ang pangalan ng dalaga. "Okay lang ba?" Kakapalan na ni Lexie ang mukha at ito naman ang nag-alok. Ayaw pa naman ng dalaga ang makipagsiksikan sa jeep kapag ganitong umuulan. "Yup! Come on," yakag ni Nigel at tumayo. Inilahad niya ang kamay sa dalaga ngunit tumaas lang ang kilay nito at hindi tinanggap ang kanyang kamay. Tumayo ang dalaga at magkaagapay na naglakad sila papunta kung saan naka-park ang kotse nito. Binuksan ni Nigel ang dala niyang payong at naglakad sila palapit sa kotse niya. Huminto sila sa harap ng sports car na kulay itim. "So wealthy," hindi maiwasang magkomento ni Lexie. "Ang magulang ko ang mayaman," kibit balikat na wika nito at pinagbuksan siya ng pinto. Sumakay rin ito at pinaandar na ang kotse. Sinabi ni Lexie ang lugar nila at nagmaneho si Nigel palabas ng parking lot. Pareho silang walang imik sa durasyon ng biyahe nila dahil ni isa sa kanila ay hindi alam kung ano ang bubuksan na topic. Huminto ang kotse malapit sa bahay nila dahil hindi na pweding pumasok ang kotse. "Salamat sa paghatid," saad niya at bumaba ng sasakyan. "Yeah! No beggie!" Nginitian ni Nigel ang dalaga. "Ano ulit ang pangalan mo?” Napanganga siya sa tanong nito. “Hindi mo maalala ang pangalan ko?” Nigel scratched his nose and grinned sheepishly. D*mn him for being so attractive and seductive. Balita niya ay may pagka malihim ang binata at hindi sinasabi kung sino ang magulang nito kaya walang nakakaalam maliban sa kaibigan nito. Ang alam lang ng lahat ay may kaya ang pamilya nito, walang kahit na sino ang makakakalkal sa pagkatao nito dahil lihim na lihim ang private life nito. Sa dami ng Herrera sa pilipinas ay hindi nila mahuhulaan kung anong pamilya ito kabilang. “Sa dinami-rami ng babae mo hindi mo na matandaan ang pangalan nila." She sighed. "Lexie, tandaan mo 'yan at hindi ko sasabihin sa susunod," Hindi na niya sinabi ang apelyido niya dahil hindi importanti yun dito. Baka pa nga hindi na muli sila mag-uusap. He smirks. "Copy that." Tumila na ang ulan kaya hinayaan niyang nakatayo lamang siya roon habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan ni Nigel. Hindi na siya nagtaka na hindi nito matandaan ang pangalan niya. Pero bakit sinabi niya na lahat ng babae nito? Kabilang na ba siya doon? Kalokohan! Kailan pa siya naging babae ni Nigel kung ngayon lang sila nagkausap? Bakit ba niya ginugulo ang utak kung babae ba siya ni Nigel o hindi? Ni hindi siya attracted sa binata tapos ito ang iniisip niya. Pero aminin niya na nung ngumiti ito sa kanya ay hindi niya napigilan ang mapatitig sa mukha nito. Pero tulad na ng sinabi niya ay ayaw niya ng conflicts. It's only admiration at hindi attraction or love ang nararamdaman niya. Napailing siya at naglakad na papunta sa bahay nila. Nang pumasok siya sa loob ay nakauwi na ang kanyang ina na si Diane at nagluluto sa kusina. Ibinaba agad niya ang bag at mabilis na pumunta sa kusina para tulungan itong magluto. Nang bumungad siya doon ay nakangiting nilingon siya nito. "Good evening dear." Matamis siyang ngumiti at lumapit dito sabay halik sa pisngi nito. "Anong niluluto mo?" Sinilip niya ang niluluto nito. "It's your favorite, kaldereta," tugon nito. Suminghot siya at ngumiti. "Amoy pa lang ay masarap na!" Natawa ang kanyang ina. "Magpalit ka na at Ihahanda ko ang dinner natin." "Mamaya na, D, kakain muna tayo," tanggi niya at sinamahan itong ihanda ang mesa. Afterwards, magkaharap na silang kumakain. Payak man ang pamumuhay nilang mag-ina ay hindi sila naghahangad ng marangyang buhay na hindi kayang ibigay ng kanyang ina. "Hindi ka ba nawawalan ng scholarship next semester?" tanong