"DITO ka na lang matulog. Walang ibang available na kuwarto," nahihiya pang sabi ko matapos papasukin si France sa loob ng aking silid. Ito lang kasi talaga ang pinakamaayos sa lahat. Inilibot pa niya ang kaniyang mga mata. Ang ipinagtataka ko, bakit wala man lang akong napansing pagkadisgusto sa mga nakikita niya. Parang normal lang sa kaniya ang lahat. Tumango at ngumiti pa. "Okay," malumanay niya pang tugon habang nakatingin sa akin. "So ito pala ang kuwarto mo rito, not bad." Naupo pa siya sa gilid ng kama at hinila ako patabi sa kaniya. "Sometimes, I'm curious about having a simple life. Nakakasawa ring puro magaganda at mamahaling bagay ang nakikita sa paligid."Nagulat pa ako sa tinuran niya. Magkahinang pa rin ang aming mga mata. Pilit kong binabasa ang isipan niya. At wala akong kaplastikang nakikita maliban sa malamlam niyang titig sa akin."B-Baligtad naman tayo," utal na tugon ko. Nagpapakatotoo lang. Marahil gano'n ang nararamdaman namin dahil sa magkaibang estado ng bu
"ANDAMI-DAMI mo namang pinamili," asik ko habang padabog na ikinakabit ang seatbelt."Bakit ba kasi pinoproblema mo 'yon?" kalmado at natatawa namang sagot ni France. Dumukwang pa siya sa 'kin para i-check kung tama ba ang pagkakakabit ng seatbelt ko bago niya ikinabit ang sa kaniya. Nakasimangot pa rin ako dahil naiinis talaga ako sa kaniya. Kung saan-saan pa kami pumunta para mamili ng kung anu-anong ipamimigay sa bahay. Hindi raw nagpapa-impress pero daig pa ang nagbibigay ng dote. Ipinangangalandakan talagang marami siyang pera."Tapos ano? Nakakahiya sa mga makakakita. Iisipin ng mga kapitbahay naka-jackpot kami. Lalo tuloy parang ayaw ko na bumalik sa bahay," reklamo ko pa. Kulang na lang magdikit na ang aking mga kilay."Bakit kasi iniisip mo ang sasabihin ng iba? Hindi ka naman ganiyan dati. Ang tapang-tapang mo nga. Kung ayaw mo nang umuwi sa inyo, eh 'di huwag. Idadaan ko na lang 'to kung gusto mo? Sa libing na lang tayo babalik?" May pilyong ngiti sa mga mata niya. Siyempre
DAHIL sem-break na sa school, marami-rami ang binaon ko. Halos lahat yata ng damit na nandoon dinala ko na. Wala naman siyang comment nang makita ang maletang bitbit ko kaya umalis na rin kami. Walang dala miski na isa si France maliban sa wallet at susi ng kotse niya.Excited pa ako habang nasa biyahe na kami. Panay lingon ko sa paligid sa pag-iisip na baka nandoon na kami. Ngunit dahil sa traffic, inabot kami ng halos dalawang oras bago nakarating. Pumasok kami sa isang pamosong subdivision na halos ikaluwa ng mga mata ko sa gaganda ng bahay na aking nakikita. Daig ko pa yata ang nasa Beverly Hills.Tumigil kami sa tapat ng isang malaking gate. Hindi kita ang loob sa sobrang taas ng bakod. Tatlong beses siyang bumusina at pinagbuksan din kami. Lalo akong hindi makapaniwala. Napakalaking bahay ang bumulaga sa akin. Este mansion na nasa gitna ng malawak na garden. Parang mall sa laki at unique architectural design. Napatingin pa ako kay France na pa-smirk na ngumiti sa akin nang magk
MATAAS na ang sikat ng araw nang magmulat ako kinabukasan. Nanusok agad ang mga labi ko nang mapagtantong wala na pala akong katabi. Dumeretso na lang tuloy ako sa banyo para maligo. Ang lagkit na ng katawan ko.Bumagsak pang lalo ang mga balikat ko nang paglabas ko ng CR ay wala pa rin si France sa kuwarto. Saan na kaya ang walanghiya? Alas-diyes na ng umaga at medyo gutom na ako. Ni hindi man lang ako ginising bago lumayas. Ni message wala ring iniwan sa akin. Binuksan ko ang walk-in closet niya at doon naghanap ng masusuot na damit. Hindi ko trip suotin ang mga pinagdadala ko. At kahit halos umabot na sa tuhod ko ang t-shirt niya ay pinilit ko pa rin. Kumuha pa ako ng boxer at i-t-in-uck in ang pantaas paloob. "Hmmm..." Okay namang tingnan. Nagpaikot-ikot pa ako sa harap ng salamin. Nag-praktis pa ng ngiti.Lumabas na ako ng kuwarto. Naaalala ko pa ang sinabi niya sa akin kagabi na bawal akong lumabas doon nang wala niyang pahintulot, pero hindi naman ako sumang-ayon na susundin k
