Share

Under The Same Moonlight
Under The Same Moonlight
Author: desantrix

Simula

Author: desantrix
last update Huling Na-update: 2022-02-04 12:01:37

SIMULA

“Invitation card?”

Sandali siyang natigilan habang inaayos ang magulo niyang buhok at damit. Hindi nakatakas sa kaniya ang mapang-uyam na tingin ng mga guwardiya.

Paano ba naman, kahit magdamit siya ng maayos, hindi maipagkakailang isa pa rin siyang dukha. Lalo nang mas malala na pawang basahan ngayon ang kaniyang itsura. Napakadungis. Kakagaling niya lang sa ospital at wala pa siyang tulog buhat ng ma-admit ang kaniyang Lolo Avelino. Gabi na ng nagkaoras siya sa pag-alis. Dumiretso talaga siya dito matapos marinig ang balita.

“Po?” tanong niya pagkaraan.

Tama pala talaga ang kaniyang kaibigan. Hindi siya makakapasok basta-basta.

“Invitation card, Miss. Kung wala po kayong invitation card, hindi po kayo makakapasok sa event. Atsaka, sigurado po ba kayo na bisita kayo…”

Hindi na maituloy ng guard ang tanong dahil sa pagtataka sa kaniyang anyo. Hindi talaga kapani-paniwala na bisita siya. Sa totoo lang ay pumunta lang siya rito para sa isang importanteng pakay.

“Uh… Wala po akong invitation card.”

“I’m sorry then, Miss. Hindi ka pwedeng pumasok kung hindi ka bisita.”

“Gusto ko lang po sanang makausap si Don Lorenzo Tanaleon—”

“Hindi pwede, Miss. Exclusive ang okasyong ito. Mahigpit na ibinilin sa amin na hindi pwedeng makapasok ang mga walang invitation card.”

“Kahit limang minuto lang. Kailangan ko talagang makausap ang Don. Sige na po,” desperada niyang pakiusap.

“Miss, huwag ka ng manggulo dito. Napakaraming mga importanteng bisita sa loob.”

“Sandali lang po. Mabilis lang talaga. Hindi naman po ako manggugulo.”

“Hindi nga pwede, Miss. Umalis ka na kung ayaw mong kaladkarin ka pa namin.”

Nagtagis ang kaniyang ngipin sa narinig. Bakit ba napakamanhid ng mga guwardiyang ito? Hindi ba nila naisip na ito na talaga ang huli niyang pagkakataon upang maisalba niya ang kanilang komunidad?

Ipinangako niya sa sarili na kahit ano’ng mangyari ngayong gabi, kailangan niyang makausap si Don Lorenzo Tanaleon.

“Sige na po. Kung hindi niyo ako pagbibigyan ngayon, mas lalo pang lalala ang mangyayari bukas!” bunyag niya.

It’s true. Talagang malala pa ang mangyayari bukas. Narinig niya na susugod dito ang mga kasama niyang taga-baryo. Nakita niya rin ang mga itong naghanda ng mga itak at kung ano’ng patalim na kanilang gagamitin upang sumugod sa Casa Tanaleon. Alam niyang hindi nagbibiro ang mga ito.

Lalong-lalo na ang kaniyang tiyuhin na si Ernesto. Hindi niya ito mapipigilan dahil maprinsipyo at matigas itong tao. Gayundin ang iba pa nitong mga kasamahan. Galit na galit sila dahil sa balitang pagpapalayas sa kanila sa lupain ng mga Tanaleon.

She can’t imagine what might happen tomorrow. She needs to stop the storm before it happens.

Ayaw niyang may masaktan. Ayaw niyang makulong ang mga kasamahan niya dahil alam na alam niyang wala namang magagawa ang mga ito kahit na maghamon pa ang mga ito ng away laban sa mga Tanaleon. Walang laban ang mga patalim nila sa pera at kapangyarihan ng mga ito. Baka sila pa ang makulong. Paano na?

“Pinagbabantaan mo ba kami? Hindi uubra ang mga sinasabi mo, Miss.”

“Hindi po ako nagbibiro! Pakiusap! Kahit isang beses lang. Please. Kahit sa telepono lang. Tawagan niyo po para makausap ko si Don Lorenzo Tanaleon!” lumuhod na nga siya sa pagmamakaawa.

Her hands were clasped firmly while begging for a chance to talk with the old Don of Tanaleons.

Alam niyang wala siyang karapatan para humingi ng pabor sa Don. Sino ba naman siya? Isa lang rin siyang butil ng buhangin kumpara sa mga diyamante. Nanatili sa pinakalaylayan ng lipunan.

Ngunit ayaw niyang sumuko. Alam niyang busilak ang puso ng Don. Mabuti ang pakikitungo nito sa kaniyang Lolo Avelino. Ang sabi’y magkaibigan ang mga ito kaya hindi siya naniniwala na kaya sila nitong palayasin sa lugar kung saan matagal na silang naninirahan.

Hindi pwede iyon.

