Share

Chapter 2

Author: Ced Emil
last update Huling Na-update: 2025-02-03 11:40:10

Kalalabas lang ni Nigel sa isang cubicle at inaayos ang sinturon niya nang bumukas ang pinto ng restroom at pumasok si Lexie. Sakto naman na lumabas din ang babaeng kalampungan niya na inaayos din ang palda. Hindi man lang nag-react si Lexie at sinulyapan ang babae na humarap sa salamin na pagkatapos ayusin ang sarili ay taas noong lumabas pa ng restroom. Hindi talaga maintindihan kung bakit may mga babaeng hindi pinapahalagahan ang kanilang imahe at dignidad.

Dumeretso siya sa may sink at hinugasan ang kamay niya. Inignora niya ang binata at hindi man lang ito sinulyapan.

Sumandal si Nigel sa hamba ng cubicle at nginitian si Lexie. "Ah! We met again," bati niya at kumaway pa sa dalaga nang bahagyang nilinga niya ito. He even gave her a lopsided grin that almost made her knees weak.

"Wala ka bang planong lumabas?" lihim siyang napalunok bago balewalang tinanong ang lalaki. Pinunasan niya ang kamay at humarap sa binata.

Ngumiti lang si Nigel at naglakad palapit sa sink at naghugas ng kamay. "May alcohol ka ba?" sa halip ay tanong ni Nigel.

Umarko ang kilay niya at kinuha ang alcohol sa bag at binigay dito. She didn't hide how she detest that attitude of him. "You're a douchebag, you know! Pagkatapos mong makipag-s*x sa kanya ay ganyan ang gagawin mo. Ano na lang ang mararaman ng babaeng iyon kapag narinig ka niya?"

Mahinang tumawa si Nigel at hindi nagkomento. Isinauli nito ang alcohol pagkatapos maglagay sa kamay at umayos siya ng tayo. "Thanks!" Kumilos si Nigel para lumabas ng restroom na animo wala itong ginawang milagro sa lugar na ito. He's so carefree na parang walang iniindang problema sa mundo.

Lexie look at his back in a complicated look. Napailing siya sa kakapalan ng mukha ng binata. Kahit saan basta makaraos ay wala itong pakialam. At bilib din siya sa mga babaeng pumapatol dito na hindi man lang pinili ang lugar kung saan sila magkikita ng binata. Kung siya man ang mga babaeng iyon ay mas gugustuhin pa rin naman niya na sa pribadong lugar ang kanilang meeting place.

Nang bumalik si Nigel sa department nila ay late siya ng kinse minutos. Akmang uupo siya sa tabi ni Philip nang malagom ang tonong tinawag siya ng middle age na professor nila. Tumikhim lang siya at sinulyapan ito bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Nigel Herrera!!! Estatwa ba ako sa paningin mo na hindi ka man lang marunong bumati? Where is your manner?" sigaw nito. Halos lumubas na ang litid sa leeg nito sa pagpipigil ng galit.

Mariing naglapat lang ang labi niya at hindi sumagot sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ng kaibigan niya. Namula sa galit ang kanilang professor dahil sa naging kilos niya. "Hindi porke't ikaw ang nakakalamang dito ay gagawin mo na ang gusto mo!"

"Sorry, Prof, may inasikaso lang talaga ako," apologetic na paghingi niya ng paumanhin. Pero tinago niya ang pag-ngisi nang magtama ang mata nila ni Lucky na lihim ding nag-thumbs up sa kanya.

"Inasikaso? Did you check yourself in the mirror? Your neck is full of lipstick." Mababa ang tono ngunit may bahid naman iyon ng galit. Inilibot nito ang tingin sa buong klase at itinukod ang kamay sa mesa nito bago nagsimulang magsermon sa kanilang lahat, "tandaan niyo ‘to, ito na ang huling taon niyo sa kolehyo. Hindi kayo makakapag-graduate kung kalokohan ang inaatupag niyo. Isipin ninyo ang inyong mga magulang na nagkakandahirap para mapag-aral kayo. Hindi lahat ay pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Kailangan ninyong maging practical sa buhay. Hindi iyong iba ang inaatupag ninyo!"

Napahawak lang siya sa tungki ng ilong na hindi man lang nakaramdam ng hiya. Nasanay naman na ang mga kaklase niya na ‘pag pumapasok ay may lipstick sa pisngi o sa damit, o kaya ay sa leeg kaya hindi na sila nag-react nang pumasok siya. Kung minsan ay pumapasok pa siya na gusot ang suot na pulo at nakalas ang butones. Magulo din ang buhok niya na hindi niya pinagkaabalahang ayusin.

