7 HOURS AGO
They’ll never know.
How would they know? Hindi naman nila naranasan ang nararanasan niya. Hindi sila ang nasa kinalalagyan niya ngayon. Hindi sila ang naghihirap.
“G-general Hospital po, Doc?”
Malaking problema iyon. Hindi ito ang tamang panahon para magkasakit ang kaniyang lolo. Marami na silang inaalala at dumadagdag pa ngayon. Bigla na lamang bumigay ang katawan ng kaniyang lolo. Naghihirap na nga sila, mas lalo pang maghihirap.
“Yes, Ms. Aguilar. It’s better to transfer him to the General Hospital. Mas kumpleto sila sa equipments at manpower. Kung dito kasi ay mahihirapan talaga kami sa mga gagawing tests sa kaniya. Maselan ang kaniyang kondisyon. I really suggest to transfer him to the city.”
“Hindi po ba pwedeng resetahan niyo na lang po ng gamot ang lolo ko? Para naman po mabawasan ang pananakit ng ulo niya.”
“I’m afraid I can’t do that, Ms. Aguilar. Mabuti na'ng mas maingat tayo. Hindi pa man ako sigurado pero sa mga obserbasyon namin, may cancer ang lolo mo.”
Nanlumo siya sa narinig. Wala ng ibang paraan.
Ayos lang sana sa kaniya. Walang-wala iyon. Ayos lang kahit na magkano pa ang kanilang igagastos. Wala siyang pakialam doon kahit na gumapang pa siya para lang makahanap ng pera.
Ang ikinababahala niya lang ay ang kaniyang lolo. Matigas ang ulo nito at magpupumilit na umuwi na lang sila. Naiinis siya dahil napakanegatibo nito sa buhay.
Nang lumabas ang doktor ay agad siyang naupo sa gilid ng hospital bed. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng kaniyang lolo.
“Ayos nga lang ako, apo. Pwede naman tayong umuwi na lang,” muling sabi ng kaniyang lolo.
“Hindi nga pwede, Lolo. Kailangan niyong magpagamot. Nahihirapan nga kayo kahit ang pagsasalita lang.”
“Napakamahal ng gamot, apo. Mas lalong mahal sa siyudad. Matanda na rin naman ako. Wala ring magagawa ang gamot na ‘yan sa’kin.”
“Huwag nga kayong magsalita ng ganiyan, Lolo. Huwag niyo ng isipin ang mga bayarin. Kung nag-aalala kayo sa laki ng gastos, mas dapat na magpalakas kayo at mabilis na magpagaling para makauwi agad tayo.”
“Naaawa lang ako sa’yo, apo. Nakadepende na lang ako palagi sa’yo. Hindi ka ba… napapagod? Dapat ay nagliliwaliw ka sa edad mong ‘to. Dapat ay naghahanap ka ng boypren. Pero nandito ka ngayon at ako pa rin ang inaalala mo.”
Tumawa lang siya sa sinabi ng kaniyang lolo. Wala na nga siyang panahon para sa sarili niya, idadagdag pa ang lovelife. Hindi iyon makakapagsalba sa kanila.
“Ikaw lang po ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko, Lolo. Kaya dapat na maging maayos kayo para huwag na akong mag-alala.”
Gusto niyang maiyak ngunit ayaw niyang ipakitang mahina siya sa harap ng kaniyang lolo. Ayaw niyang maramdaman nito na nahihirapan siya sa kanilang situwasiyon.
“Maraming salamat, apo. Simula ng mawala sina Mariano at Ayana, ikaw lang nagtiyaga sa akin ng ganito,” tukoy ng matanda sa kaniyang mga magulang.
“Tay, huwag niyo ng banggitin ang pangalan ng mga taong lumayas na,” biglang sulpot ni Pepa, ang kaniyang tiyahin na pinaglihi yata sa sama ng loob.
“Pepa…” saway ng kaniyang lolo.
“Totoo naman, lolo. Kaya lumayas si Tito Mariano dahil nagtanan si Tita Ayana sa mas maperang matanda.”
Natahimik siya sa sinabi ng pinsan niyang si Loisa. Ayaw niya mang aminin ngunit tama ito. Her mother left their house to marry an old rich man in Manila. Her father left home hurt because of what happened. Ang balita niya’y nag-abroad ito at may bagong pamilya. Aside from that, she had no idea where her parents are.
“Tsaka, nandito rin kami na nag-aalaga sa’yo, Tay. Nagtatiyaga rin kami sa’yo. Parang pinapalabas niyo na pinapabayaan ka namin. Ako na nga ang nagbayad ng bill mo rito sa ospital dahil alam kong hindi rin kayang bayaran ng isa diyan,” pagpaparinig ng kaniyang tiyahin.
Iniwasan niya ang mga nanghahamong tingin ng kaniyang tiyahin at pinsan. Kahit kailan talaga ay pinupuna ng mga ito ang lahat ng mga kamalian niya.
Hanggang ngayon, hindi niya pa rin makalimutan ang ginawang pambibintang ng mga ito tungkol sa pagnanakaw niya.
“Ako na po ang bibili ng pagkain, Tita.”
“Sus! May pera ka ba diyan? Hindi ka nga makabili ng damit. Wala ka ngang ambag sa bahay.”
Gusto niyang umirap ngunit pinigilan niya ang sarili. Nanunumbat pa talaga ito na wala siyang ambag sa bahay? Eh, hindi naman siya nakatira sa bahay nito. Doon nga lang siya natutulog sa kamalig.