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Miss? Tumayo ka na diyan at huwag mag-eskandalo dito. Kami ang malalagot kapag may dumating na bisita. Baka isipin pa nilang may ginawa kaming masama sa’yo. Sumusunod lang naman kami sa utos.”

Hindi siya natinag sa kaniyang posisyon. Buo na ang kaniyang desisyon. Hindi siya aalis doon hangga’t hindi niya nakakausap ang matandang Don.

“Pakiusap. Kahit isang beses lang. Pagkatapos ay aalis na ako,” ulit pa niya.

“Alis na nga! Bakit ba ang kulit mo?”

“Isang beses nga lang! Bakit ba ayaw niyong makinig? Ang tigas din ng mga ulo niyo!” balik niya ring sigaw.

Sandaling natigilan ang mga guwardiya na para bang napagalitan sila ng kanilang mga nanay. Natigilan rin siya roon.

“Teka nga lang, sino ka ba para pagsabihan kami?! Amo ka ba namin, ha?!” anang isang guwardiya.

Napangiwi siya roon at kinalma ang sarili.

“Pasensiya na po. Bakit kasi ayaw niyo po akong pagbigyan?” nanlulumo niyang tanong.

“Sandali. Parang pamilyar ka.”

Mabilis siyang yumuko at pasimpleng kinutusan ang sarili.

“Uh… Masiyado po kasing ordinaryo ang mukha kaya baka—”

“Hindi! Kilala talaga kita. Ikaw si Maya, ‘di ba?”

Kinabahan siya roon. Paanong nakilala siya ng guwardiyang ito?

“Ngayon lang po ako nakatapak dito. Imposibleng kilala niyo ako.”

“Ikaw yung magnanakaw sa merkado!”

“Wala po akong ninakaw. Tapos na ang isyung ‘yon.”

Pagod na pagod na siya kapapaliwanag na hindi nga siya isang magnanakaw. Ngunit dahil sa nadungisan na ang kaniyang pangalan at masiyadong makitid ang utak ng mga tao, hindi pa rin mawala-wala ang nangyaring iyon.

“Alisin niyo na ‘yan. Baka magnakaw pa ‘yan sa mansiyon.”

“Hindi nga ako magnanakaw! Kailangan ko lang makausap ang Don!”

Tila walang narinig ang mga guwardiya sa kaniyang sinabi. Masiyadong judgmental ang mga tao. They will make a big deal to a small fault.

Kasalanan lahat iyon ng kaniyang tiyahing si Pepa, asawa ng kaniyang Tito Ernesto. Noon pa man ay mainit na ang dugo ng tiyahin sa kaniya. Ngunit hindi niya inaasahan na pati pambibintang na nagnakaw siya ng isda sa ibinibenta nito sa merkado ay gagawin din nito. Hayun tuloy at pawang isa na siyang virus na nilalayuan ng mga tao.

Napansin niya ang pagkataranta ng mga bantay habang nakatingin sa malayo. Bumaling siya doon at nakita ang liwanag ng paparating na sasakyan. Siguro’y may dumating na importanteng bisita kaya ganoon na lang ang kanilang pagkaaligaga.

“Bilis. Iyan na yata ang Mayor!” sigaw ng isa.

Sinenyasan ng punong tagapagbantay na maghanda para sa pagbukas ng gate. Ang isa naman ay lumapit sa kaniya at hinatak siya patayo. The guard dragged him away from the gates.

“Umalis ka na dito. Huwag ka nang umasa na makapasok sa mansiyon.”

Nanatili ang mapanghusgang tingin sa mga mata ng guwardiya. Siya nama’y nag-iisip ng maaari niyang gawin upang makapasok sa gate. Naningkit ang mga mata niya habang pabalik-balik ang tingin sa gate na may papasok na van at sa guwardiyang nakahawak sa kaniyang kamay.

“Oo na. Bitawan mo na ako! Aalis na ako,” aniya at doon na siya binitawan.

“Huwag ka ng bumalik dito kung ayaw mong ipakulong ka na—”

Malakas niyang itinulak ang guwardiya dahilan para matumba ito. Hindi agad ito nakabangon dahil sa pagkabigla.

She seized the chance to run towards the gate. Hindi siya napansin ng mga guwardiya dahil abala ang mga ito sa pagkausap sa driver.

Mabilis ang takbo niya papunta sa nakabukas na gate kung saan dumadaan ang mga sasakyan. Dahil sa iba nakatuon ang atensiyon ng mga guwardiyang nakabantay, sa gilid siya ng van dumaan upang malusutan ang tingin ng mga guwardiya.

Nagsisigaw na ang guwardiyang kaniyang naitulak habang tinuturo siya na nakapasok na sa gate. Tuloy-tuloy agad ang kaniyang pagtakbo ng makita ang mga gulat nitong ekspresiyon. Wala na siyang ibang maisip kundi ang tumakbo ng tumakbo.

Halos takasan siya ng kaluluwa ng lumingon at nakita na maraming nakasunod sa kaniya bitbit pa ang mga doberman na aso. Mas lalo pa niyang binilisan ang paghakbang habang nilalampasan ang mga pine trees sa gilid.

