Share

Kabanata 2

Author: desantrix
last update Last Updated: 2022-03-06 21:46:41

BUNTIS AKO!

Tila naestatwa ang lahat sa kaniyang rebelasyon. Halos lumuwa na ang kanilang mga mata.

Walang reaksiyon si Lorenzo Tanaleon III. Ang Don at ang Donya ay may gulat sa mukha ngunit mas lamang ang pag-alala. Ang mga Huesca ay hindi rin nakagalaw liban kay Valerie Huesca na tila kalmado sa nangyari. Si Mrs. Ruella Tanaleon ay biglang nahimatay na agad namang nasalo ng kaniyang asawa.

Nang mahismasan ang media ay nagsimula muli sa pag-flash ang mga camera. Dinumog agad siya ng mga reporters.

“Totoo po ba ang sinasabi niyo, Ma’am?”

“Ano’ng pangalan niyo po, Ma’am? Talagang buntis kayo?”

“Si Señorito Lorenzo Tanaleon III po ba ang ama?”

“Pakiklaro po ng sinabi niyo, Ma’am.”

It hit her. Ano ang kaniyang ginawa? Ano’ng gulo ang kaniyang pinasukan? Parang gusto niyang lamunin siya ng lupa.

Ayos lang ‘yan, Maya. Kumalma ka. Para ‘to sa mga kasamahan mo. Isipin mo ang kalagayan nila. Kaunting hiya lang.

Pakiramdam niya’y mabubuwal siya sa pagtutulakan ng mga reporters. Nasa kaniya na talaga ang lahat ng atensiyon. Sobrang nahihilo siya sa sunod-sunod na mga tanong nito.

Isa lang ang paraan para maiwasan niya ang mga tanong ng mga reporters. Ganoon nga ang gagawin niya.

Pumikit siya at umarte na namang muli. Hinayaan niya ang sarili na matumba at umaktong mahimatay. Nagsinghapan ang mga taong nakapalibot sa kaniya ngunit wala man lang nakapigil sa pagkakatumba niya sa lupa.

Mas lalong nakakahiya dahil wala man lang tumulong sa kaniya. Sa halip ay dinumog lang siya ng mga ito. Nais niyang matunaw sa labis na kahihiyan.

“Ano’ng ginagawa ninyo?! Tumawag kayo ng ambulansiya! Guards! Pakikontrol ng mga media.”

Kung sino man ang sumigaw ay pinagpasalamatan niya iyon. Habang tumatagal ay mas lalo siyang kinakabahan sa kaniyang nagawang gulo.

Marami siyang naririnig na boses na nakapalibot sa kaniya. Ilang sandali pa ng maramdaman niya ang pag-angat ng kaniyang katawan. Alam niyang ang guwardiya ang bumuhat sa kaniya dahil sa sandali siyang napamulat.

Gustuhin niya mang magreklamo  ay pinigilan niya ang sarili. Hindi ito ang panahon para mag-inarte pa siya. Ang prayoridad niya ay ang makaalis siya sa lugar na iyon.

“Enzo, ikaw ang magdala sa kaniya sa ospital,” mariin na utos ng Don.

“Why would I do that? I’ll help mom first.”

“No, hijo. You should prioritize this little girl. Maraming magdadala ng mama mo sa ospital. Worry more on your girlfriend. Nakakaawa kung pababayaan mo lang siya.”

Girlfriend? Muntik na siyang mapaubo sa sinabi ng Donya.

“But, Lola—”

“Lorenzo III. Panindigan mo ‘yan. O gusto mong mapahiya?” seryoso ang banta ng Don.

Ramdam niya ang tensiyon sa gitna ng maglolo. What have she done? Malaking gulo talaga ito.

“We will just settle this party pagkatapos ay susunod kami sa hospital,” anang Donya.

After a while, she heard Lorenzo Tanaleon III’s sigh of defeat. Wala itong nagawa kundi sundin ang utos ng Don at Donya. She felt his touch on her back. Sa isang iglap ay buhat na siya ni Señorito Lorenzo III.

Hindi niya maiwasang mapakunot ang noo sa panlalaking pabango na sumalakay sa kaniyang ilong. Ngayon lang siya naging ganito kalapit sa isang lalaki. Napakatahimik nito habang buhat-buhat siya patungo sa kung saan.

“Señorito Enzo, kami na po ang bahala sa kaniya.”

Naramdaman niya ang pagtama ng kaniyang katawan sa upuan. Sa hinuha niya’y ipinasok siya nito sa loob ng sasakyan.

“No need.”

Nanigas siya nang marinig ang buo nitong boses. Sa malapitan ay nakakatakot ito. His presence is so heavy and nerve-wracking.

Now, she wonders if Lorenzo Tanaleon III really believed that she’s pregnant with his child?

Kinilabutan siya sa ideyang iyon. Imposible. Alam niyang playboy ito ngunit hindi ito tanga. Kung ano man ang binabalak ng lalaki ay kinakabahan na siya.

Halos mapatalon siya sa gulat sa malakas nitong pagsarado sa pinto ng kotse. Galit kaya ito?

Tinanong pa niya. No doubt. Galit ito.

Hindi siya nakatiis at binuksan niya ang mga mata. Kailangan niyang makita ang nangyayari. Mabuti na lang at heavily tinted ang kotse kaya malaya siyang makakapamasid sa labas.