"TAKBO pa," ani France habang nakasampay ang katawan ko sa kaniyang balikat. Nakahawak siya sa magkadikit kong mga hita habang naglalakad paroon sa likod ng mansyon. Wala akong nagawa kundi magpaubaya sa kaniya. Naabutan niya ako. Pero kung hindi lang ako natalisod, hindi mangyayari 'to."Ikaw kasi..." parang batang sisi ko sa kaniya. Aba, kasalanan niya naman talaga. Tinakot niya ako. Ayan tuloy, napatakbo ako. Nilaro-laro ko ang mga daliri ko sa may likuran niya. Hinila-hila pa ang tela ng kaniyang damit para amuy-amuyin. Ang bango-bango niya talaga."Ako na naman? Pinalalapit ka nga.."Pumasok kami sa isang pinto. Sa bungad pa lang ay amoy ko na ang mabangong pagkain. Alam ko na kung nasaan kami. Medyo nahiya pa ako nang pagtinginan kami ng mga katulong. Nakita ko pa si Aling Citas at ngumiti sa akin. Tipid ko siyang ginantihan.Makalipas ang ilang sandali ay inilapag niya rin ako. Ngunit hindi sa sahig kundi paupo sa isang mesa."S-Saan ka ba ga ---"Kusa akong natigilan nang makit
"KUMAIN ka nang kumain," mata sa akin ni France nang nagba-brunch na kami. Hindi ko kasi masyadong ma-enjoy ang pagkain kahit masarap naman ang luto at gutom na ako. Paano ba naman ay nasa tapat ko si Jean, masama pa rin ang timpla ng mukha. Kung ibang tao siya, hindi ko siya papansinin kaya lang, gusto ko kasi ang personality niya. May pagkakahawig kami maliban sa pagiging conservative niya. Kaibigan na rin ang turing ko sa kaniya kahit ngayon lang ulit kami nagkita. Inalagaan niya rin ako noon and I know how sweet and gentle she is. "Busog pa pala ako," naiilang na sabi ko. Sinabi ko naman kasing magpahatid na lang sa kuwarto ng pagkain, ayaw niya. Hindi tuloy ako makakain nang ayos. Sinisipa ko na nga sa ilalim para hindi na maging sweet sa akin, pero tuloy pa rin. Nainggit na naman tuloy ang isa. "Akala ko ba gutom na gutom ka na? Tapos --"Sinipa ko siyang muli, pinagdilatan pa ng mga mata."Bakit ba?!"Sa inis ko napatayo ako. Ano ba namang lalaking 'to? Hirap maka-gets."O, s
"A-ALAM mo, Shandy, sha totoo lang, inggit na inggit ako sha 'yo..." ani Jean na sinisinok pa sabay tungga sa basong pinuno nito ng alak. "H-Huwag kang mag-alala, Jean... a-alam ko naman matagal na..." aniko habang sinisinok-sinok din. Andami na naming nainom. Ilang bote na ang nauubos namin, iba-iba. Kung ano'ng bago sa paningin, sige kami bukas nang bukas. Natutuwa ako dahil nakahanap ako ng drinking buddy. Ang gaganda ng baso. Marami ring laman ang ref. Talagang naka-ready ang lugar na ito para sa inuman anytime. Iyong ice cream sa fridge ang ginawa naming pulutan nang maubos na ang mga pinaluto ko."P-Paano mo n-naman nashabi? Bakit... " Halos malugmok na si Jean sa mesa. Pareho na kaming nawawala sa sarili. "A-Alam mo b-ba... k-kung p-paano kami n-nagkakilala ng c-crush mo...?" nakangising tanong ko. Nakahilig na ang ulo ko sa mesa. Magkaharapan kami. Pilit na inaaninag ang isa't isa dahil parehas nang nanlalabo ang aming mga mata."P-Paano...?" Pinilit niyang patinuin ang sar
NAGISING akong parang binibiyak ang aking ulo. Nangangasim pa ang tiyan at hilong-hilo. Pagmulat ko ay mag-isa lang ako sa kuwarto. Pinilit kong bumangon at maglakad palabas. Nagugutom na ako. Atake pa ng hangover. Paano nga pala ako nakabalik dito?Wala akong maalala. Sobrang lango ko sa alak.Bakit kaya bigla akong kinabahan? Pagsilip ko sa malaking orasan sa gitna ng hallway pababa sa hagdan ay alas-singko na pala ng hapon. So maghapon akong nakatulog? Si Jean kaya, nasaan na? Gising na rin kaya siya?Nakahawak ako sa gilid ng hagdan habang bumababa. Pati ang France ko nasaan din? Sa sobrang gutom, dumeretso na ako sa kusina. Naupo agad ako sa harap ng mesa."Good afternoon, Ma'am Sandy. Ano'ng gusto niyong kainin?" agad tanong ng katulong sa akin."Pahingi ng kape tsaka kanin. Kahit anong ulam." Napaub-ob ako sa mesa. Ngayon lang ako nagka-hangover ng ganito. Hindi ako sanay. Sa bagay, iba't ibang klase ng alak ba naman ang nilaklak namin kagabi. Pasalamat na lang ako't ito lang a