“Tigil! Tumigil ka! Trespassing!” sigaw ng mga guwardiyang humahabol.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya makita ang mansiyon. Kanina pa siya tumatakbo ngunit mga halaman lang ang nakikita niya sa paligid. Gayunpaman, binaybay niya lang ang sementadong daan dahil may nakikita siyang ilaw sa dulo no’n.

Sa wakas ay naaninag niya ang malaking fountain sa harap ng malawak at engrandeng mansiyon. Nakasisilaw ang mga party lights. Napakaraming tao sa paligid. Ang mga mamahaling kotse ay nasa malayong gilid.

Nahinuha niyang sa labas ginaganap ang pagdiriwang dahil mayroong malaking entablado sa harap, at maraming mga lamesa ang kaniyang nakikita.

Hinabol niya muna ang hininga nang sa tingin niya’y natakasan niya ang mga guwardiya. Paniguradong ayaw ng mga guwardiyang iyon na mag-eskandalo at gumawa ng gulo sa pagdiriwang. Takot ang mga iyong hulihin siya sa harap ng mga bisita. Isa iyong malaking kahihiyan sa mga Tanaleon.

Kung huhulihin man siya ng mga guwardiya, gagawin ng mga iyon na walang nakakapansin. Gagamitin niya ang pagkakataong iyon para makihalo sa mga bisita.

Inilibot niya ang tingin. As usual, ibang-iba ang party ng mga mayayaman. Gabundok ang mga pagkain sa lamesa ngunit hindi halos ginalaw. Halos ang lahat ay may kani-kanilang mundo.

Gracefully and elegantly talking in small groups. Mamahalin ang mga gowns at suits. May hawak na kopita ng bino sa kanilang mga kamay. Tipid kahit ang pagngiti.

If you’re not part of their society, you’re nothing to them. Wala silang pakialam. Mas importante sa kanila ang magtawanan, maglamangan ng yaman, at kung ano-ano pang sila lamang ang nakakaintindi.

She envies everyone in the party. Nakakainggit na wala silang pinoproblema. Nakakainggit na nagpapakalunod sila sa ganitong klaseng pagdiriwang habang sila ay kahit anumang oras ay mawawalan na ng matitirhan.

Sandali siyang nagulat ng biglang magpalakpakan ang mga tao. Napadako ang kaniyang mga mata malapit sa entablado at doon nakita ang Don. The old man is standing in front of the microphone while holding a glass of wine.

Paano niya ito malalapitan? May mga bodyguards ang Don na nakabantay lang sa gilid. Kahit saan rin ay mayroong guwardiya.

“Again, thank you everyone for coming tonight. Ang gabing ito ay para sa aking apo at sa kaniyang fiancée. Let’s give them around of applause!”

Nagpalakpakan muli ang mga tao. Nanatili ang kaniyang tingin sa stage kung saan tumayo ang magkasintahan.

Wala sa sariling napaismid siya nang makita ang walang-emosiyong mukha ni Lorenzo Tanaleon III. Ito lang yata ang hindi masaya sa selebrasyong ito.

Nakaangkla sa braso ng lalaki ang maganda at inosente nitong fiancée, si Valerie Huesca, anak ng pinakasikat na hotel business gurus. Todo ngiti ito sa nakasisilaw na flash ng mga camera.

Napasulyap siyang muli kay Lorenzo Tanaleon III. Hindi niya makalimutan ang nasaksihan niya limang taon na ang nakakaraan. The first time she saw him worsen her impression on boys.

She caught him kissing a girl near the pavilion. Imbes na mahiya ang lalaki dahil nahuli niya ang mga ito ay mas lalo pa nitong ipinagpatuloy ang ginagawa habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

That was a horrible thing she witnessed. Para itong manyak na nakikipaglandian sa iba habang nakatingin sa kaniya. Hanggang ngayon, naghuhumindig ang balahibo niya tuwing naaalala ang mga dila nito. Nakakadiri! And for Pete’s sake, she was just a student that time!

Kaya nga, hindi talaga siya naniniwala sa mga lalaki.

“Let us toast for the successful engagement of these two people! Cheers!”

Itinaas ng mga bisita ang kani-kanilang mga baso bago uminom. Napailing siya sa kaartehan ng pagdiriwang. Is this normal for an engagement party? Ganito ba talaga iyon?

Nagkislapan ang mga flash ng camera. Hindi niya rin maintindihan kung bakit napakaraming mga reporters at camera man. Mukhang malaking balita talaga ang pangyayaring ito.

Kung sabagay, sa oras na maging isa ang dalawang pamilya, sila na ang magiging pinakamakapangyarihan at pinakamaimpluwensiyang pamilya sa buong bayan. At sa buong bansa.

She sighed once again. Sinundan ng kaniyang tingin ang matandang Don na pabalik na muli sa upuan nito. Kating-kati na talaga ang mga paa niya para lumapit sa matanda ngunit imposible iyon dahil naririyan pa ang mga bantay.