She suddenly felt uncomfortable as the car smells filthy expensive. She wouldn’t dare mess with it.

“Third…” mahinang tawag ng isang tinig.

Sa malayo ay nakita niya ang papalapit na babae na may mahinhing kilos at ganda. Sa likod nito ay nakasunod ang isang matangkad na lalaki.

“What’s happening? Do you know that girl?” kalmadong tanong ng babae.

Hindi siya pamilyar sa babae ngunit ang lalaking katabi nito ay namumukhaan niya. Iyon ang kapatid ni Valerie Huesca na si Vester!

Lagot siya nito. Siguradong galit ang lahat sa kaniya. Sinira niya ang isang pinakainaabangang engagement sa buong bansa.

“Do you really believe what she said, Third? From what I have observed, she wouldn’t pass your standards,” the woman said in a classy tone.

Napangiwi siya sa narinig. Totoo nga naman. Who would believe that she was impregnated by the most sought-after bachelor in the country? Kahit nga siguro ang paghawak sa kaniya ay hindi nito gagawin.

Napilitan lang ito kanina sa pagbuhat sa kaniya dahil sa utos ng Don at Donya.

“Saan nanggaling ang babaeng ‘yon? Did you know her? Did you ask her what she wants? Bakit niya sinira ang engagement niyo ni Val?”

“She’s unconscious, Darica. We’ll know if she’s awake,” sabat ni Vester Huesca.

“It’s obvious na nagsisinungaling ang babaeng ‘yon. Maybe she’s one of your stalkers, Third? Or mga obsessed na babaeng palaging naghahabol sa’yo.”

Napakunot ang kaniyang noo sa paratang nito. Totoong nagsinungaling nga siya pero hindi siya stalker at lalong hindi siya obsessed. Ngayon nga lang niya nalapitan si Lorenzo Tanaleon III.

Nunka siyang magkakagusto sa lalaking iyon. Kahit saksakan pa ito ng yaman, hindi niya ito magugustuhan.

“We’ll check if she’s really lying.”

“What do you mean, Third? Ano pang kailangang i-check?”

“It’s fine, Darica. We need evidence to prove if she’s really pregnant or what. Ako na ang mag-a-arrange ng ob-gyn. I know someone very reliable.”

Tila namalat ang lalamunan niya sa sinabi ni Vester Huesca. Oo nga pala at doktor ito. Paniguradong marami itong kakilalang doktor din. Sa oras na dalhin siya sa ospital ay malalagot siya. Malalaman ng lahat ang kaniyang kasinungalingan.

Kinakabahan siya ngunit wala ng bawian ito. Nakuha na niya ang atensiyon ng Don. Ang kailangan niya lang gawin ay ang makausap ito. ‘Di bale na ang kahihiyan pagkatapos basta’t makakausap niya ang Don na ipatigil ang pagpapatayo ng hotel sa kanilang lugar.

“Fine. Let’s go. I want to know if it’s really true.”

Napalunok siyang muli bago pumikit. Let her fate depend on nature.

ALIGAGA si Rosell habang hinihintay si Maya. Hindi niya alam kung bakit masama ang kutob niya sa gagawin ng kaibigan. Kung sana ay sinamahan niya ito upang malaman niya kung nagtagumpay ba ito sa pakay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik o kahit isang mensahe man lang.

“Rosell! Ano bang ginagawa mo diyan? Tumutunganga ka na naman?! Ang daming delivery!”

Isa pa itong trabaho niya sa pizza house. Nakakairita ang kaniyang amo na siya lang palagi ang pinag-iinitan at inutuusan. Kung pwede lang siyang um-absent ay ginawa na niya.

Ang kaso ay mahirap humanap ng trabaho. Wala pa rin siyang natatanggap na sweldo. Marami-rami ang kaniyang raket ngunit kulang ito para sa pang-araw-araw nila.

“Opo!”

Sa huling beses ay sinubukan niyang tawagan ang kaibigan ngunit wala pa rin itong sagot. Nag-aalala siya para rito lalo na’t palagi itong padalos-dalos sa mga ginagawa.

“Rosell!”

Napairap siya sa muling tawag ng kaniyang amo. Wala siyang nagawa kundi ang ibaba ang kaniyang cellphone. Makikiramdam na lang siya sa mangyayari.

HINDI nga nagkamali si Maya na sa isang mamahaling ospital siya dinala ng mga Tanaleon. Kanina pa siya nakahiga sa hospital bed sa VIP ward at nakuhaan na rin ng dugo at kung ano-anong test.

At sa buong panahong nasa ospital siya ay hindi siya nagmulat ng mata. Nagtataka nga ang mga doktor kung bakit hindi pa rin siya nagigising dahil ayos lang naman daw ang kalagayan niya.

Naglakas loob lang siyang magmulat ng maramdamang wala na siyang kasama sa loob ng kwarto. Lumabas na sina Lorenzo Tanaleon III kasama si Vester Huesca at ang babaeng kasama ng mga iyon— si Darica Corpuz.

Narinig niyang kakausapin ng mga ito ang doktor at pupuntahan rin si Mrs. Ruella Tanaleon na nasa ospital din buhat ng mahimatay ito.

She surveyed the room before getting up. Kailangan niyang makalabas ngayon na mismo habang wala pang nakakaalam na hindi siya totoong buntis. Kung tama ang narinig niya kanina ay pupunta rin ang Don sa ospital. Hahanapin niya ito at kakausapin sa lalong madaling panahon.