Pumupunta lang siya sa bahay ng mga ito para tignan ang lolo niya. Tsaka, siya na nga ang naglalaba at naglilinis ng mga damit at gamit nila kahit hindi naman niya iyon responsibilidad. Para na nga siyang yaya na walang sweldo tapos siya pa ang lumalabas na masama.
“May pera po ako dito, Tita. Kaya ko pong bilhan ng pagkain si Lolo.”
“Talaga lang, ah?” nakataas at nanunuyang tugon ng kaniyang tiyahin.
“Feeling ko, Ma, iyong perang ibibili niya ay baka ninakaw niya rin,” komento ni Loisa.
“Hindi ako magnanakaw.”
“Pakunwari ka pa. Saan mo kinuha yung pera mo kung gano’n? Sa hacienda? Ang liit-liit ng sweldo niyo dun.”
“Pepa, huwag niyo ng awayin si Maya,” pagpigil ng kaniyang lolo. “Hindi magnanakaw ang apo ko.”
“Hindi naman namin siya inaaway, Tay. Nagsasabi lang ako ng totoo. Ako na nga ang ninakawan niya, ayaw niyo pang maniwala.”
“Oo nga, Lo. Nakita ko nga. Ninakaw niya yung benta ni Mama.”
Kumuyom ang kamao niya sa kasinungalingan ng mga ito.
“Talagang nakakahiya iyang apo niyong ‘yan. Graduate nga sa college pero magnanakaw. Agriculture lang naman tinapos niyan. Walang-kwenta! Nagwaldas lang ng pera at panahon. Kung sana lumuwas ‘yan ng Maynila at namasukan, edi sana mas malaki sweldo niyan. Dagdag palamunin lang sa bahay, wala namang ginawa.”
Naramdaman niya ang paghawak ng kaniyang lolo sa kaniyang kamay. Hudyat na kailangan niyang kalmahin ang sarili. Nanggagalaiti siya sa galit ngunit hinayaan niya lang din sa huli ang insulto ng kaniyang tiyahin at pinsan. Wala nga siyang magagawa.
“Ano na, Tay? Malala ba iyong sakit niyo? Ano’ng sinabi ng doktor? Sinabi ko naman sa inyo na huwag kayong magpapagod palagi. Ang tigas kasi ng ulo niyo.”
“Kailangan daw ma-transfer ni Lolo sa siyudad para magpa-test.”
“Ano?! Sa siyudad? Ang mahal-mahal do’n! Wala ngang pamasahe! Paano pa yung magpa-admit do’n!” reklamo ng kaniyang tiyahin.
Nakahawak ito sa ulo na parang problemadong-problemado sa kanilang situwasiyon.
“Hindi na nga ako pupunta sa siyudad. Ayos lang ako rito—”
“Lolo! Hindi nga pwede! Kailangan niyong ma-transfer para malaman natin kung ano talaga ang sakit niyo!” pagtutol niya.
“Ayaw naman pala ni, Tatay. Bakit ka pa nagpupumilit na dalhin siya sa ibang ospital?”
“Tita, gusto ko lang magamot si Lolo.”
“Ayaw niya nga. Mas mabuti iyon. Desisyon niya eh. Hindi na tayo gagastos.”
“Pero—”
“Bakit, may pambayad ka kung dadalhin siya do’n?”
Alam niyang wala siyang pambayad ngunit hindi siya susuko sa ganoong kadahilanan. Maraming paraan kapag gugustuhin.
“Maghahanap ako ng pera. Huwag kang mag-alala, Lo.”
Tumawa lang ang kaniyang tiyahin at pinsan na para bang may sinabi siyang nakakatawa.
“Apo, hindi na kailangan.”
“Promise po, Lolo. Ipapagamot ko kayo,” bulong niya rito habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng matanda.
“O siya. Kumain ka muna ng prutas na dala namin, Tay. Pagbabalatan ka ni Loisa.”
Sinadya pa siyang bungguin ng kaniyang pinsan at inagawan ng upuan sa tabi ng kaniyang lolo. Hinayaan niya lang ang mga m*****a.
Sa huli ay nagpaalam na siya upang bumili ng pagkain at iba pang necessities ng kaniyang lolo. Kung hindi siya aalis ay baka hindi niya mapigilan ang pagpatol sa mga ito. Pasalamat lang ang mga ito dahil may natitira pa siyang respeto at pasensiya.
UMUWI siya para bumalik sa trabaho. Hindi pa nga siya nakakaupo sa kawayang bangko ay biglang sumulpot ang kaniyang kaibigan. Tagaktak ang pawis nito na hinuha niya’y nagtabas na naman ng mga damo sa taniman ng mangga.
“Maya! Dali! Malaking problema!”
Problema na naman. Nagkakapatong-patong na yata ang mga problema nila.
“O, bakit?”
“Galit na galit sina Ka Pedring at Tito Ernesto! Bilis! Samahan mo ‘ko!”
Nagpatianod siya paghila ng kaibigan. May mas malala pa ba sa situwasiyon ng kaniyang lolo? Ano ba ang nangyayari?
“Ano ba kasing problema?” kuryoso niyang tanong.
“Hindi mo ba narinig? Saan ka ba nanggaling?! Halos magwala na lahat ng mga tao dito!”
“Binantayan ko si Lolo sa ospital.”
