“It hurts because it matters.” – John Green Chapter 20 2 weeks later Masayang masaya ako ngayon dahil makakalabas na ang anak ko, normal ang anak ko at walang kapansanan at laking pasasalamat ko dahil tinupad ng panginoon ang hiling ko sa kanya. Ang maliit noon na katawan ng anak ko ay medyo tumaba na, breastfeed si Zoe kaya madali siyang tumaba at tsaka puro gulay ang kinakain ko kaya lahat ng sustansya napupunta kay Zoe. Wala na akong balita kay Sandro, hindi na siya tumawag, merong nagpapadala ng pera samin weekly, tinatanggap ko iyon dahil hindi ko inuuna ang pride ko, inuuna ko ang kapakanan ng anak ko. I smiled nang tinignan ko si Zoe, buhat ko siya ngayon at kasama ko si Sherlyn sa lake house. Dito muna kami tutuloy ni Zoe hanggat wala pa akong ipon, pag makaipon na ako, ibabalik kotong bahay kay Sandro. Sa ngayon, kailangan ko munang unahin ang kaligtasan ng anak ko. "Ang gandaaa" tuwang sabi ni Sherlyn habang nilalaro si Zoe, kahit maliit palang anak ko, klaro
“Disappointment hurts more than pain.” – Unknown Chapter 21 "Bili na po kayo ng isda" sabi ko. Eto na ang sitwasyon ko ngayon, heto lang ang naisip kong paraan na trabaho para madala ko si Zoe. Hindi ko sinabi kay Sherlyn na ito ang trabaho dahil panigurado akong hindi ito papayag. Sinabi ko lang sa kanya na may kumuha sakin sa isang shop at napaniwala ko naman. Pansamantala parin kaming nakatira sa apartment ni Sherlyn at pinapangako kong babayaran ko siya pag makaipon na ako. Andaming tao ngayon kaya marami akong naitinda. "Miss ang ganda ganda mo, bakit ka nag titinda ng isda? At tsaka anak mo ba iyan?" tanong ng isang matanda. "Mahirap kasi buhay nay, oo anak ko po eto" sabi ko at ngumiti. "Napakagandang bata, mukha naman kayong mayaman, hindi nga ako makapaniwala na nagtitinda kalang dito" sabi niya, ngumiti lang ako. Andami nang nagsabi sakin ng ganyan, at parati rin nilang pinupuri si Zoe dahil mukhang foreigner daw ang anak ko, di nila alam na may lahi talaga ito
“Our prime purpose in this life is to help others. And if you can’t help them, at least don’t hurt them.” – Dalai Lama 1 year later Malapit nang mag two years old si Zoe at nakakalakad narin ito. Sobrang pagod narin ng trabaho ko sa panininda ng isda at pagsasideline. Nalaman narin ni Sherlyn ang trabaho ko at nong una ay panay ang pagtigil niya sakin sa pagtrabaho pero sumuko rin siya dahil hindia ako pumapayag. Nakaalis narin kami ni Zoe sa apartment ni Sherlyn, kasi baka dahil samin kaya di nagkakajowa iyong babaeng iyon dahil wala na siyang privacy. Nakakapagod ang trabaho ko, buti nalang pag walang trabaho si Sherlyn ay siya ang nagbabantay kay Zoe at minsan rin si Noah. Oo, naging close kami ni Noah pero magkaibigan lang talaga ang turing namin sa isat isa, minsan dinadala niya si Zoe sa kanilang mansion para ilaro kay Jace, at pumapayag naman ako dahil I trust him. Kasalukuyan akong nagtitinda ng isda at tulog si Zoe sa tabi ko, bumili ako ng maliit na crib na may tak
“Nothing else wounds so deeply and irreparably. Nothing else robs us of hope so much as being unloved by one we love.” – Clive Barker Chapter 23 I looked in the mirror, sobrang putla ko na, siguro dahil hindi ako nakakain ng maayos. Ayaw kong mag alala mga kaibigan ko kaya naglagay ako ng lipstick para di na ako maputla tignan. Iyong mga pasa ko, hindi parin nawawala. Hindi naman masakit ang mga pasa ko kaya nagtataka ako bakit ito nandito. Siguro dahil na ito sa sobrang pagod ko, sobrang pagod na talaga ng katawan ko pero wala akong choice kundi magpatuloy para sa anak ko. I sigh at nag ready na para sa paninda ko. Nilagay ko ang mga gamit ni Zoe sa bag at pumunta na kami sa palengke. Mabilis nabili ang mga paninda ko kaya I decided na ipasyal si Zoe at bilhan ng ice cream, minsan lang ito nakakakain ng ice cream. Nakita ko ang isang ice cream cart kaya pumunta ako don habang dala si Zoe. The most unexpected thing happen, I saw them. Muntik na malaglag ang puso ko, I saw S
