MARRIAGE PROPOSAL
“One year?!” sigaw ni Rosell.
Ikinuwento ni Maya ang lahat simula noong nangyari sa engagement party, ang pagdala sa kaniya sa ospital, ang pagiging buntis “kuno” niya, at ang marriage proposal ni Lorenzo Tanaleon III.
“Hinaan mo nga ang boses mo. Baka magising si Lolo.”
Napalinga si Maya sa kaniyang lolo na mahimbing na natutulog sa hospital bed nito.
“Ang kapal talaga ng mukha ng Lorenzo na ‘yan! Sinasabi ko sa’yo, Maya. Huwag na huwag kang pipirma sa marriage contract na ‘yan! Hindi ako papayag.”
“Hindi naman ako pumayag, Rosell. Hindi ako pumirma at hindi ko pipirmahan.”
“Eh, ano ‘yan? Bakit mo pa dinala ang marriage contract na ‘to kung hindi mo naman pipirmahan? Nagdadalawang-isip ka pa?”
Natigilan si Maya sa tanong ng kaibigan. Ayaw niya mang aminin ngunit may isang bahagi ng kaniyang isipan na gustong ikonsidera ang mga benepisyong maaari niyang makuha kung sakaling pumayag siya sa proposal ni Lorenzo Tanaleon III.
“Iniisip ko lang naman, Rosell. Kasi sabi niya, tutulungan niya tayo,” sa mahinang boses niyang sabi.
“Naku, Maya! Hindi mo ba ako narinig kanina? Ininsulto ako ng kaibigan niya. Binayaran pa ako para lang palayuin ka sa lalaking iyon. Ikakasal na siya, Maya! Huwag mo ng palalain pa lalo ang ginawa mong gulo. Sa oras na malaman ‘to ng lahat, hindi lang ikaw ang malalagot. Tayong lahat ang malalagot!”
“Kaya nga, Rosell. Natatakot din akong madamay kayo. Pero iyong balita kanina. Hindi ba’t nakatulong ‘yon sa atin?”
Tinutukoy niya ang balitang kinansela pansamantala ang kasunduan ng Tanaleon at Huesca tungkol sa pagpapatayo ng five star hotel sa kanilang lugar.
Tama nga rin ang hinala niya, binalita na may baliw na babaeng sumira ng engagement party ngunit hindi sinabi ang detalye, gayundin ang kaniyang pangalan. Sa dinami-dami ng mga kuhang litrato sa kaniya ng gabing iyon ay walang lumabas sa publiko.
Sigurado siyang dahil sa impluwensiya ng Tanaleon at Huesca ay nakontrol nila ang media na gawan sila ng anumang eskandalo.
“Isipin mo, Rosell. Hindi na sumugod sina Tito Ernesto at Ka Pedring sa mga Tanaleon. Napigilan nating magkagulo sila.”
“Huwag mong gamitin sa’kin ang rason na ‘yan. Tama na ang lahat ng iyon. Tapos na. Pakiusap naman, Maya. Ikaw ang kawawa kapag pumayag ka.”
“Alam ko naman ‘yon, Rosell.”
Napabuntong-hininga si Rosell. Kanina pa ito naha-high blood pagkatapos nilang umalis sa mamahaling ospital. Mabuti na lang at tinawagan niya ang kaibigan at doon na sila nagkita. Ngunit sa pagkakataong iyon ay wala na si Lorenzo Tanaleon III.
“Ibang-iba ang estado nila sa’tin, Maya. Hampas-lupa lang tayo sa paningin nila. Kaya bakit sa dinami-dami ng babae diyan, bakit ikaw pa ang pinili niya? Dahil iniisip niyang madali ka lang mauto. Tingin niya’y pera lang ang katapat mo. Naiintindihan mo ba ako, Maya?”
Napatitig si Maya sa marriage contract. Nakakainsulto nga ang dating ng dokumentong iyon. Hindi niya rin sana iyon dadalhin ngunit nagpumilit si Lorenzo Tanaleon III. Ngayon ay mas lalo siyang naguguluhan.
“Isa lang ‘yang kabaliwan, Maya. Akala ko ba’y hindi ka magpapakasal hangga’t hindi ka sigurado?”
Hinding-hindi mag-iiba ang kaniyang prinsipyo. Hindi siya ganoong babae. Ngunit sa kabilang banda, hindi lamang siya ang sangkot dito.
Napatingin siyang muli sa kaniyang lolo.
“Sinabi niyang mapapagamot niya raw si Lolo.”
Napahawak sa kaniyang sentido si Rosell. Alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang lolo at alam din nito na ang lolo niya lang ang kaniyang lakas at kahinaan. Wala na siyang ibang mahihiling pa kundi ang gumaling ito.
“Huwag tayong magpadalos-dalos, Maya. Hindi mo ba napapansin na unti-unti ng kinokontrol ng mga mayayaman na 'yon ang buhay mo? Pipikutin ka lang ng Lorenzo na ‘yon. Ako itong natatakot para sa’yo.”
“Natatakot din ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, Rosell.”
Nais niyang mapaiyak ngunit pinigilan niya ang sarili. Sumasakit lang lalo ang ulo niya.
“Tatawagan ko si Kael.”
Napatingin agad siya sa kaibigan. Ayaw niyang ipaalam ito kay Kael.
“Huwag na, Rosell. Ang dami-dami na ng utang ko sa kaniya. Mas lalo lang akong nababaon. Tsaka, wala siyang kinalaman sa problema natin.”