“Ano?! Naospital si Lolo Binong?!”
“Oo. Bigla kasing nahimatay habang nagsisibak ng kahoy.”
“Diyos ko! Malaking problema talaga ‘to, Maya!”
“Bakit? Ano ba kasing nangyayari? Sabihin mo na kasi.”
Bago pa makapagsalita ang kaniyang kaibigan ay nakarating sila sa lugar kung saan sila laging nagpupulong. Pawa siyang nabingi sa sigawan at reklamo ng mga kasamahan nilang nagtatrabaho sa hacienda.
“Matagal na tayo dito! Wala silang karapatan na palayasin tayo!”
“Porke’t mayayaman sila, kaya na nila tayong itsapuwera!”
“Pwe! Traidor si Don Lorenzo! Sinabi niyang libre tayong tumira dito. Pero ano ito ngayon?! Palalayasin din pala tayo para sa walang kwentang hotel na ‘yan!”
Pinagtagpi-tagpi niya ang mga sinasabi ng kasamahan. Hindi siya makapaniwala ngunit kung tama ang pagkakaintindi niya, palalayasin sila sa lupa ng mga Tanaleon!
“Ano’ng mangyayari sa’tin, Maya? Wala na tayong matitirhan!” naiiyak na tanong ng kaniyang kaibigan.
“Kumalma ka, Rosell. Baka nagkamali lang tayo. Saan niyo ba narinig ang balitang ‘yan?”
“Totoo talaga ‘to, Maya! May pumunta kanina ritong mga attorney at engineer. Akala namin noong una, ay bumibisita lang sila. Pero nagsimula silang nagsukat ng lupa. Doon na kami kinutuban.”
“Imposible ‘to, Rosell. Nangako si Don Lorenzo na pwede tayong tumira sa lupa nila.”
“Naniniwala ka pa sa matandang ‘yon? Halos magkapatayan na sila kanina ng mga tauhan ng Don habang nagtatalo tungkol sa bagay na ‘yan! Wala talagang pakialam ang matandang ‘yon sa’tin. Umasa lang tayo sa salita niya. Wala tayong magagawa dahil nagbago ang ihip ng hangin.”
Nanlumo siya sa narinig. Kung totoo nga ang lahat ng ito, kawawa silang lahat.
Sumasakit ang ulo niya kakaisip ng mga mangyayari sa kanila. Gayundin sa iba pang mga nakatira roon, kalimitan ay mga kapwa niyang magsasaka.
Saan sila pupulutin ng kaniyang lolo? Sa Hacienda Tanaleon na siya lumaki at nagkamulat. Napakasakit isipin kung lilisanin nila ang tahanan kung saan nanatili ang memorya niya sa kaniyang Lola Esmeralda.
Mas lalo na sa lolo niya. Triple pa ang mararamdaman nitong kalungkutan. Buong buhay nito ay doon ito nakatira. Even their ancestors way back then.
Hindi maaaring palayasin sila roon. May sakit ang kaniyang lolo. Hindi pa man kinukumpirma ng doktor ngunit sigurado siyang malala na ito dahil nakita niya ang paghihirap ng matanda.
Isa lang naman ang tanging kahilingan niya— ang manatili ang kaniyang lolo nang may kapayapaan sa lugar kung saan ito napamahal at nagkaroon ng buhay.
Ayaw niyang madagdagan ang stress ng kaniyang lolo.
“Magsitahimik!” sigaw ng kaniyang Tito Ernesto. “Wala tayong makukuhang solusyon kung hindi natin ‘to pag-iisipan ng maigi.”
“Tama ka, Ernesto. Hindi niyo ba nakikita na unti-unti tayong nabubuwag dahil sa kagagawan ng mga taong iyon?!”
Natahimik ang lahat sa sinabi ni Ka Pedring.
“Makinig kayong lahat! Matagal na tayo rito. Mas matagal pa sa mga Tanaleon! Kaya ano’ng karapatan nila para palayasin tayo?! Wala silang karapatan!”
Napailing siya sa mga salita ng kaniyang tiyuhin. Hindi tama na himukin ang kanilang kasamahan na kontrahin ang mga Tanaleon.
Tama nga ito sa sinabing nauna silang naninirahan sa lupain ngunit matagal na rin ng ibinenta nila ito sa mga Tanaleon. Maswerte na nga sila na pumayag ang Don na manatili sila doon.
If facts and law were to use against them, they’ll loose. This fight is not for them. Magiging malala lang ang lahat kapag ipapairal nila ang mga galit.
“Ang matandang iyon ay niloko tayo! Wala siyang isang salita. Huwag nating hayaang apihin lang tayo at itapon ng ganito na lang! Hindi niya tayo kayang palayasin dito! Lalaban tayo kung kinakailangan!”
“LABAN!”
ALIGAGA si Maya habang naglalakad pabalik-balik. Natapos na ang pagpupulong ng mga kapwa magsasaka. Kakausapin niya ang tiyuhin tungkol sa mga sinabi nito. Kukumbinsihin niya ang mga ito na itigil ang anumang karahasan.
“Maya, saan ka pupunta?”
“Hahanapin ko si Tito Ernesto. Hindi pwede ang binabalak nila.”
“Wala kang magagawa dun, Maya. Nakita mo kung gaano sila kagalit? Walang makakapigil sa kanila.”
