Maricar POV:Abala ako sa paghahanda ng mga damit na susuotin ng dalawa para sa pagpasok nila bukas, nang makarinig ako ng sasakyan, na ang akala ko ay si Nathan na ang dumating. Laking gulat ko nang pag dungaw ko sa bintana makita ko na sasakyan pala nila Mama. Na bumisita nang hindi inaasahan sa ganitong dis oras na ng gabi, kaya't agad kong iniayos ang bahay at siniguradong hindi makalat habang hind pa sila nakakapasok."Maricar?!!" ang pag tawag na ni Mama"Mama...Ate Carol?!" Nakangiti akong lumapit sa kanila, at handang magmano kay Mama, ngunit sa halip ay natanggap ko ang manipis na titig niya, kasabay ng pag-iwas ng kanyang kamay. At dire- diretso lang silang dalawa sa sala."Tssk!!" narinig ko din kay Ate Carol at matalim na tingin naman ang pinukol niya sa akin.Naramdaman ko ang bigat ng kanilang mga tingin, na mas lalong nangilid ang kaba sa aking dibdib, ngunit pinilit kong panatilihin ang aking ngiti, kahit na ang kanilang mga reaksiyon ay nagdulot ng dagok sa aking damd
THIRD PERSON:Habang siya ay nananatiling matatag, may mga tao naman na gumagawa ng paraan para mapaalis siya at saktan siya, hindi man sa pisikal na paraan, kundi sa pamamagitan ng emosyon; ang kanilang mga salita at kilos ay puno ng layuning pabagsakin siya, animo'y mga patalim na naglalaslas ng kanyang damdamin at nag-iiwan ng mga sugat na hindi nakikita ng mata ngunit ramdam hanggang sa kaibuturan ng kanyang pagkatao."Naku naman hija nag abala ka pa." wika ni Ginang Emelia ngunit ang kangyang m,ga mata ay halos kuminang sa kakatitig sa dalawang bag sa harapan niya."Maliit na bagay lamang po ito.""Isang Louis Vuitton na bag at channel!! My God ang mamahal ng mga ito Ericka!!" ang hindi mapigilang reaksyon ni Carol habang hinahaplos ng kanyang mga palad ang bag"Talagang bang para sa amin tong mga ito?!"Nakangiti at bahagya naman itong tumango"Kamusta po pala.. ano sabi ni Maricar pag punta niyo po doon?"Nagka tingin naman ang mag ina."Ayon.. mukha atang walang balak na umali
THIRD PERSON:"Ma?!""Hmm?!"Napabuntong hininga muna ang dalagita, tila ba may bigat sa kanyang dibdib na hindi kayang alisin ng simpleng paghinga lamang.Ang pagsulyap ni Eunice sa malaking larawan ng kanyang ina at ama na nakakabit sa pader ng kwarto ay nagdulot ng halong lungkot at galit sa kanyang puso. Nakatitig siya sa mga ngiti ng kanyang mga magulang, na tila ba hindi na nagpapakita ng anumang kulay ng saya sa kasalukuyan. Ang mga alaala ng masayang pamilya ay nagbalik sa kanyang isipan, nagdulot ng sakit na hindi niya kayang tumbasan. Ngunit sa kabila ng lahat, ang kanyang ina ay nagpapatuloy sa laban, patuloy na nagsusumikap, at nagtitiis alang-alang lamang sa kanilang pamilya. "Ngunit hanggang kailan siya ganon? Hanggang kailan siya magtitiis?" Ang paulit-ulit na mga tanong na bumabalot sa isipan ni Eunice ay walang tigil na umaalingawngaw sa kanyang utak."Hanggang kailan ka po magtitiis?" biglang napahinto naman sa pagsusuklay ng buhok ang kanyang ina, halatang nagulat s