“Iyan ang problema sa’yo. Panay ang reklamo mo pero ayaw mo namang may tumutulong sa’yo. Ang taas ng pride mo kasi. Ano na’ng gagawin mo ngayon, aber?”
Tama ang kaniyang kaibigan. Mataas nga ang pride niya kaya masiyado siyang maprinsipyo. Pinakaayaw niya ang humingi ng tulong lalo na sa mga taong kilala niya.
“Uutang na lang ako kay Simon.”
Nanlaki ang mga mata ni Rosell.
“Maya! Nababaliw ka na ba?!”
“Hinaan mo nga ang boses mo—”
“Paano ko naman hihinaan ang boses ko?! Napakatuso ng buwayang ‘yon! At ilegal ang pagpapautang niya, Maya! Triple pa ‘yong interes! Hindi mo kaya ‘yon!”
“Papakiusapan ko na lang. Alam mo naman na—”
“Maya!” sigaw ni Rosell bago siya hinampas sa balikat. “Kung ganito lang pala ang plano mo, sana tinanggap ko na lang ‘yong tseke ng hambog na doktor na ‘yon!”
Napailing siya sa reaksiyon ng kaibigan. Alam niya kung bakit ayaw nito ang ideyang mangutang kay Simon.
“Walang mangyayari sa’kin. Huwag kang mag-alala.”
“Paanong hindi ako mag-aalala, Maya? Kulang na lang ay maglaway yun sa’yo. Naku! Hindi ko talaga gusto ang tingin at hawak nun sa’yo. Kinikilabutan ako.”
“Samahan mo ako kung gano’n.”
“Sasama talaga ako kahit hindi mo pa sabihin. Kailan mo planong pumunta?”
“Ngayong gabi.”
“Naku! Kung hindi lang kita kaibigan, iiwan talaga kita.”
Tumango lang siya kay Rosell. Sa ngayon, ito ang plano niya. Ipapagamot niya ang kaniyang lolo para hindi na niya maisipang pumayag sa alok ng Lorenzo na iyon. Hindi siya pwedeng gipitin sa oras na ito.
HE SIPPED his wine while staring outside the window. As he rested his back on his chair, his grandfather’s voice instilled in his mind.
“Kung hindi mo ako susundin, expect that I will never hand you the company.”
“Lolo— I mean, Chairman. You’re joking, aren’t you? I’m your only grandson.”
“I never make jokes, Mr. Lorenzo. Sa kompanya ko, hindi basehan kahit apo pa kita.”
“Why are you doing this to me, Chairman Tanaleon? Naniniwala talaga kayo na nabuntis ko ang babaeng ‘yon?”
“Mr. Lorenzo, how could I entrust you the company kung sa ganitong isyu lang ay hindi mo pa magawang masolusyunan?”
“Of course. I could think of other ways, Chairman. Pero ang pakasalan ang babaeng iyon, I can’t do that.”
“Buo na ang desisyon ko, Mr. Lorenzo. The board meeting is in five days. I hope you'll think about it.”
“Fuck!” singhal niya bago tinapon sa kung saan ang kaniyang wineglass.
Ayaw niya talagang pakasalan ang babaeng iyon. Ngunit dahil sa lolo niya, kailangan niyang gawin. Hindi niya maintindihan kung bakit naniwala ito sa kasinungalingang iyon. Gayundin ang kaniyang lola.
Hayun tuloy at kailangan niya pang bayaran si Dr. Fuentes para lang baguhin ang resulta. Kailangan niyang kunin ang tiwala, hindi lamang ng kaniyang lolo’t lola kundi pati na rin ni Mariyanna Aguilar. Ang babae lang ang susi niya para makuha niya ang kompanya at ang kaniyang mana.
He even made the marriage contract without the knowledge of his grandfather. Ayaw niyang maging problema si Mariyanna Aguilar sa oras na kukuha siya ng divorce. He doesn’t want to be taken advantage as he knows how sly that girl is. Hindi man mukhang pera ang babae, but who knows what will happen in the future? Money can change everyone.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Where did it all go wrong? Where did it started? Karma niya ba ito kaya sunod-sunod ang kaniyang problema?
Tumunog ang kaniyang telepono.
“Excuse me, Sir Enzo. Nandito po si Señor Lorenzo. Gusto po kayong makausap,” report ng kaniyang secretary.
His head throb in annoyance and frustration. Ano’ng ginagawa niya ngayon dito? Ano na naman ang kailangan niya?
“Papasukin mo.”
Napatayo siya sa kaniyang swivel chair. Siya namang pagdating ng kaniyang ama na galit na galit na naman ang mukha.
“What did I hear, Lorenzo? Papakasalan mo ang hampas-lupang iyon?!”
“You just came here to ask that?” walang-emosiyong tugon niya.
“Wala ka na talagang modo! Wala kang respeto sa akin!”
Napangisi siya sa sinabi nito. Bakit nakakatawa ang sinabi nito?
“Wala ka ring respeto sa’kin. So why do I have to respect you—”
Isang malakas na sampal ang natikman niya mula sa kaniyang ama. Agad niyang pinahid ng kamay ang gilid ng kaniyang labi na dumugo. He’s used to this. Sanay na sanay na siya para hindi maramdaman ang sakit.
“You ungrateful, bastard! You ruined my plan! My billions slept away just like that! It's all because of your stupidity!”
Napailing siyang muli sa sinabi nito.
“Kung wala na kayong sasabihin, lumabas na kayo sa office ko.”
“You!”