“Pero, Rosell. Hindi naman pwedeng wala akong gawin. Ano’ng laban nila kung sakaling sumugod nga sila? Tingin mo ba ay masosolusyunan nila ‘to kung magpadalos-dalos sila?”
“Tama ka naman diyan pero wala tayong magagawa, Maya. Tsaka, ang dami mo ng problema. Huwag ka ng makialam. Nasasangkot ka palagi sa gulo.”
“Kaya nga, Rosell. Kailangan kong makialam dahil problema ko rin ‘to. Ayokong malaman ni Lolo ang nangyari. Malulungkot siya.”
“Kasalanan talaga ng five star hotel na ‘yan! Nakayanan nila tayong palayasin ng ganito at sisirain pa nila ang mga tirahan natin!”
It’s cruel. Hindi niya maisip na mabubura lahat ng mga kabahayan nila at mga puno ng mangga na matagal na nilang inaalagaan. Mawawalan sila ng trabaho, mawawala sa kanila ang lahat. Habang ang mga mayayamang iyon ay mas nagpapayaman at nagpapalawak ng negosyo.
Malalim na napabuntong-hininga ang kaniyang kaibigan.
“Ano na ang plano mo ngayon?”
“Kakausapin ko si Don Lorenzo.”
“Paano, Maya? Bantay-sarado iyong mansiyon nila. Hindi ka makakapasok ng basta-basta dun. At saka, kahit na makapasok ka man, sa tingin mo ba ay may makikinig sa’yo? Nakita mo naman na ganito na ang ginagawa nila sa’tin.”
“Pero, kailangan kong subukan. Hindi ako naniniwala na tatalikuran lang tayo ng Don ng ganito kadali.”
“People change, Maya. Tingin mo ba talaga ay mabait ang matandang ‘yon? Ibang-iba ang estado nila sa atin! Kayang-kaya nila tayong balewalain. Dahil wala naman tayong halaga sa kanila.”
Napaupo siya sa bangko. Bakit palaging may punto ang sinasabi ng kaniyang kaibigan? Gayunpaman, ayaw niyang tuluyang sumuko. Kung may paraan pa naman ay gagawin niya.
There’s nothing wrong in trying.
“Gusto mo bang tawagan natin si Kael?” tukoy nito sa kaibigan nilang abogado.
“Huwag na, Rosell. Aabalahin mo pa yung tao. Ayokong madamay pa siya rito.”
Naalala niya na naman ang maraming beses na pagtulong nito sa kaniya. Nitong huli lang ay tinulungan din siya nito tungkol sa pagnanakaw ‘kuno’ niya. Malaki na ang utang na loob niya sa lalaki. Ayaw na niyang dagdagan pa.
“Pero, paniguradong tutulong ‘yon. Isang tawag ko lang na may problema ka, dadating agad ‘yon.”
Napakunot ang kaniyang noo sa makahulugang sinabi ni Rosell. Alam na alam niya ang pinaparating nito.
“Huwag na nga. May sariling trabaho yung tao. Ang problema natin, sa atin lang yun.”
“Sigurado ka ba diyan?”
Natigilan sila pareho nang tumunog ang kaniyang cellphone. Napailing siya nang makita ang tumatawag.
“Si Kael ‘yan, ‘no? Ganda ng timing. Mukhang na-sense niya yatang may problema ka kaya tumatawag,” nakangising sabi ni Rosell.
Ilang segundo pa bago niya sinagot ang tawag nito. Bakit ba nagpaparamdam ito sa tamang oras.
“Hello?”
“Ang tagal mong nakasagot. Ano’ng nangyari? Kanina pa ako tumatawag.”
Ang bilis lumipad ng balita. Nalaman niya kaagad ang nangyari sa hacienda? Napatingin siya sa kaniyang kaibigan. Suspetya niya ay ito ang nagbalita kay Kael.
“Ano? Wala akong sinabi! Promise!” pagtanggi agad ni Rosell na para bang alam na nito ang tinging kaniyang ipinupukol.
“Huwag kang mag-alala. Ayos lang kami. Huwag mo ng problemahin.”
“Ano’ng huwag problemahin, Maya? Na-ospital si Lolo Binong! Kung hindi pa tumawag si Loisa, hindi mo pa sasabihin sa’kin?”
Loisa! Ang pinsan niyang iyon pala ang nagtsismis. Akala niya’y ang tungkol sa hacienda ang sasabihin nito, iyon pala ay ang sa pagkakaospital ng kaniyang lolo.
“Hindi na ako nakatawag. Masiyado kasing mabilis ang pangyayari. Tapos ay naging abala na ako sa pag-alaga kay Lolo kaya nakalimutan ko.”
Sandaling natahimik ang kabilang linya. Pangiti-ngiti naman si Rosell habang nakatingin sa kaniya.
“Ayos ka lang?”
Hindi siya okay. Paano siya magiging maayos sa panahong ito? Sunod-sunod na ang mga problema niya. Pero hindi niya iyon sasabihin kay Mikael. Alam niya ang ugali nito, gayundin ang mga kilos nito. Ramdam niya ngunit ayaw niyang bigyan ng kahulugan. Wala siyang interes at panahon para sa ganoong bagay.
“Oo. Huwag kang mag-alala.”
“Kamusta naman si Lolo Binong? Ayos na ba? May kailangang gamot?”
“Hindi pa namin alam, Kael. Kailangan pa siyang i-transfer sa General Hospital.”