"Saang department ka ba nanggaling at na-late ka?" pabulong na tanong ni Philip.

Kumuyon ang kamao niya at inilagay sa bibig at pabulong din na sumagot, "tourism."

“Sino?”

Napahawak siya sa batok at inalala rin niya kung ano ang pangalan nung dalaga. "Ano nga ba?"

Philip couldn't help but comment "Gah!!! Matalino ka nga pero pagdating sa mga babae na nakayuko sa kandungan mo, hindi mo maalala ang pangalan nila!"

Mahina siyang tumawa at nilro sa daliri ang hawak na ballpen.

“Tsk!! Nagtaka ka pa? Kahit pa tanungin mo siya kung may naalala siyang pangalan ng nakausap o naging fling niya ay wala siyang maalala," hayag ni Lucky.

Sabay na mahinang tumawa ang dalawa.

“Baka mamaya pati ‘yung magiging asawa niya hindi niya maalala kung ano ang pangalan niya. Gusto kong makita kung ano ang reaction ng magiging asawa niya. Baka ma-heart attack siya sa sama ng loob," nagbibirong turan ni Philip habang mahinang tumatawa.

Isa ito sa hindi alam ng karamihan. Pagdating sa ibang mga bagay ay hindi niya agad nakakalimutan pero ‘pag pangalan ng mga nakakasalamuha niya maliban sa pamilya at talagang malapit sa kanya tulad ng dalawang ugok na kaibigan niya. Lalo na ‘pag isa o dalawang beses lang niya nakausap ay nakakalimutan agad niya ang pangalan nila. Kahit nga kaklase nila ay nakakalimutan niya. Hindi nga niya maintindihan kung bakit mahirap sa kanya na i-memorize ang kanilang pangalan.

Napailing lang siya sa kalokohan ng dalawa, nasanay na siya na panay biro ang lumalabas sa bibig nila.

Kinahapunan ay walang balak na agad umuwi si Nigel at ang dalawang kaibigan niya pagkatapos ng klase nila. Nandun lang sila sa isang bakanteng classroom at nasa harap niya ang laptop, malakas kase ang patak ng ulan kaya tinatamad silang lumabas. Lalo na ‘pag ganito ang klema ay hindi maiiwasan ang traffic. Himala rin ng hapon na ‘yun na wala sila sa mood na maghanap ng bibiktamahin nila.

Lalo na si Nigel na parang gusto niyang mag-celibate kahit isang gabi at isang araw lang. Hindi naman kasi halos araw-araw ay may babae sa kandungan niya. Minsan halos isa o dalawang linggo ang lumilipas ay hindi muna siya nambabae, napapagod din naman siya. Kahit naman naglalaro siya, hindi pa rin maiwasang mawalan siya ng gana sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Sometimes, he wants a new setting. Gusto na niyang maka-graduate at magtrabaho sa kompanya nila. Nauumay na siya sa routine ng buhay niya na bahay, eskwelahan, babae at minsan parties. Oo at nae-enjoy niya ang kalayaan niya ngayon pero parang may kulang at hinahanap ang puso niya na hindi pa rin niya matanto kung ano. Kaya benabalewala niya agad ito at nakikipagmake-out para makalimutan niya ang hindi komportabling pakiramdam niya.

"This—Ah! Sh*t!! I lost again!" naasar na mura ni Lucky at inilapag ang cellphone sa mesa.

Tumawa si Philip at sinulyapan ito. "Pang ilang beses ka na bang natalo sa sempling laro na yan? Geez!! Sa dinami-rami ng bagong online games ay ang pangbata pa na yan ang nilalaro mo."

"Hey!! Maganda rin naman ‘to ah. Ayaw kong maadik sa mga online games na ‘yan dahil ‘pag nagkataon hindi ko maseryoso ang studies ko at ‘di maka-graduate. May mga pangarap pa ako."

Ito ang totoong sila, mapaglaro at pilyo pero may sarili pa rin silang pangarap na gusto nilang marating. Kaya nag-iingat sila para ‘di makabuntis at matali ng maaga.

"Ikaw, Nigel, anong ginagawa mo?" tanong ni Lucky.

“Pinag-aaralan ko ang mga expenses ng kompanya last year until now," kaswal na sagot niya.

Napakamot sa batok ang dalawa.