Naulinigan niya ang isang guwardiya na pasimpleng tumitingin sa paligid. Agad siyang yumuko para hindi makita.

“A pleasant evening, everyone. Thank you for coming to my son’s engagement and her beloved fiancée…” pagsisimula ni Mrs. Ruella Tanaleon.

Hindi na niya nakuha ang mga sunod nitong sinabi ng muntik na naman siyang makakita ng isa pang guwardiya. She’s sure that they were quietly hunting her down. Maswerte na siya at walang interes ang mga bisita sa kaniya kundi doon sa nagsasalita sa stage.

“And now, please allow me to present to you as well the merging of our companies. Tonight, Tanaleon Empire and Huesca Hotel Corporation will be one!”

Nagpanting ang tenga niya sa biglang anunsiyo ni Mrs. Ruella Tanaleon. Para atang nabingi siya sa sinabi nito at sa hiyawan ng mga tao.

Totoo ba ang kaniyang narinig? Merging of companies? Ngayong gabi?!

Lalo lang lumala ang kaniyang kutob ng makita ang paglapit ni Señor Lorenzo Tanaleon II at Mr. Victor Huesca sa harap.

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ang situwasiyon. Kaya ba maraming reporters? Kaya ba ang daming kilalang personalidad?

Ayaw niyang aminin ngunit kung totoo ang kaniyang hinala, hindi lang ito isang ordinaryong engagement party. Hindi siya bobo para hindi iyon maintindihan. Ngayong gabi rin gaganapin ang pirmahan ng kompanya!

Sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Hindi pwede ito. Hindi pwedeng mangyari ito. Ang akala niya’y pagkatapos pa ng kasal bago ang merger agreement! Ano itong nangyayari ngayon? Masisira ang plano niya.

Magiging imposible ang lahat! Mapupunta sa wala ang pinagdaanan niya para lang makaapak sa Casa Tanaleon.

Sa oras na magpirmahan ang dalawang pinakamayamang pamilya tungkol sa merging of companies, katapusan naman iyon ng kanilang buhay.

Nanginginig ang kaniyang buong katawan ng makita na naghahanda na sa pagpirma ang dalawang pamilya. Nakangiti ang mga ito sa lahat ng mga tao na para bang wala silang pakialam. Habang siya ay halos sumabog na sa kaba at takot sa mga mangyayari.

Gulat siyang napaigik ng biglang may humawak sa kaniyang kamay. Ngayon niya lang naalala ang mga guwardiya. Nahuli siya ng isa sa mga ito.

“Bitawan mo ‘ko!” pagsisigaw niya.

Nagpumiglas siya sa mahigpit na hawak ng guwardiya. Ngunit walang bumaling sa kanilang direksiyon dahil natabunan ng malakas na palakpakan ang kaniyang sigaw.

This isn’t happening! She promised her lolo that no matter what happens, they will stay.

“Ang lakas ng loob mong pumasok dito! Magnanakaw ka talaga, ano?”

Ilang beses siyang napailing habang nakatingin sa stage. Ang mga mamahaling fountain pen ng mga ito ay malapit ng lumapat sa papel.

She shivered in so much frustration and hopelessness. What will she do?

Sa huling pagkakataon ay pinagana niya ang utak. Nag-isip siya ng pinakamabisang paraan para matigil ang seremonya.

She looked around and her eyes fixed on the stage. Ano ang dahilan kung bakit may company merger? Napaisip siya ng malalim habang nakatingin kay Lorenzo Tanaleon III at Valerie Huesca.

An idea suddenly hit her mind. Ngunit sa kabilang banda, ayaw niya ang ganoong kahihiyan. Ang planong kaniyang naiisip ay talagang delikado.

Nanginig muli ang kaniyang katawan ng mapatingin sa dalawang magkabilang panig na anumang oras ay sisira sa kanilang buhay.

Napapikit siyang muli at humugot ng malalim na hininga. Ang guwardiya ay patuloy pa rin sa paghila sa kaniyang kamay kaya naman kailangan niyang lakasan ang loob.

It’s now or never, Maya. Kung hindi mo magagawa ngayon, katapusan na ng buhay mo, ng lolo mo, ng mga tito at tita mo, ng mga kabaryo mo. You should do something than doing nothing at all!

Nang magmulat ang kaniyang mga mata ay bumwelo siya ng lakas. Pinilit niyang muling makatakas sa hawak ng guwardiya. Nang matagumpay na makatakas ay tumakbo siya sa gitna ng tumpukan ng mga bisita.

Wala na siyang pakialam kung may naitulak siya o nakabungguan. Ang mas mahalaga sa kaniya ay makapunta sa harap.

“Tigil! Itigil niyo ang lahat ng ‘to!”

Halos kapusan siya ng hininga sa malakas niyang sigaw. Inihanda niya ang sarili para sa kaniyang mga luha.