“Ganun ba? Ako na ang bahala diyan, Maya. Huwag mo ng masiyadong alalahanin. Magpahinga ka na lang.”
“Ha? Hindi. Ayos lang. May pera naman ako dito. Kaya ko naman.”
“Huwag ng matigas ang ulo, Maya. Naibigay ko na kay Tita Pepa ang bayad sa ospital.”
Napamura siya sa kaniyang isip ng mapagtanto na kaya pala ang yabang-yabang ng tiyahin niya kanina nang sinabi nitong binayaran na niya ang bill sa ospital. Sigurado siyang hinuthutan na naman ng mga ito si Kael.
“Babayaran kita kapag nagkapera na ako.”
“Sinabi ko ng huwag mo ng alalahanin ang tungkol sa babayaran niyo. Mas mahalaga na magamot ang lolo mo.”
Hindi na siya kumontra pa. There’s no point arguing with him. Kael will still insist on helping whatever disapproval she’ll say.
“Ano’ng sabi? Binayaran niya yung pagpapaospital kay Lolo Binong?” agad na tanong ni Rosell nang maibaba niya ang tawag.
“Ano pa? Kilala mo yun. Nakikialam sa hindi niya problema.”
“Parehos lang din naman kayo. Sarap niyong pag-untugin sa ulo. Bakit hindi na lang kayo magpakasal?”
Pinandilatan niya ang kaibigan. Ano’ng kasal? Ni hindi nga sila magkasintahan. Wala namang sinasabi si Kael.
“Hindi ko gusto ‘yang sinasabi mo, Rosell.”
“Oo na. Parang hindi na mabiro. Alam ko namang allergic ka sa mga lalaki at malaki ang trust issues mo. Pero, bakit hindi mo subukan kay Kael? Mabait naman yung tao, may disenteng trabaho, gwapo, at matalino. Higit sa lahat, gusto ka niya.”
“Ayoko nga, Rosell. Ikaw na lang ang magpakasal sa kaniya kung gusto mo.”
“Hala siya. Bakit ako? May boyfriend na ‘ko.”
“Yung boyfriend mong manloloko. Bakit ba palagi mo na lang ‘yan pinapatawad? Paulit-ulit na lang ‘yang ginagawa niya sa’yo.”
“Hayaan mo na kasi yung lovelife ko. Hindi mo nga mahanapan ‘yang sarili mo, eh.”
Inirapan niya ito. That’s not important right now. Ayos lang na hindi niya maalagaan ang sarili basta’t maprotektahan niya ang mga mahal sa buhay.
“Nga pala, Maya. Sigurado ka na ba sa gagawin mo? Kailan mo kakausapin ang Don?”
“Mamayang gabi.”
“Mamayang gabi?! Hindi ba’t engagement party mamaya ng apo ng Don? Sigurado ka bang ngayong gabi mo siya kakausapin?”
Oo nga pala. Ngayon niya lang naalala ang tungkol sa engagement party.
“Ikaw na rin ang nagsabi, Rosell. Hindi ko mapapakiusapan sina Tito Ernesto. Nakita mo naman ang mga patalim nila. Hindi sila magdadalawang isip sa gagawin. Kung tama ang hinala ko, bukas na bukas ay susugod agad sila.”
Sabay silang napabuntong-hininga ng kaibigan. Wala na talagang ibang paraan.
“Gusto mo bang samahan kita?”
“Huwag na. Ayokong madamay ka.”
“Paano ka naman?”
“Ako na ang bahala, Rosell. Kayang-kaya ko ang sarili ko.”
Kahit ano mang mangyari mamayang gabi, sisuguraduhin niyang masosolusyunan niya iyon bago pa magwala ang mga kasamahan niya. Papakiusapan niya si Don Lorenzo Tanaleon.
That’s the only way they’ll survive.
BUNTIS AKO! Tila naestatwa ang lahat sa kaniyang rebelasyon. Halos lumuwa na ang kanilang mga mata. Walang reaksiyon si Lorenzo Tanaleon III. Ang Don at ang Donya ay may gulat sa mukha ngunit mas lamang ang pag-alala. Ang mga Huesca ay hindi rin nakagalaw liban kay Valerie Huesca na tila kalmado sa nangyari. Si Mrs. Ruella Tanaleon ay biglang nahimatay na agad namang nasalo ng kaniyang asawa. Nang mahismasan ang media ay nagsimula muli sa pag-flash ang mga camera. Dinumog agad siya ng mga reporters. “Totoo po ba ang sinasabi niyo, Ma’am?” “Ano’ng pangalan niyo po, Ma’am? Talagang buntis kayo?” “Si Señorito Lorenzo Tanaleon III po ba ang ama?” “Pakiklaro po ng sinabi niyo, Ma’am.” &n
BUNTIS AKO?Naibuga ni Rosell ang iniinom na kape dahil sa nabasang text mula sa kaibigan. Umagang-umaga ay ninerbiyos siya sa mensahe nito.Mabilis niya itong tinawagan. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot ito.“Ano’ng buntis ka?! Bakit hindi ko alam?!” sigaw niya rito.“Hindi ko rin alam kung bakit ako buntis.”“Ano’ng hindi mo alam? Ano? Nabuntis ka sa isang gabi lang? Ano’ng gamot ang nadali mo? Ayusin mo nga ang sinasabi mo, Maya.”“Basta, puntahan mo ako ngayon sa ospital. Kailangan ko ang tulong mo. Sasabihin ko sa’yo ang lahat.”Sumakit ang ulo niya sa sinabi ng kaibigan. Ano’ng kabaliwan ang ginawa nito? Ano’ng bunti
MARRIAGE PROPOSAL“One year?!” sigaw ni Rosell.Ikinuwento ni Maya ang lahat simula noong nangyari sa engagement party, ang pagdala sa kaniya sa ospital, ang pagiging buntis “kuno” niya, at ang marriage proposal ni Lorenzo Tanaleon III.“Hinaan mo nga ang boses mo. Baka magising si Lolo.”Napalinga si Maya sa kaniyang lolo na mahimbing na natutulog sa hospital bed nito.“Ang kapal talaga ng mukha ng Lorenzo na ‘yan! Sinasabi ko sa’yo, Maya. Huwag na huwag kang pipirma sa marriage contract na ‘yan! Hindi ako papayag.”“Hindi naman ako pumayag, Rosell. Hindi ako pumirma at hindi ko pipirmahan.”“Eh, ano ‘yan? Bakit mo pa dinala ang marriag