THIRD PERSON:Ang akala niya ang pag-uwi ni Nathan ay ang pag-aayos nilang mag-asawa at ano man ang mangyayari handa siyang mag patawad at bigyan ng pagkakataon si Nathan upang makapag simula ulit sila. At ang pagpapaliwanag sa kanyang mga katanungan ay masasagot nito, ngunit hindi pala. Dahil ang buong desisyon na ni Nathan ay mismong ikakasira na ng kanilang pamilya at ang ipagpatuloy ang kanilang relasyon ni Ericka. Isang bagay na hindi niya kailanman inasahan na mangyayari, lalo na't umaasa siyang magkakaroon pa sila ng pagkakataong muling magsama at magkasundo at magsimula muli.Maricar POV:"Mama, si papa dumating na po!!" ang masayang sigawan naman ni Jacob at Jerald habang nag tatalon pa nga itong naka dungaw sa may bintana. Halos hindi mapakali sa kanilang tuwa at sabik na makita si Papa na matagal nilang hindi nakasama.May kung anong kumurot naman sa puso ko habang pinapanood silang dalawa, kung gaano sila kasaya sa pag uwi ng kanila Ama. Samantala ang dalawa kong babae nam
Maricar POV"Bakit naman di ka nagsasalita na ito na pala ang pinapasan mong problima Maricar?!!" Nagagalit ngunit naandoon ang pag aalala sa kanyang boses na panenermon sa akinAkong pilit ngumiti na lamang sa kanya, hindi na ako nag kikwento sa kanya simula nung na nahuli ko si Nathan at ang kalaguyo nito sa office niya... At ito na datnan niya na lang akong nag iimpake. Pag katapos ng pag uusap namin ni Nathan at ng mapirmahan ko ang papeles agad din itong umalis."Sa akin na hmm.... sa akin kana tumira tutal naman umuwi sila mama ng probinsya kaya wala akong kasama doon."Tumango na lang, ang biglang pag yakap niya naman sa akin.... "Sige lang umiyak ka na.... umiyak ka pleasee Maricar!!" Pag susumamo nitong siyang umiiyak na nga dinAng mga luha kong may sariling mundo at sumunod naman sa utos ni Lisa... "Huhuhu Lisa!!.... wa....la... na ngang.... pag..asa mag bago ang lahat!!"Ang mga salita ko'y parang mga bubog na lumalabas sa aking bibig, kasabay ng pag-agos ng mga luha na mat
Maricar POV:Habang nagsisimula kaming mag-iinang mag-ayos ng mga gamit sa bago naming munting kwarto, naramdaman ko ang kakaibang katahimikan na para bang nagbibigay ng bagong simula. Ang bawat sulok ng silid ay nagbibigay ng bagong atmospera, ngunit ngayon ay magsisilbing bagong tahanan para sa aming mag-iina. Habang binubuksan ko ang mga maleta at inilalagay ang mga gamit sa kanilang mga bagong puwesto, hindi ko maiwasang mapansin ang mala-emosyonal na alon ng mga alaala at pag-asa na bumabalot sa akin. Ang tunog ng pag bukas ng zipper na nabubuksan at ang kaluskos ng mga paa namin sa sahig ay nakakapanibago dahil mula sa tiles na dati'y inaapakan ko ngayon ay gawa sa kahoy, isang bagay na may kakaibang tunog at pakiramdam. Ngunit nagsasabi na sa wakas, natagpuan na namin ang lugar kung saan maaaring muling magsimula, maghilom, at magtayo ng mga bagong pangarap at alaala kasama ang mga anak ko di man kumpleto pero sisiguraduhin kong makukuha ko din sa kanila sila Lyca at Eunice. Ka
THIRD PERSON:Habang si Maricar ay nagbabasakaling makahanap ng trabaho, meron namang mga tao na nagbubunyi sa kanyang pagkaalis sa bahay. Ang biyenan ni Maricar na si Emilia at ang anak nitong si Carol ay nag-uusap sa sala."Buti naman at naisipan ng umalis dito ang payatot na iyon!" Wika ni Emilia habang nakangiti at may kasamang pag-iling."Kaya nga, Mama. Ang arte pa kasi talagang inantay niya pa si Nathan na ilahad sa kanya ang divorce papers, tsk!" sagot ni Carol na may bahid ng kasiyahan sa kanyang boses."Ay nga pala, Mama, alam na ba ni Ericka ang tungkol dito?" tanong ni Carol habang naghahanda ng tsaa para sa kanilang dalawa."Hmm, malamang alam na din non," sagot ni Emilia habang umiinom ng tsaa. "Alam mo naman si Nathan, matagal nang gusto si Ericka. Siguro ngayon na wala na si Maricar, mas magiging madali na ang lahat."Napangiti si Carol at umupo sa tabi ng kanyang ina. "Tama ka, Mama. At least, ngayon mawawala na ang tinik sa ating mga lalamunan. Hindi ko talaga mainti