ni Diane sa anak. Huminto si Lexie sa pagnguya at sumagot, "no way! Sinisigurado ko na mataas ang grado ko." "Tungkol sa part time job mo dear, hindi ba ito nakaka-apekto sa pag-aaral mo?" nag-aalalang usisa nito. Umiling siya at itinuloy na ang pagkain. Natutuwa naman na tumango si Diane at kinuha ang baso na may lamang tubig. Uminom siya bago inilapag uli sa mesa at matiim itong tinignan. "Alam ko na hindi ako naging buong ina sa'yo kaya lumaki kang hindi nakadepende sa lahat ng bagay sa akin—" "D, please! Naintindihan ko lahat ng sacrifices mo. Naging ina ka sa’kin, sa ibang paraan nga lang. Kung hindi ka nagtrabaho at kumuha ng yaya para magbantay sa akin noon ay hindi mo matutustusan lahat ng pangangailangan ko—natin. Perfect mother ka pa rin sa paningin ko," she said affectionately Gumuhit ang saya sa mukha nito. "I love you too dear. Naku, stop this drama at kumain na tayo.” Humagikgik siya at sumubo ulit. Pagkatapos nilang kumain ay siya na ang naghugas ng pinagkainan nila para makapagpahinga na si Diane. Nang matapos siya sa kusina ay pumasok na rin siya sa kuwarto at nagpalit bago hinarap ang assignment niya sa school. Last year na nila ng kolehyo at next semester pa ang OJT nila. Nang magawa na niya ang assignment ay nahiga na siya at natulog. Kailangan niyang mag-recharge ng utak at powers para sa quis at part time job niya bukas.Mula sa nilalarong offline games sa kanyang cellphone ay nag-angat ng mukha si Nigel nang tapikin siya sa balikat ng kaibigan niyang si Philip. Kasalukuyang wala ang professor nila sa ngayon dahil may importante itong pinuntahan kaya Malaya nilang ginagawa ang gusto nila. Nakisilip ang kaibigan sa kanyang cellphone at nangunot ang noo nito.“Ano ba ang tinitignan mo riyan at napakaseryoso mo?” taking tanong nito.Ipinakita niya ang screen ng cellphone niya at ngumisi nang malukot ang mukha nito. Alam niyang wala itong interest sa mga games kaya gusto niyang asarin ito. At hind inga siya nagkamali dahil agarang umayos ito ng tayo bago naupo sa bakanteng silya sa tabi niya.“What?” natatawang pang-aasar pa niya. “Bawal na bang laruin ko ang ganitong games?”Nag-dirty finger ito sa kanya at sinabing, “wala kayong makukuhang pera sa larong iyan, dude.”Ang kasalukuyang naglalaro rin sa kanyang cellphone na si Lucky ay biglang pinatay iyon at inilapit ang silya sa kanya. Naningkit ang mat
Nanatiling walang reaksyon si Lexie nang puro reklamo ang narinig niya sa bibig ng kaibigang si Janine. Wala raw itong naisagot sa katatapos lang na quiz nila at hula niya ay hindi ito nagbasa ng notes nito. Ang hindi talaga niya maintindihan sa kaibigan niyang ito ay kung bakit alam na nga nito na may quiz sila pero ito at lumabas pa kagabi para gumimik. Kaya tuloy minsan ay hindi niya mapigilan ang kurutin ito ‘pag napuno na siya sa kakareklamo nito.Minsan pa naman ay hindi niya masabayan ang mga antics nito.Isa pa ay mas priority niya ang pag-aaral niya at hindi katulad kay Janine na may negosyo ang pamilya nito at alam nitong kahit na hindi ito magseryoso sa pag-aaral ay may susuporta pa rin sa mga luho nito.Magkaiba naman kasi sila ng antas ng buhay. Magkaiba rin ang ugali at pananaw nila sa buhay. Pero kung ganitong marami itong reklamo ‘pag exam at quiz ay hanggang sermon lang siya. Hindi niya ito magawang bigyan ng advice dahil alam niyang hindi ito makikinig. Matigas ang u