“If you spend your time hoping someone will suffer the consequences for what they did to your heart, then you’re allowing them to hurt you a second time in your mind.” – Shannon L. Alder Chapter 24 "Hayaan mo nalang kami at bumalik kana sa asawa mo" sabi ko sa kanya. "Hindi ko benenta ang lake house Faye at parati rin ako nagpapadala sa inyo ni Zoe, sabi sakin ng tauhan ko, hindi na niya kayo mahanap" pagpapaliwanag niya sakin. Eh ano naman ngayon? Hindi parin mabubura sa isipan ko ang ginawa niyang pananakit sakin at ang pag iwan niya samin ng anak niya. "Wala na akong pakealam sa sasabihin mo, pagod na ako" mahinang sabi ko. "Patawarin mo ako Faye, wala talaga ako sa isip nong ginawa kong pag iwan sa inyo" sabik na sabi niya, I laugh mentally. Wala sa isip? Hindi ako naniniwala dahil choice niyang saktan ako at iwan kami. "Magsusustento ako kay Zoe, hayaan mo naman akong makabawi" sabi niya. Ganon lang ba talaga kadali iyon? Kahit mamatay pa ako sa pagtatrabaho, wala n
“It is not the pain. It’s who it came from.” – Drishti Bablani Chapter 25 "Faye, I have to tell you something" seryosong sabi niya. I nodded my head "Dalian mo Sandro, wala akong oras para dito" galit na sabi ko. "Hindi ako ang nagbenta sa lake house, at tsaka iyong mga pera na pinapadala ko ay si mama ang kumukuha, kinausap niya ang tauhan ko na gawin iyon. Please maniwala ka" deep inside, gusto kong maniwala sa kanya pero kahit totoo man ang sinasabi niya, hindi parin mababawi ang sakit na binigay niya samin. "Eh ano naman kung totoo iyan Sandro? Mababago mo ba lahat? At tsaka iniwan mo kami diba? Kahit ano pang excuses mo, kasalanan mo parin lahat Sandro." galit na sabi ko sa kanya at tumayo. Wala nang makakabago sa isip ko kahit ano pang gawin niya. "Faye, kailan mo ba ako mapapatawad?" malungkot na tanong niya. "Hindi na Sandro, hindi na kita mapapatawad kaya umalis kana sa buhay namin" galit na sabi ko at iniwan siyang mag isa. Hindi na niya ako napigilan. I wipe
“Some old wounds never truly heal, and bleed again at the slightest word.” – George R. R. Martin Chapter 26 Nakita ko si Britanny and she looks so angry, ayaw ko na talaga ng drama. Dahil kay Sandro, nadadamay na ako sa mga drama nila. Alam kong dahil sa divorce nila kaya siya pumupunta dito. Gusto ko lang naman na maging peaceful ang buhay namin ni Zoe pero ayaw talaga kaming tantanan ni Satanas, parati siyang umi epal sa buhay namin. Napakamalas ko talaga sa buhay. "What did you say to him huh? Why is he asking for divorce?" galit na tanong niya, at siya pa talagang may karapatang magalit samin eh siya ang nang agaw. Napakakapal ng mukha ng babaeng to. Kung di lang sana mahaba ang pasensya ko, nasabunutan ko na sana siya. "Tanungin mo ang asawa mo, wala akong sinabi sa kanya at wala din akong balak na balikan siya" mahinahong sabi ko sa kanya. She looked at me in disgust, noon ay akala ko mabait ito pero mukhang nagbago na, basta talaga nagmamahal ka, magbabago ka. Ano kay
"Never does the human soul appear so strong as when it forgoes revenge," the poet once wrote. It's been a week at naging sobrang sweet ni Sandro sakin, hindi ko parin siya sinasagot. Okay narin kami ni Noah at nag usap na kami, nagagalit si Sandro kapag magkasama kami kay Noah pero di ko siya pinapansin, di niya mahahadlangan ang pagkakaibigan namin ni Noah kahit anong gawin niya. Mabuti nalang at nagiging mabuting ama si Sandro kay Zoe at dinadala niya din ang anak nila ni Britanny na si Sophia, okay lang naman sakin, wala namang kasalanan ang bata kaya di na dapat idadamay pa. Umuwi na si Britanny sa US, sabi niya babalik siya para dalawin ang anak niya, sa ngayon daw kasi, sobrang masakit pa ang makita niya si Sandro kaya lalayo na muna siya. I really feel bad for her pero that's life, mas grabe ang padudusa ko. Pinalipat narin kami ni Sandro sa lake house, sabi niya sakin pinagsabihan niya ang ina niya about sa pagsisinungaling niya. Kahit nakatira na kami sa iisang bubong ni S