THIRD PERSON:Masaya silang nagbubuo ng kanilang mga plano kasama si Ericka at masayang pinagtatawanan ang pagkatao ni Maricar, habang ang dalawang bata ay umiiyak na nasasaktan sa mga salitang naririnig tungkol sa kanilang ina."Ate, umalis na talaga sila Mama," malungkot at umiiyak na sabi ni Lyca sa kanyang ate Eunice."Tahan na, wag ka nang umiiyak. Ang mahalaga, malaya na si Mama sa mga ugali nilang tatlo... makakapag-umpisa na si Mama. Nangako naman si Mama na kukunin niya tayo dito kapag okay na ang lahat," sabi ni Eunice habang inaalo nito ang kanyang kapatid. "Kailangan lang natin magtiwala at maghintay. Magiging maayos din ang lahat.""Eh, bakit ba tayo nagpaiwan? Pwede naman tayong sumama kay Mama, diba?" tanong ni Lyca habang patuloy na umiiyak."Hindi pwede dahil mahihirapan pa mag-umpisa si Mama dahil sa mga gastusin nating dalawa sa pag-aaral. Sa tuition pa lang natin, di na kakayanin ni Mama. Kaya tiis-tiis lang, Lyca. Makakasama din natin sila. Hayaan muna natin makap
THIRD PERSON:Matapos ang matinding rebelasyon, agad na inutusan ni Don Sebastian si Alejandro na iuwi muna si Maricar sa mansion. Alam niyang kailangang mapag-usapan at maipaliwanag nang maayos ang lahat ng nangyari. Sa gitna ng tensyon, walang nagawa si Maricar kundi sumunod, habang si Nathan ay nanatiling tahimik, pinagmamasdan ang paglayo nito. Hindi maitatanggi ang lungkot at panghihinayang sa kanyang mga mata, ngunit batid niyang wala na siyang magagawa upang baguhin ang sitwasyon.Samantala, si Don Rafael ay pilit na ikinukubli ang kaguluhang idinulot ng kanyang anak. Sa kabila ng kahihiyan, pinanatili niya ang maamong anyo at mahinahong boses habang humihingi ng paumanhin sa mga bisita. Alam niyang kailangang mabilis na mapagtakpan ang eskandalo upang hindi lumala ang sitwasyon at maapektuhan ang kanilang pangalan."Don Sebastian, isa lamang itong hindi pagkakaintindihan at—"Hindi na niya natapos ang sasabihin nang itaas ni Don Sebastian ang kanyang kamay—isang tahimik ngunit
THIRD PERSON:Habang nagkakagulo sila, sina Don Rafael, Carol, at Emelia ay tila hindi makagalaw sa kanilang kinatatayuan. Walang balak na lumapit kila Ericka at Nathan, at bakas sa kanilang mga mukha ang pagkabigla, hiya, at isang hindi maipaliwanag na takot. Para bang sa isang iglap, lahat ng itinago nilang lihim ay maaaring sumabog anumang oras. Si Don Rafael ay napatingin kay Carol, na bahagyang napayuko, habang si Emelia naman ay mahigpit na napakapit sa kanyang mga kamay, wari’y may iniisip kung paano makakalabas sa sitwasyong ito nang hindi nadadamay."Bantayan niyo ng maigi si Maricar," utos ni Don Sebastian sa isang tauhan.Samantala, marahang hinawakan ni Alejandro ang kamay ni Maricar at mahinang bumulong, "Halika na, Maricar." Para hindi na siya madamay pa sa gulo.Napatango na lamang si Maricar, ramdam ang pag-aalalang bumabalot sa paligid. Ngunit bago pa man siya makatalikod upang iwan sina Ericka at ang gulong nilikha nito."Teka!! Saan ka pupunta, bruha!!" sigaw ni Eri