PROBLEMA She dreamed that someone was caressing her body. Softly nibbling her skin and even kissed her lips. The kiss was too intoxicating. Hindi niya pa iyon nararanasan. Ngayon lang niya nalaman na ganoon pala ito kasarap. Nalalasahan niya ang dila ng kung sino mang sumakop sa kaniyang bibig. It was something new. Something she have never felt before. She dreamed that her body is on fire and someone is on top of her. Mabigat ngunit mainit. She liked the heat that was embracing every inch of her skin. Bakit kakaiba? Kakaiba ang hatid nito sa kaniyang kaibuturan. Tila sinisilaban siya at hindi siya mapakali. Mapusok ang mga halik na dumadapo sa kaniyang balat. She felt it too. That thick and hard thing that entered her. It was painful at first. Hindi niya kaya. Hindi niya alam kung bakit napakasakit niyon. Nahati ata ang katawan niya sa gitna. "Oh, shit! You're a virgin?!" the voice growled like a mad man. "Ang... sakit. Aw! Please, ang sakit," she begged. Her insides clutched
FORCED AGREEMENTINGAT na ingat sina Maya at Rosell habang naglalakad pauwi sa kanila. Pahirapan pa kanina ang kanilang biyahe. Tila mga kriminal sila na takot mahuli ng publiko.Kanina pa siya kinakabahan habang may nakakasalubong. Halos lahat ng mga tao ay hawak-hawak ang kanilang mga cellphone. Pinag-uusapan ang tungkol sa kaniya at kay Lorenzo Tanaleon III.Hindi nakatakas sa kaniya ang mga insulto at masasamang salita ng mga ito. Galit na galit ang mga tao dahil sinira niya raw ang perpektong relasyon nina Lorenzo at Valerie. Iniisip ng lahat na sadya siyang nagpabuntis kay Lorenzo Tanaleon III upang maitali niya ito.She’s very frustrated. Hindi pa nga nila alam ang katotohanan ay hinuhusgahan na siya. Kapag talaga mahirap ay wala ng
SIGNED She sighed as she gripped tightly with the pen in her hands. As soon as she declared to her grandfather that she’s getting married, many things then happened quickly. “Ano’ng problema, Ms. Aguilar? Sign it now.” Napi-pressure siya kay Lorenzo Tanaleon III. Kanina pa nito ibinigay sa kaniya ang kontrata at pen para mapirmahan niya na ito. Ngunit sa kabilang banda, nandoon pa rin ang galit niya. May isang bahagi ng kaniyang isipan na sinasabing huwag siyang magpauto. “Pwede bang pag-isipan ko muna ito nang maigi? Bigyan mo ‘ko ng panahon.” Napatingin siya sa lalaki na nakaupo sa harap niya. He crossed his arms with his serious stance. Kanina pa siya nilalamig, hindi lamang dahil sa aircon sa loob ng opisina nito kundi dahil sa nakakakabang tingin ng lalaki sa kaniya. “You have me waited for quite awhile, Ms. Aguilar. Alam mo bang ikaw dapat ang mas desperado sa bagay na ito? Ikaw ang nangan
OFFICIALLY MRS. TANALEON Napangalumbaba si Rosell habang nakatitig sa kaibigan. Naiinis siya hanggang ngayon dahil sa pumayag ito kay Lorenzo Tanaleon III. Ngunit wala siyang magagawa. She will just respect her decision and support her as best as she can. “Galit ka pa rin ba?” tanong sa kaniya ni Maya. Tumayo siya at lumapit sa kaibigan. Pareho silang napatingin kay Lolo Binong na masayang nakatitig sa ultrasound photos ng baby ‘kuno’ ni Maya. “Tinanong mo pa. Ano ba ang kailangan ng Lorenzo na ‘yon? Bakit ka niya susunduin?” Sinenyasan siya ng kaibigan na hinaan ang kaniyang boses dahil maririnig ng kaniyang lolo. “May… pupuntahan ka, apo?” tanong ni Lolo Binong kay Maya. Narinig ng matanda ang kaniyang
RUINED Hindi mapakali si Maya habang nakaupo sa loob ng kotse ni Lorenzo Tanaleon III. Kanina pa niya iniisip ang sinabi nito sa mga media. Bigla-bigla lang nitong sinabi na kasal na sila. Ano ba ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito? Isa pa, papunta sila ngayon sa press conference. Kung hindi siya nagkakamali ay nandoon ang Don at Donya, ang mga magulang ni Lorenzo, at ang mga Huesca. Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya nang todo sa puntong pawang kakawala na ang kaniyang puso sa kaniyang katawan. “P-pwede bang hindi na ako magpakita do’n?” “Why not? You’re the most important person that should be in that press conference. And besides, I’ve have already promised lolo and lola that you’d be coming.” Pinagpawisan siya ng malamig. Hindi niya alam kung ano’ng mga tanong ang ibabat