Nakatunganga si Lexie sa kawalan sa halip na basahin ang librong nasa harap niya. Tumatakbo kase ang utak niya sa ibang planeta. Hindi niya maiwasang isipin si Nigel na noong isang araw ay nakikipag kwentuhan sa kanya tapos kahapon ay tanging tango lang ang ginawang pagbati nito. Ngayon ay nahuhulaan na niyang ‘pag isa siya sa mga naging babae nito ay hindi siya pag-aaksayahang lingunin kung naikama na siya nito. Mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabing ‘he only sleep with them once’.Ngunit mas nagtataka siya kung bakit hindi uli siya kinausap nito kahapon gayong hindi naman siya isa sa flings nito. Or maybe, sadya lang talaga na nagkataong nakita siya nito kaya nilapitan siya. Wala naman siyang nabalitaan na ‘pag kaibigan ay hindi nito iniignora.That early night when they talked. Aminin niya na muli niyang pinag-aralan ang lahat dito. He's really an epitome of beauty. Kaya maraming babae ang humahabol dito at umaasang makuha ang atensiyon nito. Hindi niya nakita sa mata nito ang sin
Pagtapak pa lamang ni Lexie sa ground ng Cheng University ay ramdam na niya ang maraming matang nakasunod sa bawat hakbang niya. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay pinag-aaralan siya ng lahat ng dinadaanan niya. Meron din namang harap-harapang tinignan siya mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay tataasan siya ng kilay or laugh in mocking way. Seriously, hindi siya maglalahong parang bula sa mga tingin nila. At hindi rin siya mauupos na parang kandila sa lalim at talim ng tingin nila sa kanya.Ang nang-uuyam at mapanghusgang tingin nila ay hindi nakakaapekto sa pagkatao niya. Hindi rin masisira ang mood niya dahil sanay na siya sa ganyang tingin simula noong elementarya hanggang sa mag-high school siya. Manhid na siya sa lahat ng trato ng mga taong nakapaligid sa kanya. She is unbothered with all their scrutinizing and mocking gazes.Inignora niya lahat ng kanilang tingin at lumiko nang makasalubong na naman niya ang babae sa restroom. Pailalim na tinignan siya nito kaya ina
Nandoon uli ang magkakaibigan na sina Nigel sa tambayan nila at himalang wala silang babaeng kasama ngayon. Sa tuwing nandito kasi sila ay kung hindi siya ang may kalampungan dito ay sina Philip at Lucky ang may kasama. Pero sa sandaling ito ay ang pinagkakaabalahan nilang tatlo ay ang sari-sarili nilang cellphone. Naglalaro uli siya ng paborito niyang offline games at lalong na-e-excite ang kaluluwa niya dahil hindi siya natatalo. He played with high spirit. Hindi niya pinapansin ang reklamo ni Lucky na ilang beses na inuulit ang ilang levels ng nilalaro dahil palaging natatalo. Sa oras na ‘to ay walang pwedeng umistorbo sa kanya dahil hindi talaga niya mapipigilan ang sariling bigwasan kung sino man ang gagawa ‘nun.Si Philip na kanina pa binibisita ang website ng University ay muntik nang mahulog ang cellphone sa biglaang pagbalikwas nito. Namimilog ang mata nito na nagpalipat-lipat ang tingin sa cellphone at kay Nigel na hindi aware sa gulong nangyayari sa school website. Walang k
Huminga ng malalim si Lexie at bahagyang kumibot ang kanyang labi. She's really bored to death. Wala siyang alam na pweding pagkaabalahan kaya para siyang mababaliw. Ang kaibigan naman niyang si Janine ay nasa kama niya at kanina pa humihilik. Dumating ito kanina para mag-bonding daw sila pero ito at hindi naman. Pinipigilan lamang niya ang sariling sipain ito.Mas maganda sana kung nandito rin si D para mag-movie marathon silang mag-ina. Kaso kinailangan nitong pumunta sa bahay ng boss nito para sa trabaho. Hindi niya maintindihan kung bakit ngayong Sunday ay may trabaho pa ito. Tinanong niya ito kanina at ang naging sagot nito ay gusto nitong tumanaw ng utang na loob. Ang foundation daw kasi ng pamilya ng boss nito ang nagpaaral dito kaya hindi nito kinakalimutan ‘yun. At ngayon lang ‘to nabanggit ng kanyang ina. Sabagay hindi rin naman siya nagtatanong noon.Ang boss daw nito ang naging pamilya nito simula ‘nun. Her mother is an orphan kaya wala itong kinagisnang pamilya. Thankful