Gulat ang ekspresiyon ng lahat ng mga tao habang nakatingin sa kaniya na nasa harap. Marami ang nagbulungan at natuon sa kaniya ang camera ng mga media.

“I’m sorry. This is a misunderstanding,” ani Mrs. Ruella Tanaleon na may hawak na microphone. “What’s wrong, Miss?”

Nakita niya ang paghanda ng mga guwardiya sa gilid. Kinakabahan siya ng sobra. Parang gusto ng kumawala ng kaniyang puso sa nerbiyos ngunit hindi siya aalis na walang ginagawa. She will say it.

She will blurt out these lies to protect her family.

Mabilis ang kaniyang paghinga ng mapadako ang kaniyang tingin kay Lorenzo Tanaleon III.

“Hindi mo pwedeng gawin sa’kin ‘to. Hindi ka pwedeng magpakasal sa iba!”

Mas lalong umugong ang bulungan ng mga bisita. Gulong-gulo ang kanilang mga mukha liban kay Lorenzo Tanaleon III na parang hindi naman natinag sa mga pinagsasabi niya.

“I’m sorry, hija. What are you talking about? Nagkakamali ka lang yata?”

Galit na galit na si Mrs. Ruella Tanaleon ngunit nagtitimpi ang kaniyang tono. Si Don Lorenzo Tanaleon naman ay tahimik lang sa gilid kasama ang matandang Donya. Ang mga Huesca ay gulat at galit din sa kaniyang biglang pag-abala sa pirmahan.

“Buntis ako! Dinadala ko ang anak natin, Lorenzo Tanaleon III!”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
baobei
Hala! grabe ka Maya!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 1

    7 HOURS AGOThey’ll never know.How would they know? Hindi naman nila naranasan ang nararanasan niya. Hindi sila ang nasa kinalalagyan niya ngayon. Hindi sila ang naghihirap.“G-general Hospital po, Doc?”Malaking problema iyon. Hindi ito ang tamang panahon para magkasakit ang kaniyang lolo. Marami na silang inaalala at dumadagdag pa ngayon. Bigla na lamang bumigay ang katawan ng kaniyang lolo. Naghihirap na nga sila, mas lalo pang maghihirap.“Yes, Ms. Aguilar. It’s better to transfer him to the General Hospital. Mas kumpleto sila sa equipments at manpower. Kung dito kasi ay mahihirapan talaga kami sa mga gagawing tests sa kaniya. Maselan ang kaniyang kondisyon. I really suggest to transfer him to the city.”“Hindi po

    Huling Na-update : 2022-02-04
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 2

    BUNTIS AKO! Tila naestatwa ang lahat sa kaniyang rebelasyon. Halos lumuwa na ang kanilang mga mata. Walang reaksiyon si Lorenzo Tanaleon III. Ang Don at ang Donya ay may gulat sa mukha ngunit mas lamang ang pag-alala. Ang mga Huesca ay hindi rin nakagalaw liban kay Valerie Huesca na tila kalmado sa nangyari. Si Mrs. Ruella Tanaleon ay biglang nahimatay na agad namang nasalo ng kaniyang asawa. Nang mahismasan ang media ay nagsimula muli sa pag-flash ang mga camera. Dinumog agad siya ng mga reporters. “Totoo po ba ang sinasabi niyo, Ma’am?” “Ano’ng pangalan niyo po, Ma’am? Talagang buntis kayo?” “Si Señorito Lorenzo Tanaleon III po ba ang ama?” “Pakiklaro po ng sinabi niyo, Ma’am.” &n

    Huling Na-update : 2022-03-06
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 3

    BUNTIS AKO?Naibuga ni Rosell ang iniinom na kape dahil sa nabasang text mula sa kaibigan. Umagang-umaga ay ninerbiyos siya sa mensahe nito.Mabilis niya itong tinawagan. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot ito.“Ano’ng buntis ka?! Bakit hindi ko alam?!” sigaw niya rito.“Hindi ko rin alam kung bakit ako buntis.”“Ano’ng hindi mo alam? Ano? Nabuntis ka sa isang gabi lang? Ano’ng gamot ang nadali mo? Ayusin mo nga ang sinasabi mo, Maya.”“Basta, puntahan mo ako ngayon sa ospital. Kailangan ko ang tulong mo. Sasabihin ko sa’yo ang lahat.”Sumakit ang ulo niya sa sinabi ng kaibigan. Ano’ng kabaliwan ang ginawa nito? Ano’ng bunti

    Huling Na-update : 2022-03-08
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 4

    MARRIAGE PROPOSAL“One year?!” sigaw ni Rosell.Ikinuwento ni Maya ang lahat simula noong nangyari sa engagement party, ang pagdala sa kaniya sa ospital, ang pagiging buntis “kuno” niya, at ang marriage proposal ni Lorenzo Tanaleon III.“Hinaan mo nga ang boses mo. Baka magising si Lolo.”Napalinga si Maya sa kaniyang lolo na mahimbing na natutulog sa hospital bed nito.“Ang kapal talaga ng mukha ng Lorenzo na ‘yan! Sinasabi ko sa’yo, Maya. Huwag na huwag kang pipirma sa marriage contract na ‘yan! Hindi ako papayag.”“Hindi naman ako pumayag, Rosell. Hindi ako pumirma at hindi ko pipirmahan.”“Eh, ano ‘yan? Bakit mo pa dinala ang marriag