HOPES“Kamusta, Ate Maya? Maganda ba sa Tagaytay?” tanong ni Derlyn.After their short vacation and supposed “honeymoon”, which unexpectedly happened, they got home completely on different status. She was bombarded with questions after everyone noticed something different between her and Lorenzo. Ang nakakaginhawa lang doon para sa kaniya ay nawala na ang mga bisita. Nang makauwi sila ay tahimik nang muli ang buong mansiyon. “Maganda naman. Ang ganda ng mga beach doon.”“Patingin naman ng pictures, Ate Maya. Kahit sa pictures na lang at makita ko,” pamimilit ng batang kasambahay.Napaisip siya nang ilang sandali bago ito pinagbigyan. Kinuha niya ang phone at unang bumungad ang kaniyang wallpaper na litrato nila ni Lorenzo. Nakapikit siya habang nakahalik ang lalaki sa kaniyang pisngi. Narinig niya ang impit na kilig ni Derlyn sa kaniyang tabi. Samantalang siya nama’y nagulat na makita iyon. Paanong nag-iba ang kaniyang wallpaper? Did Lorenzo changed it without her knowing? Moreover,
REAL Natigilan siya sa mga salita nito. Tila namingi siya ng ilang sandali bago niya pinilig ang ulo. Lasing lang ito. Hindi nito alam ang sinasabi. Ipinagpatuloy niya pagpupunas sa lalaki. Nahihirapan siya sa ginagawa dahil sa nakaupo ito. Pinigilan nitong muli ang kaniyang kamay at marahang hinalikan. She felt an electrifying sensation travelling from her hands to her whole body. “Maya, I love you,” ulit nito. Her heart beat crazily. Tila kakawala na sa kaniyang dib-dib. She was so nervous that she can’t find the right words to answer him. “L-lasing ka. Lorenzo, nasa ilalim ka ng droga, okay? Huwag kang magsalita nang hindi mo alam,” aniya at napaiwas ng tingin sa lalaki. “Hindi ako lasing. Totoong mahal kita. It was actually you even before. I was looking for you for so long. You’re that little girl from long ago.” Lorenzo cupped her face and looked at her with a longing look. Lasing na nga ito. Kung ano-ano na ang pinagsasabi. “Lorenzo, matulog ka na—" “Look at me, Maya. D
LOVE Napakagat siya nang labi habang nakaangkla ang braso kay Lorenzo. Her lips are swollen from their long kiss earlier. Halos hindi siya tantanan ng lalaki. Kung hindi pa niya pinilit ito na kailangan na nilang umalis dahil may pupuntahan pa silang importanteng banquet ay baka buong gabi na silang naghalikan. Eyes turned to them when they entered the banquet hall in Luz De La Luna Resort and Hotel. It's not like a typical resort and hotel. It's rather grand and imperial. The guests were all wearing their formal gowns and tuxedos. It was unusual knowing that the sea is just few meters from the place. Kitang-kita ang ibang mga turista na naroroon pa rin sa dalampasigan kahit gabi na. There are cottages and coconut trees around. Almost the same to Boracay. "Mr. Tanaleon! Glad that you came!" a man in 50s with visible stubble approached them, a woman is beside him and she assumed it's his wife. "Of course, Mr. and Mrs. De La Luna. We won't decline your invitation." Propesyunal na n
YOU Tomorrow can’t really be pre-determined. And he’s more unpredictable like the future. She’s torn between trusting him or following her own mind instincts. Valerie: Maya, I just want to ask if he has agreed to meet me? Tanong iyon ng babae matapos ang ilang araw nang mag-usap sila sa kompanya. Halos araw-araw siya nitong kinukulit ng tungkol doon. As usual, she replied the same thing. To Valerie: I’m sorry po, Ms. Val. Hindi pa ako nakakatiyempo. Pero huwag po kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para pumayag siya. Lorenzo didn’t give her a clear answer to her plead but he never said he wouldn’t too. Hindi niya pa ito natatanong muli matapos ang araw na iyon. Iniiwasan nitong umabot sa babae ang kanilang usapan. He will always try to make a way to shift their conversation. Hindi niya na ito kinukulit dahil na rin sa naging abala ang kanilang linggo. Don Lorenzo has successfully discharged from the hospital. Sinalubong nila ang pag-uwi nito, even Lorenzo’s relatives were st