Mabagal niyang binuksan ang pintuan at sumilip sa labas. Napatingin siya sa kanan at kaliwa. Nang masiguradong walang panganib ay tuluyan na siyang lumabas.

Pawa siyang magnanakaw na dahan-dahan sa bawat paggalaw. Ang problema ay napakalaki ng ospital. Kailangan niyang i-check ang lahat ng mga kwarto sa VIP ward. Sigurado kasi siyang isa sa mga kwartong iyon ang mga Tanaleon.

Panaka-naka’y yumuyuko siya sa tuwing may nakakasalubong na nurse o doktor. Napatigil lang siya nang mamataan sa malayo ang isang kwarto na may mga bodyguards pang nakabantay sa labas. Kinutuban na agad siya.

Mabilis siyang nagtago sa likod ng pader nang may lumabas sa kwarto. Nabuhayan agad siya ng loob ng makilala ang Don.

“Kamusta na siya?” tanong ng Don.

“Hindi pa rin po siya nagigising, Lolo.”

Naningkit ang mga mata niya nang makita si Darica Corpuz na nakaalalay sa matandang Don. Mukhang close ito sa matanda dahil tinawag pa nitong “Lolo”. Habang nakasunod sina Lorenzo Tanaleon III, Vester Huesca, at Donya Emilia.

“Nasaang kwarto siya?” tanong muli ng Don.

“Sasama ako, Papa!” biglang sigaw ni Mrs. Ruella Tanaleon na kakalabas lang din sa kwarto.

Nasa gilid nito ang asawang si Señor Lorenzo Tanaleon II.

“Hindi ka pa maayos, Ruella. Baka mahimatay ka ulit. Dito ka lang,” tanggi ng Don.

“No, Papa! I’ll see her myself,” matigas na tugon ni Ruella Tanaleon.

“Ruella—”

“Don’t worry, Dad. Pakakalmahin ko siya,” ani Señor Lorenzo Tanaleon II.

Hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang pasimpleng pagkapit ni Darica Corpuz sa braso ni Lorenzo Tanaleon III.

Hindi niya mapigilang muling mapaismid nang may mapagtanto. Bakit parang mas mukhang fiancée ng Lorenzo Tanaleon III si Darica Corpuz kaysa kay Valerie Huesca? Kung titignan niyang mabuti ay parang mas intimate ang dalawa.

Sa napapansin rin niya’y gusto ni Darica Corpuz si Lorenzo Tanaleon III. Sa paraan ng tingin na iginagawad ng babae sa señorito ay alam na alam niya ang kahulugan niyon. Mukhang interesado rin ang señorito sa dalaga. Kaya bakit hindi na lang ang mga ito ang nagkatuluyan?

Kung sabagay, mayaman nga naman ang mga Huesca. Kailangan nila ang kasalang ito para rin sa business. Iyon nga lang at maraming maaapektuhan.

At bakit ba wala ang mga Huesca rito? Bukod kay Vester Huesca, nasaan sila gayong nagkakagulo na?

And why does it concerns her? Problema nila iyon. Ang dapat niyang unahin ay ang sariling problema niya. Dapat na maisalba niya ang kanilang lugar at mapigilan ang banta ng pagsugod ng kaniyang mga kasamahan.

“You can go first. Kakausapin ko muna si Victor,” paalam ng Don habang nakatingin sa cellphone nito na biglang tumunog.

Alam niya na ang tinutukoy nitong Victor ay si Victor Huesca. Mukhang tumawag ito.

Bitbit ang tungkod ay tahimik na naglakad ang Don. Ito na ang kaniyang pagkakataon upang makausap ito.

Mabilis siyang sumunod sa matandang Don ngunit siniguro niya ring hindi siya mapapansin ng iba. Nang mapadako na ang Don sa garden ng ospital kung saan walang masiyadong tao ay sinagot nito ang tawag.

“We don’t know the situation as of now, Victor. Let’s see kung itutuloy pa natin ang ating proposal.”

Sandaling nanlaki ang kaniyang mata sa narinig. Mukhang may pag-asa nga na matigil ang pagpapatayo ng hotel.

“Huwag kang magsalita ng ganiyan, Victor. Kung sakaling dugo ng Tanaleon ang dinadala ng batang nasa sinapupunan ng dalagitang iyon, hindi ko siya maaaring pabayaan na lang. Ikakansela ko ora mismo ang kasal.”

She felt happy all of a sudden. Hindi nga siya nagkakamali na may paninindigan ang Don. Kahit na kaisipan lang iyon ay napatunayan niyang may puso pa rin ito.

Ngunit sa kabilang banda, kasinungalingan pa rin iyon. Malalaman lang din naman nito na hindi talaga siya totoong buntis. Parang sinayang niya lang ang kabaitan nito sa kaniya.

Kakausapin niya ito bago pa matapos ang gabing ito. Aamin siya mismo para hindi siya mas lalong ma-guilty.

“Kung nagsisinungaling ang batang iyon, ako mismo ang gagawa ng paraan para maresolba ang lahat ng ito. I’ll compensate for the humiliation,” huling sabi ng Don bago binaba ang tawag.

Bumuntong-hininga muna siya bago pinag-isipan ang lahat. Hindi na siya nag-atubiling lapitan ito.

“Don Lorenzo,” tawag niya rito.

Agad na lumingon ang matanda. Ang wrinkles nito ay mas lalong nadepina nang ngumiti.