“If you badly want that billion dollar project, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa mga Huesca? Isn’t that what you want to happen?”
“Lorenzo Tanaleon III!”
“Get out now or I’ll make my men drag you out.”
“Wala ka talagang kwenta! Tandaan mo, sa oras na malaman kong ikakansela ni Papa ang project sa mga Huesca, ikaw ang pagbabayarin ko ng lahat!”
“Get out.”
“Aalis ako! You stay on your crappy office!”
Nang lumabas ang kaniyang ama ay napasuntok siya sa kaniyang mesa. Ang lahat ng makuha niya sa ibabaw nito ay pinagtatapon niya sa kung saang parte sa loob ng kaniyang opisina. Ginulo niya rin ang kaniyang buhok.
Gosh. He really needs to control his temperament. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang galit niya.
“Sir Enzo, may— Sir! Ano pong nangyari?” gulat na tanong ni Gilbert nang makita ang magulo niyang office.
“Nevermind. What’s your report?”
“Uh…”
Nagdadalawang-isip pa si Gilbert kung uunahin ba nitong sasabihin ang report o aayusin muna ang nagulong opisina.
“Just spit it out, Gilbert. Don’t waste my time.”
Napakamot naman sa ulo si Gilbert bago nagdesisyong magsalita.
“Ito po ang update kay Ms. Aguilar ayon sa mga tao natin,” aniya sabay lahad ng tablet. “Pumunta po siya kaninang umaga sa ospital kung saan naka-admit ang kaniyang lolo. Kasama niya po ang kaibigan na si Ms. Dormitorio.”
“Okay. Good job. Continue to monitor her,” he said as he scrolled through the pictures.
Maaasahan talaga ang kaniyang mga tauhan. Kailangan niyang malaman ang bawat galaw ni Mariyanna Aguilar. Gayundin ang proteksyonan ito sa kung sino mang umatake sa dalaga. Alam niya kasing marami ang magagalit dito katulad na lang noong nangyaring pagsugod ng modelong si Elyse sa ospital.
Hindi maaaring masaktan si Mariyanna Aguilar. Kailangan niya ito upang matupad ang utos ng kaniyang lolo.
“Uh… Sir. Sa tingin niyo po ba, papayag si Ms. Aguilar sa proposal ninyo? Mukhang matigas po ang ulo niya.”
“Don’t worry about that, Gilbert. Susuko din ang babaeng ‘yon. She doesn’t have a choice,” he stated confidently.
“Uh, Sir. Sinabi rin po ng mga tauhan natin na umalis din daw agad sina Ms. Aguilar at Ms. Dormitorio. Mukhang may importante silang pupuntahan.”
“Where?”
“Sa Simon’s po, Sir Enzo.”
“And what is that place?”
“Isa pong bar sa bayan.”
Natigilan naman siya. Si Mariyanna Aguilar ay mahilig sa bar? Ano’ng gagawin niya doon? Hindi niya naisip na ang maliit na babaeng iyon ay marunong din sa night life. Mukha kasing itong magsasaka.
“Okay. Report to me immediately if she’s doing something suspicious. And give me more information about that bar.”
“Yes, Sir.”
Inilahad niya pabalik ang tablet ngunit hindi pa rin umaalis si Gilbert. Takha niya naman itong tinignan.
“What else do you want to say, Gilbert?”
“Ah, Sir. Tumawag po kasi sa’kin si Dr. Vester kasi hindi niya po kayo ma-contact.”
He sighed. Mukhang alam na niya kung saan patungo ang usapang ito.
“Si Ms. Valerie po kasi, buong araw na nasa condo ninyo. Ayaw daw umuwi. Ipapasundo ba natin, Sir?”
“No need. Let them deal with their family affairs.”
“Pero, Sir. Lasing na lasing daw si Ms. Valerie. Baka mapa’no po siya.”
“Let her. Just get out, Gilbert.”
“Okay po, Sir.”
Napapikit siya sa sobrang galit. Kung katulad lang ito noon, he won’t hesitate to check on her. But everything has changed.
He’s not sure if it is still within his responsibility. Given all those pain and betrayals she inflicted in him, he’s not sure.
PAGKABABA sa tricycle ay buong tapang na naglakad si Maya. Madilim na ang buong paligid at nakasisilaw naman ang ilaw na nagmumula sa loob ng bar.
“Maya, sandali nga lang. Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” tanong ni Rosell.
“Ilang beses mo na ba ‘yang tinanong, Rosell? Nandito na tayo. Wala ng atrasan.”
Dumiretso na agad siya sa harap ng bar kung saan may dalawang naglalakihang bouncer ang nakatayo. Lalagpas na sana sila nang pigilan sila ng mga ito.
“Hindi po kayo pwede dito, Ma’am.”
“Bakit? Hindi naman kami mga menor de edad,” sagot niya.
“Sinusunod po namin ang patakaran dito, Ma’am. High-end po ang bar namin. Hindi po kayong pwedeng pumasok na ganiyan ang suot. Mabubulabog po ang ibang mga bisita.”
Nagkatinginan silang dalawa ni Rosell. Ano namang problema sa damit nila? Hindi ba pwede ang simpleng t-shirt at pants dito?
“Gusto ko lang makausap si Simon. Sabihin niyong gusto siyang makausap ni Maya. Kilala niya ako.”
“Ah! Ikaw pala si Maya. Sige po, Ma’am. Sumama po kayo sa’kin.”
Nagkatinginan silang muli ni Rosell bago nagdesisyong sumunod sa isa sa mga bouncer.