    Huling Na-update : 2022-03-10
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 5

    PROBLEMA She dreamed that someone was caressing her body. Softly nibbling her skin and even kissed her lips. The kiss was too intoxicating. Hindi niya pa iyon nararanasan. Ngayon lang niya nalaman na ganoon pala ito kasarap. Nalalasahan niya ang dila ng kung sino mang sumakop sa kaniyang bibig. It was something new. Something she have never felt before. She dreamed that her body is on fire and someone is on top of her. Mabigat ngunit mainit. She liked the heat that was embracing every inch of her skin. Bakit kakaiba? Kakaiba ang hatid nito sa kaniyang kaibuturan. Tila sinisilaban siya at hindi siya mapakali. Mapusok ang mga halik na dumadapo sa kaniyang balat. She felt it too. That thick and hard thing that entered her. It was painful at first. Hindi niya kaya. Hindi niya alam kung bakit napakasakit niyon. Nahati ata ang katawan niya sa gitna. "Oh, shit! You're a virgin?!" the voice growled like a mad man. "Ang... sakit. Aw! Please, ang sakit," she begged. Her insides clutched

    Huling Na-update : 2022-03-14
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 6

    FORCED AGREEMENTINGAT na ingat sina Maya at Rosell habang naglalakad pauwi sa kanila. Pahirapan pa kanina ang kanilang biyahe. Tila mga kriminal sila na takot mahuli ng publiko.Kanina pa siya kinakabahan habang may nakakasalubong. Halos lahat ng mga tao ay hawak-hawak ang kanilang mga cellphone. Pinag-uusapan ang tungkol sa kaniya at kay Lorenzo Tanaleon III.Hindi nakatakas sa kaniya ang mga insulto at masasamang salita ng mga ito. Galit na galit ang mga tao dahil sinira niya raw ang perpektong relasyon nina Lorenzo at Valerie. Iniisip ng lahat na sadya siyang nagpabuntis kay Lorenzo Tanaleon III upang maitali niya ito.She’s very frustrated. Hindi pa nga nila alam ang katotohanan ay hinuhusgahan na siya. Kapag talaga mahirap ay wala ng

    Huling Na-update : 2022-03-17
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 7

    SIGNED She sighed as she gripped tightly with the pen in her hands. As soon as she declared to her grandfather that she’s getting married, many things then happened quickly. “Ano’ng problema, Ms. Aguilar? Sign it now.” Napi-pressure siya kay Lorenzo Tanaleon III. Kanina pa nito ibinigay sa kaniya ang kontrata at pen para mapirmahan niya na ito. Ngunit sa kabilang banda, nandoon pa rin ang galit niya. May isang bahagi ng kaniyang isipan na sinasabing huwag siyang magpauto. “Pwede bang pag-isipan ko muna ito nang maigi? Bigyan mo ‘ko ng panahon.” Napatingin siya sa lalaki na nakaupo sa harap niya. He crossed his arms with his serious stance. Kanina pa siya nilalamig, hindi lamang dahil sa aircon sa loob ng opisina nito kundi dahil sa nakakakabang tingin ng lalaki sa kaniya. “You have me waited for quite awhile, Ms. Aguilar. Alam mo bang ikaw dapat ang mas desperado sa bagay na ito? Ikaw ang nangan

    Huling Na-update : 2022-03-20
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 8

    OFFICIALLY MRS. TANALEON Napangalumbaba si Rosell habang nakatitig sa kaibigan. Naiinis siya hanggang ngayon dahil sa pumayag ito kay Lorenzo Tanaleon III. Ngunit wala siyang magagawa. She will just respect her decision and support her as best as she can. “Galit ka pa rin ba?” tanong sa kaniya ni Maya. Tumayo siya at lumapit sa kaibigan. Pareho silang napatingin kay Lolo Binong na masayang nakatitig sa ultrasound photos ng baby ‘kuno’ ni Maya. “Tinanong mo pa. Ano ba ang kailangan ng Lorenzo na ‘yon? Bakit ka niya susunduin?” Sinenyasan siya ng kaibigan na hinaan ang kaniyang boses dahil maririnig ng kaniyang lolo. “May… pupuntahan ka, apo?” tanong ni Lolo Binong kay Maya. Narinig ng matanda ang kaniyang