Ilang ulit na huminga ng malalim si Lexie habang nakatayo may kalayuan sa tambayan ng grupo ni Nigel. Hindi lingid sa kanya ito sapagkat sikat ang bandang ito ng Cheng University na hang out ng tatlo. Hindi lamang siya napapadaan at nagagawi rito dahil wala naman siyang gagawin sa lugar na ito. Isa pa ay hindi siya isa sa mga babaeng sinasadyang pumpunta rito upang magpapansin sa tatlo.Pero ito siya at katulad ng ibang mga styudante rito na babae ay nandito siya para sa isang dahilan din. Halos dalawang gabing pinag-isipan niya ang bagay na ito bago siya nagdisisyon na kausapin ang binata. At iyon ay tungkol sa nagging usapan nila ni Janine noong nakaraang linggo.Katunayan ay kinastigo niya ang sarili kung bakit ginulo ng sinabi ni Janine ang utak niya. Palaging umaalingawngaw sa utak niya ang naging suhestyon nito. Siguro ay nabo-bored lang talaga siya o nababaliw kung bakit sa kaibuturan ng puso niya ay sumasang-ayon siya.Naisip din niya mukhang tama si Janine. Gusto rin niyang m
Nakangiting napasunod ang mata ni Nigel sa papalayong pigura ng dalaga. Hindi niya sukat akalain na magkakatotoo ang sinabi ni Lucky sa kanya noong nakaraan. Confident siya na hindi siya lalapitan nito para alukin siya na maging fling niya ito ng isang araw. Pero ang hindi niya niya napaghandaan ay ang mas malalim pa pala ang nais nitong ialok sa kanya.Isang non-commitment na relasyon. Hindi ba naisip ng dalaga ang magiging konsekwensya nito sa huli? Wala ba itong awareness na baka sa huli ay may matatalo sa kanilang dalawa? Ayaw niyang sa huli ay may umiyak at masaktan dahil sa ganitong uri ng relasyon.Ang hula niya noon ay dahil walang interest ang dalaga sa kanya ay hindi nito magagawang lumapit sa kanya katulad ng mga naging flings niya. Subalit nagkamali siya. Hindi niya talaga alam o mahulaan ang tumatakbo sa utak nito. Tama nga si Lucky na nakakatakot ang katulad ng dalaga. Mukhang tahimik at hindi papatol sa uri ng relasyon na makakasakit dito pero mas malikot pala ang isipa
Pagmulat pa lamang ng mata ni Lexie ay namutawi agad ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi niya. Nag-inat siya at pagkatapos ay kinikilig na niyakap ng mahigpit ang kanyang unan. Hinayaan niya ang sariling mapunta na naman sa dreamland ang utak niya.Para na siyang baliw na gising na gising pero lumilipad naman sa kung saan ang diwa niya. Para siyang idinuduyan at nakatayo sa pinaka itaas na balkonahe ng kastilyong pinatayo ni Nigel sa kanya. A palace where he built their own kingdom. Kung saan silang dalawa lamang ang nakatira at walang iniisip na problema. Nigel is so good to be true. Nasa kanya na lahat nang hihilingin ng isang babae sa isang lalaking gusto nitong maging kasintahan. Kung eekisan niya ang pagiging playboy nito ay wala kang maipipintas dito. He is a man that is every woman's dream. A man you would never want to let go. A man you would not let others snatch it and rather you want to keep it. If she can just put him in her pocket she already did it.Katunayan ay