“Hindi mo pa natapos ang assignment mo na ‘yan kay Tito?" salubong ang kilay na tanong ni Philip.

Umiling siya. "Tapos ko na last week pa pero nere-review ko lang. ‘Pag nagkamali ako, marami ang mawawala—" Pareho silang tatlo na kumukuha ng business administration. Sila din kase ang mamamahala sa kompanya ng family nila in the near future.

"Ituloy mo lang," udyok ni Lucky.

"No way! This is confidential.… Ugh! Kung hindi lang talaga ako gustong pag-aralin ni papa sa pamamahala ng kompanya. Hindi ko gagawin ‘to. That old fox, kinausap pa talaga si Miss D para maging mentor ko," reklamo niya.

Nagkibit balikat ang dalawa na walang pakialam sa dilemma niya at itinuloy na ang paglalaro sa cellphone nila. Siya naman, pagkatapos makitang walang mali sa ginawa niya ay sinara na niya ang laptop at sumandal sa upuan. Hinilot niya ang sentido at pumikit. "Umuwi na tayo! Gusto kong humiga sa kama ko," saad niya kapagkuwan. Nilagay niya sa bag ang laptop at tumayo.

"Malakas pa ang ulan" reklamo ni Philip na napipilitang isinukbit ang bag.

"Kung hihintayin natin na tumila ang ulan baka gabing-gabi na. Ito na nga at dumidilim na, eh," wika niya.

Lumabas silang tatlo ng room at binagtas ang daan papunta sa parking lot. Malapit na sila nang napansin niya ang dalaga na nakaupo sa bench sa may West wing at mukhang hinihintay din na tumila ang ulan.

"Gah!! May bagong nakita ka na naman na bibiktamahin," komento ni Philip nang sundan ng tingin nito ang mata niya.

Napakamot siya sa batok nang matitigang mabuti ang dalaga. Pamilyar sa kanya ito.

"Lapitan mo na," tinulak ni Lucky ang balikat niya.

"I think I saw her…" Napaisip siya. "Sa Sweet JJ's ko siya nakita pero—”

"You can't remember her name," pagtatapos ni Philip.

He grinned. Hindi niya ikinaila ang sinabi nito.

"Go on! Lapitan mo na.. Mauna na kami!"

"Wait!!" Malakas na itinulak siya ni Philip at muntik pa siyang masubsob sa poste.

Natatawang tinapik siya nito sa balikat bago naglakad papunta sa parking lot. Aminin niya na gusto niyang lapitan ang dalaga pero hindi niya alam kung paano ito kakausapin o tatawagin. Hindi talaga niya maalala ang pangalan nito.

Kaugnay na kabanata

  • Under The Sheets   Chapter 3

    Pinagmamasdan ni Lexie ang patak ng ulan na animo binibilang ito. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakalma ng ulan ang utak niya. Simula bata pa lamang siya ay gustong-gusto niya ang ulan. Palagi siyang naglalaro sa ulan kahit pa ilang beses siyang pinagalitan ng kanyang ina ay hindi niya ito pinapakinggan. Pakiramdam kase niya ay niyayakap siya nito at inaalo siya sa lahat ng sakit ng loob niya sa lahat ng pambu-bully ng mga kaklase niya noon sa pagiging wala niyang ama.Hanggang sa tumuntong siya sa high school ay hindi pa rin nawala ‘yun. May mga iba pa rin siyang kaklase na ‘pag nakatingin sa kanya ay halata na pinagtatawanan siya. Tanging ang kaibigan niyang si Janine lamang ang lumapit sa kanya na hindi siya hinuhusgahan. Hindi niya ito nakitaan ng ka-plastikan sa kanya. At kahit sinusungitan niya ito ay tatawa lang at yayakapin siya. O kung hindi naman ay mapapanguso lang at magtatampo na agad ding nawawala at muli ay magrereklamo kapag bored na naman ito.Bumuntong hininga siy

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • Under The Sheets   Chapter 1