    Huling Na-update : 2022-03-22

Pinakabagong kabanata

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 33

    HOPES“Kamusta, Ate Maya? Maganda ba sa Tagaytay?” tanong ni Derlyn.After their short vacation and supposed “honeymoon”, which unexpectedly happened, they got home completely on different status. She was bombarded with questions after everyone noticed something different between her and Lorenzo. Ang nakakaginhawa lang doon para sa kaniya ay nawala na ang mga bisita. Nang makauwi sila ay tahimik nang muli ang buong mansiyon. “Maganda naman. Ang ganda ng mga beach doon.”“Patingin naman ng pictures, Ate Maya. Kahit sa pictures na lang at makita ko,” pamimilit ng batang kasambahay.Napaisip siya nang ilang sandali bago ito pinagbigyan. Kinuha niya ang phone at unang bumungad ang kaniyang wallpaper na litrato nila ni Lorenzo. Nakapikit siya habang nakahalik ang lalaki sa kaniyang pisngi. Narinig niya ang impit na kilig ni Derlyn sa kaniyang tabi. Samantalang siya nama’y nagulat na makita iyon. Paanong nag-iba ang kaniyang wallpaper? Did Lorenzo changed it without her knowing? Moreover,

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 32

    REAL Natigilan siya sa mga salita nito. Tila namingi siya ng ilang sandali bago niya pinilig ang ulo. Lasing lang ito. Hindi nito alam ang sinasabi. Ipinagpatuloy niya pagpupunas sa lalaki. Nahihirapan siya sa ginagawa dahil sa nakaupo ito. Pinigilan nitong muli ang kaniyang kamay at marahang hinalikan. She felt an electrifying sensation travelling from her hands to her whole body. “Maya, I love you,” ulit nito. Her heart beat crazily. Tila kakawala na sa kaniyang dib-dib. She was so nervous that she can’t find the right words to answer him. “L-lasing ka. Lorenzo, nasa ilalim ka ng droga, okay? Huwag kang magsalita nang hindi mo alam,” aniya at napaiwas ng tingin sa lalaki. “Hindi ako lasing. Totoong mahal kita. It was actually you even before. I was looking for you for so long. You’re that little girl from long ago.” Lorenzo cupped her face and looked at her with a longing look. Lasing na nga ito. Kung ano-ano na ang pinagsasabi. “Lorenzo, matulog ka na—" “Look at me, Maya. D

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 31

    LOVE Napakagat siya nang labi habang nakaangkla ang braso kay Lorenzo. Her lips are swollen from their long kiss earlier. Halos hindi siya tantanan ng lalaki. Kung hindi pa niya pinilit ito na kailangan na nilang umalis dahil may pupuntahan pa silang importanteng banquet ay baka buong gabi na silang naghalikan. Eyes turned to them when they entered the banquet hall in Luz De La Luna Resort and Hotel. It's not like a typical resort and hotel. It's rather grand and imperial. The guests were all wearing their formal gowns and tuxedos. It was unusual knowing that the sea is just few meters from the place. Kitang-kita ang ibang mga turista na naroroon pa rin sa dalampasigan kahit gabi na. There are cottages and coconut trees around. Almost the same to Boracay. "Mr. Tanaleon! Glad that you came!" a man in 50s with visible stubble approached them, a woman is beside him and she assumed it's his wife. "Of course, Mr. and Mrs. De La Luna. We won't decline your invitation." Propesyunal na n

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 30

    YOU Tomorrow can’t really be pre-determined. And he’s more unpredictable like the future. She’s torn between trusting him or following her own mind instincts. Valerie: Maya, I just want to ask if he has agreed to meet me? Tanong iyon ng babae matapos ang ilang araw nang mag-usap sila sa kompanya. Halos araw-araw siya nitong kinukulit ng tungkol doon. As usual, she replied the same thing. To Valerie: I’m sorry po, Ms. Val. Hindi pa ako nakakatiyempo. Pero huwag po kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para pumayag siya. Lorenzo didn’t give her a clear answer to her plead but he never said he wouldn’t too. Hindi niya pa ito natatanong muli matapos ang araw na iyon. Iniiwasan nitong umabot sa babae ang kanilang usapan. He will always try to make a way to shift their conversation. Hindi niya na ito kinukulit dahil na rin sa naging abala ang kanilang linggo. Don Lorenzo has successfully discharged from the hospital. Sinalubong nila ang pag-uwi nito, even Lorenzo’s relatives were st

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 29

    PLEASE Mabilis siyang napatayo nang lumapit ito. Why is she here? Maayos na ba ito? Hindi niya pa ito napapasalamatan sa pagligtas nito sa kaniya. “Maya…” Napatitig siya sa babae na tuloy-tuloy ang pagpasok sa opisina. Valerie’s high heels were excruciatingly painful in her ears. She’s wearing a long fur coat with a body hugging black dress inside. Her hair is bouncing with her every step. A million-worth bag is hanging in her arms. She has a light makeup that complimented her fair skin. Hinubad nito ang aviator na tumatabon sa mga mata. “I’m sorry, Maya. I didn’t know you’re working here,” anito at nahihiyang nakatayo sa kaniyang harap. “Walang kaso, Ms. Valerie. Maupo ka,” inilahad niya ang sofa. Napatingin roon ang babae bago bumaling sa kaniya at ngumiti. Naupo rin ito at sinampal na naman siya ng hindi mapantayang agwat mula sa babae. “I’m sorry for my sudden visit. Malapit lang kasi rito ang shooting namin kaya… dumiretso na ako.” Napatango siya, hindi niya alam kung ano