"Ihahatid ko lang po si Lexie, Ma," paalam ni Nigel sa magulang."You take care." Nilinga nito si Lexie. "Say hi to your mother for me, hija. And you are welcome to come here anytime.""Opo! Salamat po, Tita. Mauuna na po kami" kiming sabi ni Lexie at humalik sa pisngi ng ginang. Hinaplos ni Marshmallow ang pisngi ng dalaga na bahagyang ikinailang nito dahilan para napangiti si Nigel.Nang makalabas ang dalawa ng bahay at pumunta sa may garahe ay inabot ni Nigel ang baywang ni Lexie at hinila palapit sa katawan nito. Hinalikan pa nito sa sulok ng bibig ang dalaga na agad napangiti. May ibayong saya ang lumukob sa puso ni Nigel dahil nakikita nito ang galak sa mukha ng kanyang magulang. Hindi nagsisi ang binata na dinala niya si Lexie sa bahay nila."Hey, baka makita tayo ng magulang mo" mahinang reklamo ni Lexie at bahagyang itinulak ang binata pero hindi siya pinayagan makalayo rito. May ilaw naman kasi sa garahe kaya ‘pag naisipan nilang sumilip doon ay agad silang makikita at kung
Napapikit si Lexie at di malaman kung ano ang sasabihin pagkatapos marinig ang kuwento ng binata. Bakit nga ba hindi niya nahulaan na may tumutulong sa kanya simula nang mainvolve siya rito. Na para bang bigla siyang nagkaroon ng lucky charm at lahat na lang ay agad nagkakaroon ng solusyon ang nangyayari sa kanya.Hindi niya napansin sa una at inignora ang mga senyalis na may tumutulong sa kanya. Kung hindi pa ito binanggit ni Janine noong nakaraan ay hindi niya ito pagtutuunan ng pansin. Hindi lamang niya pinaghinalaan si Nigel na ito ang nasa likod nito. Itinanggi pa niya ito nang sabihin ng kaibigan pero sa huli ay hindi pala nagkamali si Janine. It was Nigel who helped her clean all the mess.At sa oras na ito ay hindi niya maipaliwanag kung ano ang kanyang mararamdaman sa mga natuklasan. Aminnado siyang masaya siya sa pagprotekta nito sa kanya. Hindi niya ikakailang kinilig siya. Nagpapasalamat din siya na ginawa nito para hindi na siya saktan ng mga babaeng dumaan sa buhay nito.
Napakatahimik ni Lexie habang nakaupo siya sa sofa sa may living room. Itinaboy na sila ni Marshmallow at magluluto raw ito kasama ang kusinera nila. Ngunit nahulaan niyang alam nito ang nararamdaman niya. Naging awkward na kasi ang sandali pagkatapos ng mga nalaman niya. Natahimik siya at pilit na ngumingiti sa harap nila. Kung hindi nakakahiya ay pinilit niya si Nigel na ihatid siya nito pauwi. Abot hanggang langit ang hiya niya kahit pa mainit ang pagtanggap nila sa kanya.Umupo sa tabi niya si Nigel at hinawakan ang palad niya. "You okay? Your hands are cold."Matalim na tinignan niya ito. "At sino ang may kasalanan?" paninisi niya rito.Apologetic na ngumiti ito at pinisil ang nanlalamig na palad niya. "Sorry! Biglang pumasok sa isip ko na dalhin ka rito.""Biglaan? Nang-aasar ka ba?" gigil na asik niya."Mabait naman ang parents ko," ani'to."Hindi ‘yan ang dahilan, Nigel. Your parents are awesome. Lalo na ang Mama mo. Hindi mo lang ako binigyan ng oras para maihanda ko ang sari
Kinahapunan ay um-attend sila sa klase nila. Hindi niya magawang mag-concentrate sa discussion at lumilipad ang utak niya sa nangyari kanina. Lihim pa siyang nangingiti dahil sa ginamit na tono ng binata. Malambing at masuyo kaya feeling niya ay kinikiliti ang puso niya at kinikilig siya. Feeling niya ay idinuduyan siya sa alapaap at nagsisiawitan ang mga anghel sa paligid niya. Lahat ng kalamnan niya ay buhay na buhay dahil sa kaligayahan. Active na active din ang bawat pagpintig ng puso niya sa kakaisip sa guwapong mukha ni Nigel.Plus, ‘yung mga inaasam niyang malaman tungkol sa buhay nito ay hindi na niya kailangan palang tanungin dahil ito na mismo ang magkukuwento doon. At gusto niyang ipangalandakan sa iba na ang hindi nito nagawang ibahagi sa kanila ay nasabi nito sa kanya.Nang madismis sila ay dumeretso siya sa parking lot at hinintay doon si Nigel. Hindi siya makapaghintay na makita ang binata. Ilang minuto lamang siyang nakaupo sa hood ng sports car nito nang dumating ito.