“Hija! Bakit ka nandito? Maayos na ba ang kalagayan mo? Hindi na ba masakit ang ulo mo? Kamusta na ang apo ko sa tuhod?”

“Don Lorenzo, pwede ho ba kitang makausap?” hindi niya pinansin ang mga tanong nito tungkol sa bata ‘kuno’ na pinagbubuntis niya.

“Oo naman, hija. Maupo tayo. Huwag kang masiyadong magpagod.”

“Hindi na po kailangan, Don Lorenzo. Mabilis lang po ang sasabihin ko sa inyo at sana ay pakinggan niyo akong mabuti.”

Biglang sumeryoso ang Don dahil sa kaniyang tinuran. Mahigpit ang hawak nito sa kaniyang tungkod.

“Ako nga po pala si Maya. Mariyanna Aguilar. Isa po ako sa mga trabahador na nakikitira sa lupain ninyo sa hacienda.”

Sandaling nagulat ang Don sa kaniyang sinabi.

“Pasensiya na po sa gulong nagawa ko ngayong gabi. Pero ang lahat po niyon ay may rason kaya huwag niyo sanang isipin na ipinahiya ko ang pamilya ninyo. Pasensiya na po talaga.”

Walang reaksiyon ang Don kundi ang makinig sa kaniya. Mukhang bukas nga ang tenga ng matanda sa kaniyang mga sasabihin.

“Didiretsahin ko na po kayo, Don Lorenzo. Gusto ko po kayong pakiusapan na—”

Natigilan siya nang biglang may lumapit na mga bodyguards at hinatak siya palayo.

“Ano’ng nangyayari?!” biglang sigaw ng Don. “Dahan-dahan at dinadala niya ang apo ko!”

Napatigil naman ang mga bodyguards na parang napahiya.

“Paumanhin po, Don Lorenzo. Nagkakagulo po ang mga reporters sa labas ng ospital.”

“Akala ko ba ay pinatahimik na sila?”

“May isang modelo po na girlfriend daw ni Señorito Enzo na nagwawala. Nakapasok po siya ng ospital at nanggugulo.”

Binundol ng kaba ang kaniyang dib-dib. Hindi niya naisip na napaka-aggressive pala ng mga babae ni Lorenzo III.

Napailing ang Don sa narinig.

“Kahit kailan talaga at problema pa rin ang apo ko!” reklamo ng Don. “Bantayan niyong maigi si Maya. Kapag nagalusan ang apo ko ay malalagot kayo sa akin,” sabi nito saka naunang naglakad kasama ang mga mga bodyguards.

Siya rin ay may bantay sa magkabilang gilid.

Hindi pwede ito! Kailangan niyang makausap ang Don ngunit bakit biglang may kaguluhan?

Halos mapayuko siya nang makita sa malayo ang mga Tanaleon sa labas ng kaniyang kwarto. Nagkakagulo nga doon dahil may isang babae na naka-tube dress at heavy makeup ang nagsisigaw.

“Nasaan na ang babaeng ‘yon?! Tinatago niyo siya sa akin?!”

“Wala nga siya dito?! Nawala! Huwag kang manggulo! This is a hospital for Pete’s sake! Aren’t you ashamed?! Lasing ka pa?!” balik na sigaw ni Darica Corpuz.

“Darica, don’t waste your time on her,” pigil sa kaniya ni Vester Huesca.

“Buntis ba talaga siya?! O gumagawa lang ng istorya para mabingwit ang boyfriend ko?!” sigaw ulit ng modelo.

“Who’s your boyfriend here? Sa pagkakaalam ko ay break na kayo ni Third.”

Napataas ang kilay niya sa nasasaksihan. Hindi siya makapaniwalang makakakita siya ng ganitong klaseng away.

At talaga nga namang walang pakialam si Lorenzo Tanaleon III habang nagsasagutan ang mga babae niya. Abala ito sa kaniyang phone.

“Inggrata! Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad!” malditang anas ni Mrs. Ruella Tanaleon.

“Tita—”

“Don’t call me, Tita! I don’t even know you!”

“Honey, help me,” baling nito kay Lorenzo III.

Mabilis namang pumagitna si Ruella Tanaleon at itinulak ang modelo bago pa man nito malapitan ang señorito. Napapailing din ang Donya sa nangyayari at pasimpleng kinurot ang kaniyang apo.

“Get out of here instantly!” sigaw muli ni Mrs. Ruella Tanaleon. “May mga lawyers ako ngayon. Kakasuhan kita kung hindi ka pa aalis!”

“Ayoko! I’m not leaving! Ilabas niyo ang babaeng ‘yon! Hindi siya buntis! I’m sure hindi siya buntis! Enzo is not stupid to just fuck around recklessly!”

Nais niya nang mapaatras. Bakit siya ang target? Bakit hindi si Valerie Huesca? Hindi naman siya ang fiancée. Bakit siya pa ang pinag-iinitan? Nagsasayang lang ng laway ang modelong iyon gayong hindi naman siya totoong buntis.

Biglang nagsulputan ang mga reporters. Nahilo tuloy siya sa ingay at kaguluhan. Parang mga zombie ang mga ito na handang mangagat.

“Enough!”

Natahimik ang lahat sa sigaw ni Don Lorenzo. Mukhang stressed na talaga ito sa nangyayari.