THIRD PERSON:Abala si Don Sebastian sa pakikisalamuha sa kanyang mga bisita. Ang kanyang postura ay mahinahon ngunit puno ng awtoridad, isang tunay na simbolo ng isang makapangyarihang tao. Sa kabila ng kanyang kakayahang magdala ng isang silid na puno ng respeto at paghanga, may bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon nang masulyapan niya si Maricar mula sa kabilang panig ng bulwagan.Humugot siya ng malalim na pag hininga, tila iniipon ang lakas ng loob na kinakailangan upang harapin ang katotohanan na matagal niyang iniiwasan. Ang dalaga—na naging dahilan ng kontrobersiya at lihim sa kanyang pamilya—ay ngayon nakatayo sa harapan niya, hindi na bilang isang estranghero kundi bilang kanyang kaisa-isang apo.Matapos ang ilang sandali ng pag-aalinlangan, tumayo si Don Sebastian...nang mas diretso, pinanatili ang kanyang dignidad at awtoridad. Sa kabila ng bigat ng emosyon na kanyang nararamdaman, naglakad siya nang marahan ngunit sigurado papalapit kay Maricar, handang ibigay ang ka
THIRD PERSON:Katulad ng isang eksena sa pelikula, umalingawngaw ang palakpakan sa buong bulwagan matapos ang nakakakilig at eleganteng sayawan nila Maricar at Alejandro. Ang kanilang chemistry ay hindi matatawaran, at malinaw sa lahat ng nanonood na mayroong espesyal na koneksyon sa pagitan nila."Ang galing niyo!" sabi ni Liosa, na halos mapatalon sa excitement habang papalapit kay Maricar. "Parang prinsipe’t prinsesa sa isang fairy tale!"Hindi pa man tuluyang humuhupa ang kasiyahan sa paligid, dumating na sina Francis at Miguel, kapwa gwapo at pormal ang mga bihis. Halatang pinaghandaan nila ang gabing iyon. Tumayo silang dalawa malapit sa mesa nina Liosa at Lisa, ang mga tingin ay puno ng kumpiyansa.Habang naglalakad ang dalawa papunta sa mesa nina Liosa at Lisa, hindi nakapagpigil si Lisa na magtaas ng kilay at magbigay ng mataray na puna. "Naku, dumating pa kayong dalawa," sabi niya nang sarkastiko, sabay irap sa kanila.Ngumiti si Miguel at lumingon kay Francis. "Ang sweet ta
THIRD PERSON:"Tingnan mo nga naman, andito din pala tong mga panget na 'to," biglang sabi ni Lisa, sabay irap at kumpas ng ulo sa direksyon ng mga tao sa kabilang bahagi ng ballroom. Napalingon naman sina Kathlyn at Liosa sa tinutukoy niya."Sino?" tanong ni Liosa, halatang nagtataka."Ayan, oh, yung nasa kabilang side na 'yan," sagot ni Lisa, sabay turo sa grupo nila Nathan na abala sa pag-uusap."Teka, sila ba yung mga nag-eskandalo sa shop dati?" tanong ni Liosa habang sinisilip ang tinutukoy."Hays, oo nga. Tingnan mo ang mga mata nila, tsk… halatang mga inggit. Mas lalo na sigurong maiinggit kay Maricar ngayon. Ang ganda-ganda na niya, naku! Buti na lang talaga wala ako nung panahon na nag-eskandalo sila sa shop niyo. Kung nagkataon, sabunot talaga abot sa akin ng mga 'yan," gigil na gigil na sabi ni Lisa habang halatang inis na inis sa grupo ni Emelia."Lisa, shhh! Tama na," mahinang awat ni Kathlyn, sabay hawak sa braso ng kaibigan. "Nakakahiya. Huwag ka namang masyadong maing
THIRD PERSON:Ang engrandeng event ni Don Sebastian ay ginaganap sa pinakamalaking ballroom ng isang prestihiyosong hotel sa lungsod. Ang lugar ay napapalibutan ng mga kilalang personalidad, mga politiko, mga bigateng negosyante, at mga sikat na artista. Nagliliwanag ang mga chandelier, at ang kanilang mga kristal na nakabitin ay nagtatapon ng sinag na tila mga bituin sa bawat sulok ng silid. Ang mahahabang lamesa ay punung-puno ng mga pinakamagarang pagkain at inumin, habang ang mga waitstaff na nakasuot ng maayos na uniporme ay walang tigil sa pag-aasikaso sa mga bisita.Sa kabila ng marangyang paligid, ang bawat isa’y tila sabik sa mga susunod na kaganapan.Nang dumating sina Maricar, tila nagkaroon ng alon sa karamihan. Ang pulang gown ni Maricar ay kumikinang sa ilalim ng ilaw, bumabagay sa kanyang maputing kutis at simpleng makeup na nagbigay-diin sa kanyang natural na ganda. Sa bawat hakbang niya, tila huminto ang oras; ang kaba na kanina’y makikita sa kanyang mukha ay napalita