PLEASE Mabilis siyang napatayo nang lumapit ito. Why is she here? Maayos na ba ito? Hindi niya pa ito napapasalamatan sa pagligtas nito sa kaniya. “Maya…” Napatitig siya sa babae na tuloy-tuloy ang pagpasok sa opisina. Valerie’s high heels were excruciatingly painful in her ears. She’s wearing a long fur coat with a body hugging black dress inside. Her hair is bouncing with her every step. A million-worth bag is hanging in her arms. She has a light makeup that complimented her fair skin. Hinubad nito ang aviator na tumatabon sa mga mata. “I’m sorry, Maya. I didn’t know you’re working here,” anito at nahihiyang nakatayo sa kaniyang harap. “Walang kaso, Ms. Valerie. Maupo ka,” inilahad niya ang sofa. Napatingin roon ang babae bago bumaling sa kaniya at ngumiti. Naupo rin ito at sinampal na naman siya ng hindi mapantayang agwat mula sa babae. “I’m sorry for my sudden visit. Malapit lang kasi rito ang shooting namin kaya… dumiretso na ako.” Napatango siya, hindi niya alam kung ano
HARD Sobrang sama ng kaniyang pakiramdam sa kanilang pag-uwi. She can’t help having the thoughts running through her mind. Masakit pa rin palang marinig sa iba. Pinilig niya ang ulo. Hindi siya iiyak. Those petty things are already certain. She shouldn’t get affected. Nagpaalam sila matapos ang mahabang gabi. Pagod na agad siya. Walang lakas para magalit sa lalaki. “What’s wrong? You’re sleepy?” tanong nito sa kaniya nang iwasan nito ang kamay ng lalaki. Napasandal siya sa bintana ng kotse at ipinikit ang mga mata. Paraan niya lang ito upang hindi sila magkausap. Her whole mood is ruined. Ayaw niyang sumbatan ito lalo na’t wala naman talaga itong tungkulin na alamin ang mga nararamdaman niya o kahit aluin siya. Hindi nito kailangang magpaliwanag. Buong biyahe ay pagtango lang at pag-iling ang sagot niya sa lalaki. Why is she feeling this anyway? Gusto niya ba ito? Hindi naman, ‘di ba? Ginagawa niya lang ito dahil sa batang nasa kaniyang tiyan. O talagang tama si Rosell? Nahuhulog
HURT Her breath hitched as they entered the meeting room. She already expected this much pressure. Isa talagang malaking pagkakamali ang pumasok siya roon. Big personalities were sitting on the conference table. Nakapalibot ang table na ito sa malaking kwarto. May mga name plate sa harap, kinikilala ang mga pangalan at posisyon ng mga ito sa Tanaleon Empire. Hindi nawala ang mga in-laws niya sa papel na sina Señor Lorenzo II, ang Vice Chairman at ang asawa nitong si Ruella Tanaleon, isang shareholder. Only Victor Huesca is there to represent the Huesca Hotels. Maaaring inaalagaan pa ngayon ni Soledad Huesca ang anak nitong si Valerie sa ospital. Hindi niya kayang isa-isahin ang mga tao sa loob. Masiyang mabigat ang mga mapanuring tingin ng mga ito at natatakot siyang may ma-offend kung titignan pa niya ang mga ito. Darica Corpuz is present as the Vice Director of the company. Nakatayo ito sa gitna sa tapat ng microphone at nagsasalita ngunit natigilan lang nang pumasok sila. Some
INNOCENT Naliliyo si Maya sa tagal ng kanilang halikan. Lorenzo keeps on nibbling her lips and sucking her tongue. Hindi siya makahinga sa ginagawa nito. Hanggang saan aabot ang kanilang halikan? Hindi naman nila siguro gagawin ang ‘bagay’ na ‘yon, ‘di ba? Naalala niya ang sabi ng doktora sa klinikang kaniyang pinag-checkup-an. Her baby is very healthy, no complications in her pregnancy. So, sex is allowed. It would help her improve her sexual arousal. Hindi niya raw kailangang pigilan ang sexual drive dahil maganda ang epekto niyon sa kaniya. Ano ba itong iniisip niya? Hindi pa rin pwede! Bakit ba siya gumagawa ng rason? Gusto niya talagang umabot sila sa ganoon? She got flustered the moment he grinded his hard-on on her crotch. Kahit ang sumasagabal na tela ng kanilang mga gitna ay kinilabutan siya sa kakaibang dulot nito. She can’t imagine what they did that night. How does it feel? Hindi niya matandaan. Sakit lang yata ang nakuha niya at ngayon itong bata sa kaniyang tiyan. Mu
CUDDLE Tahimik siyang nagpaalam kay Rosell matapos ang umagang iyon. Halos ayaw rin siyang pakawalan ni Kael. Kung hindi pa ito pinagsabihan ni Rosell ay baka magtagal pa ang pagpapaliwanag niya rito na kailangan na niyang umuwi. “Sasama ka pa rin sa lalaking ‘yon, Maya? Halatang nag-away kayong dalawa. Pansin ko ang lamig ng. Paano kung may gawin siya sa’yo, Maya? Paano kung saktan ka niya? He’s ruthless and impatient.” “Ano ka ba, Kael? Natural lang na sumama si Maya kay Lorenzo. Mag-asawa silang dalawa at nasa iisang bahay nakatira. Huwag ka nang makialam sa buhay nila.” Agad niyang napansin ang lungkot na bumalatay sa mukha ni Kael. Binalingan siya nito at nakitang napalitan ng disappointment ang mga mata nito. “Pasensiya na, Kael. Pero sasabihin ko sa’yo ‘to ulit. Sana ay respetuhin mo ang desisyon ko. At tama si Rosell. Problema namin itong mag-asawa.” Hindi na nagsalita pang muli si Kael. She used that chance to say goodbye to them. Kanina pa kasi naghihintay si Lorenzo sa