“May mga ibang pasyente dito sa ospital. Huwag kayong gumawa ng gulo dito. Pakiusap at lumabas muna kayong lahat. Ang attorney ko ang sasagot ng mga katanungan ninyo.

“We’re very sorry, Don Tanaleon. But we want to know kung totoo ba talagang magkakaroon na kayo ng apo sa tuhod? May panganay na apo na ang mga Tanaleon? Sino po ang babaeng iyon? Saang pamilya po siya nanggaling? Ano po ang mangyayari sa kasunduan sa mga Huesca? Maitutuloy po ba ang kasal?” lakas na loob na tanong ng isang reporter.

“We will hold a press conference within this week. Wait for further announcement,” sabat ng attorney ng mga Huesca.

Agad namang kinontrol ang media at ang modelo. Pinaalis agad sila ng mga bodyguards. Ang mga Tanaleon naman ay pumasok sa kaniyang kwarto. Aalis pa sana siya ngunit bumaling sa kaniya ang Don kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod.

Pagkapasok niya ay nasa kaniya ang lahat ng mga mata. Hiyang-hiya siya habang nakatayo doon. She’s like a meat being judged if she is a premium quality or not.

Lorenzo Tanaleon III has a blank expression. His father, Lorenzo II looks too serious. Darica Corpuz is composed yet she’s not entirely happy about the situation. Vester Huesca has a smug look on his face like he’s underestimating her.

“Saan ka naman nanggaling? Nagkakagulo ang lahat dahil sa’yo. Plano mong tumakas?” tanong ni Mrs. Ruella Tanaleon.

“Ruella, enough. It’s too stuffy in here kaya siya naglibot sa ospital,” pagtanggol sa kaniya ng Don.

Lumapit din ang Donya sa kaniya at agad siyang pinaupo sa kaniyang hospital bed.

“You shouldn’t be going around at this time, hija. Alam ng lahat na buntis ka at kung nakita mo kanina, napakaagresibo ng mga tao. Paano kung makasalubong mo sila? Baka mapano ang apo namin.”

“Mama, do you really think she’s pregnant? Hindi ba’t nagsisinungaling lang siya?” nakataas ang kilay na tanong ni Mrs. Ruella Tanaleon.

“We will know after we hear the doctor’s statement.”

“Speaking of the results. Dr. Fuentes is here!” bulalas ni Mrs. Ruella Tanaleon.

Napatuwid ng upo ang lahat nang makita ang doktor dala ang resulta. Dinagundong agad siya ng kaba. Mabubuking na nga siya, mabubulilyaso pa ang plano niyang pagkausap sa Don kung magalit ito sa kaniya.

Ayos lang. Susubukan ko.

“What’s the result, Doc?” atat na tanong ni Mrs. Ruella Tanaleon.

Parang confident na talaga ang ginang na hindi siya buntis. Even Lorenzo Tanaleon III isn’t worried.

Pigil-hininga ang lahat habang naghihintay ng sagot ng doktor. Kulang na rin ay tumalon siya sa labas ng bintana upang makatakas.

“The result says…”

Naramdaman niya ang paghawak ng Donya sa kaniyang kamay. Napabaling siya rito at nakita niya ang ngiti nito.

“Ms. Aguilar is pregnant. Congratulations!”

Related chapters

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 3

    BUNTIS AKO?Naibuga ni Rosell ang iniinom na kape dahil sa nabasang text mula sa kaibigan. Umagang-umaga ay ninerbiyos siya sa mensahe nito.Mabilis niya itong tinawagan. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot ito.“Ano’ng buntis ka?! Bakit hindi ko alam?!” sigaw niya rito.“Hindi ko rin alam kung bakit ako buntis.”“Ano’ng hindi mo alam? Ano? Nabuntis ka sa isang gabi lang? Ano’ng gamot ang nadali mo? Ayusin mo nga ang sinasabi mo, Maya.”“Basta, puntahan mo ako ngayon sa ospital. Kailangan ko ang tulong mo. Sasabihin ko sa’yo ang lahat.”Sumakit ang ulo niya sa sinabi ng kaibigan. Ano’ng kabaliwan ang ginawa nito? Ano’ng bunti

    Last Updated : 2022-03-08
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 4

    MARRIAGE PROPOSAL“One year?!” sigaw ni Rosell.Ikinuwento ni Maya ang lahat simula noong nangyari sa engagement party, ang pagdala sa kaniya sa ospital, ang pagiging buntis “kuno” niya, at ang marriage proposal ni Lorenzo Tanaleon III.“Hinaan mo nga ang boses mo. Baka magising si Lolo.”Napalinga si Maya sa kaniyang lolo na mahimbing na natutulog sa hospital bed nito.“Ang kapal talaga ng mukha ng Lorenzo na ‘yan! Sinasabi ko sa’yo, Maya. Huwag na huwag kang pipirma sa marriage contract na ‘yan! Hindi ako papayag.”“Hindi naman ako pumayag, Rosell. Hindi ako pumirma at hindi ko pipirmahan.”“Eh, ano ‘yan? Bakit mo pa dinala ang marriag

    Last Updated : 2022-03-10
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 5