Pagkaapak pa lang sa loob ay pumainlang ang nakakabinging ingay ng musika. Masakit sa mata ang iba’t-ibang kulay ng ilaw. Masakit sa ilong ang amoy ng alak at sigarilyo. Maraming mga lasing ang nagsasayawan sa dance floor. Habang ang mga pole dancers, servers, at ibang mga escorts ay napaka-sexy ng mga suot.
Hindi niya naisip na ganito pala ang kaganapan sa loob ng bar. Muntik pa siyang masuka nang may makitang naghahalikan sa madilim na bahagi.
“Dito po tayo, Ma’am.”
Umakyat sila sa second floor hanggang sa dinala sila nito sa parteng hindi na masiyadong maingay. Nakita niya ang pangalang VIP sa parteng iyon.
Binuksan ng bouncer ang pinakadulo at ang pinakamalaki ring kwarto. Nang mabuksan iyon ay tumambad sa kanila ang isang magandang opisina.
“Magandang gabi, Boss. Nandito po si Ma’am Maya.”
Agad na lumabas ang bouncer at iniwan sila ni Rosell sa loob. Doon ay nakita nila si Simon na nagbibilang ng pera nito kasama ang dalawa pang kalalakihan. Napataas ang gilid ng labi nito nang makita siya.
“My dear. What a surprise! Maupo kayo.”
Halos mapangiwi naman siya nang hinaplos nito ang sariling bigote. Kunot ang noo niya habang inililibot ang paningin.
“Kinikilabutan na talaga ako, Maya,” bulong ni Rosell sa kaniya.
Tahimik silang umupo sa sofa. Nasa harap nila ay ang dalawang kalalakihan na hindi rin maganda ang mga tinging iginagawad sa kanila.
“What brings you here, my dear?”
Narinig niya ang reklamo muli ni Rosell ngunit pinigilan niya ito.
“Kukuha ako ng loan.”
“Ows? Bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin, my dear? Parang noon ay ayaw na ayaw mong umutang kahit na halos asin na lang ang kainin mo.”
Totoo. Ngunit iba na ngayon. Kailangan niya ng pera.
“Pwede bang pahiramin mo na lang ako ng walang maraming tanong? Babayaran ko rin naman ‘yan.”
“Okay, calm down. Pahihiramin naman talaga kita, my dear. How much do you want?”
Naramdaman niya ang mahigpit na hawak ni Rosell sa kaniyang braso.
“One hundred thousand.”
Napatawa si Simon sa kaniyang sinabi.
“Hmm. Sigurado ka ba diyan, my dear? Napakalaking halaga niyan. Alam mo naman na triple ang interes ko.”
“Alam ko.”
“Iyan ang gusto ko sa’yo, my dear,” anito sabay tawa.
Tumayo si Simon at lumapit sa kaniya. Naupo ito sa kaniyang tabi kaya agad siyang hinila ni Rosell palayo. Hindi naman siya nagpatinag. Ayaw niyang magalit ito sa kaniya lalo na’t kailangan niya ngayon ng pera.
“Pero kung gusto mo, pwede ko namang alisin ang interes.”
Kinuha ni Simon ang kaniyang kamay at hinalikan ito. Mabilis niya naman iyong binawi.
“Saan na ang pipirmahan ko?”
Tumawa muli ang matanda. Gustuhin niya mang sapakin ito ay pinigilan niya ang sarili.
“Hinay-hinay lang, my dear. Mahaba pa ang gabi.”
Sinenyasan nito ang isang tauhan na ihanda ang dokumento. Pagkatapos ay nagsalin ito ng alak sa dalawang baso na nasa ibabaw ng mesang nasa harapan nila.
“Sandali! Hindi umiinom si Maya. Ako ang iinom niyan,” sabat ni Rosell.
“Huwag kang makisali dito,” singhal ni Simon kay Rosell.
Sasabat pa sana muli si Rosell ngunit pinigilan niya ito.
“Ayos lang,” pagtitiyak niya sa kaibigan.
“Ganito, my dear. Kung iinumin mo ang isang baso nito, hindi na kita bibigyan ng interes.”
“Maya!” pag-alma ng kaibigan. “Huwag kang iinom!”
Hindi pa niya kailanman nasusubukang uminom ng alak. Sa amoy pa lang no’n ay nasusuka na siya. Pero susubukan niya kung kinakailangan. Sayang din ang alok nito.
Hinawakan niya ang baso. Naaaliw namang tumawa si Simon.
“Cheers?”
Hindi na niya sinagot iyon at sa halip ay tinungga ang buong laman ng baso. One shot lang iyon. Bottoms up.
Nag-alala namang napahawak si Rosell sa braso ng kaibigan.
MAKAILANG beses nang tumunog ang kaniyang cellphone sa gitna ng pagmamaneho. Mataman lang niyang tinititigan ang pangalan ng tumatawag.
My love calling…
Naiinis siya dahil hindi pa rin niya napapalitan ang nickname nito sa kaniyang contacts.
After a few seconds, the call stopped. Mapapagod rin ito sa katatawag sa kaniya. At bakit nga ba siya ang tinatawagan? Bakit hindi doon sa iba niya? Bakit parang wala lang nangyari? Bakit wala itong sinabi noong engagement party nila?
Ilang beses niyang pinaghahampas ang manibela bago inihinto ang kotse. Nagalusan agad ang kaniyang kamay ngunit hindi niya ramdam ang sakit. Hindi niya rin ininda ang sakit ng ulo sa dami ng kaniyang ininom.