    Sa sikat na unibersidad nag-aaral si Lexie at nagpa-part time job sa Sweet JJ's cafe. Sa tuwing wala siyang klase ay nandito lang siya at kung minsan ay nasa library. Sa dalawang lugar lang naman siya naglalagi at wala siyang ibang mapuntahan. Isa pa ay mas prefer niya ang mapag-isa kung sakaling wala siyang ginagawa.Katulad ngayong araw ay nandito na naman siya para magtrabaho at abala sa pag-prepare ng order ng mga customers na estyudante rin ng Cheng University. Nakayuko siya sa harap ng glass cabinet kung saan nakalagay ang mga cakes nang marinig niya ang isang boses. Bahagya siyang nag-angat ng ulo at sinulyapan ang bagong dating."Good morning, tita, kahit nadadagdagan na ang edad mo ay mukha ka pa ring bata," nakangiting bigkas ni Nigel na hindi pa rin siya napansin na nasa tabi ng amo niyang si Olivia, ang may-ari ng Sweet JJ's cafe.Tumawa si ma'am Olivia at napailing. "Ikaw talagang bata ka. Ang tamis ‘yang dila mo, ilang babae na ba ang nabiktima at napaikot ng matamis mon

    Huling Na-update : 2025-02-03

Pinakabagong kabanata

  • Under The Sheets   Chapter 3

    Pinagmamasdan ni Lexie ang patak ng ulan na animo binibilang ito. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakalma ng ulan ang utak niya. Simula bata pa lamang siya ay gustong-gusto niya ang ulan. Palagi siyang naglalaro sa ulan kahit pa ilang beses siyang pinagalitan ng kanyang ina ay hindi niya ito pinapakinggan. Pakiramdam kase niya ay niyayakap siya nito at inaalo siya sa lahat ng sakit ng loob niya sa lahat ng pambu-bully ng mga kaklase niya noon sa pagiging wala niyang ama.Hanggang sa tumuntong siya sa high school ay hindi pa rin nawala ‘yun. May mga iba pa rin siyang kaklase na ‘pag nakatingin sa kanya ay halata na pinagtatawanan siya. Tanging ang kaibigan niyang si Janine lamang ang lumapit sa kanya na hindi siya hinuhusgahan. Hindi niya ito nakitaan ng ka-plastikan sa kanya. At kahit sinusungitan niya ito ay tatawa lang at yayakapin siya. O kung hindi naman ay mapapanguso lang at magtatampo na agad ding nawawala at muli ay magrereklamo kapag bored na naman ito.Bumuntong hininga siy

  • Under The Sheets   Chapter 2

    Kalalabas lang ni Nigel sa isang cubicle at inaayos ang sinturon niya nang bumukas ang pinto ng restroom at pumasok si Lexie. Sakto naman na lumabas din ang babaeng kalampungan niya na inaayos din ang palda. Hindi man lang nag-react si Lexie at sinulyapan ang babae na humarap sa salamin na pagkatapos ayusin ang sarili ay taas noong lumabas pa ng restroom. Hindi talaga maintindihan kung bakit may mga babaeng hindi pinapahalagahan ang kanilang imahe at dignidad.Dumeretso siya sa may sink at hinugasan ang kamay niya. Inignora niya ang binata at hindi man lang ito sinulyapan.Sumandal si Nigel sa hamba ng cubicle at nginitian si Lexie. "Ah! We met again," bati niya at kumaway pa sa dalaga nang bahagyang nilinga niya ito. He even gave her a lopsided grin that almost made her knees weak. "Wala ka bang planong lumabas?" lihim siyang napalunok bago balewalang tinanong ang lalaki. Pinunasan niya ang kamay at humarap sa binata.Ngumiti lang si Nigel at naglakad palapit sa sink at naghugas ng

  • Under The Sheets   Chapter 1

    Sa sikat na unibersidad nag-aaral si Lexie at nagpa-part time job sa Sweet JJ's cafe. Sa tuwing wala siyang klase ay nandito lang siya at kung minsan ay nasa library. Sa dalawang lugar lang naman siya naglalagi at wala siyang ibang mapuntahan. Isa pa ay mas prefer niya ang mapag-isa kung sakaling wala siyang ginagawa.Katulad ngayong araw ay nandito na naman siya para magtrabaho at abala sa pag-prepare ng order ng mga customers na estyudante rin ng Cheng University. Nakayuko siya sa harap ng glass cabinet kung saan nakalagay ang mga cakes nang marinig niya ang isang boses. Bahagya siyang nag-angat ng ulo at sinulyapan ang bagong dating."Good morning, tita, kahit nadadagdagan na ang edad mo ay mukha ka pa ring bata," nakangiting bigkas ni Nigel na hindi pa rin siya napansin na nasa tabi ng amo niyang si Olivia, ang may-ari ng Sweet JJ's cafe.Tumawa si ma'am Olivia at napailing. "Ikaw talagang bata ka. Ang tamis ‘yang dila mo, ilang babae na ba ang nabiktima at napaikot ng matamis mon

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status