    PROBLEMA She dreamed that someone was caressing her body. Softly nibbling her skin and even kissed her lips. The kiss was too intoxicating. Hindi niya pa iyon nararanasan. Ngayon lang niya nalaman na ganoon pala ito kasarap. Nalalasahan niya ang dila ng kung sino mang sumakop sa kaniyang bibig. It was something new. Something she have never felt before. She dreamed that her body is on fire and someone is on top of her. Mabigat ngunit mainit. She liked the heat that was embracing every inch of her skin. Bakit kakaiba? Kakaiba ang hatid nito sa kaniyang kaibuturan. Tila sinisilaban siya at hindi siya mapakali. Mapusok ang mga halik na dumadapo sa kaniyang balat. She felt it too. That thick and hard thing that entered her. It was painful at first. Hindi niya kaya. Hindi niya alam kung bakit napakasakit niyon. Nahati ata ang katawan niya sa gitna. "Oh, shit! You're a virgin?!" the voice growled like a mad man. "Ang... sakit. Aw! Please, ang sakit," she begged. Her insides clutched

    Last Updated : 2022-03-14
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 6

    FORCED AGREEMENTINGAT na ingat sina Maya at Rosell habang naglalakad pauwi sa kanila. Pahirapan pa kanina ang kanilang biyahe. Tila mga kriminal sila na takot mahuli ng publiko.Kanina pa siya kinakabahan habang may nakakasalubong. Halos lahat ng mga tao ay hawak-hawak ang kanilang mga cellphone. Pinag-uusapan ang tungkol sa kaniya at kay Lorenzo Tanaleon III.Hindi nakatakas sa kaniya ang mga insulto at masasamang salita ng mga ito. Galit na galit ang mga tao dahil sinira niya raw ang perpektong relasyon nina Lorenzo at Valerie. Iniisip ng lahat na sadya siyang nagpabuntis kay Lorenzo Tanaleon III upang maitali niya ito.She’s very frustrated. Hindi pa nga nila alam ang katotohanan ay hinuhusgahan na siya. Kapag talaga mahirap ay wala ng

    Last Updated : 2022-03-17
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 7

    SIGNED She sighed as she gripped tightly with the pen in her hands. As soon as she declared to her grandfather that she’s getting married, many things then happened quickly. “Ano’ng problema, Ms. Aguilar? Sign it now.” Napi-pressure siya kay Lorenzo Tanaleon III. Kanina pa nito ibinigay sa kaniya ang kontrata at pen para mapirmahan niya na ito. Ngunit sa kabilang banda, nandoon pa rin ang galit niya. May isang bahagi ng kaniyang isipan na sinasabing huwag siyang magpauto. “Pwede bang pag-isipan ko muna ito nang maigi? Bigyan mo ‘ko ng panahon.” Napatingin siya sa lalaki na nakaupo sa harap niya. He crossed his arms with his serious stance. Kanina pa siya nilalamig, hindi lamang dahil sa aircon sa loob ng opisina nito kundi dahil sa nakakakabang tingin ng lalaki sa kaniya. “You have me waited for quite awhile, Ms. Aguilar. Alam mo bang ikaw dapat ang mas desperado sa bagay na ito? Ikaw ang nangan

    Last Updated : 2022-03-20
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 8

    OFFICIALLY MRS. TANALEON Napangalumbaba si Rosell habang nakatitig sa kaibigan. Naiinis siya hanggang ngayon dahil sa pumayag ito kay Lorenzo Tanaleon III. Ngunit wala siyang magagawa. She will just respect her decision and support her as best as she can. “Galit ka pa rin ba?” tanong sa kaniya ni Maya. Tumayo siya at lumapit sa kaibigan. Pareho silang napatingin kay Lolo Binong na masayang nakatitig sa ultrasound photos ng baby ‘kuno’ ni Maya. “Tinanong mo pa. Ano ba ang kailangan ng Lorenzo na ‘yon? Bakit ka niya susunduin?” Sinenyasan siya ng kaibigan na hinaan ang kaniyang boses dahil maririnig ng kaniyang lolo. “May… pupuntahan ka, apo?” tanong ni Lolo Binong kay Maya. Narinig ng matanda ang kaniyang

    Last Updated : 2022-03-22
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 9

    RUINED Hindi mapakali si Maya habang nakaupo sa loob ng kotse ni Lorenzo Tanaleon III. Kanina pa niya iniisip ang sinabi nito sa mga media. Bigla-bigla lang nitong sinabi na kasal na sila. Ano ba ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito? Isa pa, papunta sila ngayon sa press conference. Kung hindi siya nagkakamali ay nandoon ang Don at Donya, ang mga magulang ni Lorenzo, at ang mga Huesca. Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya nang todo sa puntong pawang kakawala na ang kaniyang puso sa kaniyang katawan. “P-pwede bang hindi na ako magpakita do’n?” “Why not? You’re the most important person that should be in that press conference. And besides, I’ve have already promised lolo and lola that you’d be coming.” Pinagpawisan siya ng malamig. Hindi niya alam kung ano’ng mga tanong ang ibabat

    Last Updated : 2022-03-24
  • Under The Same Moonlight   Kabanata 10

    SECRET Awkward siyang nakaupo sa tabi ni Lorenzo sa hapag-kainan. At first, she was amazed by how the mansion screams royalty and wealth. A mix of château, a castle in France and empyreal Victorian style. Tila isang palasyo na nakikita sa pelikula sa sobrang enggrande. Kahit ang long table at dinner chairs ay napakagara. Of course, the food is like a feast of the Queens and Kings. Gustuhin niya mang kumain ng marami ay hindi niya naman magawa. Bukod sa hindi siya marunong gumamit ng eating utensils ng mayayaman, napakabigat din ng tensiyon sa paligid. "So... Kailan pa kayo naging magkasintahan? Valerie never told us that Enzo has already someone he loves. We're very sorry to almost ruin your relationship," ani Soledad Huesca. Napatikhim siya, hindi alam ang isasagot. Kung susumah