It hurts. But nothing hurts more than his heart.
Muling tumunog ang kaniyang cellphone. Handa na niya iyong patayin ngunit nang makitang si Gilbert na ang tumatawag ay kinalma niya ang sarili. Sinagot niya rin ito pagkaraan.
“Sir! Malaking problema.”
“What is it about, Gilbert?”
“Inimbestigahan po namin ang owner ng Simon’s bar na si Simon Rivera. Napag-alaman po namin na ilang beses na po siyang inireklamo for sex assault, rape, money laundering, at pambubugbog.”
“So? What do you want me to do?” bored niyang tanong habang hinihilot ang kaniyang sentido.
“Sir, nakalimutan niyo po ba? Si Ms. Aguilar po, pumunta po siya doon sa bar para kumuha ng loan at—”
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni Gilbert at agad niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan. Tila biglang tumaas ang init ng kaniyang ulo. What trouble is this again?
“Let our men clean the area first. Siguraduhin niyong walang galos si Mariyanna Aguilar!”
NATUMBA si Maya nang sinubukan niyang tumayo. Ano’ng meron sa kaniyang ininom at bakit sobrang lakas ng tama nito sa kaniya?
Umiikot na ang kaniyang paningin at ang tangi niyang nakikita ay ang ngisi ni Simon at ng mga kasamahan nito sa kaniya.
Inilibot niya ang tingin upang hanapin si Rosell. Nakita niya itong nakahiga sa sofa at walang malay. Ano’ng nangyari? Bakit nahimatay si Rosell? Bakit hindi niya makontrol ang sarili? Bakit napakainit ng kaniyang pakiramdam?
Agad na may lumapit sa kaniya at hinaplos siya sa bewang. Nang balingan niya ito ay ang nakakalokong mukha ni Simon ang kaniyang nakita. Nakaramdam agad siya ng takot.
“Boss, ano’ng gagawin namin sa isang ‘to?” tukoy nila kay Rosell.
“Sa inyo na ang pangit na ‘yan. Sa akin itong si Maya. Matagal na akong nanggigigil sa babaeng ‘to. Nagmamatigas pa kasi.”
Naramdaman niyang hinalikan siya ni Simon sa kaniyang leeg. Sinubukan niyang manlaban ngunit pawang nawalan siya ng lakas.
“Sige, boss. Pagtatiyagaan na namin ang isang ‘to.”
Tumulo ang kaniyang luha nang tumingin siya kay Rosell na unti-unting hinuhubaran ng mga lalaki.
“Hu…wag. Huwag… R-rosell,” mahina ang kaniyang boses.
Sa natitira niyang ulirat ay sinipa niya ang p*********i ni Simon. Napahiyaw naman sa sakit ang matanda. Hindi pwedeng pati si Rosell ay mapahamak nang dahil sa kaniya.
Sinubukan niya muling abutin ang kaniyang kaibigan. Kahit na gumagapang na siya sa sahig ay binuhos niya ang buong lakas.
Nang halos maabot na niya si Rosell ay may dumakot ng kaniyang buhok. Napakasakit. Sa sobrang sakit ay napaiyak siyang muli.
“Saan ka pupunta, my dear? Magsasaya pa tayo. Huwag mo akong galitin kung gusto mo pang makuha ang pera mo.”
Malakas siyang sinampal ni Simon at sumalampak siyang muli sa sahig. Naramdaman niyang muli ang nakakadiring halik ni Simon sa kaniyang likod.
Tahimik siyang umiyak habang unti-unting dumidilim ang kaniyang paningin. She felt sorry for Rosell. Nakikita niya ito ngunit wala siyang magawa. Mapapahamak ang kaniyang kaibigan. Naiinis siya sa sarili at pinipilit na buksan ang mga mata ngunit mabigat ito.
Ang huli niyang nakita ay ang malakas na pagbukas ng pintuan at ang isang bulto ng lalaki. Doon na siya tuluyang nahila ng kaniyang diwa.