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 28

    HARD Sobrang sama ng kaniyang pakiramdam sa kanilang pag-uwi. She can’t help having the thoughts running through her mind. Masakit pa rin palang marinig sa iba. Pinilig niya ang ulo. Hindi siya iiyak. Those petty things are already certain. She shouldn’t get affected. Nagpaalam sila matapos ang mahabang gabi. Pagod na agad siya. Walang lakas para magalit sa lalaki. “What’s wrong? You’re sleepy?” tanong nito sa kaniya nang iwasan nito ang kamay ng lalaki. Napasandal siya sa bintana ng kotse at ipinikit ang mga mata. Paraan niya lang ito upang hindi sila magkausap. Her whole mood is ruined. Ayaw niyang sumbatan ito lalo na’t wala naman talaga itong tungkulin na alamin ang mga nararamdaman niya o kahit aluin siya. Hindi nito kailangang magpaliwanag. Buong biyahe ay pagtango lang at pag-iling ang sagot niya sa lalaki. Why is she feeling this anyway? Gusto niya ba ito? Hindi naman, ‘di ba? Ginagawa niya lang ito dahil sa batang nasa kaniyang tiyan. O talagang tama si Rosell? Nahuhulog

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 27

    HURT Her breath hitched as they entered the meeting room. She already expected this much pressure. Isa talagang malaking pagkakamali ang pumasok siya roon. Big personalities were sitting on the conference table. Nakapalibot ang table na ito sa malaking kwarto. May mga name plate sa harap, kinikilala ang mga pangalan at posisyon ng mga ito sa Tanaleon Empire. Hindi nawala ang mga in-laws niya sa papel na sina Señor Lorenzo II, ang Vice Chairman at ang asawa nitong si Ruella Tanaleon, isang shareholder. Only Victor Huesca is there to represent the Huesca Hotels. Maaaring inaalagaan pa ngayon ni Soledad Huesca ang anak nitong si Valerie sa ospital. Hindi niya kayang isa-isahin ang mga tao sa loob. Masiyang mabigat ang mga mapanuring tingin ng mga ito at natatakot siyang may ma-offend kung titignan pa niya ang mga ito. Darica Corpuz is present as the Vice Director of the company. Nakatayo ito sa gitna sa tapat ng microphone at nagsasalita ngunit natigilan lang nang pumasok sila. Some

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 26

    INNOCENT Naliliyo si Maya sa tagal ng kanilang halikan. Lorenzo keeps on nibbling her lips and sucking her tongue. Hindi siya makahinga sa ginagawa nito. Hanggang saan aabot ang kanilang halikan? Hindi naman nila siguro gagawin ang ‘bagay’ na ‘yon, ‘di ba? Naalala niya ang sabi ng doktora sa klinikang kaniyang pinag-checkup-an. Her baby is very healthy, no complications in her pregnancy. So, sex is allowed. It would help her improve her sexual arousal. Hindi niya raw kailangang pigilan ang sexual drive dahil maganda ang epekto niyon sa kaniya. Ano ba itong iniisip niya? Hindi pa rin pwede! Bakit ba siya gumagawa ng rason? Gusto niya talagang umabot sila sa ganoon? She got flustered the moment he grinded his hard-on on her crotch. Kahit ang sumasagabal na tela ng kanilang mga gitna ay kinilabutan siya sa kakaibang dulot nito. She can’t imagine what they did that night. How does it feel? Hindi niya matandaan. Sakit lang yata ang nakuha niya at ngayon itong bata sa kaniyang tiyan. Mu

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 25

    CUDDLE Tahimik siyang nagpaalam kay Rosell matapos ang umagang iyon. Halos ayaw rin siyang pakawalan ni Kael. Kung hindi pa ito pinagsabihan ni Rosell ay baka magtagal pa ang pagpapaliwanag niya rito na kailangan na niyang umuwi. “Sasama ka pa rin sa lalaking ‘yon, Maya? Halatang nag-away kayong dalawa. Pansin ko ang lamig ng. Paano kung may gawin siya sa’yo, Maya? Paano kung saktan ka niya? He’s ruthless and impatient.” “Ano ka ba, Kael? Natural lang na sumama si Maya kay Lorenzo. Mag-asawa silang dalawa at nasa iisang bahay nakatira. Huwag ka nang makialam sa buhay nila.” Agad niyang napansin ang lungkot na bumalatay sa mukha ni Kael. Binalingan siya nito at nakitang napalitan ng disappointment ang mga mata nito. “Pasensiya na, Kael. Pero sasabihin ko sa’yo ‘to ulit. Sana ay respetuhin mo ang desisyon ko. At tama si Rosell. Problema namin itong mag-asawa.” Hindi na nagsalita pang muli si Kael. She used that chance to say goodbye to them. Kanina pa kasi naghihintay si Lorenzo sa

DMCA.com Protection Status