    Last Updated : 2022-03-26

Latest chapter

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 33

    HOPES“Kamusta, Ate Maya? Maganda ba sa Tagaytay?” tanong ni Derlyn.After their short vacation and supposed “honeymoon”, which unexpectedly happened, they got home completely on different status. She was bombarded with questions after everyone noticed something different between her and Lorenzo. Ang nakakaginhawa lang doon para sa kaniya ay nawala na ang mga bisita. Nang makauwi sila ay tahimik nang muli ang buong mansiyon. “Maganda naman. Ang ganda ng mga beach doon.”“Patingin naman ng pictures, Ate Maya. Kahit sa pictures na lang at makita ko,” pamimilit ng batang kasambahay.Napaisip siya nang ilang sandali bago ito pinagbigyan. Kinuha niya ang phone at unang bumungad ang kaniyang wallpaper na litrato nila ni Lorenzo. Nakapikit siya habang nakahalik ang lalaki sa kaniyang pisngi. Narinig niya ang impit na kilig ni Derlyn sa kaniyang tabi. Samantalang siya nama’y nagulat na makita iyon. Paanong nag-iba ang kaniyang wallpaper? Did Lorenzo changed it without her knowing? Moreover,

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 32

    REAL Natigilan siya sa mga salita nito. Tila namingi siya ng ilang sandali bago niya pinilig ang ulo. Lasing lang ito. Hindi nito alam ang sinasabi. Ipinagpatuloy niya pagpupunas sa lalaki. Nahihirapan siya sa ginagawa dahil sa nakaupo ito. Pinigilan nitong muli ang kaniyang kamay at marahang hinalikan. She felt an electrifying sensation travelling from her hands to her whole body. “Maya, I love you,” ulit nito. Her heart beat crazily. Tila kakawala na sa kaniyang dib-dib. She was so nervous that she can’t find the right words to answer him. “L-lasing ka. Lorenzo, nasa ilalim ka ng droga, okay? Huwag kang magsalita nang hindi mo alam,” aniya at napaiwas ng tingin sa lalaki. “Hindi ako lasing. Totoong mahal kita. It was actually you even before. I was looking for you for so long. You’re that little girl from long ago.” Lorenzo cupped her face and looked at her with a longing look. Lasing na nga ito. Kung ano-ano na ang pinagsasabi. “Lorenzo, matulog ka na—" “Look at me, Maya. D

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 31

    LOVE Napakagat siya nang labi habang nakaangkla ang braso kay Lorenzo. Her lips are swollen from their long kiss earlier. Halos hindi siya tantanan ng lalaki. Kung hindi pa niya pinilit ito na kailangan na nilang umalis dahil may pupuntahan pa silang importanteng banquet ay baka buong gabi na silang naghalikan. Eyes turned to them when they entered the banquet hall in Luz De La Luna Resort and Hotel. It's not like a typical resort and hotel. It's rather grand and imperial. The guests were all wearing their formal gowns and tuxedos. It was unusual knowing that the sea is just few meters from the place. Kitang-kita ang ibang mga turista na naroroon pa rin sa dalampasigan kahit gabi na. There are cottages and coconut trees around. Almost the same to Boracay. "Mr. Tanaleon! Glad that you came!" a man in 50s with visible stubble approached them, a woman is beside him and she assumed it's his wife. "Of course, Mr. and Mrs. De La Luna. We won't decline your invitation." Propesyunal na n

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 30

    YOU Tomorrow can’t really be pre-determined. And he’s more unpredictable like the future. She’s torn between trusting him or following her own mind instincts. Valerie: Maya, I just want to ask if he has agreed to meet me? Tanong iyon ng babae matapos ang ilang araw nang mag-usap sila sa kompanya. Halos araw-araw siya nitong kinukulit ng tungkol doon. As usual, she replied the same thing. To Valerie: I’m sorry po, Ms. Val. Hindi pa ako nakakatiyempo. Pero huwag po kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para pumayag siya. Lorenzo didn’t give her a clear answer to her plead but he never said he wouldn’t too. Hindi niya pa ito natatanong muli matapos ang araw na iyon. Iniiwasan nitong umabot sa babae ang kanilang usapan. He will always try to make a way to shift their conversation. Hindi niya na ito kinukulit dahil na rin sa naging abala ang kanilang linggo. Don Lorenzo has successfully discharged from the hospital. Sinalubong nila ang pag-uwi nito, even Lorenzo’s relatives were st

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 29

    PLEASE Mabilis siyang napatayo nang lumapit ito. Why is she here? Maayos na ba ito? Hindi niya pa ito napapasalamatan sa pagligtas nito sa kaniya. “Maya…” Napatitig siya sa babae na tuloy-tuloy ang pagpasok sa opisina. Valerie’s high heels were excruciatingly painful in her ears. She’s wearing a long fur coat with a body hugging black dress inside. Her hair is bouncing with her every step. A million-worth bag is hanging in her arms. She has a light makeup that complimented her fair skin. Hinubad nito ang aviator na tumatabon sa mga mata. “I’m sorry, Maya. I didn’t know you’re working here,” anito at nahihiyang nakatayo sa kaniyang harap. “Walang kaso, Ms. Valerie. Maupo ka,” inilahad niya ang sofa. Napatingin roon ang babae bago bumaling sa kaniya at ngumiti. Naupo rin ito at sinampal na naman siya ng hindi mapantayang agwat mula sa babae. “I’m sorry for my sudden visit. Malapit lang kasi rito ang shooting namin kaya… dumiretso na ako.” Napatango siya, hindi niya alam kung ano