PROBLEMA She dreamed that someone was caressing her body. Softly nibbling her skin and even kissed her lips. The kiss was too intoxicating. Hindi niya pa iyon nararanasan. Ngayon lang niya nalaman na ganoon pala ito kasarap. Nalalasahan niya ang dila ng kung sino mang sumakop sa kaniyang bibig. It was something new. Something she have never felt before. She dreamed that her body is on fire and someone is on top of her. Mabigat ngunit mainit. She liked the heat that was embracing every inch of her skin. Bakit kakaiba? Kakaiba ang hatid nito sa kaniyang kaibuturan. Tila sinisilaban siya at hindi siya mapakali. Mapusok ang mga halik na dumadapo sa kaniyang balat. She felt it too. That thick and hard thing that entered her. It was painful at first. Hindi niya kaya. Hindi niya alam kung bakit napakasakit niyon. Nahati ata ang katawan niya sa gitna. "Oh, shit! You're a virgin?!" the voice growled like a mad man. "Ang... sakit. Aw! Please, ang sakit," she begged. Her insides clutched
FORCED AGREEMENTINGAT na ingat sina Maya at Rosell habang naglalakad pauwi sa kanila. Pahirapan pa kanina ang kanilang biyahe. Tila mga kriminal sila na takot mahuli ng publiko.Kanina pa siya kinakabahan habang may nakakasalubong. Halos lahat ng mga tao ay hawak-hawak ang kanilang mga cellphone. Pinag-uusapan ang tungkol sa kaniya at kay Lorenzo Tanaleon III.Hindi nakatakas sa kaniya ang mga insulto at masasamang salita ng mga ito. Galit na galit ang mga tao dahil sinira niya raw ang perpektong relasyon nina Lorenzo at Valerie. Iniisip ng lahat na sadya siyang nagpabuntis kay Lorenzo Tanaleon III upang maitali niya ito.She’s very frustrated. Hindi pa nga nila alam ang katotohanan ay hinuhusgahan na siya. Kapag talaga mahirap ay wala ng
SIGNED She sighed as she gripped tightly with the pen in her hands. As soon as she declared to her grandfather that she’s getting married, many things then happened quickly. “Ano’ng problema, Ms. Aguilar? Sign it now.” Napi-pressure siya kay Lorenzo Tanaleon III. Kanina pa nito ibinigay sa kaniya ang kontrata at pen para mapirmahan niya na ito. Ngunit sa kabilang banda, nandoon pa rin ang galit niya. May isang bahagi ng kaniyang isipan na sinasabing huwag siyang magpauto. “Pwede bang pag-isipan ko muna ito nang maigi? Bigyan mo ‘ko ng panahon.” Napatingin siya sa lalaki na nakaupo sa harap niya. He crossed his arms with his serious stance. Kanina pa siya nilalamig, hindi lamang dahil sa aircon sa loob ng opisina nito kundi dahil sa nakakakabang tingin ng lalaki sa kaniya. “You have me waited for quite awhile, Ms. Aguilar. Alam mo bang ikaw dapat ang mas desperado sa bagay na ito? Ikaw ang nangan
OFFICIALLY MRS. TANALEON Napangalumbaba si Rosell habang nakatitig sa kaibigan. Naiinis siya hanggang ngayon dahil sa pumayag ito kay Lorenzo Tanaleon III. Ngunit wala siyang magagawa. She will just respect her decision and support her as best as she can. “Galit ka pa rin ba?” tanong sa kaniya ni Maya. Tumayo siya at lumapit sa kaibigan. Pareho silang napatingin kay Lolo Binong na masayang nakatitig sa ultrasound photos ng baby ‘kuno’ ni Maya. “Tinanong mo pa. Ano ba ang kailangan ng Lorenzo na ‘yon? Bakit ka niya susunduin?” Sinenyasan siya ng kaibigan na hinaan ang kaniyang boses dahil maririnig ng kaniyang lolo. “May… pupuntahan ka, apo?” tanong ni Lolo Binong kay Maya. Narinig ng matanda ang kaniyang
RUINED Hindi mapakali si Maya habang nakaupo sa loob ng kotse ni Lorenzo Tanaleon III. Kanina pa niya iniisip ang sinabi nito sa mga media. Bigla-bigla lang nitong sinabi na kasal na sila. Ano ba ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito? Isa pa, papunta sila ngayon sa press conference. Kung hindi siya nagkakamali ay nandoon ang Don at Donya, ang mga magulang ni Lorenzo, at ang mga Huesca. Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya nang todo sa puntong pawang kakawala na ang kaniyang puso sa kaniyang katawan. “P-pwede bang hindi na ako magpakita do’n?” “Why not? You’re the most important person that should be in that press conference. And besides, I’ve have already promised lolo and lola that you’d be coming.” Pinagpawisan siya ng malamig. Hindi niya alam kung ano’ng mga tanong ang ibabat
SECRET Awkward siyang nakaupo sa tabi ni Lorenzo sa hapag-kainan. At first, she was amazed by how the mansion screams royalty and wealth. A mix of château, a castle in France and empyreal Victorian style. Tila isang palasyo na nakikita sa pelikula sa sobrang enggrande. Kahit ang long table at dinner chairs ay napakagara. Of course, the food is like a feast of the Queens and Kings. Gustuhin niya mang kumain ng marami ay hindi niya naman magawa. Bukod sa hindi siya marunong gumamit ng eating utensils ng mayayaman, napakabigat din ng tensiyon sa paligid. "So... Kailan pa kayo naging magkasintahan? Valerie never told us that Enzo has already someone he loves. We're very sorry to almost ruin your relationship," ani Soledad Huesca. Napatikhim siya, hindi alam ang isasagot. Kung susumah