Kahit nakaupo na silang dalawa sa dalawang silya sa harap ng mesa ng Dean ay nagbabatuhan pa rin sila ng tingin. Nagpupuyos pa rin siya sa galit at kung wala talaga sila rito ay gusto uli niyang abutin ang babae at ingudngod sa pader na ngayon ay nangingitim na ang sulok ng bibig at namamaga ang pisngi.She's really furious right now."Alright, tell me what's going on ladies. Dalaga na kayo pero nagsasabunutan at nagsasampalan kayo sa harap ng tourism building. Hindi na kayo nahiya. Ikaw, miss Thompson, kumakailan lang ay napaaway ka tapos ngayon ito na naman at nasangkot ka sa gulo. Isa kang dean's lister, balak mo bang mawalan ng scholarship?" sita ng Dean.Nagyuko siya ng ulo at hindi makasagot dahil tama ito. Uminit lang talaga ang ulo niya dahil sa sinabi ng babaeng ‘to. Nasaktan pa siya dahil tama ito, hindi talaga sila bagay ni Nigel. Kahit pa mahal niya ito ay hindi niya kayang tapatan ang kung ano mang meron ito. At labis siyang na i-insecure doon."Ma'am, siya po ang nagsimu
Tahimik na sumabay si Lexie kay Janine na kanina pa nagkukuwento tungkol sa napanood nitong movie. Ilang ulit na yata nitong napanood ang movie na ‘yun pero hindi na yata ito magsasawang panoorin. Isa ang movie na iyon ang napanood niya noon na halos mainis siya. ang character na pinagbidahan ng isang sikat na singer na iniwan ng kanyang ama pero pinatawad din niya sa huli bago namatay. Minsan nga lang niyang pinanood dahil hindi niya kayang tularan ang bida na magpatawad, lalo na sa amang nang-iwan sa kanila.Pero kahit naririnig niya ang boses ng kaibigan ay wala roon ang isip niya. Lumilipad pa rin ito kay Nigel at ang matiim na tingin nito sa kanya noong nakatulala siya rito. Hindi niya alam kung pagkatapos ‘nun ay nagawa agad niyang itago ang saloobin at hindi nito iyon napansin.'Pero sana ay hindi niya nakita na may gusto ako sa kanya,’ ang piping bulong ng isip niya."Kanino? Kay Nigel?" usisa ni Janine.Napakurap siya ng tatlong beses at nanlalaki ang matang nilinga ito. "May
Pagkatapos ng agahan nila ay inihatid ni Nigel si Lexie sa bahay nito para magpalit ng damit at kunin na rin ang mga gamit nito. Napansin niya ang biglaang pananahimik ng dalaga at parang ayaw siyang kausapin kaya tikom din ang bibig niya. Siya man din ay may iniisip lalo na sa nakita niyang emosyon sa mata nito.Noong nakatulala ito sa kanya kanina ay may emosyon sa mata nito na agad niyang nabigyan ng pangalan. Kung hindi ba siya dinaya lang ng mata niya kanina o totoo lahat ng iyon ay hindi rin niya sigurado.Aminin niyang nag-eenjoy siya na kasama ito at masaya siyang kausap ito. Hindi katulad sa ibang mga babae na naugnay sa kanya na agad siyang nawawalan ng gana sa kanila. Lalo kung nagsisimula silang maging clingy at demanding. Kaya nga ginawa niya ang rule number one niya.Ngunit kay Lexie ay iba. Kahit pa tinotopak ito at nagtataray ay hindi pa rin nawawala ang taglay nitong ka-sweet-an sa katawan. Alam niyang sa dinami-dami ng naging flings niya, dito niya agad naramdaman na
Ilang oras na nakatingin si Lexie sa cellphone niya at hindi malaman kung ano ang gagawin. Hindi niya inakalang ang dalagitang si Zia ang sasagot sa tawag niya kay Nigel. At hindi niya inaasahan ang pagmamaldita nito sa kanya. Noong nagkita sila sa cafe ay okay naman lahat pero bigla na lang ay nagsungit ito sa kanya. Sinubukan niyang tawagan muli ang numero ni Nigel pero unattended na ito. Mariing naitikom niya ang mga labi at umupo sa silya ng study table niya. Hindi na rin maipinta ang kanyang mukha at bakas na ang pagkaasar dito. Nasanay siya na palaging kasama at katabi ang binata sa pagtulog kaya ito at hindi siya mapakali at pilit na kinakalma ang nagwawalang damdamin niya. Gising na gising din ang diwa niya at mailap ang antok sa kanya. Parang gusto na niyang lumabas at pumunta sa condo ni Philip. Nagbabasakali siyang nakauwi na doon si Nigel. Sa sandaling ito ay ramdam niyang miss na miss niya ito gayong kasama lang naman niya ito kaninang hapon. Gusto niyang makita ito at m