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 28

    HARD Sobrang sama ng kaniyang pakiramdam sa kanilang pag-uwi. She can’t help having the thoughts running through her mind. Masakit pa rin palang marinig sa iba. Pinilig niya ang ulo. Hindi siya iiyak. Those petty things are already certain. She shouldn’t get affected. Nagpaalam sila matapos ang mahabang gabi. Pagod na agad siya. Walang lakas para magalit sa lalaki. “What’s wrong? You’re sleepy?” tanong nito sa kaniya nang iwasan nito ang kamay ng lalaki. Napasandal siya sa bintana ng kotse at ipinikit ang mga mata. Paraan niya lang ito upang hindi sila magkausap. Her whole mood is ruined. Ayaw niyang sumbatan ito lalo na’t wala naman talaga itong tungkulin na alamin ang mga nararamdaman niya o kahit aluin siya. Hindi nito kailangang magpaliwanag. Buong biyahe ay pagtango lang at pag-iling ang sagot niya sa lalaki. Why is she feeling this anyway? Gusto niya ba ito? Hindi naman, ‘di ba? Ginagawa niya lang ito dahil sa batang nasa kaniyang tiyan. O talagang tama si Rosell? Nahuhulog

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 27

    HURT Her breath hitched as they entered the meeting room. She already expected this much pressure. Isa talagang malaking pagkakamali ang pumasok siya roon. Big personalities were sitting on the conference table. Nakapalibot ang table na ito sa malaking kwarto. May mga name plate sa harap, kinikilala ang mga pangalan at posisyon ng mga ito sa Tanaleon Empire. Hindi nawala ang mga in-laws niya sa papel na sina Señor Lorenzo II, ang Vice Chairman at ang asawa nitong si Ruella Tanaleon, isang shareholder. Only Victor Huesca is there to represent the Huesca Hotels. Maaaring inaalagaan pa ngayon ni Soledad Huesca ang anak nitong si Valerie sa ospital. Hindi niya kayang isa-isahin ang mga tao sa loob. Masiyang mabigat ang mga mapanuring tingin ng mga ito at natatakot siyang may ma-offend kung titignan pa niya ang mga ito. Darica Corpuz is present as the Vice Director of the company. Nakatayo ito sa gitna sa tapat ng microphone at nagsasalita ngunit natigilan lang nang pumasok sila. Some

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 26

    INNOCENT Naliliyo si Maya sa tagal ng kanilang halikan. Lorenzo keeps on nibbling her lips and sucking her tongue. Hindi siya makahinga sa ginagawa nito. Hanggang saan aabot ang kanilang halikan? Hindi naman nila siguro gagawin ang ‘bagay’ na ‘yon, ‘di ba? Naalala niya ang sabi ng doktora sa klinikang kaniyang pinag-checkup-an. Her baby is very healthy, no complications in her pregnancy. So, sex is allowed. It would help her improve her sexual arousal. Hindi niya raw kailangang pigilan ang sexual drive dahil maganda ang epekto niyon sa kaniya. Ano ba itong iniisip niya? Hindi pa rin pwede! Bakit ba siya gumagawa ng rason? Gusto niya talagang umabot sila sa ganoon? She got flustered the moment he grinded his hard-on on her crotch. Kahit ang sumasagabal na tela ng kanilang mga gitna ay kinilabutan siya sa kakaibang dulot nito. She can’t imagine what they did that night. How does it feel? Hindi niya matandaan. Sakit lang yata ang nakuha niya at ngayon itong bata sa kaniyang tiyan. Mu

  • Under The Same Moonlight   Kabanata 25

    CUDDLE Tahimik siyang nagpaalam kay Rosell matapos ang umagang iyon. Halos ayaw rin siyang pakawalan ni Kael. Kung hindi pa ito pinagsabihan ni Rosell ay baka magtagal pa ang pagpapaliwanag niya rito na kailangan na niyang umuwi. “Sasama ka pa rin sa lalaking ‘yon, Maya? Halatang nag-away kayong dalawa. Pansin ko ang lamig ng. Paano kung may gawin siya sa’yo, Maya? Paano kung saktan ka niya? He’s ruthless and impatient.” “Ano ka ba, Kael? Natural lang na sumama si Maya kay Lorenzo. Mag-asawa silang dalawa at nasa iisang bahay nakatira. Huwag ka nang makialam sa buhay nila.” Agad niyang napansin ang lungkot na bumalatay sa mukha ni Kael. Binalingan siya nito at nakitang napalitan ng disappointment ang mga mata nito. “Pasensiya na, Kael. Pero sasabihin ko sa’yo ‘to ulit. Sana ay respetuhin mo ang desisyon ko. At tama si Rosell. Problema namin itong mag-asawa.” Hindi na nagsalita pang muli si Kael. She used that chance to say goodbye to them. Kanina pa kasi naghihintay si Lorenzo sa

DMCA.com Protection Status