TROUBLE Sobrang sakit ng kamay niya mula sa pagkakahila ni Lorenzo. Galit na galit habang kinakaladkad siya pabalik sa kwarto nito. Nang makarating ay sinara agad ng lalaki ang pinto at binitawan siya. Napamura siya sa isipan nang muntik nang masubsob sa sahig. “Ano’ng bang problema mo?! Plano mo bang bugbugin ako, ha?!” anas niya rito. Lumapit sa kaniya ang lalaki at mahigpit siyang hinawakan sa balikat. Napaupo tuloy siya sa gilid ng kama. “I told you to go take a bath. Why did you go out?” galit din nitong balik. “Aray! Ano ba?! Hindi ko naman kasalanan na marinig ang usapan nila!” Sinubukan niyang alisin ang kamay ng lalaki ngunit masiyado itong mabigat at mahigpit. “What did you hear?” mas kalmado ni
ACCIDENT Mabilis na niyakap ni Maya si Donya Emilia nang makarating sa ospital. Nasa labas sila ng operating room ni Don Lorenzo at naroroon ang buong pamilya Tanaleon. Bukod sa pag-aalala niya sa kalagayan ng Don ay nag-aalala rin siya sa Donya na patuloy sa pag-iyak. Sina Ruella Tanaleon ay maarteng umiiyak kasama si Darica Corpuz sa upuan. Señor Lorenzo Tanaleon II is on his phone talking to someone while Lorenzo is standing in front of the operating room while seriously chatting to Gilbert. "Hija, it was so sudden! He was... still fine when he bid goodbye from home... Then suddenly," hindi matuloy ng Donya ang kaniyang sasabihin dahil sa pagkabalisa. "Ayos lang po 'yan. Huwag po kayong masiyadong mag-alala. Kakayanin po ni Don Lorenzo— I mean ni Lolo. Magtiwala po tayo sa Diyos," pag-alo niya sa matanda. Napalingon si Lorenzo at doon nahanap ang kaniyang tingin. Hindi niya mabasa kung ano'ng nararamdaman nito sa panahong ito. He's keeping a poker face and looked undaunted with
HOPES“Kamusta, Ate Maya? Maganda ba sa Tagaytay?” tanong ni Derlyn.After their short vacation and supposed “honeymoon”, which unexpectedly happened, they got home completely on different status. She was bombarded with questions after everyone noticed something different between her and Lorenzo. Ang nakakaginhawa lang doon para sa kaniya ay nawala na ang mga bisita. Nang makauwi sila ay tahimik nang muli ang buong mansiyon. “Maganda naman. Ang ganda ng mga beach doon.”“Patingin naman ng pictures, Ate Maya. Kahit sa pictures na lang at makita ko,” pamimilit ng batang kasambahay.Napaisip siya nang ilang sandali bago ito pinagbigyan. Kinuha niya ang phone at unang bumungad ang kaniyang wallpaper na litrato nila ni Lorenzo. Nakapikit siya habang nakahalik ang lalaki sa kaniyang pisngi. Narinig niya ang impit na kilig ni Derlyn sa kaniyang tabi. Samantalang siya nama’y nagulat na makita iyon. Paanong nag-iba ang kaniyang wallpaper? Did Lorenzo changed it without her knowing? Moreover,
REAL Natigilan siya sa mga salita nito. Tila namingi siya ng ilang sandali bago niya pinilig ang ulo. Lasing lang ito. Hindi nito alam ang sinasabi. Ipinagpatuloy niya pagpupunas sa lalaki. Nahihirapan siya sa ginagawa dahil sa nakaupo ito. Pinigilan nitong muli ang kaniyang kamay at marahang hinalikan. She felt an electrifying sensation travelling from her hands to her whole body. “Maya, I love you,” ulit nito. Her heart beat crazily. Tila kakawala na sa kaniyang dib-dib. She was so nervous that she can’t find the right words to answer him. “L-lasing ka. Lorenzo, nasa ilalim ka ng droga, okay? Huwag kang magsalita nang hindi mo alam,” aniya at napaiwas ng tingin sa lalaki. “Hindi ako lasing. Totoong mahal kita. It was actually you even before. I was looking for you for so long. You’re that little girl from long ago.” Lorenzo cupped her face and looked at her with a longing look. Lasing na nga ito. Kung ano-ano na ang pinagsasabi. “Lorenzo, matulog ka na—" “Look at me, Maya. D
LOVE Napakagat siya nang labi habang nakaangkla ang braso kay Lorenzo. Her lips are swollen from their long kiss earlier. Halos hindi siya tantanan ng lalaki. Kung hindi pa niya pinilit ito na kailangan na nilang umalis dahil may pupuntahan pa silang importanteng banquet ay baka buong gabi na silang naghalikan. Eyes turned to them when they entered the banquet hall in Luz De La Luna Resort and Hotel. It's not like a typical resort and hotel. It's rather grand and imperial. The guests were all wearing their formal gowns and tuxedos. It was unusual knowing that the sea is just few meters from the place. Kitang-kita ang ibang mga turista na naroroon pa rin sa dalampasigan kahit gabi na. There are cottages and coconut trees around. Almost the same to Boracay. "Mr. Tanaleon! Glad that you came!" a man in 50s with visible stubble approached them, a woman is beside him and she assumed it's his wife. "Of course, Mr. and Mrs. De La Luna. We won't decline your invitation." Propesyunal na n
YOU Tomorrow can’t really be pre-determined. And he’s more unpredictable like the future. She’s torn between trusting him or following her own mind instincts. Valerie: Maya, I just want to ask if he has agreed to meet me? Tanong iyon ng babae matapos ang ilang araw nang mag-usap sila sa kompanya. Halos araw-araw siya nitong kinukulit ng tungkol doon. As usual, she replied the same thing. To Valerie: I’m sorry po, Ms. Val. Hindi pa ako nakakatiyempo. Pero huwag po kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para pumayag siya. Lorenzo didn’t give her a clear answer to her plead but he never said he wouldn’t too. Hindi niya pa ito natatanong muli matapos ang araw na iyon. Iniiwasan nitong umabot sa babae ang kanilang usapan. He will always try to make a way to shift their conversation. Hindi niya na ito kinukulit dahil na rin sa naging abala ang kanilang linggo. Don Lorenzo has successfully discharged from the hospital. Sinalubong nila ang pag-uwi nito, even Lorenzo’s relatives were st