THIRD PERSON:Sa isang sikretong lugar, nagtagpo sina Nica at Ericka sa isang upscale café. Tahimik ang paligid, at tila walang nakakakilala sa kanila sa pribadong sulok na iyon.Halatang maingat si Nica, suot ang malaking sumbrero at sunglasses, upang itago ang kanyang pagkakakilanlan. Si Ericka naman ay kalmado ngunit seryoso, nakaupo nang elegante habang hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Nica, tila binabasa ang bawat galaw nito.Tahimik ang paligid, ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay tila umuugong. Nangingibabaw ang presensy ni Nica ang pagkibot ng kanyang labi, ang pilit na pagpigil sa poot. Sa harap niya, si Ericka, na tila hindi naapektuhan sa eksena, kalmado habang iniinom ang kanyang kape. Ang kanyang mga mata, puno ng malamig na prangka, ay nakatuon kay Nica—tila nanghuhukay ng nakatagong lihim.“Akala ko ba, wala ka nang balak bumalik dito, Nica?” tanong ni Ericka, may halong panunuya. “Bakit ka pa bumalik sa Pilipinas? Hindi ba’t
THIRD PERSON:Pagkatapos nilang mamasyal sa park at masaya sa mga laro at tawanan ng mga bata, sinulit nila ang pagkakataon na mapaligaya ang bawat isa. Habang patuloy ang kasiyahan, hindi na nila pinalampas ang pagkakataon na pasyalan pa ang iba nilang gustong puntahan. Pumunta sila sa isang malaking mall kung saan sina Miguel at Francis naman ay walang humpay sa pagbili ng mga laruan para kina Jacob at Jerald. Ang kanilang mga mata ay kumikislap sa kasiyahan habang pinipili ang mga laruan na tiyak magpapasaya sa mga batang iyon.Samantala, sina Eunice at Lyca ay tuwang-tuwa sa mga bagong damit na kanilang nakuha mula kina Tita Kathlyn, Tita Liosa, at Tita Lisa. Hindi maipaliwanag ang saya sa kanilang mga mukha habang sinusukat ang mga damit na perfect na perfect para sa kanilang estilo at personalidad. Tila bawat piraso ng damit ay nagbigay sa kanila ng espesyal na pakiramdam, at ipinagmamalaki nila ito habang ipinapakita sa isa't isa. Para bang bawat item na kanilang nakuha ay nags
THIRD PERSON:"Napakaganda ng mga ngiti nila, hija," sagot ni Ma'am Elenor habang pinagmamasdan ang mga bata sa di kalayuan. "Pero ikaw, Maricar? Masaya ka ba talaga? Sa puso mo?"Biglang tumigil ang ngiti ni Maricar at napalunok ng bahagya. Ibinaling niya ang tingin sa malayo, sa mga anak niyang masayang naglalaro. "Ma'am Elenor, masaya ako... pero hindi ko maiwasan ang takot. Takot na baka mawala ulit ang ganitong saya.Hinawakan ni Ma'am Elenor ang kamay ni Maricar at hinaplos iyon nang may pagmamahal. "Hija, ang isang pusong puno ng pagmamahal ay hindi kailanman nagkukulang. Hindi sukatan ang yaman o ang kakayahan. Ang importante, andyan ka sa tabi nila. At higit pa sa mga materyal na bagay, ikaw ang kailangan nila."Napaluha si Maricar at bahagyang napangiti.Ngumiti nang malumanay si Ma'am Elenor at pinisil ang kanyang kamay. "Ang mahalaga ay ang pagmamahal mo, hija. Ang mga anak mo, nakikita nila 'yan. Nararamdaman nila. At lagi kang may suporta—mula sa akin, kay Kath, at kahit