PLEASE Mabilis siyang napatayo nang lumapit ito. Why is she here? Maayos na ba ito? Hindi niya pa ito napapasalamatan sa pagligtas nito sa kaniya. “Maya…” Napatitig siya sa babae na tuloy-tuloy ang pagpasok sa opisina. Valerie’s high heels were excruciatingly painful in her ears. She’s wearing a long fur coat with a body hugging black dress inside. Her hair is bouncing with her every step. A million-worth bag is hanging in her arms. She has a light makeup that complimented her fair skin. Hinubad nito ang aviator na tumatabon sa mga mata. “I’m sorry, Maya. I didn’t know you’re working here,” anito at nahihiyang nakatayo sa kaniyang harap. “Walang kaso, Ms. Valerie. Maupo ka,” inilahad niya ang sofa. Napatingin roon ang babae bago bumaling sa kaniya at ngumiti. Naupo rin ito at sinampal na naman siya ng hindi mapantayang agwat mula sa babae. “I’m sorry for my sudden visit. Malapit lang kasi rito ang shooting namin kaya… dumiretso na ako.” Napatango siya, hindi niya alam kung ano
HARD Sobrang sama ng kaniyang pakiramdam sa kanilang pag-uwi. She can’t help having the thoughts running through her mind. Masakit pa rin palang marinig sa iba. Pinilig niya ang ulo. Hindi siya iiyak. Those petty things are already certain. She shouldn’t get affected. Nagpaalam sila matapos ang mahabang gabi. Pagod na agad siya. Walang lakas para magalit sa lalaki. “What’s wrong? You’re sleepy?” tanong nito sa kaniya nang iwasan nito ang kamay ng lalaki. Napasandal siya sa bintana ng kotse at ipinikit ang mga mata. Paraan niya lang ito upang hindi sila magkausap. Her whole mood is ruined. Ayaw niyang sumbatan ito lalo na’t wala naman talaga itong tungkulin na alamin ang mga nararamdaman niya o kahit aluin siya. Hindi nito kailangang magpaliwanag. Buong biyahe ay pagtango lang at pag-iling ang sagot niya sa lalaki. Why is she feeling this anyway? Gusto niya ba ito? Hindi naman, ‘di ba? Ginagawa niya lang ito dahil sa batang nasa kaniyang tiyan. O talagang tama si Rosell? Nahuhulog
HURT Her breath hitched as they entered the meeting room. She already expected this much pressure. Isa talagang malaking pagkakamali ang pumasok siya roon. Big personalities were sitting on the conference table. Nakapalibot ang table na ito sa malaking kwarto. May mga name plate sa harap, kinikilala ang mga pangalan at posisyon ng mga ito sa Tanaleon Empire. Hindi nawala ang mga in-laws niya sa papel na sina Señor Lorenzo II, ang Vice Chairman at ang asawa nitong si Ruella Tanaleon, isang shareholder. Only Victor Huesca is there to represent the Huesca Hotels. Maaaring inaalagaan pa ngayon ni Soledad Huesca ang anak nitong si Valerie sa ospital. Hindi niya kayang isa-isahin ang mga tao sa loob. Masiyang mabigat ang mga mapanuring tingin ng mga ito at natatakot siyang may ma-offend kung titignan pa niya ang mga ito. Darica Corpuz is present as the Vice Director of the company. Nakatayo ito sa gitna sa tapat ng microphone at nagsasalita ngunit natigilan lang nang pumasok sila. Some
INNOCENT Naliliyo si Maya sa tagal ng kanilang halikan. Lorenzo keeps on nibbling her lips and sucking her tongue. Hindi siya makahinga sa ginagawa nito. Hanggang saan aabot ang kanilang halikan? Hindi naman nila siguro gagawin ang ‘bagay’ na ‘yon, ‘di ba? Naalala niya ang sabi ng doktora sa klinikang kaniyang pinag-checkup-an. Her baby is very healthy, no complications in her pregnancy. So, sex is allowed. It would help her improve her sexual arousal. Hindi niya raw kailangang pigilan ang sexual drive dahil maganda ang epekto niyon sa kaniya. Ano ba itong iniisip niya? Hindi pa rin pwede! Bakit ba siya gumagawa ng rason? Gusto niya talagang umabot sila sa ganoon? She got flustered the moment he grinded his hard-on on her crotch. Kahit ang sumasagabal na tela ng kanilang mga gitna ay kinilabutan siya sa kakaibang dulot nito. She can’t imagine what they did that night. How does it feel? Hindi niya matandaan. Sakit lang yata ang nakuha niya at ngayon itong bata sa kaniyang tiyan. Mu
CUDDLE Tahimik siyang nagpaalam kay Rosell matapos ang umagang iyon. Halos ayaw rin siyang pakawalan ni Kael. Kung hindi pa ito pinagsabihan ni Rosell ay baka magtagal pa ang pagpapaliwanag niya rito na kailangan na niyang umuwi. “Sasama ka pa rin sa lalaking ‘yon, Maya? Halatang nag-away kayong dalawa. Pansin ko ang lamig ng. Paano kung may gawin siya sa’yo, Maya? Paano kung saktan ka niya? He’s ruthless and impatient.” “Ano ka ba, Kael? Natural lang na sumama si Maya kay Lorenzo. Mag-asawa silang dalawa at nasa iisang bahay nakatira. Huwag ka nang makialam sa buhay nila.” Agad niyang napansin ang lungkot na bumalatay sa mukha ni Kael. Binalingan siya nito at nakitang napalitan ng disappointment ang mga mata nito. “Pasensiya na, Kael. Pero sasabihin ko sa’yo ‘to ulit. Sana ay respetuhin mo ang desisyon ko. At tama si Rosell. Problema namin itong mag-asawa.” Hindi na nagsalita pang muli si Kael. She used that chance to say goodbye to them. Kanina pa kasi naghihintay si Lorenzo sa